Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

III



Sinisipa ko ang batong nadadaanan ko habang nag-iisip kung pano makaka-alis sa poder ni Tiyang Felly.

Mabuti nga at lagi ng nasa condo si Ate Jasmine kaya nabawasan ng isang mata-pobre sa bahay.

“Hoy Ekang bilisan mo,si Joshua binubugbog duon sa room.” sigaw ni Crusita.

Bigla akong tumakbo ng marinig ko ang pangalan ni Joshua.Dios ko,napag diskitahan siguro yun ng mga adik sa school.

“Crusita saang room?” tanong ko.

“Doon.” turo nito sa janitor's room.

Napakamot ako sa ulo.

“Sure ka na nadyan si Joshua?”

Tumago ito kaya pumasok ako sa loob.

“Crusita wala naman dito si-- ” tumakbo ako pabalik dahil bigla nitonh sinarado ang pinto. “Crusita ano ba! Buksan mo to.” sigaw ko habang pinupokpok ang pinto ng janitor's room.

“Mas bagay ka dyan bitch.Aagawin mo pa sa amin si Joshua ha.”sigaw nito kasabay ng mga halakhakan sa labas.

Ang tanga ko,ba't ba ako naniwala agad na may maglalakas loob na bugbugin si Joshua eh sikat nga yun dito sa school.

Napa-luhod ako kasabay ng pag tulo ng luha ko.

Ma! Kung nasan ka man ngayon,sana yakapin mo ako.Miss na miss na kita Ma.

Yumuko ako.

Simula nang pumasok ako sa school na to.Naging impyerno na ang buhay ko.Ikaw ba naman ang magkaroon ng mga adik at bully na mga kaklase.Tatagal ka pa kaya sa ganitong lugar? Kung may choice lang talaga ako,aalis agad ako sa school na 'to.

Dito rin ako naniwala na hindi mo magagamit ang ganda at kutis mo kung hindi rin lang malakas ang loob mo.Dahil kahit ang isang panget,nagiging sikat sa school na to basta matapang ang bungo mo.

Sa dati ko kasing eskwelahan kapag maganda ka,mas marami kang magiging kaibigan.Pero dito,lakas ng loob ang labanan.

May narinig akong yabag mula sa labas ng janitor's room kaya pinukpok ko ang pinto.

“Tulong! May tao ba dyan?? Please pabukas naman ng pinto.” sigaw ko.

“Si-sino ka? Tsaka paano ka napunta dito?”

That voice! I knew that voice.It's Joshuas'.

“Pabukas naman po ng pinto please.” sigaw ko parin.

Naririnig kong may kinakalas ito mula sa pintuan at hindi kalaunan,nabuksan na nito ng tuluyan ang pintuan.

“Salamat Joshua.” saad ko at niyakap ito.

Nagpapasalamat parin ako sa mga taong nag kulong sa akin sa loob ng janitor's room.Atleast,nayakap ko si Joshua.

“Hey.Pano ka napunta dito?”

Kumalas ako sa pagkaka-yakap at pinunasan ang uhog sa ilong ko.

“Wala.Ma-may taong nag prank sa akin kaya ako napunta dyan.Joshua salamat ha.Ahm halika,ililibre kita.Anong gusto mo?”

Ngumiti ito kaya lalo akong kinikilig.

“Ang bait mo talaga Erika.”

Erika? Tinawag niya ba talaga ako sa pangalan ko? Grabe,nasa ulap na ba ako?

Pumitik ito sa hangin kaya naputol ang pag di-daydream ko.

“Ah kilala mo a-ako?” tanong ko.

“Oo naman.Lagi kang top sa klase nyo kaya lagi kong nakikita ang picture mo sa bulletin.Alam mo mas maganda ka sa malapitan.”

Hala,kinikilig ako shete.Nagagandahan siya saken?? Grabe na talaga to Lord.

“Sa-salamat Joshua.Ikaw rin ang gwapo mo sa malapitan.Meant to be ata tayo.” wala sa sarili kong saad.

“Huh? Anong meant to be?” tanong nito kaya tumawa ako kunwari.

“Wala.Hehe,halika na ililibre na kita.”

Habang nag-lalakad kami,maraming matang naka titig sa amin at yung iba nga iniirapan ako.Pero ito na yung matagal kong pinangarap,ang maka-sama si Joshua.

Hanggang sa canteen,hindi parin natatapos ang bulungan at irapan ng mga kapwa ko estudyante na siguro naiinggit sa akin.

“Ako na ang bibili ng pagkain,diba tacos at siopao ang gusto mo?”

“Huh? Pano mo nalaman na yun ang paborito ko?”

Napakamot ako sa ulo.

“Hinulaan ko lang.” saad ko at nginitian ito.

Sa dami ba naman ng nagkaka-gusto sa kanya,marami na akong naririnig tungkol sa mga ayaw at gusto nito.

Lumapit saken ang grupo ni Crusita habang naka-pila ako sa counter.Pasimple ako nitong kinurot sa tagiliran.

“Arayyy! Ano ba?” sigaw ko pero tinakpan ng alalay nito ang bibig ko.

Eww! Yuck ang alat.Pweh!!

“Ikaw ekang ha,kinulong na nga kita sa janitor's room,naka labas ka parin at kasama mo pa si papa josh.May lahi ka bang mangkukulam at lahat nalang ng ginagawa namin sayo lagi kang nakaka ligtas?” pagalit na saad ni Crusita.

“Alam nyo,hindi ko alam kung anong ginawa ko sa inyo at ganyan na lang ang galit nyo sa akin pero thank you ha,thank you kase ng dahil sa pag kulong niyo sa akin sa janitor's room,nakasama ko ngayon si Joshua.”

Napa-pikit ako ng muntik na akong sampalin ni Crusita.

“Anong ginagawa niyo kay Erika?”

“Ahehe.Hi papa Josh.” tili ng mga bruha.

“Naka order kana ba? Halika na!”

Hinila ako ni Joshua palayo sa mga ito.

“Wag mo ngang papapayagan yung mga yun na i-bully ka lagi.” saad nito.

Kinikilig ako.Concern ba siya??

Ngumiti ako.“Hayaan mo nalang yun.Kumain na tayo,baka mag bell na.”

“Oh my Gosh!!” muntik ko ng mai-luwa ang kinakain ko dahil sa pag tili nito.

Hindi naman siguro ako nagkamali ng dinig,si Joshua talaga ang tumili.

Tiningnan ko kung saan ito naka-tingin.

Hindi ko alam kung sino ang tinitingnan nito sa kumpol ng mga lalaking basketball player pero alam kong kinikilig ito.

“Girl,sa tingin mo sinong cute sa mga yan?”

Nanlumo ako sa narinig ko.Confirm?? Darna nga talaga siya.

“Girl ano na?” tanong pa nito at tumingin sa akin.Hindi parin sumi-sink in sa utak ko ang mga pinagsasabi nito.

Hinawakan nito ang kamay ko.

“Hayy.Tulaley kana dyan.”

“Jo-josh? Ahm ano ka?”

Ngumiti ito.

“Alam mo,unang kita ko palang sayo magaan na agad ang loob ko.Alam kong mapagkaka tiwalaan kita kaya girl,sikreto lang to ha.Isa akong bading,shokla kung tawagin nila tsa-”

Pinigil ko ang sasabihin nito.Ayokong marinig.Mas masakit palang malaman na bakla ang crush mo kesa sa pinagpalit ka nito sa ibang babae.

Sinuntok ko ito sa braso.

“Ouch.Girl it hurts ha!”

Natutop ko ang bibig ko.

“Oh My God.Confirm nga.Tarantado kang bakla ka,alam mo bang crush na crush kita? Tapos malalaman ko na bading ka.Para mo na rin akong na friend zone.”

Tumawa ito at niyakap ako.

Siguro sa mga hindi nakaka-alam na bading ang hearthrob ng campus,iisipin nila na may something kaming dalawa.

“From now on,best friend na kita ha.” saad nito.

“Bakit? Sayang yang kagwapuhan mo.”

Hinampas ulit nito ang braso ko at muling nag blush ang mukha nito ng dumaan ang team mate niya.

“Hayy.Ang cute talaga ng papa na yun.Alam mo girl,everytime na nagkaka dikit kami sa practice,feeling ko mahuhulog ang panty ko.Shit ang gwapo niya.Ayy!!” tili nito.

Dios ko,halikan ko kaya to para bumalik sa katinuan.

“Joshua pwede mag tanong?”

“Oo naman girl,pero pwede bang 'yanna nalang ang itawag mo saken kapag tayong dalawa lang.So anong itatanong mo?”

“Bukod sa akin.Sino pang nakaka-alam na alam mo na,darna ka?”

He or she crosses her arms.

“Wala pa.Ikaw pa lang,kaya wag mong sasabihin kahit kanino ha.Mapapatay ako ni Papa kapag malaman nila na isa akong bakla.Military army pa naman yun kaya mataas ang expectation nila sa akin.”

Feeling ko hirap na hirap na ito sa sitwasyon niya.

I sigh.

“Promise.Wala akong pagsasabihan.Pero curious lang ako,pano mo natatago yung kabadingan mo? I mean,yung pag lalakad mo,kilos mo at pananalita mo?”

“Sa kilos,ganun parin naman ako,pero sa pananalita siguro dun ako nahihirapan.Alam mo gurl,it's super hirap talaga.Lalo na kapag si Papa ang kausap ko,brusko pa naman yun so syempre kailangan matigas din ako.Pero minsan bumabaluktot talaga tong dila ko.”

Natatawa ako dahil sa pag irap nito habang nag sasalita.

Kung hindi lang kita mahal baka nasuntok na kita sa mga pinagsasabi mo.” bulong ko.


-----------------------------------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro