[B2] Episode 2
💐
Four years after...
"What? You want me to be your wedding planner?" bulalas ni Yoon as soon as Inno informed her about his and Naia's engagement.
Halos manghina siya sa narinig. Kakabalik lang uli ng kaibigan niyang 'yon kaya imagine her shock nang sabihin ng demonyong si Inno na ikakasal na itong dalawa.
Wala namang problema sana pero, Inno is Jarvis' older brother. And Jarvis is Naia's ex whom she loved so much pero nagkaron lang ng komplikasyon dahil professor nila ito. Alam niya 'yon dahil saksi siya sa pagiibigan ng dalawa two years ago.
Jarvis and Naia complimented each other. Bulag na lang siguro ang hindi makakakita that those two were meant to be. Like coffee and cream. Perfect.
Kaso nga, shit happens.
Kung bakit ba naman kasi ang daming judgmental na mga tao sa mundo. 'Yun tuloy, nagkahiwalay ang dalawa at ngayon nga eh napasok naman sa isang napakakomplikadong sitwasyon.
"Ang dami-daming wedding planner sa bansa, Inosencio," bulyaw niya sa lalaki. Totoo naman iyon. Bakit siya pa? Parang tiya yung tumais sa kutsilyong gagamitin ng kaibigan para saksakin ang sarili. "Hindi 'ko gagawin 'to. Alam mong Team Jarvis ako all the way. Mayaman ka naman kya humanap ka na lanb ng iba—"
"Best friend mo si Naia," diretsahang sagot nito. "Suportahan mo naman ang kaibigan mo. And yes, alam kong yung kapatid ko ang gusto mo for Naia pero may girlfriend nang iba 'yung tao."
Yup. Taken na nga si Jarvis. Kaya just imagine how hard it is for her best friend. Pero di pa rin siya nawawalan ng pag-asa para sa dalawa. May something fishy kasi kay George.
"You know I don't but that," bigla niyang usal sabay pinagcrus ang mga braso. "George is a great girl pero ang fake ng sweetness nila. I saw how your brother was with Naia at 'yon, legit na sinusindan ng langgam sa sobrang sweetness."
Totoo naman kasi eh. Ibang level magpakilig noon si Jarvis at Naia. Bitter na Bitter nga siya dahil ramdam na ramdam niyang single siya whenever she sees those two. Pero si George at Jarvis, parang kuwan... mag kaibigan lang. daig pa nga sila nung mga bunso sa pagiging 'clingy' sa mga best friends nila eh. 'Yon ang mga legit na may something pero ewan niya ba. Ang sakit sa bangs kung magpabebe.
"I agree. They don't look like lovers. O baka nasanay lang ako na nakikita siya as friends," ani Inno habang pinapapak ang dala nitong tinapay. "But whatever it is that's going on between them, wala na 'kong pake. Ang importante eh ikaw ang maging wedding coordinator ko."
Nangunot nanaman ang noo niya. Bakit?
"Ako? Bakit ako?"
"So I can get through this shit without losing my sanity," sagot nito.
Napatingin agad siya dito. Was he stressed about this as well? Mukhang okay naman kasi ito kanina. Or was he just good at hiding it?
"Hindi lang si Naia ang nabigla sa kasalang 'to, Arabella," tila sagot nito sa iniisip niya. "Ako rin. At bakit makapagreact ka eh parang luging-lugi si Naia sa'kin?"
"Wala akong sinasabing ganyan ha, Inosencio," aniya sabay irap.
Oo nga pala. Nabigla din ito. Hindi niya na-consider ang nararamdaman ng lalaki after the bomb was dropped at them.
"Bakit ba ang maldito mo ngayon, ha? Meron ka ba?"
Natigil ito sa pagkain at tinaasan siya ng isang kilay. Shit.
"What?"
"Are you insinuating that I'm gay?" tanong nito bago ngumisi. "Gustong-gusto mo talagang nahahalikan kita 'no?"
"Mukha mo, Inosencio. Mukha mo."
"Gwapo," lumapad ang ngising nasa labi nito't kinindatan siya. Inirapan niya ito.
"Ang kapal talaga," ganti niya naman sabay talikod dito.
"So ano, Arabella," pangungulit nito. Lumipat ito sa harapan niya. "Gagawin mo ba o hindi?"
Inno was more antsy than the usual. Yes, he pisses her off 90% of the time pero isa ito sa mga regular clientele niya. Lahat ata ng events ng opisina nito eh siya ang events coordinator.
"Hindi nga kasi," giit niya.
Alam niyang hindi bukal sa kalooban ang kasalang 'to and baka hindi rin naman matuloy. It's bad for business. Especially when she specializes in weddings.
"Mamalasin ako kapag fail 'tong kasalang 'to. And by the looks of it, malaki ang chance na hindi 'to matuloy."
"I swear to you, Arabella, matutuloy 'tong kasal na 'to. You don't know what rich families are capable of," anito.
"Eh pa'no kung magtanan si Jarvis at Naia?" Humarap siya dito with folded arms. "Anong magagawa mo?"
"Eh di ako magpapakasal," sagot nito.
"Wala ka ngang bride diba? Kasi itatanan nga ng kapatid mo."
"Eh di ikaw na lang," walang kemeng sagot nito na ikinahinto niya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso sa biglaang atake nito.
"A-Ano?"
Lecheng puso.
Bakit bigla na lang 'to nagrereact ng ganito? Peste naman kasing pokpok na 'to. Ang landi! Buti sana kung sabog yung itsura eh. Kaso hindi. Ang gwapo. Kahit sobrang bilib sa sarili, may itsura naman kasi talaga. At lang basta may itsura itong si Inosencio. Parang naging biased si Lord dahil napakaperpekto ng pagkakahulma nito sa mukha ng lalaki.
Maghunos-dili ka, Arabella. May boyfriend ka. May boyfriend ka...
Ngumisi ito. 'Yung tipong nakakaloko na parang nang-aasar pa.
"Ang sabi ko, kayo na lang nung boyfriend mong ulupong ang magpakasal," ulit nito. Hindi pa rin napapalis ang mala-demonyong ngisi nito. "Umasa ka 'no? Gusto mo ikasal sa'kin 'no? Sabi na, crush mo 'ko."
He had the cheekiest smile plastered on his face. But at the same time, hindi mapigilan ng kanyang tiyan mapatumbling. Bwiset.
"Feeling ka!" Inirapan niya ito. "Pinaulit ko lang kasi kinakain mo salita mo. Ga'non ka na ba ka-patay gutom? Pati mga salita eh kinakain mo."
Inilayo niya anh tingin dito at inabala ang sarili. Pesteng puso kasi 'to. Kahit kelan eh 'di maasahan. She's over him. Mahal niya si Wes at si Wes ang boyfriend niya ngayon. Wala siyang oras sa mga pa-fall na tulad ni Inosencio Montecillo.
Oo na-fall siya dito. Four freakin' years ago. Pero wala eh. Bigla na lang itong nag-disappear. Pinaasa lang siya nito sa mga mabubulaklak na salita at matatamis na ngiti. At tao lang din naman siya. Marupok. Nadadala din. Kaya nga nahulog siya.
But then he dropped her. Like everything he did for her was nothing. Na para bang wala lang yung mga texts at pagpaparamdam nito. Kaya nga asar na asar siya sa lalaki nang magkrus muli ang landas nila through Naia.
Pero mas inis siya sa sarili niya. Napaka-assuming niya din kasi noon eh. Narealize niya na ang attention na ibinigay nito sa kanya noon was typical Inno. Maharot. Malandi. Galawang gago. At iba talaga ang gusto nito and she was just a simple employee of his brother.
"You know what else I'm good at eating?" pukaw nito sa kanya. Ngumisi nanaman ito na parang ewan sabay sandal ng kaunti papalapit sa kanya. She felt her cheeks burn at agad nilayo ang sarili sa lalaki.
"M-Manyakis ka talaga, Inosencio!" bulalas niya sabay talikod dito. Napakalakas naman ng naging pagtawa ng lalaki. "Fine. I'll be your wedding organizer basta lubayan mo lang ako. Nakakapangilabot ka. Dapat talaga mag-file na ako ng restraining order laban sa'yo."
Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito. Did she mention na Inno had the most beautiful pair of lips?
"Wala pa nga akong sinasabi, manyakis na agad? Baka hindi ako. Baka ikaw. Kung anu-ano nanaman kasi 'yang iniisip ng madumi mong utak," pang-aasar nito sa kanya. Isang malakas na hampas ang iginawad niya sa braso nito.
"Hindi madumi utak ko! Bibig mo ang madumi!" bulyaw niya dito.
"Ako ba yung pala-mura saatin?" balik nito sa kanya. "Tell me, magkapatid ba kayo ni Isadora at pareho kayong kung makapag-mura eh wagas?"
She rolled her eyes. "Wala ka nanamang magawa sa buhay mo 'no? For a CEO of a big-ass corporation, ang dami mong free time."
"For you, my dear Arabella, I make time," malanding sagot nito sabay kindat pa sa kanya. She made fake vomiting actions to show how much she disliked his comment.
Pero tumawa lang ang damuho. Akala ata nagjo-joke siya.
"Convertible to cash ba 'yang oras mo?" asik niya. "At least kasi 'yon, mapapakinabangan ko."
"Grabe ka naman," anito sabay busangot. "Most girls would kill for my time."
"And you know very well that I'm not 'most girls'," she said. May matching air-quotes pa. "I'm one of a kind."
Bigla itong ngumiti—not the usual playful smirk but a genuine one.
"That, you are, Arabella," mahinang sambit nito pero klarong-klaro ang pagkakadinig niya.
Muli ay naramdaman niya ang tila pagwawala ng traydor niyang puso sa loob ng kanyang dibdib. Bakit ba ganito 'tong gagong 'to? May boyfriend siyang tao pero kung makapaglandi eh gusto pa atang magkasala siya.
"Ano?" Kunwari ay hindi niya narinig and sinabi nito. "Ano nanaman 'yang binubulong mo diyan? Kausap mo nanaman ba yung kalahi mong demonyo?"
"Wala. Pasalamat ka pinanganak kang may kaaya-ayang mukha. Makabawi man lang sa pagka-bingi mo."
"Kung yung kasal mo lang naman ang pakay mo dito, okay na. Pumapayag na akong maging wedding coordinator mo," pagtataboy niya dito. "Kaya kung wala ka ng ibang pakay pa, shoo. Bumalik ka na sa trabaho mo dahil wala akong oras sa pambu-buwisit mo."
"Sus. If I know, tuwang-tuwa ka kapag binibisita kita," anito as she pushed him towards the door. "Eh mas madalas pa nga ata akong bumisita dito kesa sa boyfriend mong mukhang kulugo."
Wes is a great guy. Maaalahanin, understanding at higit sa lahat, hindi gago. Faithful ito at hindi tumitingin sa iba. Napakalaki pa ng respeto nito sa kanya dahil malapit na nga silang magdalawang taon but he never forced himself on her. Most guys do that but Wes is different.
Kaya lang naman ito madalang kung bumisita ay dahil alam nitong busy siya. And he respects that she too has a career to focus on.
"Excuse me, Inosencio. Hindi mukhang kulugo si Wes. Ang gwapo kaya ng boyfriend ko!" depensa niya sa kasintahan.
"Sige paniwalain mo lang sarili mo," anito. "I'm still way better than him."
"Way better eh pa-fall kang hinayupak ka," bulong niya. "Galing mang-iwan sa ere."
"What?" anito sabay hinto at harap sa kanya kaya naman tumama ang mukha niya sa dibdib nito.
"Aray! Ano ba Inno—"
"What did you say?" ulit nito. Napaangat naman ang tingin niya dito.
"Pasalamat ka pinanganak kang may kaaya-ayang mukha. Makabawi man lang sa pagka-bingi mo," panggagaya niya dito.
But Inno did not look amused. Seryosong nakatingin ito sa kanya—studying her every move. Napalunok siya.
Shit.
"Anong nang-iiwan sa ere, Arabella? Tell me. Kelan ko ginawa 'yon?"
Bigla siyang napakapit sa dibdib. Shit talaga. Pano na 'to?
"H-Ha? Anong sinasabi mo? Wala akong sinasabing ganyan ha, Inno," deny niya sabay iwas ng tingin dito. "Ano... A... Inuusig ka na ba ng konsensya mo? Siguro may ginhost ka 'no? Sino 'yan. Napaka-gago mo talaga."
Nagkunwari pa siyang tumawa para mapaniwala itong mali ang narinig nito. Ayaw na niyang balikan ang nakaraan. What for? Naka-move on naman na siya at may boyfriend na siya ngayon. She's perfectly fine. Hindi niya na kailangan ang isang Inno Montecillo para guluhin nanaman ang nananahimik niyang puso.
"Arabella—"
"Madami pa akong gagawin, Inno," aniya sabay tulak dito palabas ng pinto. "Ako na bahala sa kasal niyo ni Naia. I'll just schedule a meeting with the both of you within the week. Okay? Okay."
"Teka—"
Sinara niya ang pinto at agad iyong ni-lock. Rinig niya pa ang pagkatok nito't tubtob sa pintuan. Kinapa niya ang kanyang dibdib at sinikap na mapatigil iyon sa pagwawala. Masaya na siya. Okay na siya.
Napapikit siya. Muli ay nag-flash sa kanyang isip ang nangyari four years ago. Sa labas ng coffee shop. Nandoon si Inno, may kahalikang babae.
Pagdilat ng kanyang mata ay naramdaman niya ang pagtulo ng isang luha sa kanyang pisngi na agad din naman niyang pinunasan paalis.
Bakit ba siya nasasaktan? Hindi sila noon. Walang sila. Malandi lang talaga ang gagong si Inosencio Montecillo.
Assuming lang talaga kasi ako...
💐
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro