[B2] Episode 21
💐
Umalingawngaw sa silid ang tunog ng alarm ng telepono ni Yoon na agad din niyang napatay. She was already up bago pa man iyon tumunog and she's already enjoying her own cup of milk sa kanyang bagong unit. She sighed as she watched the view from the window while playing with the ring on her finger.
Nang lumabas siya sa silid nila ni Inno ay agad din naman siyang bumalik sa loob upang kunin muli ang singsing na iniwan.
Hindi niya kaya. Hindi niya pa kayang talikuran ang lahat. Sobrang mahal niya si Inno that she broke down again and was caught by Naia and Jarvis. They offered to let her stay in Jarvis' place. Pero tumanggi siya. That place was full of memories. Inno and hers. Baka tuluyan pa siyang masiraan ng bait kung sakali.
Kaya hinatid na lamang siya ng dalawa sa kanyang shop at hindi na siya pinilit pa na bumalik sa mansyon. She only stayed in the shop for a day dahil ready for occupancy na ang condong binili noon. Good thing she was stubborn and did not cancel the reservation even if Inno insisted before. It just goes to show na sa anumang bagay ay dapat lagi kang may fallback. Dahil kahit sobrang mahal niyo ang isa't-isa, shit happens. Renalea happened.
Nang dumampi sa kanyang pisngi ang palad ni Synn, natauhan nga siya. Ano banh nangyari sa kanya? She became someone else. For second there she became so desperate for Inno na pati kaibigan niya ay pinagbuntunan niya ng sama ng loob. Tama ito. It wasn't Synn's fault. It was hers. Pwede siyang tumanggi sa dare na 'yon. But she did it anyways and look where it got her. Synn wouldn't return her calls and she's too much of a coward to even go to her place to apologize. Hiyang-hiya siya sa kagagahan niya at hindi alam ang sasabihin.
Napabuntong-hininga siya bago iginala ang paningin sa tirahan. Isang queen-sized mattress, dalawang unan at isang kumot lamang ang laman ng condo niya even thought its been days. She didn't have the time to really buy stuff for herself kaya't pinagtiyagaan na lamang niya iyon.
Aside from the improvised bed, isang mug lang ang meron siya. She usually buys food sa convenience store sa baba or doesn't eat at all. Hindi rin siya pumapasok and just chose to let her assistant take care of their pending projects. Hindi na lang din muna siya tumanggap ng mga events and the La Monte Anniversary dinner was their last. Ang ironic dahil kompanya iyon ni Inno.
Si Inno. Sobrang miss niya na ito. As much as she wanted to give him time para lumipas ang galit nito sa kanya, hindi niya kinakaya. Masyado na siyang nasanay na nagigising sa umaganh inuulan ng halik nito. O di kaya tinatapos ang araw sa loob ng mga bisig nito. Walang araw na hindi siya sumubok tumawag sa lalaki. But every single time she did, it ended the same way. Walang sagot o kung hindi naman ay laging pinapatay.
Yesterday she was able to gather up the courage to visit him in his office. Pero hindi siya nakaakyat. Hiningan siya ng appointment sa front dest which only meant one thing: pintinanggal na siya nito sa listahan. She didn't even try hard enough and just left.
Alam na niya ngayon ang naramdaman nito when she did that to him. Iyong hindi pinakinggan at tinalikuran na lamang. Ang sakit din pala talaga. Their only difference is that, hindi siya sanay maghabol. Because she's scared. Takot siyang itulak nanaman muli nito palayo dahil baka tuluyan na talaga siyang masiraan ng bait.
I guess it's all over now.
At kagabi, she wasn't able to cry herself to sleep. Tila finally ay naubos na ang kanyang mga luha. So she decided to just stare outside her window and wait for another day to begin.
Nasanay na siya sa usual day to day routine niya after waking up. Tumingin sa labas ng bintana habang nagmamasid at inuubos ang tinimplang kape, gatas o tsaa—kung ano man don sa tatlo ang iniinom niya. Itetext si Inno and try to get a hold of him. Titigil dahil hindi ito nagrereply at iiyak. Pagktapos ay papasok sa banyo at ilulublob ang kasawian sa tub for an hour or two. Magbibihis at itatry sumagot ng mga e-mails. End up watching One More Chance dahil malungkot siya. Then iiyak nanaman kasi sino ba ang hindi maiiyak kina John Lloyd at Bea?
But this time. She skipped the texting Inno part. Mabilis din lang siya nakaligo and ended up closing her laptop after answering her emails.
Nakapagdesisyon na siya. It was a good time to go out. Confident siya that she would't burst out crying in public. Pero magdadala pa rin siya ng malaking sunglasses just in case at para na rin maitago ang namamaga niyang mga mata.
She was busy fixing her bed nang biglang makarinig ng katok mula sa kangang pintuan. It must be Naia. Wala naman kasing ibang tao na nakakaalam kung nasaan siya.
Agad niyang tumayo at binagtas ang daan patungo sa pintuan. She was right. Si Naia nga.
"Let's go out," bungat nito sakanya—all smiles looking as radiant as ever. Samantalang siya, she looks like she's been through hell and back. Well she did. Kinda. "Kailangan ko na daw ng exercise sabi ni doc."
Nangunot naman agad ang kanyang noo.
"Who drove you here?" takang tanong niya dito.
"I did."
Napasinghap siya nang biglang bumulaga sa kanyang harapan si Solyn. Kung kanina lang ay nagtataka siya kung bakit walang mga luhang lumalabas mula sa kanyang mga mata nung araw na iyon, now she knew why. Dahil naka-reserba iyon ngayon.
Agad niyang niyakap si Synn. Gumanti naman agad ito ng yakap at doon na siya tuluyang bumigay. They both started crying kaya naman naiyak na din yung buntis.
"Ayan kasi. Tatlo na nga lang tayo magaaway pa kayo. Kung nandito lang si Arika baka nakatikim na kayo ng dalawang oras na homily."
Hindi niya alam kung matatawa ba siya o malulungkot nang mabanggit nito si Arika. Pero may punto ito. Nalagasan na nga sila ng isa, magaaway pa ba sila? Para tuloy silang mga ewan at nagsisiiyakan ngayon.
"I'm sorry for lashing out on you," aniya sa kaibigan nang maupo na sila sa kutson. Naia had a bit of a hard time sitting pero wala pa kasi siyang silya kaya't tinulungan na lang nila ito. "Hindi ko sinasadya. And I didn't mean what I said."
"You did," sagot nito. "But it's okay. Totoo naman eh. I'm alone. And lonely."
"No," kontra niya. "You have us. Hindi ka mag-isa."
"Unless may talong kang tinatago 'jan, Arabella, hindi tayo talo," asik nito. "Alam mo ang ibig kong sabihin. Yes, I have you guys and I'm happy. Pero tama kayo. Iba pa rin yung may nagmamahal sayo unconditionally."
Napatingin sila dito.
"Are you still pushing that idea, Synn?" tanong ni Naia. "Magpapabuntis ka talaga?"
"Hindi naman agad, 'no," tanggi agad nito. "Ide-date ko muna para at least alam ko ugali nung magiging tatay ng anak ko."
And just like that, okay na sila. Kung sana ganito lang din ang sitwasyon nila ni Inno. Pero hindi eh. Mabigat ang naging kasalanan niya dito. She fooled him. At it backfired right on her face.
"I actually went out on a few dates already. So far, wala pa akong natitipuhan," kwento nito.
"Let me guess," ani Naia. "You want someone to fit your impossible standards when it comes to men?"
"Nope. Hindi ako Yoon," asik nito. "Hep hep hep. Wala kang karapatan maging sensitive ngayon. You practically shattered my confidence."
"I said I was sorry," she whined. "Saka feel ko pa din yung sampal mo sakin. Nagwo-workout ka ba?"
"Sa kakatype siguro," nakangising sambit nito. "Anyways, this isn't about me. Ano na, Eunice? Talaga bang magpapaburo ka dito sa bagong condo mong walang laman? Kahit man lang bumili ka ng maayos na kama hindi yung ganitong kutson lang. Ano ka, Hapon?"
"I don't feel like going out," mahina niyang sagot dito. "Hindi ko alam pero, I don't feel like it. Okay naman ako sa ganitong set-up. Baka kapag bumuti-buti na pakiramdam ko, lumabas ako at bumili ng mga ilalagay dito."
"Why not hire an interior designer?" tanong ni Naia. "Si George."
"Wala akong pambayad, Naia. In case you forgot, malaki pa lang binayad ko sa condo na 'to para matirhan ko," aniya.
"Magkakilala naman kayo ni George. For sure bibigyan ka 'non ng discount."
"Nakakahiya. Okay na 'ko, Naia," aniya. "Saka baka magbakasyon din muna ako sa malayo."
"Malayo?" sabay na bulalas ng dalawa. Tumango naman siya. "Saan?!"
"Ano kasi... it's just too much. Sobra na yung sakit eh," pagkukwento niya sa mga kaibigan. Again, she was on the verge of crying. "And you're right, Synn. Hindi ko dapat ipagpilitan ang sarili ko sa taong ayaw na sa'kin."
"So you're just gonna give up?" tanong ni Naia. "You're letting him go?"
"Ano pa bang magagawa ko?" nanghihina niyang sambit bago napabuntong-hininga. "He wouldn't listen to me. Tinatawagan ko siya, tinetext. Heck I even went to his office yesterday pero tinanggal niya na ako sa guest list. Wala na talaga. I feel so helpless. Hindi ko na alam kung ano ba dapat ang gagawin ko. It's been days..."
"Don't listen to me," ani bigla ni Synn. "Mahal mo si Inno diba? Then fight for him. Huwag kang tumigil. Tutulungan kita. I put you in this mess so I'm getting you out."
"Synn—"
"Don't give up, Yoon," ani naman ni Naia. "Kilala namin si Inno. We watched how he followed you around and tried to win your heart for years. Sadyang nasaktan lang siya. He'll come around."
"How long must I wait?" tanong niya sa kaibigan. "He left me, Naia. Iniwan niya ako sa mansyon—"
"Exactly. Sa mansyon ka niya iniwan. Hindi ka niya pinalayas," katwiran nito. "He just needs time, Yoon. Lalambot din 'yon. Marupok 'yon pagdating sa'yo."
"I agree with Naia," segunda ni Synn. "Plus, he didn't really call off the engagement. Baka nagpapalamig lang si Inno."
"He loves you, Yoon. Nasaktan lang yung tao. Babalik 'yon sayo."
"But he wouldn't even talk to me. Kahit anong gawin ko, tinutulak niya ako palayo—"
Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil biglang bumaliktad ang kanyang sikmura. Agad siyang tumayo—cupping her mouth, at tinakbo ang lababo. She started throwing up.
Sira na ba yung ininom niyang gatas? Chineck niya naman iyon bago inumin at ilang araw pa naman bago iyon masira.
Baka dahil wala pa siyang ref kaya nasira agad? She sighed. Hindi na talaga siya kakain ng mga tira-tira niya. It happened the other day nung kinain niya naman yung tirang siomai nung nakaraan.
"Yoon, are you okay? May sakit ka ba?" Nagaalalang tanong ni Naia na agad naman hinila ni Synn papalayo when she was about to come close.
"Buntis ka. Kung may sakit 'yan si Yoon baka mahawa ka pa," ani agad ni Synn at ito ang lumapit sa kanya. "Ano ba ang nararamdaman mo? Kumakain ka ba ng maayos?"
Tumango siya.
"Mostly take-outs kasi wala pa akong stock dito. Saka lutuan na din," sagot niya. "Maybe it was the milk. Iba kasi lasa kanina nung iniinom ko. Sabi ko baka dahil bagong gising pa lang at at hindi pa nakakapagtoothbrush kaya ganon. Panis na ata."
Nangunot naman agad ang noo nito. Kinuha nito ang kahon ng gatas at chineck.
"Hindi pa naman expired 'to ah," komento nito making Naia look at the box too. "Ilang araw na ba nakalipas itong bukas? I think hindi siya mas-spoil in two to three days."
"Nung isang araw lang. Pero wala kasi akong ref kaya siguro nasira," sagot niya. "Kumain na pala kayo? Theres a restaurant na malapit lang dito. 'Don na lang tayo magmerienda since wala akong mao-offer dito sa bahay."
"Mabuti pa nga," ani naman agad ni Naia. "Nagugutom nanaman itong si Mavi eh. Kanina pa gumagalaw."
"Sige. Kunin ko lang yung bag ko—"
Hindi niya sigurado kung dahil ba sa bigla niyang pagikot o kung ano pero parang gumagalaw ang paligid niya. Medyo nanlabo din ang mga maya niya.
"Yoon? Are you okay?"
Tumango lang siya. She wasn't even sure kung talaga nga bang tumango siya dahil bigla siyang nawalan ng panimbang and fell.
"Yoon!"
That was the last thing she heard before blacking out.
💐
lamnyonaguyst.
never naman ako nagproofread
so... 😂😂😂
happy reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro