Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

꧁𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐄𝐄𝐍⢾░▒

꧁ 𝐒𝐄𝐀𝐒𝐎𝐍 𝟐 ✢ 𝕭𝖆𝖓𝖎𝖘𝖍𝖊𝖉

𝐑𝐀𝐕𝐈𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 |꧂"Pumasok ka!" sigaw ni Mama.

Nag-panic ako. Pinagtinginan na kami sa parking lot! Nakahihiya! Wala akong magawa kung hindi ang matulala! Halos tumagos ang pawis ko sa aking pantalon. Pati ba naman doon, ako pa ang center of attraction?

Pumasok ako sa kotseng Toyota. Tahimik akong umupo sa bandang kaliwa. Ramdam ko na naman ang kawalan ng tiyaga sa akin ni Mama.

"Umusog ka!" asik niya pa kaya umusog ako para makaupo siya.

Walang nakaintindi sa nararamdaman ko. Mas pinansin pa nila ang narumihan kong baro. Pinagtabuyan niya ako sa pamamagitan ng pagpilantik ng kamay at pagkuyom ng kamao. Tumungo ako kasi naroon din pala sina Ninang at Tito.

"O, ano ang nangyari? Bakit ang dumi ng damit mo, iho? A-At, ano ang nangyari sa mukha mo? May nagbugbugan ba?" tanong ni Tito Victorico na nakatingin sa rear-view mirror.

Nakakunot ang kaniyang noo na nanlalaki pa ang mata. Binuksan niya ang makina ng kotseng nakaparada. Naghintay pala sila nang matagal kaya mas lalo akong nahiya.

May nagpalatak. "Baka naman sa sobrang hinhin ay natapunan siya ng tubig at nabugbog sa mukha. Kahit kailan talaga, tanga!" sabi ni Ninang Odessa saka umiling. "Dapat kasi gayahin mo si Erwin—"

"Hindi po katangahan ang isang aksidente—"

Pinutol ako ni Mama, "Aba at may gana ka pang sumagot kang bakla ka! Ang mga bakla, sumasama ang ugali. Mas maigi nang maging tomboy. Kasi ang mga tomboy, matatapang na parang lalaki. At ang mga bakla, mababaho at ignoranteng padikit-dikit lang sa mga titi ng mga hubad na lalaki! Magulang ako kaya alam ko 'yan." Kinurot niya ang braso ko.

Aray! Mama, tama na po! Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang dalawang palad. Kumawala ako roon ng inis sa sarili!

Pakiramdam ko ay kahiya-hiya ako sa mata ng Panginoon.

Dapat hindi na lang ako sumagot. Mas lalo tuloy akong hindi magugustuhan nina Ninang!

Pinaharurot ni Tito Victorico ang sasakyan. Ang manibela ay mahigpit niyang hinawakan. Halos mabali iyon dahil nahalata niya na ang nagawa kong kamalian. Idagdag pang galit si Mama sa aking kabalbalan. Panigurado ay ang aming nasirang reputasyon ang mababalitaan sa paaralan.

Sa alanganing lugar pa ako umamin ng nararamdaman. Ang pagtanggol sa karapatan ay walang pinatunguhan kung hindi kaguluhan.

May muling nagpalatak. "A-Ano ang sabi mo, Sofie? B-Bakla iyang anak mo? Paano na iyan?" tanong ni Ninang Odessa na nakatitig sa akin at ngumiting umiling. "Iho, maawa ka naman sa Mama mo—"

"Hindi ko kailangan ng awa, Dessa. Ang maging lalaki lang siya ay sapat na! Sa mansiyon na lang natin pag-usapan ito. Tawagan ninyo sina Susan. Isama n'yo na rin iyong mga anak nila," utos ni Mama.

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. Pag-uusapan nila ako! Ano ang balak niya? Ayaw ko nang ganoon!

"Kawawang bata. Sana ay magbalik-loob na siya sa Panginoon," bulong ni Tito Victorico. Hinawakan niya ang manibela gamit ang kaliwang kamay, habang nakapamulsa naman ang kanan.

Kumapit ako sa kinaupuan.

Kahit tutol, hindi ako sumagot. Ako na naman ang mali!

Bumaling ako sa bintana ng Prado. Seeing the towers afar in the night sky was lovely. Dazzling lights were glowing in every tiny hole of it. Those rising buildings symbolized my spirit to move forward in life.

Kung ako ay naging sikat, kung ako ay nagtagumpay sa pagpapalakas ng aming negosyo, ipagmamalaki ko sa lahat iyong mga efforts ko! Ipapasyal ko sina Bella sa mga ari-arian ko! May three days and two nights sina Christel sa bonggang resort namin! Reregaluhan ko sina Rhea ng a-hundred-dresses na bet na bet niya! Makukuha ko na iyong mga gusto ko nang walang inaapakang tao! Pahahalagahan ko rin iyong mga ipinamana sa akin ni Mama kasi mahal na mahal ko siya! At saka, utang na loob ko rin iyon sa kaniya. Feeling ko kasi, kulang ang salitang thank-you at iyong I-love-you para maipadama ko sa kanila kung gaano sila kaimportante sa akin. Hindi ko kayang iwanan ang pamilya ko. Hindi ako handang mawala sila. Wala namang taong handa kapag may nangyayaring ganoon, e.

My hopes were high, hanggang sa may nangyari nga lang noong JS.

Bumagsak ang aking balikat sa kawalan ng pag-asa. Wala na akong malinaw na direksiyon. Tila binalutan ng kadiliman ang liwanag na aking nasilayan. Malabo nang mangyari iyon dahil marumi na ako sa paningin ng karamihan. Hindi ko na makita ang sarili sa susunod na sampung taon.

Ipinarada ni Tito ang sasakyan sa tapat ng aming mansiyon. Agad akong bumaba dahil ayaw ko na namang sigawan ni Mama. Halos maputol ang litid niya kasisigaw!

Nang makalabas, natigilan ako noong bumulaga sa akin ang buong angkan ng Dela Cruz! Nakasakay sila gamit ang mga mamahaling Ford at Mercedes-Benz! Nadaig ang mga poste ng ilaw ng mga nakapupukaw-pansing kulay ng mga kotse—itim, pula, at gintong kumikinang!

Ang bilis naman nila? Alam kong tinawagan sila nina Ninang doon, pero hindi ko inasahang ganoon sila kaaga!

Pinagbuksan kami ng mga bodyguards dahilan upang makapasok at makababa ang mga relatives ko. Para silang workaholic na nagmadali at pokus na pokus sa pagpasok sa antechamber.

Napakunot ang noo ko at napakiling ang ulo habang lumalapit doon. Hindi ko lang maiwasang manibago sa dala-dala nilang aura. Hindi rin naman ako kailanman sinama nina Mama at Papa sa opisina nila. Next year ko pa hahasain iyong sarili ko pagdating sa business matters.

Nakababahalang pumasok! Nanginig ako sa lamig ng gabing malamok. Tila may mga punong kahoy na nanakal sa aking batok!

Nang makapasok ang lahat, nagpaiwan muna saglit si Amelin. Binigyan niya ako ng nag-aalalang tingin. Ang mas nakagugulat pa ay niyakap niya ako para pakalmahin!

Mukhang may mangyayaring masama. Huwag naman po sana! Maawa kayo!

"S-Sorry, Ravi, hindi ko alam na dito hahantong ang lahat. Sa mapanganib na paraan pa!" Halos mapiyok siya sa kaniyang sinabi. Umagos ang luha niya sa mantsadong polo ko.

Tumingin ako sa kawalan—sa kagubatang aming nasakupan. Paano naging mapanganib ang aking kalayaan? Huwag naman sana nila akong pabayaan! Hindi naman siguro ako pinagtiyagaang alagaan ni Mama nang walang dahilan!

Humiwalay ako sa pagkakayakap. "A-Ano? Ano ang gagawin nila?" Humarap ako sa kaniya. "Tell me," patuloy ko tapos hinawakan siya sa balikat.

Nilukob ng kilabot ang aking katawan! Tila may ininom akong likido na nagpabara sa aking lalamunan! Halos hindi ko na kilala si Mama, ang tangi kong maaasahan. Sana ay panaginip na lamang ang naganap nang tuluyan ko iyong makalimutan. Ang maaaring gawin nila ay hindi makatarungan!

Umalingawngaw ang boses ni Tita Susan. May hindi pagkakaunawaan! Tumayo ang mga balahibo ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng aking pusong nasaktan.

"H-Hindi ko pa alam ang gagawin nila. P-Pero, ito lang ang masasabi ko sa iyo, mag-iingat ka sa bawat sasabihin mo. Makapangyarihan ang pamilya natin! Sorry kasi, hindi ako um-attend ng prom. Hindi ko talaga ugaling sumama sa mga party gatherings," ani Amelin sabay akbay sa akin paharap sa entrance.

Huminga siya nang malalim. Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bulsa at nanginig na nagtipa roon.

Pumasok na kami. Kailangan kong humanda sa magiging kapalaran ko.

"Huwag ka namang ganiyan, Sofie! Napakakitid ng utak mo!" sabi ni Tita Susan pagkapasok namin ng sala. "Sa halip na pagmamahal e iyang pride mo ang nangingibabaw!" Sinabunot niya ang kaniyang buhok.

Ano ba ang balak ni Mama sa akin? May kailangan ba akong patunayan doon?

"Tumahimik ka, Susan, kung ayaw mong masaktan o baka gusto mong patalsikin kita sa kompaniya ko?" banta ni Mama.

I gasped at what I had heard.

"P-Papatalsikin mo si T-Tita sa kompaniya?" tanong ko sa kaniya.

Umiling siya. "At may gana ka pang magtanong?" kuwestiyon niya saka natawa. "As if naman ikaw ang tagapagmana niyon! FYI, hindi ako kailanman tatanggap ng baklang magmamana sa Nondria Clothing Company ko!" asik niya.

Gumuho ang aking mundo. Ang nangatog kong tuhod ay tuluyan nang bumigay. Napaluha ako sa nalamang impormasyon. Napahawak ako sa dibdib at mariing napapikit habang umiiling.

Mama, hindi ikaw ito!

"Hayop ka, Sofie! Wala kang kuwentang ina!" sambit ni Tita Susan.

Sasampalin niya na sana si Mama ngunit pinigilan namin siya ni Erwin!

"T-Tita, tama na po!" awat ko, ngunit hindi siya nagpatinag.

Pilit niyang pinakawalan ang mga kamay na nakahawak sa kaniya.

Please, Tita! Huwag po ninyong saktan si Mama!

"Para sa iyo ito, Ravier—"

Sumingit ang isa kong tita. "If your goal is to protect the company's reputation and maintain its shares, we will just find another heir in the company. Ang maaari ko lamang mai-suggest na tagapagmanang lalaki ay . . . walang iba kung hindi iyong anak nina Liam at Rhema," aniya habang nagbabasa ng magasin gamit ang kaniyang salamin.

Umiling ako at napakalmot sa sahig. Jaxon na naman? Por que't guwapo, entitled na?

Bakit hindi ako? Hindi ganoon ang pagpapatakbo ng kompaniya! Ano nga ba ang posisyon ng mga ito? Gaano ba makapangyarihan ang mga taga-Voyena? Bakit hindi na lang si Kuya Erwin? Dahil ba sa alam nilang silahis siya kaya ganoon?

Kaya ba sina Tita Susan at Tito Ryan lang ang pinaalam nilang may-ari ng Education Center, dahil ba sa ikinahiya nila kami ni Erwin? Ikinahiya nila ang kasarian ng anak nilang may apelyidong Salazar at Sanchez? Ang pagkakaroon ba ng bakla sa isang organisasyon ay nakasisira ng reputasyon?

Nahanap ko na ang sagot sa aking katanungan. Isa pala iyong napakawalang kuwentang dahilan! Ang bababaw! Paano naging malayo ang kanilang narating kung ganoon ang pananaw?

"Iyong Jaxon? Oh, that cute little guy!" tili ni Ninang Odessa na nakaupo sa antique na sofa. "Dapat gayahin mo Ravier si Jaxon—makisig, palabiro, pogi, at talented pa!" pagmamalaki niya habang pumapalakpak.

"M-Mama, bakit ipinagdamot mo sa akin ang lahat ng ito?" tanong ko nang nakayamot.

Bakit ibibigay nila kay Jaxon ang posisyong hindi kaniya?

Hindi niya naman kadugo ang pamilya ko, a!

Ano ba ang problema nila sa isang baklang katulad ko? Wala na bang ikalalalim ang dahilan nila para makumbinsi naman ako?

Dismayado ang naging tono ng pananalita ni Tito Victorico. "Ravier, manahimik ka! Umamin ka lang at ayan na ang lumalabas sa bunganga mo! Mga bakla nga naman, palasagot!" Sinapo niya ang kaniyang kulubot na noo.

"Pero ako po ang dapat na maging—"

"Lumayas ka na rito sa pamamahay ko, Ravier Salazar! Wala akong anak . . . na babading-bading!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mama. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa gusto niyang mangyari. Sa lahat ng maaari kong pagkatiwalaan ng sekreto, sa lahat ng mapagsasabihan ng problema, siya pa mismo ang hindi makaunawa sa akin!

Bumaling ako kay Papa sa veranda. Ang  tensiyon ay hindi niya man lang inapula. Puro pagyoyosi at alak lang ang inuna!

Please, tulungan mo ako, Papa!

AH! Sumigaw ako sa kawalan at nagwala sa pagluha.

Hindi ko kayang lumabas nang mag-isa! Sa isang iglap, ang mga pinakainingatan ko ay nawala!

Totoo nga talaga ang naging paniniwala ko noon! Life did not turn out the way I wanted. Iyong inasahan kong matatanggap ako, ayon pa iyong taong kakaligtaan lamang ako.

Tinakpan ko ang aking mukha sa kahihiyan. Mabuti na lamang at hinimas nina Kuya Erwin at Amelin ang aking likuran.

May mga mayayaman palang katulad ko na nagawa pang maglimos. "M-Mama. M-Mama. M-Mama," sabi ko, "P-Please mahal ko kayo!" Lumuhod ako bilang pagpapakumbaba. "Magpapakalalaki na po ako, basta huwag lang po ninyo akong palalayasin—"

"Huwag mo akong tatawaging 'mama'! At isa pa, wala akong anak . . . na sinungaling—"

Sinampal ni Lola si Mama!

"Nakakaawa ka! Wala akong anak na pabaya!" sigaw niya rito.

Napahangos kami sa pagtayo niya. Nakaupo lang siya sa wheelchair dahil ininda ang high blood. Hindi siya puwedeng magalit! Hinawakan niya ang kaniyang dibdib!

Inawat siya nina Tito Ryan. "Nay, take care of your heart! May high blood ka pa naman!" turan ng mga ito at saka siya pinasandal sa wheelchair.

"Ginagawa ko lang ang nararapat," nahihingal niyang patuloy. Pagkatapos niyon ay napapikit na lang siya sa pagod.

Pinanlisikan ako ng mata ni Tito Victorico. "Magpalit ka ng damit mo. Ryan, gamutin mo ang sugat sa labi niyan! Pagkatapos mong gamutin, palayasin n'yo na! Talagang sina Odessa pa ang nagligpit ng gamit mo, a!" sigaw niya habang kinakamot ang balbas-saradong panga.

Huminga siya nang malalim para makapagpigil. Baka masakal niya ako kapag nagkataon.

Lumapit si Tito Ryan na may dala-dalang first-aid kit. Nakauniporme siyang puti at may sphygmomanometer na nakasabit sa kaniyang leeg. Ginamot niya ang sugat kong nilikha ni Jaxon. Napakahapdi ng pagkakasuntok nito sa akin. I hated him for doing that to me!

"Change your clothes, Salazar. That is already filled with fluid. Lalabhan pa iyan," walang emosyong turan ni Tito nang nilagyan ng compress ang aking labi.

Binigyan niya ako ng makahulugang tingin.

Ayaw niya sigurong pag-usapan ang tungkol sa kasarian ko. Ayaw ko na ring makatanggap ng mga masasakit na salita galing kay Tito Victorico. May limitasyon din ang puso.

Sinunod ko ang sinabi niya at umakyat na ng kuwarto. Hindi maka-sink-in sa aking utak ang mga nalaman ko.

Paano ba ako makakapag-aral nang maayos kung sa tabi na lang ako ng puno uupo? Mama, hindi na ba magbabago ang isip mo?

Habang nagbibihis, napatingin ako sa pinto. Naroon ang iisang maleta na siyang lalagyanan ng mga polo at sepilyo. Nakalagay naman sa kama ang wallet ko.

Pinunasan ko ang mga luhang namuo. Kinuha ko ang wallet na nakapatong at tiningnan ang halaga ng piso—limanlibo!

Saan ko kaya magagamit iyon? Sana ay may magmagandang-loob na bigyan ako ng murang apartment sa isang nayon. Kung susubukan kong dumiretso sa Muvazo Homes, baka abutin pa ako bukas ng dapit-hapon.

Kinuha ko ang aking phone na nakaipit sa suot-suot kong pantalon. Marami akong nabasang hinaing at opinyon.

Napanganga ako dahil tungkol sa akin ang mga tweets doon—mga bali-balita tungkol sa aking confession!

Ravier, napaka-estupido mo! Hinila nila ako pababa nang todo! Talagang pinagtulungan ako ng mga tarantado! Kulang na lang ay gusto na nila akong mawala sa mundo! Niloko pa nila ang boses kong mala-soprano! May mga caption pang 'bravo' at 'bobo' sa aking mga scandal video. Ikayayaman ba nila ang nagawa kong kaso? Hanggang sa mayroon akong napagtanto.

I could not please the world. People would always criticize me every time I made a single mistake! No matter what I did, even if I did better, people would still complain!

Tumunog ang aking phone. May nag-post—si Jaxon!

Litrato nila ni Selena iyon na magkahawak-kamay at nakangiti sa selebrasyon. Masayang-masaya sila dahil dama ang presensiya ng bawat isa!

Naka-post din siguro iyon sa Myday nila. Mga wala kayong puso!

Kahit masaktan ako, Jaxon, wala ka pa ring pakialam? Ikaw ang isa sa mga binigyan kong prayoridad, pero bakit ang hapdi ng sinabi mo?

Binigay ko na iyong lahat, pero bakit hindi mo man lang ako na-appreciate? Bakit iba iyong natipuhan mo—sa babaeng walang ginawa kung hindi ay saktan lang ako? Was I trying too hard to impress you?

Kulang pa rin ba kahit sobra na, ha? Basura pa rin ba ako sa paningin mo?

Isa ba akong malaking chour kaya traydor ang turing mo sa akin?

E, bakit ganoon! Paano naman ako?

He also retweeted. Hindi por que't gusto mo, gusto ka rin.

So I had to stay lowkey.

My thumb pressed the recent notification. I took a glance at the display's animation.
My eyes moved swiftly in fixed left to right motion, jumping from words to expressions.

May ni-retweet din siya na tila pinaringgan ako!

Galit mo sa akin: Ninety-nine percent
Paki ko sa iyo: One percent

Ang galit ko sa kanila ay katumbas ng isang ream ng bond paper, habang ang pakialam niya sa akin ay isang miniature na libro lang.

Nagtagis ang bagang ko sa isiniwalat niyang katotohanan. Umigting ang panga ko at pinanlisikan ng tingin ang gadyet. Lumabas ang ugat sa aking leeg. Ang nagliyab kong emosyon ay tuluyan nang sumabog!

Binato ko ang phone sa kama!

Napaluhod ako at ibinaon ang mukha gamit ng unan. Doon ko sinamantala ang paghikbi. Napakahina ng loob ko! Wala nang saysay ang buhay ko!

Ipinagpatuloy ko ang pagtangis hanggang sa may humimas sa aking likuran.

"R-Ravi, sorry kasi wala akong ginawa. Alam kong nahihirapan ka. Pagpasensiyahan mo na ang mga ugali nila, ha. Ako na ang humihingi ng tawad sa mga nagawa nila. B-Babawi ako. Babawi kami ni Tita Susan," sabi ni Amelin na niyakap ako.

Sana katulad na lamang kita, Amelin—babaeng komportable sa kasarian niya.

Kayang-kayang dalhin ang sarili.

Walang inindang sakit at pang-aapi.

That was disheartening. Dahil lang pala sa bakla ako, hindi na nila ipagmamalaki ang dapat na maging CEO.

I had no choice but to let them go.

"Lumayas ka na rito, Bakla!" sigaw ni Mama sabay hagis ng maleta ko.

Nakaalis na sina Amelin. Bumalik na sila sa kani-kanilang bahay. Diyos na ang bahala sa akin. I had to survive. Iyon na siguro ang karma!

Padabog niyang isinara ang dobleng pintuan. Masyadong iyong malakas na halos gumuhit ng biyak ang semento ng mansiyon. Hindi na ako welcome sa puso nila. Burado na ang pangalan ko sa family tree ng mga Salazar.

Mothers know best! I said, deep-inside. Natawa ako. That was the best for me—ang maging tambay sa kanto, manatili sa maruming lansangan, at tumira sa apartment nang walang bumibisitang mahal sa buhay!

Naglakad ako nang mag-isa—hila-hila ang maleta. Palayo nang palayo ako sa tahanang kung saan ako tumanda.

Palayo nang palayo ako sa pamilya ko na kailanman ay hindi ipinaranas sa akin ang tunay na pagmamahal, kung hindi sakim at tukso ang mas nangibabaw.

Nasa limang kilometro ang nilakad ko. Gusto ko mang mag-commute, pero ayaw ng mga taxi driver. Nilagpasan nila ako. Matutulog na raw sila. Para tuloy akong naglakad nang nakapaa sa tigang na disyerto.

Inantok na rin ako. Wala pa akong mahanap na apartment noong oras na iyon. Wala rin akong load. Hindi tuloy ako nakapag-search ng bakanteng apartamento.

Umupo ako sa pinakamalapit na waiting shed.

Nangilay ang paa ko. Para akong nanghihingalo.

Kung ipagpapatuloy ko ang paglalakad, baka magkarayuma ako nang maaga. Idagdag pa ang ambon at bigat ng maleta.

Ang pinaghirapan ko ay nauwi sa wala. Itinabi ko muna iyong maleta at kumuha ng unang natabunan ng mga tela.

Doon na lang ako matutulog para maibsan ang gutom. Malapit naman ako sa Mcdo ng San Joaquin. Doon ako kakain kinabukasan. Mga nasa singkuwenta lang ang kakainin ko roon. Para makatipid na rin. Mahal ang bayad sa mga apartment. Hindi ako sigurado kung may pagkakataon pa akong makahanap niyon.

Bago ako matulog, kinalikot ko muna ang aking IPhone. Wala nang signal. Ten percent na lang ang battery.

Sana ay hindi ma-lowbat habang natutulog. In-alarm ko iyon ng six o' clock at itinago muli sa maleta. Pero wala rin iyong silbi. Hindi ako madaling magising sa mahinang alarm clock.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Pinilit kong makahiga sa matigas na bakal na upuan. Sana ay hindi ako mahulog doon. Kahit may mga langgam, tiniis ko. Nangati na nga ako, e.

Huminga akong malalim at saka ibinanat ang laylayan ng t-shirt.

Tahimik.

Nakasasakit din pala ang katahimikan.

Mapayapa.

Hindi ko inakalang nakabibingi pala ang kapayapaan.

Nakatayo ako sa rooftop at pinagmasdan ang nakasisilaw na langit. Napaawang ang labi ko sa tingkad ng pagka-asul niyon!

Minsan, nangarap ako na balang araw, mararanasan ko ang tunay na kaligayahan pagtapak diyan!

Pero noong oras na iyon, pursigidong-pursigido na akong makapunta!

Hinayaan ko ang malakas na simoy ng hangin na dumapo sa aking katawan. Nag-T-pose ako at lumapit pa lalo sa bakod.

Pumikit ako, lumanghap, at ngumuso. Sa aking pagnguso, may dumamping mainit sa labi ko.

Tapos na ang misyon ko sa mundo. Patatagalin ko pa ba ang paghihirap kung puwede ko namang tapusin na agad?

Tumingin ako sa nakalululang kalsada. Puro iyong mga racing cars. They were like flying arrows symbolizing death from pain! After the depths of what I had been through, I leaned forward and forward . . . until I was falling—falling to the end! I took in my life and recollected my achievements. I did not know if I could breathe at terminal velocity. I prayed and accepted my kismet as I hit the ground.

"Tempiros Virgilio, parang awa mo na! Si Nohemí Evanghelista na lamang ang tangi kong pag-asa!"

Napabangon ako mula sa bangungot. Ano ba ang ibig sabihin kapag nananaginip nang nahuhulog?

I breathed rapidly, remembering my dream! Sino si Naomi at kaninong boses iyon?

Nang maka-recover, sumalubong ang aking kilay sa lamig.

Nasaan ako?

Nilibot ko ang paningin sa kuwarto. Hindi ba natulog ako sa waiting shed?

Umupo ako sa kulay pink na queen size bed.

Mayroon ding mga nakapatong na We Bare Bears stuffed toy sa tabi ko.

Napangiti ako sa ka-cute-an nila. Kailanman ay hindi ako binilhan ni Mama ng mga ganoon. Bakla raw kasi ang mga lalaking mahilig sa stuffed toy.

Nilibot ko muli ang tingin sa kuwarto. Ang kisame at pader ay pininturahan ng indigo. May lavender wallpaper na nakadikit sa likod ng headboard ng hinigaan ko.

May maliliit na chandelier sa magkabilang dulo at may light pink na fur carpet sa ilalim. May mga We Bare Bears ding bedroom slipper na nakalagay sa tapat ng CR.

Sa bedside table ay may mga bulaklak at Toblerone na nakapatong.

Huh?

Para kanino ba ang mga iyon? Iyong mga gamit ko, nasaan? Tapos amoy sunog pa sa baba! Chef yata ang may-ari ng unit.

"Nasaan ang maleta ko?" nakabibinging tanong ko sa sarili.

Hala! Baka ninakaw na! Nandoon pa naman iyong five-thousand ko!

Tumayo ako at binuksan ang brown na aparador sa kanan. Nanlaki ang mata ko dahil naroon ang aking mga kagamitan!

Nakatupi nang maayos ang damit. Ang maleta ko naman ay nakatago sa tabi ng bedside table.

Ano ba ang nangyari? Nakahanap na ba ako ng magarang apartment? May umampon ba sa akin?

Mayaman ang may-ari. Mukhang nakitulog lang pala ako roon. Kailangan kong makaalis agad!

Hinawakan ko ang mga nakasalansan sa aparador. Unbelievable!

Naestatwa ako nang may umawang na pintuan!

Napatalon ako nang otomatikong bumukas ang durungawan!

Siya ang nagligtas sa akin sa kapahamakan?

Oh, my goodness naman! Salamat at nakahanap ako ng maaaring tulugan!

Nabuhayan ang kaniyang loob nang makita niya ako sa aparador na aking kinasandalan. Halos maiyak siya sa saya nang malamang nasa mabuti akong kalagayan. Niyakap niya ako pahiwatig na lagi siyang nandiyan kapag mayroon akong kailangan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro