04 || four
"SIR, IT WAS me. It was my id—"
"It doesn't matter whose idea it was, Mr. Alonzo. The damage has been done. You have two options." Huminga nang malalim si Mr. Montague, ang branch manager ng Alejandro's.
Mabilis namang napatay ni Luna ang apoy pero syempre, dahil nasunog 'yong telang puti, may naiwang ebidensya. Nakita iyon ni Ivan na nag-report agad sa manager.
"What are our options?" tanong niya. Sinulyapan niya si Nox.
Umiling ito sa kanya at bumaling kay Mr. Montague. "I'm willing to pay for the damages, sir."
"Hindi naman kasi 'yong damage ang concern ko dito. Ang iniisip ko, e, 'yong behavior niyong dalawa. Ang tanda niyo na pareho pero naisipan niyo pang mag-eksperimento. Champagne is approximately 12% alcohol. Beverages na may forty to sixty percent alcohol content lang ang puwedeng lagyan ng apoy," bahagya itong umiling, "Saka, professionals lang ang puwedeng gumawa no'n. What makes you think na kaya mong gawin 'yon, Mr. Alonzo?"
Mukha siyang tuta.
Kung hindi lang seryoso ang sitwasyon nila, baka kanina pa siya tumatawa nang malakas sa hitsura ni Nox. Para kasing kaunting pitik na lang ay iiyak na ito.
Nginitian niya si Mr. Montague. Baka sakaling magandahan sa kanya at kumalma kahit papaano. "Ano po bang options namin?"
"Well, since nasa ilalim ng pangalan ni Miss Santiago ang reservation niyo, puwede siyang ma-ban. Syempre, pati kayong dalawa, maba-ban," paliwanag ng manager.
Shit. Lagot kami nito kay Remi 'pag nagkataon.
Paboritong restaurant pa naman iyon ng kaibigan niya. Hindi puwede. "Ano po 'yong isa pang option?"
Wala pa ring imik si Nox sa tabi niya. Baka kinakabahan.
"Maghuhugas kayo ng pinggan buong gabi," sagot ni Mr. Montague na may kasamang ngiti. Nakakikilabot.
Awtomatikong tumaas ang isang kilay ni Nox. "Puwede ba 'yan? VIP customer niyo dito si Remi Santiago. Paniguradong hindi siya matutuwa 'pag nalaman ni—"
Hindi niya pinatapos ang pagrereklamo ni Nox. "Yes, sir. Saan po ang dishwashing area?"
Ngumiting muli si Mr. Montague. "This way, ma'am, sir." Lumabas ito ng opisina, pinasusunod silang dalawa ni Nox.
"Bakit ka pumayag?" nagtatakang tanong sa kanya ni Nox, pag-alis ng manager.
Tinapik niya ang malapad nitong balikat. "We have no choice."
"E, babayaran ko nga," pangangatwiran pa nito sa kanya.
Umiling siya. "Nakakahiya naman kay Remi kung siya ang nag-asikaso nitong date na 'to tapos maba-ban siya sa favorite restaurant niya dahil sa'ting dalawa, 'di ba?"
"You have a point. E, ayoko lang namang maghugas ka ng pinggan," pabulong nitong sabi.
"May sarili akong unit. I have been living alone since I was 19," pagkukuwento niya.
"Tapos?" kumunot lalo ang noo ni Nox, "Anong koneksyon?"
Sinimangutan niya ito. "Bahala ka d'yan. Kapag ako nainis, isusumbong kita kay Remi. Magagalit 'yon sa'yo, sinasabi ko sa'yo."
"Ito naman, 'di mabiro. E, akala ko kasi . . ."
"Akala mo, ano?" Pinihit niya ang doorknob ng opisina.
"Akala ko, maarte ka," pagtapos nito sa gustong sabihin. Nauna ito sa kanyang lumabas ng opisina.
Sumunod siya. Natawa siya nang mahina. "Bakit? Marunong naman ako sa gawaingbahay kahit papa'no."
"Mukha ka kasing maarte. First impression lang naman. 'Wag kang ma-offend."
Hinanap ng mga mata niya si Mr. Montague bago sila pumunta sa dishwashing area. Natatawa siyang nagsuot ng apron at hairnet. "'Di naman ako gano'n kabilis ma-offend."
Nagsuot na rin ito ng hairnet. "Mukha nga."
"Kapag sobra na," inabot niya rito ang isa pang apron, ". . . doon lang ako naiinis."
"Naiinis? Bakit?" sinuot nito ang inabot niyang apron, "Hindi ka pa ba nakakaramdam ng galit?"
"Ewan . . ." Kumuha siya ng isang sponge at nilagyan iyon ng dishwashing soap. Pumunta siya sa lababo, nakasunod lang sa kanya si Nox.
Nagsuot muna ito ng gloves bago gayahin ang ginawa niya. "'Wag muna. Magsuot ka ng gloves," inabot nito sa kanya ang isa pang pares ng itim na gloves, "Anong ewan? Hindi ka marunong magalit?"
Hindi niya alam kung maiinsulto o matutuwa siya sa tanong nito sa kanya. Baka isipin nitong anghel siya kung sasabihin niyang hindi.
"Ewan nga. Masyado kasing grabe 'yong salitang galit. Para sa'kin, kapag sinabing galit, parang ano . . ."
Sinimulan nitong lagyan ng sabon ang isang platong puno ng spaghetti sauce. "Ano?"
"Parang puwede nang makapatay ng tao. E, hindi pa naman ako nakakaramdam ng gano'n ka-intense na feeling," pagpapaliwanag niya.
"A . . . gets ko na," binanlawan nito ang plato at ipinasa sa kanya, "Magpunas ka na lang. Ako na'ng maghuhugas."
"Okay," ibinaba niya ang hawak na sponge at kinuha ang itim na tuwalya sa gilid, "Bakit parang tayo lang ang nandito? Pinaalis ba ni Montague 'yong iba para mahirapan tayo?" Tinanggal niya ang suot na gloves.
"Siguro. May mga nakatoka sa paghuhugas ng pinggan, e," tumikhim ito, "Luna . . ."
Nagpatuloy siya sa pagpupunas ng mga inaabot ni Nox. "Ano?"
"Alam kong hindi ito ang ideal first date mo pero bakit mukhang nag-eenjoy ka pa sa pagpupunas d'yan?" natatawa nitong tanong sa kanya.
"Sira. Hindi ako nag-eenjoy pero hindi rin ako nagrereklamo. Okay lang naman."
Muli itong tumikhim. "Kapag ba pinapunta kita sa bahay—"
"Ha? Bakit?"
"—para maghugas ng pinggan, pupunta ka?"
"Hindi mo ako katulong. Saka, hindi nakaka-turn on 'yang pagiging vain mo ngayon at pagba-bribe mo kanina kay Montague. Baka mamaya, 'pag nagpaalam akong pupuntang CR, hindi na 'ko bumalik."
"No, hindi mo gagawin 'yan." Inabot nito sa kanya ang isang puting mangko, babasagin.
Maingat niya iyong pinunasan gamit ang tuwalya. "Ang confident mo, a. Papasa naman ako n'yan para confident ako 'pag nag-present ako ng article sa editor ko."
"Basta, alam kong hindi mo 'ko iiwanan mag-isa dito."
"Pa'no mo nasabi?" Nakangiti niya ritong tanong. May halong amusement at pagsang-ayon ang ngiti niyang iyon pero syempre, hindi alam ni Nox.
"Sabi mo kanina, guwapo ako, e," pabulong nitong sabi. Namula na naman ang magkabila nitong tainga. Gustong mang-asar pero nahihiya. Aba, magulo talaga ang isang 'to.
"Kanina lang 'yon . . . bago mo subukang sindihan 'yong champagne," nangingiti niyang sabi.
Sumimangot lang ito. "Luna, totoo bang hindi ka pa nakaka-move on?"
Tuloy pa rin siya sa pagpupunas ng mga pinggang pinapasa nito. "Move on saan?" tanong niya. Kunwari, malabo ang tanong dahil kumplikado ang sagot.
"May nakuwento kasi si Remi."
Ay, shit talaga naman, oo.
"Nako. 'Wag kang nagpapaniwala do'n. She likes creating things. Artist 'yon, e. Self-proclaimed nga lang." Tumawa siya. Hindi na umabot sa mga mata niya ang isang 'yon.
"Mukhang hindi pa nga."
Napapikit siya sa inis. Nako. "What do you know about my feelings? Or about me?"
"Gusto mo ba talagang sagutin ko 'yan?"
"Try me." Ingat na ingat siyang 'wag maibagsak ang hawak na plato. Mukhang mahal, e. Baka magkaro'n pa siya ng utang na loob kay Nox.
"Okay. Hindi ka pa nakaka-move on. Ang dami mong iniiwasang mga bagay. Ano pa nga ba?"
"Grabe. Bakit ba natin pinag-uusapan 'to? Feelings agad, e, first date pa lang natin 'to. Hindi pa nga sigurado kung masusundan." Medyo nagsisi siya pagkatapos niyang sabihin 'yon pero nasabi na niya, e.
"Gusto mo ba?" tanong nito sa kanya. Mababa at malalim ang boses. Parang bulong na hindi kasi rinig na rinig niya. Malinaw ang pagkakasabi.
"Hindi ko alam." At medyo takot na siyang alamin.
"See? Ang dami mong iniiwasan," bumuntonghininga ito, "Tama ka naman. Wala pa akong masyadong alam sa'yo o tungkol sa feelings mo pero mayro'n din ako niyan. Baka nga pareho lang tayo, e. Hindi lang natin alam kasi mahilig kang umiwas sa mga tanong."
"Buwisit 'yan."
Natawa na naman ito sa reaksyon niya. Ibinaba nito ang platong hinuhugasan, humarap sa kanya, at tiningnan siya nang diretso sa mga mata. "So, care to share?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro