Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[B2] Episode 28

💐

"I'm surprised you wanted to see me. Alam ba ni Inno itong ginagawa mo?"

Yoon just looked straight at Renalea without breaking in any kind of emotion. Kinontak niya ang babae to meet up with her nang lingid sa alam ni Inno. Hinintay niya ang tamang pagkakataon makapislit sa mansyon at naging posible lamang iyon nang umalis ito ubang pumunta sa opisina nito. At base sa napagusapan nila ni Tita Saturn ilang araw nang nakalilipas, it would be hard to get that chance kaya't isinagawa niya na ang kanyang plano.

And that plan was to talk to Renalea.

"Why did you save me that day?" diretsahang tanong niya sa babae sa halip na sagutin ang tanong nito. Wala siyang panahon sagutin ito't makipagkamustahan.

Sa tanong niya pa lamang na iyon ay agad na itong naging hindi komportable. Mukha rin itong balisa at tila hindi alam ang isasagot sa katanungan niya.

"I don't know what you're talking about."

Naningkit ang kanyang mga mata at pinagmasdan ng maigi ang kaharap. Nakasisiguro siyang may tinatago ito. O di naman kaya't nagkukunwari lamang itong masama. Basta may kakaiba.

"Hinila mo ako pabalik sa sidewalk, Renalea," tuloy niya. "Why? You could've just let me. Kung nabundol ako nung kotse, panigurado'y kasal na kayo ngayon ni Inno. Kaya bakit? Bakit mo ako niligtas nung araw na 'yon?"

Renalea rolled her eyes before standing up. "You know what? Wala akong oras sa makipag-usap sa'yo. Bahala ka diyan--"

"Was it guilt?" aniya sabay tayo. Natigilan naman agad ang babae sa paglalakad papalayo. "Naguilty ka ba kaya mo ginawa 'yon? Bakit? Wala ka na sanag problema. You would've had Inno. Kung nabundol ako nung sasakyan, I would've blamed him at kahit magmakaawa pa siya'y hindi ko siya mapapatawad. You had your chance. Bakit hindi mo na lang ako hinayaang masagasaan--"

"I'm not a monster, Arabella," bigla nitong putol sa kanya. Nakakuyom ang mga kamay nito. "Hindi naman ako ga'non kasama para gustuhing may inosenteng buhay na madadamay--"

"Madadamay? Saan?" Agad niyang sinundan ang babae't pinigilan ito sa pag-alis. She held Renalea by her arm. "Madamay saan, Renalea? Ano ba talaga ang balak niyo?"

Nung una'y gusto niya lamang sana kausapin ang babae tungkol sa kondisyon ng ama nito. Gusto niya lang sanang pakiusapan ito na iurong na ang gusto nitong kondisyones. Alam niyang suntok iyon sa buwan ngunit hindi siya uupo na lamang na walang ginagawa. She had to do something. Hindi pupwedeng si Inno na lang lagi ang nagsasakripisyo. Dahil mali ang tiyahin nito. He can have both. Siya at ang kompanya. At gagawin niya lahat ng kanyang makakaya para mangyari nga iyon.

"Wala kang makukuha sa'kin," anito sabay marahas sa binawi ang hawak niyang braso. Tumalikod ito agad at naglakad papunta sa pintuan.

Hindi pwede. Hindi ito pwedeng makaalis. She needs to think of something.

"Aray!" hiyaw niya sabay sapo sa kanyang tiyan. "Aaah!"

"Arabella!" agad namang dalo ni Renalea sa kanya't tinulungan pa siyang tumayo ng maayos. "Oh my God--help! Can someone please help--"

Hinigpitan niya ang kapit dito. Agad din naman itong napabaling sa kanya.

"Dalhin... D-Dalhin mo ako sa... S-Sa ospital," kunwari ay nahihirapan niyang sambit. Sana lang talaga ay convincing ang arte niya.

"Okay, okay," natatarantang sagot nito. "I'll call Inno--"

"No!" agad niyang bulalas na ikina-kunot ng noo ng babae. "I... I mean, no. D-Don't. Sa... sa ospital na lang natin... siya tawagan. Tama."

"Are you insane? Dapat tawagan mo si Inno--"

"I... I will. Pero mamaya na... Aray! Please, Renalea. Ang sakit sakit na--"

Renalea cursed and helped her towards the exit. Doon ay may mga mabuting puso ring tumulong sa kanila. Nakaka-konsensya dahil mukhang genuine ang pag-alala sa mga mukha nito. But a girl's gotta do, what a girl's gotta do.

"Taxi!" hiyaw ni Renalea sa mga dumadaang sasakyan. Agad namang may tumigil na isang puting taxi sa kanilang harapan. "Sa pinakamalapit pong ospital, kuya! Pakibilisan--"

"No!—I mean, wag 'don!"

Napaisip siya. Ang pinakamalapit na ospital as limang minuto lamang mula dito. Hindi pwede. Kailangan ay sa malayo-layo para mas makakuha pa siya dito ng impromasyon.

Something is up. Sigurado siya doon. Bahil kung talagang galit ang pamilya nito sa ginawa ni Inno, they wouldn't set a condition like that. At naaalala niyang may sinabi si Inno about sa hitting two birds with one stone kapag pinakasalan nito si Renalea. That marrying this woman would help iron out things sa kompanya.

Ibig sabihin may dati nang gulo. At hindi malabong may kinalaman doon ang pagpapatanggal kay Inno bilang CEO.

"Arabella hoy! Saan ba kita dadalhin?!"

"Sa private!" bulalas niya pabalik dito. "Baka... baka kalbuhin ka ni Inno kapag sa pampublikong ospital mo 'ko dalhin!"

"What?! Importante pa ba 'yon?! My God, Arabella!" hiyaw nito sa kanya. Maging siya nga'y lihim na napangiwi on how pathetic that sounded. "You're pregnant and in pain—"

"Basta! Just... just bring me sa San Lorenzo."

"What? That's a thirty-minute ride--" bigla itong nahinto. Then glared at her. "You tricked me!"

Inayos niya ang pagkakaupo at ipinatong ang kamay sa tiyan. Isang nakalolokong ngisi lamang ang itinugon niya sa babae bago bumaling sa driver.

"Manong, sa San Lorenzo Medical po. Magpapa-check up na rin ako diretso."

Bagaman naguguluhan ay tinuloy na lamang nito ang pagmamaneho. Siyempre, hindi na makapalag si Renalea dahil umaandar ang sasakyan.

"You're really a bitch," akusa ng babae sapag pinagkrus ang mga braso. "I was genuinely concered. Hindi na ako maniniwala sa'yo sa susunod."

"Bitch lang ako sa mga taong deserve ang bitchiness ko," sagot niya. "And besides, I'm sure na hindi na 'to masusundan na pagkikita na'tin. We're not even that close to stay in touch."

Umirap ito bago sumandal sa upuan.

"Now tell me, Renalea. Ano ang balak niyong mag-ama? Why cause an uproar in the company?" muli ay tanong niya dito. But Renalea stayed mum. Hindi siya nito pinansin. "Gusto mo ba talaga si Inno? Or is that one of your father's plan to take over the company--"

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito bago bumaling sa kanya.

"I loved Inno, okay? My feelings for him are genuine."

"Then why did you let your father do this to him?" tanong niya. "Alam mong hindi papakasal sa'yo si Inno because you know for a fact that he is a responsible man. Papanagutan niya ako kahit na anong mangyari. So why push him off the CEO post? Para pahirapan siya? To get revenge on ditching you at the altar?"

"It's not that simple—"

"Then explain it to me, Renalea," putol niya dito. "Ipaintindi mo sa akin. Because I know you're not the kind of monster you paint yourself to be. You saved me. Isinakripisyo mo yung tanging paraan para mapasayo na si Inno at niligtas ako—kami, sa kapahamakan."

"Because I am my father's daughter," sa wakas ay sambit nito. "Kahit mahal ko si Inno anak pa rin ako, Arabella."

Kunot-noong napabaling siya dito. She looked like she was in the verge of tears.

"And right now, you pushing me to tell you everything would only mean trouble for you and your baby," patuloy nito. "Hindi madaling kalaban ang tatay ko, Arabella. The public loves him. Kahit pa makapangyarihan ang pamilya ni Inno, waging war against the most beloved senator wouldn't do good in business."

Ano daw? Masyadong vague ang sinasabi nito. Pero tama nga ang hinala niya. Plinano ang lahat ng ito. At labag sa kalooban nito ang ginagawa.

"You know what, Renalea?" sinula niya making the girl turn towards her. "Hindi lahat ng pagkakataon ay dapat mong kunsintihin ang tatay mo. Kung alam mong mali, you should stop him bago pa man niya masira ang buhay niya. Because that's what family is about."

"He is all I have left, Arabella," giit nito. "If I... If I turn against him, what will I have left? Wala na ang mommy ko. And I'm an only child. I can't have the only family that I have be mad at me!"

"So you'd just watch him turn into a monster? Hahayaan mo siya sa mga balak niyang masama?" balik niya sa babae. "Hindi tama 'yon and you know it. Save your father before it's too late."

Hindi na nakaimik si Renalea at muling bumaling sa may bintana. Hindi niya man makita ng buo ang mukha nito pero batid niyang nagiisip ito.

Mali siya sa unang hinala niya sa babae. Renalea wasn't that bad. Oo, mukha itong spoiled brat pero sinusunod lang naman din nito ang utos ng ama. Because she loved his father. Kaya hindi niya rin talaga ito masisisi ng buo sa mga ginawa.

Pamilya, eh. You'd do everything for your family.

Tulad na lang ni Tita Saturn. Isinakripisyo ang pagiging ina sa sariling anak sa ngalan ng pamilya. Si Naia noon, tinalikuran ang lalaking minamahal para sa pamilya. At ngayon naman, si Inno. Binitawan nito ang posisyong buong buhay nitong pinaghirapan para sa magiging pamilya.

Bigla siyang nakaramdam ng antok. Siguro dahil hindi na siya sanay lumabas ng matagal o dahil nakasakay sila sa taxi. Pero pilit niya iyong nilalabanan. Buti na lang at nagsalita muli ang kanyang kasama.

"Pakibaba na lang ako sa—" Kitang-kita niya ang pag-laki ng mga mata nito nang bumaling ito sa kanya. "Shi—Arabella! You're bleeding!"

"Huh?" aniya sabay tingin sa kanyang binti. Napasinghap siya nang makitang umaagos nga ang dugo mula doon.

Hindi! Ang mga baby ko!

"Manong! Please pakibilisan—"

Iyon na lamang ang huli niyang narinig bago tuluyang panawan ng ulirat.

"Arabella!"

💐

"Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo, Inno. Wala akong kinalaman dito!"

Nangunot ang noo ni Yoon nang matinigan si Renalea.

"Then why were you with her?! Anong ginagawa mo sa magiina ko?!"

Unti-unting nagbukas ang mabibigat na talukap ng kanyang mga mata at iginala ang tingin sa paligid.

Nasaan siya? Bakit sumisigaw si Inno? Ang aga-aga sumisigaw—

Teka.

White walls. White ceiling. Amoy anesthesia.

Agad siyang napakapit sa kanyang tiyan. Ang mga baby ko!

"Siya ang nakipagkita sa akin, Inno! I didn't do anything to her—"

Nagtama ang kanilang tingin ni Renalea kaya't nahinto ito. The girl immediately walked towards her.

"Thank God you're awake!" ano agad nito. Sumunod naman agad ang tingin dito ni Inno at agad siyang nilapitan. "Your babies are fine. Napaka-careless mo, Arabella! You could've had a miscarriage!"

"But—"

"At ikaw Inno, wag mong pinababayaan ang buntis mong girlfriend!" bulalas nito pagkabaling kay Inno. "You should be more responsible at dapat alam mo kung san nagpupupunta si Arabella!"

"What part of 'she escaped' ang hindi mo naintindihan?" ganting hiyaw naman ni Inno. "Inaalagaan ko ang magiina ko, Renalea. Nagkataon lang na may nilakad ako kaya siya nakalabas. If I had known she'd talk to you, kinadena ko na 'yan sa kama!"

Napamaang si Renalea pero agad din namang natauhan.

"Then dapat may binilin ka na bantayan siya! You should've asked your cousins o nag-hire ka man lang sana ng body guard para sa kanya. Like, bitch, ang yaman yaman mo. Gamitin mo 'yung pera mo, tanga."

"Hoy Renalea. Hindi porket hindi na ako ang boss mo pwede mo na akong pagsalitaan ng ganyan. Habalusin kaya kita niyang sapatos mo? Gusto mo?"

Renalea scoffed before rolling her eyes and turning

"Hindi ko talaga alam kung bakit ko nagustuhan yang boyfriend mo noon. Daig mo pa bakla kung umasta," bulong nito. "Sigurado ka na ba sa pinapasok mo, Arabella? May time ka pa umatras. Remind lang kita."

"Aba 'tong bruha—"

Natawa siya. Napaka-weird dahil parang biglang nag-shift 360 yung pangyari. Renalea looked genuinely worried for her. Si Inno naman ay nakikipagsagutan sa babae na para bang magkalapit itong dalawa—or they really were pero natatabunan lamang iyon ng mga pangyayari ngayon sa mga pamilya nila.

"Renalea," aniya sabay hawak sa kamay nito na ikina gulat ng babae. "Thank you. For saving me again. Dalawang beses na naming utang sayo ni Inno ang buhay ng mga anak namin—"

"Teka. Dalawa?! Kelan yung una—"

Sabay nilang tinaounan ng masamang tingin ang lalaki na naging dahilan pra manahimik ito. Then they turned towards each other.

"I'm sorry kung pinagisipan kita ng masama. I mean, you deserved it kasi inaagaw mo sa'kin si Inno noon but I understand now. Ginawa mo lang 'yon para sa pamilya mo. You're a good person. I can see that now."

Naningkit ang mga mata ni Renalea sa kanya.

"You're doing it again," anito. Patay malisya naman siyang ngumiti lang at nagkibit-balikat.

"Is it working?" tanong niya.

"Alam mo, kung hindi lang legit na dugo yung nakita ko kanina, iisipin kong niloloko mo nanaman ako," nakabusangot nitong sambit.

Si Inno naman ay naguguluhang pabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa.

"Hindi ko kasalanang malambot ang puso mo. Just admit it. You're a good person."

Umirap muna ito bago napabuntong-hininga.

"Okay fine," suko nito. "I'll tell you everything."

Isang malapad na ngisi ang gumuhit sa kanyang mga labi.

"Let's hear it, then."

💐

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro