꧁𝟏𝟓.𝟏𝟐⢾░▒
꧁ 𝐒𝐄𝐀𝐒𝐎𝐍 𝟐 ✢ 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐤 𝐑𝐞𝐚𝐥𝐢𝐝𝐚𝐝
𝐑𝐀𝐕𝐈𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 𝐁𝐄𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐎𝐌𝐈 𝐄𝐕𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋𝐈𝐒𝐓𝐀 '𝐌𝐎𝐎𝐑𝐄' |꧂ Ang pagmamahal ay parang kanta.
Ang tone and mood ay paiba-iba. Bawat litanya ng makahulugang musika, sa pagdaloy ng kalungkutan ako nadala. Pero since masyado akong nagpakasaya, nagpantasya, at nagpakaasa, hindi ko namalayang ending na pala.
Pero worth it naman dahil may aral akong napala. Oo, masaya pa rin kasi kahit papaano, e, nagtagumpay sa umpisa. Mayroon kaming nagawa sa isa't isa.
Ang love ay para ding nobela.
Habang nagtitipa ng mga letra, sakit ng alaala ay sariwa sa memorya. Sa pagtatapos ng isang kabanata, matapos isigaw ang nilalaman ng pagdurusa, siguradong hindi na ako apektado sa muli naming pagkikita. Darating din ang panahong ako iyong kusang magsasawa dahil nakapokus na sa iba.
The ten-minute of waiting tested my patience. I stood upon the glossy black grounds of the ASAP studio backstage. Actually, nasa likuran ako ng malalaking TV screen, waiting for those to open. Hinintay ko pa munang patapusin si Miss Morissette Amon na kumanta ng Akin Ka Na Lang sa The Greatest Showdown.
Oo, guest ako sa ASAP Natin 'To, celebration sa muling pag-ere ng channel two. Sa taong two-thousand twenty-two, ire-renew na ang prangkisa ng ABS-CBN. Si BBM na kasi ang bagong presidente.
"At sa panaginip lamang," kinulot ni Miss Morissette iyong dulo. "Nahahagka't nayayakap ka~"
Napangiti ako sa pagkasopistikada ng kaniyang boses . . . at sa pagiging relatable ng song.
Tatlong linggo ko na siyang hindi nakita; from sembreak until that Sunday, November twenty. Birthday ko na sa twenty-five, pero ang masaklap ay sa panaginip ko na lamang siya maaabot.
Sapagkat binasag ng dismaya ang sensitibo kong puso, tumungo ako para humingang malalim, minamasdan ang sariling pink na damit na naka-off shoulder. I prepared myself by looking straight ahead, focusing on my song, and unhearing the blending of the claps and orchestra.
While staring at the bulky rears of the LED screens, jungle-like vines of their cables struck me in awe. I stole a look at the dim side stage. Glimpses of rainbow spotlights and camcorders roamed around the top. The chilly breeze might come from a luxurious atmosphere, but it failed to comfort my anxiety.
Once the stage doors opened, I slightly stumbled then sauntered forward to recover, ready to behold a vast arrangement of spectators.
Ipinagdaop ko ang parehong kamay sa mikroponong Sennheiser. Rumampa na ako nang pa-cross legs. Madulas ang stage lalo na at naka-heels ako. Pero since iba na ang direktor ng ASAP, nakapagbayad na sila ng Meralco. Mas maliwanag sa telebisyon ang porselana kong kutis.
Pagtapak sa entablado sa unang pagkakataon, binugaran ako ng palakpakan ng mga dabarkads, paglipat ng mga prompter, at ng mga awtomatikong stage light.
Hiniyaw ng fans ko ang aking pangalan. Bumaba ako padiretso sa gitna ng tanghalan. Nang ang paglalaro sa tiklado ay tinigilan, kami ay inalok ng sandaling katahimikan.
Ipinagdikit ko ang sariling paanan. Para ang paggapang ng kaba ay maiwasan, itinutok ko ang aking mga mata sa kalayuan.
Dinalaw ako ng panghihinayang na may bulong ng kalungkutan. Kumislap ang nakaraan, binabalik-tanaw ang sandaling pagmamahalan na dapat sana ay nagsumpaan.
Hinimig ko na ang dapat nilang pakinggan. Para nga akong tulalang nakatingala riyan. Nanubig ang aking mga mata dahil sa kagustuhang takbuhin ang kalawakan para siya ay mahawakan. Pero since may hangganan ang aking kalayaan, idadaan ko na lang sa malalim na pinaghuhugutan.
"Someday, you're gonna realize,
One day, you'll see this through my eyes,
By then, I won't even be there,
I'll be happy somewhere,
Even if I can't."
Pero mayroon akong natutuhan. Hindi ko literal na makakalimutan ang Paolo'ng iyan, but at least, maglalaho naman ang aking nararamdaman. Distansiya ang kasagutan.
"I know you don't really see my worth,
You think you're the last guy on earth,
Well, I've got news for you,
I know I'm not that strong,
But it won't take long, won't take long,"
Marami pa namang isda sa karagatan. Masaktan man akong natinikan, darating din ang isang taong pahahalagahan ako nang lubusan. And my jigsaw piece would definitely fit into that person's heart.
"'Cause someday, someone's gonna love me,
The way I wanted you to need me,
Someday, someone's gonna take your place,
One day, I'll forget about you,
You'll see, I won't even miss you,
Someday, someday."
There were lots of doors in life, Ravi. You could open those for opportunities. Fill your empty heart! You deserved better! Maybe, as I moved on, I could be even in my best without the person I loved the best.
Matapos kong kumanta, lumingon ako patalikod, sa LED screen ng stage. Inayusan ako ng mga make-up artist na h-in-ire ni Tita Susan; tinitirintas nang pa-bun ang aking buhok. Samantalang ako, pinanood sa TV ang bali-balita tungkol sa engagement party namin ni Jaxon, sinabay sa birthday ko.
Tita Susan's make-up artists busied themselves in brushing away the dust of my outfit, even though the fabric was already neat. They were perfectionists! As the clock flew its hands, the beeping sound of my phone voyaged around the corners of my peach-colored royal room.
I looked down at the vanity table with a mirror set. My iPhone was there, moving on its own because of the endless, bugging vibration!
Kinagat ko ang aking labi pagkatapos ay kumunot-noo. Sino na naman ba iyon?
Parang nakakita ng isang milyon, idinaklot ko ang sumilaw na notipikasyon. Para na ngang mabibiyak iyong iskrin sa pagkakadiin ng pagpindot ng aking hinlalaki roon.
Nang malamang siya iyong nag-text niyon, mistulang piniga ang namilipit kong katawan sa galit na nanlalamon. Para akong ginatungan sa pag-alab na emosyon! Ang mga asido at dugo ay sa ulunan tuloy naipon.
Gusto ko na ngang itapon ang aking cellphone pagkakita ng pangalan ni Jaxon, ang lalaking ubod ng temptasyon! Halos sumabog ang aking mukha sa umigting na presyon. Hindi ko akalaing nagawa ng isang pabigat na nakawin ang aking atensiyon!
JAXON:
Hi, Naomi. Ɛ> :) I have been waiting to see the beautiful ya.
7:29 AM
He privately messaged me, but I did not respond. His obsessiveness in that goddess Naomi had been bothering me lately . . . as if he wanted to control me! And I did not want to be like a butterfly trapped again in prison.
I respired heavily from that suffocating world, hoping that I could find a spike of fortune there. Since my spirit lifted dumbbells of doubt, I relaxed my tightened elbows on the vanity table. With that exhaustion, my head faced Naomi's burdened reflection. Para akong ginawang kalabaw sa tambak ng katoksikang iyon!
Habang umiigik sa higpit ng pambe-belt nila sa baywang ko, nanlaki ang aking mga mata, parang kasinlaki ng aking pinagbago.
Did I really need to become a beautiful Cis woman? Look better? Prove a lot? Bump into every standard just to let Jaxon notice my worth?
Nalulukot ang ekspresyon kong inisip iyon. Pagkatapos, tumalikod na ako para harapin ang laban.
Inayusan na ako ng mga make-up artist. Bumaba na rin kami padiretsong bunggalo pagsapit ng alas otso. Pinaligiran ako ng mga yaya nang makalabas ng kuwarto. Para silang anghel na nag-anyong tao. Nakasuot kasi sila ng bestidang abot-tuhod na masasabing puro. Samantalang ako, nakasuot din ng white dress ngunit may V-neck cleavage na umaabot sa suso. Niyakap naman ako ng sinturon sa baywang na humihigpit sa kabang karga ng mga paruparo.
Habang seryosong binabagtas ang pasilyo, nanguna ang mangha sa aking puso. Nakatingala ang ulo ko. Parang unang beses ko pa lang makakita ng mga haliging Romano. Nang dahil sa epekto ng siphayo, hindi ko na alintana ang arkitektura ng aming palasyo! Sa dambuhala ng espasyo, nagmistulan kaming langgam na dudurugin ng mga bardagol sa kanto.
Pinunasan ko ang aking noo, kabado.
Nakararamdam ng nakapapangilabot na kalbaryo!
Ako ay nangangatog na bumaba sa sentro. Sa marmol na tiles ko ipinadapo ang aking sneakers na kulay abo. Malutong na tunog ang nilikha ng paghakbang ko, nakabibinging katahimikan iyong iniistorbo.
Nanindig ang aking balahibo! Hindi ako mapalagay sa labis na pagkapipi ng atmospero! Parang naghihintayan lang kung sino ang mauunang magkuwento.
Ipinagpatuloy na lang namin ang pagbaba kahit nababalot ng misteryo. Nangangalay na rin ako kaya kailangan ko nang makaupo!
Ang mga yayang kasama ko ay hindi makaingay na para bang nakakita ng multo! Sa tuktok ng gintong pasilyo, nakatungo ang higanteng relo.
Nalilitong tumingala ako dahil ang mga kamay niyon ay hindi makatakbo, na para bang huminto ang mundo!
Tumapat ako sa dobleng pintuang magarbo, hinihintay iyong buksan ng mga dadayo. Nang dahil sa kabang namuo, tila nakapako ang aking mga paa sa semento. Pinagpag ko na lang ang aking palda at saka sa gilid lumingo—
Nagsalubong ang kilay ko! Ang tuliro at hilo ay sa utak nagkahalo-halo! Sumilakbo ng mga katanungan ang napaso kong puso!
"Kaya pala hindi ko ramdam na may kasama ako pagkababa ng grand staircase!" Napaurong ako at napahangos. "What the!" Umiling ako noong ibinulgar iyon. What was I going to do?
Parang lasing kung maglakad, nawawalan ng balanse ko silang nilapitan. Hindi kasi sila gumagalaw! Parang rebulto ng taong gawa sa yelo! Nakadilat! Nakataas at nakabuka ang pareho nilang kamay ngunit mas mataas iyong kanan! Parang kriminal na sumuko sa laban!
Ipinukol ko sa ere ang nanginig kong buntong-hininga. Nakaawang din ang labi nila! May gusto rin sanang idikta!
Sa loob ng conference room, si Mama Sofie ang nagsalita, "Ladies and gentlemen, Naomi—"
Pasugod kong inawang ang pintuan, ngunit ganoon din ang aking natuklasan; nagmistulang estatuwang natigilan!
Wala sa kanila ang nagkibuan. Pati ang mga dumalong mayayaman, nanatiling nakangiti, hawak ang baso, at nakatayo sa kanan. Nagmukha silang mannikin na nakakikilabot kung titingnan. Walang kasiguraduhan kung kailan nila ako babalingan!
Pinalibutan ng mga dekorasyong pam-birthday ang bulwagan! Makulimlim na panahon ang iprinesenta ng dungawan. Sa kisame naman, nakasabit ang makukulay na streamer na gawa sa crepe paper! Hinagilap ko na lang ang orasan!
Pakiramdam ko ay hindi ako ordinaryong tao! Walang limitasyon akong humigop ng hanging oksiheno. Ang baga ko ay tila dinagdagan ng tubo pampaalalay sa hingal na natamo!
Sa aking sistema ay ligalig ang tumakbo. Rumagasa tuloy ang maiinit na dugo sa aking pulso. Namilog ang aking mga mata pagkadikit ng paningin sa orasang nasa malayo. Nakahihipnotismong makita ang pagtagas ng kulay itim na likido. Parang lason ng isang demonyo!
Tulad ng inasahan, ako ang kaniyang pinagsabihan. Ang baritono niyang boses ay umalingawngaw sa kawalan. Kalangitan ang pinagmulan. Sapagkat siya ang diyos ng kadiliman, dapat magparamdam ang kaniyang kapangyarihan bago tapusin ang sanlibutan.
"Ravier Salazar."
Hindi ako makatugon! Hila-hila niya ang aking dibdib gamit ng mapang-akit niyang mahika! Gusto na yatang humiwalay ang puso ko roon! Nahahapo akong umungol, nagbabaka-sakaling matulungan ako ni Amelia—
"Kailangan na sigurong makalabas ang isang hangal na homoseksuwal sa pambihirang katawan ng aking anak." (she was never your daughter, killer!) "Itigil mo ang pagpapantasya, Ravier Salazar. Ako ay nabibigo kapag nakakakita ng isang lalaking nagnanais na magmukhang babae para lamang magustuhan ng natipuhang lalaki. Nakadidiri! Hibang! Sinutil! Basura!"
Ang istorya ko ay aking boses, ngunit kinuha iyon mula sa akin! Imposibleng makatikhim sa bukol na kaniyang ibinara.
Tahimik akong napaluha, nakapikit, at nanghina. Isa pa rin akong taong maganda sa inaakala niya, malayong-malayo sa ugaling literal na basura!
Hindi siya nagpaawat! "Malamang sa malamang ay sa apoy magtutuos ang mga bahaghari ng kalangitan. Magpasalamat ka dahil ako ay may taglay na kapangyarihan! Gigisingin muna kita sa kalaliman ng iyong napanaginipan!"
At saka ako pinatalsik ng kaniyang kaparusahan.
Ang totoong kapalaran ay dapat kong panindigan, hindi takasan.
Inudlot ni Tempiros ang misyon ng kabataan.
Kailangan ko pang gumawa ng tatlong kahilingan dahil babalik din ako sa dati kong katawan.
Ang masaklap na reyalidad ay akin nang babalikan. Habang ang pagmamahalan, pagkakaibigan, at kabuuang pinagdaanan sa mundong alternatibo, agad kong makakalimutan. Pinalalayo na ako roon ng kalupitan.
Unti-unting natatanggal sa aking isipan ang pinagsamahan naming magkakaibigan. Tila isa akong pahinang pinipilas para pakawalan.
The time-lapse was facing my floating figure, forgetting some memories. Kismet has been deciding a checkpoint for me.
CHAPTER 15.12:
There were lots of doors in life, Ravi. You could open those for opportunities. Fill your empty heart! You deserved better! Maybe, as I moved on, I could be even in my best without the person I loved the best. ❌ forgotten
CHAPTER 15.11:
But open your heart to many avenues. Huwag lang sa akin! I was not worth it. You could live happily without me, so was I. You can happily dance at TikTok, during sunset, with your ate, so was I. Your purpose . . . your dreams were still the same without my love, so was I. ❌ forgotten
CHAPTER 15.10:
Hindi ba, sabi mo sa akin, hangga't October twenty-two pa ng gabi, ipaparamdam natin sa isa't isa kung gaano mo ba ako . . . kita . . . pinahahalagahan . . . kung gaano ba natin nasesentro . . . ang appreciation natin sa isa't isa . . . na tayong dalawa lang. ❌ forgotten
CHAPTER 15.9:
"I don't wanna close my eyes. I don't wanna fall asleep." My gaze turned to Everette, watching on the 'right' side 'cause. "I miss you, babe. And I don't wanna miss a thing." ❌ forgotten
CHAPTER 15.8:
Hindi ka na ba makakabalik, Bells? Sana talaga at mabuhay ka nang hindi natin napapatawad ang isa't isa. ❌ forgotten
CHAPTER 15.7:
Gugustuhin sana kita, Paolo, pero hindi iyon naging dahilan para mapatawad agad kita. ❌ forgotten
CHAPTER 15.6:
Bella was the one who shed light on the sadness. ❌ forgotten
CHAPTER 15.5:
Tama na, char! Basta from now of, 'pag naaalala mo ang salitang char, hindi basta-basta joke lang 'yong maiisip mong meaning, kundi . . . endearment ko para sa iyo . . . para ako ang unang maaalala mo. ❌ forgotten
CHAPTER 15.4:
"Kung pagsasamahin mo ang pangalan natin, ganito 'yan. Everette plus Ravier . . . equals . . . EveRavier!" ❌ forgotten
CHAPTER 15.3:
We decided na ipag-arrange marriage namin kayo ni Jaxon Van Caleb Ramirez, ang isa sa mga tagapagmana ng partnership nating Voyena! ❌ forgotten
CHAPTER 15.2:
Selena was not a villain after all. She was thoughtless. ❌ forgotten
CHAPTER 15.1:
I offered support to unexpected people.
Unexpected people like Amelia cherished me.
I provided love without expecting something!
It was time to help Selena, my former rival— ❌ forgotten
CHAPTER 15: Stop! Heto ang dapat niyang huling maalala!
𝐑𝐀𝐕𝐈𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 𝐁𝐄𝐅𝐎𝐑𝐄 𝐁𝐄𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐎𝐌𝐈 𝐄𝐕𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋𝐈𝐒𝐓𝐀 |꧂ Nanginig akong pumirma roon. Suspended na ako kaya isinukbit ko ang bag palabas. Dumiretso ako sa Riverdale Botanical Garden na malapit sa school.
Habang nagmumuni-muni sa mga nangyari sa akin, pinagmasdan ko ang lawak ng hardin. May malaking fountain sa gitna at may palaruan din. Sa monkey climber na nasa kanan ay may sandong nakalambitin. Nakalilibang ang huni ng mga ibon na parang sinabi na ang problema ko ay dapat munang limutin. Ang payapang lugar ay pag-aari namin.
Huminga ako nang malalim, pinakiramdaman ang sariwang hangin.
"Ayaw ko sa mga crush-crush na iyan! Ire-reject ka lang naman! Mga paasa! Masasaktan ka lang kasi tanga kang nagpakasayang sa maling tao!" Itinago ko ang aking mukha saka napaupo sa semento.
May humimas sa aking likuran. "Pagod ka na ba, Ravi?" tanong ni Rhea na ikinatigil ko.
Tumango ako. Oo, pagod na akong umasa . . . ng maganda.
It might sound redundant, but the harsh reality would always add salt to the wound. I hate how heartless and unfair Destiny was! That devastation was wearier, smashing false optimism into fallen ashes of despair.
Huminga ako nang malalim, kaawa-awang puso ang dinadamayan. Baka hindi ko makayanan ang pagpasan sa kamalasan.
"Ano ba ang gusto mong mangyari sa buhay mo? Uhm . . . ano na ba ang plano mo sa hinaharap?" Rhea questioned.
Why was she asking me that? Ano ba ang gusto niyang malaman?
I sighed. Well, Rhea was my friend, anyway. I just wanted to talk sincerely to someone.
▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀
Recall the fate you have chosen last Chapter 15.
➽─ Ano nga ba ang gusto kong mangyari sa buhay ko? Isang katanungang kailangan kong pag-isipan. I had to ask myself first for that. ─❥
A. Pakiramdam ko ay wala na akong maipapakitang mukha sa lahat. I wanted to hide again. But how? What if I magically transformed into a beautiful woman tomorrow or later? Ano kaya ang mararamdaman ni Jaxon sa pagbago ng aking anyo?
B. What if kung naging babae ako noong pagkasilang pa lang? Magiging mas masaya ba ako? Magbabago ba ang mindset ng mga tao sa lipunang iyon? I wanted to know how that feels and happens.
▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄
B. What if kung naging babae ako noong pagkasilang pa lang? Magiging mas masaya ba ako? Magbabago ba ang mindset ng mga tao sa lipunang iyon? I wanted to know how that feels and happens.
You are reading chapter 15.12. Therefore, you chose option B. Great choice!
But sadly, nandito na si Tempiros, ang kadiliman. Sorry, bilang author ay hindi ko talaga nakayanan yung powers niya. Sira na ang alternate reality. Babalik na tayo, guys, sa mismong reality. So, wala akong choice kundi ilagay ko na lang din kayo sa option A because that is the safest option I know, e. Again, I am sorry for the inconvenience.
100% of option B readers are sent to option A.
A. Pakiramdam ko ay wala na akong maipapakitang mukha sa lahat. I wanted to hide again. But how? What if I magically transformed into a beautiful woman tomorrow or later? Ano kaya ang mararamdaman ni Jaxon sa pagbabago ng aking anyo?"
"Gusto kong mabuhay nang malaya. Away from discrimination, away from insecurities, and away from bitchy couples! I wanted to live without worry. Iyong hindi na ako kini-criticize kasi bakla ako," sagot ko.
Napatingin ako sa langit na sana matupad iyong hiniling ko.
Ano ang mangyayari kung bibigyan ako ng pagkakataong mabuhay sa ibang katawan?
"Your wish is granted!" tugon ni Rhea.
Napalingon ako sa kaniya. Ano ang ibig niyang sabihin?
Pinairal niya na naman ang sariling kawirduhan! Napailing na lang akong ngumisi sa pawang kalokohan!
"You are acting crazy—"
Ako ay natigilan. Ang pagsasalita ko ay sumadsad sa pag-aalinlangan!
Si Pangamba ay may pinaghandaang katahimikan . . . bago maglaan ng kapahamakan!
Para akong inosenteng sibilyang nilukob sa nakahihilong sasakyan!
Matapos dakutin ng kahinaan, umikot ang kapaligiran!
Mistulang nasa carousel ako pinaglaruan ng mga elementong hindi makatotohanan!
Lumuwa ang aking lamanloob paglitaw ng labis kong kaputian!
Ang balat ko ay tila tinurukan ng glutathio'ng kasangkapan, parang lamig na tumutusok sa aking kalamnan!
Ang mga balbon ko naman, sa balat nagsitaguan!
Samantalang ang mga buhok sa ulunan, nagpaunahan sa paghabaan!
Kung labi naman ang titingnan, natuklap iyon nang mapalitan!
Ang malapad kong balikat ay kumitid habang ang dibdib ay nagsisilobohan!
Kahit ang aking kaibigan, wala man lang ginawa para ako ay matulungan. Lintik na iyan! Labag sa kalooban ko na lang itinanggap ang kinalabasan.
"AH!" Sinugod ako ng kabagsikan! Nanguwestiyon ang aking isipan sa nakapapanibagong kaganapan!
Kumurba ang aking likuran. Napahawak ako sa wooden bench at saka iyon ginapangan. Ang kumirot na sentido ay aking hinawakan, sa bumabahang tensiyon nasobrahan!
Napahawak ako sa ulunan! "R-Rhea? P-Parang. . . lumilindol," sambit ko.
"AH! Oh no, my eyes!" Sumigaw ako nang lumabo ang aking paningin, tila ginigisa ang mga mata sa hinagpis ng aking damdamin!
Para akong may katarata! Inilibot ko ang paningin sa mahiwagang hardin pero ulap lang ang aking nakita!
I focused. My eyelids flickered several times, insisting that it was only a dream, but it was not! That foreign feeling whirled inside me! I did not know the cause!
Iyon ba ang ibig sabihin ni Rhea na wish granted? Trinaydor niya ba ako? If that was the case, makarma sana siya . . . pati iyong kuya niya!
Unbelievable! Paulit-ulit akong napailing sa akalang iyon! Hindi niya naman ako pinasukan ng kung ano-ano.
May sumpa siguro siya!
Lumala ang aking kalagayan. Parang may isip ang aking katawan kaya kusang rumolyo iyon sa magaspang na daanan!
Napapikit ako. "AH! Rhea! AY! Tulong! Nahihilo ako! AH! Huwag mo akong patayin!" Nagsisigaw ako habang iniinda ang maanghang na sensasyon.
An outburst of magic hypnotized me. Black and white swirling optical illusions deceived my foolish vision. Ano ang ipinanturok ni Rhea sa akin noon? Para akong nabighani sa inalay niyang lason! Ano ang balak niya at ako ay lumulutang na nagugumon? Everything was unrealistic, even when I forgot my name!
Ravier Delacruz Salazar
Rvaier Zdelcrua Slaraza
Rarvir Crudelaz Ralsaza
Vieraz Drueclaz Zarasal
꧁ ANG KAPALARAN NI WILSON: Kababata ni Bella
S̶a̶ ̶a̶l̶t̶e̶r̶n̶a̶t̶i̶b̶o̶n̶g̶ ̶r̶e̶y̶a̶l̶i̶d̶a̶d̶,̶ ̶m̶a̶t̶a̶p̶o̶s̶ ̶s̶i̶y̶a̶n̶g̶ ̶t̶r̶a̶y̶d̶u̶r̶i̶n̶ ̶n̶i̶ ̶B̶e̶l̶l̶a̶,̶ ̶n̶a̶t̶a̶k̶o̶t̶ ̶s̶i̶y̶a̶ ̶k̶a̶y̶a̶ ̶n̶a̶g̶-̶a̶b̶r̶o̶a̶d̶ ̶m̶u̶n̶a̶ ̶b̶a̶g̶o̶ ̶b̶u̶m̶a̶l̶i̶k̶-̶P̶i̶n̶a̶s̶.̶ ̶P̶e̶r̶o̶ ̶s̶i̶n̶c̶e̶ ̶k̶u̶l̶a̶n̶g̶ ̶s̶i̶y̶a̶ ̶s̶a̶ ̶e̶x̶p̶e̶r̶i̶e̶n̶c̶e̶,̶ ̶n̶a̶h̶i̶r̶a̶p̶a̶n̶ ̶s̶i̶y̶a̶n̶g̶ ̶m̶a̶k̶i̶p̶a̶g̶k̶o̶m̶u̶n̶i̶k̶a̶s̶y̶o̶n̶ ̶s̶a̶ ̶k̶a̶p̶u̶w̶a̶.̶ ̶
Sa reyalidad, matapos mabalitaan ang friendship breakup nina Selena at Bella at ang pagka-obsess ng huli kay Jaxon, nasaktan si Wilson. Kaya naman ay nanatili muna siya sa Amerika para muling makabangon.
꧁ ANG KAPALARAN NI BELLA: Kaibigan ni Ravier
S̶a̶ ̶a̶l̶t̶e̶r̶n̶a̶t̶i̶b̶o̶n̶g̶ ̶m̶u̶n̶d̶o̶,̶ ̶b̶i̶t̶c̶h̶ ̶s̶i̶ ̶B̶e̶l̶l̶a̶.̶ ̶P̶e̶r̶o̶ ̶s̶i̶n̶c̶e̶ ̶h̶i̶n̶d̶i̶ ̶n̶i̶y̶a̶ ̶n̶a̶m̶a̶n̶ ̶n̶a̶g̶i̶n̶g̶ ̶k̶a̶k̶l̶a̶s̶e̶ ̶a̶n̶g̶ ̶w̶i̶s̶h̶ ̶g̶r̶a̶n̶t̶e̶r̶ ̶n̶a̶ ̶s̶i̶ ̶A̶m̶e̶l̶i̶a̶,̶ ̶t̶a̶l̶a̶g̶a̶n̶g̶ ̶h̶i̶n̶d̶i̶ ̶s̶i̶y̶a̶ ̶m̶a̶b̶i̶b̶i̶g̶y̶a̶n̶ ̶n̶g̶ ̶k̶a̶h̶i̶l̶i̶n̶g̶a̶n̶g̶ ̶m̶a̶g̶p̶a̶p̶a̶b̶a̶g̶o̶ ̶s̶a̶ ̶k̶a̶n̶i̶y̶a̶.̶ ̶
B̶a̶k̶i̶t̶ ̶a̶n̶g̶ ̶b̶a̶d̶ ̶n̶i̶y̶a̶?̶ ̶D̶a̶h̶i̶l̶ ̶d̶e̶s̶p̶e̶r̶a̶d̶o̶ ̶k̶a̶y̶ ̶J̶a̶x̶o̶n̶.̶ ̶
Sa totoong mundo, bumait si Bella. Noong una, balak niyang plastikin si Ravier dahil pareho sila ng crush. Pero buti na lang at nandiyan ang kaklaseng si Amelia! Ang kaniyang kahilingan dito ay nagpabagong-buhay sa kaniya.
꧁ ANG KAPALARAN NI SELENA: Kasintahan ni Jaxon
S̶a̶ ̶a̶l̶t̶e̶r̶n̶a̶t̶i̶b̶o̶n̶g̶ ̶d̶i̶m̶e̶n̶s̶i̶y̶o̶n̶,̶ ̶t̶r̶i̶n̶a̶y̶d̶o̶r̶ ̶s̶i̶y̶a̶ ̶n̶i̶ ̶B̶e̶l̶l̶a̶ ̶d̶a̶h̶i̶l̶ ̶p̶i̶n̶a̶g̶-̶a̶w̶a̶y̶a̶n̶ ̶s̶i̶ ̶J̶a̶x̶o̶n̶.̶ ̶N̶a̶k̶i̶p̶a̶g̶-̶b̶r̶e̶a̶k̶ ̶d̶i̶n̶ ̶n̶a̶m̶a̶n̶ ̶s̶i̶y̶a̶ ̶s̶a̶ ̶b̶i̶n̶a̶t̶a̶.̶ ̶M̶a̶y̶ ̶p̶r̶o̶b̶l̶e̶m̶a̶ ̶r̶i̶n̶ ̶s̶i̶y̶a̶ ̶s̶a̶ ̶p̶a̶m̶i̶l̶y̶a̶ ̶n̶a̶ ̶i̶k̶i̶n̶a̶h̶i̶n̶a̶ ̶n̶g̶ ̶k̶a̶n̶i̶y̶a̶n̶g̶ ̶p̶u̶s̶o̶.̶ ̶M̶a̶b̶u̶t̶i̶ ̶n̶a̶ ̶l̶a̶n̶g̶ ̶a̶t̶ ̶k̶i̶n̶a̶i̶b̶i̶g̶a̶n̶ ̶s̶i̶y̶a̶ ̶n̶i̶ ̶N̶a̶o̶m̶i̶.̶ ̶N̶a̶-̶r̶e̶a̶l̶i̶z̶e̶ ̶n̶i̶y̶a̶ ̶n̶a̶ ̶m̶a̶y̶r̶o̶o̶n̶ ̶p̶a̶n̶g̶ ̶k̶a̶b̶u̶t̶i̶h̶a̶n̶ ̶s̶a̶ ̶g̶i̶t̶n̶a̶ ̶n̶g̶ ̶k̶a̶d̶i̶l̶i̶m̶a̶n̶.̶ ̶
Sa totoong buhay, akala ni Selena trinaydor at iniwan siya ni Bella para lang kay Ravier. Iyon pala, nagmu-move on lang ito kay Jaxon. Siya naman ang bitch.
꧁ ANG KAPALARAN NI RAVIER: Nagsilbing boses ng mga bahaghari at ng mga sawi sa pag-ibig
S̶a̶ ̶a̶l̶t̶e̶r̶n̶a̶t̶i̶b̶o̶n̶g̶ ̶r̶e̶y̶a̶l̶i̶d̶a̶d̶,̶ ̶i̶p̶i̶n̶a̶n̶g̶a̶n̶a̶k̶ ̶b̶i̶o̶l̶o̶g̶i̶c̶a̶l̶l̶y̶ ̶a̶n̶g̶ ̶i̶s̶a̶n̶g̶ ̶b̶a̶b̶a̶e̶n̶g̶ ̶s̶i̶ ̶N̶a̶o̶m̶i̶ ̶E̶v̶a̶n̶g̶e̶l̶i̶s̶t̶a̶ ̶n̶o̶o̶n̶g̶ ̶N̶o̶b̶y̶e̶m̶b̶r̶e̶ ̶2̶5̶,̶ ̶2̶0̶0̶4̶.̶ ̶M̶a̶s̶a̶y̶a̶ ̶s̶i̶y̶a̶n̶g̶ ̶i̶k̶i̶n̶a̶l̶o̶n̶g̶ ̶n̶g̶ ̶k̶a̶n̶i̶y̶a̶n̶g̶ ̶m̶o̶m̶m̶y̶ ̶n̶a̶ ̶s̶i̶ ̶S̶u̶s̶a̶n̶ ̶M̶o̶r̶i̶.̶ ̶A̶n̶g̶ ̶d̶a̶d̶d̶y̶ ̶n̶a̶m̶a̶n̶g̶ ̶s̶i̶ ̶R̶y̶a̶n̶ ̶M̶o̶o̶r̶e̶̶ a̶y̶ ̶n̶a̶k̶a̶n̶g̶i̶t̶i̶n̶g̶ ̶t̶i̶n̶i̶t̶i̶g̶a̶n̶ ̶a̶n̶g̶ ̶m̶a̶g̶-̶m̶o̶m̶m̶y̶.̶ ̶V̶e̶r̶y̶ ̶h̶a̶p̶p̶y̶ ̶k̶a̶s̶i̶ ̶m̶a̶s̶a̶y̶a̶ ̶r̶i̶n̶ ̶a̶n̶g̶ ̶b̶a̶b̶y̶!̶ ̶W̶a̶l̶a̶n̶g̶ ̶n̶a̶g̶-̶e̶-̶e̶x̶i̶s̶t̶ ̶n̶a̶ ̶b̶a̶k̶l̶a̶n̶g̶ ̶R̶a̶v̶i̶.̶
Sa totoong mundo, ipinanganak ang isang lalaking si Ravier Salazar noong Nobyembre 25, 2004. Masaya siyang ikinalong ng kaniyang inang si Sofie Salazar. Ang ama namang si Justin ay nakangiting tinitigan ang mag-ina. Very happy kasi masaya rin ang baby!
Nagbago ang takbo ng buhay ni Ravier bilang si Naomi Evangelista. Hindi makapaniwala ang pamilya niya! It shocked them kasi may magic palang nag-exist sa totoong buhay!
They accepted the child's identity and its new persona. Pinatira tuloy ni Mama Sofie si Naomi sa isang condominium dahil sa takot. Pumayag naman ang anak. Everything changed for the better with Amelia and her brother, Paolo Everette.
S̶a̶ ̶a̶l̶t̶e̶r̶n̶a̶t̶i̶b̶o̶n̶g̶ ̶m̶u̶n̶d̶o̶,̶ ̶m̶a̶y̶ ̶m̶a̶l̶a̶l̶i̶m̶ ̶n̶a̶ ̶p̶a̶g̶-̶i̶i̶b̶i̶g̶a̶n̶ ̶s̶i̶n̶a̶ ̶R̶a̶v̶i̶e̶r̶ ̶a̶t̶ ̶P̶a̶o̶l̶o̶ ̶E̶v̶e̶r̶e̶t̶t̶e̶,̶ ̶n̶g̶u̶n̶i̶t̶ ̶n̶a̶b̶u̶r̶a̶ ̶n̶a̶ ̶a̶n̶g̶ ̶m̶g̶a̶ ̶i̶y̶o̶n̶ ̶s̶a̶ ̶a̶l̶a̶a̶l̶a̶ ̶n̶i̶ ̶R̶a̶v̶i̶e̶r̶ ̶l̶a̶m̶a̶n̶g̶.̶ ̶N̶a̶t̶u̶t̶u̶h̶a̶n̶ ̶n̶i̶y̶a̶n̶g̶ ̶m̶a̶h̶a̶l̶i̶n̶ ̶i̶t̶o̶ ̶t̶o̶ ̶t̶h̶e̶ ̶p̶o̶i̶n̶t̶ ̶n̶a̶ ̶h̶i̶n̶d̶i̶ ̶n̶i̶y̶a̶ ̶n̶a̶ ̶m̶a̶g̶a̶w̶a̶n̶g̶ ̶m̶a̶h̶a̶l̶i̶n̶ ̶s̶i̶ ̶J̶a̶x̶o̶n̶.̶
Sa reyalidad naman, walang malalim na relasyong nabuo sa pagitan nina Ravier at Paolo Everette. Ang crush na si Jaxon pa rin ang mas nangibabaw.
N̶a̶n̶g̶ ̶b̶u̶m̶i̶n̶a̶t̶a̶ ̶s̶i̶ ̶R̶a̶v̶i̶e̶r̶,̶ ̶m̶a̶s̶ ̶n̶a̶g̶i̶n̶g̶ ̶b̶a̶b̶a̶e̶ ̶a̶n̶g̶ ̶k̶a̶n̶i̶y̶a̶n̶g̶ ̶p̶u̶s̶o̶.̶ ̶N̶a̶k̶a̶t̶a̶g̶o̶ ̶l̶a̶n̶g̶ ̶i̶y̶o̶n̶ ̶s̶a̶ ̶l̶a̶l̶a̶k̶i̶n̶g̶ ̶k̶a̶t̶a̶w̶a̶n̶.̶ ̶N̶a̶t̶a̶k̶o̶t̶ ̶s̶i̶y̶a̶n̶g̶ ̶l̶u̶m̶a̶d̶l̶a̶d̶.̶ ̶P̶e̶r̶o̶ ̶n̶o̶o̶n̶g̶ ̶u̶m̶a̶m̶i̶n̶ ̶s̶i̶y̶a̶,̶ ̶n̶a̶k̶a̶r̶a̶n̶a̶s̶ ̶s̶i̶y̶a̶ ̶n̶g̶ ̶d̶i̶s̶k̶r̶i̶m̶i̶n̶a̶s̶y̶o̶n̶.̶
P̶e̶r̶o̶ ̶n̶o̶o̶n̶g̶ ̶s̶i̶y̶a̶ ̶a̶y̶ ̶n̶a̶g̶i̶n̶g̶ ̶s̶i̶ ̶N̶a̶o̶m̶i̶ ̶s̶a̶ ̶a̶l̶t̶e̶r̶n̶a̶t̶i̶b̶o̶n̶g̶ ̶r̶e̶y̶a̶l̶i̶d̶a̶d̶,̶ ̶n̶a̶g̶i̶n̶g̶ ̶m̶a̶l̶a̶y̶a̶ ̶s̶i̶y̶a̶.̶ ̶S̶u̶b̶a̶l̶i̶t̶,̶ ̶a̶n̶g̶ ̶k̶a̶l̶a̶y̶a̶a̶n̶g̶ ̶i̶y̶o̶n̶ ̶a̶y̶ ̶p̶a̶n̶s̶a̶m̶a̶n̶t̶a̶l̶a̶,̶ ̶i̶s̶i̶n̶i̶r̶a̶ ̶n̶g̶ ̶i̶s̶t̶r̶i̶k̶t̶o̶n̶g̶ ̶p̶a̶m̶i̶l̶y̶a̶,̶ ̶n̶i̶ ̶J̶a̶x̶o̶n̶,̶ ̶a̶t̶ ̶n̶i̶ ̶B̶e̶l̶l̶a̶.̶
Nang naging dalagang Naomi si Ravier, mas gumanda siya. She had that 'Amazona' attitude, fiercer and crueler, but the better. She could be a goddess with poise lalo na sa business matters ng family niya! A great pretender! But most of the time, she was a badass extroverted girl who hangs out with her co-guardians!
Ayaw niyang magkrus muli ang mga landas nila ni Jaxon. Well, sariling buhay niya na ang priority niya!
Hindi na siya tanga! She was more realistic than before! Ayaw niya nang ma-in love! She was bitter! Taas pa lang ng kilay ay dapat mag-evacuate na sila!
2̶0̶2̶0̶
R̶a̶v̶i̶e̶r̶ ̶D̶e̶l̶a̶c̶r̶u̶z̶ ̶S̶a̶l̶a̶z̶a̶r̶
1̶5̶ ̶y̶e̶a̶r̶s̶ ̶o̶l̶d̶
Two years later . . .
2022
Naomi Evangelista Delacruz M̶o̶o̶r̶e̶ Salazar
17 years old
Welcome back to reality!
1st Wish: Granted
Proceed to Chapter 16 and above.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro