Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[B2] Episode 1

💐

"I can't believe you, Fred! Nalingat lang ako, may iba ka na agad na kinakalantari?! At hindi ka man lang nagtago! Sa harap pa talaga ng mga kaibigan natin eh nakikipaglaplapan ka sa kung sinong pokpok!"


Yoon was raging mad. Bakit? Nakita niya lang naman ang boyfriend niya for years na may kahalikang ibang babae. At hindi man lang naging maingat ang gago. Talagang sa mataong parte pa ng bar ito nakipagpalitan ng oral fluids sa pokpok na 'yon.


Fred and her had been together since high school at halos maglilimang taon na sila. And tonight was one of their Friday night outs with their closest friends. Na-late lang siya ng kaunti dahil late nakapagsara ang pinagtatrabahuhan niyang café. Nagmadali pa nga siya makahabol lang sa kasiyahan. Lo and behold, hindi niya expected na madadatnan ang kabulastugan ng kasintahan.

"Babe, I'm sorry," ani ng lalaki. "But don't blame me. Blame the guys 'coz they said I wouldn't be able get that girl's number kaya ko nagawa 'yon."


"Ano ka, twelve?! Putangina naman Alfredo!" Sigaw niya sabay hawak sa sariling noo. "May girlfriend kang tao tapos nagpabuyo ka sa mga kalokohan ng kaibigan mo? Robot ka bang gago ka? Kontrolado kanba nila, ha?!"


"Na-challenge ako eh. You know I don't back down from dares like this."


"So kung ide-dare kitang saksakin sarili mo, gagawin mo? Bobo ka ba?!"


Napakibit-balikat lamang ito kaya naiinis na hinilamos niya ang kamay sa sariling mukha.


"Okay. Granted that's the case. Pero, putangina naman, Alfredo. Number lang ang usapan kukunin, hindi pati laway nung haliparot na 'yon!"


"Hindi ako 'yung humalik, babe. Siya."


"Then you could've pushed her!" frustrated niyang sigaw. "Hindi ka na dapat gumanti. And don't bother denying it. Kita ng dalawang mata ko na mukhang sarap na sarap ka ba sa pagpagpapalapa sa babaeng 'yon!"


"But babe, lalaki lang ako," pagdadahilan nito. "Can't you see how hot she was? Natangay lang ako. I'm not gay. Normal lang para sa isang lalaking tulad ko ang naging reaksyon ko."


"Lalaking tulad mo?!" taas kilay niyang tanong. "Lalaking gago?"


"Babe naman..."


"Don't you fucking dare call me that, Alfredo!" bulalas niya dito. "Ilang beses mo na ba 'tong ginagawa sa'kin? This isn't the first time I saw you with someone else. Malas mo lang ngayon dahil walang magpinsan na naghahalikan. Huli ka nang hayop ka!"


Isang malakas na hampas gamit ngkanyang dalang bag ang iginawad niya sa lalaki. Agad naman itong umiwas kaya't paulit-ulit niya itong binayo hanggang sa matamaan ito. But one isn't enough. She hit him so many times with her bag nang dahil sa gigil.


"You. Fucking. Asshole!" sigaw niya. "I can't believe I wasted five years with you!"


"It was just a dare, for crying out loud!" giit nito. "Be a sport, Eunice. Nakakahiya sa mga kaibigan natin 'yang inaasta mo."


"Ako pa ngayon ang nakakahiya?" bulalas niya. "Wow, Fred. Wow. Ang kapal talaga niyang apog mo eh 'no? Kung sa kanila ka nahihiya then sila shotain mo. We're fucking through, you asshole!"


Tinalikuran niya ito't binagtas ang daan ng makipot na hallway pabalik sa booth ng mga kaibigan. Naiwan niya kasi doon ang gamit niya.


Five years. Five fucking years ang tiniis niya kasama ng pesteng Alfredo na 'yan. Don't get her wrong. She loved the man pero, hindi niya masikmura ang mga cheaters. Mga pesteng manloloko na akala nila eh okay lang paglaruan ang damdamin ng mga babae. Mga gagong parang nagpapalit lang ng salawal kapag magpalit ng babae. Mga putangina tulad ng tatay niya.


Anim na taong gulang pa lang siya noon nang ipagpalit sila ng ama sa kabit nito. Malapit siya sa ama noong kaya imagine how devastated she was. At ang malala pa'y hindi man lang ito pinigilan ng kanyang ina. 'Yon pala ay dahil kabit lang din ang kanyang nanay. Her father was married to someone else before leaving his legal wife to be with her mom. And yes, nalaman niya ring anak siya sa labas.


His legal wife did not deserve to be treated like that. Her mom didn't deserve that treatment either. And she didn't deserve to be cheated on like this. Walang taong deserve ipagpalit. No one deserves to be left.


Hindi siya iiyak sa harap ng gagong 'yon. Why? Because she refuse to give him the satisfaction of seeing her cry. Oo, masakit pero hindi siya magpapaka-martyr at magmamakaawa dito. Hindi siya magaaksaya ng luha sa isang manlolokong tulad nito.


"O, andito na pala si Eunice. Party party na uli!" hiyaw ni Clifford, isa sa mga kaibigan nila na sa tingin niya ay siyang nambuyo kay Fred. "Sabi na sainyo eh. Understanding 'tong manok ko. Kayo lang 'tong kabado. Asan na ba si Fred?"


"I killed him," simpleng sagot niya dito sabay upo sa isang tabi. "Walang lugar sa mundong 'to ang mga hayop na tulad niyo."


"Hayop? Grabe ka naman, Yoon," anito na sa tingin ata eh nagjo-joke siya. Kunwari ay sapo pa nito ng sariling dibdib. "I'm hurt."


"Sa ginawa niyo sa'kin dapat eh ipasagasa ko 'yang mga bayag niyo sa truck!" asik niya sabay abot ng kanyang bag. As she was about to leave, narinig niya ang pagtawag muli ng kanyang ex.


"Babe, let's talk about this," pagsusumamo nito. "It was just a kiss. If you gave me more I wouldn't have been tempted—"


"What?!" hindi makapaniwalang bulalas niya.


Parang may kung anong pisi ang biglang naputol sa kanyang utak. The one desperately clinging on her para huwag gumawa ng eksena. In short, she snapped.


"Ikaw itong nagloko tapos you have the fucking audacity to tell me it's my fucking fault?!"


Kitang-kita niya ang paglaki ng mata ni Clifford na dahan-dahang umupo. Even his other friends grew silent at how intense her voice was. Napalunok naman si Fred.


"I-I didn't mean it like that. Ang ibig ko lang sabihin eh I was in it for the thrill lang, babe. Yung ano... spontaneous siya kaya ga'non..."


"So ang sinasabi mo eh hindi ako spontaneous?!"


"No—"


"Pwes, bibigyan kita ng spontaneous. Hayop ka."


She scanned the room and searched for her victim. Kung kaya gawin ng lalaki, mas lalo namang kaya niya. And there, she spotted him. Isang matangkad na lalaki ang bagong pasok pa lamang sa establishimento. Perfect candidate dahil hindi pa nito nakikita ang nangyari kanina.


Kinuha niya mula sa table ang isang baso ng kung anong inumin at inisang lagok iyon. She needed the courage for what she was about to do next.


Lintek lang ang walang ganti!


"Yoon wait—"


Inignora niya ang tawag ng ex-boyfriend niyang gago at dumiretso sa kanyang biktima. Kung sa malayo ay litaw na litaw ang kagwapuhan ng lalaki, mas lalo pa nang makalapit siya.


The guy was tall, fair-skinned and had lips that formed a subtle heart. He had chinky eyes that went well with his chiseled face. He was too beautiful to ignore.


"Excuse me," tawag niya sa lalaki. Nilakasan niya ang loob. "Single ka?"


Sinipat muna siya nito ng tingin bago ngumisi.


"For a beautiful lady like you, yes, I am single," diretsong sagot nito.


Punyeta. Malandi rin pala ang gago. At least may pang-justify na siya sa susunod na gagawin kung madamay ito sa gulo nila.


"Good."


She cupped his face and kissed his square on the lips. Mukhang nagulat naman ito sa kanyang ginawa kaya tila naestatwa ito sa kinatatayuan. She tried her darn best with the kiss pero hindi ito tumugon man lang and just stood there like a freakin' statue. Nangangalay na siya sa katitingkayad at lahat, wala pa rin.


Punyeta.


"Is it me?" tanong niya dito. "Hindi ba talaga ako desirable?"


Hindi ito sumagot. Sa halip ay tiningnan lang siya nito at parang jinajudge. Feeling niya ay umeepekto na yung kung anong ininom niya kanina kasi parang minute now eh iiyak na siya dahil sa kahihiyan at inis.


"Hindi?" tanong niya uli dito.


"It's not like that—"


"Eh putangina mo naman pala eh!" bulyaw niya. Wala na. Wala na siyang kontrol sa bibig niya. Sinaniban na siya ng espiritu ng alak kaya kalaban niya nanaman ang lahat ng tao. "May 'beautiful lady-beautiful lady' ka pang nalalaman hindi ka naman pala hahalik ng maayos. Leche kayo! Leche kayong lahat!"


She started to cry. Naramdaman niya ang paghawak ng lalaki sa kanyang braso.


"Miss, hindi naman sa ga'non. It's just that you're clearly not in the right min—"


Tinapunan niya ito ng masamang tingin.


"Ka-federasyon ka ba?" tanong niya dito na ikinabigla nito.


"What?"


"Are you gay?" ulit niya. "Ang sabi ni Fred eh nadala lang siya kaya nakipaghalikan siya doon sa babae and said it was a natural response for a guy. So maybe you didn't kiss me back because you're gay."


"What?!"


The guy sounds offended. Pero wala na siyang pakealam. Her head was already buzzing and iritang-irita na siya.


Tinalikuran niya ito't iniwan ang lalaki. But before she could even take a step, hinawakan siya nito sa braso.


"Miss, hindi ba sumagi sa isip mo that maybe I didn't kiss you back because you suck at it?"


"What?!" It was her turn to be offended. "Anong sinabi mo?!"


The guy smirked then scoffed. Was he taunting her?


"Miss, I don't care if you're drunk or whatever. Huwag kang nambibintang ng kung anu-ano dahil kapag pinatunayan ko sa'yong hindi ako bakla, baka hindi ka makalakad ng maayos ng isang linggo."


Parang binuhusan siya ng napakalamig na tubig sa sinabi nito. Nahimasmasan siya't naramdaman ang pag-init ng kanyang mga pisngi.


"So ano, Miss? Gusto mo ba patunayan ko sa'yo that I'm straight? O gusto mong turuan na lang kita humalik para next time eh hindi humahalik sa iba ang boyfriend mo?"


Lumipad ang kanyang palad diretso sa pisngi nito. "Bastos!"


Narinig niya ang pagsinghap ng mga mga tao sa kanyang paligid. Hindi niya namalayang marami-rami na rin pala ang nanonood sa kanilang eksena.


"Wow. Kapag babae ang nang-offend, okay lang? Tapos kapag lalaki na, bastos na?"


"Aba tarantado ka—"


"Yoon!" Naramdaman niya ang paghatak ng kung sino sa kanyang braso. Pero hindi pa rin matanggal ang matalim niyang titig sa lalaki. "Yoon! Tara na."


Pero bago siya tuluyang hilahin ng kung sino palabas, nasa kanya pa rin ang huling salita.


"Gago!"


💐


"Ang rules lang naman dito eh huwag magpapalate at kapag may nabasag, charged 'yon sa sahod niyo. Not unless yung customer ang makabasag. Also, respect our customers at huwag makikipag-away. Understood?"


Distracted si Yoon at hindi makapagconcentrate sa sinasabi ng bagong boss dahil hindi niya inexpect na ganito ito ka-gwapo.


Matangkad, singkit, may chiseled jawline at sobrang lalim ng dimples. Ang gwapo talaga. Ibang levels at mukhang mabait pa. Nag-eexist pa pala ang mga ganito sa mundo, 'no?


Single pa kaya itong si Sir Jarvis?


"Eunice? Okay ka lang?" pukaw bigla sa kanya ng boss.


"Ha? Ah. Okay lang po!" sagot niya naman agad. "Sorry po. Nadistract lang po talaga ako ng ka-pogian niyo, sir."


Napangiti ito.


"Nadidistract din naman ako ng kagandahan niyo so it's a tie," sagot naman nito sabay kindat.


Juskolord!


Niligtas niya ba ang Pilipinas sa past life niya kaya biniyayaan siya ng ganito? And hindi mukhang creepy ang boss niya, ha. He looked like he was just around the same age as her. Or older by just a few years. At napakagwapo talaga. Kaya kapag bumabanat ito eh nakakadagdag sa kapogian talaga.


"Oh and by the way, my cousins are regular visitors of this café. Limang pinsan. And also my brother. So if they say the term 'Saturn', what they order is free of charge. Hingin niyo na lang yung pangalan and i-take note sa isang maliit na notebook sa ilalim ng counter."


Ay bongga! May mga pinsan pa! Ibig sabihin, umuulan ng gwapo sa café na 'to. Bagay na bagay yung pangalan na Haven. Haven 'to ng mga pogi!


"And one more thing," pahabol nito. "If they try to flirt with you, wag niyo na lang pansinin. They tend to be very playful pero harmless naman ang mga 'yon."


Tumango sila agad ni Elise at nagpaalam na ang kanilang boss. Babalik na daw kasi ito sa pad nito't magtatrabaho. Kung anumang trabaho 'yon, hindi nila alam.


"Rinig mo 'yon, girl? May mga pinsan at kapatid pa daw," tila kinikilig ma sambit ni Elise. "Excited na 'ko makilala silang lahat. Anim na pogi! Isipin mo 'yon?"


"Pwede kaya mag-24-hour shift? Baka sakali makilala natin sila," ani niya rin. Wala nanaman kasing mapaglugaran ang kilig sa katawan niya. "For sure talaga gwapo sila. Kita mo si Sir Jarvis? Jusko! Nung nagpaulan si Lord ng kagwapuhan eh nasa harapan ata siya."


"Nasa harapan din for sure yung kapatid niya saka mga pinsan—"


"Wrong. Nasa langit ako, nagdodonate."


Sabay silng napatingin sa sumingit sa kanilang usapan. Napasinghap siya sa mukhang bumungad sa kanya.


"Hello there," anito. "I'm Inno. Jarvis' older brother."


Putangina! Putangina talaga!


💐

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro