II
Ako si Erika "Ekang" Guttierez.17 palang ako at nag aaral sa Public School dito sa Maynila.
Bata pa lang ako,kinalikan ko na ang matawag na 'anak sa buho.
Hindi ko naman sila masisisi kase totoo naman yun.Nabuntis kasi ang nanay ko ng isang koreano pero iniwan kami nito ng malamang buntis na si Nanay.
Pero ang bali'balita raw na namatay ang tatay ko sa isang aksidente.
Lumaki ako sa probinsya pero nang mamatay si Nanay,kinuha na ako ng mata-pobre kong tiyahin na si Tita Felly.Si tita Felly ay asawa ng kapatid ni Mama.Pero dahil nasa ibang bansa ang negosyo ng pamilya nila,si Tita Felly ang naiiwan sa bahay.
“Ekang.Ano ba yan,tanghali na nasa kwarto ka parin.”
Hay! Si tiyang talaga,alas singko palang ng madaling araw eh tanghali na raw.
O sige ha,mamaya ko na ipag papatuloy ang kwento ng buhay ko.Tinatawag na kasi ako ng tiyahin kong parang armalite ang bibig.
Pano ko nasabi? Ganito kasi yun.
“Ekang yung mga labahin dun.Tapusin mo na ha,yung damit naman ni Jazz,kusutin mo lang.Alam mo naman na maselan ang prinsesa ko.Tapos mamaya pala,pumunta ka sa Spa.Magpa-turo ka ng mag masahe dun para naman may silbi ka.”
Blah! Blah! Blah!
Sanay na sanay na ako sa bibig nito at sa pag tawag nito sa akin ng walang kwenta araw-araw.
Pero tinitiis ko lang yun,pano ba't kapag naka-graduate na ako,makaka-alis din ako sa bahay na to.
“Oh ano pang tinatayo tayo mo dyan?? Ekang,kailangan ko pa bang ulit-ulitin lahat ng sinabi ko?”
Napukaw ako sa sigaw nito.
“Tiyang,baka po pwedeng mag almusal muna ako.Nagugutom na po kasi ako.”
Hinampas ako nito ng hawak niyang pamaypay.
“Aba ekang,mauuna ka pang kumain sa mga anak ko? Mamaya ka na kumain,atupagin mo muna lahat ng inuutos ko sayo.”
Palihim ko itong inirapan.
“Mabilaukan sana kayo.” bulong ko.
“Anong sinasabi mo ekang? Nag re-reklamo ka ba ha?”
Umiling ako.
“Naku tiyang,hindi po.Ang sabi ko po,ang ganda niyo po ngayong araw.Sige po tiyang,maglalaba na po ako at sana mabilaukan ay este maganda ang mood niyo ngayon.”
“Tiririt ng ibon,tiririt ng maya.Ang huni ng-- ay kabayong hilaw!” napasigaw ako ng sundutin ng ponchio pilato ang tagiliran ko.
“Ano yung kinakanta mo? Hahaha para ka talagang bata ekang.” saad ni Ate Stephanie sabay gulo sa buhok ko.
“Ikaw lang pala yan ate.”
Sa lahat ng anak ni Tiyang Felly,si Ate stephanie lang ang kasundo ko.Bukod kasi sa mabait ito ay lagi niya akong pinag tatanggol sa maldita nitong kapatid na si Ate Jasmine.
Dalawang taon lang ang agwat sa akin ni Ate Jasmine.Four years naman si Ate Stephanie.
“Si Mommy talaga,pinaglalaba ka agad ng ganitong oras? Halika ekang,duon tayo sa kwarto ko alam kong gutom ka na.”
Konti nalang talaga,maiiyak na ako sa kabaitan ni Ate Stephanie.
“Naku ate,sobrang salamat talaga pero mamaya na ako kakain.Baka umusok nanaman ang ilong ni Tiyang kapag nakitang hindi ko pa tapos gawin lahat ng inuutos niya saken.”
Tumawa ito.
“Ang bait mo talagang bata ka.Pero ako na ang bahala kay mom.Halika na,iuutos ko na lang yan sa katulong.”
“Sige na nga ate.” saad ko pero ang totoo masaya ako kasi makakapag pahinga ang sugat-sugat kong kamay kaka-kusot ng mga damit.
“Ekang,ubusin mo yan ha.” saad ni Ate Steph.
Naka-upo ako sa kama niya habang ito naman pinapa-nuod lang akong kumain.
“Kumusta sa school?” tanong nito.
Uminom ako ng tubig bago sumagot.
“A-ayos lang.Ma-masaya naman tsaka mababait lahat ng kaklase ko.” saad ko pero ang totoo,impyerno ang kalagayan ko sa eskwelahang yun.
“Hmm.Baka may boyfriend ka na ha.”
Nailuwa ko ulit ang kinakain ko.Ayan tuloy,kinikilig ako.
“Actually ate,may crush ako sa school.”
Hinampas nito ng mahina ang braso ko.
“Wag kang mag actually,hindi ka artista.” saad nito na natatawa.“Pero sino itong crush mo?”
Biglang nag init ang pisngi ko.
“Si Joshua Cruz.Kilala yun sa school ate kasi varsity player siya.Tapos may kaya sa buhay kaya medyo maraming nagkaka-gusto sa kanya.” saad ko habang ini-imagine ang gwapong mukha ni Joshua.
“Oh ba't di mo sabihin sa kanya na gusto mo siya?Malay mo gusto ka rin niya,maganda ka tsaka kutis artista ekang.”
“Asa naman akong papansinin ako nun noh.Ang tsismis kasi ate,lalaki din daw ang gusto nun.Pero hindi ako naniniwala.Kasi para saken,siya parin ang pinaka-macho at pinaka-gwapong lalaki sa balat ng lupa kahit isa pa siyang darna.”
Tumatawa si Ate Stephanie habang hinahampas ang hita ko.
“Hahaha.I can't imagine na mas babae pa sayo ang crush mo.”
“Ate nakikipag usap ka nanaman sa panget na yan.” pareho kaming tumigil sa pag tawa dahil pumasok ang reyna ng mga kamalditahan na si Ate Jasmine.
“Why what's wrong kung kaka-usapin ko siya?Pinsan natin siya Jazz and please get out of my room kung pag-didiskitahan mo nanaman si Ekang.”
“Ate Steph,lalabas nalang po ako.” bulong ko kay ate stephanie.
“You should ekang.May sasabihin kasi ako kay ate na hindi mo pwedeng marinig.” saad ni Ate Jasmine at inirapan ako.
“Ano ba Jazz? Wag mo ngang pag mamalditahan si Ekang.Ano ba kasing sasabihin mo?Dalian mo at may pinag uusapan pa kami ni Ekang.” kunot noong saad ni Ate steph.
Bumuntong hinga ito at biglang nag bloom ang mukha.
“Ate,you won't believe this.Feeling ko magkaka balikan na ulit kami ni Reeze.” tili nito with matching talon-talon pa.
“So?? Matapos mo syang lokohin,ngayon makikipag balikan ka? Are you out of your mind? Ginagawa mong laruan yung tao.Pwede ba Jazz,tumigil ka.”
Sumimangot ito sabay cross ng arms.
“But you said,balikan ko siya kasi mas nararapat siya saken kesa kay Arthur?” saad nito na naka-pout ang lips.
“Oo,pero dati yun nung nakikita ko pang nasasaktan ka dahil sa pag iiwas sayo nila mommy sa kanya.Pero ngayon jasmine,naawa ako na ako dun sa tao.Alam mo kung hindi ko sana kayo naabutan ni Arthur na nag si-sex sa condo mo,ako pa sana mismo ang maglalapit sa inyo ni Reeze.”
Oh my gosh.Talandi pala tong si Ate Jasmine.Tsk!
Pumadyak ito at muling inirapan si Ate Stephanie.
“Basta ate.Kukunin ko ulit ang loob at tiwala ni Reeze.Pero sana wag mo munang sasabihin to kina Mommy please.”
“Okay.Let's see kung babalik pa ang tiwala sayo nung tao after what you did to her.”
Her? Siya ata yung sinasabi ni Tyang na dating dyowang babae ni Ate Jasmine.
“Whatever.” saad nito at akmang tatalikod.
Pero tumigil ito at sinamaan ako ng tingin.
“Ikaw ekang ha,wag na wag mong mababanggit kay daddy or kay mommy lahat ng sinabi ko or else ma sasabunutan talaga kita.” saad nito habang dinuduro ako.
“Opo ate.Hindi ko sasabihin.”
“Good.” saad nito at tinapik-tapik ang pisngi ko.
Tumalikod ito at kumaway.
“Bye ate.Bye panget.”
Psshh.Panget daw ako eh mas hamak naman na mas maganda ako sa kanya.
-----------------------------------------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro