03 || three
"MISS SANTIAGO ORDERED the steak with a fig and herb butter with a side of crushed and roasted fingerling potatoes with truffle oil and roasted parsnip, mushroom, and asparagus," nakangiting nilapag ni Ivan ang isang plato at isang mangko, "She personally requested that we serve Miss Francisco the shepherd's pie accompanied with vegetables." Naglapag ito ng dalawa pang plato sa harapan niya.
"Vegetables?" tanong ni Luna kay Ivan bago ito umalis.
Mahinang tumawa si Nox. Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Paano ba naman kasi, parang sinadya talaga ni Remi na may halong gulay lahat ng pagkain. Pinaalalahanan niya ang sarili na banggitin iyon kay Remi.
"Tawa ka d'yan? May nakakatawa ba?" Inirapan niya ang lalaki.
Ngumiti lang ito sa kanya. "Can we get another glass of champagne?" tanong nito kay Ivan.
"Of course, sir," ang tanging sagot ni Ivan bago umalis para kumuha ng champagne.
Kumunot ang noo niya sa narinig. "Bakit? Balak mo ba akong lasingin?"
Umiling ito. "Hindi, a. Bakit ba ayaw mo sa gulay?"
"Hoy, hindi. 'Di naman kita pinilit na kainin 'yong spinach kanina."
Pinigilan ni Nox ang pagngiti. "Sus. Hindi mo naman kailangang sabihing ayaw mo. Halata naman sa mukha mo, e. Mabanggit lang ang gulay, parang gusto mo nang tumakbo na ewan."
Tinitigan niya ito sa mata. Mataman, nag-oobserba. "Ang judgmental mo."
Hindi na nito napigilang ngumiti. "Sino ba sa'ting dalawa ang may problema sa pagsusuot ng hoodie sa fine dining restaurants?"
"Sabi ko nga, mas judgmental ako," pagsuko niya. Wala namang dahilan para itanggi 'yon kasi totoo naman.
"I did not expect you to give up that easily," amused nitong sabi sa kanya. Halatang natutuwa ito sa pagiging unpredictable niya. Kakaiba ang kislap sa mata, e.
Iba na. Parang hindi na lang laruan ang tingin sa kanya.
"Alam ko naman kung tama o mali ako. Yes, I love to argue but I know when to drop it. Lalo na 'pag alam kong mali naman ako," natawa siya nang bahagya, "Ayoko namang magmukhang tanga."
"Okay, noted," simple nitong sagot.
Medyo kumunot ang noo niya. "What? Are you taking down notes in your head?" Natuwa siyang interesado ito sa kanya pero kasi, parang sanay na sanay itong makipag-usap sa mga babae (kahit medyo awkward ito sa kanya kanina).
Ngumiti ito. Sinubukan pa nga nitong itago ang maliit na ngiting 'yon pero wala, nahagip na ng mga mata niya. "Syempre. May potensyal ka, e." Sinimulan nitong hiwain ang steak.
"Ha? Anong potensyal?" Hiniwa niya ang shepherd's pie na hinain ni Ivan kani-kanina lang. Magkahalong karne at gulay ang loob niyon.
"Potensyal na maging girlfriend ko." Sumubo ito ng kapirasong bahagi ng steak.
Nanlaki ang mga mata niya. Mabuti na lang at hindi pa niya naisusubo 'yong kapiraso ng pie. Baka nasamid na naman siya.
Buwisit 'yan. Kailangan kong bawian 'to.
Wala man lang pasabi o ano. Bigla tuloy bumalik 'yong kaba. Uminom siya ng tubig para mahimasmasan. "Smooth."
Umiling ito at yumuko. Kasasabi lang nito na may potensyal siyang maging bagong girlfriend pero iniiwasan naman siya nitong tingnan. Ang gulo naman ata?
Nagpatuloy lang ito sa pagkain ng steak habang siya, patikim-tikim do'n sa pie. Hindi niya kasi gusto ang lasa. Ang dami masyadong texture. Pagkatapos, nakadagdag pa 'yong banat ni Nox na wala sa oras.
"Here's your champagne," pagsira ni Ivan sa katahimikan. Nilagyan nito ng champagne ang mga baso nilang dalawa bago umalis.
"Talaga bang libreng pagkain ang dahilan kung bakit ka nandito?" tanong niya kay Nox.
Mabilis nitong sinuklay ang buhok habang tumatawa. "Naniwala ka ba talaga do'n?"
Bakit ang guwapo?
Ngumiti siya. Maliit lang din para hindi halata. Hindi naman talaga siya naniwala sa palusot nito. Wala lang talaga siyang maisip na itanong. "Syempre, hindi. 'Di naman ako uto uto, Nox."
"Alam ko naman 'yon. Alam mo ba kung anong sinabi ni Remi sa'kin tungkol sa'yo?"
"Malamang, hindi." Sumimsim siya ng champagne.
"Mabait ka raw pero masungit ka rin. Bubbly ka pero mabilis mairita sa maraming bagay. Tamad ka pero masipag kang mamili ng damit 'pag aalis."
"Lagot talaga sa'kin 'yang si Remi. Kung anu-ano ang sinasabi, e." Tinusok niya ang pie at hiniwa iyon.
"Wala naman siyang sinabing masama tungkol sa'yo. Kung mayro'n man, e, 'di sana wala ako ngayon dito sa harap mo. Puro nga siya papuri, e."
"Mabait 'yon. Minsan nga, para na akong third party sa kanila ng fiancé niya."
"Parang hindi naman 'yan totoo. Alam mo ba kung bakit ako nakumbinsi ni Rem?" Muli itong naghiwa ng steak.
Natigilan siya sa pagkain ng pie. "Bakit?"
"Ang intriguing mo. Sobrang nahirapan siya no'ng pinapa-describe ko 'yong personality mo. Parang ano, e . . . lagi kang nasa gitna ng mga bagay."
Napangiti siya nang malawak. Wala, e. Flattered siya. Ang masabihan siya ng "intriguing" ay isang napakalaking compliment. Ibig bang sabihin no'n, gusto pa siyang makilala ni Nox?
Gusto niya kasing maging gano'n—mahirap intindihin. Kung mahirap siyang intindihin, iilan lang ang maglalaan ng oras para hanapan siya ng paliwanag.
Isa na roon si Wes. Mukhang magiging pangalawa si Nox.
Ngayon pa lang, alam niyang may posibilidad na interesado lang si Nox sa kuwento niya at hindi sa kanya. Pero hindi niya iyon makukumpirma kung hindi niya susubukan, 'di ba?
"Akala ko, nagbibiro lang si Remi no'ng kinukuwento ka niya. I thought she was overselling you," natatawa niyang sabi.
Dumiretso ito ng upo. Lumapit pang lalo sa kanya at nagpangalumbaba, mukhang interesado. "Bakit? Anong sinabi no'n sa'yo?"
"Guwapo ka raw. Ilang beses niyang sinabi 'yon," natawa siya nang mahina, "Sabi din niya, mayaman ka raw. Kaya mo na raw akong buhayin kaya pumayag na ako."
Tumaas ang dalawang kilay nito. Hindi niya alam kung anong ibig sabihin niyon. Hindi naman kasi mukhang galit, e. "Pakiulit," pabulong nitong sabi.
"Kaya mo na raw akong buhayin sa sobrang yaman mo?" patanong niyang sabi. Hindi naman kasi niya alam kung ano ang pinapaulit nito sa kanya.
"Hindi 'yan. 'Yong isa pa." Mababa ang boses. Parang nagdadalawang isip at natutuwa na ewan.
"A . . . 'yong guwapo ka," nangingiti niyang sabi.
"At inulit mo talaga," natatawa nitong sabi sa kanya. Napailing ito habang tumatawa at unti-unting yumuko . . . na naman.
Dumako ang tingin niya sa mga tainga nitong pulang-pula. "Ang gulo mo. Kakasabi mo lang na ulitin ko. Saka, totoo naman. Guwapo ka naman talaga."
Biglang sumeryoso ang mukha nito. "Luna." Bakas sa tono nito ang pagkairita pero parang nananaway din. Bakit naman siya nito sasawayin?
"Totoo naman talaga. Madalas akong in denial pero marunong din akong mag-appreciate ng mga bagay-bagay . . . tulad mo."
"Ang kulit mo," seryoso nitong sabi habang nakatingin sa mga mata niya.
Sinilip niya ang mga tainga nito. Mukhang sasabog na sa pula. Mas mapula pa nga yata kaysa sa cherry tomatoes kanina.
Positive.
Namumula ang mga tainga nito kapag nahihiya.
Tinawanan lang niya ito. "Akala mo ba, ikaw lang ang marunong bumanat? I can keep up."
Sumimangot naman ito, namumula pa rin ang mga tainga. "Ewan ko sa'yo."
"Should we ask for some ice? Parang siling pula na 'yang mga tainga mo, e," pang-aasar pa niya.
Hindi nito pinansin ang pang-aasar niya. Naglabas ito ng isang lighter mula sa bulsa.
"Bakit ka may lighter? Smoker ka ba?" pag-uusisa niya.
"Medyo lang naman. Kapag nai-stress lang." Sinindihan nito ang lighter at nilapit sa bibig ng baso ng champagne.
Tinapik niya ang kamay nito. "Ano bang ginagawa mo?"
"Basta. Alam mo ba 'yong mga drinks sa bar na sine-serve nang lumiliyab?" Pinagpatuloy nito ang pagdikit ng lighter sa baso.
"Oo naman. O, anong mayro'n do'n?"
"May bar 'yong tito ko dati tapos laging ako 'yong inuutusan niyang magsindi," pagkukuwento nito.
Bigla siyang nagtaka sa inaasal nito. Parang bigla naman atang naging kumportable . . ?
"Dati 'yon. Saka, mukhang 'di naman gumagana." Pilit niyang kinuha mula rito ang lighter.
"Babayaran ko 'pag nakasunog tayo. 'Wag kang mag-alala," paninigurado nito sa kanya. May ngiti pa sa labi, mukhang kampante sa ginagawang experiment.
Sinulyapan niya ang kinakain nitong steak. Pati 'yong champagne. Sa ginagawa nito ay para itong nakakain ng kung anumang mayro'n sa steak. Baka nalasing sa champagne? Hindi. Masyadong imposible.
"E, hindi nga gumagana. Akin na nga 'yan." Muli niyang sinubukang agawin ang hawak nitong lighter.
"'Wag kang magulo," paninita nito sa kanya.
Hindi siya nagpatalo. "Akin na nga sabi, e."
"Lun—"
Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil biglang nagliyab 'yong puting telang nakabalot sa mesa.
Mabuti na lang talaga at kalmado siya sa lahat ng oras. Agad niyang binuhos ang isang baso ng tubig sa apoy. Wala man lang bakas ng takot o pangamba sa mukha niya. "May sasabihin ka?" tanong niya sa naestatwang si Nox.
Pinaikot niya ang mga mata. Ibang klase talaga, oo.
Kailan ba huling nakinig sa kanya ang mga tao sa paligid niya? Ang mahirap kasi, laging naghahanap ng pruweba ang mga mata bago makinig at maniwala.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro