Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[B2] Episode 3

💐

"Ang gago mo talaga, Inosencio!" bulyaw niya agad sa kabilang linya as soon as she left the restaurant and the bastard finally answered his phone. "Bakit mo pina-sub si Jarvis?! Of all people, yung ex pa ng bride mo. Adik ka ba?! KSP?! Ano?!"


She was fuming. Nagkaron kasi ng kaunting mishap when instead of Inno ay si Jarvis ang sumipot sa scheduled consultation meeting nila. Nakasalubong pa ni Naia ang  bruhang si Arya na siyang nasa likod ng infamous Easy A post sa UDSA Secret Files noon. Kung hindi lang talaga siya naunahan ni Naia ay siya na rin mismo ang susugod sa babaeng hipon na 'yon.


"Teka lang naman, Arabella. I don't know what the hell you're talking about," sagot naman agad ni Inno sa kabilang linya. "Pina-sub si Jarvis? Si Dos yung pinapunta ko diyan sa meeting. Not my brother."


"Si Dos?" bulalas niya. "Eh si Jarvis nga yung nagpakita dito! Wala naman akong reklamo sana because he's really good and participative pero, tangina naman. Hindi mo ba naisip si Naia? Mukhanh strong 'yon pero obvious naman na mahal niya pa yung kapatid mo. Alam naming hindi mo siya mahal pero wag mo naman i-torture yung fiancée mo!"


"Pwede ba pakinggan mo muna ako, Arabella?" ganting sigaw naman ni Inno. "Wala nga akong ideya kung panong si Jarvis ang bigla na lang sumulpot diyan. I was busy. I'll talk to Dos about this just fucking calm down!"


"Minumura mo ba ako?!" she raised her voice. "Aba, fuck you ka rin!"


"Hindi kita minumura! It was just an expression!"


Okay, they were arguing like kids but she was raging mad. Umiyak nanaman kasi si Naia and masakit 'yon para sa kanya. Ayaw niyang nakikitang nasasaktan ang mga kaibigan niya.


"Kahit na may mura pa rin 'yon, gago!"


"Bakit ako minumura mo rin naman ah!"


"Kasi kasalanan mo kung bakit umiiyak ngayon si Naia!"


"Bakit, sa tingin mo ba kontrolado ko rin emosyon ng kapatid ko?!" ganti nito na ikinatahimik niya. "Ano? Natahimik ka? Wag ako lagi ang sinisisi mo. Tingin mo okay 'tong sitwasyon sa'kin? Well news flash, Arabella. Tao lang din ako. I cannot be in two places at once."


"That's not what I'm saying!" Ibinagsak niya ang dalang gamit sa passenger's seat ng kanyang kotse. "Alam mong iba ang ibig kong sabihin, Inno. You should've just asked to reschedule kung hindi ka available. Or at least gave us a heads up!"


"Malay ko bang mangyayari 'yan. And you said okay naman nung una. Ano akala mo sa'kin, Diyos?"


She rolled her eyes. Nagsisimula nanaman kasi ito sa pamimilosopo.


"Whatever. Basta next time, ikaw dapat ang sumipot hindi yung kung sinu-sino na lang pinapadala mo. Ano 'to, papa-proxy ka din sa mismong kasal mo?"


"Now that you've mentioned it—"


"Inno!"


"I was just kidding!" depensa agad nito making her roll her eyes. Napaka talaga. "Kahit wala ako diyan, I can feel that you're rolling your eyes at me again. Patirikin ko 'yang mata mo pagnagkita tayo sige ka."


"Bastos ka talagang putang—"


"Siyempre hindi ko i-indiyanin si Naia, 'no," putol nito sa kanya. "Our families made a deal kaya hindi ko pwedeng sirain 'yon. I'm a man of my word. So can you please, calm down? Promise, hindi na mauulit uli ang nangyari. Pagsasabihan ko ang pabibong kapatid ko."


"You better. Kapag talaga pinaiyak niyo nanamang mga Montecillo ang kaibigan ko, makakatikim talaga kayo sa'kin," banta niya dito.


"Oo na. Oo na. Aalagaan ko ang kaibigan mo. At kahit di mo sasabihin, I won't do anything to hurt Naia," anito.


Bigla siyang nakadama ng kaunting kirot sa dibdib. Nagseselos ba siya?


Hindi. Ew.


"So ano? Tapos ka na ba sa panenermon mo sa'kin?" pukaw nito sa kanya. "Pwede na ko magtrabaho uli ng matiwasay?"


"Ewan ko sa'yo," singhal niya dito. "Basta ayusin mo 'to, Inosencio. Naia's been through a lot."


Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.


"Yes, Arabella," anito. "Sagot ko na si Naia. And again, sorry kung nangyari 'yon. Teka, kumain ka na ba? You sound tired."


"Galing ako sa restaurant, Inno. Ano pa bang ginagawa doon? Malamang kumain na ako."


"Malay ko ba kung nakiki-wifi ka lang 'don," pananaray nito. "Concerned lang naman. Bawal na ba 'yon?"


"Di ko kelangan ng concern mo."


"Eh di wag. Choosy mo. Ganda ka?"


Uminit nanaman bigla ang ulo niya dito.


"Oo. Choosy ako. Leche ka," bulyaw niya bago ito binabaan ng telepono.


She directed her attention sa daan. Papunta siya ngayon sa shop at doon niya na balak muna matulog. May shared condo naman sila ni Wes pero mas gusto niyang sa shop natutulog kapag ganitong may malaking project siyang hawak.


And yes, the Uychengco-Montecillo wedding is one of—if not, the biggest wedding she ever handled. Maganda rin ang magiging dulot ng kasalang ito if ever sa kanyang negosyo.


Pero bakit parang deep inside eh ayaw niyang matuloy iyon? Hindi lang dahil kay Naia but also... for her?


Inno and her never saw eye to eye. From the first time they met until ngayon, wala silang ibang ginawa kundi ang magtalo. At sa ugali nila pareho, walang gusto magpatalo. They were both good at arguing at lagi nila iyon na-aapply kapag nagkakausap sila. Kaya nga hindi sila siguro hindi sila bagay sa isa't-isa. They were both hotheaded. Blessing in disguise na lang siguro yung nakita niya itong may kalandiang iba kaya natigilan na siya sa pag-i-ilusyong pwede sila.


Pero ano kaya ang nangyari kung naging sila?


Umiling siya and immediately dismissed the thought. Pagod na talaga siya kaya kung anu-ano nanaman ang naiisip niya. She sighed.


May boyfriend ka, Yoon. You love Wes. Siya ang Mr. Perfect mo. Hindi si Inno.


Siguro.

💐


"Babe? Babe!"


Agad namang napabaling si Yoon sa kasama. Wes was staring at her confusedly from across the table.


"Hmm?"


"Are are you even listening, babe?" tanong nito as he touched her hand.


"Ah, sorry babe. Medyo napagod lang talaga ako today," paliwanag niya agad. "You were saying?"


"I was asking why you didn't tell me na Uychengco pala 'yung kaibigan mo," pag-uulit nito. "Anak pala si Naia ng big boss ko and I had no idea. Nakakahiya kanina hindi ko man lang nabati ng tama."


"I didn't think it would matter, babe," sagot naman niya agad. "Pasensya ka na."


Napabuntong-hininga ito bago siya nginitian.


"It's fine, babe. I was just shocked, that's all," anito as he gently squeezed her hand. "Hindi ko akalain that you have such powerful friends. Una yung mga mga Montecillo. Tapos ngayon naman mga Uychengco. Sila pa lang eh for sure you'd be able to build a network na makakatulong sa negosyo mo."


"Alam mo ang stand ko diyan, Wes." She pouted.


Magsisimula nanaman kasi itong magbigay ng lecture about how connections are everything when it comes to business etc etc. And she hated that. Ayaw niyang magmukhang manggagamit. Gusto niya ay makilala siya dahil nakikitaan siya ng potensyal—not because she's friends with the elite.


But Wes thinks otherwise. Dahil ang line of work niya daw eh kailangan ng referrals para mas makilala. Anong silbi ng mga Bridal Expos? Mga exhibit? Dun pa lang eh pwede na siya makahanap ng mga potential clients without any referrals. Okay din naman yung nirerefer siya ng mga kliyente niya sa mga kakilala but she prefers it more kapag dahil sa maayos sila magtrabaho kaya pinipili rather than dahil kaibigan siya ni ganito or ganyan.


"But babe, think about your business' potential. Sayang naman. You can expand at panigurado eh matutulungan ka ng mga kaibigan mo. They are your friends for a reason."


Nangunot ang noo niya sa sinabi nito.


"They are my friends because they are good people," saad niya. "I'm not like that. Hindi ako nakikipagkaibigan dahil lang sa koneksyon—"


Mukhang nagulat naman ang kanyang kasintahan dahil medyo tumaas ang kanyang boses.


"Babe, that's not what I meant," depensa agad nito. Iniwas niya ang tingin sa lalaki because clearly, she was offended. Anong akala nito sa kanya, manggagamit? Hell no.


Tumayo ito mula sa kinauupuan at tinabihan siya. Inakbayan siya nito and made her lean against him—like a side hug.


"I'm sorry if that offended you," malambing nitong turan. "Ang ibig ko lang naman kasi sabihin is that, your business would do much better if the Montecillos and Uychengcos give it a thumbs up. Ga'non naman talaga kasi sa business. But if you don't want, it's fine. Suggestion ko lang naman 'yon. Desisyon mo pa rin ang masusunod because it's your business."


Napatingin siya dito. Wes smiled at her as he gently ran his knuckles on her cheek.


"I'm sorry if what I said upset you," anito. "I won't push it anymore. I promise."


She smiled. Agad siyang yumapos sa boyfriend.


"I'm sorry din, babe if I raised my voice. Pagot lang talaga ako sa pagaasikaso ng kasal ni Inno at Naia," aniya na ikinatango lamang ng lalaki.


"It's okay, babe. Naiintindihan ko," sagot naman agad nito. "But I find it weird that they're getting married eh last thing I remembered eh sabi mo single si Inno? Nabuntis niya ba si Naia or something?"


"It's quite complicated," tugon niya. Kung iku-kwento niya kasi dito ang buong istorya eh baka abutin sila ng umaga. Plus the whole arrangement was between the families. Nagkataong alam lang nila ang buong kwento dahil kaibigan nila ito. "But I assure you, Naia isn't pregnant."


"Ga'non ba?" Tumango-tango lang ito. "I really thought that Inno was gay."


A lot of people does. Iba din kasi ang tabas ng dila ng isang 'yon. But no, he isn't gay. Sobrang prangka lang talaga nito. Di nanaman niya napigilan ang sariling matawa.


"You're not first person to say that," aniya sabay harap dito. "Is that why you never got jealous of him being around?"


"Why, may dapat ba akong ipagselos, babe?" balik nito. Meron nga ba?


Umiling siya.


"No babe," sagot niya agad dito. "Magkaaway kami actually. He gets on my nerves the same way I get on his. Pero confident naman akong sabihin na we're good friends."


Isa pa sa mga nagustuhan niya kay Wes ay napakagaan nitong kausap. He aces the communication part on our relationship kaya hindi sila nag-aaway ng grabe. Oo they have small fights pero nasosolusyunan din naman nila agad.


"I see," sagot nito then tumingin sa telepono nito. "Sa condo ka ba ngayon matutulog, babe? Ngayon yung birthday ni Brent kaya ihahatid na lang muna kita before ako pumunta sa event. Or do you want to come with me?"


Umiling siya agad.


"No. I'm fine. Saka sa shop mo na lang ako ihatid. I'll stay there since may isang event pa akong inaasikaso and ngayon yung delivery nung mga bulaklak. You go ahead and enjoy your night."


Ngumiti ito at kinintalan siya ng halik sa kanyang pisngi.


"Thanks, babe. So tara?"


Tumango siya't hinawakan nito ang kanyang kamay. Wes is her Mr. Perfect. Si Wes talaga yung para sa kanya.


💐


"What are you doing here, Inno?"


Nagulat si Yoon dahil bigla na lang nagpakita ang lalaki sa kanyang shop na may bitbit na pagkain.


"It's two in the morning. Bampira ka ba?" bulyaw niya dito.


"Kakatapos ko lang asikasuhin yung mga papeles sa isang merger namin sa Seattle," sagot nito sabay upo sa may couch. Siya naman ay sa carpet naupo at itinuloy ang ginagawang pagka-cut ng mga invitations sa isa pang kasal na inaayos niya. "Makapagreact ka sa alas dos eh ikaw rin naman nagta-trabaho ka pa."


"Bukas na kasi dapat 'to itu-turn-over sa client," paliwanag niya habang patuloy pa rin sa ginagawa. "Na-delay lang kasi nasira yung printer. Kakaayos lang kaninang hapon kaya ngayon, ako na lang nagra-rush nito."


"Here. Let me help."


Tinanggal nito ang suot na coat at kinaluskos ang manggas ng polo. Kinuha nito mula sa kanya ang paper cutter at ito na ang nagpatuloy ng kanyang ginagawa.


Bigla nanamang may rambulang nagaganap sa kanyang dibdib. Bakit ba kasi napaka-pafall ng gagong 'to? Saka ang gwapo. Nakakainis.


"Ganda nitong layout ah," anito habang binababa ang lever na pamputol. "Bakit hindi ganito yung amin? Walang gold. May pambayad naman ako ah."


"Kung nandun ka kasi nung nagpaplano eh di sana nalagyan natin ng gold yung invitations niyo like how you want it," singhal niya sa lalaki. Si Jarvis kasi ang pumili ng samples kasama no Naia kaya hindi gold ang napili ng dalawa for the invites. "Pakasal ka na lang uli tapos palagyan mo ng gold yung invitation."


"Gusto mo din ba ng gold?" diretsong tanong nito.


"Oo din naman but that depends on the theme—" Natigilan siya sabay tingin dito. He was grinning like a Cheshire cat. "Gago. Nakakabwisit ka talaga. Pa-fall ka talagang hayup ka—"


"Dapat naman talaga," anito. "Kaya nga bumabanat diba? Para ma-fall ka sa'kin. Gamit din utak pag minsan, Arabella."


She scoffed. "Tapos di naman sasaluhin. Gago."


Kitang-kita niya ang pag-kunot ng noo nito.


Wait, did she say that out loud?


"Hindi ako ga'non, Arabella," bigla nitong sambit.


Shit. Shit. Shit.


"A-Ako na nga niyan!" bulyaw niya dito in an attempt to change the subject.


Ano ba naman 'yan Yoon! Another slip up. Jusko—


"Ang bagal-bagal mo gumalaw. Time is money. Antok na rin ako. Akin na 'yan—"


"Arabella!"


Malakas ang pagkakatawag nito sa kanya kaya't agad siyang napahinto. She even flinched.


"W-What?" patay malisya niyang sambit. "Ang tagal mo gumalaw kaya ako na lang gagawa—"


"Hindi ako ganon ka-gago, Arabella."


"Okay fine. Eh di hindi. Joke lang naman 'yon—"


Bigla siya nitong hinawakan sa magkabilanh braso. Napakurap siya. Shit.


"Tell me, Arabella. Does this have something to do about four years ago?" seryosong sambit ng lalaki. "Four years ago when you ghosted me?"


Napamaang siya.


"Ghosted you?" hindi niya makapaniwalang sambit. "Ako pa talaga yung nang ghosting?"


"Then what do you call that?" ganting tanong nito. "I thought you we were already a thing back then when you started flirting back. Tapos bigla na lang eh hindi ka na nagrereply sa mga texts ko. Kapag tumatawag ako sa'yo, hindi mo sinasagot. Nalaman ko na lang eh nagbago ka na ng number. Tapos kapag bumibisita ako sa Café Haven eh lagi mo akong iniiwasan o di kaya tinatarayan."


Napapikit siya. So siya pa ngayon ang may kasalanan? Talaga bang wala itong ideya kung bakit siya inis na inis dito?


"So what kung ghinost kita?" sigaw niya dito sabay mulat ng mata. "You deserved it. Nilalandi mo ako noon tapos may kahalikan kang iba? Ano tingin mo sa'kin, laruan?!"


"What?!" Kunot-noong bulalas nito. "Kahalikang iba? What the hell are you talking about—"


Bigla itong natigilan. Mukhang naalala na nito ang tinukoy niya. She folded her arms and scoffed.


"Ano? Naaalala mo na 'yung kalandian mo?"


💐

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro