Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[B2] Episode 26

💐

"What's the big deal kung nasa maternity section si Synn, Arabella?" tanong sa kanya ni Inno habang lihim nilang sinusundan ang kaibigan at ang kasama nitong si Seven.

So far ay hindi naman touchy or mukhang couple yung dalawa. Parang magkaibigan lang ang mga ito na naglalakad-lakad but there were times na parang nagiging protective si Seven kay Synn.

Like that one time na muntik itong mabangga, Seven protectively pulled her towards him. Ang weird lang. Kelan pa 'tong dalawa naging close?

"Sa inyong magpipinsan, si Jarvis lang at ikaw ang close ni Synn," aniya without losing eye contact sa dalawa. "Hindi ba fishy sa'yo na kasama niya dito si Seven? Like of all people, bakit si Seven? Saka, maternity section—"

Bigla niyang naalala 'yung lagi nitong sinasabi. That she wants to have a baby. Baby lang hindi jowa

Could it be?

Napakapit siya sa braso ni Inno. Then hinampashampas ito.

"Aray naman Arabella. Mahal kita pero konti na lang matatamaan ka din saki—"

Tiningnan niya ito ng masama.

"...ng kiss. Ki-kiss kita ng madami."

"Heh! Bwisit ka talaga kahit kelan. Pasalamat ka talaga Inosencio at iniisip ko anak natin. Kundi baka kanina pa kita minurder," asik niya dito. "Kesa reklamo ka ng reklamo diyan manahimik ka na lang. i'm trying to figure something out here."

Muli ay ibinalik niya ang tingin sa kanina pa pinagmamasdan only to be surprised na wala na pala ang dalawa.

"Ayan wala na tuloy sila. Ang kulit mo kasi—"

Nanlaki ang kanyang mga mata nang bigla ay nasa likuran na pala ni Inno and dalawa. Synn looking scarier than she normally is.

"Hi Ate Yoon," ani Seven na nakangisi. "Long time no see."

Alanganing napangiti siya habang nakatingin sa kaibigang mukhang hindi talaga natutuwa. So she turned her attention towards the younger guy.

"He-he. Long time no see din, Seven. K-Kamusta?"

"Same old, same old," simpleng sagot nito. "Ikaw, Ate? Feeling ko talaga ikaw yung may malaking change ngayon. Nananaba ka."

"Upakan kita, gusto mo?"

Ngumisi lang ito sabay isod papalapit sa kanyang kaibigan na kanina pa nakatingin sa kanya ng masama. Sa kanila actually ni Inno—who, by the way, is actually hiding behind her.

"I can take care of the baby on my own, Synn," paguulit nito sa sinabi niya dati kaya't napayuko siya. "Hindi ko na kailangan ng panibang stress sa buhay ko."

"Umm..." Napatingin siya sa kasintahan at hinila ito papaharap kay Synn. "Napagisip-isip lang kasi ako na... na... Na tama ka! Inno has the um... right to know. Saka ano, misunderstanding lang lahat. Funny kasi ano, mali pala yung number niyang naka-save sa'kin. Hehe."

Umirap muna si Synn bago napabunto-hinga't tumingin kay Inno.

"Alam ko ng may kasalanan ako sa'yo pero I still need to beat the shit out of you pagkatapos mo paiyak-iyakin 'tong gagang 'to."

"Hey! Hindi ako gaga—" Agad siyang napatigil nang sinamaan siya nito ng tingin. "Sabi ko nga. Gaga ako."

"Ano? Masaya ka bang napaiyak mo siya? Tapos ngayon eh didiga-diga ka. Gago lang, Inno?"

"I know," bigla ay sumeryoso si Inno. Napatingin tuloy siya dito. "Gago ako. At pinagsisisihan ko na 'yon. Yoon didn't deserve that at hindi ako magrarason pa ng kung anu-ano. It was a dick move and I'm really sorry for that."

Napakurap siya at nanatiling nakatingin dito. What's going on?

"Hindi ko dapat siya tiniis. Hindi dapat ako nagpadala sa galit ko. I should've just sucked it up dahil alam ko namang mahal niya ako. Or kung hindi man, sapat na yung mahal ko siya." Tumingin ito sa kanya at ngumiti. "Mahal na mahal."

Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Pakiramdam niya ay may circus nanamang nagaganap sa dibdib niya. Inno's grip on her hand tightened as he placed a quick kiss on it.

"B-Bwiset ka," aniya sabay bawi ng kamay niya. She was trying her best para hindi maging emosyonal at bigla na lang mapaiyak. Nasa mall pa man din sila. "Layo ka sa'kin. Ang baho mo."

"Yuck," komento naman ni Synn sabay irap. "Okay na kayo, tama? Shouldn't you two be engaged in this hot make up sex at walang balak lumabas ng condo? So bakit nandito kayo? And why the hell were you two stalking us?"

"Grabe ka naman sa stalk!" bulalas niya sa kaibigan.

"Then what?" Synn folded her arms at pinagtaasan siya ng kilay. "Bakit kanina ko pa kayo nakikitang sumusunod sa'min ni Seven?"

"Um... ano kasi--"

"Bakit muna kayo magkasama?" singit ni Inno. Nakangisi ito at kinindatan muna siya bago harapin ang kamalditahan ni Madam Solyn.

Such a brave soul, aniya sa sarili.

"Ikaw ba kausap ko?" pananaray nito. "I was talking to Yoon."

"Ba't mo iniiba yung topic?" ganti uli nito. Naningkit ang mga mata ni Synn kay Inno. Pero and dimonyo, nakangisi lang. Di man lang natakot na baka maagang mawalan ng tatay yung mga anak nila. "Bakit friend. Date ba 'to? Should I call you 'insan-in-law from now on?"

Punyeta talaga nitong si Inosencio. Ayaw ko pa maging biyuda!

"Do you want to die--"

Naputol ang sasabihin ni Synn nang biglang sumingin si Seven. Nakangisi ito at inabot bigla yuung telepono sa nakatatandang pinsan.

"Kuya, kausapin ka daw ni Tita Saturn."

Sobrang lakas na self control ang kinailangan niya para lang pigilan ang sarili niya sa pagtawa. Namutla kasi bigla si Inno at mukhang ilang segundo na lang ay hihimatayin na ito.

"Tita-- Wait. I can explain--"

Napabaling siya kay Seven na mukhang proud na proud pa sa ginawa. Nakipag-apir pa ito kang Synn.

Wow ha. Bff's?

"Ay, close kayo?" bigla niyang sambit. Sabay ding napatingin sa kanya ang dalawa. "Di ako informed ah."

Nagkibit-balikat lang ang nakangising nakababata habang si Synn naman ay patay malisya lang. Kitang-kita niya rin ang lihim nitong pag-ngisi.

Am I missing something?

Pinagmasdan niya ng maigi ang kaibigan. May kakaiba. May kakaiba talaga sa kanya.

"Synn," tawag pansin niya dito. "Seryoso. Anong ginagawa niyo ni Seven sa maternity section nitong mall? Curious lang talaga ako."

"Yoo--"

"Nadaan lang kami 'dun ni Synn," salo agad nito. He was smiling--yung smile niyang sobrang cute at parang baby boy talaga, sabay taas ng dalang paper bag. "I wanted to buy something for Ate Naia. Nursing blanket kasi parang sira lagi si kuya Jarvis kapag pinapadede ni Ate Naia si Mavi. He keeps hovering over them kala ata sisilipan namin si Ate."

Naningkit ang kanyang mga mata dito but the kid didn't even budge. Mukhang nagsasabi nga ito ng totoo so she let it go. For now.

"Sig--"

"Punyeta ka talagang hayop ka." Nagulantang siya nang padabog na inabot ni Inno ang teleponong hawak pabalik kay Seven. "Bakit mo sinabi kay Tita Saturn na buntis si Arabella? 'Yan tuloy pinapauwi na kami sa mansyon."

"Tinext ko lang naman si Tita na nakita kita dito sa mall kuya eh. Tapos kinamusta ka kaya sabi ko, eto po kasama si Ate Yoon. Tapos tinanong kung kamusta na rin daw si Ate. Sabi ko, okay naman po Tita pagbubuntis ni ate. Tapos ayun sabi kakausapin ka daw--"

Kung hindi niya pa napigilan si Inno ay baka nabigwasan na nito ang nakababatang pinsan na agad namang hinila si Synn papalayo habang tumatawa.

"Bibili pa kami ate pasalubong para kay Mavi. Ba-bye!" paalam nito sabay kaway. Synn rolled her eyes at nagpatianod na lamang sa kasama sabay kaway na rin sa kanya. Without forgetting to mouth 'Tawagan mo 'ko mamaya kingina mo'.

Nang makalayo ang dalawa ay napabaling siya sa kasintahang nakabusangot at parang batang paslit. Hindi niya na kinaya at tuluyan nang natawa sa itsura nito

"Anong problema mo?" tanong niya dito. "Para kang sira diyan. Ano, naagawan ka ng kendi?"

"Si Seven kasi," anito. "Kakabwiset. Sarap tirisin. Sabi nang di muna ako uuwi eh. Kaya nga di ko pa sinasabi kay Tita Saturn kondisyon mo para di ako pilitin umuwi."

"O eh bakit badtrip ka? Okay lang naman kung uuwi ka. Kaya ko naman sa condo--"

"No!" bulalas nito sabay baling sa kanya. "Huwag mong itutuloy 'yang sasabihin mo, Arabella. Kasama ka sa pag-uwi ko. Hindi ako papayag na mawala ka sa paningin ko."

"But Inno--"

"No buts," pinal na sambit nito. "Sasama ka sa'kin sa mansyon. Iyon naman talaga ang plano eh. Pinagbibigyan lang kita kaya hindi pa kita inuuwi doon. Hindi kayo mawawala sa paningin ko, Arabella. You're stuck with me and there's nothing you can do about it."

Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago tumango.

"May magagawa pa ba 'ko?"

Lumapit agad sa kanya si Inno at niyakap siya bago hinalikan sa noo.

"Sorry, love. Don't worry. Kapag nakaluwag-luwag, we'll go on a long vacation," anito. "Kahit 'san mo pa gusto."

Tumango lang muli siya't isinuksok ang mukha sa dibdib ng kasintahan. Okay lang. Sound proof pa din naman ata yung kwarto ni Inno eh.

💐

"Ang cute cute ni Mavi, Naia. Kagigil!"

It's been almost two hours since nakarating sila sa mansyon and boy was it disastrous. Hindi pa nga sila nakakababa ni Inno mula sa sasakyan ay sinugod na agad sila ni Naia demanding an explanation. Si Yvo at Box naman ay naguunahan pa mahawakan ang baby bump niya na agad namang pinalayo ni Inno at inulan ng makukulay na salita. Si Jarvis naman ay nakikipag-diskusyunan kay Dos who refused to let his son go. Mukhang kahit suplado itong si Dos eh may soft spot ito sa bata.

Natigil lang ang mga ito nang lumabas mula sa pinto ang tiyahin at tinawag si Inno para mag-usap. Isang tipid na ngiti lamang ang ibinato sa kanya ng ginang bago muling pumasok sa mansyon.

Ngayon eh nasa may nursery na sila ni Mavi at kasalukuyang binabantayan ang natutulog na bata habang ang mga lalaki ay naghahanda ng kanilang miryenda.

"Cute kapag tulog," ani ng babae na mukhang cranky pa dahil walang tulog. "Mavi's sweet pero I miss sleeping. All he do is cry at si Jarvis lang nakakapagpatahan sa kanya. Feeling ko tuloy parang ayaw niya sa'kin--his own mother. Mas nakakatulog pa nga siya with Dos kesa sa'kin and it frustrates me. Ako yung nanay niya pero, bakit parang ayaw niya sa'kin? Wala siguro ako nung maternal instincts..."

Napatingin siya sa kaibigan. Is this what they call post-partum depression?

Nabasa niya kasi iyon sa isang pregnancy book na nabili. Natural daw iyon sa mga bagong panganak and kailangan daw eh mabantayan ng maayos. But seeing as how attentive at maalaga si Jarvis kay Naia, nasisiguro niyang magiging okay naman ang kaibigan niya.

"It's alright, Naia. Naninibago lang siguro si Mavi." Sinubukan niyang pagaanin ang kalooban ng kaibigan. "Maybe in time eh mapapalagay na rin siya sa'yo. At kung maternal instincts lang naman 'yan, girl, ikaw kaya pinaka-nanay sa'tin. Nanay ka na nga rin ata ni Uno at ni Third eh. Just give it time."

"Pero kasi di ko matanggap eh," lintaya nito. "Si Dos. Si Dos na tinawag na tiyanak yung anak ko, siya pa yung sobrang mahal ni Mavi. Hindi ko talaga matanggap."

"He what?" gulat niyang sambit. "Totoo?"

Tumango ito. Pero kilala niya rin naman si Dos. Ilang taon niya ring ini-stalk 'yon kaya alam niya kahit papano ang ugali 'non. Mukha lang itong masungit pero sobrang softie inside. Binilhan siya noon ni Dos ng ice cream nung time na umiiyak siya nung nakita niyang may kahalikan si Inosencio. Maybe he was just teasing Naia.

Maya-maya ay biglang umiyak si Baby Mavi. Kung siya ay natataranta na dahil busy yung mga lalaki sa baba, si Naia ay parang wala lang. Napabuntong-hininga pa nga ito.

"Naia?"

"Hindi naman siya titigil sa'kin eh," mahinang sambit nito. Nakaramdam siya ng kung anong kirot sa kanyang dibdib nang makita ang lungkot at pagkabigo sa mukha nito. "Hintayin na lang natin si Jarvis o si Dos..."

"No, Naia," aniya sabay tayo at tinungo ang crib ni Mavi. Maingat na kinarga niya ang bata at ini-abot ito sa gulat na si Naia.

"Yoon baka mas lalo lang siya umiyak--"

"Patahanin mo," utos niya dito.

"Pero--"

"Just try, Naia," aniya. "Ipatong mo siya sa may dibdib mo. Try singing. 'Diba sabi mo dati, kapag magalaw siya sa tiyan mo eh tumitigil siya kapag kumakanta ka? Try it now. Baka makilala niya ang boses mo."

Ilang segundo muna ang lumipas bago lumalima ang kanyang kaibigan. Dahan-dahan nitong pinadapa ang sanggol sa dibdib nito't sinimulang i-hele. Unti-unting natatalo ng tinig ni Naia and iyak ni Mavi hanggang sa tuluyan na itong kumalma't nakatulog muli.

"Oh my God--" mahinang hiyaw nito. Nagulat naman ang bata.

"Shh!"

Nagmamadaling na hinele itong muli ni Naia na agad din namang bumalik sa pagkakatulog.

"Yoon, he's sleeping," bulong nito at halos mangiyak-ngiyak. "Hindi na siya umiiyak sa'kin."

Nakangiting tumango siya dito. "I told you so. Mahal ka ni Mavi, Naia."

Ngumiti ito't tinitigan ang natutulog na anak. Bigla tuloy siyang na-excite para sa sarili. In a few more months, magkakaron na rin sila ng baby. Babies. Jusko. Oo nga pala't dalawa ang magiging anak nila. Kayanin niya kaya?

Maya-maya'y napagpasyahan niyang pumunta sa kanyang silid. Medyo inaantok nanaman kasi siya. Bababa na lang siguro siya kapag natapos na ang usap nina Tita Saturn at Inno.

"You have to make a choice, Inno."

Natigilan siya. Boses iyon ni Tita Saturn. At dahil may pagkatsismosa siya, lumapit siya sa may pinto't nakinig.

"You can't have both," patuloy ng tinig. "And seeing as Yoon is pregnant, you have to make a decision as soon as possible. Hindi maghihintay ang board. Renato is furious after that stunt you pulled. Malaking kahihiyan ang naidulot 'non sa kanya kaya't naiintindihan ko ang naging desisyon niya to pull out his stocks. Mabuti na nga lang at napakiusapan siya ng ama mo to reconsider."

"Hindi ko iiwan si Arabella." It was Inno. "You know that, Tita. Gagawa ako ng paraan para hindi niya ituloy ang balak niya."

"Anong paraan?" balik nito sa pamangkin. "He was very clear with his condition for his stocks to stay."

Napasinghap siya sunod na narinig.

"Marry Renalea or step down from your position as CEO."

💐

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro