𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 12
DASHA's POV
"Sino ang kausap mo?" tanong niya. Napalingon ako kaagad sa pwesto ni Kynzlee, nakamulat ang mga mata at nakatitig sa akin. Nanlaki ang aking mata kasabay nang paglunok ko. N-Narinig niya kaya ang pinag-uusapan namin? Bumalik ako sa huwisyo nang muli siyang nagsalita "Hey!"
"Ha?"
"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.
"O-Oo" nauutal kong tugon. She got up from lying down so I immediately approached her to help her. When she sat down properly I sat down next to her and she stared at me again, "Why?" nagtatakang tanong ko, "May dumi ba ako sa mukha?"
Natawa siya ng bahagya, "Nothing!" tumingin naman siya sa aking ulo at muling tumingin sa mga mata ko, "Masakit pa din ba ang ulo mo?"
Napahawak naman ako sa aking ulo, "Hindi na... Ayos na ako!"
"Are you sure?" paninigurado niya kaya tumango na lang ako bilang tugon ngunit hindi siya kumbinsido, "Patingin ako," saad niya at sinilip ang ulo ko, bahagya akong yumuko upang hindi siya mahirapan pero nakatitig lang ako sa mga mata niya. Ang lapit ng mukha niya sa akin! I smiled slightly and she slowly looked at me with an innocent face. We were face to face, no one spoke and remained staring at each other.
Hanggang sa binasag niya ang katahimikan, "May dumi ba ako sa mukha?" nagtatakang tanong niya ngunit umiling lang ako dahil nanatili akong nakatitig sa mga mata niya at gumuhit naman ang ngiti sa kaniyang labi, "Matunaw ako sa mga titig mo" biro niya.
Pakiramdam ko ay bumalik ako sa huwisyo, "H-Ha? S-Sorry!" nahihiyang saad ko.
Tumawa siya ng mahina kasabay nang ginulo niya ang aking buhok at tumayo, "Do you want to eat?" She asked.
Tumango na lang ako bilang tugon, naglakad siya patungo sa kusina at iniwan akong nakaupo dito sa couch so I pouted, "Iniwan talaga ako," bulong ko sa aking sarili. Padabog akong tumayo at sumunod sa kaniya... Nang makarating ako sa kusina ay nakita ko siyang naghahain na kaya kumunot naman ang aking noo, "Ang bilis mo naman magluto" nagtatakang wika ko.
Tumingin siya sa akin kasabay nang pagtawa ng bahagya at itinukod niya sa headboard ng upuan ang dalawang kamay niya, "Kaninang umaga ko 'yan niluto bago ako pumasok, tinatamad na kasi ako magluto ng dinner pag-uwi ko sa hapon," nahihiyang paliwanag niya kasabay nang pagkamot sa kaniyang batok.
"Mas masarap kumain kapag bagong luto" suhestyon ko. Tumango-tango naman siya na animo'y kumbinsido, "Teka--- ikaw lang ba ang mag-isa dito?"
Lumapit siya sa akin, hinawakan niya ako sa dalawang braso ko at pinaupo sa upuan na katapat niya kanina, nang makaupo na ako ay umupo naman siya sa katapat kong upuan, "Oo! Ako lang" tugon niya. Kinuha niya ang kanin upang sumandok perilo inilagay niya sa plato ko at ganoon rin sa ulam. Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa ginawa niya, "Kain na" anyaya niya. She started eating but I was still staring at her, she was busy with what she was doing so she did not notice me. Sa ikatlong pagsubo niya ng pagkain ay napatingin siya sa akin, "Why aren't you eating yet?"
"H-Ha?" Wala sa sarili kong sambit kaya kaagad akong sumubo ng pagkain, "Kumakain ako" pagdadahilan ko. I slowly looked at her who was staring at me and I saw she was smiling, I blinked my eyes three times while staring at her.
"Kumain ka ng marami," saad niya at nagpatuloy na sa pagkain.
Patapos na kaming kumain nang biglang tumunog ang cellphone niyang nakalagay sa mesa na katapat niya lang, napatingin ako doon at nakita ko kung sino ang tumatawag. Krishna? Sino naman iyon? Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tumingin sa akin, "Excuse me" sambit niya. Tumango na lang ako bilang tugon, tumayo siya at lumayo ng kaunti sa akin.
Sino ba ang babaeng iyon? At talagang lumayo pa siya sa akin. Psh! Kahit marinig ko ang usapan nila ay wala akong pakialam. Ipinagpatuloy ko na lang ang aking kinakain. Lumipas ang 15 minutes ay muli siyang umupo sa kaniyang kinauupuan kanina, tumingin siya sa plato ko at tumingin sa akin, "Kumain ka pa!" alok niya.
Umiling lang ako, "Busog na ako," tugon ko na animo'y walang gana. Kinuha ko ang baso na mayroong tubig at tinungga ito.
"Are you okay?" she asked.
Ibinaba ko ang baso at muling tumingin sa kaniya, "Oo!"
Halatang hindi siya kumbinsido sa sagot ko kaya kumunot ng bahagya ang kaniyang noo, "What's the matter?"
Ngumiti ako ng pilit kasabay nang aking pag-iling, "Wala" hinimas-himas ko naman ang aking tiyan, "Medyo sumakit lang ang tiyan ko, nasobrahan yata sa kain" tugon ko at tumawa ng peke.
"Wait--- kukuha lang ako ng gamot," nag-aalalang wika niya at kaagad na tumayo.
Nang tumalikod siya ay kaagad akong nagsalita, "Huwag na!" pigil ko sa kaniya kaya nilingon niya naman ako, "K-Kailangan ko lang siguro magbawas," nakatitig lang siya sa akin, "Nasaan ang CR mo?" dugtong ko.
Itinuro niya ang bandang kanan pero nanatiling nakatitig sa akin, "D-Doon" tugon niya.
Tumayo naman ako, "Salamat" pasasalamat ko at nagmadaling naglakad.
Ngunit bigla siyang nagsalita, "Samahan na kita" alok niya.
Nilingon ko siya, "Huwag na!" saad ko at tuluyan na tumungo sa banyo.
When I got to the bathroom I went in immediately and locked the door, I sighed as if pulled by a thorn. Naglakad ako patungo sa lababo at tumingin sa salamin, "Umayos ka nga, Dasha!" saway ko sa aking sarili. Binuksan ko ang gripo, ipinagdikit ko ang aking dalawang kamay at itinapat ito sa tubig na umaagos galing sa gripo. Nang malagyan ng tubig ang aking palad ay yumuko ako at inihilamos ang tubig, tatlong beses ko itong inulit. Nang matapos ay muli akong tumingin sa salamin, "Inhale... Exhale," usal ko kasabay nang aking paghinga.
I looked to my side to the right to get the towel but I didn't see anything, I frowned and looked inside the bathroom but I still didn't see the towel, "She doesn't put a towel here?" I asked myself. Nang buksan ko ang pinto ng banyo ay nanlaki ang aking mata dahil sa gulat, "Ay palaka" gulat kong saad.
Nakatayo si Kynzlee sa labas ng banyo at may hawak na towel, iniabot naman niya iyon sa akin, "Pasensya na, nakalimutan ko maglagay ng towel sa banyo" wika niya.
"A-Ayos lang!" saad ko at kukunin ko na sana ang towel nang bigla niyang inilayo sa akin, kumunot ang noo ko at muling tumingin sa kaniya. Magsasalita pa sana ako pero bigla niya akong hinawakan sa pulsuhan at hinila palabas ng banyo.
Pinaupo niya ako sa couch at siya naman ay umupo sa tabi ko na nakaharap sa akin, "Lumapit ka ng kaunti" utos niya. Ginawa ko naman kaya umusog ako ng upo palapit sa kaniya ngunit muli siyang nagsalita, "Kaunti pa" muling utos niya. Umusog pa ako ng kaunti palapit sa kaniya hanggang sa naramdaman ko na ang kaniyang binti na nakadikit sa binti ko. She grabbed me by the nape and brought my face close to her, just an inch between our faces.
She let go of my neck and wiped my face with the towel she was holding. She was serious about what she was doing and I just stared at her. Pakiramdam ko ay namula ang aking pisngi dahil uminit ito at ramdam ko ang saya sa aking puso, Enebe! Kenekeleg eke!
Napatingin siya sa mga mata ko, "Are you okay?" tanong niya.
Tumango lang ako bilang tugon, pinunasan niya ang parte ng ilong ko kaya tumingin ako sa labi niyang namumula. Napakagat labi naman ako, mukhang malambot ang labi niya! Muli akong tumingin sa mga mata niya na nakatingin na pala sa akin. Muling nanlaki ang aking mata...
Nakita kong nakangiti siya ng nakakaloko kaya umupo ako ng maayos, "S-Salamat" nahihiyang saad ko kaya ginulo niya lang ang buhok ko pero hindi nawala ang ngiti sa kaniyang labi.
Namutawi ang katahimikan sa pagitan namin ni Kynzlee na tila nakikiramdam sa bawat isa kaya bumuntong hininga ako. Naramdaman ko naman na gumalaw siya ngunit binalewala ko iyon, "Dasha" tawag niya sa aking pangalan.
Nilingon ko siya nang biglang--- nanlaki ang aking mata dahil sa ginawa niya. I felt her lips touch mine so I felt I stiffen in my seat. I blinked my eye three times to see if it was just a dream but I was wrong, I looked into Kynzlee's eyes that were closed. Ano'ng ginagawa mo, Kynzlee?
Nang humiwalay siya sa labi ko ay akmang aatras na sana ako ngunit naramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking batok habang nakatitig ng seryoso sa mga mata ko kaya napalunok ako, "K-Kynzlee" saad ko kasabay nang mabilis na tibok ng aking puso. She didn't speak but she kept staring into my eyes, her gaze dropped to my--- lips. Sinusubukan kong umatras pero hinila niya ako palapit sa kaniya hanggang sa maramdaman ko ang kaniyang mga bisig sa aking likod na tila niyakap ako, "K-Kynzlee, ano'ng g-ginagawa mo?"
Muli siyang tumingin sa aking mga mata, "Can I ask a favor?" seryosong tanong niya.
Napalunok naman ako, "Ano 'yon?" tanong ko ngunit hindi siya sumagot dahil dahan-dahan siyang lumapit at akmang hahalikan niya ulit ako ay iniharang ko sa kaniyang mukha ang aking kamay kaya napahinto siya, "Teka--- huwag naman ang ganiyang pabor," tinanggal niya ang aking kamay sa kaniyang mukha at tinitigan ako sa mga mata na animo'y nagtatanong, "H-Hindi pa ako ready," dugtong ko ngunit kumunot naman ang aking noo nang biglang siyang tumawa ng mahina ngunit nanatili siyang nakayakap sa akin, ipinatong niya ang kaniyang ulo sa aking balikat kaya iginalaw ko ito, muli naman siyang tumingin sa akin, "Ano'ng nakakatawa?" nagtatakang tanong ko.
Pinilit niyang huwag tumawa kasabay nang buntong hininga, "Ano bang iniisip mong pabor na hihingiin ko?" tanong niya na animo'y nang-aasar.
"Na ano... ano" nauutal kong saad dahil sa hiya.
"Ano?" tanong niya na nakatakas pa ang dalawang kilay.
"G-Gumawa ng---"
"Baby?" dugtong niya sa aking sinasabi. Pakiramdam ko ay uminit ang aking pisngi kaya hindi ako nagsalita ngunit nanatiling nakatitig sa mga mata niya, "Pwede natin gawin 'yon"
Kumunot ang aking noo kasabay nang paghampas ng mahina sa kaniyang braso kaya muli siyang natawa, "Kynzlee"
"Gagawin natin 'yon sa ayaw o gusto mo," saad niya kaya nanlaki ang aking mata dahil sa sinabi niya at umakto akong tatayo ngunit hindi ako makagalaw sa mga bisig niya, "Saan ka pupunta? Gagawa pa tayo ng baby"
Napalunok naman ako, dahan-dahan siyang lumapit sa bandang tainga ko at muling nagsalita, "Isang dosenang baby ang gusto ko" bulong niya.
I could feel her hot breath, I could feel all my body hair rise and my feeling warmed up. Dasha, ano'ng nangyayari sa iyo? "Pareho tayong may matress kaya imposible ang sinasabi mo" sambit ko.
Muli siyang tumingin sa akin pero nakangiti, "Magandang balita 'yon dahil pwede tayong gumawa ng baby kahit araw-araw"
Nanlaki ang aking mata na animo'y hindi makapaniwala, "Hoy, Kynzlee Cardaño. Walang tayo kaya huwag kang umasa na papayag ako diyan sa sinasabi mo" taas noo kong saad.
Natawa naman siya ng bahagya, "Sinasagot na kita simula ngayon, pwede na ba nating gawin?"
Muling kumunot ang aking noo, "Ano ka gold? Hindi mo man lang ba ako liligawan?" mataray kong tanong.
"Bukas na after natin gumawa ng baby"
Magpoprotesta pa sana ako ngunit muling dumampi ang kaniyang labi sa aking labi, dahan-dahan na gumagalaw ang kaniyang labi na animo'y maingat akong hinahalikan. Ang lambot ng labi niya! Unti-unting lumuwang ang kaniyang pagkakayakap sa akin ngunit nanatili akong nakakulong sa kaniyang bisig kasabay nang humiwalay siya sa aking labi at muli akong tinitigan.
"Pasensya na," saad niya hanggang sa dahan-dahan niya akong pinakawalan mula sa kaniyang pagkakayakap.
When she was ready to stand up, I immediately took her in her hands so she turned to me with a look of astonishment on her face, we stared at each other as if our eyes were talking. Lumapit ako sa kaniya hanggang sa dumampi ang labi ko sa labi niya at ipinikit ko ang aking mata. Hindi ba ito ang gusto ko? Ang maging kami? Aarte pa ba ako?
I slowly moved my lips but she didn't kiss me back so I was about to separate from her lips when she suddenly touched my nape and crushed me with a kiss. I feel my heart is happy because of what is happening now, I feel her one hand slowly crawl towards my arm down to the hand, when she took my hand she placed it on her shoulder as she continued claimed my lip. Tumutugon naman ako sa kaniyang halik, ipinulupot ko sa kaniyang batok ang aking kamay at naramdaman kong binuhat niya ako kasabay nang pinaupo niya ako sa kaniyang mga hita paharap sa kaniya nang hindi humihiwalay ang labi namin. This is probably the good thing that happened to us together.
Nang humiwalay siya sa halik ay tinitigan niya ako ng seryoso sa mga mata, "From now on, you are mine" saad niya at muli akong siniil ng halik.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro