[B2] Episode 10
💐
Moment of Insanity. Tama. 'Yon lang 'yon kaya niya nagawa ang mga pinaggagawa. Or, gutom. Tama. Gutom lang siya kaya hinalikan niya si Inno. Plus she 's doing this to prove a point.
Pero shit! Ang sarap humalik ng demonyo! Bakit ga'non? Hindi niya maiwasang i-compare ang damuho sa mga naging ex niya. They weren't even close in comparison! Ito na ba 'yung sinasabi ni Arika? That certain urge you feel na gusto mo ulit-ulitin makipaghalikan because it's that addictive?
Kaya pala ang lakas ng loob nito to offer kissing lessons. Grabe. Ibang klase talaga. Kahit nga ngayon eh ramdam niya pa rin yung mga labi nito sa mga labi niya. Buti na lang nga at hindi namaga yung lips niya eh.
"Ang tahimik mo ata."
Muntik pa siyang mahulog mula sa bar stool na kinauupuan nang biglang sumulpot sa likuran niya ang demonyong kanina pa nanggugulo sa kanyang isipan. Nakakulong siya sa mga bisig nito kaya't hindi siya makagalaw nang ipinatong nito ang baba sa kanyang balikat.
"Don't tell me nagbabago nanaman ang isip mo?" dagdag nito. "You already marked me, Arabella. Touch move na. Bawal na atrasan."
Tinulak niya ito gamit ng kanyang likod.
"Anong marked marked 'yang pinagsasabi mo? Adik ka ba?!"
Gulat nanaman siya nang biglang pinaikot ni Inno ang upuan kaya't napaharap siya dito—kulong pa rin sa mga bisig ng walangya.
"Oo. Adik ako. Adik sa'yo," banat nito sabay ngisi.
Putangina! Putangina talaga!
"A-Ang baduy mo!" singhal niya dito sabay tulak'papalayo. "Kung babanat ka pwede yung medyo maganda naman? Bwisit 'to."
Pero deep inside eh nasigaw na siya sa sobrang kilig. Bwiset kasi 'tong Inosencio na 'to. Siya ang may kasalanan. Pa-fall! Galing pa humalik. Anong magagawa niya bilang marupok siya, 'diba? Di niya kasalanan kung kinikilig siya.
"Kiss muna," pagaasar nito. Umiirap siya nang bigla itong sumunggab ng halik.
"Inno!" Ramdam niya ang nakakapasong init sa kanyang mga pisngi.
"Ang tagal mo sumagot eh," anito with that adorable boyish grin. "Kaya ako na lang gumawa. Baka mag-inarte ka pa kasi."
"Bwiset ka talaga," asik niya habang nilalabanan ang ngiting nagbabadyang gumuhit sa kanyang mga labi.
Ganito ba? Ganito ba yung feeling kasama ng isang Inosencio Raziel? Nababaliw na talaga siya sa kilig. Pa-fall kasi eh. Eksperto ito sa pagpapaibig. Yung tipong isang kindat lang eh willing ka na ibenta kaluluwa mo mahalin ka lang ng gagong 'to.
"Hindi ako nagiinarte," asik niya dito. "Iniingatan ko lang sarili ko. Malay ko ba kung mahulog nanaman ako tapos di mo naman pala ako sasaluhin—"
"Why is it hard for you to believe na kaya kitang saluhin, Arabella?" seryosong tanong nito. "I've already told you, gusto kita. Gustong-gusto kita, Eunice Arabella Suarez. Hindi pa ba sapat 'yon?"
"Can you honestly blame me, Inno?" balik niya dito. "Ilang beses na akong nasaktan. Kaya hindi ko kasalanan kung gusto kong protektahan ang sarili ko laban diyan sa mga pinaggagagawa mo."
"And I've told you before na hindi kita sasaktan, at least not intentionally," giit nito. "So please, can you put a little faith in me? I promise you, hindi mo 'yon pagsisisihan."
"Pero Inno—"
"Just trust me, okay?" anito—his hands cupping her face. "I'm not asking for you to love me. Willing akong paghirapan makuha ang pagmamahal mo. But all I'm asking is for you to open your heart a little bit and trust me. Ako na ang bahala kung pano ako papasok sa maliit na espasyong ilalan mo para sa'kin. Ako pa ba?"
Napatingin lamang siya dito. Ano ba dapat ang isasagot niya? Gagawin niya ba ang hinihiling nito? Kung hahayaan niya itong pumasok sa puso niya, paano kung bigla na lang siya nitong bitiwan? Paano kung sa huli eh masasaktan lang naman pala siya? Will it be worth it this time?
Then she remembered what she told Naia before. Pa'no malalaman kung worth it ba ang isang bagay hindi susubukan? Maybe it's time she practiced what she preached before at tigilan na ang pagiisip ng kung anu-ano.
Inno's worth it, right?
"Okay," aniya.
Napatingin naman agad sa kanya si Inno.
"O...kay?" confused na tanong nito sa kanya. "Okay what, Arabella?"
"Tutal nakakarami ka na ng halik, sige. I'll give you a chance."
"Really?!" Hindi makapaniwala nitong tanong. Naniniguro kumbaga.
Tinugon niya ito ng tango. "Bakit, ayaw mo—"
Walang pasabing hinalikan siya ng lalaki sa labi. Magaan at mabilis lamang iyon pero may kung anu nanamang hinahalukay sa kanyang tiyan. Isama pa ang puso niyang tumatambol nanaman na parang walang bukas.
"Wala nang bawian, okay?"
Tumango siya.
"Anong gusto mong breakfast?" nakangising tanong ng lalaki. "Pagluluto kita."
Pwede ikaw na lang?
Punyetang utak 'yan. Landi talaga.
"K-Kahit ano," sagot niya sabay iwas ng tingin. Iba nanaman ang nararamdaman niya. Gusto niya nanamang halikan ito. Kakahalik lang, gusto nanaman niya agad ng follow-up. Ano bang problema ng utak niya? Nagiging manyak na ba siya? "K-Kung ano na lang ang nandiyan."
"Okay," sagot nito.
Naramdaman niya na lamang ang mga daliri nito sa kanyang baba at marahang pinaharap dito. Isang magaang halik nanaman ang sumalubong sa kanya.
"Pampagana," anito nang maglagay ng kakaunting espasyo sa pagitan nila. He smiled again but this time while looking straight into her eyes. "You don't know how happy you just made me, Arabella."
He gently pinched her cheek bago tumayo ng tuwid.
Ito rin naman. Hindi nito alam kung gano siya kasaya kapag kasama niya ito. But at the same time, she's scared. Takot siyang masaktan but she knows Inno is worth it.
Bago pa man makatalikod ang lalaki ay pinigilan niya ito.
Oras na para tigilan niya ang pagiisip ng kung anu-ano. Siguro naman kung masasaktan siya balang araw eh may sapat siyang magandang mga alaala para malimutan iyon.
"P-Pwede namang full-on breakfast na lang, diba?"
Ang lakas ng naging tawa nito bago tumalima't muling pinagtagpo ang kanilang mga labi.
Haharutin niya na lang si Inno para kahit papano, hindi na siya lugi. Hindi ba?
💐
Bored na bored si Yoon mag-isa sa bahay. It's been days since the kissing incident and so far, okay naman sila. Wala gaanong naging bago sa asal nito except for occasional kisses and make-outs. There were a few times that they almost went overboard pero, Inno was a complete gentleman at hindi siya nito pinepwersa.
But of course, lagi pa rin silang nagtatalo. Most of the time dahil sa pagmumura niya na resulta ng pambubuwisit nito, o di kaya sa maliliit na bagay tulad ng kung anong ulam o sino pipili ng channel na panonoorin. Aside from that, okay naman. Normal lang, kumbaga.
Naka-sampung ulit na ata siya sa palipag-lipat ng posisyon sa sofa habang nanonood ng cartoons. Kanina pa din siya nagugutom pero nakakawalang-gana kumain kapag walang kasabay. Lalo pa't medyo nasanay na siyang may kasalo gabi-gabi.
Nagtext si Inno na gagabihin daw ito ng uwi. She didn't ask why dahil, pang boyfriend-girlfriend na 'yung ga'nong tanungan. Ang sabi niya pa lang ay bibigyan niya ito ng chance kaya, hindi pa sila. Wala pang sila.
Anyways, halos magse-seven thirty na pero wala pa rin ito. Nilamon na ba ito ng mga papeles kaya hindi pa nauwi? Or nasanay lang siyang hindi pa nga alas-singko eh kinukulit na siya nito sa shop?
Siguro dapat eh puntahan niya na lang ito para sabay na lang din sila maghapunan? Halos sampung-minutong drive lang naman ang opisina nito sa pad kaya madali lang 'yon puntahan.
Mag-taxi na lang kaya siya? Tutal may kotse naman si Inno. Tipid sa gas, ga'non.
Bago pa man tuluyang makapagdesisyon ay hindi niya namalayang nakaharap na siya sa apardor at naghahanap ng damit na ipapalit sa suot na pambahay. She settled for the good 'ol white halter top dress. Nagsuot na lang din siya ng jacket dahil baka malamig bago itinali ang buhok. She looked casual but at the same time eh para bang may napagusapan silang date nito. Pano ba naman eh naglipstick pa siya't naglagay ng light make-up. Natawa na lamang siya sa naisip.
She shoved the overanalyzing at the back of her head at hinayaan na lamang ang sarili sa pinaggagagawa. Masama pang magpaganda paminsan-minsan? And if it were to impress someone, so what?
She gave herself one final look sa full-sized mirror bago ngumiti at lumabas ng bahay. Hindi rin naging mahirap para sa kanya makuha ng taxi dahil lumipas na din naman ang rush hour.
Pagdating niya sa building ng La Monte ay agad siyang umibis ng sasakyan at pinasok ang lobby.
Teka. Opisina ba ito o hotel? Tama ba ang napuntahan niya? Tama naman siguro yung na-pin niyang address sa Grab. The place was luxurious as it is. Glass panels at may mga chandelier. Tama lang din ang mix grey tones at white tones.
Shuta. How rich are these people?
Mangilan-ngilan na lamang ang empleyadong nandoon kaya't naisipan na lamang niyang dumiretso sa information area. Kung hindi ba naman kasi siya tanga't sumugod sa La Monte na walang ideya kung saan ang opisina ni Inno.
"Um, excuse me," tawag niya sa atensyon ng babae sa may reception. Busy ito sa panunuod ng kung ano sa telepono nito. "Miss? Excuse me."
Matagumpay niyang nakuha ang atensyon nito pero ang bruha eh tinapunan lang siya ng tingin bago pinatuloy ang ginagawa.
"Ah, Miss? Pwede matanong kung anong floor yung opisina ni Inno Montecillo?"
Tila natigilan ang babae bago muling bumaling sa kanya. Nakataas pa ang isang kilay nito. Kahit medyo naaasar na siya sa attitude ng babae ay pinilit niya pa ring ngumiti dito.
"Pwedeng malaman yung floor ng opisina ni Inno Montecillo?" ulit niya with matching Miss Universe smile.
"May appointment?" mataray nitong tanong. Kung nataon lang na mainit ang ulo niya, baka natarayan na rin niya ito.
"Wala pero if you could call him and say na andito si Arabella—"
"So wala ka ngang appointment?" saad nito sabay pinagkrus ang braso. "Kuha ka muna ng appointment, Miss. Hindi po basta-basta lang ang kompanyang 'to kaya't dapat eh nagse-schedule kayo ng meeting. At kung kilala talaga kayo ni Mr. Montecillo, dapat eh tinawagan niyo na lang siya ng kusa."
Aba bastos 'tong babaeng 'to ah. Oo, naiintindihan niyang dapat naman talaga eh may appointment siya bago makapunta kay Inno pero attitude si Ate Girl! Hindi ba kapag nasa information eh dapat with pleasing personality? Daig pa may regla 'tong nagbabantay eh.
"Excuse me miss pero—"
"Yoon?"
Nagulat siya sa biglang tumawag sa kanya. Pagtingin niya'y isang River Montecillo ang bumungad sa kanya.
"Tama nga ako. It's you!" anito sabay lakad papunta sa kanya. "What are you doing here? Are you here for Inno?"
"Oo eh," sagot niya naman. "Kaya lang hindi daw pwede umakyat hanggang walang appointment."
"Ga'non ba? Did you try calling Inno's phone?" tanong nito.
"Su-supresahin ko sana eh."
"Wow. May pa-surprise si Mayora," natatawang sambit nito. "Panigurado eh matutuwa nito si Inno. What's the occasion?"
"Wala naman. Nagutom lang," simpleng sagot niya. "Paano ba naman, naglamyerda yung kusinero sa bahay. Sabi ko, aba masundo nga. So here I am."
Natawa ito. "Lakas naman ng kusinero mong 'yan. Ikaw pa sumusundo. Tara, ihahatid na kita sa opisina niya."
Pero bago sila dumiretso sa elevator ay bumaling ito sa babaeng tila pinanawan ng ulirat after seeing how close she was with one of her bosses.
"Trina, please make sure to put Arabella Suarez under Inno's priority guest list," utos nito.
Sunod-sunod na tango lamang ang isinagot nito sabay nagmamadaling isinulat and sa tingin niya'y pangalan niya kung saan. Isang ngisi lamang ang ibinato niya dito bago sumunod kay River at pumasok sa elevator.
"It's a good thing nakita kita sa lobby," ani bigla ni River on their ride up to Inno's office. "Hindi kasi basta-basta nakakaakyat ang mga outsiders dito sa La Monte. Even some partners need an appointment bago makapasok. Even employees are only limited to enter their own floors or common areas. Piling mga managers lang at EA's ang may access aa floor ni Inno."
"Ahh... ga'non ba—wait. Did you just say 'floor'?"
Tumango ito. "CEO na si Inno so solo na niya ang opisina niya sa 15th floor. Inno and his team, I mean."
"Iba talaga kayong mga Montecillo," komento niya. "Hindi ko lubos maisip na 'yung lalaking inis na inis dahil hindi nakakain ng free sample sa mall eh CEO pala ng ganito kalaking kompanya."
Totoo ang sinasabi niya. Nung nag-grocery sila ni Inno nang nakaraan eh inis na inis ito nung maubusan ng free sample sausage. Naawa na nga lang ata yung ateng promodiser kaya nagluto na lang ito ng bagong batch. Nag-offer na nga lang siya na bilhan ito ng isang pack para lang hindi na ito gumawa ng eksena. But he was adamant that he taste the sausage first bago bumili para daw di malugi.
"Ganyan talaga si Inno," natatawang sambit ni River. "Masyadong business minded. Hinubog kasi talaga siya para magmana ng kompanya. From being the eldest son of Tito Miguel to being the eldest sa aming magpipinsan, he eats, sleeps and breathes business."
"Kaya siguro walang preno ang bibig din eh 'no—"
Nang bumuka ang bukana ng elevator ay laking gulat nila sa nasaksihang eksena.
It was Inno. And a girl. Kissing.
This time, hindi na siya pwedeng magkamali sa nakita. Parang na-glue na siya sa kinatatayuan at nagflash bigla sa isipan niya ang mga panlolokong ginawa sa kanya noon ng mga naging boyfriend niya.
Different, my ass. Parepareho silang gago. She scoffed.
"Arabella—"
Pagak na natawa siya bago pumindot sa elevator indicating the ground floor at ang 'close' button.
"Yoon, baka naman may magandang explanation si Inno—"
Isang ngiti lang ang ibinato niya sa kasama. Tila nalito ito sa naging reaksyon niya.
"Wala naman dapat siyang ipaliwanag," diretsong saad niya. Even she was amazed at how natural that sounded coming from her. "Walang kami so, it's fine. Magte-take out na lang ako since preoccupied yung kusinero ko."
"But—"
Nang muling bumukas ang pinto ng elevator ay diniretso niya agad ang main entrance ng gusali. She needed to leave. Hindi niya kasi alam kung pano pa itatago yung sakit. She wanted to cry.
"Arabella!"
Tangina. Sumikip nanaman ang dibdib niya nang marinig ang tinig nito.
Gago 'yan, Yoon. Gago. Huwag mo hahayaang paikutin ka nanaman ng hayop.
"Hmm?" aniya sabay harap dito. Yup, hindi niya ibibigay sa lalaki ang benefit na makitang nasaktan siya nito o kung ano. "Alam ko pangalan ko. No need to keep repeating it."
"I can explain—"
"Bakit pa?" putol niya dito sabay ngiti. "You really don't need to, Inno. Dahil kahit naubusan ka pa ng laway diyan kakaexplain, hindi na kita paniniwalaan. Fool me once, shame on you. Fool me twice, fuck you."
And with that ay pumara siya ng taxi't umalis. Nanginginig na tumipa siya sa kanyang telepono.
"Hello?"
"I need a place to stay..."
Then she broke down.
💐
gago ni Inno. Asar.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro