Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 10

DASHA's POV

Nang makaupo kami ni Kynzlee dito sa sofa ay kaagad nagsalita si Skye, "Movie marathon tayo, tol" suhestyon niya.

Hindi ko narinig ang sagot ni Kynzlee pero muling nagsalita si Skye ng "Yown!" ay alam kong pumayag siya.

Kinuha ko ang burger sa table at kaagad na kinagatan ito... Nang mailagay ni Skye ang USB sa gilid ng T.V ay pumili siya kaagad ng panonoorin namin, nang makapili na siya ay pinindot niya ang play. Minuto na ang lumipas, dalawang kagat na lang ay mauubos ko na ang burger na hawak ko. Muli akong kumagat sa burger kasabay nang paglingon ko sa t.v upang ipagpatuloy ang aking pinapanood nang biglang narinig ko ang putok ng baril at nakita ko ang isang duguang lalaki na nakahandusay sa kalsada.

Pakiramdam ko ay nanlambot ang aking katawan at ramdam ko ang pangingilid ng aking luha sa mata, habang tulala ako sa screen ng telebisyon ay mayroong pangyayari na biglang nagplay sa aking isipan. A televised scenario suddenly entered my mind, a bloody man and a woman standing opposite the bloody man while holding the knife. I can’t see their faces in my mind but I feel like I know them.

Lilingon na sana ako kay Kynzlee nang maramdaman ko ang kamay niya na biglang tinakpan ang aking mata at niyakap niya ako paharap sa kaniya, nakahinga ako ng maluwag sa ginawa niya kaya hinayaan ko siya dahil pakiramdam ko ay ligtas ako sa mga bisig niya. Bakit mayroong scenario na biglang bumalik sa aking isipan? Ano 'yon? Sino sila?

Bumalik ako sa huwisyo nang marinig kong sumigaw si Kynzlee na animo'y nag-aalala, "PATAYIN NIYO ANG T.V"

Wala akong naririnig na ingay sa aking paligid dahil pinatay ang telebisyon, nang tinanggal ni Kynzlee ang kaniyang kamay sa aking mata ay nakita ko siya na nakaluhod sa aking harapan at dahan-dahan akong tumingin sa mga mata niya, "B-Bakit may patayan sa---"

"Kalimutan mo na 'yon!" putol niya sa aking sinasabi.

Nakatitig lang ako sa kaniya na animo'y binabasa ang kaniyang mga titig, tumingin naman siya sa dalawang kaibigan niya pero nanatili siyang nakahawak sa magkabilaan kong balikat, "Sinabi ko na sa inyo na ayaw kong nanonood kayo ng brutal dito sa condo ko" inis niyang wika.

Tumingin ako sa dalawang kaibigan niya at nakita kong napalunok silang dalawa, "Ngayon lang---"

"ALAM NIYONG NANDITO SI DASHA" singhal ni Kynzlee.

Napayuko naman ang dalawa, bumitaw si Kynzlee sa pagkakahawak sa braso ko at bumuntong hininga na pilit pinapakalma ang sarili. Yumuko din ako, natatakot ako kapag may nakikita akong taong duguan, I don't know why! Kinakalikot ko ang aking daliri habang nakayuko, kinikilabutan ako pero hindi ko mawari ang dahilan. Pakiramdam ko ay nasa harapan ko ginawa ang krimen na iyon kaya bigla akong napasigaw.

Natarantang lumapit sa akin si Kynzlee, "Dasha, what happened?" nag-aalalang tanong niya.

Nararamdaman ko ang pangingilid ng aking mga luha kaya kaagad akong niyakap ni Kynzlee. Hindi ako nagulat sa kaniyang ginawa dahil mas nangingibabaw sa akin ang takot. Niyakap ko naman siya pabalik at tuluyan ng umagos ang aking mga luha.

Hinaplos ni Kynzlee ang aking likod upang patahanin, "Ssshhh! Tahan na," mahinang saad niya at mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin kaya ipinatong ko ang aking baba sa kaniyang balikat, "Don't worry, I'm here" dugtong niya.

Hindi ko maintindihan, bakit ako nagkakaganito?
Ano ba ang nangyayari sa akin?

Nang lumipas ang oras ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mata, nasilaw ako sa liwanag ng ilaw kaya iniharang ko ang aking kamay sa mata upang matakpan ang liwanag ng ilaw. Nang nasanay na ang aking mata sa liwanag ay inilibot ko ang aking paningin. Teka--- kwarto ko ito ha?! Tumingin ako sa pwesto ng malaking drawer, narito nga ako sa kwarto ko pero paano--- Napatingin naman ako sa gilid ng aking kamay, nakayuko siya sa aking higaan habang hawak ang kaliwang kamay ko at mahimbing na natutulog. Nanlaki ang aking mata na animo'y hindi makapaniwala,  A-Anong ginagawa niya rito?

Lumapit ako ng bahagya sa kaniyang mukha upang silipin ito, ang himbing naman ng tulog niya! Pinagsawa ko ang aking mata na pagmasdan ang kaniyang buong mukha, mukhang anghel talaga ang babaeng ito! Draw a smile on my lips and look at my hand she holds. Pakiramdam ko ay uminit ang aking pisngi at animo'y kiniliti ang aking puso dahil sa kilig na aking nadarama ngayon. W-Why is she holding my h-hand? I looked at her face again once swallowed. Dasha, umayos ka! Dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sa kaniya. Pigilan mo ang sarili mo! Lumapit pa ako ng kaunti, tulog naman siya, hindi niya naman siguro malalaman kapag hinalikan ko siya! At lumapit pa ako ng bahagya, Tama! Tulog naman siya kaya ayos lang na halikan ko siya. One inch na lang ang pagitan ng labi namin, ramdam ko ang kaniyang hininga at naamoy ko ang kaniyang mabangong hininga na amoy menthol. Mas lalapit pa sana ako nang biglang--- dumilat siya.

Nanlaki ang aking mata at pakiramdam ko ay naestatwa ako dahil nakatitig siya sa mga mata ko, "Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong niya.

Napalunok ako kaya kaagad akong umupo ng maayos at lumihis ng tingin, "M-May dumi kasi k-kanina sa m-mukha mo" pagdadahilan ko at pilit na itinatago ang aking kaba.

Pasimple akong tumingin sa kaniya na nakatitig pa din pala sa akin kaya nahuli niya ako, hindi na ako lumihis ng tingin at tumingin na lang ako ng diretso sa mga mata niya, "Salamat sa paghatid sa akin" pasasalamat ko.

Umupo siya ng maayos at tumango, "Ayos ka na ba?"

Tumango naman ako kasabay sa pagguhit ng ngiti sa aking labi at tumingin naman ako sa wall clock, "2am na?" hindi makapaniwala kong tanong sa aking sarili.

Napatingin ako kay Kynzlee na nakatingin rin pala sa wall clock at muling tumingin sa akin, "Sorry kung nakatulog na ako dito," saad niya at napakamot sa kaniyang batok.

"It's okay!"

Tumayo siya at kinuha ang kaniyang bag na nakalagay sa sofa, "Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ko.

Nilingon niya ako, "Uuwi na ako para makapagpahinga ka ng maayos"

Kaagad akong tumayo at lumapit sa kaniya ngunit halatang nagulat siya sa inasal ko, "Bukas ka na lang umuwi, delikado na umuwi ng ganitong oras" pangungumbinsi ko sa kaniya.

Napalunok naman siya, "Pero---"

Hinawakan ko ang kamay niya, "Dito ka na matulog, please"

Tumingin siya sa kamay niya na hawak ko at muling tumingin sa akin, "Hindi pwede" tanggi niya.

Pakiramdam ko ay nalungkot ako dahil sa sinabi niya kaya napayuko ako at bumitaw sa kaniyang kamay, "Ikaw ang bahala" matamlay kong saad.

Maglalakad na sana ako patungo sa aking kama nang bigla siyang magsalita, "D-Dito na ako matutulog"

Napangiti ako ng bahagya pero pinawi ko ang ngiti sa aking labi nang humarap ako sa kaniya, "Talaga?" tanong ko.

Tumango naman siya, "Sa sofa na lang ako matutulog" wika niya.

"Sandali," pigil ko sa kaniya at nagmadali akong tumungo sa aking kabinet, kinuha ko ang blanket at kinuha ko naman ang isang unan ko sa kama kasabay nang pag-abot ang mga iyon sa kaniya, "Ito na ang gamitin mo"

Tumingin siya sa hawak ko at muling tumingin sa akin, "S-Salamat!" nahihiyang saad niya.

Tuluyan na akong humiga sa kama pero nakatitig pa din sa kaniyang mga mata, humiga naman siya sa sofa at ibinalot sa kaniyang katawan ang kumot na ibinigay ko, nilingon niya naman ako, "Matulog ka na!" wika niya.

"Good night!" Sambit ko.

Ngumiti naman siya, "Good night!"

Lumipas na ang 30 minutes ay mulat pa din ako kaya bumangon ako, nilingon ko si Kynzlee na nakapikit na ang mga mata pero gising  pa din dahil hindi makahiga ng maayos sa sofa.

"Kynzlee" tawag ko sa kaniya.

Kaagad niyang iminulat ang kaniyang mata at umupo habang nakatitig sa akin, "May problema ba?" nag-aalalang tanong niya.

Natawa ako ng bahagya, "Dito ka na matulog sa kama, alam kong hindi ka makakatulog diyan sa sofa"

Nakita kong napalunok siya, "Pero---"

"Kasya naman tayong dalawa dito"

Tumingin siya sa kama at muling tumingin sa mga mata ko, "Ayos na ako dito, matulog ka na!"

I stood up and walked closer to her, she just stared at me until I could get closer to her. Hinila ko naman siya patungo sa kama kaya hindi na siya nagreklamo pa. Pinaupo ko siya sa kama, kinuha ang blanket at unan na ginamit niya, bumalik ako sa kama at inilagay ko ng maayos ang kaniyang unan sa kabilang side, nilagyan ko ng mga unan sa gitna bilang harang.

"Ayan! May harang na sa gitna, siguro naman ay ayos na 'yan sa 'yo?" tanong ko.

Tumingin siya sa unan na iniharang ko sa gitna at muling tumingin sa akin, "P-Pwede na"

Natawa ako ng bahagya dahil halatang nahihiya siya, "Matulog na tayo!"

                                                            °°°°°

Kinabukasan! Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa aking mukha. Sino ang nagbukas ng bintana? Tumagilid ako ng higa, niyakap ko ang bagay na katabi ko, ang sarap talaga matulog. Ipinatong ko ang aking binti sa bagay na yakap ko kasabay nito ay kinakapa ko ito at--- bakit parang ang tigas ng unan ko? Kinapa ko pa ng bahagya ang bahaging kinakapa ko kanina, parang pandesal na magkakadikit, teka--- ano ito? Kinapa ko ito pataas upang malaman ko hanggang sa mayroon akong nahawakan na malambot at umbok nang biglang--- may humawak sa kamay ko.

Naimulat ko bigla ang aking mata at bumungad sa akin ang mukha ni Kynzlee na namumula, napalunok naman ako, "K-K-Kynzlee"

"A-Ano'ng ginagawa mo?" nauutal niyang tanong.

Napabalikwas ako bigla ng bangon, inayos ko ang aking buhok at napayuko kasabay nang aking paglunok, "A-Akala ko kasi u-unan ang y-yakap ko" nahihiya kong paliwanag.

Naramdaman kong umupo siya kaya pasimple ko siyang tiningnan, "P-Pasensya na!" paghingi niya ng tawad.

Tumingin naman ako sa kaniya, "Ako ang dapat magsorry" saad ko at yumuko, "I'm sorry!"

Tumayo siya, inayos niya ang kaniyang suot na sando at naglakad patungo sa sofa kung saan nakalagay ang bag niya. Pinapanood ko lang ang bawat kilos niya at napansin kong medyo maluwag ang sout niyang sando. Kumuha siya ng jacket sa kaniyang bag at tumingin sa akin kaya muling nanlaki ang aking mata. Lumihis ako ng tingin kasabay nang pagtayo ko at naglakad patungo sa pinto.

Pinihit ko na ang door knob nang biglang nagsalita si Kynzlee, "Saan ka pupunta?"

Nilingon ko siya, "Maghahanda ako ng breakfast natin"

Tumango naman siya, "Maliligo muna ako"

Tumango lang rin ako at tuluyan ng lumabas sa kwarto, nang maisara ko ang pinto ay nagmadali akong tumungo sa kusina. At nang makarating ako ay lumapit ako kaagad sa lababo, napahawak ako sa aking dibdib kasabay nang paghinga ng malalim. Ano na naman ba ang ginawa ko? Napakagat labi ako at itinukod ang aking dalawang kamay sa gilid ng lababo, k-katawan ni Kynzlee ang k-kinapa ko kanina? Napalunok ako... At--- may p-pandesal akong nahawakan! Shete! Ngayon ko lang nalaman na may abs pala siya. Pakiramdam ko ay namula ang aking pisngi at gumuhit ang ngiti sa aking labi. Enebe! May abs ang mylabs ko.

Lumipas ang minuto ay kumilos na ako upang magluto ng breakfast namin. Nagluto ako ng toccino, hotdog, egg at fried rice. Nagtimpla na din ako ng gatas dahil alam kong hindi umiinom ng kape si Kynzlee. Nang matapos ay inihain ko na ito pero hindi pa lumalabas ng kwarto si Kynzlee, "Ang tagal niya naman maligo" saad ko sa aking sarili.

Tumungo ako sa aking kwarto upang alamin kung tapos na siya magprepare. Pinihit ko ang door knob at dahan-dahan binuksan ang pinto--- bumungad sa akin si Kynzlee na kakasuot lang ng damit, ibinababa niya ito kaya nakita ko ang kaniyang pandesal. Pakiramdam ko ay nanuyo ang aking lalamunan kaya napalunok ako. Legit nga ang pandesal niya at--- 6 packs pa! Nanatili lang akong nakatitig sa kaniyang pandesal kasabay na napakagat sa labi ako. Shete! Ang hot niya!

Bumalik ako sa huwisyo nang marinig ko ang boses niya, "Dasha"

Napatingin ako sa mga mata niya, "H-Ha?"

"Are you okay?" nagtatakang tanong niya.

"O-Oo"

"Namumula ang pisngi mo"

Nanlaki ang aking mata dahil sa sinabi niya, What? Napahawak ako kaagad sa magkabilaan kong pisngi at umiwas ng tingin. Shete! Nakakahiya ka, Dasha!

Tumalikod naman ako sa kaniya, "N-Nakahanda na ang b-breakfast"

Nagmadali naman akong tumungo sa kusina at nang makarating ako ay kaagad akong uminom ng tubig. Napahawak ako sa aking pisngi, nagblush ba talaga ako?  At muli akong napalunok.

"Dasha"

Nilingon ko naman siya at nakita kong nakatayo siya sa tapat ng table, tumingin siya sa kaniyang wrist watch at muling tumingin sa akin, "Kain na tayo, hindi ako pwedeng mahuli sa klase" saad niya.

Tumango na lang ako at umupo sa katapat ng upuan niya. Tahimik lang kaming kumakain, walang nagsasalita, ninanamnam ang bawat pagsubo ng pagkain at nakakabingi ang katahimikan. Pasulyap sulyap lang ako sa kaniya habang kumakain kami, napabuntong hininga naman ako kasabay nang pagkagat sa hotdog. Hindi niya ako pinapansin, Psh! Patuloy lang ako sa pagsubo ng pagkain, hindi na ako nag-abala pa na tingnan siya dahil hindi niya din naman ako papansin.

"Hindi ako makakasabay sayo maglunch!" saad niya kaya tumingin ako sa kaniya, tinungga niya ang gatas na itinimpla ko at muling tumingin sa akin.

"Why?" nagtatakang tanong ko.

Ipinagsalikop niya ang kaniyang mga kamay, "May kailangan akong puntahan"

"Saan?" nagtatakang tanong ko.

"May aasikasuhin lang ako!"

"Ano?"

"Huwag na maraming tanong"

"Saan ka nga pupunta?" kunot noo kong tanong.

Natawa siya ng bahagya pero hindi niya sinagot ang tanong ko kaya napanguso ako na animo'y nagtatampo. Ginulo niya naman ang aking buhok, "Ihahatid ka na lang nila Skye pauwi dito"

Tumango na lang ako, "Okay! Mag-iingat ka"

Nang makarating sa school ay hinatid niya pa ako dito sa classroom, mabuti na lang ay wala pa gaanong estudyante. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa kaniyang suot na leather jacket, "Pumasok ka na" saad niya.

Tumango lang ako at tuluyan na pumasok sa loob ng classroom, tumungo ako sa aking upuan at umupo. Isinalpak ko sa aking tainga ang wireless earphone, sumandal ako sa bintana at umupo ng maayos. Minuto na ang lumipas nang biglang mayroong tumama na bagay sa aking noo, kaagad kong iminulat ang aking mata at tumingin sa bagay na tumama sa akin. Eraser? Aba, sino naman ang bumato nito sa akin? Tumingin ako sa harapan, may babaeng nakatayo doon na nakasuot ng school uniform na katulad sa amin. Sino naman ang babaeng ito? Nakapameywang siya at nakataas ang dalawang kilay kaya tinanggal ko ang earphone sa aking tainga. Naglakad siya palapit sa akin at huminto sa tapat ng upuan ko...

"Long time no see, Dasha" nakangising wika niya.

Kumunot ang aking noo, "Ha? Who are you?" nagtatakang tanong ko.

Natawa siya ng bahagya, "Akalain mo nga naman, nabuhay ka pa!"

Ano ba ang pinagsasabi niya? May sira yata ito sa utak eh?! Tumayo ako pero nanatiling nakatitig sa kaniya, "I'm sorry miss but I don't know who the hell are you," mataray kong saad ngunit ngumisi siya kasabay nang paghila niya sa aking buhok, "Aray!" daing ko.

Napahawak ako sa kaniyang kamay upang tanggalin ito ngunit mahigpit ang hawak niya sa aking buhok, "Hindi ka pa din talaga nagbabago" wika niya.

"ANO BA?! BITIWAN MO ANG BUHOK KO," sigaw ko ngunit mas hinigpitan niya pa ang paghila sa aking buhok kaya mas napalakas ang aking sigaw, napatingin ako sa mga classmates ko na nag-aalalang nakatingin sa akin. Hinila niya ako palabas ng classroom pero nakahawak pa din ako sa kamay niya, "BITIWAN MO NA ANG BUHOK KO," muli kong sigaw ngunit narinig ko naman siyang tumawa, humanda ka sa akin mamaya!

"Bakit nabuhay ka pa?" inis niyang tanong.

"Wala akong alam sa sinasabi mo," saad ko na namimilipit sa sakit nang pagkakahila niya sa aking buhok.

"Gusto mo ba na ikwento ko pa sa 'yo?" sarkastikong tanong niya.

Nang akmang ibubuka ko na ang aking bibig upang magsalita ay biglang--- may taong tinanggal ang kamay ng babae na nakahawak sa aking buhok. Humarang siya sa aking harapan ngunit nakayuko ako habang hinihimas ang aking buhok, "Aray! Masakit 'yon ha?!" reklamo ko.

"Dasha, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Azriel.

"What happened?" tanong naman ni Margeaux.

Hindi ako sumagot sa mga tanong nila sapagkat tumingin ako sa taong nakaharang sa aking harapan, "What are you doing here?" tanong ng babaeng nakatayo sa aking harapan.

Sinilip ko ang impaktang humila ng buhok ko ngunit nagcross arms naman siya at ngumisi, "Long time no see, Kynzlee" sarkastikong wika niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro