Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

05 || five

TININGNAN NIYA si Nox, mataman at nag-uusisa. May halo ring pang-aakusa. Ilang segundo siyang gano'n—nakatitig lang. Sinipat niya kung bakit siya nito kinukulit sa mga tanong nitong miski siya ay hindi alam ang sagot.

Mukha ba talaga siyang malungkot?

Ayos naman siya, e. Wala na nga siyang pakialam sa mga nanakit at mananakit sa kanya.

'Pain demands to be felt' nga kasi.

"Hindi ka ba talaga magkukuwento?" tanong nito sa kanya nang halos isang minuto na at hindi pa rin siya umiimik.

Nag-iwas na naman siya ng tingin.

Pumalatak ito. "Puwede ka namang humindi."

"Papayag ka naman ba?" tanong niya.

"Ayun," naiiling nitong sabi, "Akala ko, umurong na nang tuluyan dila mo, e. 'Yong hanggang lalamunan."

Pinunasan niya ang mga kamay gamit ang suot na apron. Inalis din niya ang hairnet. "Bad joke. 'Wag ka nang uulit. Hindi nakakatawa."

"Hindi naman ako nag-joke. Comment ang tawag do'n."

"Ewan." Kumuha siya ng isang upuang plastik at umupo roon.

Nagpatuloy ito sa paghuhugas at pagpunas ng mga malinis nang plato. "Ang sungit mo bigla."

Pinaikot niya ang mga mata. "Kasalanan ko ba? Ikaw 'tong biglang nagtanong ng *taboo, e."

"Anong taboo do'n? Wala naman akong nilabag na social custom."

"Mayro'n."

"Wala kaya." Nasulyapan niya ang bahagya nitong pagngiti.

"Bawal magtanong ng personal questions 'pag first date pa lang," pangangatwiran niya.

"Gan'yan ka ba talaga?"

Nangunot ang noo niya. "Anong ganito?"

"Reserved at may trust issues sa lahat ng tao. Ano pa ba?" maingat nitong pinunasan ang isa na namang babasaging plato, "Hindi ko na alam. Magulo ka, e."

"Ikaw din naman, e. Pagdating ko, parang naiinis ka tapos ngayon, nagtatanong ka ng mga gan'yan."

Lumingon ito sa kanya—pansamantalang itinigil ang paghuhugas—nakakunot na rin ang noo. "Nagtatanong ako ng ano?"

"Ng taboo nga. Paulit-ulit tayo, e."

"Taboo? Kailan pa naging taboo ang feelings?" natatawa nitong tanong, "Tao tayo, Luna. Kahit kailan, hindi magiging tabooed topic 'yon."

"Ewan."

Narinig niya itong bumuntonghininga. Malalim, parang suko na sa kanya. Hah. Lahat naman sinusukuan siya. Walang bago roon.

Mabilis nitong inalis ang suot na gloves at hairnet. Lumapit ito bago umupo sa bandang paanan niya. Inosente itong tumitig sa mga mata niya.

"Anong trip mo?" medyo inis niyang tanong dito. Ang weird, e.

"Inaalam ko kung iniiwasan mo kasi apektado ka pa . . . o dahil sa wala ka nang pakialam."

"Ayokong pag-usapan, okay? Kailangan pa ba ng dahilan?" Tumayo siya.

"Hindi naman kailangan pero kasi, 'di ba, lagi namang may dahilan?"

Natahimik siya. Bull's eye kasi.

"So, care to share?" pag-uulit nito ng tanong.

Sumandal siya sa kitchen sink. "Bakit ba? Anong mangyayari 'pag nagkuwento ako?"

"Wala naman."

"Ayon naman pala," umupo siya sa tabi ng lalaki, "'Wag na. Drop it."

"You're weird. Parang sinabi mo nang 'wag kong itanong kasi sariwa pa 'yong sugat."

"Anong sugat?" kumunot na naman ang noo niya, may kasama nang paniningkit ng mga mata, "Hindi, a. Hindi naman ako nasugatan."

"Ano?" sumalampak ito nang upo sa sahig, "Sumasakit ulo ko sa'yo, Luna."

"Gasgas lang, hindi sugat," nangingiti niyang sabi, "Kung sumasakit pala ulo mo, bakit mo pa tinatanong?"

"Kasi, gusto kong malaman."

Tumunghay siya. "Bakit?"

"Anong bakit?" tanong nito sa kanya (kahit sagot ang kailangan).

"Bakit gusto mong malaman?"

"Bakit hindi?" taas-kilay nitong tanong. Parang babae, e.

"Ako nagtatanong. Sumagot ka naman. Natatambakan na tayo ng tanong, e."

"Wow. That, coming from you? Ikaw nga 'tong iwas nang iwas 'pag usapang feelings, e," pabiro nitong tinusok ang pisngi niya, "Allergic ka ba? 'Di ka pa naman tinutubuan ng pantal. Puwede pa nating pag-usapan."

Lumayo siya nang kaunti bago pigilan ang pagtusok nito sa pisngi niya."Dami mong sinabi. Sagutin mo na lang."

"Ano ba 'yong tanong mo at nang matapos na?"

"Bakit gusto mong malaman 'yong tungkol do'n sa nakuwento sa'yo ni Remi?"

"Wala lang."

Napangiti siya. "Anong wala lang? May dahilan 'yan. Isipin mong maigi," natawa siya nang mahina, "'Di ba, sabi mo, laging may dahilan?"

"Pero hindi naman kailangan ng dahilan sa lahat ng oras, 'di ba?" nakangisi nitong sabi.

Touché.

"Gusto ko nga kasing malaman. Hindi pa ba valid reason 'yon, Nox?"

"Gusto ko ring malaman 'yong kinukuwento ni Remi. Valid reason na rin ba 'yon, Luna?"

Sumimangot siya. Natawa nang mahina si Nox.

"Interesado nga kasi ako sa'yo. 'Yon ang gusto mong marinig, 'di ba?" nakangising tanong nito. Mapang-asar.

Umirap siya. "Totoo ba talaga 'yan o sinasabi mo lang 'yan para mag-open up ako?"

"Pareho." Muli na naman itong pumalatak.

"Hindi gumana," umiling siya, "Hindi mo ako nakumbinsi, e."

"Anong gagawin ko? 'Wag na nga." Tumayo ito at naglakad papuntang lababo. Mukhang babalik na ito sa paghuhugas ng mga pinggan.

"Galit ka na ba niyan?" natatawa niyang tanong, "Ang pangit mong magalit. Hindi bagay sa'yo, para kang batang inagawan ng candy."

Muli itong nagsuot ng hairnet. "Hindi, a. Ako 'yong batang kayang bilhin 'yong pagawaan ng candy."

"Yabang." Bumuntonghininga siya at pumikit.

"Ang lalim no'n, a. Saan galing? Galing ba sa kanluran?"

Napamulat ang mga mata niya sa narinig. "Pinakilala ba sa'yo ni Remi si Wes?"

"Hindi. Nabanggit lang niya," sagot nito habang isinusuot ang gloves.

"Pero kilala mo ba siya?" nag-aalala niyang tanong.

Baka kasi kakilala ni Nox si Wes tapos . . . wala naman ata siyang sinabing masama tungkol dito, 'di ba?

"Medyo naririnig ko na pangalan niya. Basta, pamilyar na 'yong pangalan niya bago pa mabanggit ni Rem," pagkukuwento nito.

"A, buti naman. Akala ko, magkakilala kayo, e." Umayos siya nang upo.

"Ano namang gagawin mo kung magkakilala nga kami?" usisa nito.

Hinubad niya ang suot na sapatos. "Wala naman."

"Masyado kang paranoid, Luna."

"Naninigurado lang ako, Nox. Mahirap na." Hindi na siya gaanong nagsusuot ng high heels kaya gano'n na lang ang pananakit ng sakong niya. Minasahe niya ang mga paa.

Ilang segundo ang lumipas. "Gan'yan ka ba talaga?"

"Ano na naman?" inis niyang tanong. Sa tono kasi nito ay parang mali sa ginagawa niya, sa pananaw niya sa buhay. Hindi niya tanggap.

"Baka kaya ka iniwan kasi gan'yan ka. Ano sa tingin mo, Luna?" Hindi niya mawari kung nang-aasar ito o totoong 'ganoon' ang tingin nito sa kanya.

"Ano bang problema mo? Bored ka ba?" suminghap siya, "Kung oo, umuwi ka na."

"O? Tinatanong lang kita. Kumalma ka," natutuwa pa nitong sabi.

"Pa'no ako kakalma kung pabigla-bigla kang nanggagago?" Pumalatak siya. Hindi na siya nag-abalang isuot ang sapatos. Kinuha na lang niya iyon at patakbong lumabas sa kusina. Ibinagsak niya ang pinto niyon.

Paglabas niya, medyo nagdalawang-isip siya sa dami ng tao sa restaurant. Wala siyang suot na sapatos. Kahit pa nakabestida siya, magmumukha siyang ewan.

Pride ko ang nakataya rito.

Dire-diretso siyang naglakad palabas ng restaurant. Ni hindi siya lumingon. Bitbit niya ang mga sapatos sa kanang kamay at ang purse niya sa kaliwa. Inis niyang sinuklay ang buhok nang maramdaman ang pagpatak ng ulan sa braso niya.

Mukha siyang galit sa mundo at miserable. Nakayapak siya sa ilalim ng ulan. Mukhang babagyo pa nga yata. Nakikiisa ang langit sa kalungkutan niya. Dapat ba siyang matuwa o mainis?

Sinubukan niyang pumara ng taxi pero wala. Pakiramdam tuloy niya, pinaglalaruan siya. Ayaw niya ng ganoong pakiramdam. Hindi niya alam kung anong susunod.

Tatawid sana siya nang makita niya ang nasa kabilang tawiran. Si Wes.

Pinaglalaruan nga yata ako.

Hindi lang pala si Wes. Kasama nito 'yong babaeng ipinalit sa kanya. Magkayakap pa nga ang dalawa habang nagtatawanan. Sa ilalim ng iisang payong. Sa ilalim ng ulan.

Ang cute naman, parang pelikula lang. Ang sarap nilang tirisin.

May humigit sa braso niya. Hindi niya nakita kung sino. Basta na lang siya nitong hinatak at . . . niyakap. Mahigpit pero comforting.

Comforting pero hindi niya kilala kung sino iyon kaya nagpumiglas siya.

"'Wag ka ngang malikot," pananaway ni Nox sa kanya, "Mababasa ka, e." Tumingala ito dahilan upang mapansin niya ang dala nitong itim na payong.

"Wala na, basa na 'ko. Ang tagal mo, e," inis niyang sabi.

Tumawa ito nang mahina. "Ang sagwa pakinggan."

Umirap siya. "Ba't mo ako hinabol?"

"Akala ko, nagpapahabol ka, e," nakangiti nitong sagot, "Hindi ka ba nagpapahabol?"

"Hindi," nakasimangot niyang sabi.

"Ayaw mo bang umalis dito, Luna? Ang higpit ng yakap mo sa'kin, e."

Mabilis niya itong naitulak. Nabasa na naman siya ng ulan. Muli siyang hinatak ni Nox. Pabalik sa ilalim ng payong, pabalik sa yakap nito.

"Tara na," pag-aaya nito.

Kumunot ang noo niya. "Papunta saan?"

"Hindi ka naman babalik sa loob ng isang fine dining restaurant nang gan'yan ang hitsura, 'di ba?"

"Malamang, hindi. Magmumukha akong . . . ewan." Pumalatak siya. Dalawang beses.

"Kaya nga tara na. May alam ako." Ngumiti ito sa kanya. Magaan lang, parang nagbibigay ng assurance.

ta·boo /təˈbo͞o,taˈbo͞o/:
noun
1. a social or religious custom prohibiting or forbidding discussion of a particular practice or forbidding association with a particular person, place, or thing;
adjective
2. prohibited or restricted by social custom; and;
verb
3. place under prohibition

source: oxford dictionary

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro