Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[B2] Episode 14

💐

"Ta-da!"

Napalunok si Yoon sabay baling kay Inno. Is he for real?!

"Feeling ko kasi nabuburo ka na doon sa pad ni Jarvis. So I thought of bringin you here tutal tapos naman na yung renovation," nakangising sambit ng lalaki sabay akbay sa kanya. "Tita Saturn said it was okay since hindi ka na rin naman daw iba. You can use the guest room pero I highly suggest na sa kwarto ko na lang ikaw tumuloy. Semi-soundproof naman ang kwarto ko."

"Inno hindi pwede," aniya agad sabay atras. Her, living in their mansion? "Nakakahiya—"

"Yoon!"

Naputol ang reklamo sana niya nang biglang lumabas mula sa gate si Naia at tinalon siya ng yakap. Bagaman maliit pa lamang ang umbok ng tiyan nito, that didn't stop Jarvis from worrying for his wife na mukhang nakalimutang buntis ang sarili.

"Naia!" gulat niyang samit habang ginantihan ng yakap ang kaibigan. "Magdahan-dahan ka nga. Mukhang mahihimatay na yung asawa mo sa pinaggagawa mo eh."

"Thanks, Yoon," ani agad ni Jarvis. "She's been very excited since this morning pagkatapos tumawag ni Kuya. Hyper din 'yan dahil kakainom ka pa lang ng kape."

"Coffee?!" Tinapunan niya agad ng masamang tingin ang kaibigan na agad naman nagiwas ng tingin. "Naia, bawal ang sobrang caffeine sa mga buntis. I know you're craving for it pero baka makasama sa baby mo."

"Hindi ko kasalanan," nakasimangot na depensa ng babae. "Pagalitan mo ang inaanak mo kasi walang ibang gusto inumin kundi kape. Coffee guy na nga yung tatay, coffee baby pa siya."

Hindi niya napigilang matawa sa tinuran nito.

"Okay, fine," sagot niya dito. "I'll let it slide for now. Pero huwag mamimihasa. Kahit buntis ka dadagukan kita."

"Yes,'ma," tumatawang sagot nito bago kumapit sa kanyang braso. Ang cute nitong tingnan with her yellow summer dress and matching hair ribbon. Nagra-radiate din ito dahil na rin siguro sa sinasabi nilang "pregnancy glow". Mapapa isang malaking 'sana all' ka na lang.

"Let's go inside," biglang sambit ni Jarvis na nakuha na pala ang maleta niya mula sa kotse. Si Inno naman ay hawak ang iba pang gamit nito. "Kanina pa nagaabang yung mga bunso sa pagdating mo, Yoon."

Mga bunso? So that meant Seven, Box and Yvo. Does that mean hindi pa rin nagpapakita si River?

"So wala si Dos dito ngayon?" tanong niya kay Naia. Umiling ito.

"Nasa Amerika ngayon si Dos," tipid na tugon nito. "Uh, business. Alam mo na."

"Ah... okay?" Tumango-tango lang siya. Then she proceeded to her actual question. "Si River? Bumalik na ba siya?"

Muli, umiling nanaman si Naia. But this time there was a sudden flash of sadness in her eyes. She sighed. Mukhang wala pa rin itong balak magpakita sa kanila. She hopes he's okay—

"Andito naman ako tapos kung sinu-sino hinahanap mo, babae," nagtatapong sambit ni Inno. "Nakakasakit ka ng feelings."

"Nag-aalala lang ako sa pinsan niyo, ano ka ba," aniya sabay irap. "Ang drama mo talaga kahit kelan. Daig mo pa babae."

"You don't need to worry about River, Arabella," paniniguro nito. "Natatrack pa naman namin kung saan siya pumupunta because of his cards. Last time I checked eh he's flying to Thailand from Singapore. At kung nagwoworry kang baka may gawin si River, he won't."

She sighed. Hindi niya maiwasan ang mag-alala dahil napakasariwa pa ng lahat. But she's glad that River's moving on. At inexpect niya na rin namang lalayo talaga ito. Because staying would only remind of Arika more.

Pakapasok na pakapasok nila sa may receiving area ay boses na agad ng nagtatalong lalaki at babae ang sumalubong sa kaniya.

"Gago ka ba?! Sinabi na nga kasing wag mo gawin, ginawa mo pa rin. Tapos ako sinisisi mo na nahulog ka sa kama!"

"Eh malay ko bang masisira 'yon kapag ginawa ko? Sabi mo matibay yung kama eh!"

Nanlaki agad ang mga mata niya nang mahimigan ang tinig ng dalawa. Uno and Yvo. At ano ang mga pinagsasabi nitong dalawa?

"Oo pero kapag tinatalunan 'yon siyempre masisira!" Kitang-kita niya kung pata lumabas ang ugat sa may leeg ng babae as they entered the living area. "Ano ka, five years old?!"

"You dared me that I can't reach the ceiling! Inabot ko lang naman!" ganting hiyaw ng lalaki.

"Eh uto-uto ka naman palang hayop ka eh!" bulalas ng kausap nito bago bumaling kay Seven. "Ayoko na kausap 'tong pinsan mong abnoy. Papasundo na lang ako kay Lexo. Bibisitahin ko ba si Baby Khal saka yung mag-iina ko. Magha-hi na lang ako kay Ate Yoon at Kuya Inno—Ate!"

Agad na patayo ang babae nang makita sila. Napakalapad ng ngiti nito at tatakbo sana papalapit sa kanila pero agad namang hinila ito ni Yvo at madaling kinarga sa balikat na parang isang sakong bigas.

"Giovanno!"

"Hindi ka sabi aalis!" sigaw nito. "Bakit ba bisita ka ng bisita doon Lexus na 'yon? Di hamak naman na mas gwapo ako 'don."

"It's Lexo," pagtatama ng babae habang nagpupumiglas. "Bakit, may baby ka ba? I'm only going there kasi I'm playing with his son. Training ko 'yon bago lumabas si Mavi. Now put me down!"

"Baby? Yun lang pala eh. Tara sa kwarto. Gawa na lang tayo ng baby." Napaawang ang kanyang bibig sa tinuran ng bunsong Montecillo. Gagawa ng baby? Juskong mahabagin! Kebabata pa ng mga ito! "Hi Ate. Hi Kuya. We'd love to stay and chat pero, nagrerequest ng baby daw eh. Sige. Bye!"

"Giovanno!!!" rinig niyang sigaw ni Uno habang nakapabaliktad pa rin sa braso nito.

Totoo nga siguro yung sinasabi ni Inno na adik sa gym yung bunso nila dahil sobrang dali lang para sa lalaki ang pagtakbo habang may kargang tao.

Napabaling siya kay Naia.

"Hindi mo ba pipigilan 'yung dalawa?" tanong niya sa kaibigan. "Pinsan mo 'yon, Danaia."

"Matanda na si Dora," tanging sagot nito. "Kaya niya na ang sarili niya. Saka mas nauna pa 'yang maging regular dito sa mansyon kesa sa'kin."

"So hindi ka naaalarma sa sinabi ni Yvo?" dagdag tanong niya. "Gagawa daw ng baby!"

Nagkibit-balikat lamang ito. "They're old enough to do things. Just relax, Yoon. Saka if they are active, panigurado namang may supot lagi yung kay Yvo. Uno's still in med school and she's determined to finish that. May balak pa ngang magmasters eh."

Hindi kinakaya ng utak niya i-absorb ang pinagsasabi ng kaibigan. When did she become very open about the idea of sex and kids? Ay oo nga pala. Magiging nanay na ito.

"Besides, only Jarvis was stupid enough not to use protection," prangkng sambit nit Naia.

"Hey!" protesta agad ng asawa nito. "I was drunk!"

"And that will be the last time you'll ever drink," banta nito. "Hindi ko tuloy matatapos masters ko dahil hindi ka naging maingat."

"Kung naging maingat ako, hindi tayo kasal ngayon, baby."

Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Naia at bumitiw sa pagkaka-kapit sa kanya. Uh-oh.

"Bakit?" agad nitong tanong. "Kung di ba ako nabuntis hindi mo ako pakakasalan?!"

Namutla naman agad si Jarvis. Pero agad namang nakabawi ang lalaki at lumapit sa asawa nito. She took a few steps back—papunta sa tabi ni Inno.

"Baby, that's not what I mean—"

"It's better if we leave them be," bulong sa kanya ni Inno sabay hawak sa kanyang tagiliran. "You can put your stuff in my room."

"Your room? Akala ko ba sa guest room dapat ako?"

"Bakit? Sa tingin mo ba papayag akong humiwalay ka ng kwarto sa'kin?" tanong nito. Mas nilapit pa nito ang mga labi sa kanyang tainga and she could feel his warm breath on her skin.

Punyeta. May kung ano nanamang hinahalukay sa kanyang tiyan. Agad siyang lumayo dito sabay tikhim. She could feel a light burn on her cheeks starting to creep in.

"Kung alam mo ang alam kong nangyari sa guest room na 'yon, hindi mo gugustuhin mag-stay doon," asik nito na parang diring-diri pa. "Dapat 'don pinabebendisyonan."

She was genuinely confused. "Bakit? Anong nangyari doon sa guest room?"

"Tanungin mo 'yang kaibigan mo. But right now, aakyat na tayo sa kwarto," anito bago muling inilapit ang mga labi sa kanyang tenga. "I'm in a mood for some breakfast... in bed."

"Inno!"

Tuluyan na ngang nagaapoy ang kanyang mga pisngi sa tinuran nito. But was she complaining?

Hell no!

Baka nga hindi lang pang-breakfast ang gawin nila eh. She's in the mood for a full 10-course meal.

💐

"Malapit na pala ang birthday ni Isidro," ani Tita Saturn nang hapunang iyon.

Lahat sila ay nasa hapag—the Montecillo boys minus Dos and River, the Uno, George and Kendall. Sa kabisera nakaupo ang punong Monetecillo habang nasa kanan naman nito si Inno katabi siya at sa kaliwa si Jarvis. Wala si Naia dahil nakatulog daw ito bigla. Kung bakit at paano ay hindi na niya inalam. Jarvis' fresh hickeys already answered that for them.

"Magkakaron ng dinner party dito sa mansyon to celebrate," patuloy nito. "Uuwi ang mga magulang niyo so I'd expect all of you to be there, okay? Kayo rin, George, Yoon, Uno and Ken. Invited kayo."

"Sa 9 po 'yan, right tita?" tanong ni Uno na tinugon ng isang tango nito. "I'll see po if I can come. Late shift kasi pa ako ngayon sa ospital and sa ER po ako naka-assign. Pero I'll try to drop by po before my shift."

"Thank you, ija. Ipahahatid na lang kita dito kay Giovanno para naman masigurong ligtas ka makakarating sa ospital."

"Thank you po, Tita."

"Tita, I don't think I can—"

"We'll be there, tita," putol agad ni Kendall sa ate nito. Pinandilatan ito ng panganay which the younger ignored. "Ate and I won't miss it po. We'll drive na lang po papunta here together."

"Ken—"

"That good! That's good," ani ng Reyna ng mga Montecillo.

Pagkatapos maghapunan ay nauna nang umakyat sa kanyang silid si Tita Saturn. Hinatid naman ni Box si Kendall at George pauwi habang si Yvo naman ay hinatid sa trabaho si Uno. Jarvis also went up to check on Naia at dinalhan na rin nito ang asawa ng makakain. Kaya sila na lamang nina Seven at Inno ang naiwan sa bakuran para magmuni-muni.

"So kayo na?" biglang tanong ni Seven. "Nagli-live in na kayo?"

"What? No!" tanggi niya agad. "Isang buwan na lang naman maaayos na yung condo ko. I'm just staying over because..."

"Because sabi ni Kuya?" the younger supplied. Bakit nga ba siya pumayag 'no? "Wala naman problema ate kung dito ka na titira. Curious lang talaga ako kung ano na ba ang relasyon niyo ni Kuya. You've been together for what, two months now and hindi na kayo mapaghiwalay. So I'm assuming sinagot mo na siya."

"Eh hindi naman siya nagtatanong eh," pamimilosopo niya. Sakto namang dumating si Inno na may dalang isang basong kape.

"Sinong hindi nagtatanong?" tanong nito diretso upo sa tabi niya. Si Seven naman ay unti-unting gumuguhit ang isang malapad na ngisi sa bibig.

Shit. Anong gulo nanaman ang balak gawin ng batang 'to?

"Ano ba 'yan kuya. Hindi naman pala kayo ni Ate Yoon tapos binabahay mo na agad? Susumbong kita kay Tita Saturn."

"What?" Bumaling agad sa kanya si Inno. "Anong hindi tayo?!"

Lumakas ng kaunti ang boses nito kaya't napangiwi siya't napakgat ang pangibabang labi. Shit.

"Eh hindi naman kasi talaga," katwiran niya dito.

"Then what do you call us then?" tanong nito sa kanya sabay lapag ng hawak na base sa mesa. "We kiss. We have sex. Ano tayo, friends with benefits?!"

"You have—" hindi naituloy ni Seven ang sasabihin dahil napasinghap ito.

"Inno!" Putangina. Nakalimutan niya ang kapasidad ng bibig ng lalaki. Napaka-prangka nga pala nito. "Ang bibig mo!"

But the guy ignored her at nagpatuloy ito sa lintaya. Nagpapanic na siya dahil baka kung sino pa ang makarinig dito.

"Utang na loob, Inno! Ano ba?!"

"Halos araw-araw tayong nagse-sex tapos hindi tayo?!" patuloy nito. Halos maestatwa naman ang pinsan nito na kasama nila. "Ano 'yon, nagpapasasa ka lang sa katawan ko ga'non? Akala ko ba pananagutan mo ko?!"

"Hoy Inosencio 'yang boses mo—"

"Hindi pwede! Mag-on tayo! Matagal na! Mula nung unang gabi na pinayagan mong mag-sex tayo—"

"Putangina!"

Sabay-sabay silang napatingin sa ipit na tili sa may di kalayuan. It was Naia. Sa tabi nito ay ang gulat na gulat ding asawa nito.

Shit. Shit talaga ng bibig netong si Inno!

"You had sex with Inno and didn't tell me?!" tila naeeskandalong bulalas ni Naia sabay martsa papunta sa kanya. "I demand details. Now! Akala ko ba magkaibigan tayo? Putangina naman eh!"

Nagugulat pa rin siya dahil nagmumura na ang kaibigan niyang napaka-Prim and Proper noon. It's like getting married gave her freedom or something.

Pero hindi 'yon ang concern niya ngayon. Ang issue dito ay ang tila walang filter na bibig ni Inosencio Raziel na pati ginagawa nila sa loob ng silid ay balak ata ipangalandakan sa buong mundo.

"Andito pa nga sa dibdib ko yung mga markang iniwan mo tapos itatanggi mo 'ko? Ay wag ga'non, Arabella. Hindi pwede—"

"Akala ko ba friends tayo, Yoon?! Bakit hindi mo man lang sa'kin sinabing di ka na virgin?! Eh yung amin nga ni Jarvis noon kinukwento ko sainyo—"

Sabaya pang nagsasalita ang dalawa. Marahang napapikit siya't huminga ng malalim. Then she opened her eyes.

"Pwede ba?! Isa-isa lang, okay?!" sigaw niya sa dalawa na ikinatigil ng mga ito. Bumaling muna siya kay Naia. "I'm sorry kung di ko nasabi sa'yo. You were at your honeymoon tapos yung nangyari pa kay Arika. Sobrang nabusy lang talaga. Relax, magkukwento ako. Or betteryet, dito ka na lang sa demonyong 'to magtanong since hindi nanaman ata marunong maglagay ng preno sa bibig."

Nang bumaling siya sa lalaki ay agad itong yumuko. Guilty. Muli siyang napabuntong-hininga.

"And you," aniya pero hindi pa rin ito tumitingin sa kanya. "Hoy Inosencio Raziel, umayos ka't kinakausap kita!"

Parang maamong tupa na tumalima ito't tumingin sa kanya.

"Lakas ng apog mo magreklamo eh nagtanong ka ba ng maayos?!" singhal niya dito. "Reklamo ka diyan na parang linapastangan ko katawan mo eh parang ikaw hindi? I'm still sore from yesterday kaya huwag kang umasta na parang ikaw yung lugi, gago 'to. Puro ka banat, puro ka landi. Di ka naman marunong magtanong ng maayos! Magtatanong ka lang naman ng 'Will you be my girlfriend?' Di mo pa magawa. Para namang tatanggi ako, leche ka! Diyan ka na nga!"

Bumaling siya kay Jarvis.

"Kikidnapin ko muna asawa mo. Maguusap lang kami. Ikaw na muna bahala sa kapatid mong walang bayag."

And with that ay hinila niya papasok ng mansyon si Naia. Hindi rin nakaligtas sa pandinig niya ang pangaasar ni Seven sa panganay.

"Luh... si kuya. Walang bayag."

Hindi niya napigilang matawa. Tapang. Tapang lang talaga.

💐

sorry sa foul language. Hahaha!
Kids, wag gayahin ang bibig ng mga characters. Baga painumin ko kayo ng muriatic jan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro