epilogue
a few months later. . .
NARINIG NIYA ang malakas na katok sa pinto. Kalalabas lang niya ng banyo. Nakatapis pa nga siya habang nababalot naman ng tuwalya ang buhok niya.
Dumiretso siya sa pinto. Sinilip niya muna kung sino ang kumatok. Nang makita ang inaantok na mukha ni Nox, pinihit niya ang doorknob.
Puting polo ang suot nito na bahagyang natatakpan ng isang itim na blazer. Itim na slacks ang pang-ibaba at pormal na pares ng sapatos. Kulay itim din ang mga iyon.
Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Ilang beses itong napalunok.
"Shit. I'm sorry," patakbo siyang pumasok sa loob ng banyo, "Nakalimutan kong―"
Narinig niya ang malakas nitong pagsinghap bago muling isara ang pinto. "Nako naman, Luna."
"Ano?" natatawa niyang tanong.
Hindi man umamin si Nox ay alam niyang may epekto siya rito. Gusto lang niya talaga itong asarin minsan dahil bihira itong mawalan ng composure.
Pinatuyo niya ang buhok gamit ang nakasaksak na hairdryer. Mabilis siyang nagbihis at nagsuot ng isang puting bestida. May spaghetti straps iyon at sweetheart ang design ng neckline. Hanggang tuhod ang haba.
Pinuntahan niya si Nox na nakaupo sa couch.
Pumalatak ito. "Ilang beses ko nang sinabi sa'yong 'wag mo 'kong sasalubungin nang gano'n."
Hindi niya napigilang matawa. "Bakit? Masakit ba sa puson?" nakapameywang niyang tanong dito.
Tumingin ito sa kanya nang matalim. "Fuck," umirap ito bago tumayo, "Labas muna 'ko. Tawagan mo na lang ako 'pag pababa ka na." Kinuha nito mula sa bulsa ang isang kaha ng sigarilyo.
"Hala," humarang siya sa pinto, "Ba't ka aalis?"
Pinaningkitan siya nito ng mata. "Because you're obviously torturing me."
"Hindi naman, a," painosenteng sagot niya.
"My God, Luna." Huminga si Nox nang malalim bago siya ikulong sa mga bisig nito.
Kusa siyang sumandal sa pinto. Sa halip na makaramdam ng kaba, tinitigan niya pang lalo ang mga mata nitong nakatutunaw na ang tingin sa kanya.
Ngumiti siya nang matamis bago agawin ang kaha ng sigarilyo mula sa kamay nito. Kasabay niyon ay inalis niya ang pagharang ng bisig nito sa gilid niya. "I win, Orion Nox," pumalatak siya, "I always win."
Suminghap ito. "Nakakainis ka minsan. Alam mo ba 'yon?" Muli itong umupo sa couch at ipinatong ang mga paa sa coffee table.
"Syempre. Sinasadya ko namang inisin ka, e." Naglagay siya ng foundation sa mukha. Isinunod niya ang paglalagay ng lipstick. Nude lang ang kulay no'n.
Kumunot ang noo nito. "Why did you put make-up?"
Nagkibitbalikat siya. "Sabi ni Remi, e."
Ngumuso ito. "Bagay naman sa'yo kahit wala."
Napangiti siya. "Para ka na namang bata."
"Oo na lang," ngumiti ito nang matipid, "Kinilig ka naman, e."
"Oo na lang din. Baka mabasag ego mo, e." Ngumisi siya nang pang-asar.
Isinuot niya ang puti niyang stilettos. Nagmamadali rin niyang hinanap at isinuot ang hoop earrings niya.
Tumayo si Nox at humarap siya kanya. "Are you sure you want to go to that restaurant?" tanong nito habang sinisipat siya.
"Don't stare too much," ngumiti siya nang matamis, "Baka hindi tayo umabot do'n."
"So, gusto mong pumunta do'n?"
"We've talked about this. Sayang kasi hinanda ni Remi 'yon," umupo siya sa couch, "She's been dying to have a double date with us."
Bumuntonghininga ito at lumuhod sa bandang paanan niya. "Luna," suminghap ito, "Naa-appreciate ko naman lahat ng concerns ni Rem pagdating sa'tin pero puwede bang tayong dalawa muna?"
Napangiti siya. "Okay."
"Sure ka, 'ha?" nag-aalala itong nakatitig sa kanya habang hawak ang mga kamay niya, "Gusto lang kitang masolo."
"Yep," ngumiti siya, "Gets ko. Gets kita." Natawa siya nang mahina.
Tumayo ito. "Tara na," naglakad ito papunta sa pinto, "Wala ka na bang naiwan?"
Kinuha niya ang purse niyang nakapatong sa coffee table bago tumayo. "Wala na."
Naunang maglakad si Nox papunta sa elevator habang nakasunod siya sa likod nito. Dumiretso sila sa kotse pagbaba nila roon. Gaya ng nakasanayan, pinagbuksan siya nito ng pinto.
Saktong pag-upo ng lalaki sa driver seat ay napahikab siya.
Narinig niya itong bumuntonghininga. "Anong oras ka na naman ba natulog?"
"Mga five." Namungay pang lalo ang mga mata niya.
"Bakit sobrang late na?" Binuhay nito ang makina ng sasakyan.
Ngumuso siya. Baka sakaling umubra at hindi siya nito pagalitan. "I was writing. May hinahabol akong deadline, e."
"E, bakit hinahabol mo?" naningkit ang mga mata nito, "Ba't hindi mo kasi ginagawa nang mas maaga?"
"May clients ako, e," tumunghay siya, "Nabanggit ko sa'yo 'yong tungkol sa freelancing ko, 'di ba?"
Tumango ito. "Hindi kita pinagbabawalan pero ingatan mo naman sana sarili mo."
"I can't help it," pagdadahilan niya, "Nakakatuwa kasi na kumikita ako ng pera habang ginagawa 'yong gusto ko."
"Kung pa'no ka mag-alala sa'kin sa tuwing naninigarilyo ako. . . gano'n ako sa'yo 'pag nalalaman ko kung anong oras ka natutulog."
"E, iba naman 'yong sa paninigarilyo mo," isinuot niya ang seatbelt, "Lung cancer kaya 'yon!"
"You're anemic, Luna," sumulyap ito sa kanya habang minamaniobra ang kotse, "Blood cancer ang anemia. Hindi mo ba alam 'yon?"
"Alam ko." Muli siyang ngumuso.
"Ang cute mo," pumikit ito nang mariin, "Stop doing that. Nadi-distract ako."
Natawa siya nang mahina. "Alam ko rin 'yan."
Bumuntonghininga ito. "Ganito na lang. Sa isang beses na matutulog ka ng madaling araw, uubusin ko 'yong isang kaha ng sigarilyo."
"That's unfair!"
Inihinto nito ang kotse. "I don't want you overworking yourself."
Ngumisi siya. "Kapag nalaman mo lang naman, 'di ba?"
"Luna," nagbabanta ang tono nito, "Seryoso ako."
"Sige," sumimangot siya, "Deal."
Muli siyang napahikab nang maramdaman niyang umaandar nang muli ang kotse.
"Sleep," halos pabulong nitong sabi, "Gigisingin na lang kita."
Tango lang ang naisagot niya. Maya-maya pa ay napagod na ang mga mata niya kapapanood sa mga ilaw na dumaraan. Kahit ramdam niya ang pagsulyap sa kanya ni Nox paminsan-minsan, hindi na siya umimik.
Ipinikit niya ang mga mata.
"Luna," naramdaman niyang pinisil nito ang kaliwang balikat niya, "Gising na."
Iminulat niya ang mga mata. Matipid itong ngumiti sa kanya.
Sumilip siya sa bintana. "Nasaan tayo?"
"Movie house. Akala ko bukas pa, e," sagot nito sa mababang boses.
Natawa siya nang mahina. Bumaba siya ng kotse. Sumunod naman ito sa kanya. Hindi niya mapigilang manginig na umihip ang malamig na hangin at tumama sa balat niya.
Mabilis na hinubad ni Nox ang suot na blazer at ipinatong sa mga balikat niya.
Napangiti siya. "To the rescue ka lagi sa'kin."
"Syempre," gumanti ito ng isang maliit na ngiti, "Gano'n naman dapat."
Huminga siya nang malalim bago umupo sa hood ng kotse. Nanginig siyang muli nang maramdaman ang lamig niyon. "Lagi 'tong sarado kapag pumupunta tayo. May balat ka sa pwet, 'no?"
"Sira," gumaya ito at umupo sa tabi niya, "Gusto mo bang i-check kung mayro'n?"
Hindi niya napigilang matawa sa sinabi nito. "Gusto mo lang ipakita sa'kin 'yang pwet mo, e."
Natawa rin ito gaya niya. Ilang segundo ang lumipas bago ito tumikhim. "Sorry nga pala, 'ha?" sabi nito sa mababang boses.
"Para saan?"
"Dito," malalim ang buntonghininga nito, "Kung tumuloy tayo, nando'n ka sana at kumakain ng souffle o kaya ng quiche."
"I won't enjoy that anyway," nangingiti niyang sabi, "Masyadong classy."
Bahagya itong umiling. "Kahit pa. Nadamay ka na naman sa pagiging impulsive ko."
"Ang melodramatic mo," natatawa niyang ginulo ang naka-wax nitong buhok, "You're sweet."
"Hindi kaya." Ngumuso ito.
"Ang cute mo 'pag gumagan'yan ka. Parang ang sarap mong―"
"Halikan?" pagputol nito sa sasabihin niya. "You just have to ask, Luna."
Natatawa siyang umiling. "Bakit? Siguro, lalaki 'yong ego mo, 'no?"
Natigilan siya nang mapansing seryoso ang mukha nito.
Umiling ito. "Ayan ka na naman. Gan'yan ka lagi. Ever since we started dating, you've been very cautious around me," bumuntonghininga ito, "I need you to ask first because I don't want to pressure you."
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Hindi niya alam kung anong isasagot. Hindi naman si Nox ang una niya pero nahihiya siya. Hindi niya alam kung bakit pero naiilang siya.
Baka kasi masira ang pagiging kumportable nila sa isa't isa. At ayaw niyang mangyari iyon.
Narinig niya itong suminghap habang nanatili namang malayo ang tingin niya.
Nag-unat ito ng mga binti. "Gusto ko kasing sa'yo manggaling para masigurado kong hindi lang ako ang may gusto," natawa ito nang mahina, "Nakakahiya kayang ma-reject. Masakit pala, pangalawa na lang 'yong hiya."
Unti-unti siyang napangiti. "I'm sorry. I guess, ayoko lang mailang. Ang ibig kong sabihin. . . ayokong magkailangan tayo."
Muli itong tumawa. "Hindi tayo magkakailangan. Hindi naman tayo gano'n."
"Oo nga," nangingiti niyang sabi. "Sorry, nakalimutan ko, e."
"Luna," lumambot ang ekspresyon ng seryoso nitong mukha, "Gusto mo ba?"
Muli niyang nakagat ang pang-ibabang labi. Mas madiin na kumpara sa una.
Narinig niya ang malalim na pagbuntonghininga ni Nox. "Sabi na, e."
"Wala pa 'kong sinasabi. 'Wag kang assuming." Tumingin siya rito nang diretso.
"E, anong sag―"
Bahagya siyang umurong para abutin ang mga labi nito. Para siyang napaso nang magkadikit ang mga balikat nila. Hindi halata ang pagkabigla ni Nox sa paraan ng pagtugon nito sa kanya.
Magaan lang ang paghalik nito sa umpisa hanggang sa lumalim. Kumapit siya sa batok ng lalaki nang maramdaman niyang tila nanghihina siya. Para bang pareho nilang hinintay at pinaghandaan ang pagkakataong iyon.
Kapwa sila humihingal at kapos sa paghinga nang tumigil sila. Ilang beses siyang kumurap. Hindi siya nagsisisi sa ginawa pero nando'n 'yong kaba.
Nando'n 'yong pawis sa noo niya kasabay ng panginginig ng mga kamay niya. Hindi siya sigurado pero parang iyon 'yong magandang klase ng kaba.
Napasapo ito sa noo. "Luna naman," mahina nitong reklamo sa kanya.
"Bakit? Ano na namang ginawa ko sa'yo?"
"Ang sabi ko, magtanong ka. Hindi ko sinabing gawin mo," frustrated nitong sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri.
Napansin niya ang butil-butil na pawis nito sa noo. "Ang cute mo. I like surprising you, too. Bawal ba?"
Malakas itong suminghap. "Hindi naman."
"You told me that I just have to ask. E, ayokong magtunog needy," pangangatwiran niya. "Besides, 'wag ka ngang ma-frustrate. I just kissed you. You should be flattered." Bumaba siya mula sa hood ng kotse.
Gumaya ito sa kanya. "Ang daya, e. Inunahan mo 'ko," nakasimangot nitong sabi.
"Para kang bata." Ngumiti siya nang pang-asar.
Ilang segundo ng katahimikan ang lumipas.
Huminga ito nang malalim, parang bumubuwelo at naghahanap ng tiyempo. "Mahal kita." Diretso ang tingin nito sa kanya, nanunuot hanggang sa puso. Tumagos hanggang sa kaluluwa.
Natigilan siya. Tuloy, para silang may scoreboard pagdating sa kung sino ang mas magaling manggulat at manggulo ng puso.
"Same." Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang marinig ang sarili niya. Nataranta siya, e. Alam niyang kakabahan si Nox kapag hindi siya nagbigay ng kahit anong reaksyon.
Natawa ito nang mahina. "Napakadaya naman," pilit nitong itinago ang ngiti, "Hahalikan mo 'ko tapos 'same' lang? Give me a proper answer, Luna." Humakbang ito palapit sa kinatatayuan niya.
Huminga siya nang malalim. Humugot din ng lakas mula sa malamig na hangin. "I love you, too."
"Akala ko hindi, e," nangingiti nitong sabi.
"Puwede bang hindi?" natatawa niyang tanong.
Malapad itong ngumiti. "Hindi puwede."
Lalo pa itong lumapit sa kanya, hawak ang magkabilang balikat niya. Hindi niya napigilang mapangiti nang maramdaman ang dahan-dahang pagdampi ng mga labi nito sa noo niya.
Hinalikan nito ang tuktok ng ulo niya. "I love you."
"I love you, too." Nangingiti siyang sumandal sa dibdib nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro