Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

.


●━━━━━━━━━━━━─╮

TITLE: SA SUSUNOD NA HABANG BUHAY

━━━━━━━━━━━━

RAVIER MOORE

╰─━━━━━━━━━━━━

Iminulat ko ang aking mga mata. Papikit-pikit ako sapagkat nakasisilaw ang sinag ng araw. Hindi ako makapaniwala na nagawang isakripisyo ni Paolo ang kanyang buhay alang-alang sa kaligtasan ng lahat!

Bumangon ako sa kahihilata. Nanlaki ang mata ko nang tinawag ako ni Elena Ravenita.

Nakangiti siyang kumakaway sa akin. Her soul is free and now receding from my sight.

Nilibot ko ang paningin kung nasaan ako.

Nakaupo ako sa mansyon ng mga Ravenita!

I was saddened when I saw its ruins.

Puro mga sirang kahoy, bubog ng bintana, sunog na kagamitan at pira-pirasong bato nito ang tangi kong nakita. Hindi ko akalain na kahapon na pala ang huling araw na makikita ko itong kay ganda.

Ang dating makulimlim na kaulapan ay napalitan ng bughaw. Napakunot ang noo ko nang may nakalutang na lagusan sa likuran.

Tanaw ko ang bagong tayo na mga nagkikintabang tore at kastilyo. Mamumungkahi kong ligtas ang mga estudyante roon.

Kinapa-kapa ko ang katawan ko para siguraduhin na ako ang nagmamay-ari nito. Tumayo ako at dinampot ang bubog ng salamin.

Bago ko man makita ang sariling repleksiyon, may sumigaw sa gate ng mansyon.

"Paolo, anak!"

Tumingin ako sa baba.

Umawang ang labi ko. Nandoon silang lahat!

Nandoon ang mga co-guardians kong umiiyak, at nagyayakapan!

Hudyat na tapos na ang kaguluhan ni Tempiros. Nagpapasalamat ako kasi, nakaraos sila sa matinding pagsubok na ito.

Ang ikinababahala ko na lang ay kung paano kami magsisimula.

Sumikip ang dibdib ko nang nagluksa ang pamilya ni Amelia sa pagkamatay ni Paolo. Si Amelia ay pasigaw na umiyak habang nakahiga sa dibdib ng kaniyang Kuya. Ang kaniyang ama ay nakaakbay sa asawa niyang nakasandal sa kaniya.

Nanlulumo kami at nanghihinayang dahil napakaaga niya para mamatay. He deserves to live more.

Si Luwaya ay kumahol sa iyak. Narinig ko na naman ang panggagaya niya ng tunog ng ibang hayop. Mapagmahal talaga ang ibong ito sa amo niya. Mabuti at ligtas ang alaga ni Paolo sa panganib na 'yon.

Bumaba ako. Nang makalapit ako sa pamilya nila ay napatingin silang lahat sa akin.

Pilit akong ngumiti at tumabi kay Amelia. "I'm ready to make my last wishes," nakangiting sambit ko sa kan'ya.

Napatingin siya sa akin, nagtataka. Sa dami-dami ba naman kasi ng panahong maaaring gumawa ng kahilingan, dito pa talaga sa pagluksa ng Kuya niya.

Sa dami-dami ng nangyari, hindi ko na rin alam kung pang-ilang kahilingan ko na mula sa kaniya. Basta ang importante, nakadudulot ito ng pag-unlad sa kapuwa ko.

Ngumiti siya bilang ganti. Pinunasan niya muna ang mga luhang nagsitulo. "A-Ano'ng kahilingan mo?" nahihikbi niyang tanong.

Tumitig ang mga magulang niya sa akin, nawirduhan sa pagsulpot ko.

Nginitian ko sila at hinawakan ang maamong mukha ni Paolo. Huwag kang mag-alala, Paolo Everette Delos Santos. Ang nabitin mong buhay ay aking dudugtungin. Your twist of fate is about to begin.

Nanlaki ang mata ni Luwaya at hinawakan ang magkabilang pisngi. Nginitian ko siya na ikinahimatay niya.

"Hiling ko ay mabuhay ang kapatid mo."

Lumingon ako kay Amelia na ikinapukpok ng dibdib niya. Sa likuran niya ay sina JC, Wilson, Sebastian, Bella at Christel na tumatakbo papalapit sa amin.

"Salamat, Amelia dahil naging kaibigan kita. Ang isa ko pang kahilingan ay pagtagpuin kayo ng mahal ninyo kahit magkaiba man kayo ng tinitirhang mundo," sambit ko.

"P-Pero." Paulit-ulit siyang umiling, hindi makapaniwala sa aking hiniling. "Para sa 'yo 'tong mga kahilingang ito, Ravi. Hindi para sa 'kin—"

"Amelia, magkaibigan tayo, hindi ba?" nakangiting tanong ko sa kaniya. "Hindi ako humihiling ng perpektong buhay lalo na at kung hindi ko ito pinaghirapan. Sa reyalidad, hindi ako naghahangad ng mala-prinsesa o mala-pantasyang kinabukasan. Kung ano ang ibinigay sa akin ng Diyos ay siyang tatanggapin ko at bibigyang halaga. Huwag mo na akong alalahanin, Amelia. Ako na mismo ang magmamaneho nitong buhay ko."

 
A

t ang huli kong hiling . . . ay sana magkita tayo muli.
 




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #visions