Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[B2] Episode 13

💐

***Trigger warning: This episode mentions sensitive topics such as death and suicide. Pasintabi na lamang po.

💐

Yoon felt numb. Naka masid lang siya sa kabaong na kinahihimlayan ng kaibigan habang nakahilig ang ulo sa balikat ni Inno.

Hindi niya matanggap. Hindi niya tanggap. Hindi niya kayang tanggapin na wala na ang kanyang kaibigan.

How did they miss it? Hindi naman ito nagpakita ng signs of depression. She's always the jolly and bubbly one sa kanilang apat. Siya din itong lagi may positive outlook sa buhay. Kaya bakit? Bakit niya nagawa ang bagay na 'yon? Sobrang pagod na ba niya? Bakit hindi niya sinabi sa kanila? Makikinig naman siya dito eh. Pakikinggan niya kahit ano pa man 'yon.

Kumpleto ang magpipinsang Montecillo including Naia na nagtutulong-tulong magayos ng lugar. Synn was busy preparing the food for the guests with Uno, Kendall and George. Kinabukasan pa darating ang mga magulang ni Arika dahil nasa Osaka pa ang mga ito. Napagkasunduan ring ike-cremate ito't dadalhin ng mga magulang pabalik sa bansang  kinalakhan. So they only have a few days with her.

Puno ng bulaklak ang silid na ang nga Montecillo pa ang kumuha. Ang tiyahin nitong si Miss Saturnina Montecillo ang naging punong abala dahil naging malapit na ito sa babae. They opted for a closed casket dahil masyadong masakit. Mas gusto nilang maalala ang nakangiting mukha nito instead of a lifeless one. Doon sila sanay. That way they can pretend that it wasn't her inside that white box.

One fifty-four a.m. Iyon ang sinasabing oras na nakita daw ang katawan nitong nakahandusay sa malamig na kalsada after falling from the roof deck of 10-story building. They all said it was suicide.

Paano nila nalaman? Her shoes were neatly placed on the ledge of the roof deck. At base sa CCTV footage buong gabi, walang ibang umakyat sa itaas maliban dito.

Apparently, may malaking problema na daw pala ito sa pinagtatrabahuhan. Something about a big project. Hindi niya na na-absorb ang naging paliwanag dahil hindi niya kinaya pang marinig ang sinapit ng kaibigan. None of that mattered. Patay na si Arika and no amount of explanation can bring her back.

Putangina. Ang sakit. Ang sakit sakit.

"Do you want to eat?" malumanay na tanong ni Inno sa kanya.

Tulad niya'y nagulat din ito sa nalaman. He actually found out nung makarating na sila sa morgue. Dahil Buong biyahe papunta sa ospital ay tahimig lang siya't tulala. A part of her hoping it was just some stupid prank or something.

Umiling siya't patuloy lamang ang pagtingin sa kabaong. Tila binabantayang huwag mawala. O umaasang hindi totoo ang lahat ng ito.

"Hindi ka pa kumakain mula kaninang umaga," nagaalalang sambit nito. "You have to eat something. Kahit isang sandwich lang."

"Okay," mahina niyang sagot dito. He smiled and tightened his arm around her. Naramdaman niya rin ang magaang halik nito sa kanyang ulo bago siya nito iniwan para kunan siya ng pagkain.

It was a good thing that Inno's here with her. Kung hindi, wala na siyang ibang makakapitan pa. Paniguradong wala na siya ngayon sa tamang huwisyo. Sobrang nakakapanghina ang nangyari kaya't dito na lamang siya humuhugot ng lakas.

Hindi niya napigilang mapatingin may bandang unahan. River sat on the front row and was staring into nothingness while clutching on to Arika's favorite pair of white sneakers. And mismong sapatos na maingat nitong iniwan. Hindi ito umaalis sa posisyon niyang iyon since Arika's casket arrived. Hindi ito kumakain o nakikipagusap kahit kanino.

The old River they know who was always smiling and jolly died along with Arika.

Nakita niyang linapitan ito ng kambal at si Yvo. Dala ni Box ang tray habang si Seven naman ang kumausap dito.

"Kuya kain ka na muna o..."

"Yung paborito mo 'tong laksa with egg," dagdag nito. "Pinadagdagan pa namin ng anghang jusy how you like it."

And just like the first attempt, it didn't work. Hindi natinag si River mula sa kinauupuan. He didn't even react. Sabay-sabay na napabuntong hininga ang tatlo bago bigong naglakad paalis. Box, however didn't budge. Kitang-kita niya kung pano humigpit ang kapit nito sa tray.

"She wouldn't want you starving," anito. Seven and Yvo both looked back at the guy in panic. "Hindi gugustuhin ni Ate Arika na nagkakaganyan ka, Kuya. Kailangan mong alagaan ang sarili mo—"

Biglang tumawa ng pagak si River. Agad naman siyang napaangat ng tingin. Even Synn, Naia and the rest's attention turned towards the two.

"Anong alam mo sa gusto niya?" tanong nito habang nakatingin pa rin sa kawalan. "Ako nga na lagi niyang kasama eh walang ideya na nahihirapan na pala siya."

Nakaramdam siya bigla ng kirot sa kanyang dibdib. Lahat sila walang alam. Lahat sila nagulat. Ano pa kaya si River? She could only imagine how devastating it is for him.

"Kuya..."

"Hinatid ko pa siya kagabi," mahinang sambit nito. "I had no idea I was bringing her to her death."

"Kuya, hindi ga'non—"

Without a word, River stood up and walked straight towards Arika's casket. Ipinatong nito sa ibabaw ang hawak na mga sapatos bago tumalikod at naglakad papalayo. Pipigilan sana ito ni Naia but Jarvis stopped her.

And that was the last day they saw River.

Ilang araw ang lumipas at dumating na rin ang mga magulang ni Arika to take her ashes back to Japan. Nakilala din nila si Mara, ang half-sister nitong flight attendant.

Mara knew everyone. Mukhang lagi nakukwento ni Arika sa kapatid ang tungkol sa kanila. She even congratulated Jarvis and Naia on the wedding. Pati kay baby Mavi. Sinabi pa nga nito na matutuwa daw si Arika if malaman nito that Inno and her are together. At fan din ito ng mga nobela ni Synn na laging binibida ng kaibigan nila as "her famous friend" at pinapadalhan ng mga libro.

Ang pinakahuling nakarating eh ang nakatatandang kapatid nitong si Akihiro. Unang hinanap nito si River dahil magkaibigan pala ang dalawa before Aki's brother flew back to Japan para doon ipagpatuloy ang propesyon. Nag-aalala daw ito dahil sobrang mahal daw ni River ang kapatid nito. Even before.

But River was nowhere to be found. After that day... hindi na talaga nila ito nahagilap. He didn't even attend Arika's cremation. Nakaalis na ang mga magulang ng babae dala ang mga abo nito't lahat, hindi pa rin nagpakita ang lalaki sa kanila. She wanted to find him pero ang sabi na lamang ni Inno ay hayaan na lang daw muna si River. Kung masakit para sa kanila ang biglang pagkawala nito, pano pa kaya dito? He must've been suffering alone.

Maybe he was still on the process of letting it all sink in. Pwede pa naman niyang bisitahin ang mga abo ng kaibigan nila. He just needed time to heal. Balang araw ay magagawa na siguro ni River magpaalam sa babaeng pinakamamahal niya.

"Gusto mo ipagluto kita?" pukaw sa kanya bigla ni Inno. Ni hindi niya napansing nakatulala na naman pala siya sa TV. "I think meron pang ingredients para makagawa ng spaghetti. Or if you want, pwede ako sumaglit sa grocery to buy ingredients for anything you're craving for."

"Okay na yung spaghetti," mahinang sambit niya habang naka hilig sa dibdib ng lalaking nakaupo't nakaakbay sa kanya. "I'm not that hungry."

"Eh kung ako na lang kainin mo?" Napatingin lang siya dito. "Too soon?"

Normally ay iismiran o sisigawan niya ang lalaki sa mga ganong tipong pagpapatawa nito. And yup, it was too soon for a joke like that.

"Sorry. I just wanted to see a different expression from you," anito sabay kulong ng kanyang mukha sa mga kamay nito. Umisod ito kaya't napaupo siya ng tuwid. "You're scaring me, Arabella. Hindi ako sanay na ganito ka katahimik."

Hindi siya sumagot. Sa halip ay bumalik lang siya sa dati niyang posisyon ay mas lalo pang sumiksik sa tagiliran nito. Naramdaman niya ang pagbuntong-hininga nito bago siya ikinulong sa mga matipunong bisig nito.

"What happens now?" tanong niya sa lalaki. "Wala na si Arika, Inno. Biglaan. Paano ba mabuhay kapag ganitong alam mong hindi mo na makakasama pa yung taong mahalaga sa'yo?"

"You continue to live and live for them," sagot nito as he gently brushed her hair. "Hindi man natin inaasahan ang nangyari pero we all should try and understand Arika's decision. It may be wrong but maybe she's indeed suffering. Hindi natin alam. Kaya ang pwede na lang natin gawin para sa kanya ay maging masaya't ipagpatuloy ang mga buhay natin. To live at its fullest. With the memories of her safely tucked inside our hearts."

"Hindi ko talaga maintindihan eh." Nagsisimula nanaman siyang maiyak. "Bakit? Masaya naman sila ni River ah. Nakausap ko pa siya before she... she... Sino na ngayon ang magpapatawa sa'kin? Yung manenermon pero idadaan sa joke? Wala nang uubos nung mga tirang cake kapag nagoorder kami sa café. Wala na yung babaeng walang filter ang bibig kapag naguusap-usap kami tungkol sa bold. Hindi ko pa kayang wala siya, Inno. Hindi ko pa kaya..."

Bumuhos nanaman ang kanyang mga luha. Sobrang sariwa pa ng iniwang sugat ng kanyang kaibigan. She could still clearly see Arika's smile and hear her contagious laughter. It was too soon.

"It's okay," ani ng lalaki habang nakayakap sa kanya ng mahigpit. "Okay lang na hindi mo pa kayanin. Give yourself time to heal. Hindi naman 'to kompetisyon on who gets to move on the fastest. Just take your time. Andito lang ako sa tabi mo. Hindi ako aalis."

"Talaga?" Tumango ito bilang tugod at kinintalak siya ng isang magaang halik sa kanyang mga labi.

"Hindi ako titigil mahalin ka, Arabella," puno ng emosyon nitong sambit as he cupped her face. "Even if you beg me to stop, I'll stay."

Siguro dahil sobrang emotional niya kaya't hindi niya napigilan ang sariling mapakapit sa batok nito't sinunggaban ito ng halik.

She needed a distraction from the sadness she's feeling. Okay naman siguro kay Inno 'yon 'diba? Gustong-gusto naman nito ang makipaglampungan sa kanya, 'diba?"

"Then make me feel loved, Inno," aniya nang maglagay muli ng kaunting espasyo sa pagitan nila. "Make love to me now."

With one swift move ay kinarga siya nito—her legs wrapped around his hips and her arms around his nape.

"As you wish, my love..."

💐

Tahimik na nakaupo siya sa may bintana ng silid habang yakap ang kanyang mga binti. She wasn't wearing anything except for the warm comforter around her body as she watched it raining outside. Parang nakikisabay pa ang panahon sa nararamdaman niya.

Sobrang sakit pa rin. Feeling niya eh parang kahapon lang nung una niyang nakilala si Arika sa isang klase noon. Na yung inakala niyang sobrang tahimik lang na babae eh napaka-pakawala pala ng bibig.

She radiated sunshine on everyone around her. Yung tipong hindi mo mapipigilang tumawa kapag binuka na nito ang bibig. Na sa bawat problemang napagdadaanan nila eh napaka-positibo nito lagi.

Bakit naman kasi binigla? Hindi man lang sila nito dinahan-dahan. There were no signs that she was struggling. Walang nakahalata. Pwede na nga itong mag-artista sa sobrang galing umarte when everyone knew that Arika couldn't act even if her life depended on it. Mali pala sila ng akala. Arika fooled everyone that she's okay when she clearly wasn't. Nakakatampo lang rin kasi wala siyang iniwang letter man lang to explain why she did it.

Ang sakit. Sobrang sakit talaga. Nandon pa rin kasi yung tanong na 'Bakit?' Andon pa rin yung guilt kung bakit hindi nila nahalata.

Muli nanaman niyang naramdaman ang pagdaloy ng luha sa kanyang pisngi.

Arika... Ang daya mo. Ang daya daya mo. Pano ko pa sayo ipagmamalaki na hindi na 'ko tigang? Na nahanap ko na yung sinasabi mong 'Mr. Not-So Perfect' na kayang ipalabas yung inner pokpok ko? Ang daya mo. Ang daya...

Hindi niya na kinaya. Tuluyan na siyang nalunod sa nararamsamang kalungkutan at pangungulila sa kaibigan. Mas humugpit ang yakap niya sa kanyang mga binti sabay hinayaan ang sariling magpaanod sa emosyon.

Then she felt someone suddenly lift her.

Maingat na kinarga siya ng lalaki pabalik sa higaan at niyakap.

"I-Inno..." aniya. "Did I wake... you up? S-Sorry. Sobrang KJ kasi nung panahon. Nai-emo tuloy ako—"

Umiling ito. "Kanina pa ako gising," sagot nito. "And you don't have to justify yourself. Iiyak mo lang, Arabella. You can cry on me all you want."

"Sorry..." she said while crying. "Alam ko ang OA ko pero... parang kapatid ko na si Arika. Sobrang sakit pa rin para sa'kin nung nangyari."

"I know," anito sabay ngiti. He even kissed her on her forehead. "Just let it out, love. I'm here..."

And she did. She cried inside his arms hanggang sa tuluyan na siyang nilamon ng antok.

Hindi niya alam kung gano katagal niya mararamdaman ang sakit. Baka nga hindi na mawala iyon. Pero nakakasiguro siya sa isang bagay. Magiging okay din siya. Magiging okay din ang lahat.

Rest in Peace, Arika. Mahal na mahal ka namin...

💐

magiging okay din daw ang lahat guys :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro