Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 7

DASHA's POV

Kinzlee was driving quietly as we headed home. Nilingon ko siya, ang seryoso ng mukha niya, "K-Kynzlee" tawag ko sa kaniya.

"Hmpp?"

"A-Ano'ng ginagawa mo doon sa bar kanina?"

"Ako ang dapat na nagtatanong sa 'yo niyan!" patuloy lang siya sa pagmamaneho, "Anong ginagawa mo doon sa bar?"

"N-Niyaya kasi ako ni Mia"

"At sumama ka naman?!"

Napayuko ako at bumuntong hininga. Nabalot kami ng katahimikan, walang may balak na magsalita sa amin hanggang sa huminto na kami sa tapat ng bahay. Lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto ngunit nakatitig lang ako sa kaniya.

"Labas na!" saad niya ngunit hindi pa rin ako kumilos kaya bumuntong hininga siya, "What do you want to ask?"

Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa pinto ng kotse at ang isa ay nakatukod sa kabilang gilid, ako naman ay nakatagilid pero nakatitig sa kaniya at nakatitig rin siya sa akin, "Paano mo nalaman na naroon ako sa bar?" tanong ko.

"Like your Mom's favor, I'll be your body guard"

Tinanggal ko ang aking seatbelt at lumabas kaya umatras siya. Isinara niya ang pinto ng kotse pero nanatili akong nakatayo sa harap niya kaya muli siyang tumingin sa akin, "Pumasok ka na sa loob, gabi na!" wika niya. I did not speak and I remained staring at her, she sighed and walked closer to me once holding my hand. My eyes widened and I felt my cheek heat up, "Let's go!" saad niya at hinila niya ako palapit sa pintuan namin.

Kumatok siya ng tatlong beses, mayamaya lang ay bumukas ito at iniluwal nito si Mom na bakas sa mukha ang pag-aalala, "Anak" sambit niya kasabay nang pagyakap sa akin. Nang humiwalay si Mom sa pagkakayakap ay nilingon ko si Kynzlee, "Thank you, hija" pasasalamat ni Mommy.

Ngumiti naman si Kynzlee, "You're welcome tita, sige ho! Mauna na po ako"

Tumango naman si Mommy bilang sang-ayon at nang akmang maglalakad na si Kynzlee ay bigla ko siyang tinawag, "Kynzlee" nilingon niya ako, "Salamat" pasasalamat ko.

Tumango naman siya at akmang maglalakad siya ngunit muli akong nagsalita, "Kynzlee" muli niya akong nilingon, "M-Mag iingat ka!" wika ko na pilit pinapakalma ang sarili dahil sa nararamdaman kong kaba.

Tumango lang siya at tuluyan na naglakad palayo. Isinara naman ni Mommy ang pinto at umupo kami sa sofa na magkatapat kami, "Huwag mo na uulitin 'yon, hija. Nag-alala ako sa 'yo!"

"Mom, ikaw ba ang tumawag kay Kynzlee para sunduin ako?"

"Oo, dahil hindi ko alam kung saan o paano kita hahanapin. Tinatawagan kita pero naiwan mo ang cellphone mo"

Hinanap ako ni Kynzlee?
Pero--- Paano niya nalaman na naroon ako?

"Next time, kung may pupuntahan ka isama mo si Kynzlee okay?"

"Pero mom---" reklamo ko.

"Sumunod ka na lang, Dasha. May tiwala ako kay Kynzlee" putol niya sa aking sinasabi.

Bumuntong hininga na lang ako, "Okay, Mom"

Matapos namin mag-usap ni Mom ay pumasok ako kaagad dito sa kwarto upang magpahinga dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Nakahiga naman ako dito sa kama habang nakatitig sa kisame. Sinundo niya ako kanina! Iniligtas niya ako sa babaeng mukhang pokpok. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko kanina. Gumuhit ang ngiti sa aking labi na animo'y kinikilig. H-Hinawakan niya ang kamay ko! Tumingin naman ako sa aking kamay at tinitigan ito, "She held my hand" wika ko sa aking sarili.

Tumagilid ako ng higa pero nanatili akong nakangiti nang biglang tumunog ang aking cellphone, kinuha ko iyon at binasa ang mensahe.

One Message Received
~~Mia~~
Dasha, can we talk?
11:00pm

Hindi ko pinansin ang text niya at ibinalik ko ang aking cellphone sa table na katabi ng aking kama. Muli kong inisip si Kynzlee hanggang sa nakatulog ako!

Kinabukasan! Nang nasa eskuwelahan na ako ay natapos ang klase ng tahimik dahil seryosong nakikinig sa Professor ang dalawang kaibigan ko, isinuot ko sa aking tainga ang earphone at ipinikit ang mata. Lumipas ang minuto nang magulat ako dahil sa lakas ng paghampas sa arm chair ko, napabalikwas ako at tumitig sa taong gumawa niyon.

"Puyat ang lola niyo!" pang-aasar ni Azriel.

Umupo si Margeaux sa tabi ko, "Puyat ka? Sino kapuyatan mo? Ayiiiee!"

Kumunot naman ang aking noo, "Sira-ulo"

Tumawa naman silang dalawa, inaayos ko na ang aking gamit nang biglang nagsalita si Azriel, "Girl" wika niya na animo'y kinikilig.

Si Margeaux naman ay nakatulala na nakatingin sa labas ng classroom, isinabit ko sa aking balikat ang shoulder bag ko at tumingin sa dalawa, "Anong problema niyo?" nagtatakang tanong ko.

"Girl, nandito si Mia" wika niya kasabay nang pagtili.

Napatingin ako sa pinto at natanaw ko siyang nakatayo  sa tapat ng pinto na kitang kita siya mula dito sa pwesto namin. Pinaikutan siya ng mga babaeng estudyante na halatang mga Bisexual, "Anong ginagawa niya dito?" bulong ko sa aking sarili at nagsimula ng maglakad.

Paglabas namin ng classroom ay lumapit kaagad sa akin si Mia, "Can we talk?" tanong niya.

Tumingin ako sa mga babaeng nakapalibot sa kaniya, iyong tingin nila sa akin ay kulang na lang lapain ako. Psh! Iyong iyo si Mia, Duh? May Kynzlee ako, "Pwede ba after lunch? Gutom na ako" suhestyon ko.

Tumango naman siya, "Sabay na tayo maglunch"

Tumango na lang rin ako, kasabay ko si Mia na naglalakad at ang dalawang kaibigan ko ay nasa likuran namin. Nang makarating kami sa cafeteria ay si Mia ang nag-order ng pagkain kaya umupo naman kaming tatlo. Nang napatingin ako sa dalawang kaibigan ko ay kunot noo silang nakatitig sa akin, "Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Kailangan mong magkwento sa amin" wika ni Azriel.

"Mayroon kang hindi sinasabi sa amin" wika naman ni Margeaux.

Napailing na lang ako, "Psh! Kwento ko sa inyo later"

"Hindi na si Kynzlee?" tanong ni Margeaux.

"Ha?"

"Pinalitan mo na si Kynzlee? Tsk tsk!"

Muling kumunot ang aking noo, "Ano ba ang pinagsasabi niyo? Of course not,  si Kynzlee lang ang gusto ko"

Gumuhit ang ngiti sa kanilang labi, "Ayiiieee" panunukso nila.

Bigla naman dumating si Mia na mayroong dalang tray ng pagkain at kasama niya ang ibang nagbabantay sa cafeteria. Inilapag nila sa table ang dala nilang tray at nanlaki ang aking mata, "Ang dami naman ng inorder mo, apat lang tayo!"

Nang matapos ilagay sa table namin ang mga pagkain ay umupo si Mia sa tabi ko, "Ayaw kong nagugutom ka!"

Tumaas naman ang isang kilay ko, "Psh! Hindi mo ako madadaan sa ganiyan!" mataray kong saad.

"Alam ko" sang-ayon ni Mia.

Tumingin ako sa dalawa at nakatitig lang sa akin na animo'y may sinasabi. Biglang kumuha si Mia ng kanin at inilagay sa plato ko kaya kinuha ko naman kaagad ang hawak niyang sandok, "A-Ako na" usal ko.

Ibinigay niya naman sa akin iyon, nang matapos akong magsandok ng pagkain ko ay sinandukan ko na lang siya. Tumingin ako sa kaniya at nakatitig siya sa akin kasabay sa pagguhit ng ngiti sa kaniyang labi kaya napalunok ako. Umiwas na ako ng tingin at nang matapos ay sinimulan na namin kumain.

Habang kumakain ay sulyap ng sulyap sa akin si Mia, kahit hindi ko siya tingnan ay nakikita ko sa gilid ng aking mata. Hindi ko na lang siya pinansin at patuloy ako sa pagsubo ng pagkain. Napatingin ako sa dalawang kaibigan ko na halatang maraming katanungan na ibabato sa akin mamaya. Nanlalaki ang mga mata ng dalawang kaibigan ko na animo'y may sinasabi, kumunot ang aking noo at ininguso ang pagkain nila. Hindi na sila nagreklamo at nagpatuloy na lang rin sa pagakin.


                                                          °°°°°
KYNZLEE's POV

Paglabas namin ng classroom ay naglakad na kami patungo sa cafeteria, habang naglalakad ay mayroong biglang sumigaw, "KYNZLEE"

Napahinto kami sa paglalakad at nilingon siya, "Ano na naman ba ang kailangan ng babaeng ito?" inis kong tanong sa aking sarili.

Natawa naman ang dalawang kaibigan ko, "Naku! Tol, dead na dead sa 'yo si Clancy" biro ni Reese.

Tinapik naman ako sa balikat ni Skye, "Support ka namin" sang-ayon niya.

Kinabig ko ang kaniyang kamay na nakapatong sa balikat ko, "Psh! Tumahimik nga kayong dalawa"

Muli silang tumawa hanggang sa namalayan na lang namin nasa harap na namin si Clancy na nakangiti ng malapad, "Sabay na tayo maglunch," wika nito at ipinulupot ang kaniyang kamay sa aking braso.

"May kasabay kaming kumain," saad ko at nagpatuloy kami sa paglalakad

"Sino?" kunot noong tanong niya.

"Si Dasha"

Napansin kong napatingin sa akin ang dalawang unggoy, sinamaan ko lang sila ng tingin kaya tumawa lang sila ng walang boses. Huminto naman sa harap ko si Clancy kaya napahinto ako sa paglalakad, nagcross arms siya at kunot ang noo na nakatitig sa akin.

"Ano na naman ba?" iritang tanong ko.

"Dasha na naman? Paano ako?"

Napahawak ako sa aking noo kasabay nang aking pag-iling at napansin kong naglakad naman ang dalawa palayo sa amin, "Mauna na kami sa cafeteria tol, reserve ko na lang kayo ng upuan," wika ni Reese na mayroong bahid ng panunukso.

"Mukhang may LQ kayo eh?!" kantyaw naman ni Skye.

Sinamaan ko sila ng tingin kaya tuluyan na silang naglakad palayo sa amin. Nang makalayo na sila ay muli akong tumingin kay Clancy na nakakunot pa din ang noo, "Clancy" sambit ko.

"Ano?" inis niyang tanong.

"Nag-usap na tayo, right? Please, layuan mo na ako!"

"Pero---"

"Please" putol ko sa sinasabi niya, "Gusto kong mapag-isa!" dugtong ko. Ang mukha niyang naiinis kanina ay napalitan ng lungkot, "Kumain ka ng lunch, okay?" wika ko at naglakad palayo sa kaniya.

Nang makarating sa cafeteria ay nakita ko kaagad sila Skye na nakaupo sa table, mayroong pagkain na nakahain at mukhang ako na lang ang hinihintay. Paglapit ko ay umupo ako kaagad pero nakatitig pa din sila sa ibang direksyon, pinitik ko naman ang noo nilang dalawa kaya agad silang napatingin sa akin, "Aray!" reklamo nilang dalawa kasabay nang paghawak sa kanilang noo.

"Ano ba? Masakit 'yon ha?!" reklamo ni Reese.

Natawa lang ako, "Kung kani-kanino kayo nakatingin" natatawang wika ko.

"Tsk! Kilala kasi natin ang tinitingnan namin" paliwanag ni Skye.

Sumubo ako ng pagkain at muling tumingin sa dalawa, "Sino? Mga naging babae niyo? Bakit? Dito ba nag-aaral ang mga 'yon?" sunod-sunod kong tanong.

Biglang hinawakan ni Reese ang aking mukha kaya nanlaki ang aking mata, "T-Teka---" protesta ko ngunit naputol ang aking sinasabi nang bigla niyang pinihit patungo sa kanan ang aking mukha at nakita ko--- Si Dasha, kasama niya si Mia? Nang binitiwan ni Reese ang aking mukha ay uminom ako ng tubig at kaagad na tumayo.

"Hoy! Where are you going?" nagtatakang tanong nilang dalawa.

Isang hakbang pa lang ang nagawa ko nang biglang mayroong humawak sa braso ko, "Tol, wag na!" pigil sa akin ni Skye.

Kinabig ko lang ang kamay niya kaya napabitaw siya sa pagkakahawak sa akin, kinuha ko ang aking bag at tray ng pagkain at naglakad. Huminto ako sa tapat ng table nila Dasha kaya nanlalaki ang mga mata nilang tumingin sa akin maliban kay Mia na nakangisi habang nakatitig sa akin. Ngumisi ako at tumingin ako kay Dasha, "Pwede ba kami makiupo?" Nakasubo sa bibig niya ang kutsara kaya tumango lang siya, umatras siya ng upo para mabigyan ako ng espasyo kaya umupo ako sa tabi niya. Nagsimula naman kaming kumain.

Tahimik kaming kumakain, ingay lang ng paligid ang maririnig mo nang biglang basagin ni Mia ang katahimikan, "Dasha, paborito mo ang ice cream, right?"

Tumingin ako kay Dasha na nakatingin kay Mia, "O-Oo" tugon nito.

Muli akong ngumisi kasabay nang pagsubo ko ng pagkain, inilagay niya sa harap ni Dasha ang dessert na inorder nila. Tumingin sa kaniya si Dasha at ngumiti naman ito pabalik. Ha! Sweet huh?! Patuloy lang ako sa pagsubo. Hindi ko sila tinitingnan at pinapansin. Mas mabuti pala kung hindi na ako nakiupo dito! Tumingin naman ako sa dalawang kaibigan ko na nakaupo sa katapat kong upuan, nakatitig sila sa akin na animo'y nag-aalala na ewan.

Kumunot ang aking noo, "What?" inis kong tanong.

Umiling lang silang dalawa at sumubo ng pagkain, napansin ko naman na napatingin sa amin ang ibang kasama namin kaya tumingin ako kay Dasha na nakatitig pala sa akin, "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.

"Yeah!" tugon ko at muling sumubo ng pagkain.

Habang kumakain ako ay ramdam ko pa din ang mga titig ni Dasha nang bigla akong nabulunan. Tumalikod ako sa kanila para umubo pero napaupo ako ng tuwid nang naramdaman kong mayroong humihimas sa likod ko at inabutan ako ng tubig. Tinanggap ko na lang iyon at ininom kaagad, patuloy lang sa paghimas sa aking likod ang katabi ko. Muli akong tumungga ng tubig at tumayo kaya tumingin silang lahat sa akin na animo'y nagtataka.

"Saan ka pupunta?" Dasha asked.

Nilingon ko siya, "Sa CR... Salamat sa tubig!" tugon ko at nagmadaling tumungo sa banyo.

Nang makarating sa banyo ay kaagad akong naghilamos, tumingin naman ako sa salamin at tinitigan ko ang aking sarili. Bakit ganiyan ang attitude mo, Kynzlee?
Umayos ka! Napailing na lang ako, yumuko ako at bumuntong hininga. Pinunasan ko ang aking mukha ng towel, nakatakip lang sa mukha ko ito habang nagpupunas. Mayamaya lang ay tinanggal ko na ito sa aking mukha at ganoon na lang ang gulat ko ng makita kong mayroon na akong katabi. Nanlaki ang aking mata at bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa gulat at kaba na aking nararamdaman ngayon.

"G-Ginulat mo ako," wika ko na kinakabahan pa din dahil sa gulat.

Nakatingin lang siya sa akin, "Why did you leave earlier while we were eating?"

Hindi ako tumingin sa kaniya at inilapag ko sa aking bag ang towel na ginamit ko, "Naiihi na kasi ako," pagdadahilan ko at tiningnan ko namna siya sa salamin ngunit nakatitig pa din siya sa akin.

"Okay ka na ba? May ubo ka pa rin? May lagnat ka ba?" sunod-sunod na tanong niya kasabay nang paglapat nang kaniyang palad sa noo ko kaya napaatras ako ng bahagya. Muling nanlaki ang aking mata at tila naestatwa sa aking kinatatayuan. Nakatitig pa siya sa akin at tinanggal niya ang kaniyang kamay sa noo ko, "Wala ka naman lagnat, pero kailangan mo pa din uminom ng gamot," may kinuha siya sa kaniyang bag at iniabot sa akin, tinanggap ko naman iyon pero nakatitig lang ako sa kaniya, "Gamot 'yan para sa sakit ng ulo at katawan, pwede din 'yan sa mga sinisipon at inuubo" paliwanag niya.

Tiningnan ko ang hawak kong maliit na paper bag at sinilip ko ang laman nito. Gamot nga! Muli akong tumingin sa kaniya, "Huwag ka magkakasakit, okay?" saad niya.

Tumango na lang ako bilang tugon, "S-Salamat" nahihiyang pasasalamat ko at iniangat ng bahagya ang gamot na hawak ko.

Ngumiti naman siya sa akin, "Sige! Balik na ako sa classroom," wika niya kasabay nang pagtalikod at naglakad siya patungo sa pinto.

At nang nasa pinto na siya ay tinawag ko ang pangalan niya, "Dasha" nilingon niya naman ako, "S-Salamat ulit," muling pasasalamat ko ngunit ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Nang tuluyan na siyang makalabas ay muli kong tiningnan ang gamot na hawak ko. Napailing na lang ako habang nakangiti at muli akong tumingin sa salamin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro