[B2] Episode 15
💐
"Umamin ka nga, Yoon," ani Naia nang makarating sila sa silid ni Inno. Iyon lang kasi ang alam niyang kwarto sa buong mansyon. "Magaling ba si Inno? Naenjoy mo ba?"
Parang gusto niya nang sabunutan ang sarili sa mga nangyayari. Natakasan niya nga sina Inno pero may binaon niya sa hukay ang sarili nang hugutin niya ang buntis papunta sa bakanteng silid. It was like she took a rock to hit herself.
"Hoy Eunice! Sumagot ka!"
She sighed. "Aaraw-arawin ba namin kung hindi? Malamang oo."
Tumili ito ng pagkalakas. Sana totoo yung sinasabi ni Inno na semi-soundproof ang silid nito.
"Oh my God! Eunice!" Hinampas-hampas pa siya nito. "Di ka na talaga tigang!"
"Maka-tigang 'to!" bulalas niya agad. "Tigang ka din kaya for years. Kamakailan ka lang naman regularly nadidiligan ah."
"Ako, dalawang taon lang. Ikaw, since birth," debate nito. "But I'm happy for you, Yoon. Like super happy. Who knew we'd be sister-in-laws? From friends to in-laws. OMG ang cute! You'll be Mavi's Tita-Ninang. Nakaka-excite talaga!"
"Hindi pa nga kasi kami!" giit niya sa kaibigan pero hindi niya na rin talaga matago yung kilig.
Oo. Kinikilig siya. Sino ba naman ang hindi? For the first time in her life eh parang wala nang kulang. Hindi niya maintindihan kung ano pero iba eh. Ibang-iba.
First of all, napakarupok niya dito. Noon kay Fred eh halos umabot pa ng isang buwan bago niya ito pinayagang halikan siya and they were hormonal young adults then. With Wes it took three. Pero si Inno... ewan niya ba. It only took one look and an adorable smile para bumigay siya. All the way pa.
"Really now?" Tumaas ang isang kilay nito. "Pero gusto mo. Gusto mong maging kayo officially."
"Well..." Hindi niyannapigilan ang sariling mapangiti. "Sino naman ako para umayaw, 'diba?"
Hindi na siya magpapaka-plastic at magiinarte. She's in love with Inno. Hindi pala talaga siya immune sa charm ng lalaki dahil napakadali nitong nakuha ang puso niya.
Tuloy-tuloy ang naging paguusap nila ni Naia—without detailing some sensitive parts of course, updating each other sa mga naging ganap sa kanilang buhay. Hindi na rin kasi sila nakapagusap ng gaano nung lamay ni Arika.
Masakit pa rin kapag naaalala niya na wala na ang kaibigan nila. Na hindi na nila makakakwentuhan ito uli.
But they're fine. Kaya na nila uli. Balang araw, si River din.
"Nga pala—"
"Arabella! My darling! My love! So sweet!" Sunod-sunod na katok ang bumulaboh bigla sa kanila ni Naia. Nangunot agad ang noo niya. "Love! Do you want to build a snowman?"
Tumawa ng malakas si Naia. Maging siya ay natatawa na din pero pinigilan niya iyon.
"Yung lalaki mo o. Nagpapaka-five years old nanaman," pangaasar nito.
Tumayo siya at binagtas ang daan patungo sa pinto. Napasinghap siya nang isang Inno na naka-suit—sa pang-itaas lamang habang and suot nitong puruntong kanina ang nasa pamibaba, ang bumungad sa kanya. May hawak itong mga bulaklak—na mukhang pinitas nito sa garden ng tiyahin, habang malapad na nakangisi sa kanya.
"A-Anong ginagawa mo?!" kunot-noong bulalas niya.
"Diba sabi mo magtanong ako ng maayos? Masunurin akong boyfriend kaya magtatanong na ako," paliwanag nito sabay abot sa kanya ng mga bulaklak.
Napasinghap naman siya nang bigla itong lumuhod sa unahan niya. Inno was down on one knee—grinning like the sappy idiot that he was, while looking straight at her. Again, she was drowning in his eyes.
"Arabella," panimula nito. Nanginginig ang mga kamay niya nang abutin nito ang mga 'yon at hawakan. "For years I have only had my eyes on you. You've intrigued me the first time we've met. I thought I'd never get to see you again but fate always have its ways. Kaya nang makita uli kita sa coffee shop ng kapatid ko, I knew what the world—the universe, rather, was telling me. Na ikaw. Na ikaw ang babaeng magpapatibok ng puso ko."
Her heart was swelling from all his worlds. Gusto niya rin itong batukan dahil sa mga pinagsasabing kalokohan but that was Inno. That's his charm.
"Hindi na ako mags-speech pa ng mahaba. What I'm trying to say is that, mahal kita. Mula pa nung una, ikaw na talaga," anito.
And straight out of a romantic chick flick, he took something out of his pocket na ikinalaki ng kanyang mga mata.
"Hindi ako prepared kaya ito lang muna mabibigay ko," anito sabay pakita sa kanya nung tab ng isang aluminum can. Yung ginagamit pambukas ng mga soda in can. "Eunice Arabella Suarez, please. Panagutan mo na ako and marry me."
Hindi niya na namalayang umiiyak na pala siya. Umiiyak sa saya. Her hands were trembling habang nakatakip sa kanyang bibig.
"A-As girlfriend lang naman yung sinasabi ko eh..." ang tanging nasabi niya. She was too overwhelmed. Binigla naman kasi siya nitong demonyo!
"Pa-san naman kasi 'to pupunta kundi sa kasalan, 'diba? So idederetso ko na. Para di ka na makadahilan sa iba na hindi tayo."
Again she was speechless. Kaya naman tumayo na si Inno and slipped the "ring" in her ring finger.
"Yan. Engaged na tayo. Wala ka nang kawala sa'kin—"
Nilundag niya ito't niyakap ng mahigpit. Sobrang saya niya. Hindi niya na nga namalayan ang pagkawala ng audience nila't pagpasok ng tuluyan sa silid nang magangat siya ng tingin dito. He lovingly tucked the loose strands of her hair behind her ear.
"You want to marry me, right? Di na ako assuming ngayon?"
Tumango siya.
"Hindi ka naman assuming," aniya while still hugging him. "I'll marry you. Wag sa simbahan kasi baka masunog ka."
"Grabe siya o!"
Tawang-tawa siya bago bumitaw at pinagmastan ang improvised engagement ring na binigay nito.
"Sorry kung 'yan lang muna ngayong gabi," anito sabay hawak sa kanyang kamay. "Sarado na kasi mga bilihan ngayon. Promise, I'll buy you the most expensive ring first thing in the morning—"
Hindi niya na ito pinatapos at kinitalan ito ng halik sa pisngi.
"You don't need to buy me anything, Inno. Ikaw lang, sapat na," banat niya sabay kindat.
Eksaherado namang napakapit ito sa sariling dibdib at nagkunwaring namimilipit sa sakit.
"Grabe! Hindi ko inexpect 'yon," anito sabay hapit muli sa kanya papalapit. "Dahil diyan. Mag-aadvance ako."
"Advance? Anong advance?"
Ngumisi ito.
"Honeymoon. Feeling ko kasi kailangan na ng kalaro ni Mavi."
Bwiset talaga. Pero mahal niya.
💐
Wala na atang balak si Inno bitawan ang kanyang kamay buong gabi. Marami daw tao kaya baka daw maligaw siya kaya dapat kumapit lang daw siya.
And yes, tinupad nga nito ang pangako sa kanyang bibilhan ng mamahaling engagement ring. Hindi nung kinaumagahan but a few days after pa dahil naging busy sila sa pagtulong sa birthday party ni Dos.
Pero halos himatayin siya nang makita ang presyo 'nung mga napiling pieces ni Inno but he wouldn't take 'no' for an answer. Kapag inaayawan niya doon sa shop ang isang singsing dahil nga sa presyo, nagpapakuha pa ito ng mas mahal at doon siya muling pinapapili.
In the end she was forced to pick the princess-cut diamond with Turquoise accents on its side. Ang birthstone nito. And yes, nakakalula ang presyo.
Tonight's the celebration of Dos' birthday at puno ng mga bisita ang tahanan ng mga Montecillo. Aside from Kendall and the Montecillos, wala siyang ibang kilala sa loob ng bulwagang iyon though majority are familiar faces from Naia and Jarvis' wedding. Kung tama ang hula niya, ang mga taong naririto ngayon ay mga business partners nila o 'di kaya mga prominenteng tao sa business. Pwede ring potential business partners at mga empleyado.
"Inno, ijo," rinig niyang tawag ng kung sino mula sa kanilang likuran. Pagtingin nila ay isang lalaki—around his thirties or so, ang tumawag sa kanilang atensyon.
"Mr. Ramirez," bati nito sabay nakipagkamay. "Buti nakadalo kayo. Are you with your wife, tonight?"
Umiling ito. "May lagnat yung panganay namin kaya ayaw iwan. You know first-time mothers. So ako na lang muna ang dumalo in her stead."
"I can imagine," nakangiting sagot naman ni Inno. "By the way, this is my fiancée, Arabella Suarez. Arabella, this is Enrico Ramirez. He's the owner of Bellamona, Inc. together with his wife."
Ngumiti siya't inabot ang kamay sa lalaki. Magiliw namang tinanggap nito iyon.
"I guess the rumors around the business community is true," anito. "Mukhang finally ay may nakabighani na sa puso ng pinakamailap na bachelor sa komunidad. Congratulations."
Naramdaman niya ang pag-init ng kanyang mga pisngi. Hindi panrin siya nasasanay sa kada pagpapakilala ni Inno sa kanya bilang fiancée nito.
"It took me four years but she's worth it," pagmamalaki nito sabay kintal ng magaang halik sa kanyang kamay.
Napunta ang usapan ng dalawa sa business while she just stood there bored out of her wits. Gusto niya na sanang magpaalam pero ayaw niya namang masabihan na rude siya. So she was so thankful when Kendall suddenly came to her rescue.
"Excuse me, Kuya Inno, Mr. Martinez," Kendall politely intervened. "Can I borrow Ate Yoon muna? I have to consult something kasi regarding our mom's birthday party next month."
Mr. Martinez just nodded while Inno pouted. Tumingkayad siya't kinintalan ng isang magaang halik sa pisngi ang kasintahan bago sumama kay Ken.
"Thank you," agad niya ssambit nang makarating sila sa may garden. Kaunti lang ang tao doon kaya't finally ay nakahinga na siya ng maluwag.
"You look like matatae na kasi kanina Ate," sagot nito sabay hagikhik. "So I thought of making saklolo 'coz I'm also bored kasi Box and Seven are talking with their dad about Kuya River. Ate George naman is with Kuya Dos like, kanina pa. If I become a tita soon, I won't wonder na."
Natawa siya sa ka-conyohan ng babae. Hindi pa sila gaano nagkakaroon ng mahabang usapan ni Kendall mula noon. The girl's very sweet at mukhang inosente. Kaya siguro sobrang protective ni Box sa so-called 'best friend' nito. Pero sino bang niloko nila? It's so obvious na may feelings ang dalawa sa isa't-isa. In-denial lang. Parang sina Uno at Yvo lang.
"Asan si Uno?" tanong niya bigla dito. "Hindi ba dadaan daw muna siya bago yung shift niya?"
"She and Yvo got into a huge fight the other night po," sagot nito. "They went to see that baby and Uno ended up sleeping over at our place kasi Yvo left her daw. Di ko nga po ma-understand kasi she's driving Yvo's car po. Ewan. They argue like a married couple pero lagi nilang sinasabi that they're just friends. Minsan nga hindi pa daw kasi enemies sila. I saw them once nga po making out pero secret lang natin 'coz Uno's gonna make kalat my secrets din."
Natawa siya sa ka-conyohan nito habang nagkukwento. Ewan talaga ang cute cute ni Kendall. Sarap ibulsa.
"So ano 'yon?" aniya. "Friends with Benefits? Enemies with Benefits?"
Kendall shrugged. "I don't know po, Ate. They're so magulo."
"Eh kayo ni Box?" Oo na, siya na intrigera peeo curious talaga siya sa totoong relasyon between the two. "Are you really just best friends?"
"You know ate, you're not the only person who asked me that," tugon nito. "Hindi po ba possible for a guy and girl to be just friends? And besides, Box likes girls who are confident and outspoken. I'm not like that. I'm shy. I'm not his type."
"But, do you want to be?"
"Nope. Masisira lang kasi yung friendship ate. Sayang," diretsong sagot nito sabay ngiti.
So that's why. Box likes her and does as well pero takot ang babae sumugal. Fear. Panira talaga.
"Oh right!" bigla nitong sambit sabay yakap sa kanya out of the blue. "Congratulations, Ate Yoon. I'm so happy for you and kuya Inno!"
"Thank you—"
"So ikaw pala si Yoon," biglang sambit ng isang babae. Maputi ito at halos ka-height niya lang. She looked oddly familiar. Parang nakita na niya ito. "Inno's girlfriend. It's great to finally meet you."
"Um, uh, likewise," aniya sabay tingin kay Kendall na biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha. Kilala ba nito ang babae? "Are you a friend of Inno's?"
The girl just smirked before folding her arms. Base sa pananamit nito, masasabi niyang isang heredera ang babae. Designer shoes, bag at dress. Makinis din ang kutis nito kaya mukhang alagang-alaga at hindi nakaramdam ng hirap sa buong buhay.
"You could say that," makahulugang sagot nito. Bigla siyang nakaramdam ng inis out of nowhere sa babae. "Pero what Inno and I will share is much deeper that."
Nangunot agad ang kanyang noo. Then she felt Ken gently tug her arm.
"Ate, let's go inside na," yaya nito. "Kuya Inno's gonna look for you. Baka magalit siya 'coz hindi kita na-return on time—"
"Will?" seryosong tanong niya. "Bakit, sino ka ba?"
Bigla nitong inoffer ang kamay sa kanya.
"I'm Renelea Ibañez. Inno's fiancée."
💐
🤭🤭🤭
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro