Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝟑𝟏


●━━━━━━━━━━━━─╮

TITLE: HAPPINESS

━━━━━━━━━━━━

1 month later

Unedited | 

Naomi | Kailangang makahanap ng masisilungan para sa kaligtasan ko. Mga desperadong saklolo at iyakan ang paulit-ulit umalingawngaw sa aking ulo.

Buong lakas akong tumakbo papasok sa isang mall sa Kapitolyo. Iyong mga kasama ko, pilay-pilay na tumalon para hindi matupok ng Bagyong Virgilio.

Nakadulot iyon ng nakaagrabyadong trapiko.Halos bumulusok na ang mga pundasyon ng mall dahil sa dami ng tao. Binayo kami ng hanging nakapeperwisyo. Natangay ang mga establisyemento at nakalbo na ang mga puno sa bayolenteng hagupit nito!

Nadurog ang aking puso sa tuwing may nakikitang tulay na gumuguho sa malayo. Parang ayun na ang katapusan ng mundo. Huwag naman sana po!

Papasok na sana ako sa otomatikong pinto nang may gumapang na berdeng dinosauro na dahan-dahang tumungo sa direksyon ko! Nabahiran ng dugo ang kulubot niyang balat kakakain ng mga biniktima niyang tao.

Binigyan ako niyon ng ngising nakaiinsulto. Ang nanigas kong tuhod, hindi makagalaw sa puwesto. Nagsitayuan din ang mga balahibo ng mga kasama kong hapong-hapo. Huminto sa paglukso ang aking puso nang makita ko ang mga pamilyar na mata nitong nakahihipnotismo!

Wala bang sasagip sa akin sa ganitong engkuwentro? Amelia at Paolo, puntahan na ninyo ako!

Nanalangin na lang ako kay Hesukristo kung sa kalangitan ba o sa impyerno niya ba ako idedestino. Mukhang oras na para sumuko.

"Tulog ba talaga 'to? I think I should kiss her to satisfy my libido." Boses ng isang manyak na maginoo ang um-echo.

"Saklolo!" hiyaw ko habang nakikipaghabulan at patintero sa dinosaurong pinagkakaisahan ako!

Pero ang istratehiya'y nabigo.

Kahit magbato pa ako ng kahit ano, nagawa niya pa rin akong lapitan para mahalikan ako!

Napabangon ako at nadatnan ang humalik talaga sa labi ko!

Ang bangungot na iyon, parang totoo. Ano ang ibig sabihin nito? Dama ko pa rin ang kabog ng aking puso.

"Ano'ng ginagawa mo rito? Jaxon! Freak!" Hinampas ko siya sa broad shoulders at ngumawa na parang baby. "Nananaginip ako tapos nagulat na lang ako hinalikan ako bigla ng dambuhalang T-Rex!" pahikbi-hikbi kong paliwanag saka ibinaon ang mukha sa malambot na unan.

Napahawak si Jaxon sa tiyan katatawa. "I am the dinosaur in your dream, Naomi! Rawr!" atungal niya habang ginagaya iyong kamay ng T-Rex.

"Buwisit ka!" Sinabunutan ko ang sarili bago siya itulak gamit ang unan. "Nakalagay na nga ro'n sa pinto na no trespassing, e! Ano ba kasi ang ginagawa mo rito? May ninakaw ka, 'no?" Dinuro ko siya.

"Yeah! I stole a kiss to satisfy our libido!"

Remembering that kiss filled me with disgust that it churned my stomach! Binatuhan ko siya ng mga unan, pero iniwasan niya ang mga ito.

Nanlalaki ang mga mata ko siyang kinamuhian. "Hayop ka! Manyak!"

"It's just a matter of pride. Gusto mo rin naman pero mas gusto ko. Talo ka." Humalukipkip siya at kinindatan ako.

"May pride-pride pang nalalaman si freak! Ang yabang! Kaya pala mahangin sa panaginip ko! Bwiset!" Sinalansan ko ang nagkalatang unan at kumot na animo'y tinirhan ng balyena.

May reyalisyong sumagi sa isipan ko kaya tinakpan ko ang imbornal sa aking bibig. "Kakagising ko pa lang, e. Mabaho nga pala hininga ko. Dapat pinag-toothbrush mo muna ako!" Dinilaan ko ang buhaghag kong buhok. Inaalagaan ko naman ang sarili ko, pero bakit ganito?

Lumapit si freak. "Naomi, even if you have the worst smell, I will still choose to—"

Malutong ko siyang hinampas sa balikat. "E 'di inamin mo na rin na mabaho ako. Letse!" Bumalikwas na ako sa malambot na kamang parang gusto akong patulugin pa.

He interjected. "Umayos ka na diyan. Your father, which is my Tito, is waiting for you downstairs," nakangiting sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "Bakit ka nakiki-Tito? Kailan mo naging tito si Papa? Close kayo?" Pinamaywangan ko siya. "Sumbungin kita diyan, e." Tinapunan ko siya ng tingin bago bumaling sa alarm kong hindi naman ako ginising.

Habang nagse-cellphone ako, ibinaling niya ang sarili sa mga picture frame na nakasabit sa pink kong kuwarto. Inisa-isa niyang tinitingnan ang mga litrato ko noong kinder hanggang sa maging highschool graduate, as if it were milestones to recall. Ayun ang mga panahong ako pa si Ravi.

Huminto ang tingin niya sa picture frame ni Naomi, my recent picture, the new me. In that captured photo, I wore a graduation toga as yellow as daisies, with my silky hair sophisticatedly curled. My blooming face smiled pride as I held my diploma. A shimmer of interest flickered on Jaxon's face, as if that beautiful picture held a special place among all the others.

Two weeks had passed when we made a scene in the university's parking lot. Being his classmate was a mixed bag. Hindi ko alam kung blessing ba siya o stress lang na umaaligaga sa buhay ko. I remembered every bit of our conversation as if it was yesterday's dream.

"Sigurado ka bang totoo ang pinapakita sa 'yo ng lalaking iyon?" Ayun ang huling itinanong sa akin ni Everette bago nila kami pansamantalang iniwan.

Simpleng yes or no lang ang puwedeng sagutin, pero daig ang math problem kung tutuusin. I dwelled on it excessively, until my thoughts grew as stubborn as a relentless rain, leading me to trust my instincts instead.

Katatapos ko pa lang tawagin si Mommy Susan para maisundo niya na ako sa parking lot. Kailangan kong bilisan dahil may lalaki akong gustong iwasan!

Pero kung minamalas ka nga naman—"Naomi, wait!" hingal niyang turan. Napatigil ako nang maramdaman ang matuling takbo ng lalaki sa aking likuran. "Don't ya try to leave your fiancé hanging." Hinawakan niya ang palupulsuhan ko para mapigilan.

Nilingunan ko siya para bungaran siya ng pagtaas ng matataray kong kilay.

"Sino ka ba para label-an mo ako nang ganiyan? Ang pamilya ko ang nag-arrange sa atin at hindi ako. Kaya wala kang karapatang pakialaman ako nang hindi ko aprubado. End of story. Bye." I fakely smiled pero noong nakahawak pa rin siya sa kamay ko, sinitahan ko siya. "My hand! Ugh!" Hinigit ko iyon, pero tiningnan niya lang ako. Ang kulit mo, a! "Ano ba? Bakit ayaw mo akong pakawalan?" nakakunot-noo kong tanong.

"Naomi." He gave me a pleading eye, casting desperation. "Are you still remembering the past?" My fist clenched. "The past is Selena; you are the present. And I am hoping that we will be together at the future."

"Then there should be more than that, Jaxon." Napapatawa akong lumapit sa kaniya. "Bakit? Bakit mo ginagawa sa akin ito? Ah, alam ko na. Baka kasi gumanda lang ako kaya you are taking advantage of my beauty para may maganda kang babaeng maipagmamalaki sa madla. Tama ba ako? Or maybe you are just guilty hurting me before kaya you are correcting your mistakes by loving me." Bitbit ng mga salita ko ang hiyaw ng paghihinagpis.

"Jaxon, you had a lot of excuses to tryna love me even if you did not even have to do it. Kahit sorry lang, tapos! No need to go far like this arranged marriage." Napatirik ang mga mata ko saka umiling. "It was way unnecessary!"

Noong girlfriend mo pa si Selena, tanggap ko nang mas responsibilidad mo iyon. Hindi mo kailangang i-redeem ang sarili mo because you should not have to be blamed for not loving me at the first place.

I was a victim of unrequited love, built to be heartless. Pinili kong gustuhin si Jaxon. Kaya dapat ako ang bahala sa nararamdaman ko kahit masaktan niya pa ako.

He sighed. "I don't have the right words to convince or please you right now. But, Naomi." A sense of astonishment washed over me as his large hands tremblingly cupped my tender face. "I don't want an awkward problem lingering between us forever. You don't want that too right, babe?" Tila nabuksan ang matigas kong puso dahil parang binibigyan niya ako ng oportunidad.

Tulala akong nag-isip sa kawalan. Did we really have to tie loose ends so we could not leave a bitter note?

"Jaxon, b-bakit?" Kasing-init ng pagmamahal ang mga luhang tumagas sa napuwing kong mga mata. Niyakap niya ako, samantalang ako, nakatingin lang sa apat na sulok ng tahimik na parking lot.

"Gusto kong magkaayos tayo. Why are we holding ourselves back if we could just start this love in a way that we wanted to? Have you forgotten the reason to love?"

At doon ko sinunod ang aming nararamdaman. Oo nga naman. Wala namang masama kung susubukan, at wala rin namang katuturan kung palagi ko na lang siyang iiwasan.

Hindi sapat ang tibok lamang ng puso pagdating sa pagmamahalan. Nararapat malaman muna ang katauhan ng iyong minamahal sa pamamagitan ng pagkakaibigan. Hindi iyon overnight job na ginagawa nang madalian. Kailangan ito ng oras at kasiguraduhan para hindi ko pagsisihan.

Nililibang namin sa Papa sa hardin nina Mommy Susan. Sagana sa shrubberies at White Jasmine ang kapaligiran. Tila pinapatikim sa amin ng kalikasan ang halimuyak ng nagyayabungang berdeng halaman. Tuwing kami ay nagmamartsa sa mabatong daanan, umiindayog ang mga bulaklak sa atmospera ng kapayaan.

Sa gitna ng katahimikan, maririnig ang mumunting agos ng tubig sa fountain na matatagpuan din sa aming bakuran. Ang mga ibong nagliliparan, tumatanghal sa paraisong yamang hindi mapapalitan.

Hila-hila ng pabibong Jaxon si Papa na nakaupo sa wheelchair para maalalayan. Kasalukuyan itong na-discharge sa ospital nang manumbalik ang dating sigla sa kaniyang katawan. Lubos ko iyong pinasasalamatan.

Bumisita siya dahil may gusto siyang pag-usapan. He was my once my father noong nasa pangangalaga pa ako ni Mama Sofie Salazar, pero ako ay isa nang Moore na bitbitin ko hanggang kamatayan.

Pinagmasdan ni Jaxon ang luntiang damuhan. He exuded a charm of a carefree man. Dressed in a well-fitted blue and white striped polo-shirt and paired with casual denim pants, he looked both fashionable and confident. As my gaze fell upon his silver watch, his enthralling dark fragrance caught my senses, evoking the floral scents from our garden.

At heto naman ako, nakapan-school uniform na. Ipinagpag ko ang aking black skirt. Mayroong gintong eagle brooch na nakakabit sa aking blazer na sumisimbolo sa logo ng paaralan. Naka-black leather shoes at long white socks pa ako para hindi malamigan ang makutis kong binti. May checkered ribbon pa ngang sumasakal sa puting kuwelyo ng aking polo. In short, para tuloy akong cast sa Boys over Flowers dahil sa korean-style uniform na iyon.

Nagtanong sa akin si Papa na nakatingin sa water doon sa fountain. "How's your studies, anak?"

Tumikhim ako at sinilip ang wrinkled niyang mukha. "Everything's doing great, Papa. Mayro'n nga kaming group activity na kung saan magri-research kami ng product na makakatulong sa environment. Since si Jaxon ang masusunod sa groupings namin(ang bossy niya). Ang na-propose niyang research ay herbal cigarettes or inhaler or vape as substitutes for cigarettes."

Nang marinig niya ang salitang sigarilyo, gulat siyang napalingon sa kalmado naming ekspresyon. "B-Bakit naman gano'n 'yong ni-research ninyo? C-Cigarette? Nakakaiba!"

"Weh, Papa? Nakakaiba ba talaga? Lagi kang nagyoyosi diyan, e," sarkastiko kong katwiran at saka hinawakan ang hindi mapalagay niyang kamay na nakahawak sa sandalan ng wheelchair.

Kapag ako nagsisinungaling, ibig sabihin niyon in love ako. Pero kapag si Papa nagsisinungaling, ibig sabihin niyon may bisyo siya. Joke. Napahalakhak ako.

Natigil iyon nang sumabat si Jaxon na katabi ko pala. "Ayun nga po, Tito, herbal cigarettes. We named the vape Nature's Blend. Since our Almighty Voyena company is one perfume manufacturer, we already have experience gathering organic ingredients likes herbs and flowers. So, when it comes to the feasibility, it isn't an issue for us right, Naomi?" Siniko niya ako. Doon sumilay ang makintab niyang ngiti.

Umiling na lang ako. "Kaya Papa." Ako na ang naghawak sa wheelchair. "Betray that fucking stick of cigarette!" Sinipa ko ang popsicle stick na nakakalat sa daan. "Baka masunog pa ang bahay natin kakasindi ng sigarilyong iyan. Kahit vape na lang ang gamitin mo, less harmful pa diyan—"

"You're wrong, Naomi." Napasimangot ako nang tinutulan ako ni freak! "Tito, there are a lot of things more than cigarettes. Puwede naman po kayong mag-gym kasama po ako." With an insane gesture, he lifted his biceps, showcasing the athletic build beneath his blue striped shirt!

"Ay, wow! Nanpe-flex ka lang, e." Hinampas ko siya. Grabe, pati iyong mga paruparo sa garden lumayas na dahil nakatatangay ang yabang niya.

"Hindi kaya. Tama naman sinabi ko, a. Come on, a man's strength is in his actions. Exercising and building relationships just adds to our charm, 'no?" At saka niya pinakita sa akin ang mamasel niyang braso.

Inilrolyo ko na lang ang mga mata ko hanggang sa bumuntong-hininga. Whatever!

Nakangiting tiningnan kami ni Papa, tila nananaginip nang gising. "Mukhang maganda ang pakikitungo ninyo ni Jaxon sa isa't isa. Mahal na mahal talaga ni Jaxon si Naomi." Tsk! Napangiwi ako at lumayo nang kaunti kay freak nang sinabi ni Papa iyon.

Lumungkot ang mukha ni Papa noong hinawakan niya aking kamay. "Ravi, anak, pasensiya na kung napabayaan kita bilang ama. At . . . nalaman mo na nga palang hindi kami ni Sofie ang totoong magulang mo, kundi ang mga kabigan ko ring sina Susan at Ryan."

"Tsk!" Umiling ako at hinimas ang matigas niyang likod. "Papa, hindi pa huli ang lahat para maabot natin ang tunay na kaligayahan."

Ayun ang hinahanap ko, kaligayahan. Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko kapag naaalala ang nakaraan. Buti na lang at suwerteng tinulungan ako ng aking mga kaibigan. Oras na siguro patawarin ang sarili para kumalas sa gapos ng sakit at pait na dulot ng aking kapalaran.

Matapos kausapin si Papa, dumiretso na kami sa unibersidad na aming pinapasukan sa Kamaynilaan. Pag-aari iyon ng Pamilya Ramirez kaya kasimbigatin din nito ang UP Diliman.

Feeling at home at maaliwalas tingnan ang silid-aralan. Pinaderan ng wooden panels with matching backlit light at saka sinuksukan ng artipisyal na halaman. Ang hanging inuunlak ng electric fan, nakagagaan sa kinauupuan. Inalis ko ang sapatos at nagmedyas na lamang para guminhawa ang aking paanan.

Nag-discuss na ang aming Science and Technology professor. Nakaupo siya sa kaniyang table. Medyo mataba siya at nakasalamin. Naka-blue polo shirt din katulad ni Jaxon.

"What is happiness to you? May nakakaalam ba?" tanong niya sa amin.

Speaking of the devil, tumaas ang kamay ng katabi kong si freak.

Pumalumbaba si Ma'am Science at pinanliitan ng tingin si Jaxon. "Ay, go, iho." Nang mapagtanto niyang isa itong Ramirez, saka siya ganadong-ganadong napatango rito.

Nahihiyang ginulo ni Jaxon ang mahaba niyang charcoal hair na nakadagdag ng sex appeal. "Hello, guys." Mas nakapukaw ang kaniyang presensiya pagkaakyat niya sa platform na kung saan nandoon din ang pisara. "Kilala n'yo naman siguro ako, 'no? I'm Jaxon Caleb! Jaxon Caleb. You can call Caleb . . . because meeting you guys make my heart 'Caleb-rate' with happiness!"

Umusbong ang bulungan at palakpakan ng mga kaklase ko. Samantalang ako, nakahalukipkip at nababagot na sumandal sa upuan dahil sa ka-cringy-han.

Caleb-rate? Ano iyon? Celebrate? Calibrate? Ewan!

Nakaharap ako sa bintana pero natigilan din nang tumikhim siya. Pinanood ko ang kaniyang repleksiyon doon na animo'y hirap i-describe in words ang definition ng happiness.

He looked at the white ceiling while tapping his foot according to the room's silence. "For me, happiness is something very complex. I can't seem to understand it—Pero seryoso, it's a positive feeling na kung saan mapapatingin ka na lang sa taong nagpapangiti sa 'yo."

Happiness yorn? Napatingin ako sa kaniya at napangiti dahil sa nakakikiliti niyang sagot.

Tila nakalimutan ko ang nasa paligid ko nang nagtama ang paningin namin. "For me, da't wholesome ang happiness, e. Heto 'yong hinahanap ng isang tao na kung saan wala na dapat siyang nakikitang mali. Na kung saan she shouldn't doubt anymore because she's already beautiful. If it fulfills them, then they should submit to their happiness. Trust in kismet's gamble, and you'll experience a magical feeling, where ya won't mind societal norms or expectation."

Those words stroked deeply within me. I could not help but feel spiritually connected to that notion of 'Trust in kismet's gamble'. Should I still have faith in fate's mysterious ways even if it took Amelia and Everette away from me? Was life destined to forever remain a gamble, leaving me with the lingering fear that loneliness might be my inevitable end, robbing me of the chance for true happiness?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro