Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[B2] Episode 23

💐

"Ano?! Ulitin mo nga 'yang sinasabi mo Arabella! Kahit buntis ka, tatamaan ka sa'kin!"

Isang malalim na buntong hininga lamang ang pinakawalan niya bago ayusin ang pinagkainan at nilagay sa lababo.

Nasa condo niya sila and Synn wasn't living with her. She insisted that she can take care of herself and her baby. Alone. Pumayag naman ito—reluctantly, dahil nakasisiguro naman ang kaibigan niyang hindi niya pababayaan ang batang nasa sinapupunan niya.

She almost died the other day. Muntik na siyang masagasaan ng kotse buti na lang at hinila siya pabalik ni Renalea. Kung bakit siya nito niligtas ay isa pa ring malaking palaisipan sa kanya. But she was too shocked to even ask. Maging ito ay mukhang nagulat din sa ginawa at umalis agad pagkatapos siya hilahin papabalik sa sidewalk.

Buti na lang at malakas ang kanyang anak. Sa sobrang takot ay dumiretso siya agad sa clinic at nagpatingin. Wala naman daw problema and she was just advised to stop doing strenuous stuff.

"Hindi mo sasabihin kay Inno?! Nababaliw ka na ba?!" bulalas nito.

"I can take care of the baby on my own, Synn," kalmado niyang sagot dito. "If Inno still wants to be with me, alam niya kung saan ako hahanapin. Ayoko ipagpilitan ang sarili ko sa kanya. Mas lalo pa na ayokong ang baby ko ang maging tanging dahilan para bumalik siya sa akin. Ayokong ikulong siya sa isang relasyon out of obligation."

Napabuntong-hininga na lamang ito.

"Malaki ka na, Yoon. Alam mo na ang tama sa mali. But don't you think telling him about the baby should be the right thing to do?" tanong nito. "He has the right to know about your baby."

"He lost that right when he left me," bulong niya. "And maybe he'll find out about my pregnancy. Maybe not. Pero ang bottomline dito is that, hindi na ako maghahabol sa kanya. Hindi ko na kailangan ng panibang stress sa buhay ko."

"Fine," pag-suko nito. "Choice mo 'yan. But one way or another, that's Inno's child you're carrying. May karapatan pa rin siya sa bata pagbali-baliktarin mo man ang mundo. Kaya yang ginagawa mo ngayon, para kang kumuha ng bato na ipupukpok mo sa sarili mo."

"Ha? Bakit naman?" kunot-noong tanong niya.

"Because worse comes to worst, pwede ka niyang idemanda at kunin ang bata mula sayo," babala nito na kanyang ikinagulat. "Kaya kung ako sa'yo, ipaalam mo na sa kanya ang tungkol sa bata bago pa mahuli ang lahat."

Pilit niya mang inignora ang sinasabi ng kaibigan, hindi pa rin niya maiwasang mangamba sa sinabi ng kaibigan. Bahala na! Kung anuman ang susunod na mangyayari, bahala na lang talaga ang Diyos sa kanya.

Kung babalik si Inno sa kanya, babalik siya. He promised he'd stay. Na kahit pa magmakaawa siya dito, he will stay.

Impit siyang napatili nang biglang umalingawngaw sa loob ng silid ang kanyang telepono. Maging si Synn ay nagulat.

It was Augustus. Augustus Herrera. Pinakilala ito sa kanila ni Arika one time as pinsan sa mother-side ni River. She planned one of his birthdays.

Pero, bakita ito tumatawag?

"Hello?"

"Hey Yoon. Dito ka pa rin ba 'yung shop mo sa may Taguig?" bungad na tanong nito agad sa kanya.

"Umm, yeah. Bakit?"

Napatingin sa kanya si Synn. Her friend mouthed a question.

"Kliyente," she mouthed. "August Herrera."

Tumango-tango lang si Solyn then biglang nanlaki ang mga mata.

"August Herrera as in the Actor, August Herrera?" Tumango siya bilang tugon.

"Andito kasi ako sa labas. Sa tapat mismo. Closed yung shop," anito. "I need your help on something. Pasensya na. You're the only capable events planner that I know na mapagkakatiwalaan."

"Ah sige. Kaso nasa condo kasi ako," alam niya dito. "Is it okay if you wait for a few minutes?"

"Saan ba yung condo mo? I'll just go there," offer nito. "If you don't mind, that is."

"Uhm... may coffee shop adjoining the lobby. Pwede tayo doon mag-meet," sagot niya. "My place isn't that ready to receive clients yet."

"Ganon ba? Sige. I'll wait for you doon sa café na sinasabi mo," anito. "Just text me the address. Sorry sa abala ha?"

"Walang problema, August. See you."

"See you."

Hindi niya namalayang nasa tabi na pala niya si Solyn. Napakalawak ng ngiti nito kaya't nangunot agad ang kanyang noo.

"Problema mo?"

"There's no way in hell am I letting you not take me to that meeting," anito. "Isasama mo ako sa meet-up niyo ni August sa ayaw at gusto mo."

Bagaman naninibago sa inaasal ng kaibigan, sinama niya ito sa kanilang meeting ni August. Sana lang ay okay dito na may sinama siyang ibang tao sa meeting nila.

"Ay wait lang," ani bigla ni Synn bago pumasok sa elevator. "Nakalimutan kong maglip tint. Sunod na lang ako."

"Synn—"

Ngunit bago pa man siya nakaalma ay tumakbo na ito pabalik ng condo niya. Sakto namang nagsara ang mga pinto ng sinakyang elevator.

Pagkababa ay agad niyang tinungo ang café. Doon ay agad niyang namataan si August na nakasuot ng shades at bull cap. Alam niyang ito ang kikitain dahil out of all the people inside the establishment, ito lang ang weird ang itsura.

She lightly patted his shoulder para kunin ang atensyon nito.

"Yoon!" Nakangiting sambit nito nang humarap ito sa kanya at tumayo.

Napakaganda talaga ng ngiti nito. Kaya nga siguro napakaraming umiidolo at nahuhumaling.

"Thank you for meeting me in such short notice," anito sabay yakap sa kanya ng mahigpit. "Wala kasi talaga akong ibang pwede mapagkatiwalaan tungkol sa event eh."

"Wow. I'm flattered." Tinulungan siya nitong makaupo bago bumalik sa kinauupuan kanina. "Pero walang kaso 'yon, August. Hindi ka na rin naman iba. Is this for your birthday?"

Umiling agad ito. "It's for our museum. Magkakaron kasi doon ng exhibit next month and my parents put me in charge since busy si ate. And I have no idea what to do."

"Oh. Madali lang 'yon," aniya sabay bukas ng dalang na ipad. Buti na lang at meron siyang mga nakatagong files doon kaya't nai-discuss niya sa kausap ang mga kailangan.

The meeting went well and halfway through ay sumabay na saamin si Synn. Hindi lang nag-liptint ang gaga. Nag-retouch ito. Isa na lang talagang out of the ordinary nitong gawin ay ipapa-tawas na niya ito. Una, nakikipagdate. Pangalawa, parang hindi na nireregla araw-araw sa kayarahan. Pangatlo, she's flirting!

Oo mga kababayan. The great Solyn Natalia Cortez na galit sa mga kalalakihan ay marunong lumandi. And she's really good at it! Napaka-swabe at hindi mukhang awkward. Parang eksperto ito sa pakikipag-date!

"Thank you uli, Yoon," ani August as he bad his goodbye. "I'll pick you up sa scheduled inspection natin sa museum next week."

"Sure," sagot niya naman agad. "I'm looking forward to working on this project, August."

Isang ngiti ang ginanti nito bago bumaling naman kay Synn.

"And it was a pleasure meeting you, Solyn," anito sa kanyang kaibigan. "Kapag naging movie 'yung libro mo, make sure to cast me as the male lead, alright?"

"Of course," sagot naman agad ng kaibigan niya. "Though I should warn you, medyo complicated ang personalities ng mga male leads ko. Are you sure you're up to it?"

"As long as you'd be there to guide me, why not?"

Synn chuckled. Yup. Hindi 'yung tawa na sarkastiko but a full blown girly chuckle.

"Brace yourself," ganti nito. "I'm a bit strict."

"Masunurin naman ako, ma'am."

Shuta. May pahabol pang landi. Kailangan pa ba siya nung dalawa dito? O dapat bang umalis na siya?

"I have to get going," muling paalam nito. "Maaga pa call time bukas. Maraming salamat uli, Yoon. Synn. I'll see you girls around."

"Sige."

"Bye, see you."

Nang tuluyan nang makalabas ang lalaki sa café ay agad siyang napabaling kay Synn.

"What was that all abo—"

Nagulat siya nang ang malapad nitong ngiti ay biglang nalusaw. She was back sporting her usual resting bitch face.

"Synn?"

"Babaero," bigla nitong sambit. "I'm crossing him off my list. Mas malandi pa yata 'yan sa mga Montecillo. 'Kingina."

💐

"Okay, I understand. Thank you."

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Yoon nang matapos kausapin ang kanyang head assistant. Apparently, kailangan daw nitong bumalik sa probinsya as soon as possible dahil na-stroke ang ina nito. Agad niyang pinayagan ito siyempre dahil kapag pamilya na ang usapan, iyon dapat ang inuuna.

So now, she has no choice but to oversee the preparations for the La Monte Annual Gala.

Wala siyang kundi magpakita sa event na iyon at siguruhing maayos ang lahat. At siyempre, hindi malabong magkita sila ni Inno sa bulwagan kahit sobrang laki pa 'non.

Inabala niya ang sarili buong gabi. Natakot siyang may mangyaring masama sa anak kaya't kumonsulta muna siya sa doktor. Ayon dito, wala naman daw daanong problema as long as hindi siya tatayo ng matagal o lalakad-lakad. That's why she just sat by the corner watching everything go smoothly like a hawk.

"Miss Yoon, okay naman po so far dito sa front desk," imporma sa kanya ng isang assistant through her ear-piece na naka-toka sa may entrance. "Everything'a running smoothly as guests start to arrive."

"Good," aniya. "Ikaw Weng, how's the food?"

"So far, so good, Miss Yoon," sagot naman agad nito. Napatingin naman siya sa may dakong stage. Okay na rin ang mga dekorasyon at mukhang wala nang kulang.

So she stood up. Kakayanin na siguro iyon ni Weng kasi nagsisimula nanamang humilab ang kayang tiyan.

"Weng, ikaw na muna bahala ha? The program starts in a few minutes. I'll be right back."

"Yes, Miss Yoon."

In-off niya ang suot na in-ear piece at lumabas mula sa bulwagan. Didiretso dapat siya papunta sa restroom ngunit bigla niyang na-spotan si Inno.

He was wearing a navy blue suit with a black formal shirt underneath. Napaka-gwapo nito at tila walang bahid ng pagkapuyat o anupaman. Para ngang walang nagbago dito maliban sa medyo humabang buhok. Mukha pa rin itong fresh at tila walang problemang iniintindi.

Agad siyang tumalikod dito. Hindi siya dapat nito makita. Kailangan niyang makaalis sa lalo't madaling panahon—

"Yoon?"

Biglang may humawak sa kanyang braso. Agad siyang napatingin dito.

"N-Naia!" gulat niyang turan. "Um... k-kamusta? It's been a while—"

Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil bigla na lamang siya nito hiniha patungo sa isang liblib na tabi. Though the chattering and soft background music was still pretty dominant, mas muffled iyon kung saan siya dinala ng kaibigan.

"We haven't heard from you for a week!" anito. "After you called, we checked kung nakausap mo si Inno but apparently, hindi. Hindi ka nanaman tumuloy? Bakit? What happened?"

"Um... Ano... Kasi..."

No coherent words came out of her mouth. Hindi niya kasi alam kung sasabihin niya ba dito o hindi. She's scared that Naia might force her to tell Inno. Or worse, tell him herself.

Ayaw niyang malaman ni Inno ang pagdadalang-tao niya. Dahil parehong masakit ang pwede kahinantnan niya. Renalea has a good point. Tinalukuran na siya ni Inno. Iniwan. Kaya kapag sinabi niya dito ang tungkol sa bata ay parang pinikot niya na din naman ito. Kinulong sa obligasyon. And she didn't want that. Masyadong masakit para sa kanya na babalik lang ito sa rasong iyon. At hindi niya rin naman gustong gamitin ang anak niya.

Maybe someday she'd have the courage. Kapag hindi na masakit.

"We've been worried sick, Yoon," pukaw bigla sa kanya ng kaibigan. "Wala kang posts or kung ano online. Hindi ka din tumatawag. Anong bang nangyayari? Are you okay?"

"I-I'm fine, Naia. Medyo naging busy lang naman ako these past few days kasi may isang event akong inaasikaso for a high profile client," paliwanag niya sa kaibigan.

"High profile client? Wait. Is this high profile client, August Hererra?" diretsong tanong nito na ikinagulat niya.

"How did you know? Did Synn tell you?"

Umiling agad ito at kinuha ang telepono. Tumipa muna ito sa aparato bago iyon iniharap sa kanya. Napasinghap siya.

"We've been worried dahil kalat na kalat na 'yong article about you and August," kwento nito. "It says here na ikaw daw yung tinatagong non-showbiz girlfriend nitong si August and that binabahay ka. Some even say na you two are in talks of getting married dahil sa zoomed images."

Wala siyang ideya na may ga'non na palang issue na umiikot sa social media. Wala naman din siyang napapansing umaaligid na mga reporters sa may condo niya maging sa shop.

"Kasama namin si Synn during the meeting," paliwanag niya. "Medyo na late lang siya dahil nag-ayos pa ang gaga."

"Now I get it," patuloy nito. "Mali yung sinasabi dito sa article about you two dating. Kliyente mo siya and you two were in a consultation meeting, not planning a wedding. Wala pa kasing statement na nilalabas ang kampo nina August about this issue."

"Confidential kasi ang event na pinaplano ni August, Naia," depensa niya sa kliyente. "Kaya hindi pa ito naglalabas ng kahit na ano. But he's River and the twins' cousin sa mother side. Hindi ba nasabi sayo ni Jarvis?"

Umiling ito agad.

"Hindi siya kilala ni Vis. Neither did Yvo. Hindi ata nila kilala si August."

"Wala naman sigurong problema," aniya. "Hindi naman ako pinagkakaguluhan ng media o nung mga fans ni August kaya it's all good. Misunderstanding lang naman 'yan and I think August would clear it up soon."

"The sooner the better," anito bago huminga ng malalim. Nangunot ang noo niya. "Mahirap na dahil baka makarating pa 'to kay Inno—"

Naputol bigla ang kanilang paguusap nang biglang may magsalita mula sa loob ng bulwagan. It's not yet time for the program!

Nagmamadaling kinuha niya ang earpiece na isinilid kanina.

"Weng?" bungad niya dito. "What's going on? Bakit may nagsasalita sa stage?"

"May special announcement daw po si Senator Ibañez, ma'am," imporma nito sa kanya. "Something about an engagement—"

"I'm happy to announce the engagement of my daughter Renalea and La Monte Corporation's CEO, Inno Montecillo!"

It was then she felt her soul being sucked out of her body.

Wala na. Game over na talaga.

💐

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro