Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 11

KYNZLEE's POV

Naglalakad na kami patungo sa classroom, papasok na sana ako sa loob nang biglang mayroong tumapik sa aking balikat kaya nlingon ko siya, "Skye," sambit ko ngunit halatang tumakbo silang dalawa ni Reese dahil hingal na hingal kaya kumunot ang aking noo, "What happened?" nagtatakang tanong ko.

Tumingin silang dalawa sa akin, "Si Dasha" tugon ni Reese.

Kaagad akong tumakbo pabalik sa classroom nila Dasha, may kalayuan ito sa classroom namin dahil nasa 3rd floor ang classroom nila at sa amin ay nasa kabilang building pa. Ramdam kong nakasunod sa akin ang dalawang kaibigan ko kaya patuloy lang ako sa pagtakbo. Nang natatanaw ko na ang classroom nila ay napahinto ako dahil nakita ko ang isang babae na hila ang buhok ng isang babae rin. Tinitigan ko ang babaeng hinila ang buhok. Teka--- si Dasha iyon!

Rinig ko ang sigaw ni Dasha mula rito sa kinatatayuan ko, "BITIWAN MO NA ANG BUHOK KO"

Naramdaman ko naman na mayroong tumapik ng aking balikat, "Anong ginagawa mo? Bakit ka pa huminto?" inis na tanong ni Reese.

"Si Dasha ang sinasambunutan tol, huwag kang tumayo dito... Puntahan mo na siya!" inis rin na wika ni Skye.

Nagmadali akong lumapit sa kanila at nakita ko din na kararating lang nila Azriel at Margeaux. Nang makalapit ako ay kaagad kong tinanggal ang kamay ng babae sa buhok ni Dasha at humarang ako sa harapan nito.

Narinig ko pa ang daing ni Dasha, "Aray! Masakit 'yon ha?!"

Kumunot ang aking noo nang makilala ko kung sino ang babaeng kaharap ko ngayon, "What are you doing here?"

Nagcross arms naman siya at ngumisi, "Long time no see, Kynzlee" sarkastikong wika niya.

Hindi ako nagsalita, nanatili lang akong nakatitig sa kaniya habang siya naman ay sinilip si Dasha na nakatayo sa aking likuran at muli siyang tumingin sa akin, "Akalain mo nga naman, matagal talaga mamatay ang masamang damo" maangas niyang wika.

"Huwag kang gumawa ng eksena dito" kalmadong saad ko.

Bahagya naman siyang natawa, "Why not?" tumingin siya sa mga kaklase ni Dasha na pinapanood kami at muli siyang tumingin sa akin, "They already know me"

"Be professional, Samante" pilit kong pinapakalma ang aking sarili.

Natawa siya na mayroong bahid ng inis, naglakad naman siya palapit sa akin pero nanatili lang akong nakatayo sa aking pwesto, nilingon ko sila Skye na nakatayo sa bandang kanan ko kaya suminyas ako sa kanila at kaagad naman nila itong naintindihan. Inilayo nila Skye si Dasha. Nang makalapit na sa akin si Samante ay kaagad niya akong kinuwelyuhan pero hindi ako nagpatinag dahil nanatili akong nakatitig ng diretso sa kaniyang mga mata.

"Nakakalimutan mo yata kung sino ang kausap mo" maangas niyang wika.

Ngumisi naman ako, "Hinding hindi kita malilimutan Samante Ponce De Leon" sarkastikong saad ko.

Bakas sa kaniyang mukha ang inis hanggang sa naramdaman ko na lang na dumapo ang kaniyang kamao sa aking pisngi kaya kaagad akong napaupo sa lakas ng suntok niya. Narinig ko pa ang sigaw ni Dasha, "KYNZLEE" ngunit hindi ko iyon pinansin.

Idinura ko ang dugo mula sa aking bibig at nilingon si Samante. She smirked, umupo siya at muli akong kinuwelyuhan, "Babalik ako Kynzlee Cardaño" maangas niyang wika at tumayo.

She had already walked away from me but I followed her with my gaze, huminto siya sa pwesto nila Dasha kaya naalarma ako. Humarang naman sa harap ni Dasha si Skye at Reese, napansin ko na ngumisi si Samante hanggang sa tuluyan na siyang umalis. Nang makaalis siya ay napabuntong hininga ako, ramdam ko naman ang paglapit sa akin nila Skye at napansin kong bumalik na sa loob ng classroom ang mga kaklase ni Dasha.

Umupo sa gilid ko si Dasha, hinawakan niya ang aking dalawang pisngi at iniangat ang ulo upang magtama ang paningin namin. Nakatingin siya sa labi kong pumutok dahil sa suntok, bakas naman sa kaniyang mukha ang sobrang pag-aalala, "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko, "Halika, dadalhin kita sa clinic," dugtong niya ngunit nakatitig lang ako sa kaniya, "Kynzlee, halika na! Kailangan magamot ang sugat mo"

Hinawakan ko siya sa kamay niyang nakahawak pa din sa pisngi ko, bakas sa mukha niya ang pagtataka pero mas pinili niyang hindi magsalita kaya ngumiti ako ng bahagya, "Are you okay?" I asked her.

"Ano ka ba?! Ikaw ang sinaktan niya pero ako ang tinatanong mo ng ganiyan!"

Tumingin ako sa kaniyang ulo at hinawakan ito, "Masakit pa din ba ang ulo mo?" tanong ko at muling tumingin sa kaniya, "I'm sorry kung nahuli ako ng dating"

"S-Sino ba ang babaeng 'yon? Kilala ko ba siya? Pero--- bakit hindi ko matandaan na magkakilala kami?" sunod-sunod niyang tanong.

Tumingin ako kanila Skye na nakatayo sa likod ni Dasha at tumango lang naman sila. Tumingin rin ako kanila Azriel na bakas sa mukha nila ang pag-aalala kaya napalunok na lang ako. Tumayo ako at kaagad akong inalalayan ni Dasha, nang makatayo ako ay tumingin ako kanila Skye, "Umuwi na tayo!" saad ko.

Tumango lang sila, lumapit sa akin si Skye upang alalayan sana ako pero biglang nagsalita si Dasha, "Ako na ang aalalay sa kaniya"

Tumingin naman ako sa kaniya, "Pero kailangan mong pumasok"

Nilingon niya ako, "Mas importante ka sa akin, hindi rin ako makakapagfocus kung ganiyan ang kalagayan mo" seryosong wika niya.

Pakiramdam ko ay uminit ang aking pisngi at gustong magdiwang ng aking puso, nais kong ngumiti ngunit pinigilan ko, "Pero--- sinuntok lang naman ako, hindi ako sinaksak" pangangatwiran ko.

Kumunot naman ang kaniyang noo, "Basta--- sasamahan kita" pagpupumilit niya.

Hindi na ako nagreklamo pa kaya tumingin ako kay Skye, "Let's go!"

We started walking towards the school gate, while walking I was holding Dasha and her hand was holding my waist to support me. I glanced at her, she was just staring straight ahead with a serious face. A smile drew on my lips and looked again at what we were going through.

"Kynzlee" tawag sa akin ni Dasha.

Hindi ko siya nilingon, "Hmmm?"

"Sino ba talaga ang babaeng 'yon?" nagtatakang tanong niya.

Nilingon ko naman siya, "Hindi mo din siya makikilala kahit ikwento ko sa iyo"

"Eh, bakit kilala niya ako?"

"Sa ganda mong 'yan kaya maraming nagseselos ng dahil sa 'yo" biro ko.

Napansin kong namula ang kaniyang pisngi kaya natawa ako ng bahagya ngunit kumunot lang ang kaniyang noo, "Nagtatanong ako ng maayos, Kynzlee" inis niyang wika.

"Why?" natatawang tanong ko, "Seryoso naman ang sinabi ko," ngunit hindi siya nagsalita, "Maganda ka naman talaga," wika ko at muling tumingin sa dinadaanan namin, "Kaya nga nabihag mo ang puso ko" pabulong kong dugtong.

"Ano'ng sinabi mo?" tanong niya.

Nilingon ko siya, "Ha? May sinabi ba ako?" maang-maangan kong tanong.

"Oo, may sinabi ka pero mahina ang boses mo kaya hindi ko narinig" paliwanag niya.

Umiling naman ako, "Wala akong sinabi"

Muling kumunot ang kaniyang noo, "Meron nga!"

Natawa ako ng bahagya at ginulo ang kaniyang buhok, "Ang init ng ulo mo, may regla ka ba?" biro ko.

Nagulat siya sa tanong ko kaya kaagad namula ang kaniyang pisngi at tuluyan na akong tumawa ng mahina, napansin kong nilingon kami ng mga kasama namin.

"Kynzlee" inis na tawag sa akin ni Dasha.

"I'm just kidding" saad ko kasabay nang peace sign.

                                                           °°°°°

DASHA's POV

When we got to the front of Kynzlee’s condo we first went inside and sat her on the couch. Nang makaupo siya ay akmang hahakbang na ako nang biglang hawakan niya ang kamay ko, napatingin ako sa kamay namin at dahan-dahan na tumingin sa mga mata niya, "Where are you going?" She asked.

"Sa kitchen, kukuha lang ako ng yelo" tugon ko.

Binitiwan niya ang aking kamay at tumango kaya kaagad naman akong tumungo sa kusina. Nang makarating doon ay kumuha ako ng yelo at inilagay ko ito sa isang tela. Hindi ko alam ang tawag dito basta tela siya na mayroong takip! Nang matapos ako ay kaagad akong tumungo sa sala, nadatnan kong seryosong nag-uusap ang tatlo. Dahan-dahan naman akong naglalakad palapit sa kanila. Ano ba ang pinag-uusapan nila? Mukhang seryoso!

Nang malapit na ako ay lumingon sila sa pwesto ko, nanlaki ang aking mata dahil hindi ako sanay sa seryosong ekspresyon ng kanilang mukha. Iniangat ko ng bahagya ang hawak ko na animo'y ipinapakita sa kanila, naglakad ako palapit kay Kynzlee at umupo sa kaniyang tabi. Nakatitig siya sa mga mata ko at iniabot sa kaniya ang hawak ko, "Idikit mo sa pasa mo" saad ko.

Tinanggap niya naman ito at kaagad na inilapat sa kaniyang pasa sa mukha niya, tumingin naman ako sa dalawa na katapat ng upuan namin ni Kynzlee, "Kilala niyo ba kung sino ang babaeng sumugod sa akin kanina?" tanong ko.

"Hindi" tugon ni Reese.

"Hindi mo ba kilala ang babaeng 'yon?" nagtatakang tanong ni Skye.

Umiling naman ako, "Hindi ko siya kilala, nagulat nga ako nang bigla niya akong sinugod kanina," nagtatakang paliwanag ko ngunit hindi sila sumagot, "Wala naman akong kaaway" dugtong ko.

They kept listening to me so I just sighed.

Nilingon ko si Kynzlee na kanina pa tahimik, nakita ko siyang nakapatong ang ulo sa headboard ng couch at nakapikit. Tinitigan ko ang mukha niya, ang ganda niya pa din kahit tulog! Dahan-dahan bumaba ang tingin ko sa kaniyang ilong at sa labi--- napalunok naman ako!

"Ehem" rinig kong usal ng dalawa.

Nanlaki ang aking mata nang mapagtanto ko na kasama pala namin ang mga kaibigan niya kaya lumingon ako sa kanila ngunit nakangiti naman sila ng nakakaloko. Tumayo naman silang dalawa, "Aalis na kami, ikaw na muna ang bahala kay Kynzlee" habilin ni Reese.

"Ha? Pero---"

Natawa naman sila, "May emergency sa bahay kaya kailangan na namin umalis," wika ni Skye kaya tumingin naman ako kay Reese.

"May tatapusin akong report" saad niya.

"Sandali---"

"Bye!" Paalam nilang dalawa at nagmadaling lumabas ng pinto.

I just sighed, I looked again at Kynzlee who was still asleep. Tumayo ako at naglakad patungo sa kwarto niya. Pagbalik ko sa sala ay ibinuklat ko ang kumot at ikinumot sa kaniya iyon, hinawi ko ang hibla ng buhok niya na nakaharang sa kaniyang mukha, "Hindi mo dapat takpan ang mukha mo para makita ko ang kagandahan mo," pabulong kong wika na animo'y may kausap ako.

Ngumiti na lang ako at napailing. Baliw ka na Dasha!
Kinuha ko ang hawak niyang tela na mayroong yelo at ibinalik ko ito sa kusina. Binuksan ko ang refrigerator at may nakita akong ice cream, "Wow" Kinuha ko iyon, kumuha ako ng kutsara at sinimulan na kumain. Ang sarap talaga! Habang kumakain ako ay biglang tumunog ang cellphone, kinuha ko ito sa bulsa ng palda ko at binuksan ang mensahe.

One Message Received
~~Margeaux~~
Bruha, kumusta si Kynzlee?"
9:30am!

Aba! Si Kynzlee talaga ang kinumusta, Psh!

Composed Message
~~Margeaux~~
Bakit siya ang kinukumusta mo?
Eh, ako ang napaaway!
Don't tell me, may gusto ka kay Kynzlee?
Message sent!

Salubong ang aking kilay habang tinitipa ang mga salitang iyon, "Ha!" inis kong usal. Patuloy lang ako sa pagsubo ng ice cream pero sobrang higpit ng hawak ko sa kutsara dahil sa inis, nang biglang tumunog ang cellphone ko.

One Message Received
~~Margeaux~~
Sampal gusto mo?
Wala akong gusto sa kaniya,
I'm just asking! Nakita mo naman
siguro na sinuntok siya, right?
Ang nega mo!
9:56am!

Bumuntong hininga naman ako, "Hindi nga pala si Kynzlee ang gusto ni Margeaux. Psh! Ang nega mo, Dasha," wika ko sa aking sarili at muling sumubo ng ice cream. Hindi na ako nag-abalang magreply pa sa text niya, inilapag ko sa table ang cellphone ko at nagpatuloy sa pagkain.

Malapit ko na maubos ang ice cream nang biglang tumunog ang cellphone ko, tiningnan ko kung sino ang caller at sinagot ang tawag, "Hello"

"[Tigil-tigilan mo ako diyan sa pagiging nega mo Dasha]" inis niyang wika.

Natawa naman ako ng bahagya, "I'm sorry"

"[Tsk!]"

"Hinanap ba ako nila Prof.?" I asked.

"[Yeah!]" tugon niya, "[But of course, gumawa na lang ako ng dahilan para hindi malagyan ng ABSENT ang record mo sa attendance]" paliwanag niya na binigyang diin ang salitang absent.

Gumuhit ang ngiti sa aking labi, "Salamat!" pasasalamat ko. Nang nakita kong ubos na ang ice cream ay tumayo ako at hinugasan muna ang tupperware, ang aking cellphone ay inipit ko sa pagitan ng aking tainga at balikat.

"[Kilala mo ba 'yong sumugod sa 'yo kanina?]" she asked.

"No" tugon ko, "I've been wondering if I've had a fight before but I just can't remember and she intends to retaliate against me or she's just really looking for trouble"

"[Ang kailangan mong gawin ngayon ay mag-ingat dahil baka maulit 'yon!]" nag-aalalang wika niya.

"Yeah!" Sang-ayon ko, "Hindi na din siguro mauulit 'yon kaya huwag ka na mag-alala" dugtong ko.

"[Anyway! Kasama niyo ba si Skye?]"

"Ayiiee! Ikaw huh?!" panunukso ko.

"[Enebe]" pabebeng saad niya.

Natawa naman kaming dalawa, "She's not here" tugon ko, "They said they had more to do"

"[Ganoon ba?]"

"Yes!"

"[You mean, kayong dalawa lang ni Kynzlee ang nariyan?]" tanong niya na animo'y kinikilig.

"Oo---" hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil bigla silang tumili.

Aba! Nakikinig rin pala si Azriel. Nailayo ko sa aking tainga ang cellphone dahil sa lakas ng tili nila, ipinasok ko sa aking tainga ang hintuturo ko na animo'y nabingi. Nabingi nga yata talaga ako. Psh! Kainis naman kasi ang dalawang iyon! Nang masigurado kong hindi na sila tumitili ay dahan-dahan kong inilapit sa aking tainga ang cellphone, "Hello?" patanong kong saad.

"[Yes?]" tugon niya na bakas pa rin sa boses ang kilig.

"Pwede bang kumalma kayo?" mataray kong tanong, "Ako ang kasama ni Kynzlee pero mas kinikilig pa kayo sa akin" dugtong ko.

Nang matapos kong linisin ang aking pinagkainan ay umupo muna ako sa upuan at narinig kong natawa si Margeaux, "[Sorry na, nakakakilig naman talaga!]"

Napailing na lang ako, "Oo na lang ako"

Muli silang tumawa, "[Dasha]" tawag sa akin ni Margeaux na kausap ko sa cellphone.

"Yes?"

"[You said, dalawa lang kayo ang nariyan, tama?]"

"Y-Yes!" nauutal kong tugon, "Why?" dugtong ko.

"[This is your chance, Dasha]"

"What?" nagtatakang tanong ko.

"[Make a move]"

"Ayaw ko!" mataray kong tanggi.

"[Gawin mo na]"

"Ang alin?" iritang tanong ko.

"[Kiss her... Or rape her para naman---]"

Nanlaki ang aking mata sa sinabi niya, "WHAT?" gulat kong tanong.

"[Why?]" nagtatakang tanong niya.

"Anong why? Baliw ka na ba Margeaux? Anong rape ang pinagsasabi mo?" inis kong tanong, "Umayos ka nga!"

"[Suggestion ko lang naman 'yon!]"

"Ayoko ng suggestion mo"

"[Mas madali maging kayo kapag ginawa---]"

"Enough" putol ko sa sinasabi niya, "Bye!" saad ko at kaagad kong pinatay ang tawag kasabay nang aking pag-iling, "Grabe ka Margeaux" wika ko sa aking sarili na hindi makapaniwala.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro