IV
“Ekang,tutal.wala ka namang pasok ngayon.Pumunta ka sa SPA.Kahapon pa kita pinapa-punta dun pero hindi mo ko sinunod.” saad ni Tita Felly.
Tiningnan ko ang orasan.Alas tres palang?
“Tyang,alas tres palang ho.Hindi ba at alas dyes ang bukas ng Spa?” tanong ko habang papapikit pa ang mga mata ko.
“Aba senyorita Ekang,nag rereklamo ka ho ba??” balik tanong nito.
Umiling nalang ako at nag peace sign.
“Kaya rin kita ginising dahil sasamahan mo si Maria na mamalengke.Dali bumangon kana dyan.”
Pupungas pungas akong bumamgon kahit gusto pang bumalik ng katawan ko sa higaan.
Syete ayaw makisama ng mga mata ko.Ayan na pipikit ulit sila!!!!
Umupo ako at pinikit ulit ang mata ko.
“Ekang bilisan mo na!!”
“Ayy kabayong malandi.” sigaw ko.
“Dalian mo.Kuuu itong batang to.”
“Opo! Opo.”
“Manang mana ka talaga sa Nanay mong batugan.”
That's it!! Nabwiset na ako.
Okay lang na tawagin niya akong walang kwenta pero ang idamay pati ang nanay ko? Naku! Ibang usapan na yun.
I clinched my jaw at humarap dito.Masasapok ko talaga tong tiyahin ko.
“Ano?” tanong nito at pinandilatan ako ng literal ng malalaki nyang mata.
Pasalamat ka tyang,bagong gising lang ako.
Nginitian ko ito.
“Wala po.Maliligo na ho ako.”
“Ekang hindi ka ba nahihirapan sa ugali ng tiyahin mo?” tanong ni ate maria.
“Nahihirapan,pero sila nalang ang pamilya ko dito.Tsaka,wala akong ibang mapupuntahan kung aalis ako sa poder niya.”
“Hayy.Alam mo bilib ako sayo.Lahat ng pinapakita sayo ni Senyora at ni Ma'am Jasmine,napag titiisan mo.Alam mo naniniwala ako na aasenso ka someday.Kunin mo kong katulong mo kapag yumaman ka ha.”
Ngumiti ako.
“Ikaw talaga ate Maria.Oo naman po,kapag yumaman ako.Ikaw ang gagawin kong mayordoma ng bahay ko.”
“Hoy kanina pa kayo nag dadrama dyan,bayad nyo!” sita ng isang tindera.
“Masasapak ko yan.Pigilan mo ko ate Maria.” bulong ko.
“Sige na,sapakin mo na.”
Napaka supportive naman nitong si Ate Maria.
Napakamot nalang ako at nag peace sign sa tindera.
“Ekang,labhan mo nga tong sapatos.” utos ni Ate Jasmine pagka pasok palang namin sa bahay.
Ano ba yan.....Hagardo versosa na po ako.
Nilapag ko ang mga plastic ng pinamalengke namin at kinuha ang sapatos sa mesa.
“Aayusin ko lang tong mga pinamili namin Ate saka ko lalabhan yan.”
“Labhan mo na yan ngayon.Bilisan mo na.” tumalima agad ako at inumpisahang labhan ang sapatos ni maldita.
Habang nag lalaba ako,naisip ko si Kean.Siya ang best friend ko sa probinsya.May negosyo rin ang magulang nito sa Maynila kaya malamang nasa maynila na rin ito.
Kaso,wala pa akong phone.
Ayun,tama! Sa social media.Baka sakaling maka-usap ko ito.
Tinapos ko agad ang pag-lalaba sa sapatos at umakyat sa kwarto ni Ate Stephanie.
Nakaka-ilang katok na ako bago ito nag salita.
“Pasok.” sigaw nito.
Naistorbo ko ata ang tulong nito.
Umupo ako sa tabi nito.
“Ate Steph.”
“Hmm ekang ano yun? Pinagalitan kana naman ba ni Mommy? O pinag tripan ka nanaman ni Jazz?”
Napa-kamot ako sa ulo ko.
“Hindi po.”
“Himala ata yun ah.”
“Sanay na ako sa ganun.Pero ate kaya ako pumunta dito,kasi makikigamit sana ako ng laptop mo.”
“Nasan yung laptop na binili ko para sayo?”
Huminga ako ng malalim.Ano bang irarason ko? Baka magalit si Tyang kapag nag sumbong ako na kinuha nito ang laptop na bigay ni Ate Steph.
“Ano kasi,nasira.Tama nasira nga yun ate.”
“Ganun ba? Sige gamitin mo na.Alam mo naman ang code niyan diba.Antok pa kasi ako ekang.”
“Sige ate matulog kana ulit.”
Sinearch ko ang pangalan ni Kean.Ang dami namang kean espinosa.
Ayun! Pisngi palang nito kilalang kilala ko na.
Tiningnan ko ang profile nito sabay add.
Hmm.Lalo siyang gumanda ngayon.
Tinanggap niya naman agad ang request ko kaya nag message ako sa kanya.Matagal bago ito mag respond.Kinuha ko rin ang numero ng telepono nito para matawagan ko siya kapag nagka phone na ako.
Inoff ko na ang laptop at bumalik sa kusina.
Naabutan ko pang nag dadada si Tyang kaya dahan-dahan akong gumapang papuntang laundry area.
Mabuti nalang at maliit ako kaya hindi nito napansin ang pag daan ko.
“Oh Ekang.Kanina pa kita hinahanap,kanina kapa ba dyan?” tanong ni tyang.
Nag kunware akong naglalaba para hindi na ito mag tanong pa.
“Opo tyang.Bakit po?”
“Itigil mo muna yan at si Maria na ang bahalang tumapos dyan.”
Napa-ngiti ako.
“Talaga Tyang? Tumawag siguro sa inyo si Tito kaya ang bait nyo ngayon.”
“Syempre,alangan namang sayo tumawag diba?Sige na pumasok kana sa loob at mag bihis kana.”
“Saan po tayo pupunta?”
“Sasamahan mo si Jasmine sa condo niya.May mga gamit siyang dadalhin dun kaya ikaw muna ang tumulong sa kanya.”
Naku!!!!Mas gugustuhin ko pang maglaba maghapon kesa sumama sa bruhildang yun.
“Aray tyang.Ang sakit po ng tyan ko.nai-LBM po ako.” saad ko habang hawak-hawak ang tyan.
Hinampas nito ng pamaypay ang ulo ko.
“Wag mo kong daanin sa mga kaartehan mo Ekang.Hindi na yan uubra.Dalian mo na at pababa na yun si Jasmine.”
Labag man sa loob ko,nag bihis na rin ako at hinintay ang pinsan kong sobrang maldita.
“Ekang,dinadala mo yang pagka probinsyana mo.Ba't naka pambahay ka lang?” sita ni Jasmine.
Sinipat ko ang suot ko.....Wala namang mali sa suot ko ah.Sa amin nga,pang lakad ko na to eh.
“Jazz napaka arte mo.Ang ganda nga ni Ekang sa suot niya.Ekang don't mind her,kahit anong isuot mo,bagay sayo lahat.”
Napa-ngiti ako sa sinabi ni Ate Steph.
“Wag ka ng ngumiti dyan.Halika na.”
Nagpa-alam ako kay ate steph bago sumunod kay jasmine.
Ipokrita talaga.Tsk!!
"May pupunta dito Ekang.Kapag tinanong ka kung kaanu-ano kita,sabihin mo na pinsan kita pero wala ka ng idudugtong.Maliwanag?” saad ni Jasmine habang nag aayos kami sa kusina ng condo niya.
“Oo.”
“And speaking of.Nandyan na siya.” saad nito at inayos pa ang damit.
“Hi Reeze.” bati nito sa babaeng bagong dating.
Hi reeze. Psshhh.Akala mo mabait na tupa.
“Oh hi? Jasmine nay kasama ka pala dito.” saad ng babae.
Nginitian ko ito.
“Yeah.She's my cousin Erika.And Erika this is Reeze,my ex girlfriend but now my soon to be girlfriend again.” saad ni Ate Jasmine at kumapit pa sa braso nito.
Alam kong naasiwa ang babae kaya tinaggal nito ang kamay ni Jasmine.
“Hi erika.”
Ang sweet naman ng boses nito.
“Hello po.” saad ko.
“Ekang,pwede ka ng umuwi.Here,mag taxi ka nalang okay?”
Inabutan ako nito ng 500 pesos.
Hay salamat,makaka-uwi na rin ako sa wakas.
“Sige po.”
Kinuha ko agad ang dala kong bag at lumabas ng unit.
“Abakada egaha ilamana-- arayy!”
Bakit ba sa tuwing kumakanta ako,may mga tao talagang susundot sa tagiliran ko o kaya'y katulad nitong makaka-bangga ko.
“Miss.I'm sorry,i'm sorry.”
Nawala ata ako sa katinuan ng mag tama ang mga mata namin ng babaeng naka bangga saken.
“Okay lang.” saad ko pero hindi ko parin tinatanggal ang mata ko sa mukha nito.
“Are you sure? Erm.Here's my card.Tawagan mo ako kapag may kailangan ka okay?”
“Ha? Okay lang po talaga ako.”
Napa-kamot ito sa ulo.
“Kunin mo na tong card.Malay mo,kailangan mo ng tulong or trabaho.Sige ha,bye!”
Tumakbo na ito palayo.Naiwan naman akong naka titig sa likod nito.
Kailangan ng trabaho? Tulong???
Ito na siguro yung sign para maka-alis ako sa poder ni Tyang Felly.
-----------------------------------------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro