[B2] Episode 11
💐
"So ilang taon mo ba balak magtago dito, Eunice? Mind you, hindi hideout itong bahay ko," mataray na asik ni Solyn habang nakapamaywang sa pinto ng kwartong inangkin niya.
Mahigit isang linggo na ang nakalilipas since that incident with Inno at nung gabi ding iyon ay dumiretso siya agad ng Bulacan papunta sa bahay ni Synn which only she, Arika and Naia knows about.
Perfect ang lugar na 'yon para magtago sa sibilisasyon dahil secluded ang subdivisiong kinalalagyan nito't mahigpit ang security.
But she was miserable. Wala siyang maayos na tulog plus hindi niya pa magawang mag-function ng tama. Tanging pagkain na lang nagiginh comfort niya these past few days.
"Dalawang buwan na lang at matatapos na yung bagong condo ko. Please, Synn? Magbabayad ako ng renta, promise," pagmamakaawa niya dito.
"Do you honestly think I care kung magbabayad ka o hindi?" pananaray nito. "I'm talking about Inno. Nakakainis na dahil konti na lang eh pasasabugin na ata ng gago yung telepono ko. Pati si Naia na buntis eh pinagaalala mo. Pati si Arika nangungulit na. Konti na lang talaga eh magpapa-search and rescue na yung buong angkan ng Montecillo para sa'yo."
"Nagtext na ako kay Naia saka Arika. Alam nilang okay ako," aniya as she scooped out a big chunk of ice cream galing sa hawak na tub. "At hayaan mo na lang 'yang si Inno. Mapapagod din 'yan."
Napabuntong-hininga ito sabay upo sa tabi niya.
"Ano ba kasi ang nangyari?" tanong nito. "Bakit mo pinagtataguan si Inno?"
"Because he's a lying, cheating piece of shit," diretso niyang sambit sabay subo ng ice cream.
"We've established that," anito. "So why the hiding? Pwede namang isnabin mo na lang siya uli. O di kaya i-block yung number sa phone. File ka din ng restraining order kung feel mo. Bakit hindi mo siya hinayaang magpaliwanag?"
She sighed.
"Kasi baka bumigay ako," sagot niya. "Isang sorry lang from him eh baka patawarin ko. Or kung magdahilan nanaman siya na pinsan niya yung lecheng hitad na 'yon eh maniwala nanaman ako agad. Pesteng puso kasi. Di na natuto."
"Ah. Marupok," tatango-tangong sambit nito. "But is the girl the same one you saw before? O ibang babae naman ngayon?"
"Ibang babae..."
"Okay," anito. "Hindi naman sa may kinakampihan ako pero, shouldn't you at least hear him out? Baka may logical explanation naman kaya ga'non."
"Logical explanation? Eh magkahalikan sila, Synn. That tramp was kissing Inno!"
"Ikaw na mismo ang nagsabi, the tramp was kissing Inno. Malay mo naman kung yung babae yung sumunggab, 'di ba?"
"Kahit na," giit niya. "The mere fact na yung nguso niya eh pinagpepyestahan nung babaeng 'yon is already cheating."
"Yoon, keep an open mind, okay?" sambit nito. "Ayokong pumili ng side dahil pareho ko kayong kaibigan. And we both know kahit minsan eh gago si Inno, hindi siya ga'non k-gago."
"Ah basta. Niloko niya pa rin ako after ko siyang pagkatiwalaan—Aray! What was that for?"
"Wala lang. Baka sakaling matauhan ka," kibit-balikat nitong sambit. "Sabi mo pinagkatiwalaan mo siya? I beg to differ. Adun ka pa rin kasi sa side na ginagawan mo ng rason para hindi pagkatiwalaan si Inno. Because if you did trust him, papakinggan mo yung paliwanag niya."
"Hindi ga'non kadali 'yon, Synn," aniya. "Kung patatawarin ko siya ngayon, uulitin niya lang at uulitin 'yon—"
"Wala akong sinabi na patawarin mo agad," putol nito sa lintaya niya. "Papakinggan mo muna. Ke marupok ka o hindi, you should still hear him out. Saka ka na lang magdecide kung pano mo siya pahihirapan makuha lang yung kapatawaran mo. Hindi yung namumundok ka agad at nanguubos ng comfort food ng ibang tao."
Bigla nito hinila ang tub ng ice cream mula sa kanya at naglakas papalabas ng pinto. She sighed.
Oo may trust issues siya. Sino naman kasing taong niloko ang wala? Mula sa tatay niyang gago down to her exes.
Masama ba siyang tao? Deserve niya ba 'to? Bakit ba lagi na lang siya ginagago ng mga tao? Nakakafrustrate na talaga.
Ibinalik niya ang kanyang alaala sa gabing nahuli niya si Inno and analyzed the scenario.
Nakatayo si Inno sa may table niya. Yung babae eh nakahawak sa balikat niyang malapad pa sa SLEX at nakatingkayad habang magkalapat ang mga labi nito.
Kapag hinahalikan siya ni Inno, ita ang pumapantay sa kanya. Or, gagawa ito ng paraan para pumantay sa kanya.
Hindi kaya yung babae lang talaga ang lumundag kay Inno? Like, nagulat lang din ito kasi ni hindi nga ito nakahawak dun sa babae.
No. Bakit ba jina-justify niya yung pagiging manloloko ni Inno? Ang manloloko ay manloloko. Kapag hinayaan niya ito this one time, panigurado ay uulit lang ito. So, it's a no. Hindi niya ito papatawarin—
"Arabella!"
Wait. Si Inno ba 'yon?
"I know you're in there! Please listen to me!"
Napatayo siya muna sa kinauupuan. Sakto din ay patakbong bumalik sa silid niya si Synn. Agad siyang napabaling sa kaibigan.
"What's he doing here?" tanong niya agad dito. "Sinabi mo ba?"
"What? No!" tanggi agad nito. "Walang ibang nakakaalam ng bahay ko. Kahit nga mga editors ko eh hindi alam ang location nitong rest house."
"Then paano niya nalaman—"
"Arika!" sabay nilang sambit at agad na tumipa siya sa telepono.
"Yoon? Napatawag ka—"
"How did Inno find Synn's address?" bungad agad ng kaibigan sa babae.
"Inno? Address? Wait. Huh?"
"Andito si Inno, Naia. Walang ibang may alam nitong rest house aside from you, me and Naia," aniya.
"I have no idea. Si Naia ba tinawagan niyo na?" tanong nito. "Siya yung sister-in-law."
"Hindi alam ni Naia kung nasaan ako," sagot niya. "Ikaw lang ang may alam. Sinabi mo ba kay River?"
"Well, oo pero nasayo loyalty niya. Kasama mo kaya siya nung nakita niyong nakikipag palitan ng oral fluids yang si Inno dun sa hitad na 'yon," paliwanag nito. Napabuntong-hininga siya. Mukhang kinanta nga siya ng lalaki sa pinsan nito.
"Arika, pinsan niya pa rin 'yon. Malamang sasabihin niya pa rin—"
"I swear, Yoon. Hindi ko sinabi kay Inno," singit bigla ng isang tinig. Si River. "Kaya nga nagtatago ako dito kay Arika eh. Para hindi niya ko ma-corner. Sabi ko pa, kahit mamuti mga mata niya, hindi kita ipagkakanulo."
"Then how did he find me?" balik niya dito. "He's here. Sa labas ng gate ni Synn."
"Arabella!" sigaw nanaman ng lalaki sa labas. "Babe! Baby! Mahal! Irog! Darling! My Love! So Sweet!"
Napa-irap siya. Punyeta! Parang timang nanaman netong si Inosencio!
"Umamin ka na lang kasi, River," tila nauubos na ang kanyang pasensya. "Maiintindihan ko since pinsan mo siya—"
"Yoon, Inno's one influential man," ani bigla ni Arika. "Malay mo naman if he hired someone to find you. Mukha mang pulubi minsan 'yan si Inno sa sobrang kuripot, I'm sure he'd hire the best private investigator money can buy just to find you. Haba ng hair mo ghorl!"
"Naloko na nga, mahaba pa hair? Ewan ko sa'yo Arika," singhal niya dito. "Kasalanan niyo 'to ni Solyn eh. Hindi ko naman dapat 'yon bibigyan ng chance pero todo suporta naman kayo. Manloloko pala."
"Hala ba't—"
"As much as I want to be on your side, Yoon, hindi manloloko si Inno," seryosong sambit ni River. "I have to admit, nagulat din ako nung makita ko siyang may kahalikan. Pero nung magpaliwanag siya sa'kin at sinabi kung sino yung babaeng 'yon, doon na ako naliwanagan."
"Bakit? Sino ba 'yung babaeng 'yon?"
"Renelea Ibañez."
Nangunot ang noo niya. The who?
"Wait, I think I know that girl," ani naman ni Synn. "Siya ba 'yung anak ni Senator Ibañez?"
"The one and only," ani ng lalaki. Napatingin naman agad siya kay Synn. "Matagal nang patay na patay 'yan si Renelea kay Inno. High school pa lang."
"And so?" pananaray niya. "Wala akong pakealm kung sino siya. The mere fact na naghalikan sila, that's considered cheating—"
"Diba sabi mo hindi naman kayo?" singit bigla ni Arika. "I mean, sabi mo kay River—sa'min na rin, na wala namang dapat ipaliwanag si Inno dahil hindi kayo. So bakit kung maka-arte ka eh parang scorned girlfriend? Oo kasalanan ko na—namin ni Synn, for pushing you to him pero, kaya mo naman lampasan 'to Eunice eh. Papakinggan mo lang yung tao. Hindi naman niya kasalanan kung may babaeng may gusto sa kanya 'diba? Ang importante 'non ay ikaw yung gusto nung tao at halos mabaliw na kakahagilap sa'yo.
"And no, hindi talaga kami ang nagsabi sa boyfriend mong hilaw kung nasan ka. I get that you have trust issues pero ano ba naman yung makinig ka diba? Anyways, I'm starving. Mahal gusto ko ng Jollibee! Good luck na lang sainyo ni Inno. Good bye."
Hindi siya agad nakareact nang pagbagsakan siya ng kaibigan. Synn just shrugged as she took the device from her.
"Two versus one," anito. "Hindi lahat ng lalaki pare-pareho, Yoon. Kung sa tingin mo talaga eh nagkasala sa'yo si Inno, then fine. Huwag mo siyang pansinin at magkulong ka dito. But do keep in mind na technically ay hindi pa nga kaya pero andito siya ngayon para magpaliwanag kahit hindi naman kailangan."
"So wala na ba akong karapatan masaktan?" nagtatampong tanong niya sa kaibigan. "Nasaktan din naman ako. Bakit ba parang ako pa yung hindi nakakaintindi?"
Hindi niya na hinintay makasagot ang kaibigan at nilampasan ito. Haharapin niya na lang si Inno para matapos na ang lahat. Papakinggan niya ang paliwanag nito dahil parang siya pa yung mali for not hearing him out.
Pero may choice naman kasi dapat siya diba? Whether or not gusto niya ito pakinggan o hindi, choice niya 'yon dahil siya yung naagrabyado.
"Arabella—"
"Pwede ba tumahimik ka?" singhal niya agad sa lalaki nang makarating sa gate. "Nambubulabog ka ng mga kapitbahay. Para kang tanga. And FYI, hindi mo ako 'babe', 'baby', 'mahal', 'irog' o kung anumang kabaduyan na 'yan."
"Arabella naman... Please hear me out," pagsusumamo nito. "Kahit isang minuto lang. magpapaliwanag lang talaga ako."
Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang dibdib. Hindi siya sanay makitang ganito si Inno. He's always been this playful and arrogant person kaya't hindi siya sanay na halos nagmamakaawa ito. Dumoble pa kung kirot nang makita niyang nangingitim and ilalim ng mga mata nito. And that meant something considering Inno's very vain.
Inirapan niya ito.
"Sinabi ko na 'to sayo before at sasabihin ko uli sa'yo." Pinagcrus niya ang mga bisig at tiningnan ito ng diretso. "You don't need to explain yourself to me. Dahil kahit ano pang paliwanag ang gawin mo, hindi ako makikinig. I gave you that chance and you blew it. So wala na. Finish na. Just move on to the next girl you find challenging and leave me alone."
Nangunot ang noo nito.
"Next girl I find challenging?" ulit nito sa tonong mukhang na-offend. "Do you honestly think I'm pursuing you dahil I find you challenging? Do you think I'm that shallow?"
Unconsciously ay napahakbang siya patalikod. First time niya kasi nakitang ganito si Inno. Iyong parang galit na galit.
Yes they do fight a lot but he's usually smirking o di naman kaya eh mukhang natutuwa pa sa word sparring nila. Ibang-iba sa itsura nito ngayon.
"Hindi ako tatagal ng apat na taon kakahabol sa'yo if I thought you were just 'challenging'," patuloy nito. "Tangina naman, Arabella! Alam mong mas maigsi pa sa karayom ang pasensya ko!"
Totoo iyon. Inno was never the patient one. Kaya nga lagi sila nag-aaway eh.
"Eh hindi ko naman sinabing maghabol ka ah!" ganti niya. Papatalo ba siya? No! "Sarili mong desisyon ang maghabol after paulit-ulit ko nang sinasabi sa'yo that I'm not interested in you!"
"Hindi 'yon ang pinupunto ko! Argh!" Hinilamos nito ang kamay sa mukha. "Look, don't ever question my feelings for you kung ikaw eh hindi sigurado nung sa'yo. You said you'd trust me. Totoo ba? Did you really give me that trust, Arabella? Dahil kung oo, papakinggan mo ako when I tell you that I'm fucking in love with you and I'd never do anything to hurt you!"
"But you already did!" Wala na. Ayan na. Umiiyak na siya. "Sinaktan mo na ako, Inno. Kahit wala akong karapatan, nasaktan pa din ako."
Hindi nakaagad nakasagot si Inno and she took that chance para talikuran ito. But he was persistent. Bigla nitong inakyat ang gate at lumagapak sa sahig. Kitang-kita niya kung paanong nahulog ito't tumama ang may tagiliran sa sahig.
"Inno!" Agad niyang dinaluhan ang lalaki. "Are you crazy?! Bakit mo ginawa 'yon—"
"I'm sorry," anito ignoring what must've been a very painful fall.
Napakakalmado na rin ng tinig nito—far from the raging voice he had earlier. Agad din siya nitong hinapit at niyakap. Narinig niya rin ang impit nitong pagdaig nang galawin ang may tamang braso just to take her into her arms.
"I'm sorry kung unintentionally ay nasaktan kita. But please believe me when I say that hindi ko hinalikan yung babae. I pushed her away as fast as I could dahil halik mo lang ang gusto ko. Not hers nor any other person's for that matter. Ikaw lang talaga."
Medyo kumalma na ng konti ang nararamdaman niya when she felt him warmth embrace her. Bwiset. Bakit ganito siya? Bakit parang ambilis niya maniwala?
"Ang bagal naman pala ng reaction time mo," singhal niya sabay irap. "Mukhang na-enjoy mo pa nga eh."
"She kissed me the moment you and River came," giit nito. "I swear. Kung gusto mo ireview pa natin yung mga CCTV sa opisina eh."
She sighed. Nakakainis. Why does he have this power over her? Bakit ba ang dali lang para dito makuha ang loob niya?
"Don't think that you're forgiven," matigas niyang sambit.
Pero mukhang iba ang epekto nung banta niya sa lalaki dahil gumuhit ang isang malapad na ngisi sa bibig nito bago siya muling hapitin palapit at kintalan ng magaang halik sa pisngi. Siyempre ay agad niyo itong tinulak kaya't napahiyaw ito sa sakit.
Oo nga pala. He must've hurt his arm.
"Sorry—" Agad siyang napangiwi at nilapitan ang braso nito. Pero may ibang plano ang demonyo. Pinagdikit nito ang kanilang mga labi at kinulong siyang muli sa mga bisig nito.
"Nakarinig ako ng kalapag anong—" Kitang kita niya ang paglaki ng mga mata ni Solyn bago tumalikod. "Ano ba 'yan! Akala ko nagpapatayan na kayong dalawa. Naglalampungan na pala."
"Salamat pala sa info, Solyn," ani bigla ni Inno. "Sagot ko na book launch mo next week."
Napamaang siya sa kaibigan.
"Synn!"
"Ang pabebe mo kasi," kibit-balikat nitong saad. "Saka ang miserable mo. Nanguubos ka pa ng ice cream nang may ice cream."
She pouted. Napaka-scammer talaga ng babaeng 'to. But she can't help but smile. Nagaalala ito sa kanya kaya nito tinawagan si Inno.
"Thanks, Synn."
Tinugon siya nito ng ngiti.
"Don't mention it. Nagiipon ako ng gowns kaya dapat bridesmaid ako sa kasal niyo, okay?"
💐
yung friend na parang si Synn
hahahahaha!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro