Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝟑𝟑

⇠┅┅┅┅┅༻❁༺┅┅┅┅┅⇢

TITLE: FREEDOM

⇠┅┅┅┅┅༻❁༺┅┅┅┅┅⇢

III 9:00 PM Kaarawan na ng pinakamagandang dalaga sa balat ng lupa.

"Musa, bakit kaya dalawang buwan ang nakikita ko sa kalangitan bigla? Ako ba'y namamalik-mata? Nakakaalarma, a!" tanong ni Mia, isa sa mga inimbita sa ikalabing-walong kaarawan ni Naomi Evangelista.

Si Mia ay labinsiyam na taong gulang na nakasuot ng kulay rosas na bestida. Sopistikada iyong nagningning hanggang sa ibaba ng kaniyang hita. Ang ka-partner niyang nangangalang Musa, nakasuot ng itim na suit na talagang nagpakisig sa kaniyang hitsura.

Sa trapikong dala ng mga van ng Toyota, halos naging abala ang mga kalsada. Mapakikinggan ang sunod-sunod na busina. Kalalabas pa lang nina Mia sa kotse nila nang mapansin ang kalangitang kakaiba. Bakas ang balisa sa kanilang mga mukha. Ang mas nakapaninindig-balahibo pa, malalakas na hampas ng hangin ang umihip sa atmospera. Tila sapat na para malayang maglagas ang mga dahon ng narra.

"Heto nga ay isang nakababahalang phenomena. Pero ayon sa mga paniniwala, kung may dalawang buwang nagpakita—" Natigilan si Musa sa isang ideyang higit pa sa simpleng inaakala. "May delubyong mananalasa."

"Huwag naman sana." Napakawak si Mia sa nakakikilabot na balita. Wala naman sigurong handa pagdating sa delubyong nakapipinsala. Isang delubyong hinihinalang magbubura sa mga mortal na katulad niya!

"Mia, ayos ka lang ba?" Inalalayan ni Musa ang halos matisod niyang kasama.

"Sana ay hindi mangyari iyong napanaginipan ko kanina," hingal na hingal na aniya, mababakas pa rin ang pag-aalala. "Napansin ko ring maraming mga isda, insekto at kung anu-ano pang hayop ang nagsilabasan sa lawa. Kilala kita, Musa. Madalas tama ang iyong mga hula. Pero promise me na mapanatag mo muna ang loob kong pakaba-kaba, lalo na't birthday ng amo kong si Naomi Evangelista."

Inilahad ni Musa ang bisig niya kay Mia. "Halika na at pumasok sa venue, aking prinsesa," nakangiting aniya.

"Hay na'ko, ha! Para kang bata."

Inalalayan ng maginoong binata ang dalaga hanggang sa makahanap na sila ng bakanteng silya.

Marami nang tao sa loob ng clubhouse na matatagpuan sa isang bigating villa. Bukod sa dalawang buwan sa kalangitan, ang clubhouse ang pinakamaliwanag na entidad sa gitna ng gabing may kadiliman.

Tulad ng sa GMA Gala, pakislap-kislap na mga kamara at dambuhalang mga aranya ang sasalubong sa bukana. Isa-isa silang rumampa sa karpet na pula. Mga respetadong bisita ang inimbita ng prominenteng kompaniyang Voyena at Nondria. Kasama na roon ang mga maimpluwensiyang opisyal at naggagandahang artista.

Ang pagsasalo at labis na karangyaan ay nagsanib-puwersa. Samantalang ang ibang pamilya, isang kahig at isang tuka.

Si Naomi Evangelista ang pinakamainit na paksa, the talk of the town ika nga.

Inside the glorious halls, massive draperies hang on the wooden dome, wrapping the room in lavish banquet. A royal dance floor, scattered with roses, invited guests to swirl and twirl like petals in the festive zephyr of the celebration.

At the heart of that event, an immense television radiated the dazzling words 'Naomi turns 18', infusing excitement to the guests. Beside the stage, a towering cake proudly stood topped with roses and chiffon. The combination of blue stage lights and pink sparkling curtains provided a tapestry of elegance.

Last but not the least, a birthday would not be complete without music. A group of musicians played the strings of their violins, sending an melismatic tune that lured charming guests donned in their exquisite gowns and tailored suits.

On the other side of the picture, doon sa backstage, makikitang mine-makeup-an si Naomi ng mga h-in-ire ni Susan Moore.

Naka-heavy braided bun ang dalaga. May kaunting palamuting blush on at nili-lipstick-an ng pula. Sapat na iyon para maraming magkandarapa sa kagandahan niya.

Ang mga kaibigan niyang sina Bella, nasa silid din na mine-makeup-an ni Mia. Sitting pretty silang nakasandal sa mabalahibong sofa. Dilaw ang gown ni Bella.

Suot naman ni Naomi ang blue diamond teardrop earrings ng Nondria. Kumikinang iyon na tila bituin sa kaniyang tainga. Ang kaniyang gown ang pinaka-intricate na kasuotang ibinurda ng kumpanya.

Dahil sa kaniyang evening gown, para siyang epitomya ng isang real-life Cinderella at Princess Aurora. Mula sa pagkakabukaka, tumayo na siya at kinamot nang kaunti ang kinoloreteng mukha.

She was indeed the star of the show in that ball gown that seemed to be woven from the colors of youthfulness. The shades of blue and pink were blended in a gradient. The fabrics wrapped around her were as light as brush, as if mirroring Naomi's freedom. And as a symbol of transformation and character development, butterflies were intricately embedded on the chest and tight waistline. It was meaningful since everything, including her, had been through a lot.

Sa kabilang kuwarto naman ay naroon sina Jaxon, Sebastian, at Lucas na feeling at home.

Ibinaling ni Jaxon ang tingin sa kaniyang phone. Malapit nang magsimula ang event pero nakasando't boxer pa rin siya buong maghapon. Kinulit-kulit pa nga siya ni Sebastian na magbihis na dahil anong petsa na! Pero papindot-pindot lang siyang naglaro ng Call of Duty habang ka-text si Naomi.

Naomi Evangelista |

9:04 PM

Jaxon
Wait, Naomi, this battle royale's about to end.

Me
Tigilan mo iyang kakabiril diyan sa mga kalaro mo. Magsta-start na ang debut.

9:05 PM

Jaxon
Hindi kita titigilan hangga't di mo sasabihin kung ano'ng gusto mong pangalan sa magiging anak naten.

▂ ▃ ▄ ▅ ▆ ▇ █ █ ▇ ▆ ▅ ▄ ▃ ▂

Dahil sa inis na naramdamam, ibinato ko ang magaan kong cellphone sa aking upuan. Wala akong mapapala kung papatulan ko pa ang aking special someone. Dapat nag-aayos na siya para ako'y pormahan, pero paglalaro at pakikipagdaldalan pa ang kinaadikan! Dagdagan pang pangalan ng magiging anak namin ang naisipan niyang pag-usapan! Kinukulit niya pa nga ako roon kaya agad ko siyang sininghalan.

Anong klaseng kalokohan? Hindi pa naman ako buntis, pero nakakikilabot namang isiping parang gusto niya akong anakan! Hindi pa ako handa sa ideyang iyan. Eighteen pa lang ako at dapat sinusulit ko muna ang buhay-kabataan.

Paano ko pagsisilbihan ang anak ko kung pagluluto agad kong inaatrasan? Wala akong kasanayan sa paghawak ng kalan. Natatakot akong matalsikan ng mantika kapag magluluto ng isdang tulingan.

Marami pa akong kakaining bigas para maging isang independent woman, lalo na't ang commitment ay pananagutang mabigat gampanan.

Iwinaksi ko ang pag-o-overthink sa mga bagay na walang kabuluhan. Bumalik ang aking ulirat sa reyalidad na aking ginalawan. Walang bahid na kahirapan ang engrande naming kasuotan. Talagang in-effort-an ni Ninang Odessa ang pagde-decorate ng bahay-bakasyunan.

Nagitla ako nang may bumangga sa akin sa likuran. May nanira ng moment ko, letse naman? Naningas sa inis ang aking kalooban. Kailan sila natutong bastusin ako sa mismo kong kaarawan?

Tumingin ako sa salamin na nasa harapan. Doon ko napagtanong mga kaibigan ko pala ang nanggulat sa akin nang walang pakundangan!

"Happy Birthday, bes!" bati nina Bella at Christel habang niyayakap ako sa likuran.

Lumingon ako at tinampal ang hapit nilang tagiliran. "Ano ba iyan. Nakakagulat naman kayo at akala ko katapusan ko na. Kung maggi-greet kayo, huwag naman 'yong parang nandya-jumpscare." Napakamot-ulo sila at hiya-hiyang tumungo.

I looked at them with gaze sweeping from head to toe. Bella was wearing a yellow off-the-shoulder spangled gown, its voluminous skirt billowing out like a curtain of elegance. Around her neck attached a blue crystal necklace. Wilson gave it to her as a symbol of their closeness. Her hairstyle was also tied into a bun, much like my own but less messy. She resembled a modern-day Belle from Beauty and the Beast, representing her carefree character.

Meanwhile, Christel stood wearing a scarlet gown with its tulle skirt. Unlike ours, her gown was shorter, its mesh fabrics caressing her knees. Sa makeup siya bumawi with those blue eyeliners and sparkling foundation that seemed like glitters of stardust extending down to her long chin.

Tumingin ako sa wrist niyang naka-silver bracelet. At doon, napansin ko ang hawak niyang regalo na hinihintay buksan ng mga kamay ko.

"These is our gift, Naomi." Kinuha ni Bella ang regalong hugis-kahon para ibigay iyon sa akin. "Later mo na lang i-open after the celebration," ngiting dugtong niya.

Buong-puso kong tinanggap iyon. "Salamat sa inyo. K-Kasi, ngayon ko lang naranasang magkaroon ng engrandeng celebration. Dati kasi, kahit alam nilang birthday ko, walang nagbabati sa akin. Not until I met you all. Mga kaibigan na binigyang-halaga ako. Thank you talaga!" I gently caressed the gift as if it was precious flower. "Ang bigat ng regalo ninyo, a, parang bato," natatawang pagpapasalamat ko at niyakap sila pabalik.

Hindi rin nakaiwas sa pagiging emosyonal si Bella. Humiwalay siya at hinimas ang balikat ko para mapanatag. "A lot of things happened, Ravi," kagat-labi niyang turan, na ikinasira ng pagkaka-lipstick sa kaniya. "But most importantly, kasama na roon si Amelia, from the start until the end, we noticed your sufferings, but we stood kind to support you. Always remember, you shouldn't be loved as Naomi. There's more to just being a beautiful woman. That preciousness of yours." She pointed at my heart. "That is something within that we loved from you naturally. Happy Birthday. We, Amelia and Christel, are very proud of you." She smiled, as if she saw the rainbow after the darkness.

Pabiro ko siyang hinampas dahil naging emosyonal na siya. "Ano ba, Bella. Mukhang nasabi mo na 'yong message mo na dapat sana para sa mismong program!"

"Naomi, I am so soft and nadadala me sa mga ganitong drama. You know me naman, 'di ba—" Suminghot siya bago punasan ang butil ng luhang namuo sa asul niyang mata.

"What a solid friendship."

Napalingon kami sa nagsalita.

Amoy pa lang ng mabulaklakin niyang pabango, I knew it was her. She appeared to us in her elegant violet long dress. Its sequins glittered over her gracefully composed form. Her sleek hair and fierce gazes that complements the night framed a visage that projected a commanding aura.

Napanganga ako nang makita ko siya. Burdened by my tight corset and heels, I walked like a dead person's foot, all for the chance to talk to her!

"Mama Sofie!" Agad ko siyang niyakap na parang teddy bear.

We were now in good terms, pero hindi ko na siya nakakausap lagi tulad noong mga panahong inaalagaan niya pa ako. Nakaka-nostalgia man, but life changed, casting us into different kismets. Not everyone who once walked alongside me would also be the same people in the next chapters.

"Happy Birthday, anak." She patted my head, while still standing tall in authority. "Sapagkat malapit na rin ang Pasko, your gifts are placed under the Christmas tree." Tumingin ako sa sulok ng dressing room. Nandoon ang umiilaw na Christmas Tree. Nakagagaan sa mata ang mga nakalatag na scarf, stuffed toy, at regalo.

She looked at my sparkling princess gown. "Everything is going smoothly. O, you should ask for a retouch na. Magsisimula na ang debut. Niregaluhan kita ng MacBook para naman makabawi ako sa iyo," nakangiting patuloy niya at saka umalis.

Napatakip ako ng bibig sa mga surpresang ipinagkaloob sa aking mga palad. "Hala! Salamat po, Mama," na-overwhelm kong bulyaw at nagtatatalon sa sayang makamtan ang isang materyal na bagay.

May bagong laptop na ako, holy smokes! Sumuko na kasi ako sa luma kong laptop na mabilis ma-lowbat since online class. Halos 24/7 BFF ang charger.

Matapos makipag-usap kay Mama, pina-retouch ako ng mga ateng taga-makeup. Inayos-ayos nila ako mula ulo hanggang paa. Pinagpag pa nila ang laylayan ng gown ko kahit wala namang dumi.

So arte. Ch0uR ulet!

Ngumiwi ako. "Mga ateng, okay na po iyan," sabi ko sa kanila. "Kumain na po kayo. Mukhang pagod na pagod na kasi kayo kaka-make-up sa akin, e." Tinulungan ko na silang isalansan ang mga makeup at pang-manicure sa dressing table.

Tumugon ang isang vaklang makeup artist na nakaitim na uniporme. Manipis na rin ang namuti niyang buhok. "Okay lang po kami, Naomi! Huwag kang mag-alala. Alam mo, minsan ka na lang magpa-makeup kaya sulitin n'yo na ang pagpapa-picture doon sa mismong debut mo. Kahit do'n, basta sulitin mo lang ang makeup namin sa 'yo, masaya na kami," panghihikayat niya na parang sinasabing once in a lifetime lang pagiging eighteen ng isang tao.

"Sige po. I will enjoy this day." Mapagkumbabang tumango ako at ngumiti rin dahil napakabait nila.

Ayaw ko namang mahingal sila dahil lang sa pagpapaganda sa akin. Itinapat ko ang electric fan sa mga makeup artist na abalang magtupi at mag-ayos ng makeup kit.

"Good Evening, Ladies and Gentlemen. May we have your attention, please? We are about to begin Naomi's eighteenth birthday party celebration. Kindly find your seats and make yourselves comfortable to indulge the rest of the evening's merriment."

Nasa backstage ako, nakatago pa sa publiko, pinapakinggan ang anunsiyo ng emcee sa entablado. Kada palakpak at ekspektasyon ng mga tao, bawat paglamig din ng ang aking kamao. I could not help but wonder kung ano ang nakaabang sa akin pagbukas ng malaking kurtinang ito. Ang mga lalantad na surpresa ay mamumuno panigurado sa aking puso.

Lumabas na sina Bella at Christel para makipaghalubilo sa mga ibang kaibagan ko. Sina Mama naman ang nag-ayos ng mga bandehado. Ako namang mag-isang nakatayo, naghihintay ng go signal bago makapaglakad papunta sa entablado.

Since magarbo ang kaarawan ko, tila na-pressure ako sa aking iaakto. Eighteen years old. Labingwalo, ayun na ang panibagong yugto. Pinaypayan ko ang sarili gamit ng kamay nang makaramdam ng pagsikdo.

Habang nag-aabang ng abiso, napansin kong parang may hinahanap pa ako sa pagsasalong ito. 'Nasaan na kaya ang escort ko?', bulong ng aking instinto. Don't tell me na nakalimutan niya ang kaarawan ko at mas inasikaso ang paglalaro ng Grand Theft Auto?

Bumagsak ang balikat ko sa ideyang bibiguin niya ako. Sana siputin niya ako, ano! Or else, makagagawa ako ng eskandalo! Mawawala na ako sa huwisyo kapag nagretiro na itong pasensiya ko! Pinagpapapalo ko ang aking relo at naglakad-lakad sa pasilyo, hinihintay ang mokong na binatilyo! Ang pagiging late ay c-in-areer niya naman yata masyado? Si Jaxon, nakasando pa rin ba ang gago—

Makalipas ng ilang segundo, may nang-istorbo sa likuran ko. "Ako ba hinahanap mo?" kaniyang nakahihipnotismong pagsuyo.

Huminto ang aking mundo nang lingunan ko ang lalaking pinakahinihintay ko. Wala akong maipintas sa mukha niyang napakaguwapo! Tiningnan niya ako nang seryoso na tila isa akong sinasambang monumento. Kahit walang kibo, nagtatagpo pa rin ang sinasabi ng aming puso.

Ang inis ko ay napalitan ng engganyo.

My eyes widened like the moonlit sky when I saw his innate drip. He wore a royal blue tuxedo, like a cloak fit for a prince. The subtle hue of his pale pink waistcoat underneath amplified his expensive presence. His gilded pocket watch seemed to wink at me, implying that time was gold to make the most of the dazzling night.

Niyakap ko siya para malasap ang dalisay niyang bango. "Oh, Jaxon! There you are!" Hinimas-himas ko ang magaspang na tekstura ng kaniyang coat.

Pero ang nakapagtataka, nang tumagal, hindi niya ako niyakap.

Napakunot ang noo ko at agad humiwalay dahil sa hindi niya pagkibo. Was there something wrong?

He just stared at me as if he was absorbing every aspect of my being. "Your face is so beautiful. I wish I could see that face forever." Ayun pala ang dahilan kung bakit tulala siya.

Natawa ako at pinagsalikop ang kamay namin. "But promise me to stay with me kahit pumangit pa ako."

Jaxon, hindi sa habangbuhay ay ganito ang mukha ko. Hindi lang dapat mukha ang tinitingnan mo. Baka sa sobrang attraction niya sa mukha ni Naomi Evangelista, e, makalimutan niyang si Ravi pa rin ito!

Pero hindi siya sumagot, kinurot niya lang ang malusog kong pisngi. Medyo napansin ko rin ang kaunting paglapad ng aking balikat kakakain nang marami. Kaya medyo na-concious akong suotin itong off-shoulder gown na iyon.

"Would you be my escort for tonight?" nakangising tanong niya sabay lahad ng kamay. Bago ko iyon tanggapin ay mayroon akong naalala.

Sa JS Prom, kasayaw ni Jaxon si Selena. Ayun ang panahong sila pa. At heto naman akong si Ravi na wala pang kumpiyansang iladlad ang sarili niya. Nang makita silang nakangiti sa isa't isa, may sariwang hiwa ng pagluksang umukit sa aking memorya. Sino ba naman ako kundi isang baklang nangangarap lang ng isang lalaking katulad niya.

Bituin ang turing ko sa kaniya, pero kung tingnan niya ako noon ay tila isa lang akong papel sa kaniyang bulsa.

Naabot ko na siya sa pamamagitan ni Naomi Evangelista. Dapat na ba akong maging masaya?

Napansin niya akong naestatwa na nagpataka sa madamdamin niyang mga mata. "Naomi, what's the matter?" tanong niya.

Umiling ako. "Uh, n-nothing." Ngumiti ako at tinanggap ang nangilay niyang braso.

Pero pinanliitan niya ako ng mata. "Weh? I don't buy it." Nilapit niya ang sarili niya sa akin. "Tell me if something is bothering ya. Hindi mo na ba 'ko mahal?" At saka siya nag-puppy eyes.

Umatras ako sa tinanong niya at hinampas siya sa balikat. "Hindi naman sa gano'n, Jaxon. I just didn't expect na fate will give me a chance to have you. Akala ko noon, imposible iyon. Hindi ko akalaing . . . " Yumuko ako nang sabihin iyon.

Umiling siya at hinimas ako sa likuran na ikinapanatag ng nagduda kong kalooban.

"Let's forget who or what you are before, Naomi. It's just dreadful to look at it." He sighed, as if he was going to say something at the nth time. "Dati na 'yon. Like I said, I'm over with Selena. Look at me, Naomi." He faced me. "Ikaw na ang nakikita ko ngayon. 'Cuz you're now Naomi. A face couldn't even change the fact that I love you—"

Hindi niya na naituloy ang punto ng kaniyang sentimyento. Medyo nag-dim ang ilaw sa pasilyo. Naghuramentado ang natutulog kong puso nang umugong ang mikropono, hudyat na may paparating na anunsiyo.

"You ready?" Tumango ako. Pasimple niyang hinagkan ang aking kamao.

"Magandang gabi sa inyo. Maraming salamat sa mga dumalo ngayong gabi sa kabila ng bagyo. Tayo'y nagagalak na naparirito para ipagdiriwang ang kaarawan niya ngayong linggong 'to. So without further ado, let us welcome our lovely debutante with her escort in regal tuxedo!"

Itinuwid ko ang aking katawan at tumingin nang diretso sa papaawang na pinto. Binati kami ng nakalululang bilang ng tao. Hawak-hawak nila ang kanilang mga baso. Paghakbang ko sa pulang karpet, halos mabulag kami sa kamara ng mga nagbibidyo.

Pinaulanan kami ng lobo. Nagpatugtog ng intrumento ang mga talentadong musikero.

Umakyat na kami sa sentro ng inadornong entablado.

Nakaagaw ng atensiyon ko sina Mommy Susan, Daddy Ryan, at ang iba ko pang mga kamag-anak at tiyo. Natanaw ko rin sina Bella at Christel na kinawayan ako. Kaya paulit-ulit akong nag-thank you po.

Halos mapaiyak pa nga ako. Pakiramdam ko ay tanggap ako nang makita ko ang mga ngiti nilang totoo.

Napahigpit ang kapit ko sa braso ni Jaxon kasi medyo nahihiya ako. Inangat ko ang laylayan ng gown at nag-curtsy sa nagpalakpakang taong nakaupo. May mga dayuhang katrabahong galing pang Mexico.

Binitiwan ko ang braso ni JC para makaupo sa aking trono.

Nag-opening remarks sina Mommy Susan at Daddy Ryan. Binati nila ako ng maligayang kaarawan, masayang kinabukasan, at relasyong may kaakibat na pagmamahalan.

Matapos mapaiyak sa speech nilang makahulugan, isinalang na ang buffet sa hapag-kainan. As the conductor orchestrated the musician, the emcee also ordered the waiters to prepare delightful cuisines to the prominent clan.

The roasted beef and mozzarella cheese formed tasty canvas for the flavors to paint upon. There were also sushi and salad served for the vegetarian. Ang katas ng kasarapang bigay ng catering na iyon ay hindi malalarawan. Basta, nagpokus na lang ako sa kasaganahan naming nakamtan. The array of smorgasbords on the platter was truly a dream of a human.

Katabi ko si Jaxon na sinalamuan ang leche flan. Mula sa stage, natatanaw kong nagtatawanan sina Tita Susan at Daddy Ryan. Marami rin akong nakitang magkasintahang nagpapa-picture sa malaking hagdanan sa 'di kalayuan.

Sana ganiyan palagi ang buhay, walang tunggalian.

Everything went as planned, pero ito'y natuldukan noong may kaunting pag-uga na tila ako lang nakaramdam. Halos tumilapon pa ang baso ng champagne ng ilan. Hindi rin natakasan ng aking paningin ang gumewang na chandelier sa kisameng may kataasan.

Tiningnan ko ang paligid na mukhang normal naman. Pag-aalinlangan ang nangibabaw sa aking isipan. May naamoy akong mali sa gitna ng walang humpay naming kasiyahan. Kinalabit ko si Jaxon na may kanin sa gilid ng labi kaya agad ko iyon pinunasan.

"Jaxon, did you felt a sudden shake on the ground or nahihilo lang ako?" tanong ko na ikinasalubong ng kilay niya.

"Uh, n-no?" Pinunas niya ang sariling labi gamit ng napkin habang umiiling. "Bakit? Lumilindol ba?"

"Magpaplano kami para mailigtas ko kayong lahat sa paparating na delubyo na maaaring mangyari sa katapusan ng taon," naalala kong banggit ni Amelia sa akin.

Sign of the cross. I closed my eyes then offered up my heartfelt prayers, creating a silent conversation between my soul and the heavens above.

Lord, please, pigilan n'yo po ang kadilimang iyan. Huwag po sa mismong birthday ko! Napa-knock on wood ako, trying to be oblivious about that pessimism. Minsan na nga lang maging masaya—I sighed.

Napakapit ako sa asul niyang suit. "Hindi ako mapakali, Jaxon," hiyaw ng nangamba kong puso.

My corset felt like a straitjacket, restraining my agitated movements even my breathing. Panic loomed, but I maintained my composure like a witness of a crime ought to be seen in the ocean of scrutinizing gazes from the media. I chose to establish a calm facade, kept my cool, despite the fear inside.

My heart leaped like a lightning bolt caught off guard, as his hands gently rested on my knees. "Naomi, huwag kang mag-isip ng kung ano-ano. This is your day. We're here to celebrate, not to deal with this trivial concerns." He gave me a sincere look. "Just trust in kismet's gamble, alright?" His words were like hot coals that warmth me.

He was like a sun; dissipating the mist of worry over my shoulders.

As we talked, I felt something weird crawling into my skin. My eyes widened in unexpected disbelief that danced in theatre of my mind. I saw tiny black dots emerging on my wrist. They were hair follicles, growing right there on my skin! I had seen that these hairs before . . . except noong ako pa si Ravi.

I froze. Don't tell me? Magbabagong anyo—

I shoved that thought. Itinago ko na lang ang balat ko gamit ng napkin.

Bumaling ako kay Jaxon. "Thank you for your words. I feel better now." Ngumiti ako bago ipagpatuloy ang pagkain.

-------------------------------------------

"As some of you continue to enjoy the delicious buffet and decadent dessert, it is now time for us to proceed with our program. The eighteen roses symbolize the debutante's readiness for romance. And now, the moment that all the guys have been waiting for! A chance to hold the hand of our lovely debutante for a short dance. Ladies and gentlemen, please welcome the eighteen roses with our gorgeous Naomi Evangelista!"

Katatapos lang naming kumain. Nagpalakpakan ang mga madla sa pagpapatuloy ng emcee. Dumiretso ako sa sentro ng dance stage at nakangiting nag-curtsy nang tumutok sa akin ang spotlight.

Ipinatugtog ng DJ ang kantang Can I Have This Dance. Sinimulan nang laruin nina boy one, boy two, at boy three ang piano at gitara(Naka-brown suit and tie ang boys. Nakasumbrero din. Ne-Yo drip ang peg.). Habang sina boy four at girl one naman ang magdu-duet sa gilid. Si girl na singer nakasuot naman ng simpleng blue off-the-shoulder dress.

Dumilim ang ilaw, dahilan upang makita ang kagandahan kong nakasisilaw na parang tanglaw.

Isa-isang lumapit ang labing-walong mananayaw. Every gentleman gave me a pink rose that made me in aww!

Ngitian ko sila gamit ang labi kong mapusyaw. Pagkat ang damdamin ko'y nag-umapaw, malayang humakbang ang mga paa ko para makahakot ng manliligaw. Tila isa akong obra-maestrang nangibabaw sa kanilang ibabaw.

Bawat dramatikong kumpas at pilantik ay tila eleganteng ballerinang nakapupukaw.

Noong ako pa'y bakla, magaslaw at 'di natural ang aking mga galaw. Kaya pagdating sa pagkembot, sawing-palad akong aayaw. Na-insecure ako dahil sa mga walang kabuluhang kantiyaw.

Pero noong isang araw, hindi ko akalaing isa na akong diyosang babaeng lumitaw. Naging malaya ako kaya naging malaya rin ang aking pagsayaw. Nakisabay rin sa kalayaang iyon ang gown at mga hikaw kong bughaw. Ravier, naipakita mo ang tunay mong ikaw.

I danced in a way no one was looking. My feet and fingers let loose in the spacious dance floor to express the start of that freedom.

Take my hand, take a bad breath
Pull me close and take one step
Keep your eyes locked to mine
And let the music be your guide

"Will you be my dance for tonight?"

Napalingon ako sa kung sino ang nagsalita.

"Oh, hi, Sebastian!" nakangiting bati ko nang tinanggal niya ang itim na masquerade.

Binigyan niya ako ng rose para tanggapin ko iyon.

We stepped, gliding across the polished dance floor. The spotlight followed us, drawing everyone's eyes to our fine synchronization. We began with a simple step forward, followed by a graceful side step. Our movements were natural, as if we were enjoying the dance of give and take. It was the art of the waltz, where each movement tells a story of ebb and flow of freedom.

He cut a dashing figure in his suit that was deep, rich black, a vision to behold. The crisp white shirt and perfectly knotted black tie complemented his dark hair and pale skin.

Saludo ako sa kaniya dahil palagi siyang nariyan para kay Christel.

Pagkatapos ni Sebastian, si Kuya Erwin naman ang sumunod.

Katulad ng mga nauna kong kasayaw, lalaking-lalaki siya sa suot niyang suit.

Nagdadalawang-isip niyang hinawakan ako sa baywang at kamay. Kagat-labi niyang nahihiyang tiningnan ang mga taong palihim siyang tinawanan. Awkward ko siyang inilingan.

Naudlot ang moment noong pinalakpakan ni Ninang Odessa ang aking pinsan.

"Go anak! Kaya mo 'yan!" hiyaw nito habang pumapalakpak. She was wearing a violet dress with red sandals. Para siyang a-attend ng PTA dahil sa black shoulder bag niya. "Ipagpatuloy mooo!"

"Ah—e, a-ang hirap palang sumayaw nang hindi kumekendeng," bulong ng vaklang kasayaw ko.

Tumawa ako nang pabebe at nag-sway nang paunti-unti hanggang sa masanay siya. "Kumusta ka na, Kuya? Kayo ni Tito Victorico? Okay na ba?"

Gumusot ang mukha niya saka umiling nang umiling. "Ano ba 'yan, girlalu. Debut na debut mo ayan una mong naitanong sa 'kin. Gusto ko na nga munang kalimutan iyon, e."

"Sabagay, pero, edi ano ang plano mo ngayon at mukhang tanggap naman na rin tayo?"

"Magha-hunting na lang ako ng fafa para may magawa ako ngayon." At saka siya tumingin kay Wilson na nakasalamin at kay Sebastian na papalapit kay Christel.

Sinampal ko siya sa braso. "Loko ka, may mga jowa na iyon. Aanhin ba naman ang crush kung may lalaking hahabol din naman sa 'yo mismo someday?"

"Haler, copium. Kaya nga crush ang tawag do'n, e. Kaya ikaw, Ravi boy, crush and crushback are different things that doesn't always happen at the same time." Saglit siyang sumulyap kay Jaxon. "Kapag namimili ka ng crush, para ka na ring namimili ng taong 'di para sa 'yo."

Parang natamaan ako roon, a. Masyadong personal nakakaloka!

"What do you mean? Are you saying na hindi ako para kay—" Nandilim ang aura ko noong piningutan niya ako.

Hay, basta, trust in kismet's gamble na lang. Ch0Ur!

"Go, anak! Ipagpatuloy mo 'yan! Ganiyan sumayaw. Pingutin mo kapag masyadong magaling ang kasayaw!" Pumalakpak muli si Ninang Odessa out of nowhere. Doon kami napahagalpak sa tawa.

Bumaling ako sa kasayaw kong tinampal ang braso. "Uy, 'yong buhok mo sa kilikili mo kita! Ba't 'di mo sh-in-ave. Kasinghaba ng bulbol ko?" Itinuro niya ang kilikili ko.

Sinilip ko iyon. Pero nanlaki ang mata ko dahil hindi ko iyon inaasahang tumubo sa katawan ko. Agad ko iyong itinakpan para hindi makita ng madla.

Wala naman akong buhok sa kilikili noong mine-makeup-an ako sa dressing room, a. Bakit biglang nagkaroon?

May hindi ako naamoy na maganda rito. Hindi! Hindi ako puwedeng biguin ng katawan ko.

Pero natigilan ako. Hiram lang ang mukha at pati ang magandang katawang ito. That body was based on Elena Ravenita's daughter, Naomi Evangelista, that died on her womb when Tempiros stabbed them! Amelia just bestowed me that woman's body para hindi masayang ang hindi nakitang kagandahan ni Naomi Evangelista.

Napapitlag ako nang tabihan kami ng isang misteryosong lalaki.

Isang lalaking naka-suit na may hawak na katangi-tanging rosas.

Hindi ko maaninag ang kaniyang mukha dahil kinubli iyon ng maskara.

Pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pamilyar niyang asul na mata. Pinaubaya tuloy ako ni Erwin sa kaniya.

Sino kaya siya?

Ang mga matang iyon ay puno ng blangkong ekspresyon na tila may lungkot na pinagdaanan.

"E-Everette?" I asked him but his meaningful stares puzzled me what was going on. "I-Is that you?" My impulse urged me to jump and scream a cry, but I restrained myself by covering my mouth, muffling my own shock. "Oh, my! Bumalik ka!" I sighed. "Thank God. S-Si Amelia? N-Nasaan?"

Kinapa-kapa ko ang matigas niyang braso para masiguradong hindi iyon panaginip. "U-Uy, magsalita ka." Tiningnan ko kabuuan niya na pirming nakatayo lang na parang estatwa. "E-Everette, say something."

Yet his lips remained sealed, as if I was talking to a stone. He only offered a rose that was redder than the rest. I took it skeptically, sensing something wrong. But I danced with him anyway, our steps were awkward and stiff. There was something in his eyes that I could not read.

Niyakap ka siya. Utang na loob ko sa kanila ni Amelia ang kalayaang ito.

"Kumusta ka na nga? Long time no see. Is there something wrong? Si Amelia?" Since pipi ang kausap ko, tiningalaan ko ang matangkad na lalaking ito.

He did not dare to unmask his stoic face, but I could see his adam's apple moving, the only sign of life I found in him. I knew he missed me, but he was just trying to hide it.

While we were attached to each other, someone interrupted us that sent shivers down my spine. I looked at that someone.

His presence cast a shadow over us. Tension glinted in his malicious glare, ready to cut someone.

I greeted my escort. "O, J-Jaxon, bakit—"

Imbes na balingan ako, tiningnan niya ang lalaking kayakap ko. "Sir, mukhang naagaw mo na sa akin ang spotlight, a. Mind to borrow my girl?" agresibong tanong ni Jaxon sa lalaking nakamaskara pa rin . . . na lingid sa kaalaman niyang si Everette iyon.

Napahiwalay ako kay Everette nang tingnan ako ni Jaxon. Hawak niya ang rosas na nagsisimbolismo ng kaisa-isang pag-ibig. Katulad ng kay Everette, pulang bulaklak din ang bigay sa akin ni Jaxon.

"Can I have this dance—wait, N-Naomi?"

Napanganga siya nang makita ang unti-unting pagbabago ng pisikal kong katangian. Sumikip ang dibdib ko sa pagdeteryora ng aking kalagayan. Nagkaroon ng malalakas na reaksiyon ang mga tao nang makita nila ang pumapangit kong kaanyuan. Hiyang-hiya ang puso ko nang madatnan nila akong ganiyan. Parang ipinagkait na sa akin ni Naomi Evangelista ang karapatang hiramin ang kaniyang katauhan.

Natumba ako at nasilayan ang sariling repleksiyon sa dance floor na kinatatayuan. Napahangos ako saka ang mukha'y hinawakan. From a beautiful woman, my facade turned into my original form, which was a man.

Natutuhan kong may katapusan din pala ang kagandahan. Sa kaarawan ko pa mismo nawalan ng bisa ang kahilingang ibinigay sa akin ng aking kaibigan.

Nakarinig ako ng mga takbuhan at sigawan, na tila nakakita sila ng taong may ketong na kadalasa'y iniiwasan. Nakaluhod akong luhaan nang tanggihan ako ng sangkatauhan. Kahit hindi ko ginusto, ako ang dahilan ng kanilang katatakutan!

Sa sulok, tinanggal ni Everette ang maskara niya at itinapon iyon sa kalupaan. Palihim siyang lumabas ng exit ng bulwagan.

"Everett—" Pilit kong isinambit ang maganda niyang pangalan. Pero pinigilan ako ng nanghina kong kalooban.

"Ravi, Ravi! Anak ko! Anak ko iyan! Hindi siya halimaw! Tulungan ninyo ang anak ko!" Mula sa kalungkutan, sumigla ang puso ko nang sinubukan akong lapitan ni Tita Susan sa nagkumpulang bistang nagtulakan.

Pero nakapagtataka naman, tiningnan lang ako ni Jaxon na tila isang pulubi sa lansangan. Halos hindi maipinta ang mukha niya nang makakita ng hindi makatotohanang kapangyarihan. Napahawak ako sa maluwag kong kasuotan. Ang dignidad ko, hahayaan niya na lang bang tapakan?

III Nagkukutiyang tiningnan ni Jaxon si Ravi. Bakit ganoon na lang ang kaniyang pandidiri? Pakiramdam niya ay napagtaksilan siya nang mapagtantong nagmahal siya ng isang lalaki. Para siyang iniwan ng taong kinikilala niya bilang Naomi.

◤━━━━━━━━━━━━━◥

Ano kaya ang gagawin ni Jaxo'ng hindi mapakali? Kailangan niyang pumili bago maghating-gabi. ─❥

A. Jaxon: "Fuck! Nasaan si Naomi? Bakit heto ang nakikita ko ngayon? Naomi? Oh, Ravi. He's fucking Ravier all the time. I should've known that from the start, pero why did the magic disappear immediately the minute when I did not see that beautiful face?" (recommended for first-time readers)

B. Jaxon: "Kahit medyo nakaka-disappoint na hindi kagandahan ang mahal ko sa inaakala ko, pipilitin ko na lang na piliin siya. Matututuhan ko naman yatang mahalin si Naom—Ravier pala. Gotta face the bullet I made and just stand by his side." (this option is not yet available)

Consequences:

─If you chose option A, continue reading this chapter. Afterwards, skip reading or do not read chapters 33.1-33.3. Chapter 34 should be the continuation of the plot for this option. The story when choosing option B will end at Chapter 36. (recommended for first-time readers)

─If you chose option B, skip the remaining parts of this chapter and continue your reading experience on chapters 33.1-33.3 instead. The story when choosing option B will end at Chapter 33.3. (this option is not yet available)

Be mindful of your choices. Your decisions affect 10% of the story's outcome.

◣━━━━━━━━━━━━━◢

You and 100% of readers chose option A:

Jaxon: "Fuck! Nasaan si Naomi? Bakit heto ang nakikita ko ngayon? Naomi? Oh, Ravi. He's fucking Ravier all the time. I should've known that from the start, pero why did the magic disappear immediately the minute when I did not see that beautiful face?"

And then Jaxon ran like a coward, humiliated from his decision to choosing Ravier. He fled away from the problem, admitted himself that he could not love Ravier the way he loved Naomi.

Naomi's beauty was a fleeting dream, while Ravier's filthy face was its ugly antithesis.

He felt scammed. Para siyang nagmahal ng reyna, pero ang totoo ay isa palang dukha!

"Hey wait, J-Jaxon! Saan ka pupunta?" Pilit tumayo si Ravier para abutin ang binata, ngunit nabigo dahil naninibago pa ang kaniyang mga paa. Nothing to do, he just watched the young man until he disappeared from his sight.

His hands reached out into the empty air, as if trying to grasp at something that was no longer there. He was confused, hurt, and betrayed. He felt like a meaningless piece of debris meant to be reduced to ashes. How could he leave without a word, after all they shared?

I thought he would side with me, but at that moment, why did he become so unsure of me?

Luhaang tulala si Ravi, naguguluhan sa dahilan kung bakit siya iniwan. "Jaxon . . . " Why are you runnin'?

"Ravier, you need dire help." Tumakbo papalapit ang sina Bella at Christel na tagaktak ang pawis. "The situation's getting worse. Kailangan mo nang bumalik sa dressing roo—"

Naudlot ang plano nilang damayan si Ravier nang may aninong sumilakbo. "Oscurecerlo!(Padilimin!)"

Isang nakagugulantang na kaganapan ang nagpakita sa sanlibutan, ang pagtambang ng diyos ng kadiliman. Dumilim ang kapaligiran na nagsanhi ng kaguluhan. Nagmistulan bulag ang lahat sa pagpatay ng kaliwanagan.

Nagmistulang ibinura ng bagyo ang perpektong kaarawan. Puro itim lang ang masisilayan.

Kadiliman. Napakatahimik kung ito'y pagmamasdan, pero kaguluhan kung papakinggan. Puro sigawan at pagbasag ng pinggan. Hindi maalintana ng mga tao ang kanilang nadaraanan. Para silang mga talangka kung magtulakan alang-alang sa pansariling kaligtasan. Kahit may taong matapakan, ang importante, makagawa ng paraan para ang buhay ay mapahalagahan.

Pati si Ravier Moore na inosenteng naghahanap lang ng mahahawakan, tinabig ng isang sibilyan nang mapagkamalang paharang-harang na kalan. Napamura siya sa taong gumawa niyan. Kawawa naman ang ganda niyang nayurakan.

Muntikan na siyang nawalan ng pag-asa, pero mabuti na lang at may pamilyar na tao siyang naaninagan.

Ravier Moore |

"Tulong! Jaxon! Bella! Christel! Philli—"

Hawak-hawak ko ang braso nang tumama iyon sa sahig. Sana talaga at mamatay na iyong tumalak sa akin! Naiiyak akong pinagpag ang aking gown. Kaka-eighteen ko pa lang, please, hindi pa ako handang mamatay, Lord—Ay!

Bukod sa may nahagilap akong glow in the dark EXIT sign, may nakita akong kamay na nakalahad sa akin.

Umangat ang aking tingin.

"Need help?"

Oh, my God! Kumabog ang puso ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

Sapagkat desperadong mabuhay, agad kong tinanggap ang alok niyang tulong.

"E-Everette?"

"'Di ba, sabi ko naman sa 'yo babalikan kita? Tara na?" Kahit nasa kadiliman, sumindi ang pag-asa at pagmamahal sa aking kaibuturan.

Hindi ko siya makita, pero base sa kaniyang tono, pareho kaming masayang makita ang isa't isa. Mabilis ko siyang niyakap sa kabila ng malakas na ulan at pakislap-kislap na kidlat sa labas.

Bumitiw ako nang may maalala. "P-Pero wait, sina Bella at Christel. We need to help them first—"

Naalarma ako sa pag-atras niya. "Ravi, watch out—"

He activated his elemental vision.

The chandelier crashed to the ground, shattering towards us. I screamed as I felt myself being dragged towards my potential injury. I closed my eyes, waiting for the impact of how the lights would fall into my vulnerable weight.

But then, a strong arm wrapped around my waist and shielded me back to safety like a knight in shining armor saving a damsel in distress. It was an electrifying moment, with electric energy crawling like a spider in the dark atmosphere.

I looked up and saw his glowing hands spreading out, creating a violet bubble as a barrier between the deadly splinters. My heart gasped in fear, but I was also filled with hope. Sabi na nga ba maliligtas niya ako!

He returned his focus on me. "Okay ka lang, Ravi?"

Hingal na hingal akong nagpasalamat, "Phew! T-Thank you. You owe me." At saka ko hinalikan ang basang leeg niya. If it wasn't for him, I would have died.

Nawala nang parang bula ang kaniyang shield at agad na hinawakan ang palapulsuhan ko. "Umalis na muna tayo rito. This place will crumble." And then he led the way as his vision told him.

I nodded before gradually advancing forward. "Where are we going then?" tanong ko habang inaalis ang heels ko.

"Sina Amelia na bahala kina Bella. Pupunta tayo sa fantasy dimension ng Arciago. Hindi na kasi maganda kutob ko dito kung sa mortal world pa tayo magse-stay, Ravi."

Hindi ko naintindihan ang kaniyang idinahilan. Pero iisa lang ang dapat naming makamtan at ayun ang kaligtasan namin sa peligrong iyan.

Nakalabas na kami sa aming bahay-bakasyunan. Nakadama ako ng panghihinayang dahil unti-unting nalalagas ang pinaghirapan naming tahanan. Bumungad sa amin ang mga nabalugtot na poste at halaman.

Nauwi kaming basang sisiw sa walang katinag-tinag na buhos ng ulan. It was so violently strong that it feels like needles piercing through the land. Its aggressive cold breeze were ready to obliterate any trace or existence of man. Lahat ay nag-aambagan sa kalupitan ng unos na kinasasadlakan.

Gustuhin ko mang itaas ang laylayan ng gown kong may kahabaan, pero mahina pa rin ang katawan ko kaya agad ko ding nabibitiwan.

Malalakas na hampas ng hangin ang humahadlang sa paghakbang ng aming paanan. Para kaming maliliparan na tila yerong magaan.

Unti-unting lumalabo ang aking paningin habang tumatagal kami sa lansangan.

Sinakop na talaga ng kadiliman ang mumunting liwanag na aming nasisilayan. Wala itong sinasantong sinuman at anuman. Pati ang mga nasa laylayan, pahihirapan. Ikaw man ang pinakamatayog na simbahan o pinakamatibay na lansangan, mawawasak ka pa rin niyan nang daglian.

Simula na ng paghihiganti ni Tempiros gamit ng bayolenteng pagmamanipula ng kalikasan. Pagkakataon nang makalikas sa isang prestihiyosong paaralan para hindi niya kami maabutan. Agad na kaming sumilong ni Everette nang madatnan ang limousine na sasakyan. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro