Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[B2] Episode 27

💐

Tahimik na naghintay si Yoon sa labas ng silid para kay Inno. Ang antok na nararamdaman niya kanina eh nawala na. Ang tanging natitira na lang sa sistema niya ay kaba at takot.

She trusts Inno. Alam niyang he will stay true to his word and stay with her 'til the end. Pero ang kinatatakutan niya ay ang pagkawala ng pinaghirapan nito nang dahil lang sa kanya.

Ipinanganak si Inno upang maging isang magaling na businessman. If not the best, at least one of the best leaders in the business world. And all of that will be thrown away dahil lang sa... Oh God! Ano ba dapat ang gawin niya? Should she leave?

Agad siyang napatingin sa pintuan nang bigla itong bumukas. Ngunit hindi si Inno ang iniluwa niyon.

"T-Tita," aniya sabay ayos ng kanyang tindig. "Um... K-Kamusta po?"

Tingnan lamang siya nito bago pinagtaasan ng kilay.

"Hindi ko alam na mahilig ka pala makinig sa mga usapang hindi ka naman kasama," mataray na sambit nito.

"Um... Ano po kasi..."

Hindi na nito hinintay ang kanyang sagot at naunang nagsalita.

"You should rest," anito—still in that statuesque and strict demeanor. "Hindi nakabunuti sa buntis ang maghapong nakatayo. Matatagalan pa si Inno sa loob dahil kausap niya sa telepono ang kanyang ama. It's best if you head to your room at doon na lang ito hintayin."

"Tita, about the babies—"

"Those babies are a blessing," putol nito sa sasabihin niya. "I have nothing against them pero ang akin lang ay sana'y nagiingat kayo. Hindi na kayo mga bata para laging paalalahanan ng kung anu-ano pero sana'y naging responsable kayo.

"Kampante ako sa pagpapalaki ko sa mga pamangkin ko. Kaya't nasisiguro ko kung ano ang desisyon niya. Ang panagutan ka. But Inno wil lose everything he worked so hard for.

"Hindi lang ito sa pera o kung ano. Inno sacrificed his childhood para lang sa kompanyang 'yon. He slaved day and night to learn the works of being the next CEO of one of the top conglomerates in the world tapos mawawala lang 'yon na parang bula.

"I know it may sound shallow to you but that company is our family's legacy. Dugo at pawis ang ipinuhunan para ibasura na lamang ng ga'non ga'non."

Hindi siya nakaimik at nanatili na lamang na tahimik sa panenermon sa kanya ng nakatatanda.

"Don't get me wrong, hija," anito bago napabuntong-hininga. "I am not mad at you o sa mga bata. It pains me to see him in this situation. Sana'y maintindihan mo kung saan ako nanggagaling."

"I understand, tita. I'm really sorry..."

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito bago magaang tinapik-tapik ang kanyang balikat.

"I just don't want my kids to be making the same mistakes I did."

Iyon lamang ang sinabi nito bago tuluyang dumiretso sa pasilyo patungong sa tingin niya't ang silid nito.

Minabuti niyang sundin ang ginang at dumiretso na silid ni Inno. Doon, matiyaga siyang naghintay sa kasintahan.

"Hey."

Napatingin agad siya sa may pinto. Inno looked a bit exhausted at parang ding malungkot.

"May merienda sa baba—" Hindi nito natapos ang sasabihin dahil tinakbo niya ito't niyakap. Bagaman nagulat ay agad naman siya nitong niyakap pabalik. "Wow. Miss mo na 'ko agad, love? Kaw ha. Kumi-clingy. Kung ganito ka lagi pagbuntis, lagi talaga kitang bubuntisin."

She didn't react. Instead, mas hinigpitan niya pa ang kapit dito. Kaya't agad siyang hinawakan ni Inno sa balikat at naglagay ng kakaunting espasyo sa pagitan nito.

"Love? Is there something wrong?" nagaalalang tanong nito.

Sasabihin niya ba na nadinig niya ito at ang tiyahin? Na alam niya ang tungkol sa desisyong dapat gawin nito?

"Love?"

Napatingin siya dito nang hinawakan niya ang magkabila niyang pisngi. Kitang-kita sa mga mata nito ang magkahalong takot at pag-aalala.

"Arabella. Love. Talk to me. Tinatakot mo ako," malumanay nitong sambit.

"H-How did your talk go?" tanong niya dito.

Pilit niyang hinahanap ang lakas ng loob sa kanyang dibdib sa maaaring maging desisyon nito. If he stays with her, tulad ng sinabi ni Tita Saturn ay parang binasura na nito ang sariling buhay. If he marries Renalea, mawawalan naman ng ama ang kanyang mga anak.

"May... May sinabi ba si Tita Saturn?"

"Other than the usual things that I've been irresponsible by knocking you up before marriage, wala naman," anito. "Congratulations daw at naiinis siya dahil ginagawa na daw namin siyang lola."

Alanganing napangiti siya. He's lying. Hindi kasi ito gaanong makatingin sa kanya at magalaw ang mga mata nito.

That's the thing about Inno. Sa sobrang straight forward nito ay nahihirapan itong magsinungaling. Although he's really good at convincing people he's not.

The old Arabella would've ran away and hid herself away from Inno. Dahil ayaw niyang papiliin ito't mahirapan. Iyong tipong, siya na lang ang magdedesisyon para sa kanila. At isa pa, alam niyang baka matakot siya na isang araw ay ibalik nito sa kanya ang lahat at sisihin ang kanilang anak kapag nagkataon.

Pero iba na siya ngayon. She trusts Inno. At alam niya rin na kahit walang preno ang bibig nito, he wouldn't say something like that. Nasisiguro niyang mahal siya nito and will do everything to fight for her.

So it's time for her to do the same. Isang malalim na hininga ang kanyang hinugot bago nagsalita.

"I know about the condition, Inno," diretso niyang sambit.

Una ay nagulat ito ngunit agad namang nakabawi. He sighed.

"Do know that whatever decision you make, I will accept. Hindi ko rin naman ipagkakait sayo ang pagiging ama mo sa mga anak natin—"

"Don't," pigil nito agad sa kanya. Then he guided her towards the bed para maupo. "Nung araw na nagdesisyon akong puntahan ka at magmakaawang tanggapin mo uli, I already made up my mind. Ikaw ang pinipili ko. In reality, there's really no decision to be made. At all. Dahil ikaw lang ang importante para sa akin."

She couldn't help herself but cry. Paisa-isang nagsi-tulo ang kanyang mga luha. Was it happiness? Relief? Basta nao-overwhelm siya ngayon. Sa pagmamahal nito sa kanya. Pero talaga bang okay lang ito?

"Inno, if this is about me being pregnant—"

"Love, with or without the kids, I will still choose you," anito sabay hawak sa kanyang kamay. "Mahal na mahal kita. Baliw na nga ako sa'yo eh. Anong gayuma ba ginamit mo sa'kin para mapainom din kita kasi parang kinekwestyon mo nanaman ako eh."

Natatawang hinampas niya ang braso nito na agad din nitong napigilan. Hinila siya nito papalapit at niyakap. Isang halik ang ginawad nito sa kanyang ulnan at hinigpitan ang yakap sa kanyang katawan. Gumanti rin siya dito.

"I love you, Inno," mahinang sambit niya. "I'm sorry kung dahil sa akin eh nawala sa'yo yung pagiging CEO mo."

"I don't really care about that position," anito sabay ngiti sa kanya. "Wala naman kasi talaga akong pakealam sa kompanya. Sadyang panganay lang ako kaya sa'kin binigay yung posisyon."

Tiningnan niya ito. He's lying. Pero naiintindihan niya ito.

"Inno, alam mong hindi ka magaling magsinungaling," asik niya dito. "You can tell me it was a hard decision. Kaya ko namang intindihin eh. Pinaghirapan mo 'yung pagiging CEO mo kaya alam kong hindi naging madali yung pag-pili mo sa'kin. Sa'min."

Huminga ito ng malalim at dahan-dahan siya nito hinila para kumalong dito. He then lovingly tucked the loose strands of her hair behind her ear.

"Hindi mahirap ang naging desisyon ko," anito sabay tingin ng diretso sa kanyang mga mata. "It was the easiest decision, honestly. Maybe I'm just a bit frustrated. 'Yon lang 'yon. I'm not sad or anything. Mas relieved nga ako dahil makakapag-focus na ako sainyong magiina ko."

Hindi na niya pinilit pa ang kanyang hinaing dito. Though Inno sounded very convincing, hindi pa rin mawala sa kanya ang mag-isip ng kung anu-ano.

Sabi nga ni Tita Saturn, Inno's the first son of Montecillo at nararapat lamang na sa kanya ang pamamahala ng kompanya. Pero ga'non talaga siguro ang laro ng mayayaman. Hindi niya lubos maintindihan pero isa lang ang nasisiguro niya. It was unfair.

After having that talk, bumaba na sila upang mag-miryenda. Kompleto ang magpipinsan—except for River and Seven, sa bakuran habang si Naia ay naiwan sa itaas para bantayan ang anak. Dinalhan na daw ito ni Jarvis ng makakain at hayaan na lang muna dahil ayaw nitong may ibang gumambala sa bonding nilang mag-ina. Natawa pa nga siya sa itsura ni Jarvis na parang pinagkaisahan ng mag-ina.

Si Inno naman ay nasa kusina't tinatanggal paisa-isa 'yung raisins ng ginawang macaroni salad ni Dos.

"Ate Yoon, kamusta naman ang pagbubuntis mo?" tanong ni Yvo sa kanya. Napaka-maaalalahanin talaga ng batang 'to. Kahit 'non kay Naia. "Are you having any difficulties with your baby?"

"Well—"

"Bakit ang laki ng tiyan mo? Higante ba laman niyan?" singit naman bigla ni Dos. Agad niya itong tinapunan ng masamang tingin.

"Aba gago ka—"

"Wag mo pansinin 'yan si Kuya Dos, Ate," ani Box. "Ganyan yan ngayon pero kapag lumabas yang baby mo eh kikidnapin niya din 'yan tulad kay Mavi."

"It's true," pag-sang-ayon naman agad ni Jarvis. "Nagigising na lang kami na wala na sa crib si Mavi. Andun na pala kay Dos."

Napabaling siya sa lalaki at tinaasan ito ng kilay. Agad itong umirap at nilayo ang tingin sa kanya.

"Tss."

Hindi niya napigilang mapangiti. Typical Dos. Kunwari eh bully 'yon pala sobrang rupok sa mga baby. Mapagpanggap.

"FYI lang, Dos ha. Hindi ako mataba. Sadyang dalawa lang ang laman ng tiyan ko kaya mas malaki ako ng konti sa regular na buntis," paliwanag niya. Agad itong napabaling sa kanya then tiningnan ang kanyang tiyan. Maging ang ibang kalalakihan ay napamaang.

"Twins?!" bulalas ng mga ito.

Tumango siya. Kita sa itsura Dos ang gulat pero agad din naman nitong natago ang realsyon nang tumawa ito ng pagak.

"Tss. Kambal sa uma."

"Leche ka—"

"Look who just came to visit," ani bigla ni Inno kaya't hindi niya naituloy ang binabalak na pagpatay sa pinsan nito.

Nanlaki ang kanyang mata nang mamukhaan ang bagong dating. It was that girl. Four years ago. Iyong inakala niyang kahalikan ni Inno.

"Cole!" ani agad ni Box sabay tayo mula sa kinauupuan at niyakap ang babaeng bagong dating. Nung huli niyang nakita ito ay mahaba ang buhok nito't kulay itim. Ngayon ay maigsi na iyon at kulay blue. "Nabisita ka? Na-bore ka na sa dorm mo, 'no?"

"Slight," anito sabay ngiti. Niyakap din ito ni Yvo at Dos. Dos' being tighter.

Then the girl turned towards her—still sporting a really charming smile. Teka lang. bakit parang medyo pamilyar yung ngiti niya?

"Hello."

"Ah, h-hello," alanganin niyang sagot. "Pinsan ka ni Inno?"

Napatingin ito sa kanyang kasintahan na tumango lang sabay ngiti. Then ibinalik ang tingin sa kanya't tumango.

"Opo," magalang nitong sagot. "Pinsan ko po si Kuya Inno. Si Kuya Jarvis. Pati si Kuya Dos at Kuya Box."

Nangunot ang noo niya. Huh? Pano nangyari 'yon? Kaninong... Nanlaki bigla ang kanyang mga mata.

"Annika."

Napatingin silang lahat sa may pinto kung saan nakatayo ngayon si Tita Saturn.

"Mommy!" sigaw ng babae sabay takbo papalapit sa ginang. Agad itong niyakap ng nakatatandang babae bago sabay na pumasok sa loob.

"I'm guessing you have questions?"

Tumango ako agad. Sa pagkakaalala niya ay sinabi nitong sa mother's side niya pinsan ang babae.

"Pinsang buo namin si Annika. Annika Colleen San Mateo ang pangalan niya but it will be legally changed to Montecillo," paliwanag nito. "Siya ang nagiisang anak ni Tita Saturn. The youngest sa aming magpipinsan. A year younger than Yvo."

"Tita Saturn getting pregnant out of wedlock caused an uproar sa kompanya as she was supposed to be the new CEO ng La Monte dito sa bansa dahil kinakailangan noon magfocus nina papa at tito sa pag-expand ng businesses namin abroad," dagdag ni Jarvis. "She had to give up Annika para hindi mapasakamay ng iba ang kompanya. Isang malaking sakripisyo ang kinailangan niyang gawin para sa kanyang pamilya. Iniwan siya nung boyfriend niya without knowing about her condition nung humindi siya sa proposal nito. And she had to hide the fact na anak niya nga si Annika at pinalabas na lamang na anak siya ng kapatid ni mama who they said died after giving birth."

"Kaya nailusot nung matatanda kung bakit dito na lumaki yung bubwit," ani Dos.

Kaya pamilyang ang napaka-charming nitong persona. Isa itong Montecillo. At base sa kung pano lumiwanag ang mukha ng magpipinsan nang dumating ito, they all loved her so much. Ang prinsesa ng mga Montecillo.

"I just don't want my kids to be making the same mistakes I did."

Ngayon ay mas malinaw na sa kanya kung bakit ga'non na lang ang naging reaksyon ng tiyahin ni Inno. She's been in his position before. Pero may isang malaking pagkakaiba.

Hindi pipili si Inno.

I'll make sure of that.

💐

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro