Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 16

DASHA's POV

"Where have you been?" seryosong tanong ni Kynzlee.

Tumingin naman ako sa kaniya, "Wala kang pakialam" mataray kong tugon.

"Dasha, saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap" wika ni Margeaux.

"Naku girl, natapos na lang ang patimpalak pero walang Dasha na bumalik kaya nag-alala kami sa 'yo" wika naman ni Azriel.

"Nagpahangin lang ako" walang gana kong saad.

"Nagpaalam ka man lang sana sa mga kaibigan natin," wika ni Kynzlee na halatang pinapakalma ang sarili.

Tinitigan ko naman siya, "Ano'ng pakialam mo? May girlfriend ka na, right? Kaya huwag mo akong pakialaman" inis kong saad.

Nanlaki ang mata nilang lahat pero si Kynzlee naman ay nakakunot ang noo, "What? Girlfriend?" nagtatakang tanong ni Kynzlee.

"Oo, may girlfriend ka na, hindi ba? Kalampungan mo pa nga kanina kahit nasa harap niyo akong dalawa," inis kong saad ngunit nawala naman ang pagtataka sa mukha ng apat at napalitan ito ng nakakalokong ngiti kaya kunot noo ko silang tiningnan, "Ano'ng nakakatawa?" iritang tanong ko.

"Nagseselos ang lola mo" pang-aasar ni Azriel.

"Ikaw naman kasi tol, huwag mong pagselosin ang girlfriend mo," pang-aasar rin ni Skye kaya tumawa sila maliban sa akin.

I noticed Kynzlee smiling, I felt all my blood rush to my face so I stood up and approached Kynzlee once I held her by the collar. She didn't move even when I held her collar because she was just staring into my eyes, "From now on never come near me, do you understand?" inis kong wika ngunit hindi siya nagsalita, "At huwag ka nga makipaglampungan sa iba kapag kasama mo ako, nakakaumay. Psh!" saad ko na mayroong bahid pa din ng inis.

"Pfft" usal ni Kynzlee na nagpipigil ng tawa.

Mas lalong kumunot ang aking noo kaya mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kaniyang kuwelyo, "Bakit ka ba tumatawa?" singhal ko.

Ngunit tuluyan na siyang tumawa, "Sino ba ang tinutukoy mong kalampungan ko?" natatawang tanong niya.

"Malamang 'yong babaeng kasama mo kanina. Kung makakapit sa braso mo ay akala niya naman may aagaw sa 'yo. Psh!" Inis kong saad kasabay na binitiwan ko ang kaniyang kuwelyo at tumayo ng maayos, lumingon ako sa apat na nakakaloko ang mga titig sa akin, "At kayong apat, naku! Nakakainis talaga kayo" iritang saad ko.

Nagulat na lang ako nang biglang--- mayroong yumakap sa aking beywang mula sa likuran, ipinatong niya ang kaniyang baba sa balikat ko at ramdam ko ang kaniyang hininga sa aking leeg, "I'm sorry, love" malambing niyang sambit.

I felt my cheek turn red because of what she said so I swallowed. Humiwalay ako kaagad sa pagkakayakap niya at matalim siyang tinitigan ngunit nakatitig lang rin siya sa akin, "Ano'ng l-love?" nauutal kong tanong ngunit hindi siya nagsalita, "Love mo mukha mo," inis kong saad. Akmang maglalakad na ako palayo sa kanila nang biglang mayroong humawak sa aking pulsuhan at hinila palapit sa kaniya. Nasubsob naman ako sa kaniyang dibdib at napahawak ako sa kaniyang tiyan na mayroong pandesal kaya muling uminit ang aking pisngi.

"Matigas ba?" tanong niya.

"Oo," wala sa sarili kong tugon. Iginala ko pa ang aking kamay sa kaniyang pandesal at napakagat labi ako nang biglang--- bumalik ako sa huwisyo. Kaagad akong humiwalay sa kaniya at nakita ko siyang nagpipigil ng tawa.

Padabog akong naglakad palayo sa kanila pero bago pa man ako makalabas ng sala ay mayroong nagsalita, "Gusto mo ba makilala ang girlfriend ni Kynzlee?" tanong ni Skye.

Nilingon ko naman sila, "Ayoko dahil hindi ako interesado," mataray kong tugon at tuluyan na naglakad patungo sa aking kwarto. Nang makarating ako sa kwarto ay pabagsak naman akong humiga sa aking kama, "Ang lakas ng loob niyang yakapin ako kahit may girlfriend na siya" inis kong saad sa aking sarili.

                                                         °°°°°

Nagising ako ng payapa, walang alarm, walang disturbo at walang ingay. Himala, walang bulabog na kumatok sa pinto ng kwarto ko! Tumungo muna ako sa banyo para magtoothbrush, nang natapos ako ay nagsuklay muna ako ng buhok at tumungo sa pinto. Pinihit ko ang door knob at dahan-dahan itong binuksan nang biglang--- bumungad sa akin ang isang taong nakatayo sa labas ng aking kwarto, "Ay palaka!" gulat kong sambit.

Nakatitig lang siya sa akin, "Mabuti gising ka na"

"What are you doing here?" nagtatakang tanong ko.

Iniabot niya naman sa akin ang hawak niyang paper bag, "Dumaan lang ako dito para ibigay sa 'yo ito," wika niya kaya tinanggap ko naman ito, pa-choosy pa ba ako? Eh, ang aga niya pumunta dito para lang ihatid sa akin ito, "Hindi na ako magtatagal, aalis na din ako" dugtong niya.

"Bakit? May lakad ka ba?"

Tumango naman siya, "May importante akong pupuntahan"

Tumango-tango ako na animo'y sang-ayon, "Pwede ko ba malaman kung saan ka pupunta?"

"Ihahatid ko lang si Krishna sa airport"

"Krishna?" nagtatakang tanong ko.

Muli siyang tumango, "Gusto mo ba siyang makilala?"

"P-Pwede ba?" nahihiyang tanong ko.

"Magbihis ka na, hihintayin kita sa sala"

Tumango lang ako bilang tugon, naglakad naman siya pababa ng hagdan kaya kaagad akong bumalik sa loob at naghanap ng damit na isusuot. Hugot dito, hugot doon... Wala akong mapili na isusuot! Napakamot ako sa aking ulo kasabay na kinuha ko naman ang isang dress na above na knee, "Ito na lang nga" saad ko sa aking sarili. Nang natapos ako ay nagmadali akong lumabas ng kwarto at tumungo sa sala, naabutan ko si Kynzlee na mayroong kausap sa kaniyang cellphone.

Nang napansin niya ako ay tumingin siya sa akin, "Okay! Papunta na kami," saad niya sa kaniyang kausap sa cellphone at pinatay niya ang tawag, inilagay niya ito sa bulsa ng kaniyang pants at lumapit sa akin, "Let's go?" tanong niya kaya tumango ako bilang tugon.

Naramdaman ko naman na hinawakan niya ang aking kamay at tuluyan na kaming lumabas ng bahay. Enebe! Kailangan ba talaga na hawak ang kamay ko?! Pereng tenge! Sumakay ako sa passenger seat at siya naman ay sa driver seat, isinuot ko ang aking seatbelt at ganoon rin sa kaniya hanggang sa sinimulan niya na ang pagmamaneho... Lumipas ang minuto ay nakarating na kami kaagad sa bahay nila Kynzlee ngunit hindi niya ako pinalabas ng kotse, kailangan na nilang magmadali dahil mahuhuli na sa flight ang ihahatid niya. Bumukas ang pinto sa backseat ngunit hindi ko iyon pinansin dahil inaantok ako. Ipinikit ko ang aking mata hanggang sa naramdaman ko na lang na umandar ang sasakyan.

Nang magising ako ay naramdaman kong mayroong nakahawak sa aking pisngi, "Dasha, wake up!" saad niya.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at bumungad sa akin ang mukha ni Kynzlee na medyo malapit sa akin, "Nandito na ba tayo?"

Tumango naman siya, "Tara!"

Tinanggal ko ang seatbelt at akmang bubuksan na ang pinto ng kotse nang biglang binuksan ito ni Kynzlee kaya lumabas na ako ng sasakyan. Tumingin ako sa babaeng kaharap namin at--- nanlaki ang aking mata.

"Ikaw?" gulat kong tanong.

"Hi" nakangiting bati niya sa akin.


                                                       °°°°°

Patungo na kami sa mall, tahimik ang paligid, walang nagsasalita nang biglang nagsalita ang katabi ko, "Bakit ang tahimik mo?" tanong niya.

Nanatili akong nakatanaw sa labas, "Wala"

"Nagseselos ka pa din ba?"

"Selos your ass," inis kong saad ngunit narinig kong tumawa siya ng mahina kaya nilingon ko siya, "Bakit ka tumatawa?"

Sinulyapan niya lang ako dahil abala siya sa pagmamaneho, "Ano ba ang dapat kong gawin para mawala ang selos mo?"

"Psh! Wala"

*FLASHBACK*

Tinanggal ko ang seatbelt at akmang bubuksan na ang pinto ng kotse nang biglang binuksan ito ni Kynzlee kaya lumabas na ako ng sasakyan. Tumingin ako sa babaeng kaharap namin at--- nanlaki ang aking mata.

"Ikaw?" gulat kong tanong.

"Hi" nakangiting bati niya sa akin.

Kunot noo akong tumingin kay Kynzlee na nakatingin rin pala sa akin, "Kung alam ko lang na siya pala ang ihahatid mo, hindi na sana ako sumama" iritang saad ko.

Natawa ng bahagya si Kynzlee kaya muli akong tumingin ako sa babaeng kaharap namin na nakatingin pala kay Kynzlee... Psh! Dukutin ko ang mata mo eh?!

"Aalis na ako, paki bantayan na lang si Mia" wika niya.

"Kilala mo din si Mia?" gulat kong tanong.

Tumango naman siya, "Girlfriend ko si Mia" nakangiting tugon niya.

Muling nanlaki ang aking mata na tila hindi makapaniwala, "A-Akala ko si K-Kynzlee---"

Natawa naman siya ng bahagya kaya hindi ko naituloy ang aking sinasabi, "Hindi ko girlfriend si ate Kynzlee, close lang talaga kami dahil inalagaan niya ako dati" paliwanag niya. Tumingin ako kay Kynzlee na seryosong nakatitig sa akin at muli akong tumingin sa babae, "Hindi pa pala ako nagpapakilala sa 'yo," wika niya kasabay sa paglahad ng kaniyang kamay, "I'm Krishna Mercado, Mia's Girlfriend" dugtong niya.

Tinanggap ko ito kasabay sa pagguhit ng ngiti sa aking labi kaya lumapit siya sa aking tainga at mayroong ibinulong, "Don't worry, ikaw lang ang mahal ni ate Kynzlee," bulong niya at muling tumayo na siya ng maayos, hinawakan niya ang kaniyang maleta kasabay na kumaway, "Bye!" nakangiting paalam niya.

Napansin ko naman na itinaas ng bahagya ni Kynzlee ang kaniyang kamay bilang paalam at tuluyan ng naglakad si Krishna papasok sa loob, "Saan mo gustong pumunta?" tanong ng katabi ko ngunit kunot noo akong tumingin sa kaniya kasabay na hinampas siya sa braso, "Aray!" daing niya.

"Kainis ka, hindi mo sinabi agad na girlfriend pala siya ni Mia" inis kong saad.

"Hindi ka naman nagtanong"

"Kailangan ko pa ba magtanong bago mo sasabihin?"

"Natural, hindi ko naman alam kung sino ang mga pinagseselosan mo"

"Dapat alam mo kapag nagseselos ako"

"Oo na," sang-ayon niya kasabay sa paglapit niy sa akin at niyakao ako , "I'm sorry, Love"

*END OF FLASHBACK*

Patuloy lang sa pagmamaneho si Kynzlee at ako naman ay tahimik lang na nakatanaw sa labas. Nakakabingi ang katahimikan ngunit muli siyang nagsalita, "Are you still mad at me?"

Nilingon ko siya na pasulyap sulyap sa akin, "Ewan ko sa 'yo" mataray kong saad.

Muli akong tumingin sa labas ngunit hindi na siya nagsalita at patuloy lang sa pagmamaneho, napansin kong malapit na kami sa mall kaya iniayos ko ang aking buhok at damit, tumingin ako sa salamin nang biglang--- nagpreno si Kynzlee kaya nasubsob ako sa malambot na bagay. Nang huminto ang sasakyan ay dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo at tumingin sa bagay kung saan ako nasubsob. Isang unan? Paano nagkaroon kaagad ng unan dito?

Nilingon ko naman si Kynzlee na nakasubsob ang mukha sa manibela, "Kynzlee?" usal ko kasabay na tinanggal ang aking seatbelt at lumapit ako ng bahagya sa kaniya upang gisingin siya, "Kynzlee" wika ko na mayroong bahid ng pag-aalala.

Dahan-dahan niyang iniangat ang kaniyang ulo, tumingin siya sa akin at hinawakan ako sa pisngi na mayroong bahid ng pag-aalala, "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya. Tumango-tango naman ako bilang tugon ngunit hindi pa din siya kumbinsido, "May masakit ba sa 'yo?" muling tanong nya.

Umiling naman ako, "Bakit ka ba biglang nagpreno?" nagtatakang tanong ko.

Tumingin siya sa labas ng kotse kaya bumungad sa amin ang mga itim na sasakyan n nakapalibot sa amin, "Ano'ng nangyayari?" nagtatakang tanong ko.

Tinanggal ni Kynzlee ang kaniyang seatbelt at lumabas ng kotse kaya lumabas rin ako, paglabas ko ay kaagad akong lumapit kay Kynzlee na kaharap ang isang babae. Teka--- familiar ang mukha niya!

"Ano'ng kailangan niyo?" seryosong tanong ni Kynzlee.

Ngumisi ang babaeng kaharap namin, nakacross arms siya at nakatingala sa katabi ko, "Pinagtatagpo talaga ng tadhana ang landas nating dalawa" maangas na wika ng babae.

"Plano mo na sundan kami kaya hindi mo matatawag na itinadhana ang pagkikita natin," sarkastikong wika ni Kynzlee ngunit natawa ng bahagya ang babae.

"Teka--- sino ba kayo?" nagtatakang tanong ko.

Tumingin siya sa akin at sumeryoso ang kaniyang mukha, "Dasha"

Kumunot naman ang aking noo, "Kilala mo ako?" nagtatakang tanong ko.

Natawa naman siya ng bahagya, "Of course" tugon niya, "Sino'ng hindi makakakilala sa babaeng puma---"

"Enough!" pigil ni Kynzlee sa kaniya.

"Teka! What do you mean?" tanong ko na puno ng pagtataka.

Muling tumingin sa akin ang babae, "So, totoo nga na wala kang maalala" wika nito.

Tumingin ako kay Kynzlee na nagtataka ngunit nakatitig rin pala siya sa akin, "Don't mind her, sumakay ka na sa kotse"

Tumango na lang ako bilang sang-ayon kasabay na tumikod para sumakay sa kotse ngunit unang hakbang ko pa lang ay narinig kong nagsalita ang babae, "Ayaw mo bang maalala ang nangyari?" tanong niya na mayroong bahid ng panghahamon.

Nilingon ko naman siya, akmang magsasalita na ako ay humarang si Kynzlee sa aking harapan, "Sumakay ka na sa kotse" seryosong saad niya.

Hindi na ako kumontra, sumakay na ako sa kotse at isinuot ang seatbelt... Pinapanood ko naman si Kynzlee na abala makipag-usap sa mga babaeng kausap niya. Ano ang ibig nilang sabihin na wala akong maalala? At ano ang pangyayari na dapat kong maalala? Minuto din ang itinagal ng kanilang pag-uusap, nang natapos ay sumakay na si Kynzlee dito sa kotse at isinuot ang seatbelt.

"Kynzlee," tawag ko sa kaniya kaya nilingon niya ako na walang expression ang mukha, "Ano ang dapat kong maalala?" nagtatakang tanong ko. Tumingin siya sa harap at sinimulan ang pagmamaneho pero wala akong narinig na tugon mula sa kaniya, "Kynzlee, I'm asking you" iritang saad ko.

"Ang mabuti pa ay ihahatid na kita pauwi," seryosong wika niya kasabay nang pag-ikot niya ng sasakyan.

"Just answer my question, Kynzlee"

"Question?" tanong niya na animo'y hindi alam ang aking tinutukoy.

"Yes, I'm asking you kung ano ba ang dapat kong maalala?" tanong ko.

"Wala! I told you, don't listen to them," tugon niya na patuloy lang sa pagmamaneho.

"Pero--- bakit kilala nila ako? kahit hindi ko naman sila kilala" naguguluhan kong saad.

Inihinto niya ang kotse ngunit nanatili lang akong nakatitig sa kaniya at nilingon niya ako. Hinawakan niya ang aking dalawang pisngi, "Listen to me" panimula niya, "Huwag kang maniniwala sa sasabihin ng iba, sa akin ka lang maniwala," saad niya na nakatitig siya sa mga mata ko, "Is it clear?" dugtong niya.

Tumango na lang ako bilang tugon hanggang sa naramdaman kong dumampi ang kaniyang labi sa aking noo na naging dahilan ng pamumula nang aking pisngi. Shete! Hinalikan niya ako sa noo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro