Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[B2] Episode 25

💐

Yoon cuddled closer to Inno. Agad namang kinintalan ng halik ng lalaki ang kanyang noo bago inayos ang buhok na tumatabing sa kanyang mukha.

"How are you feeling?" tanong nito. "Kumikirot pa din ba yung tiyan mo? Pwede tayo sumaglit sa ospital bago umuwi sa mansyon."

Nakahiga sila ngayon pareho sa kama with Inno's arm serving as her pillow. After having a quick lunch na ito rin naman ang nagluto, nakatulog siya buong hapon. Inno did not leave her side and occasionally would rain her with light forehead kisses.

"Inno, pwede bang... pwede bang wag muna tayo bumalik?" tanong niya dito tightening her grip on his shirt. "I mean, as much as I want to see Naia and the others... gusto ko sanang dito muna tayo. Kahit ilang araw lang. I um... I want you all to myself muna."

Isang malapat na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito bahmgo siya kintalan ng isang magaang halik.

"Of course, Love," anito as he gently brushed her hair with his fingers. "Though you can have me to yourself sa mansyon, I want you to be comfortable. And that reminds me, kailangan natin bumili ng bed frame. Hindi ka ba nahihirapan sa kamang 'to—correction, mattress. Lumalaki ka na at hindi 'yon safe sa ganito kababang higaan."

"Teka. Did you just call me fat?" bulalas niya sabay tapon ng tingin dito.

"Love, you are fat. Buntis ka kaya normal 'yon," tugon agad nito. "San ka nakakita ng buntis na flat ang tiyan? Diba wala?"

"But I'm not fat!"

"You are," giit nito. "But I still love you. Kahit pa maging balyena ka, ikaw pa din ang pipiliin at mamahalin ko."

"Ewan ko sa'yo. Bwisit ka!" Inis na tinulak niya ito papalayo. "Napaka-gago mo talaga hayop ka—"

Nanlaki ang kanyang mga mata nang bigla siya nito ninakawan ng halik.

"Inosencio!"

Ngumisi ito.

"You don't know how much I missed that potty mouth of yours," anito sabay hila sa kanya pabalik.

Nagpahila naman siya. Oo na, marupok siya. Pokpok naman si Inno kaya match sila.

"Kasalanan mo kasi iniwan mo ako," giit niya.

"Babalik nanaman ba tayo diyan?" asik nito na ikina-irap niya. "And don't roll your eyes at me, Arabella. Humanda ka talaga kapag may go signal na yung doktor. Patitirikin ko yang mga mata mo in ways we would both enjoy."

Her mouth gaped at the audacity to talk dirty towards her.

"Bastos mo talagang hayop ka," bulalas niya nang biglang mag-init ang kanyang mga pisngi. "Puoutulin ko talaga 'yan ano mo—"

Enjoy na enjoy naman ng hayop ang pamumula niya kaya inulan nanaman siya nito ng mga halik sa mukha pababa sa kanyang leeg. Hindi niya napigilang mapahagikhik dahil nakikiliti siya sa pinaggagagawa nito.

She missed this. She missed him. Punyeta kasing Renalea. Even if she did save her life, naiinis pa rin siya dito dahil sa mga ninakaw nitong sa kanila ni Inno. How it would've been nice to see Inno's reaction when she tells him about her pregnancy. Hindi yung malaki na yung tiyan niya tapos ga'non pang nay sigawan.

"Masakit pa ba yung tiyan mo?" pukaw bigla sa kanya ni Inno habang masuyong hinaplos iyon. "Are my boys giving you a hard time?"

"Boys? Pano ka nakakasigurong boys 'to?" tanong niya. "Malay mo naman kung pareho sila babae. Or, boy and girl."

"Malakas ang dugo ng mga Montecillo, Arabella," anito. "Kita mo naman, sa henerasyon nina papa, isa lang ang babae sa kanila. Saamin, lahat kami lalaki. Yung anak ni Jarvis, lalaki. At lasing pa siya nung ginawa 'yung batang 'yon. Ano pa kaya akong gising na gising nung ginawa mga anak natin? I'm a hundred percent sure na lalaki 'yang mga anak natin."

"Eh di kung hindi pala lalaki, ayaw mo na sa mga anak natin? Ga'non?"

"Wala akong sinabi, uy!" Tumawa pa ito bago pinisil ang tungki ng kanyang ilong. "I'll love our babies whether they cone out as boys, girls or whatever they wanna be. Anak natin sila kaya mamahalin ko sila kahit anupaman sila."

"Then why are you insisting na lalaki sila eh hindi pa nga lumalabas? Ni hindi pa nga ako tumutungtong sa 6th month ko!" sigaw niya dito. "Hindi ka pa nga sure—"

Natigilan agad siya dahil bigla nitong pinisil ang magkabilang pisngi niya.

"Inno!"

"Ang cute ng mahal ko," nakangiting sambit nito sabay pinanggigilan pa ang kanyang pisngi. Hindi naman masakit iyon pero nakakairita pa rin. She pouted. "Okay. Sorry. Hintayin natin malaman ang gender ng mga anak natin. Kelan daw ba pwede?"

"Sa sixth month pa daw," nakabusangot niyang sagot.

"Okay. May dalawang buwan pa tayo," sambit nito sabay halik nanaman sa noo niya.

Bakit nasasabayan nito ang init ng ulo niya? Bakit parang ang dali lang nito pakalmahin siya? Bakit ba ang bango-bango niya ngayon?

She grabbed his shirt—and yes, naka-puting polo pa rin ito at hindi pa nakakapagpalit, and pulled him closer. Nagulat naman ang lalaki pero nagpadala pa rin sa kanya.

"Ang baho mo," asik niya sabay baon ng mukha sa dibdib nito. "Ang pangit mo at ang baho mo."

Naramdaman niya ang pagtawa ng lalaki habang ipinalibot nito ang mga braso sa kanyang katawan at hinigpitan pa ang yakap sa kanya.

Funny how it was so easy for them to be back to normal after months of pain. Pero ayaw na niyang mag-isip pa ng kung anu-ano. Oo, takot pa rin siya dahil baka ay bigla nanamang may mangyari. Sa totoo nga ay hindi niya alam kung kakayanin niya pa kapag may mangyaring hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila.

But that's how they were. They fight. They yell at each other. Walang gusto magpatalo. But at the end of the day, they always manage to come home into each other's arms. And she wouldn't trade that for anything else in the world.

"Gusto ko yung pangalan na Alessandro Guiseppe Antonio Anastascio. Tingin mo, love?"

"Sa labas ka ng condo matutulog, leche ka."

💐

Kanina pa gusto ni Yoon tumakbo palayo.

Dalawang araw makalipas nang supposed to be ay kasal ni Inno at bigla na lamang itong sumugod sa tinitirahan niya, finally ay napilit siya nitong lumabas at bumili ng gamit para sa condo at para na rin daw sa mga bata. Dahil siguro rinding-rindi na siya sa kakakulit nito kaya't pumayag na lang siya. Pero mukhang isang malaking pagkakamali ang nagawa niya.

"Wala bang 100% cotton? Baka magka-rashes yung mga anak ko kapag may synthetic material 'tong damit," anito sa sales lady na mukhang konti na lang ay sasabog na sa inis.

"Sir, ito na po ang pinaka-sikat na brand at style para sa mga newly born," paliwanag nito. "And 100% cotton na po 'yan."

"100%? Eh kapag hinawakan mo nga parang gawa sa nylon. Ang mahal mahal pa man din nito—"

"Sorry miss...ano... paki-kuha na lang kami ng apat na set. Salamat," singit niya sa diskusyon ng dalawa sabay hila na din kay Inno papalayo.

Kanina pa ito sa pakikipagtalo sa mga saleslady na tumutulong sa kanila sa pamimili ng gamit. Pati na lang yung stroller ay katakut-takot na inspection ang ginawa nito bago kunin.

A part of her was touched at how protective he was of their babies pero mas malaki yung parte na gusto niyang hatawin ito ng high chair sa sobrang inis. And they don't even have to buy those stuff now. Ang usapan lang nila ay basic needs lang muna. Damit at feeding bottle lang muna. Hindi stroller crib at kung anu-ano pang mga pinagpipipili nito kanina.

"Gago ka ba ha, Inosencio?" bulyaw niya dito nang makalayo. "Napaka-OA mo. Kapag tayo na-palabas dito sa mall, sasamain ka talaga sa'kin."

"They can't do that. Boss nila ako," simpleng sagot nito na ikina-kunot ng noo niya.

"What?"

"Well technically, I'm their boss' boss' boss, pero gets mo naman ata," paliwanag nito. "Isa 'to sa mga subsidaries ng La Monte, Corp. So relax, love. Hindi nila tayo mapapalayas sa mall na 'to."

Inirapan niya ito. "That's not my point, Inno. Alam mo 'yon."

"But I'm just making sure na hindi mapapano ang mga baby natin," katwiran nito. "I want them to have only the best."

"Oo pero pwede bang huwag ka masyado mageskndalo?" asik niya sa kasintahan. "Pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Oh my goodness, Inno. Daig mo pa babae kung makapagreklamo dun sa saleslady."

"Pero love, yung damit kasi parang mumurahin tapos ang mahal mahal nung singil..."

Pinagkrus niya ang mga braso at napa-irap na lamang. Ready na talaga siya maghanap nang ipanghahataw kay Inno pero tila nahulaan nito ang kanyang balak at agad siyang inakbayan. Hinalikan pa siya nito sa pisngi.

"Sorry na. Hindi na po ako magrereklamo sa mga tinda dito," anito sabay yakap sa kanya. Agad naman siyang pumalag at tinanggal ang pagkakapulupot ng mga braso nito sa katawan niya.

"Inno, ano ba? We're in public. Stop being clingy," pagalit niya dito. Bago bumalik sa tindera at kinuha ang biniling mga damit.

Maya-maya ay napansin niyang tila hindi na umiimik si Inno. Nagtatampo nanaman ba 'yon—

Bigla siyang sumimangot nang makitang may kinakausap na babae si Inno. Hindi niyaniyon kilala ngunit tila sobrang kinikilig ito habang kausap ang boyfriend niya.

"Ma'am gusto niyo po ba ng tulong pagdala—"

"I'm finez. I can handle this," simpleng sambit niya sabay martsa papalapit sa push cart at nilagay doon ang mga nabili. Then she pushed it towards Inno.

Napahiyaw ito nang tamaan ito sa likuran. She smirked bago magkunwaring nabitawan ang dala.

"Oh my, love. Are you okay?" tanong niya agad kay Inno at nilapitan ito. "Sorry nabitawan ko yung cart kasi tumingin ako nung feeding bottle. And—"

Napatingin siya sa babaeng kausap nito at ngumiti.

"May kausap ka pala," pagkukunwari niya. "Hi, I'm Arabella. Inno's wife."

"Oh!" gulat nitong sambit. "Hi. I'm Xantha."

Nakipagkamay siya sa babae at medyo kahawig nito si Solyn. Then bumaling ito kay Inno.

"Oh. I heard about that," anjto sabay ngiti sa kanya. "Congratulations! Sayang hindi kami naka-attend nung asawa ko. Medyo naging busy lang kasi lately."

Natigilan siya. Asawa? May asawa ito?

"Congratulations na din. I see you two are expecting?" dugtong nito.

"Fourth month," pround na saad ni Inno. "And it's fine. Alam ko namang busy iyong si Aedree. Give him my regards, okay? And congratulations din sa magiging baby niyo. Balita ko magiging kalahi daw ni Shrek kasi nahihilig ka sa green."

Naningkit agad ang mga mata ng babae sa sinabi nito. "Alam mo, ang sarap sumigaw ng bad words, Inno. And very tempting kang saktan ngayon."

Tumawa lamang si Inno bago ito magpaalam at tinawagan ang asawa. Siguro baka magsumbong dahil kung siya din ang nasa posisyon nito ay ipapa-baon niya sa ilalim ng lupa ang kung sinuman tumawag ng Shrek sa magiging anak niya.

"Love—"

"Love mo mukha mo," asik niya agad dito. "Nalingat lang ako kung sinu-sino nanamang babae lumalapit sayo."

"Love naman kaibigan ko lang 'yon si Xantha. She's happily married to Aedree Puntavega—"

"Che," singhal niya dito bago humakbang papalayo sa lalaki. Sinundan naman agad siya nito. "Lumayo ka nga sa'kin. Ang baho mo."

"Mabaho eh ayaw mo nga akong bitawan kanina eh," anito. "Pinasok mo pa nga ako nung naliligo ako—"

Agad niyang tinapalan ng kamay ang bibig ng kasintahan. Peste talaga neto! Naramdaman niya ang pagngisi nito at paghalik sa kanyang kamay. Just like before. Samu't saring emosyon nanaman ang nararamdaman niya sa kanyang dibdib.

But unlike before, tinanggal ni Inno ang kamay sa kanyang bibig sabay hila sa kanya papalapit at hinalikan siya sa mga labi. Saglit siyang nakalimot ngunit agad na tinulak ito bago tumalikod.

"Inno!"

Isang nakakalokong ngisi lamang ang ibinato sa kanya nito bago muling lumapit sa kanya't hinapit siya sa baywang.

"Tara na at baka kung sino pa madisgrasya mo nitong pushcart," pangaasar nito na ikinailing niya na lamang. And then, bigla siyang may nakita.

"Inno," tawag pansin niya dito, not breaking contact on what she saw.

"Hmm?"

"Is that..." hindi siya makapaniwala sa nakikita.

Holy shit.

"Is that Synn with Seven?" tanong niya dito na agad namang napatingin sa kanya and then sa pares.

Nanlaki rin ang mga mata nito.

"Anong ginagawa ni Solyn at Seven sa maternity section ng mall?!"

💐

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro