[B2] Episode 24
💐
Yoon lived the life of a hermit. Kinulong niya ang sarili sa kanyang condo at occasionally na lamang lumalabas.
After Inno's engagement to Renalea was announced, bigla na lang nag-shutdown ang buo niyang sistema. How she managed to get out of that party was still unknown for her. Kahit ilang buwan na ang nakalipas, isang malaking question mark pa rin sa kanyang isipan kung pano niya kinayang mag-drive pauwi.
She hasn't cried. Nagtataka siya kung pano pero, hindi pa talaga siya umiiyak mula ng gabing 'yon. Siguro dahil inexpect niya nang mangyayari iyon. O di kaya eh naubos na talaga yung luha niya from crying her eyes out before. Pwede rin namang namanhid na siya sa sakit.
It was time for her daily exercise. Napahawak siya sa kanyang tiyan—which was bigger now at mas kita. Dati ay kino-compare niya ito from what she saw with Naia dahil parang mas malaki yung kanya. Turns out she was indeed bigger dahil hindi lang isa ang dinadala niya kundi dalawa. She was having twins. Di lang agad nakita sa unang ultrasound niya.
Simpleng mga stretching ang ginagawa niya on a daily basis para mainat lang ang kanyang mga buto at maiwasan ang cramps. Bumibisita din sa kanya ang ina from time to time na naging malaking tulong sa kanyang pagbubuntis.
Lagi siya nitong pinipilit na umuwi na kasama nito sa probinsya para mabantayan ng mas mabuti ngunit hindi pa pwede dahil mahihirapan siya sa pagbabantay ng shop niya. But once she enters her third trimester ay doon na siya sa ina mamamalagi hanggang sa makapagpanganak.
Hindi na naglabas ng statement ang kampo ni August tungkol sa issueng kinasangkutan dahil madali naman itong nawala na barang bula. Wala din namang naging threat sa buhay niya kaya't hinayaan na lamang niya iyon. Naging maingat na lang siya sa paglabas-labas ngunit iniwas niya din naman iyon. Buti na lang talaga at ang condong tinutuluyan niya ay may mini-mart din sa baba.
Napadako ang kanyang tingin sa telebisyon. Yes, she also managed to buy herself a TV aside sa ginagamit na ref ngayon. She still sleeps on the mattress on the floor though. Pero sa makalawa'y baka dumating na yung inorder niyang bedframe.
Two weeks ago ay napanood niya ang balita tungkol sa nalalapit na kasal ni Inno and Renalea. It seems like sobrang proud ni Senator Ibañez sa balitang iyon kaya every time he gets the chance ay binabalandra niya ang supposed engagement ng anak nito.
At kung tama ang tantiya niya, today's the day of their union. Ngayon ikakasal ang dalawa and she'd be lying if she say it doesn't hurt. Dahil ang sakit. Sobrang sakit.
Today could've been their wedding day. Or kung hindi man, sana'y kasama niya pa rin ito. Kung hindi lang nangyari ang mga nangyari, suguro ay masaya pa rin sila at excited na sa paparating na mga anak.
Pero hindi eh. Dahil sa pagiging in-denial niya noon at lecheng trust issues, nawalang parang bula ang lahat. Nagkanda leche-leche na. Or kung nung una pa lang siguro sinabi niya na iyon kay Inno, hindi na hahantong sa ganito ang lahat.
Would it be different? Siguro tampo lang ang mararamdaman nito tulad nung sa hinalikan niya ito sa party ni Dos noon. Siguro hindi sila hahantong sa ganito.
Maya-maya pa'y napukaw ang kanyang atensyon nang may biglang mag-doorbell. Who could that be? Hindi naman nagpasabi ang kanyang ina nabibisita ito. Baka si Synn.
Muling nag-doorbell ang tao sa kabilang side ng pinto. Nangunot ang noo niya dahil parang batang paslit itong inuulit-ulit ang pagdo-doorbell. Impatient lang ga'non?
"Teka!" hiyaw niya habang binabagtas ang daan papunta sa pinto. Her tummy wasn't that big pero mahirap pa din para sa kanya ang paglalakad. "Wait lang kasi—"
"Arabella."
💐
Gulat na gulat si Yoon nang hindi si Solyn ang bumungad sa kanyang harapan but a suit-clad Inno. Nakaayos din ang buhok at tila may dadaluhang kasal.
Oo nga pala. Kasal niya ngayon kay Renalea.
Wait lang. Bakit nandito ito? Bakit wala ito ngayon doon sa simbahan kung saan ikakasal 'to saka si Renalea?
"I'm so—" naputol ang sasabihin sana nito nang bumaba ang tingin nito sa kanyang tiyan. His eyes grew wide. "You're pregnant?!"
Nang marealize niya bigla ang sinabi nito ay agad siyang humakbang patalikod at sinarhan ang pinto. But Inno was quick to respond na miharang nito ang kamay bago niya tuluyang naisara iyon making him yell in pain.
"Shit!" sigaw nito. Pero tila hindi naman iyon ininda ng matagal ng lalaki dahil bigla na lang itong pumasok sa kanyang unit. Siya naman ay agad napaurong at lumayo dito.
No no no no!
Hindi nito dapat nalaman ang tungkol sa pagbubuntis niya. He's getting married today. At pano ito nakarating dito? Hindi niya naman maalalang sinabi niya dito kung saan siya nakatira. Not unless sinabi ni Jarvis o 'di kaya ni Naia.
"You're pregnant and didn't tell me?!" ulit nito na nakapukaw pabalik ng kanyang atensyon.
"B-Bakit pa? I-Ikakasal ka naman na,"
bato niya dito.
"That's not the point, Arabella," galit na sambit nito. "What were you planning to do, hide my child from me?"
"You lost that right when you left me," bulyaw niya dito. Akala ba nito ay okay lang na sumugod-sugod dito tapos sisigawan siya? No! "So wala kang karapatan sa bata—"
"Iniwan kita sa bahay. Ikaw itong umalis on your own," katwiran nito na mas lalong nagpainit sa kanyang ulo. "Hindi ba ako pwede magtampo lang after what I found out?"
"Gago ka pala eh!" sigaw niya dito—her voice close to breaking. "What do you expect me to do after being left like that, huh? You broke it off, putangina ka! Nag-sorry ako sayo. Nagpaliwanag. Heck I even begged you to stay. Pero nagawa mo pa rin akong iwan, Inno. Iniwan mo ako na para bang ang laki-laki ng kasalanan ko sa'yo."
"Pinagmukha mo akong tanga, Arabella!" ganting sigaw nito. "For years, hinabol kita. Tapos nung finally eh naging akin ka na, malalaman kong pustahan lang pala ang lahat. How do you think that made me feel? Sobrang sakit 'non! If it were the other way around at ikaw yung pinagpustahan, anong mararamdaman mo? Diba masasaktan ka din? You'll feel betrayed. Dahil yung taon minahal mo ng sobra eh nagawa kang lokohin ng ga'non ga'non lang."
"Kaya nga nagsorry ako, 'di ba?!" giit niya naman. "Pinagsisihan ko na 'yon, Inno. But you wouldn't listen."
"Kaya ba umalis ka na lang bigla?" balik nito. "Nagpalamig lang ako, umalis ka agad ng mansyon. And I never said na break na tayo."
"But that how you made me feel!" Ayan na. Naiiyak nanaman siya. Nakita niya rin ang biglang paglambit ng ekspresyon ng kaharap. "Hindi naman makapal yung mukha ko para mag-stay sa mansyon after being pushed away. After you pushed me away. Mahal kita kaya ang sakit, Inno. Sobra. And hearing straight from you na hindi ka naniniwala 'don... it broke me. Hindi mo ba naramdaman yung pagmamahal ko? Hindi ba enough yung pagbigay ko ng sarili ko sa'yo para maniwala kang mahal kita? Am I that evil for you to think na kaya kong gawin 'yon sa'yo—"
Naputol ang sinasabi niya nang bigla siyang nakaramdam ng matinding kirot sa kanyang tiyan. Nang mapansin iyon ni Inno ay agad naman itong humakbang palapit sa kanya. Pero pinigilan niya ito.
"Don't," pigil niya dito. "Huwag kang lalapit sa'amin. Please, Inno. Just leave. Hindi ako pwedeng ma-stress sa kondisyon ko—"
Ngunit hindi siya sinunod ni Inno. Sa halip ay bigla siya nitong pinangko at dinala palabas ng silid.
"Inno!" hiyaw niya. "Put me down!"
"Kailangan mong madala sa ospital," asik nito. "Baka mapano ang bata—"
"I'm fine," pigil niya dito. "This is normal kapag nai-istress ako. Now please put me down and leave me alone. I can handle myself—"
"Hindi pwede," giit nito. "Idadala kita sa ospital para mapatingnan ka—"
"Will you shut up and listen to me—" Hindi niya nanaman naituloy ang sasabihin dahil bigla nanamang humilab ang kanyang tiyan.
"Arabella? Love? Are you okay?" nagaalalang tanong nito.
Her heart skipped a beat nang biglang marinig ang endearment nito sa kanya. That finally did it. Kumawala ang mga luha at hikbing kanina niya pa pinipigilan. Humigpit din ang pagkakakapit niya sa leeg nito. Inno heaved a sigh and planted a soft kiss on her head. Maya-maya pa ay naramdaman niyang nilapag siya nito sa higaan.
"Iuuwi na uli kita sa mansyon bukas," anito habang inaayos ang kanyang buhok. "Mas magiging kompurtable ka doon."
So ga'non na lang ba 'yon? Lahat nung hirap at sakit parang wala lang?
"No," sagot niya dito. "I'm staying here."
"Then I'm staying here with you," deklara nito. "Bibili na lang tayo ng bed frame since hindi pwede sa buntis yung ganito kababang higaan. Saka couch. Meron ka bang bidet dito? Palagyan natin kasi alam mo namang hindi ako kompurtable sa tabo—"
"Inno, ano ba?!" bulalas niya. Akala ba nito ay ga'non lang kadali ang lahat? "You can't just march in here and act as if nothing happened. At isa pa, kaya ko. Kaya kong buhyin ang anak ko on my own. Dun ka na kay Renalea. Tutal naman mas pinaniwalaan mo siya, 'diba? Ikakasal na nga kayo—"
"It's because I though you were already dating that actor," bigla nitong sambit sabay buntong-hininga. "Pinuntahan kita, Arabella. I tried to distance myself dahil gusto kong malaman kung talaga bang mahal mo ako. Kung hahabulin mo din ako. I know that was a dick move pero, desperado na ako.
"I needed proof para mapaniwala ko yung sarili ko uli na minahal mo nga talaga ako. Kaya tinry kong tiisin ka. I waited for you sa opisina. I waited for you to come to me. Mali ba na gustuhin kong ako naman yung ako naman yung habulin mo for a change?"
"Aba't isa't kalahating gago ka pala! Tangina mo Inosencio! Magpapahabol? Ano ka, grade 2?!" Muli niyang bulyaw sa lalaki. "Isa pa, araw-araw kaya kitang tinatawagan at tinitext! Pinuntahan din kita sa opisina mo pero pinatanggal mo ako sa guest list mo!"
"What?" Kunot-noong tanong nito. "Wala akong narereceive na text o tawag man lang galing sa'yo, Arabella. At hindi kita pinatanggal sa listahan ko. Ikaw nga lang yung nandoon eh!"
Nangunot ang noo niya.
"Panong wala eh halos araw-araw kitang tinitext 'non?! Saka tinatawagan." Bigla niyang hinagilap ang kanyang telepono. "Can you please, grab my phone? Andun sa kitchen counter."
Agad naman itong tumalima at kinuha ang telepono niya. Then his forehead creased.
"This isn't my number," anito. "Nagbago ako ng number, Arabella. Kasama kita nung nagpapalit ako ng number."
"That's your new number, Inno. Kinuha ko yon agad after you changed it—"
"Hindi 6 ang huling number ko. Nine."
"What? Hindi kaya—"
Inno fished his own phone from his pocket and gave it to her.
"Hold this," utos nito bago tumipa sa telepono niyang hawak naman nito.
He tapped the call button on the number saved as Inno's and put it on speakerphone. Hindi man lang nag-ring ang hawak niyang aparato habang rinig na rinig nila ang dial tone sa hawak nito. Then bigla iyong nawala at napalitan nung usual na nagsasalitang babae.
Then he tapped on the phone again and changed the number 6 to 9. Hindi pa nga nalalagay ni Inno sa speakerphone ang tawag ay agad nang nag-ring ang hawak niya.
Arabella ko ❤️
Napatingin siya dito. "Inno..."
"I waited for your call," anito pagkatapos mapabuntong-hininga. "I even waited for you to visit me in my office. Pero wala eh. Hindi ka nagpakita sa'kin o nagparamdam. So tinapon ko na yung pride ko at pinuntahan ka dito. Then I saw you with a guy. Niyakap ka pa niya at hinalikan sa pisngi. Ewan ko ba pero inisip ko talaga 'non na kaya hindi ka na nagparamdam kasi ayaw mo na. Na may iba ka nang gusto."
"Kaya pumayag kang makasal kay Renalea, ga'non?" sumbat niya dito.
"Wala ka na rin naman sa'kin kaya wala nang silbi yung buhay ko," sagot nito. "Kung mapariwara man ako, at least matatapos na yung sakit sa ulo namin sa kumpanya."
"Then what are you doing here, then?" tanong niya. "Hindi ba kasal niyong dalawa ngayon? Bakit bigla na lang nagbago yung isip mo? Is it because nalaman mong buntis ako? I can take care of myself, Inno. Kaya ko. You don't need to stay just because of the baby—"
Naputol ang kanyang sinasabi nang bigla siya nitong siilin ng isang halik. Sa sobrang gult ay hindi niya ito nagawang itulak papalayo.
"Dahil mahal kita, Arabella," anito. "I can't go through with marrying someone else dahil ikaw lang yung mahal ko. Naisip kong kaya ko namang maghintay uli. Kahit apat na taon uli 'yan, kakayanin ko. I'll slowly wear you down again and patiently wait. Saka nabalitaan kong babaero daw yung dinedate mo kaya kung magloko man siya eh andiyan na uli ako para mag-abang. Only this time, hindi na uli ako papayag na masingitan pa. I didn't even know you were pregnant until a while ago. I had no idea were about to have a baby."
Napatingin siya dito. Wala nga ba talaga itong alam? Kung sabagay, walang ibang nakakaalam tungkol sa sitwasyon niya aside from Synn and her mother. Saka 'yong Renalea na rin. And he was indeed surprised when he saw her baby bump.
"Inno..."
"Is it too late, Arabella?" mahinang tanong nito. "Am I too late?"
He was about to reach for her tummy pero tila nag-atubili ito't umurong.
Nakaramdam siya ng kirot seeing Inno so unsure. Sanay kasi siyang nakikitang napaka-kampante nito sa sarili. But now... Now he looked so unsure of himself.
"I... I'm sorry if I didn't come sooner," patuloy nito. "Mahal na mahal kita, Arabella. Sorry kung naging gago ako sa paningin mo. I'm sorry—"
Natigilan ito nang bigla niyang abutin ang kamay nito at ipinatong sa kanyang tiyan.
"Babies," pagtatama niya dito. Nangunot ang noo nito't napatingin sa kanya. "I hope hindi isang pangalan lang ang naisip mo para sa magiging mga anak natin. Baka magtampo yung isa. I have a feeling mana sila sa'yo. Matampuhin."
She's had enough. Pagod na siya masaktan. At kapag tinulak niya pa itong muli palayo ay siya lang naman din ang masasaktan. Kaya tama na. Gusto niya naman uling sumaya. Renalea be damned.
💐
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro