[B2] Episode 22
💐
Nagising si Yoon sa matapang na amoy ng anesthesia. Bumalandra rin sa kanyang harapan ang kulay puti na kisame.
Nasaan ba siya?
Iginala niya ang paningin sa paligid at nakitang nakaupo sa isang tabi si Synn. Napansin naman agad siya nito't agad napatayo.
"Yoon!" bulalas nito. "Kumakain ka pa ba ng maayos? Natutulog? The doctor said you're fine at mukhang over fatigue ka na daw."
"I-I'm fine," aniya agad at pinilit umupo. Tinulungan naman agad siya ng kaibigan. "Where's Naia? Pano ako nakarating dito sa ospital?"
"We called Jarvis," bigay alam agad nito. "Buti na lang at nasa area siya dahil may kinausap na supplier. He and Naia went home dahil biglang sumakit yung tiyan nung buntis. Jarvis insisted in getting a room for her pero alam mo naman si Naia. She insisted that they go home instead."
"Ah. Buti naman para makpagpahinga na siya," aniya. "How long was I asleep?"
"Mga thirty minutes lang naman," anito. "In fact, kakaalis lang nung dalawa. Should I call them?"
Agad siyang umiling. "Huwag na. I'm already awake so mas mabuting umuwi na lang tayo. Nakapagpahinga naman na ako ng kaunti—"
"No," putol agad nito sa sasabihin niya. "Hihintayin natin yung doktor saka findings sayo. You freakin' passed out, Eunice! Anong pinaggagagawa mo sa buhay mo ha?! Kapag pinayagan ka nang umalis, you're staying with me sa Bulacan."
"Pero Synn—"
"No buts!" giit nito. "Pano kung bigla ka nanamang hinatayin? You need to eat—"
"Kumakain naman nga kasi ako—"
"Hindi tama yung puro take-out lang, Yoon. Alam mo yan," kontra agad nito sa sasabihin niya. "Stay with me sa Bulacan. Or, I'll stay with you sa condo mo kung nagiinarte ka pa rin. Aayusin natin 'yang buhay mo because clearly, you're not fine. We'll start of with putting necessary things in your new condo. A small fridge and some groceries would do—"
"Miss Suarez."
Naputol ang panenermon sa kanya ni Synn nang may biglang dumating. Base sa stethoscope na naka sabit sa may leeg nito at lab gown na suot, mukhang ito ang doktor na tumingin sa kanya.
"It's good that you're finally awake," anito at ngumiti. "Okay na ba ang pakiramdam mo, hija? Mukhang kulang ka sa tulog these past few days."
"Medyo lang po, doc. Marami po kasing inaasikaso sa... sa trabaho."
"I see," anito. "It's best for you to have enough rest. I have your test results and aside from you being low in iron, wala naman akong nakikitang problema. I'll just give you some vitamins to help with your condition and you're good to go."
"Kondisyon? Anong kondisyon po?" kunot-noong tanong niya dito. "Don't tell me... am I dying? Cancer? Brain tumor?"
Dagling natawa ang doktor sa kanya bago ito umiling. Mukha namang gusto siyang dagukan ng kaibigan sa kanyang tabi dahil sa sinabi.
"You're not sick, hija," malumanay nitong sambit. "You're pregnant."
"What?!"
Nagkatinginan silang magkaibigan bago siya muling bumaling dito.
"I'm pregnant?!"
Tumango ito. "Based on the blood test conducted, you're pregnant. Mataas ang hCG levels on your blood samples. When was your last period?"
Napaisip siya. She silently cursed.
"A-A month ago... S-Sigurado po kayo, doc?" tanong niya muli dito. "I mean, I took a pregnancy test two days ago. Regular po kasi ako so I checked once I felt na delayed ako. Pero negative po yung lumabas."
"Madalas ang false negatives kapag nasa early stages pa, hija," nakangiting sambit ng doktor. "Usually ay hindi accurate talaga kapag blood samples lalo na kapag first or second week pa lang ng pagbubuntis. Blood tests can pick up hCG around six to eight days early into the pregnancy kaya mas suggested iyon. But if you want, we can schedule you in for an ultrasound to make sure how far long you are."
Napatingin siya kay Synn na hindi niya namalayang hawak na pala ang kamay niya.
She's pregnant. At sa lahat pa ng pagkakataong pwede niya nalaman ang impormasyonh iyon, bakit ngayon pa? Ngayon pang ang tatay ng dinadala niya ay nagiinarte?
Putanginang pagkakataon. Pano na? Anong gagawin niya?
💐
Yoon stared at the sonogram she was holding. Totoo nga. Buntis siya. Six weeks.
It was a good thing that Synn was there with her when she went ahead with the ultrasound. Kailangan niya kasing makasigurado—something she wasn't able to do noong unang beses na naramdaman niya ang mga sintomas.
Hearing that tiny heartbeat made her burst out crying. Hindi niya maintindihan pero ibang klaseng saya ang naramdaman niya habang pinapakinggan iyon sa maliit na speaker sa silid ng kanyang doktor. Noon niya lang din napansin ang maliit na umbok sa kanyang tiyan. Akala niya nung una ay bloated lang siya kaya nananaba pero iba na pala. Nasa sinapupunan niya na ang bunga ng pagmamahalan nila ni Inno. And she was beyond ecstatic!
Pero hindi pa rin nawawala ang kaba sa kanyang dibdib.
Isang malalim na bunton-hininga ang kanyang pinakawalan bago isinilid ang hawak sa dalang bag. Matiyaga siyang naghihintay sa lobby ng La Monte Corporation hoping to see Inno. Hindi pa rin kasi siya hinahayaan ng front desk makaakyat ng walang appointment or kahit kakilala man lang sa gusali.
She got tempted and thought of asking Naia's help to have access to Inno's office pero umurong siya. Bakit? Dahil panigurado ay magtatanong ito kung bakit. Bakit nagbago yung isip niya about giving up.
After confirming her pregnancy, nakiusap siya kay Synn na huwag muna iyon sabihin kahit kanino. Gusto muna niya kasing si Inno muna ang makaalam. Umaasa kasi siyang baka ngayon, makikinig na ito. Maybe this time, he'd try to understand and forgive her after everything.
Naalala niya bigla ang naging paguusap nila noong inakala niyang hindi siya buntis. She saw a hint of disappointment in Inno's face. He even joked that he already had names for their future kids at sobrang matutuwa siya kung makakabuo sila
Totoo pa kaya iyon ngayon? Gustuhin pa kaya nito na magkaron silang dalawa ng anak? Kung pagbabasehan kasi ang mga nangyari pa lang sa pagitan nila, hindi na siya sigurado kung iyon pa rin ang gusto nito. A family.
Maybe he still does want that family. Pero siguro, hindi na siya ang gusto nitong kasama. Maybe he already found someone else. Yung hindi siya sasaktan. Baka si Renalea.
Pesteng Renalea!
Ubos na ubos na kasi yung kompiyansa niya sa sarili na hindi siya magagawang iwan o talikuran ni Inno. And she blames that woman.
Oo, mali yung ginawa nila nina Synn. Masama ang pagpustahan ang mga damdamin. Pero hindi naman iyon sobrang seryoso. That recording just made it sound really bad.
Muli at napabuntong-hininga siya. There's no use crying over spilled milk. Nangyari na. And tanging pwede nilang gawin ngayon ay kalimutan ang lahat at magsimulang muli.
Napahawak siya bigla sa maliit na umbok ng kanyang tiyan. Isang malapat na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi habang inaalala ang tunog ng puso nito nung nakaraan.
Iba pala talaga kapag magkakaanak na. Kahit lugmok na lugmok ay ibang klaseng saya pa din ang naibigay nito sa kanya.
"Well well well. Look who's here."
Nahinto ang kanyang pagmumuni-muni nang may pesteng biglang bumulaga sa kanyang harapan.
"Renalea," tipid niyang sambit.
Kung kanina ay good mood siya dahil sa kanyang anak, ngayon ay parang gusto niyang ibato yung plorera sa mukha nito.
"Are you going to see Inno again?" tanong nito. "Bakit hindi ka na lang umakyat diretso? Oh, right. Wala ka na pala sa guest list niya. My bad."
Naikuyom niya ang mga kamay sa sobrang inis. Iba din ang tabas ng dila ng babaeng ito. Sarap ingudngod sa sahig kaya lang mas gusto niyang saksakin na lang ito ng paulit-ulit.
"You should give up, Arabella. Hindi pa ba obvious? Inno doesn't want you anymore," anito with that anoying smirk on her face.
"Nagpapalamig lang si Inno. He'll talk to me once he sees me," sagot niya. Katiting na lang ang confidence na natitira sa kanya pero lalaban pa rin siya. Hindi siya susuko. Ngayon pa bang may isang buhay na umaasa ka kanya?
"That's if he sees you," saad naman nito. "Mahigpit ang security ng La Monte. You can't get to the CEO that easily. At kung magpapa-appointment ka, that would take you weeks before he can squeeze you in. And he usually only gives time for important meetings. And I don't think desperation is one them."
She gritted her teeth and tried to calm herself down. Hindi niya ito pwedeng patulan dito dahil baka mas lalo siyang paalisin if she creates unnecessary chaos here.
"Importante ang paguusapan namin," kalmado niyang sambit. "And I am not as desperate as you. Manipulated audio recording? Come on, Renalea. Sino kaya ang mas desperada saatin?"
Renalea scoffed folded her arms. "But it worked. Wala na kayo ngayon meaning, our engagement is back on track again."
"But not for long." Isang makahulugang ngisi ang binato niya sa babae bago tumayo. "Kaya enjoyin mo lang yang pagfi-feeling fiancée mo while it lasts."
That's it. Kokontakin niya na si Naia. Bahala na. She needs to tell Inno about their child dahil bwisit na bwisit na siya kay Renalea—
"What are you gonna do, huh?" inis na bato nita sa kanya. Malayo sa usual na kalmado nitong estado. "Lie your way back to his side?"
Tumingin siya muli dito at tumaas ang isang kilay. "Lie? Hindi ako tulad mo, Renalea. I don't fool people into loving me."
"That's rich coming from someone who was dared to fall for Inno."
"But I didn't lie to him," ganti niya. "Mahal ko siya at totoo 'yon. Sinagot ko siya dahil mahal ko siya—not because of that stupid dare. And guess what? Mahal niya din ako. At ang batang nasa sinapupunan ko ngayon ang patunay sa pagmamahalan naming iyon."
The secret's out. Hindi niya na kasi mapigilan ang sarili kaya naibulgar niya sa kalaban ang kanyang sikreto. It's okay. Sasabihin niya na rin naman sa iba ang tungkol sa pagbubuntis niya. She needs access to Inno at hihingi na siya ng tulong sa mga pinsan nito.
Kitang-kita ang pagkagulat sa mukha nito. Tila naestatwa ito sa kinatatayuan kaya't nagkaron siya ng pagkakataong makaalis. On her way towards the reception at tinawagan niya si Naia.
"Yoon? Napatawag ka?"
"Naia, I need your help," sagot niya agad dito. "I need access to Inno's office. Andiyan ba si Jarvis?"
"Oo andito," ani naman agad nito. "Pakibigay na lang sa empleyado sa front dest yung telepono."
"Okay."
Agad siyang tumalima at inabot ang telepono sa nagbabantay. Habang naghihintay ay bigla naman siyang hinila sa braso ng kung sino.
"What the—"
"Hindi totoo 'yang sinasabi mo! Hindi ka buntis!" giit ni Renalea. Kitang-kita sa mukha nito ang pagkatalo. Agad niyang hinila pabalik ang sariling braso at tiningnan ito.
"Ano naman ang makukuha ko kung magsisinungaling ako, ha?" balik niya dito. "Do you honestly think I'd fix a mess with another one? Hindi 'to teleserye, Renalea. Hindi ako ganon ka desperada para ipeke ang pagbubuntis ko—"
"But you're using it to trick Inno into forgiving you," pag-aakusa nito. "Gagamitin mo 'yang bata para kalimutan niya ang ginawa mong kasalanan."
Hindi agad siya nakasagot at agad napahawak sa kanyang tiyan. Ginagamit?
"You're using your condition para ma-guilty si Inno na tanggapin kang uli," dagdag pa nito. "Kaya kung babalik man siya sa'yo, hindi dahil sa mahal ka niya. Dahil 'yon sa bata. Dahil may obligasyon siyang hindi talikuran 'yan. But that's not love isn't it? That's trickery."
Napatingin siya dito. Renalea was fuming. Then bigla itong ngumisi.
"Wala naman pala tayong pinagkaiba, Arabella," akusa nito. "At least I don't use an innocent child to trap someone into staying."
Napahakbang siya patalikod at napakapit sa marmol na mesa. Biglang nanghina ang kanyang mga tuhod sa sinabi nito.
"Miss Suarez," bukas bigla sa kanya ng babae sa likuran. "Pwede na po kayong umakyat. Added na po kayo sa guest list ni Mr. Javier Montecillo."
Dadahan siyang tumango sabay kinuha ang aparato mula dito. Mahigpit ang naging kapit niya sa telepono bago dali-daling lumabas ng gusali patungo sa kotseng ipinarada sa kabilang kanto.
As evil as Renalea can be, may punto ito. What if patawarin lang siya nito nang dahil sa bata? Hindi malabo na ganon nga ang mangyari dahil mukhang hindi na siya mahal ng lalaki. Nagawa nga siya nitong tiisin, 'di ba? At anong klase siyang ina kung gagamit niya ang anak para makulong sa isang relasyon ang isang lalaki?
Hindi. Hindi siya ga'non. Hindi siya—
Isang malakas na busina ang biglang pumukaw sa kanyang atensyon at napatingin sa kanyang kaliwa.
Huli na. Huli na ang lahat.
💐
magingay naman kayo sa group
nilalangaw na 'don sa sobrang tahimik
😂😂😂
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro