[B2] Episode 19
💐
Ilang araw nang masakit ang ulo ni Yoon. Gustuhin niya mang magpa-check-up ay hindi niya magawa dulot na rin ng madami siyang naiwang trabaho at mga dapat ayusin.
"Miss Yoon, ito na po yung mga sample menu para sa event ng La Monte Corp.," ani Marley, isa sa mga assistants niya. "Kailangan na lang po pumili ng representative nila. Kung magrerequest po ng taste testing, pwede po natin i-arrange with the caterer."
"Sige," tugon niya sabay abot ng folder. "I'll run this with the La Monte team. But I think it would be better to schedule a taste testing. Medyo maselan kasi ang palette ni Mr. Montecillo."
Tumango ang babae bago lumabas sa kanyang opisina. She was still in that cramped room sa loob ng shop pero parang bago iyon sa kanyang paningin. Matagal na rin kasi siyang hindi nakakapasok because of Inno.
Napadako ang kanyang tingin sa kalendaryo. It was already the 18th of the month. Naka-bilog iyon dahil iyon ang araw na dapat ay lilipat na siya sa kanyang bagong condo.
Ilang beses nang sinabi sa kanya ni Inno to cancel the purchase. Or at least huwag na lang intindihin yung unit. But she have this crazy idea of turning it into their very own love nest. Or kung ayaw pa din nito, pwede naman niyang parentahan na lang yung lugar.
Should she go and check the place out alone? Nasisiguro niyang busy ngayon si Inno dahil hindi ito nakapasok two days straight. Why? Dahil desidido ito sa balak na lagyan ng laman ang tiyan niya which was funny considering ilang araw pa lang ang nakakalipas after that false pregnancy scare.
Tumipa siya sa telepono at kinontact si Solyn. Sana lang ay hindi busy ang kaibigan para may kasama din naman siya kahit papano doon sa unit.
"Hello?"
"Synn," bungad niya nang sumagot ang kaibigan. "Wala ka ngayon sa bundok?"
"Wala. Nasa North ako," sagot naman agad nito.
"Great!" excited niyang turan. "Pwede samahan mo 'ko? I need to check my unit."
"Unit? Yung condo?" tanong nito. "Lilipat ka pa rin?"
"Hindi naman habangbuhay eh makikitira ako kila Inno. I still need a place of my own. Nakakahiya kaya kila Tita Saturn."
"Yeah but, did you tell Inno about this?"
"Ikaw ha, Solyn. Nakakahalata na ako. Masyado ka nang kampi ngayon kay Inno," she said pouting. "Mas una mo kaya akong naging kaibigan."
"At least kasi siya uma-attend ng book signing events ko. Eh ikaw? Ni anino mo hindi ko mahagilap," balik nito na ikinangiwi niya.
"Okay. Point taken," bawi niya agad. "But please, don't tell him yet. Balak ko kasi gawing private nest namin 'yon ni Inno. Medyo nakakahiya na rin talaga kasi yung 'dun kami lagi sa mansyon. Kung alam mo lang yung mga nakakaasar na tingin sa'kin nung mga bunso. We need a little bit of privacy."
"In short, gagawin niyong motel yung condo," pananaray ng kaibigan niya. "Ikaw Arabella ha. Ibang level nanaman 'yang kamanyakan niyo ni Inno. Sasamain ka talaga sa'kin."
"Grabe ka naman sa motel," defensive niyang turan. "Love nest nga. Yung medyo sosyal naman, Solyn."
Ramdam niya ang pag-irap ng kaibigan sa kabilang linya.
"Whatever," anito the Synn sighed. "But I can't come with you. I'm on a date."
"Date?" Kunot-noong tanong niya. Date?! Si Solyn Natalia Cortez—numero unong galit sa mga kalalakihan, nakikipag-date?! "What do you mean date?!"
"Date as in I'm out with a guy having a good time," diretsong sagot nito.
"I know what a 'date' means, Synn," asik niya. "What I mean is, hindi ba man-hater ka?!"
"I'm not a man-hater. I'm just indifferent towards men. There's a big difference," pagtatama nito.
"Kung ano man 'yan—wait." Bigla ay naalala niya ang sinabi nito about having a family. Pero walang asawa. Is she... "Hoy Solyn Natalia! Ano nanaman 'yang binabalak mo?!"
"Nothing. Sige, bye. You're disturbing my date."
With that, nawala na ito sa kabilang linya and left her gaping. Nakasisiguro siyang may binabalak nanamang kagagahan ang kaibigan niya. So she sent an s.o.s. to Naia.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya bago siya nagsimula mag-ayos ng gamit. She'll head out to the unit and then maybe drop by Inno's office para sabay na lang sila mag-dinner.
She was about to leave nang biglang niluwa ng pinto si Renalea—clad in a designer outfit as well as a designer bag like the typical heiress that she is.
"Renalea," aniya sabay pinagkrus ang mga braso. "What an unpleasant surprise. I'd offer you coffee pero I don't like seeing you here."
Inignora lang ng babae ang mga atake niya't naupo sa kanyang harapan. She was smiling—para bang may maitim na binabalak.
"May sasabihin lang ako, Arabella," simpleng sambit nito. "Have a seat. It won't take long."
Kunot-noong napatingin na lang siya sa babae. If this girl thinks she can boss her around, nagkakamali ito.
"Madali lang naman, diba? Go ahead. Sabihin mo na ang sasabihin mo 'coz I need to leave. Hinihintay na ako ng fiancé ko."
She clearly saw how Renalea scoffed and rolled her eyes. Naikuyom niya ang mga kamay. Konti na lang talaga ay papatulan na niya ang babae.
"Cute," anito sabay tawa ng pagak. "You still believe na ikaw ang pakakasalan ni Inno."
"Of course," confident niyang sagot. "Sino pa bang iba? Ikaw? Eh ni hindi ka nga yata kilala nung taong pinagpipilitan mo ang sarili mo. Bakit? Naubusan ka na ba ng lalaki? Maganda ka naman. Mayaman. You can definitely score yourself a decent man."
"Well news flash, darling. It's only an engagement. Anything can happen."
Then the girl smiled. Hindi iyon prdinaryong ngiti kundi isang ngiting may maitim na balak. Bigla siyang kinabahan pero siyempre, hindi niya iyon pinahalata.
"Didiretsahin na kita, Arabella. Sampung milyon to leave Inno alone," sambit nito na parang nagaalok lang ng kendi. "This is me being generous. Ayoko naman kasing sa kangkungan ka pulutin after everything."
Napamaang siya. The audacity of this woman!
"Leave," aniya trying her best not to pounce at the woman. "This is me being generous dahil kapag hindi ako nakapag-pigil, sa kangkungan ka pupulutin."
Bwisit na babae 'to. Anong akala niya kay Inno, designer bag para bilhin ng ganon na lang? Punyeta niya!
Pero parang pinaglihi ang babaeng 'to sa kalyo. Renalea just sat there and smirked at her na para bang walang ginawang masama. Ang kapal ng mukha!
"Come on, Arabella. I'm giving you an option here," anito sabay pinagkrus ang mga braso. "It's not everyday that the legal wife gives the mistress an option. 'Coz believe me, darling. Our marriage will happen."
That's it. Wala na siyang palealam kung masabihan siyang walang finesse o mal-edukada. This bitch is going down.
Inabot niya ang isang mababasaging paperweight at binato iyon sa harapan ng babae.
"Hindi ka pa ba aalis, punyeta ka!?" bulalas niya kasabay ng pagkakabasag ng pamatong. "If you don't leave my office this instant, believe me when I say I'll kill you. Baka nakakalimutan mong nasa teritoryo kita and I could and would get away with murder."
"Arabella, Arabella, Arabella," anito habang umiiling. "Such crude words. Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo?"
Ngumisi lang ito bago tumayo. Nilapag nito ang isang maliit na aparato sa kanyang mesa.
"A gift. Para kapag iniwan ka niya, you won't wonder why." Then tumalikod ito't naglakad papunta sa pinto. But before she could leave, muli itong bumaling sa kanya. "Oh and Arabella. Nakakalimutan mo yatang anak ako ng isang politiko. I eat death threats for breakfast."
She was left inside her office gaping. Bwisit na babae! May araw din 'yang hinayupak na 'yan sa kanya!
Dumako ang tingin niya sa aparatong iniwan nito't lumapit dito. She contemplated whether or not to check it but decided on the former.
What the hell is this? Kunot-noong tiningnan niya iyon and pressed the button.
"Stop looking at me like that."
Nabobosesan niya iyon. Was that Synn?
"Ni hindi ka pa nga nagte-thank you saakin. I practically set you up with Inno."
"Ano?" It was her voice now.
"Yeah. Remember our dare?" Bumalik naman sa kaibigan niya ang tinig. Nangunot ang noo niya.
What is this?
"What dare?"
Boses naman na iyon ni Naia.
"She dared me to prove her and Arika wrong. Na tama ako at mali sila."
"Wrong in what way?"
"Na gago daw talaga si Inno. Na kapag naka-isa na daw sa kanya eh maghahanap na 'yon ng iba. So sabi namin, sige. Ipakita mo samin na ganon nga si Inno and we will stop bugging her about him."
It was clearly hers, Synn's and Naia's voices. Pero paanong naka'ron ng ganitong recording si Renalea? Was she spying on her? Did that bitch have her followed?!
Nagpatuloy ang recording.
"Oo na nga diba? Sinabi kong gago siya. Na lolokohin niya ako in the end."
Wait. Hindi niya 'yon sinabi. Well technically oo pero, may kulang. It made her sound like she's playing with Inno!
"Makikita mo," patuloy ng tinig niya. "Ako unang tatawa kung magkataon."
"Shit," mahinang sambit niya nang matapos ang recording. "Shit. Shit. Shit."
The voice recording was clearly manipulated to make her look bad!
"A gift. Para kapag iniwan ka niya, you won't wonder why..."
Putangina!
She grabbed her stuff and ran towards her car. Kailangan niyang mapuntahan si Inno bago mahuli ang lahat.
💐
Dali-daling binagtas ni Yoon ang daan patungo aa elevator. Halos paliparin na miya ang sasakyan para lang makaabot agad sa opisina ng kasintahan.
"Miss—"
"I'm on Inno's list. Arabella Suarez," sambit niya at nilampasan ang receptionist. Agad niyang pinindot ang numero ng floor kung nasan ang opisina ni Inno.
After the longest minute of her life, bumuka ang pinto ng elevator. And guess who was there to greet her.
Renalea Ibañez was smirking at her.
"He's all yours," ani pa nito bago siya lagpasan at dumiretso sa elevator. Namg buksan niya ang pinto, boses niya agad ang pumainlang sa silid.
"Oo na nga diba? Sinabi kong gago siya. Na lolokohin niya ako in the end."
"Makikita mo. Ako unang tatawa kung magkataon."
Nanghina bigla ang kanyang mga tuhod. Narinig niya na. At kahit pangalawang beses na niyang narinig ang recording, iba pa rin ang dating nang pagkamanipula ng kanyang mga salita.
"Inno—"
Inno's expression was grim. Kakaibang-kakaiba sa nakasanayan niyang Inno. He wasn't smiling mor showing any expression habang hawak ang recorder.
"Inno I can explain," aniya.
"Can you?" balik nito. His tone was serious. Biglang may kung anong gumalaw sa kanyang kalamnan. "Because this pretty much explained everything."
"No!" depensa niya agad. "It's not like that! Inno—"
Lalapitan na niya sana ito nang bigla itong tumayo, isinilid ang aparato sa bulsa't nilampasan siya. But she caught up with him at hinawakan ito sa braso.
"Inno, please," pagsusumamo niya dito. "Can you please listen to me?"
Inno heaved a sigh before facing her. Hindi niya alam kung bakit pero parang ibang tao na ngayon ang kaharap niya. Sobrang seryoso ng mukha nito. That usual playful glint in his eyes were gone.
"Explain."
The coldness in his voice sent multiple shivers down his spine. Before, she had always thought that Dos was the most intimidating Montecillo. Nagkamali pala siya.
"That voice recording was manipulated," paliwanag niya. "Renalea had someone tail me and record that para magalit ka sa'kin."
"So that dare you had with Solyn, wasn't true?" diretsong tanong nito.
Walang emosyon o kahit ano man lang sa boses nito. Kahit galit. Kaya hindi siya agad nakasagot but nonetheless did.
"T-Totoo..." napilitan niyang sagot. "Pero hindi naman 'yon sa ganon. We were just joking around—"
"So... Isang malaking joke lang pala para sainyo ang nararamdaman ko para sa'yo, ga'non?" balik nito sa kanya.
Sobrang lakas na ng kabog sa kanyang dibdib. Pinipilit na lang din niya ang sarili tumayo ng tuwid dahil nanghihina na ang kanyang mga tunod. Ano ba kasi ang nangyayari? Bakit ganito? That dare wasn't even that serious.
"Tell me, Arabella." Lumapit ito sa kanya't mahigpit na hinawakan ang mga balikat niya. Too tight. "Would you have been with me kung hindi dahil sa dare na ginawa ni Synn at Arika?"
"Inno..."
Her heart wanted to say yes. Pero alam niya din naman na that stupid dare did push her to take the risk. Nawalan siya ng alinlangan dahil may gusto siyang patunayan. Her tears started to fall kasabay ng pagluwag ng kapit nito. Until his grip on her was totally gone.
"I see."
Silence. Isang nakabibinging silensyo ang pumainlang sa silid. Maya-maya pa'y tumawa ito ng pagak.
"Let's let you win, then," bigla nitong sabit na ikinaangat agad ng kanyang ulo.
His brown orbs were hollow as he stared down at her. Blanko din ang ekspresyon nito sa mukha kaya't hindi niya mawari kung niloloko lang ba siya nito o hindi. But he looked dead serious.
Isinilid nito ang kamay sa bulsa at nilampasan siya as he made his way out of his own office.
"You know your way out," anito as he reached the door. Hindi man lang ito tumingin sa kanya. "Drive home safely. Huwag mo na akong hintayin because I won't be going home."
Tila na-estatwa siya sa kinatatayuan as Inno left her alone inside the office. Nanginginig ang kanyang mga kamay nang matutop ang bibig at tahimik na umiyak. Her knees finally caving making her fall on the floor.
What just happened?
💐
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro