Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[B2] Episode 17

💐

Maagang nagising si Yoon nang araw na 'yon. Pero itong si Inno, ayaw siyang pakawalan at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa kanya. It didn't help na wala silang saplot sa ilalim kaya ang naging ending ay late na sila pareho so they decided to just cancel their morning schedules at manatili na lamang sa loob ng silid.

"You know, you should definitely stop seducing me this early in the morning," aniya habang nakadapa sa ibabaw nito at nilalaro-laro ang daliri sa dibdib ng kasintahan. "Malulugi tayo pareho dahil sa ka-harutan mo."

"Okay lang," sagot naman nito habang inaayos ang buhok na nakatabing sa kanyang mukha. "As long as I get to spend time with you, kahit ibenta ko na yung kompanya pati yung shop mo. Para wala nang sagabal."

"Gago," singhal niya dito. "Eh di naghirap tayo pareho niyan."

"Love, kahit pa siguro apo ng mga apo natin eh magiging kompurtable ang pamumuhay kahit hindi na magtrabaho sa yaman na meron ang pamilya namin," paliwanag nito sabay ngisi.

Magaang tinampal niya ang dibdib nito. "Hindi ka naman mayabang eh 'no?"

"I'm just proving a point, love." Nagkibit-balikat lamang ito sabay halik sa kanyang pisngi. He always does that. Kiss her. "Saka hindi pagmamayabang ang pagsasabi ng totoo. Nagmumukha lang kasi I have more than what average people have. Kahit yung ano ko nga above average eh—"

"Hoy gago."

Isang magaang tawa lamang ang isinukli ng kasintahan bago inabot ang kanyang kamay at pinagsalikop ang mga ito. Then gently placed a kiss on it.

"Mahal mo naman," kampanteng sambit ni Inno sabay ngisi. Inirapan niya lang ito bago napagpasyahang tumayo. Pero agad naman siyang napigilan nito't naibalik sa dating posisyon. "Hep hep hep. San ka pupunta? I thought we agreed to stay in the whole morning?"

"Bakit, bawal na ba kumain?" balik niya dito. "Gutom na 'ko, Inosencio. At least feed me after all that exercise."

Tumaas ang isang kilay nito. "Exercise?"

"Ewan ko sa'yo, gago."

Bimitiw siya dito't tumayo. She didn't even bother covering up dahil ano pa ba ang itatago niya dito? But before she could get one shirt from the floor, napasigaw siya.

"Inno!"

Ngingiti-ngiti lang ang demonyo after slapping her... her behind. Isang irap ang ibinato niya sa lalaki bago ipagpatuloy ang paghahanap ng Tshirt at shorts bago tuluyang lumabas ng silid.

Maya-maya ay napadpad siya sa kusina kung saan nabungaran niyang nagluluto si Yvo at may kung anong bagay sa ibabaw ng kitchen island wrapped in a blanket.

"Konting tiis na lang, baby. Your pancakes will be finished soon," rinig niyang sambit nito. Nangunot ang noo niya. Sinong kausap nito—

Napasigaw siya nang biglang umungol ang kung anong nasa ibabaw ng kitchen island. That was when Yvo finally noticed her presence.

"Ate Yoon!" gulat na bulalas nito. "Good morning. Wala kang trabaho ngayon?"

Hindi niya sinagot ang tanong nito't sa halip ay tumingin sa bagay—o taong, nasa kitchen island.

"Is that Uno?!"

Tumango lang ito as if hindi weird na nakahilata ang babae sa kinalalagyan nito ngayon.

"What is she doing there?" kunot-noong tanong niya.

"May lagnat ate. Ayaw paiwan mag-isa sa kwarto kaya dinala ko na lang dito sa kitchen habang nagluluto ako ng agahan namin," paliwanag nito. "Ikaw ate? Do you want some pancakes and bacon?"

"Uh... sure."

Bagaman naguguluhan pa sa nagaganap, minabuti na lang niya munang kumuha nh gatas na maiinom mula sa ref. Doon niya nakita ang masuyong pagtanggal ng tumatabing na buhak sa mukha ng himbing na himbing na si Uno. Mukha itong uod sa pagkakabalot ng comforter sa katawan nito. Then masuyong inalis ng lalaki ang buhok na nakatabing sa mukha nito and planted a soft kiss on Uno's cheek. And the girl just let him.

Huh. That's new.

Medyo naninibago siya sa nakikita. Sanay kasi siyang nagtatalo ang dalawang bunso sa bawat tsansang meron ang mga ito. Kung siya ang tatanungin, mas bagay sa dalawa ang ganito.

"Nakainom na ba 'yan ng gamot?" tanong ko sabay abot ng dalawang baso at nagsalin ng gatas. Dadalhan niya na lang ng makakain si Inno since wala ata itong balak talaga lumabas ng kwarto. "Bakit pala nagkasakit si Uno?"

"Papakainin ko muna ate. Para safe," sagot nito. "Nagpaulan kasi nung nakaraan. We had a fight..."

"Lagi naman kayo nagaaway," komento niya. "Ano difference ngayon?"

Yvo sighed. "Gago kasi ako, ate. I mean, napagod ako."

Teka. Mag-jowa ba itong dalawa? Are they even together? Pero sabagay. Gagawa nga daw ng baby eh.

"Normal yung pagaaway sa isang relasyon," sambit niya. "Tingnan mo kami ng kuya Inno mo. Walang araw na hindi nagaaway."

"Yun eh kung merong relasyon, ate," mahina nitong sambit sabay buntong-hininga. Then he smiled. "But I can't lose her. Masyado ko na siyang mahal. Kaya kahit masakit, kakayanin ko. Ipaglalaban ko yung nararamdaman ko para sa kanya."

Yvo gently brushed Uno's hair as the latter slept. And seeing as how Uno didn't want to leave Yvo's side, hindi naman siguro one sided ang pagmamahal ng bata. They were just too... young.

Nakaka-impress din naman talaga si Yvo. Mukha lang itong maloko at immature pero malalim din naman pala kung mag-isip. Wisdom beyond his years, kumbaga. Isang malaking 'sana all' kayang magmahal ng ga'non. Yung kahit masakit na, kumakapit pa rin.

"What's taking you so long—what the hell?!"

Sabay silang napatingin ni Yvo sa may bukana ng kusina. It was Inno walking in casually with just his shirt and boxers. Agad tinakpan ni Yvo ang mata ni Uno—who was still asleep by the way.

"Kuya!" sigaw ni Yvo na ikina-kibit balikat lang nito.

Bwiset. Napaka-bold star talaga netong si Inosencio!

"Hoy! Magsuot ka nga ng pantalon!" pagalit niya agad dito. "Indecent attire ka umagang-umaga!"

"Tatanggalin mo lang naman mamaya kaya why bother?" confident nitong sagot na ikina-iling niya na lamang. This guy, really.

Kinuha niya ang dalawang baso ng gatas at agad inabot sa kasintahan. Pagktapos ay hinila niya agad ito papalabas ng kusina.

"Tara na nga. Baka may iba pang bumaba dito't makita 'yang kawalanghiyaan mo."

"Sus. Sabihin mo, naakit ka lang kaya gusto mo nanamang maka-isa."

"Gago."

Isang irap ang binato niya dito at diniretso lang ang daan pabalik sa kanilang silid.

Hindi na nito kailangang malaman na tama ang hinala nito.

💐

"Iba. Iba talaga ang glow ng buntis at ng nadiligan."

Nagkatinginan na lang sila ni Naia sa tinuran ng kaibigan. Out of the blue kasi ay nag-aya si Synn na lumabas silang makakaibigan. Nakakalungkot lang din isipin na instead of four, tatlo na lang sila ngayon.

"So tell me, how's married life and almost married life treating you two?" dagdag pa nito habang nags-scroll sa telepono nito.

"Okay naman," sagot ni Naia. "Aside from Jarvis almost losing his mind because of my cravings and mood swings, smooth sailing naman ang buhay mag-asawa namin. Though I'm really excited for Mavi to born. I'm starting to buy things for him na nga eh."

"Him? Alam niyo na yung gender nung baby?" tanong agad nito.

"Not yet. But I have a feeling na boy si Mavi. Kahit si Jarvis 'yun yung hula niya eh. But a girl would be fine too," sagot naman nito.

"Anong posisyon ba ginamit niyo nung ginawa si Mavi?"

Muntik niyang maibuga ang iniinom sa tanong ni Solyn.

"Synn!" naeeskandalong sambit niya.

"What? I was just asking," patay-malisya nitong sambit. "And lahat naman tayo matatanda na. Hindi ka na rin naman virgin para umaktong ganyan. Saka nung college kaya tayo kayong dalawa ni Arika ang game na game sa mga ganitong usapan ah."

Tama naman ito. Pero iba pa rin naman kasi kapag... ewan. Kapag siguro nagawa mo na eh nahihiya ka na.

"Back to my question," seryosong sad nito. "Anong position ba? Malaki rin kasi ang contribution ng mga positions para mak-produce ng babae o lalaki. Also the diet. Alam mo ba kung ano ang kinakain ng asawa before you two created baby Mavi?"

Tulala lang si Naia habang inuulan ng kaibigan nila ng samu't-saring mga tanong. Siya nama'y lihim na napahawak sa kanyang noo. Kahit sino naman siguro ay magiging ga'non ang reaksyon sa biglang pagtatanong ng kaibigan nila.

"Teka nga muna, Solyn," agaw niya sa atensyon ng babae. "Why the sudden interest sa pagkakabuo kay Mavi? We all know Naia and Jarvis had him by accident."

"Hindi aksidente si Mavi!" giit naman ni Naia. Tinaasan niya ng kilay ang kaibigan. "Okay, medyo lang. But we love Mavi. Hindi siya pagkakamali."

"I did not say that," paglilinaw niya bago muling bumaling kay Synn. "Ikaw babae. Umamin ka nga. Nilalagay mo ba sa mga nobela mo ang mga buhay namin?"

"Noon, yeah. Heavily inspired niyo ang mga bida ko," sagot naman agad nito.

"Kaya ba hinihingi mo pati bedroom details?!"

"What? No!" tanggi agad nito. "I have enough information about that sa mga nare-research ko. Kaya ko lang naman tinatanong si Naia eh para ma-confirm kung tama ba yung naresearch ko about sa possible gender ng baby and its connection sa sex position na ginawa during conception."

Nangunot ang noo niya. "Bakit ka nagreresearch about that?"

Nagkibit-balikat ito. "Wala lang. I'm just bored."

Naningkit ang kanyang mga mata at tinitigan ang kaibigan. She's up to something. Kilala niya ito at alam niyang hindi nagaaksaya ng oras ang babae magresearch just because she's bored.

"Stop looking at me like that," asik nito. "Ni hindi ka pa nga nagte-thank you saakin. I practically set you up with Inno."

"Ano?"

"Yeah. Remember our dare?" anito.

Naguguluhang napatingin naman sa kanila si Naia. "What dare?"

"Wala," pagdismiss niya agad dito. "Hindi naman 'yon counted. Di ko na nga yon iniisip eh."

"Siyempre kasi masaya ka na," anas ni Synn. "You're welcome. Masyado ka kasing duwag. If not for me and Arika, hindi ka magiging masaya ngayon inside Inno's arms. Pwedeng sa kwarto na rin dahil balita ko, ni hindi mo na nga pinagpapahinga yung tao."

"Hoy!"

Ramdam na ramdam niya ang pagiinit ng kanyang pisngi—scratch that: buong mukha niya, sa pinagsasabi nito.

"Wait lang kasi. Ano munang dare 'yan?"

Napairap siya. Then sighed.

"She dared me to prove her and Arika wrong," pagku-kwento niya. "Na tama ako at mali sila."

"Wrong in what way?"

"Na gago daw talaga si Inno. Na kapag naka-isa na daw sa kanya eh maghahanap na 'yon ng iba," saad ni Synn. "So sabi namin, sige. Ipakita mo samin na ganon nga si Inno and we will stop bugging her about him. Sino ngayon ang mali? 'Diba ikaw? Nakaka-isang daan na ata sa'yo di ka pa rin iniiwan. Binigyan ka pa nga ng singsing o."

"Oo na nga diba? Aminado na ako. Mali na ako nung sinabi kong gago siya. Na lolokohin niya ako in the end."

And yes, ngayon lang siya naging ganito kasaya sa buong buhay niya. Wala na siyang mahihiling pa. Marami mang flaws si Inno para sa kanya noon but, being on Cloud 9 with Mr. Not-So Perfect is better that settling someone who she thinks is the Perfect Guy but ultimately cheats on her in the end.

"Tingnan mo. Ngumi-ngiti pa ng mag-isa. Dapat kapag kinasal 'tong dalawang 'to eh dapat promoted ako as maid-of-honor," ani ng babae. "Aarte-arte pa. Bibigay naman pala."

"Para kang sira, alam mo 'yon?"

"Para kang shunga, alam mo 'yon?"

"Kapag ikaw talaga Solyn Natalia magka-jowa, makikita mo," aniya. "Ako unang tatawa kung magkataon."

"Ha-ha. That will never happen," deklara nito. "I'm happy on my own."

"You could be happier," ani Naia. "Having a family can make you happier."

"I know," anito. "That's why I'm going to have a family of my own."

Nangunot ang noo niya. "Family? Akala ko ba di ka magkaka-jowa?"

"Pwede naman magka-pamilya ng walang jowa, right?"

"What?!" sabay nilang bulalas ni Naia.

"Are you... Tama ba ang iniisip kong binabalak mo, Synn?"

"So the questions a while ago... was for that?"

"Synn!"

Synn rolled her eyes and folded her arms.

"Okay fine. I admit. I want what you guys have, too," pag-amin nito. "I want a family of my own but I don't want a boyfriend. Because boyfriends tend to leave. Ayoko din naman mag-alaga ng aso o pusa kasi in seven or so years eh mamamatay lang naman 'yon. So... I want to have a baby."

"What?!"

"A boyfriend leaves. A husband cheats. A baby will always and forever be there for you," dagdag pa nito.

Nagkatinginan nanaman sila ni Naia. What's going on? May pinagdaraanan ba ang kinigan nila na hindi nila alam? Maya-maya pa'y biglang tinuro ni Synn ang dibdib niya.

"Yoon, lumalaki ata boobs mo. Pansin mo ba?"

💐

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro