[B2] Episode 29
💐
"My father wants to gain full control of La Monte."
Agad na nangunot ang noo ni Yoon nang sabihin iyon ni Renalea. They were already back at the mansion dahil inisip nilang mas safe kung doon sila maguusap-usap. Mahirap na dahil baka may mga taong nakabuntot sa babae na maaaring magsumbong dito sa ama nito.
"And with Inno out of the picture, ako ang ilalagay ng board as the new CEO dahil kami ang second highest shareholder ng kompanya. Me in that position would gain him power over the company."
"What? Why?" nagtatakang tanong niya. "Hindi ba senador ang tatay mo? Why would he be interested in running a business?"
"Business din ang politika, Arabella. Mas madumi kaya nga kinakailangan niya ang La Monte," paliwanag nito.
"Para saan?" kunot-noong tanong niya.
"To hide all his dirt," seryosong saad ni Inno. And it wasn't a question. "Gagawin niyang front ang La Monte sa mga illegal niyang ginagawa."
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito bago tumango at bumaling sa kanya.
"This is why I couldn't tell you about it," anito. "Kapag nalaman ng publiko ang tungkol dito, masisira ang ama ko. And let's face it. Kung hindi lahat eh majority ng mga politiko sa bansa natin ay isang narcopolitician."
"So hahayaan mo lang siyang lokohin ang publiko, ga'non?" balik niya dito.
"Come on, Arabella. Sinong politiko ba ang naging tapat sa publiko? Honesty and transparency in our government is one big hoax," asik nito. "It's up to them kung papahuli sila o hindi. So my father needs a front. And with La Monte's reputation, hindi iisipin ng mga tao na kumukupit siya sa kaban ng bayan. Kapag hawak mo ang isa sa pinakamakapangyarihang conglomerate sa bansa, wala ring kakalaban sa kanya."
"So he planned to let you marry Inno? Para masunod yung gusto niya? Hindi niya ba naisip na hindi papayag si Inno sa mga gawaing ilegal—"
"Unless he knew I'd run."
Napabaling siya sa kasintahan. Napakatalim ng tingin nito kay Renalea. Ramdam na ramdam niya rin ang galit na namumuo dito kaya't inabot niya ang kamay nito't hinawakan ng mahigpit. She saw his shoulders drop a bit.
"He knew about your relationship," ani Renalea. "That's why he pushed the idea of an arranged marriage between us because he's sure Inno would run. Or back out."
"Teka lang. Ang gulo. Kung gusto nito mapasakamay ang kompanya, bakit gugustuhin niya mag-back out si Inno? O tumakbo?"
"His plan was to blackmail the Montecillos into giving him what he wants. Ang pinakamataas na posisyon sa kumpanya. At magagawa niya lamang 'yon kapag hindi sumunod sa kasunduan si Inno," paliwanag nito. "Pero muntik nang hindi 'yon matuloy the night Inno announced his engagement to you. So dad wanted me to make Inno change his mine. Do everything that I can para iwan mo siya. Seduce him o kung anuman. But I found something better."
"The recording..." mahina niyang sambit na kinumpirma nito ng isang tango.
"Iyon ang naging catalyst para maisagawa namin ang plano," kumpirma nito. "With that, sigurado kaming papayag na si Inno sa arranged marriage na pinaplano ni dad because he'd feel angry and betrayed. Mas mapapabilis 'non ang planong pagpapakasal sa'amin with you finally out of the picture."
"Teka. Kung galit si Inno, pano niyo magagawang paurungin siya?"
"By admitting that I manipulated the recording," diretsong sagot nito. "Magkukunwari ako along the way that I grew a conscience and admit that I did all of that so he could love me. Our plan would then reach its pivotal point and knowing Inno, pipiliin ka niya."
"But what made you so sure? Dahil ba sa buntis ako?"
Umiling agad si Renalea.
"I didn't tell my father. Ayokong madamay yung bata, Arabella." Muli ay napabuntong-hininga ito. "Dad never doubted that you'd go running to Arabella because he said you're not like Miss Saturn or your parents. Ako din. Alam kong hindi mo magagawang iwan si Arabella buntis man siya o hindi because that's the kind of man you are."
Napamaang siya. Blackmail and manipulation. Anak ba ni Satanas ang ama nitong si Renalea? Playing with people--manipulating them, para saan? Sa kapangyarihan? Pera? Hindi pa ba sapat ang kung anong meron ito ngayon?
Her gaze fell on to Inno. His face was grim but he remained calm. Hindi rin ito gaano umiimik—as if kinakalkula nito ang sunod na gagawin.
Bumaling siyang muli kay Renalea. Isang malaim na buntong-hininga ang pinakawalan nito bago tumayo.
"Now that I've told you everything, kailangan ko nang umalis," paalam nito. "Sinabi ko na sainyo ang lahat ng nalalaman ko so if you may, mauuna na ako--"
"No."
Sabay silang napatingin ni Renalea kay Inno. Nangunot ang kanilang noo.
"Tawagin na natin sila."
💐
Tahimik lang si Yoon na nakaupo sa tabi ng kasintahan. She trusts Inno more than anyone at nasisiguro niyang gagana ang plano nitong isahan ang ama ni Renalea.
"Natawagan ko na ang secretarya ni Papa," bigay alam ni Jarvis nang muli itong pumasok sa silid. "A special general stockholders' meeting will be held on Wednesday. Nakausap ko na rin sina Tito Gab at Tito Raf. They will send River and Dos as their representatives."
"Sigurado ka na ba sa desisyon mong ito, Kuya?" tanong ni Box. "Kakalabanin mo si Tito Renato?"
Tumango ito sabay pisil ng kaunti sa kanyang kamay.
"Hindi ko hahayaang gamitin niya ang kompanyang pinaghirapan ng ating pamilya para sa kabulastugan niya," deklara nito. "It's high time Senator Ibañez be kicked off that high pedestal of his."
"Sigurado naman maa-out vote ng kampo natin si Tito Renato," kampanteng sambit ni Seven. "Halos sambahin na kaya nung ibang board directors si Kuya after niya masalba yung kompanya two years ago."
"Hindi tayo dapat magpaka-kampante," ani naman ni Dos. "Likaw din ang bituka ng mga nasa kompanya. I should know. I've worked with them before."
Oo nga pala. VP for Operations si Dos bago it magretiro. Kung ano ang rason sa pagreretiro nito ay wala siyang alam.
"Between Tito Miggy, Tito Gab and Dad, wer have 32.8% stocks," sambit ni Yvo habang binabasa ang folder na hawak. "With Tita Saturn and Kuya Inno's, we have 43.3%. Saan natin kukunin yung almost 8% na kulang natin para makuha ang majority votes?"
"Merong 3% ang San Agustin sa La Monte," imporma ni Naia. "I might be on Maternity Leave pero pwede akong mag-issue ng SPA. That means 5% na lang ang kailangan nating problemahin."
Agad na ibinalik ni Yvo ang tingin sa hawak na papel at chineck ang mga nakasulat doon sabay lakad papunta sa kapatid nitong si Dos.
"Mahihirapan kayo to gain that five percent," mahinang sambit ni Renalea. Oo. Hindi pa nila ito pinapaalis. "Dad have solid relationships with DMG Construction, the Roco brothers and Mr. San Mateo. Combined they have 36.7%. May mga nakausap na rin siyang ibang directors kaya ang estimate ko is around 46% na rin ang hawak niya. So battling him out wouldn't be a great idea."
"So that's a 46 vs 46 percent battle," ani Jarvis. "Whoever gets the 5% is to be considered lucky. Kailangan nating makausap ang ibang directors. To at least change sides."
"Wait. Do you guys know Bellamona?" tanong bigla nit Yvo. "Bago 'to ah. Are they one our side or Tito Renato's?"
Napatingin siya kay Renalea na nangunot din ang noo.
"No," sagot agad nito. "Bago lang din sa pandinig ko ang Bellamona."
"That's Mr. Ramirez's company. Well, his wife's. I can schedule an appointment with him. Baka makumbinsi ko sila—"
"Hindi sumisipot si Mr. Ramirez sa mga ganitong meeting," ani bigla ni Dos. "I know his wife. Hindi sila nakikialam sa mga posisyon. They own 4.6% stocks."
"Paktay na," ani Box at Seven ng sabay. Agad naman itong binatukan ni Jarvis.
"We're doomed!" hiyaw ni Yvo sabay sara ng folder na hawak. "We need a miracle para maayos 'to."
Maging siya ay napabuntong-hininga. This was all her fault. Kung hindi lang dahil 'don sa dare. Kung di lang siya 'non nagpaka-pabebe. Kung—
"What if there's a way around this?" biglang sambit ni Dos sabay tingin kay Inno. "You know what I'm talking about, Inno. Alam kong naisip mo na rin ito."
"No," agad nitong sambit. "Hindi ako papayag diyan sa gusto mo, Dos."
"But it's the only way," anito. "Para san pa't nag-aral din ako ng business kung hindi ko gagampanan ang role ko sa pamilyang 'to? I'm second in line, right? Hayaan mo akong umupo as CEO. Para sa ga'non, matupad 'yung kondisyon ni Sen. Ibañez but our family can still be in control."
"That is out of the question, Dos. Hindi ako papayag—"
"It's not your decision to make," giit ng lalaki. "It's mine. Hindi lang ikaw parati ang dapat nagsasakripisyo. Hindi lang ikaw ang dapat pumapasan ng lahat, Inno. Andito rin kami."
"Dos, hindi pwede—"
"Kaya ko," anito. "I've been trained to run the business too. Baka nakakalimutan mo."
"Alam kong kaya mo, Dos," agad nitong sambit. "But... paano ka? Paano yung pagpapaga—"
"I can handle this, Inno," putol agad nito. "Huwag mo akong alalahanin. 'Yang girlfriend mo at magiging mga anak niyo ang alalahanin mo."
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Inno. Siya nama't litong-lito na. Ano ba ang ibig sabihin ni Dos?
"Kuya? Anong pinaplano niyo?" tanong bigla ni Yvo.
"Marry Renalea or Step down as CEO. Yun lang naman ang kondisyon ni Sen. Ibañez," simula nito.
"And?"
"Wala naman siyang sinabi na hindi pwede isang Montecillo ang pumalit sa posisyon ni Inno, hindi ba?"
💐
Hindi gaanong makatulog si Yoon nung gabing 'yon. Sobrang dami kasi ng nangyari at ngayon pa lang nagsisink-in ang lahat sa kanya.
As much as she didn't want to stress herself out, hindi niya maalis sa kanyang isipan ang mga nalaman pati na rin ang malaking problema ng mga Montecillo.
Natigil ang pagmumuni-muni niya nang biglang pumasok sa silid si Inno. Dala si baby Mavi.
"Inno!" bulalas niya nang makita ang bata sa mga bisig nito. "Bakit mo kinidnap Mavi? Patay ka kay Naia—"
"Tulog na tulog yung dalawa nung dumaan ako tapos umiiyak 'tong si Mavi kaya kinuha ko muna," paliwanag nito. "Those two needed sleep. Lalaki na ng mga eyebags."
"Eyebags talaga yung pinansin mo 'no?" singhal niya agad dito. "Malamang kasi puyat."
"Abo ba sinabi ko?" Nahimigan ata ni Mavi ang biglang pagtaas ng tinig ni Inno kaya't agad naman itong nilaro ng lalaki.
He looked very comfortable playing with the little one kaya't di niya napigilan ang sariling maluha. Inno's gonna be a great father. Mapantayan niya kaya ito? Maging mabuting ina din kaya siya?
"Gutom ka no? Gusto mo ng milk? Di pwede kay Tita Arabella. Mine 'yan," ani ng lalaki sa pamangkin as if naiintindihan siya nito.
"Inno!"
Napakalakas ng tawa nito bago kunin sa bulsa ang isang maliit na baby bottle—na di niya napansing dala pala nito. Mavi was just a little bit around 3 months kaya kain, tulog at iyak lang ang kaya nitong gawin as of the moment.
Maingat na inihiga ni Inno si baby Mavi sa kama habang ito nama'y tumabi dito. Hindi niya maiwasang maging emosyonal kapag nakikitang ga'non si Inno sa pamangkin dahil naiimagine niya ito with the twins.
"You're really good with babies," aniya sabay hakbang papalapit sa kinauupuan ng lalaki. Agad naman siya nitong hinila papalapit at niyakap. "Feeling ko ikaw magiging favorite nung kambal. Ang unfair."
"Dalawa sila, love. Tig-isa," bira nito sabay kindat. Nahampas niya ito agad na ikinatawa lang nito. "Joke lang. The twins will love us both equally. Pero kung ako man maging favorite nila, okay lang. Ikaw naman yung favorite ko."
Wala nanamang mapaglugaran yung kilig sa buong sistema niya kaya't bumitaw siya dito at ibinigay ang atensyon kay Mavi.
"Hello baby," bati niya sa bata na busy uminom ng gatas. Ayan nanaman yung luha niya. Nagsisimula nanamang mamuo.
"Love, what's wrong?" Nagaalalang tanong sa kanya ni Inno. "May masakit ba?"
Agad siyang umiling. "Wala. Ano... naeexcite lang talaga ako lumabas yung mga babies natin. Nakakalungkot lang kasi di ka naman mabibisita sa opisina mo..."
"Don't worry, love. Maaayos din namin ang lahat," paniniguro nito.
"I know you would," aniya sabay hawak sa pisngi nito. "Ikaw pa ba?"
Lumapad ang ngiting nakaguhit sa mukha nito't paonti-onting tinutulay ang espasyo sa pagigan nila.
"Naman—"
"Kuya! Kuya Inno!"
Nagulat sila sa sunod-sunod na kalabog sa pintuan nila. Nagulat naman si Mavi kaya't bumulahaw ito ng iyak.
"Is that Cole?" tanong niya sa kasintahan na agad namang tumayo at pinagbuksan ng pinto ang bunsong pinsan. It really was Cole.
"Kuya!" Umiiyak ito kaya't agad din siyang napatingin dito habang pinapatahan si Mavi. "Si Kuya Dos!"
Hindi na kinailangan pang magpaliwanag ni Cole dahil agad na tumakbo palabas ng silid si Inno. Agad sumunod dito ang babae at naulinigan niya ring may mga yabag sa sumunod sa dalawa.
What's going on? Anong nangyari kay Dos?
💐
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro