꧁𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐔𝐑𝐓𝐄𝐄𝐍⢾░▒
꧁ 𝐒𝐄𝐀𝐒𝐎𝐍 𝟐 ✢ 𝕾𝖎𝖇𝖑𝖎𝖓𝖌𝖘
𝐑𝐀𝐕𝐈𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 |꧂Nakahinga siya nang maluwag nang makitang kagigising ko pa lamang. Humakbang siya papalapit sa akin para mayakap ako.
"Thank gidness, Ravi. Nabuhay ka! Aba-aba, ano ba kasi ang nangyari sa iyo kagabi? Akala ko namatay ka na, timang! Maiiyak si Kuya kung siya pa iyong gagastos sa lamay mo! Hula ko pinalayas ka ng magulang mo matapos mong magpakabakla, 'no! Pakyu sila nang sagad! Mga wala silang kuwenta! Mamatay na sila! Pera't reputasyon lang alam! Hinayaan ka lang nilang iwanan sa waiting shed malapit doon sa Shell gasoline! Sa sobrang pagpa-panic ni Kuya e hinarangan na ng drayber namin iyong isang mabagal na Mercedes-Benz! Parang may hinahanap din iyon kasi usad-pagong!"
Mercedes-Benz? Ganoon din kasi iyong kotse nina Tita Susan at Tito Ryan, e. Those two people were the only ones who gave me meaningful stares that night.
Inangat ko ang aking tingin sa kaniya. "I-Ikaw? P-Paano mo ako nahanap?" tanong ko sa kalagitnaan ng pag-init ng aking mata. Na-miss ko na kasi ang pamilya ko. Sana makabalik na kami sa dati!
Kumalas siya sa pagkakayakap at tiningnan ako nang diretso sa mata.
"Nagtago kami sa lobby. Ayaw ko rin namang mapag-usapan ng mga timang doon kaya hinintay muna namin silang makauwi lahat. Buti nagpa-late ako ng uwi." Tumikhim siya. "Trapik na sa labas kasi maraming nakakotse. Pero noong nakita ka namin ni Hyung, nagulat ako!" Nanlaki ang mata niya at napaurong. "Aba-aba, nakahimlay ka sa waiting shed! Napaka-absurd naman ang pagpapalayas sa iyo ng mama mo lalo na at delikado sa labas! Gago sila! Pabaya." Umiling siya at tumingin sa gilid ng kama. "Aba-aba! Niregaluhan ka pala ni Kuya Gilbert ng mga chocolate at bulaklak! Nangangayayat ka na rin. Kagabi pa ang huli mong kain," turan niya pa.
May five-thousand palang binaon sa akin. Plano ko sanang mag-breakfast meal sa Mcdo, pero buti na lang at natagpuan niya ako.
"Uhm, thank you. P-Pero, kaya ko naman ang sarili ko, e. May pera naman akong pambili." Dumapo ang tingin ko sa Toblerone. "Nakakahiya naman kasi sa inyo ng kuya mo. At saka, aalis na rin ako mamaya. Maraming salamat ulit sa tulong mo, Rhea. Kung hindi kayo dumating, baka kung ano pa ang mangyari sa akin," tugon ko nang namamasa ang mata.
Tumayo na ako para makapag-impake pero hinawakan niya ang kaliwang pulsuhan ko!
"Aba-aba may bobo, o!" Dinuro niya ako nang nanlalaki ang butas ng ilong. "Manatili ka rito! Kung ako pa sana gagawa niyon e mas puwede pa. E ikaw, lagi ka lang namang nasa loob ng mansiyon n'yo. Kapag ikaw lumabas, mamamatay ka! Takot ka pa namang tumawid. Sagot ni Kuya lamay mo, sige ka. Okay naman din sa mga magulang ko na tumira ka rito, e. You are welcome here with open arms!" Inunat niya ang kaniyang mga braso. "Magkaibigan tayo, 'di ba? 'Di ba? 'Di ba?" tanong niya at saka ngumiti.
Sana, may magulang din akong kayang suportahan ako sa anumang desisyong gagawin ko.
"Hoy! Magkaibigan tayo, 'di ba?" Pinalo niya ang aking hita.
Ngumiti ako at tumango. Mahirap namang tanggihan ang grasya. I wanted to see Rhea's parents also.
"Aba-aba! Kumain pala muna tayo sa baba! Naaamoy ko na iyong b-in-ake na cake. Masarap ang blueberry cake namin, i-try mo! 'Di ba iniiwasan mo 'yong mismong blueberry n'on kasi ang pangit ng lasa? Pero ngayon baka hindi ka na magsasawang tikman 'yon lalo na 'yong graham!" Impit siyang sumigaw at tumayo na.
Abot hanggang sa dulo ng mundo ang ngiting naipakita ko. "Sige, hintayin mo na lang ako roon. Aayusin ko pa itong kama ninyo-"
"Hindi na kailangan, timang! Si Yaya na ang mag-aayos niyan. Baka kapag ikaw nagtiklop niyang kumot na 'yan e octagon pa ang hugis na makita ko imbes sa rectangle. Kaya, tara? Sabay na tayong kumain," putol niya sa akin at kinunutan ng noo ang aking kapayatan.
Papayag na sana akong sumabay, pero marumi ang suot ko at mabaho rin ang hininga ko dala ng problema sa buhay.
May kumiliti sa tiyan ko na siyang nagpatawa sa akin. "Sige, maliligo muna ako at magtu-toothbrush," sabi ko na ikinatawa niya rin.
"Yak, kadiri! Ang dugyot mo! Pati ba naman pagsepilyo hindi ka marunong? Kaya pala nangangamoy basurang inihian sa imbornal!" sabi niya habang tinatakpan ang matangos na ilong. "Sige, baba na ako. Hindi ko na kaya ang amoy ng virus." Suminghot siya. "Ihahain na rin ang ulam," dagdag niya bago balibagin ang pinto.
Nag-toothbrush ako at naligo. Kumuha ako ng matinong damit sa aparador. Ang taray niya naman-may yaya. Buhay prinsesa pala siya roon-may tagaayos at tagatiklop pa ng damit.
Pagkalabas ng kuwarto, dumikit ang aking paningin sa isang lalaking nanalamin!
Nakatalikod siyang nagbihis! Mas matangkad at matanda siya nang kaunti sa amin ni Rhea. Sumilip ako hanggang sa maaninag ang mukha ni Kuyang naka-boxer. Pumalibot ang mga pekas niya sa mukha at sa mamasel niyang braso. Hinalikan ng sinag-araw ang kaniyang kayumangging balat sa likuran, ngunit naharangan iyon ng sinuot niyang sando.
Umapak ako papalapit sa kaniya. Malagkit ang kamay niya dahil sa pag-gel ng kulay kapeng buhok siya abala.
"G-Gilbert?" Malalim akong huminga.
Nanlaki ang kaniyang mata. "R-Ravier?" tugon niya saka ipinatong ang Bench Fix sa antique na lamesa. "Shet! I-I am missed you!" sigaw niya. Tumalon siya papalapit sa akin na parang bata kung makaasta.
Bigla niya akong hinagkan! Halos nalunod ang aking katawan! Sa laki ng katawan niya ay hindi ko agad siya binalaan na bawal niya akong halikan! Ni isang bati niya sa akin ay hindi ko man lang napakinggan. "H-Hi, I-I m-missed you, too," tugon ko habang namimilipit at naguguluhan.
Ipinatong ko ang aking kamay sa kaniyang likuran. Naging dahilan iyon para mas lalo akong mapasandal sa dibdib niyang kulay tan. Doon ko tuloy naamoy ang Johnson's baby cologne sa sando niyang nilabhan.
Napangiti ako noong makita muli ang kaniyang kabuuan. Simple lang siyang mag-ayos kahit mayaman. Kahit hindi pan-Louis Vuitton ang kaniyang mga kagamitan, may charisma pa rin siya na aking kinakiligan. And I could sense that authentic charm in this gentleman. Wala siyang pinagmayabang na magarang kasuotan-sando at boxer lang naman.
Kakaiba siya sa mga lalaking naka-crush ko.
Marahang itinulak ko siya sa balikat pero mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa akin!
"We was not done yet and finish. I would cannot forgive the boy, which hurted and rejected you," aniya.
Kumunot ang noo ko. Ano ba ang problema niya? Hindi ko na naman maintindihan ang sinabi niya! Iyong tainga ko, napipi na! Masyado niya nang inabuso ang kapayatan ko. Pero matagal na panahon na pala kaming hindi nagkita. Tapos nasa bingit ng kamatayan na pala ako noong gabing iyon kaya pinagbigyan ko na.
Pekeng ngumisi ako at saka inusog nang marahan ang kaniyang siko. "O, sige na." Tumitig ako sa kaniya bago tumango. "Okay na. Grabe ka kasi kung makayakap, e." Mabuti at hindi na siya nagmatigas. Bumitiw siya sa pagkakayakap. "Thank you for saving me. Na-appreciate ko iyong concern mo." Lumingon ako sa hagdanang limang talampakan na lang pala ang layo sa amin. "T-Tara na. Let us eat," yaya ko at saka napakamot sa ulo.
May pumasok sa isip ko-iyong araw na nagtakbuhan kami sa orphanage-iyong nahulog ako sa kaniya noon kasi natapilok siya. Iyong literal na nahulog kami sa isa't isa.
Ay, ano ba, Ravier! Basta! Wipe away that! Huwag mo nang alalahanin iyon! Nakado-double meaning, e!
Tumingin ako sa harapan. Nakapupuno ng mangha ang lawak ng kanilang hallway! Hindi ko in-expect na ganoon pala kayaman nina Rhea.
Nakangingisay ang lamig ng air conditioner. Para akong nakalanghap ng Vicks inhaler. Binalot ng texture white wallpaper ang limestone na pader.
Kasinlaki ng mga bintana ang mga mural ng Pamilya Gildamos sa magkabilang gilid. Magkakatabi ang mga iyon habang ang mga chandelier ay thirty-five feet ang distansiya sa isa at isa. Tila may crush ang mga puting haligi sa akin dahil kumukutikutitap pa ang kanilang mga kinang para makaagaw-pansin.
Gawa ang kanilang sahig sa seramiko. Kaya naman ay bawat yabag namin ay nakalilikha ng malutong na tunog sa mapayapang espasyo. Para akong nasa Gotikang palasyo tapos may trono sa dulo! Maimis na inukit nang paikot ang mga kulay gintong bato.
They were so rich na maaari na silang makapag-enroll sa ibang bansa kaysa sa Education Center. Bakit kaya naisipan nilang pumasok doon?
Sa kalagitnaan ng paglakbay ay hindi ko maiwasang maligaw!
Huh? Nasaan na ba ako? Ang laki-laki kasi ng bahay nina Rhea, e.
Nagpalinga-linga ako sa apat na sulok ng hallway. Nanigas ang lamang loob ko noong may humawak sa aking kaliwang kamay at hinila ako kung saan!
"Sabi na nga ba e, you needs a partner in life like mine," ani Mokong.
Habang naglalakad, bumagal ang lakad ko.
Bakit parang hinimas-himas niya pa iyong kamay ko?
Pinanipis ko ang aking labi sa gigil! Palihim kong dinuro iyong ulo niya. May pagka-pakboi rin pala itong isang ito, e! Kainis! Na 'ko, Gilbert, a! Hindi pa pala umawat iyong panti-trip mo sa akin!
"Do you not do that! I can see what you are doing on me even I am not seeing you. Minsan na nga lang tayo magkita, e. Let us makes the most on it."
"Ha?" tanging reaksiyon ko. Lumapit ako nang kaunti para maobserbahan ang mukha niyang naharangan ng patusok niyang tainga.
He was still the same Gilbert na hindi nag-improve sa grammar. Tumabingi ang ulo ko at napasalubong ng kilay sa kuryosidad. Nakapagtataka. Dapat habang tumatagal, nag-i-improve ang isang tao sa grammar. Pero bakit siya, hindi?
It was off. Nag-aral siya sa mataas na paaralan ng Education Center na wala man lang natutuhan na tamang paggamit ng syntax? High-quality ang teaching ng sa amin. At saka, okay naman siyang maka-pick up, e. Kering-keri nga ng mga bata ang basic grammar pero siya, hindi? Ni I-missed-you lang ay hindi niya kayang sabihin nang maayos?
What?
Hindi ba siya tinuruan ng kapatid niya? Ang mahal-mahal ng tuition tapos ganoon? Kung hindi siya magaling sa speaking, e paano pa rin siya nakapasa? May pinagkopyahan ba siya?
Napabuntong-hininga ako. Ewan ko sa kanila! Nakaloloka!
Binitiwan ko ang magkahawak naming kamay bago makapasok sa dining room.
Baka kasi mapagkamalan pa ni Rhea na nanlandi ako ng 'guwapo'!
At the second thought, may nasabi yata akong kakaiba.
Did I call Gilbert that G-word?
Halos pumutok ang mga ugat ko sa utak! Sa sobrang uneasiness ay dumausdos ang mga butil ng pawis sa aking pisngi. Shet! Shet talaga! Shet! Twenty shets of bond paper!
"Sarap namang hawakan ng kamay mo," asar niya at saka lumingon sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin-senyas na sasabog na ang dinamita sa katawan ko. Halos mamula ang aking mukha sa kapikunan sa baklang ito! Pa-fall!
"At the second thought, mag-English ka na lang pala. Mas ayaw ko iyong may nang-aasar sa akin. Narurupukan ako. Respeto na lang din sa mga kare-recover at nagmu-move on sa matinding sakit," saad ko, humalukipkip, at inirolyo ang mata.
Pumasok kami sa dining room. There were fourteen royal white wooden chairs dexterously fashioned. Despite the striking sunbeams penetrating the Gothic windows, the chandelier's lights could still radiate even in the room's darkest area. Hmm . . . doon yata nila pinag-uusapan ang business matters ng family nila. Sa pagkakaalam ko, their parents became one of the shareholders of the Education Center. Pero noong tumagal, hindi na. Bakit kaya?
Kusang tumulo ang aking laway nang makita ang mga nakahain sa lamesa!
Ang daming pagkain, a! May fiesta ham, Inasal's unli-rice, ice-cream, blueberry cheesecake, chicken, pizza, at carbonara pa!
My mouth went wild as Rhea's! Paano namin mauubos iyon kung kaming tatlo lang naman ang naroon?
Hinithit ko ang usok niyon na tila shabu.
Ang suwerte naman ng mga pusang pinakain nila! Chour!
Baka naman ipapakain nila iyon sa kasambahay. Ang bait naman ni Rhea. Suwerte rin naman pala ng mga yaya roon.
At the second thought, gusto ko na ring maging yaya.
Chour!
Ngumuso ako. "Nasaan na ba kasi iyong mga magulang ninyo?" tanong ko bago umupo sa gitna.
The two siblings looked at each other, nakipag-usap gamit ang mga mata.
Oh, I had to shut up my mouth for being nosy. It was not time for them to open up the topic. "U-Uhm, upo na tayo, guys. Ang sasarap ng mga pagkain!" singit ko para maging OKward na!
Tila naging pulubi ako. Pero noong araw na iyon, sarap buhay na. Napagtanto ko na kung bakit ako pinahirapan ni Mama. Naintindihan ko na kung bakit ako iyong madalas punahin maging sa social media. May dahilan ang Panginoon kaya nangyari sa akin ang mga pagsubok na iyon.
Napangiti ako. He was giving me a message to pursue in life-na patunayan ko ang sarili ko!
Lahat ng mga taong cr-in-iticize ako ay bahagi ng aking pagsubok-ang dahilan kung bakit ako na-discourage, umatras, at sumugal muli.
Aambang kakainin pa sana nina Gilbert at Rhea iyong Hawaiian pizza, pero pinigilan ko sila. "Hopia!"
Talk to the hand!
Binigyan nila ang nakakumpas kong kamay ng nagtatanong na tingin.
"Magdasal muna tayo bilang pagpapasalamat sa Panginoon sa mga biyayang ipinagkaloob niya sa atin!" sabi ko sabay prayer position.
Nakararaos kami kasi si God ang rason ng lahat ng mga iyon. Kapag may problema, hindi maiiwasan ang depression. Nakalimutan kasi naming manampalataya sa Panginoon.
Napangiti naman si Gilbert sa aking reaksiyon. Dagdag points daw ako dahil mas lalo siyang na-turn-on. Pero chour lang iyon! Nag-prayer-before-meals muna kami bago lumamon.
Ang sasarap talaga ng mga putahe lalo na at may pahabol pang turon! Mabubusog ako nito araw-araw kung gayon! Sana ay magpatuloy na ang pagtaba ko kakakain ng hamon!
From that day on, titira na ako roon. Chour. Ang kapal naman ng mukha mong bakla ka!
Singkuwenta pesos sana iyong halaga ng makakain ko sa umaga. Pero pasalamat dahil tinulungan ako ni Rhea.
Naranasan ko ang mabuhay nang marangya-masayang buhay na ipinagdamot kaagad sa akin ni Mama.
Noong ang nakaraan ay aking nagunita, ang aking paningin ay nagpurong pula nang pansamantala! Sanhi iyon ng aking pagiging pesimista. Sinalakay muli ng kadiliman ang aking sistema! Imahinasyon ang naglarawan ng mga nakapagpapabagabag na alaala. Tila nalagutan ako ng hininga noong sumagi sa aking ideya ang trahedya!
"At may gana ka pang magtanong? As if naman ikaw ang tagapagmana niyon! FYI, hindi ako kailanman tatanggap ng baklang magmamana sa Nondria Clothing Company ko!"
"Dapat gayahin mo Ravier si Jaxon-makisig, palabiro, pogi, at talented pa!"
"Lumayas ka na rito sa pamamahay ko, Ravier Salazar! Wala akong anak . . . na babading-bading!"
"Mahihirapan iyang anak mo kapag tumanda iyan, Sofie."
"Girl, ilantad mo na iyan! Sabi ko na-"
"Mas maganda si Selena kaysa sa kaniya. Ang kapal naman ng mukha niyang magsalita. Dapat inaalam niya muna kung sino siya sa buhay ni-"
"Don't you dare to hurt my girl! You have no rights, traitor! Magsama kayo ng mga kaibigan ninyong plastik! Masaya na kami sa buhay namin. Huwag n'yo na kaming gambalain pa!"
"AH!" Ang hapdi!
What had I done?
Napahawak ako sa sentido!
Namilog ang aking mata at napamura nang nagkasugat ako sa daliri!
Tinusok ng mga bubog ng baso ang aking balat para masaktan muli ako! Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanang pulsuhan pampainda.
Tumulo ang mga dugo at ang malamig na tubig. Nilukob tuloy ng aking isipan ang buwisit na suntok sa akin ni Jaxon sa pisngi.
Tumakbo si Rhea papalapit sa akin. Dumating ang mga kasambahay para linisin ang mga kalat. Mabuti na lang at tubig ang isinalin ko kaysa sa juice. Hindi ako nalagkitan.
"Aba-aba, timang! Okay ka lang? Ano ba kasi ang nangyari sa iyo?" tanong niya sabay tingin sa nanginig kong kanang kamay. "Hindi na nga kita pinagtiklop ng kumot kanina kasi mas gugulo ang kama 'pag ikaw gagawa! Hindi na nga kita pinalabas kasi alam kong masasagasaan ka pero bakit simpleng pag-inom lang ng tubig, hirap ka pa rin?" Hinawakan niya ako at inuga-uga sa magkabilang balikat. "Sabihin mo sa 'kin, ano'ng problema mo? Hindi ka ba sanay sa pag-inom sa wine glass? Dapat alam mo tamang paghawak nito! Akala ko ba ay mayaman ka?" tanong niya nang nakakunot-noo at saka hinablot ang aking braso. "Tanga-tanga kasi! Iinom na nga lang, nambasag pa! Pasalamat ka at hindi one million ang badyet mo ngayon. Kung hindi ay baka ikaw pa ang mambayad nito!"
Lumakas ang aking hikbi sa kaniyang sinabi. "H-Hindi ako ang tagapagmana ng kompanya, Rhea! S-Si Jaxon na raw kasi . . . bakla ako! Bakla ako! Bakla ako!" sigaw ko sa pagmumukha niya.
Napahangos si Rhea at saka napaatras na tila nagkasakit sa puso. "Oh, God! Aba-aba! Walang puso ang mga magulang mo kasi talagang nakaka-trauma 'yong puwede nilang gawin sa iyo! Tapos idagdag mo pa na masyado mong dinidibdib ang mga nakaraan!" tanong niya habang kinakapa ang bawat parte ng katawan ko.
I nodded and said that I was okay while I let my tears cascade into my eyes.
"Huwag kang mag-alala, timang. Gagamutin kita. Wait! Kuha lang ako ng banda-"
"Ako na!"
Bumaling kami kay Gilbert. Gagamutin niya ako? Bakit niya naman naisipan iyong gawin sa akin?
"Pero, Hyung crush m-"
"Ako na kasi, Dongsaeng," sambit niya sabay hawak sa baywang ko.
Umatras ang luha ko sa kaniyang inasta. Ano ba kasi ang tunay na ugali ng lalaking ito? Paiba-iba! Dati ang cold, pero noong araw na iyon, ang sweet na!
"Aba-aba, so sinasabi mong ikaw na lang ang gagamot kay Ravi? Marunong ka ba lalo na at parang kabado ka?" paraphrase ni Rhea na ikinatango naman nito. "Weh? Ay si Kuya, naiilang!" Impit siyang sumigaw. "Ah sige, ikaw na ang bahala diyan, Ravi's future ano . . . future nurse, gano'n! Aha! Ravi, sabihin mo na lang kung minamanyak ka ng lalaking iyan, a! Sa sobrang miss ka kasi niya kahapon baka hindi na siya makapagpigil na mahagkan ka!" pagbabanta niya habang dinuduro ang katabi ko.
Natawa ako habang si Gilbert naman ay umigting na ang panga.
Bakit naman hagkan? Bakit niya ako hahalikan muli e hindi naman kami magjowa? Okay na iyong isang hagkan noon. Yakap puwede pa! Hindi hagkan! Tanga rin itong si Rhea, e!
Tapos ang sweet naman nila, ha! Para silang aso at pusa-Hyung and Dongsaeng pa ang tawagan.
Pero napangiwi ako.
Parang may mali.
Hindi ba dapat oppa instead of hyung ang gamitin ni Rhea kasi babae siya?
Iyon kasi ang alam ko, e. Kaloka! Gumagamit ng word nang hindi alam. Bahala sila!
"Let us bed," yaya sa akin ni Hyung Gilbert.
Bed? Ano ang gagawin namin doon? Milagro?
"Baka naman kuwarto ang tinutukoy mo?" Tinaas ko ang aking kilay at saka humalukipkip. "Ayusin mo ang sinasabi mo at baka magkamali pa ako ng interpretation, ha," sabi ko pagkatapos ay fl-in-ip ang aking ear-length hair back and forth.
Taray-tarayan lang ang peg! Chour!
"Sorry, basta ako na lang sundan mo," nakangiting utos niya muna bago magtama nang matagal ang aming paningin.
Kusang umangat ang labi ko. "K," giit ko at sinundan siya.
Nandoon siguro ang health kit niya. Hinawakan niya na ang kamay ko.
Tumikhim ako noong may kuryente sa ugat ng aking pulsuhan.
"H-Hindi mo na kailangang hawakan ang kamay ko." Hinigit ko ang aking kaliwang kamay mula sa kaniya.
Napakunot ang noo ko noong hindi siya nagpaawat. Masyado siyang malakas! Kumulo ang nakaimbak kong dugo sa tiyan!
"A-Ano ba ang trip mong bakla ka, ha?" Dinuro ko siya sa likuran. Hahampasin na kita, promise!
Binaba niya ang tingin sa aking kamay at pinindot-pindot iyon. "Ang lambot kasi ng kamay mo, e. Hindi ka naglalaba, 'no?" Bumaling siya sa akin.
Paano niya nalaman?
Hindi ko siya sinagot bagkus ay nagpatuloy na lang sa paglakad. Silence meant yes, daw. Chour.
Pumasok kami sa kuwarto niya. Katuladng sa kuwartong hinigaan ko ang mga muwebles. May kombinasyon ng black and white bricks ang pader. Mayroong maliit na chandelier na nakabitin sa gitna ng kisame at dalawang nakatabinging lampshade sa magkabilang gilid ng asul na kama. Siguro ay walk-in closet ang nasa loob ng malapad na pintuan sa kaliwa. Bukas ang pintuan ng CR. Ang toilet bowl ay ganoon pa rin-gintong nagniningning sa linis.
Umawang ang bibig ko. "Ang ganda naman dito!" puri ko pagkatapos ay napahawak sa pisngi. Kinabog kami, o! May dance number pala iyong asul na kurtina sa bedroom dahil sa lakas ng hangin.
Kinuha ni Gilbert ang kaniyang health kit sa bedside table. Nilabas niya ang alcohol at bandaid.
Lumuwa ang mata ko.
Alcohol? Masakit iyan!
No! Bandaid na lang!
"Ako na bahala sa sarili ko," nakangising turan ko sabay talikod sa kaniya.
Humalukipkip ako para maitago ang sugat. Kinuha ko iyong bandaid pero inagaw niya iyon mula sa akin!
Napangiwi ako sa inasta niya-parang batang maramot!
Ano ba ang problema niya at trip niya na namang pikunin ako? Papansin!
Nagsalubong ang kilay niya. "Ako na kasi!" pagpupumilit niya sa maotoridad na tono.
Napasinghal ako noong ibinuhos niya ang alcohol sa daliri ko nang walang pasabi!
Napatili at napalukso ako! Ang nakaririndi kong sigaw ay umalingawngaw hanggang sa dulo ng mundo!
Parang nagliyab ang kamay ko sa tapang ng alcohol na Casino!
"Tulong po! Ang sakit! Saklolo," sigaw ko na kaniyang ikinahagalpak at ikinaupo.
Napuno ang emotion meter ko dahilan upang ang lahat ng unan ay sa kaniya ko naibato. "Gago! Walanjo!" asik ko.
Hindi ako nakikipaglaro! Ang bandage ay aking hinablot at pinulupot sa aking kamay na nangimay lalo.
Nang dahil sa hapdi ay napamura ako!
"AH! Amelia, tulong! Pinagsasamantalahan niya ako-"
Patakbo na sana ako nang may pumasok.
"Aba-aba, may naamoy akong mga timang na baklang nagtitilian at nagtsu-tsup-tsup-an! Sabi na nga ba may manyak dito, e! Kuya, wala kang kasinghayop! Hindi excuse ang man-rape ng tao dahil lang sa gusto mo ito! Respeto! Ravier, ano ang gagawin natin? Tawagan na natin ang pulis!" pagmamakaawa ni Rhea nang umuusok ang ilong.
Oh, my goodness! Grabe siyang magsalita! "S-Sinamantalahan niya ako! Humapdi lalo sugat ko!" hiyaw ko sabay turo at talon palayo kay Gilbert.
Pinasilay ko sa kaniya ang madilaw kong ngipin. O, ano ka ngayon?
"Gilbert, ha! Aba-aba, makakatikim ka na sa akin! Nanre-rape ka pala ng bakla, a!" asik ni Rhea.
Tinanggal niya ang Islander na tsinelas pamalo rito. Sinamaan niya ang kapatid ng tingin. Susugod na sana siya nang magsalita si accused rapist.
"Huwag! Please, have mercy of me! I will just helping Ravier only to cure her wounds but she's weak like sea turtle," nakabibinging pakiusap nito sabay talon sa kama at apak sa bedside table. Wala itong pakialam kahit naapakan ang bombilya ng lampshade.
"Amelia naman! Inosente ako! Dongsaeng, Amelia Jacintha Delos Santos! Please, huwag!"
Nanlaki ang mata ko.
Huh? Tama ba ang dinig ko?
Hindi ba si Rhea ang kausap niya? Bakit Amelia ang tawag?
Napakunot ang noo ko at napaupo sa kama. "A-Amelia?" sambit ko. Sino iyon?
"Oops! I'm too sorreh," bulong ni Gilbert sabay peace sign kay Rhea.
Ito naman ay ipinagpatuloy ang paghahampas sa Kuya gamit ang unan. Nanlaki ang mga mata nilang nanubig sa pag-aalala. Parang may nais silang iparating sa isa at isa nang hindi ko nalalaman.
Ano kaya ang nilihim nila sa akin? Masama ba ang kanilang intensiyon?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro