02 || two
HINIGOP NIYA ANG natitira pang sabaw sa mangkok. Mabilis din niya iyong ibinaba nang magsimulang lumabo ang salamin niya.
"Akin na nga." Mabilis na tinanggal ni Nox ang salamin niya sa mata. Pinunasan nito iyon gamit ang laylayan ng t-shirt nitong puti ang kulay.
Naningkit ang mga mata niya. Hindi siya sanay na hindi suot ang salamin, e. Parang bigla siyang nabulag.
"May yanig ang daigdig at tila 'di na narinig . . . sana'y magtikom na'ng bibig. Ano'ng sinabi mo?"
"Anong kanta 'to?" tanong niya sa katabing abala pa rin sa pagpunas ng salamin.
"Ono," sagot nito. Ni hindi man lang siya nito tiningnan sa mata.
"Ayos ka lang ba?" Umurong ang dila niya. Pero huli na. Natanong na niya, e.
Wala namang masama sa tanong niya. Alam niya iyon pero bakit parang mal—
Kasi hindi kami magkakilala.
Hindi niya namalayang nakatitig sa kanya si Nox. Panandalian ang pagtataka sa mga mata nito. Agad iyong napalitan ng tuwa. Pagkatapos, biglang lumambot at lumungkot.
"Ngayon na lang ata," pabulong nitong sabi. Inabot nito sa kanya ang salamin.
"Hangin ay bumubulong: katulad ba kita?"
Tinanggap niya iyon. Hindi niya napigilang tumitig kay Nox. "Anong sabi mo?"
Nagtaas ito ng tingin. "Narinig mo naman, e. Bakit gusto mo pang ulitin ko?"
"Ang langit ay nagtatanong: katulad ba kita?"
Uminom siya ng tubig. Ilang beses siyang lumunok. "Anong ngayon na lang ata?"
"Wala," nakangiti nitong sabi.
"Ang dagat ay lumuluha: katulad ba kita? Bawat tala'y nangangamba . . ."
Alam niyang pilit lang iyon. Ni hindi man lang nito sinubukang itago. Ni hindi pinilit na paabutin sa mata.
Baka gusto nitong magtanong siya. Magpakita ng interes kahit panandalian lang, kahit kaunti.
Saglit niyang ipinikit ang mga mata. "Ngayon na lang na," sinubukan niyang hanapin ang mga tamang salita, ". . . may nagtanong sa'yo kung ayos ka lang?"
"Ang puso ko'y nagtatanong: katulad ba kita?"
"Hindi 'yon," huminga ito nang malalim, "Well, medyo gano'n."
Hindi niya napigilang matawa sa sinabi nito. "Ha? Ang gulo mo, ayusin mo nga."
Sumimangot ito. "Magulo naman talaga ako. Hindi mo pa ba nahahalata 'yon?"
Pinaikot niya ang mga mata. "Ano nga kasi? Sabihin mo na," pangungulit niya.
"Wala ka na bang kakainin?" patay malisya nitong tanong sa kanya. Kunwari, kaswal lang at walang iniiwasan.
"Gusto ko ng gulaman. May gulaman ba sila rito?"
Nagliwanag ang mukha ng lalaki. Natuwa yata na nakisakay siya. "Gulamang inumin. Hindi 'yong gelatin na kinukutsara."
"Puwede na 'yon. Ibili mo nga ako, babayaran kita mamaya," nanatili ang pagkunot ng noo niya, "Dalian mo kasi magkukuwento ka pa."
Inabot nito sa kanya ang kaliwang earphone. "E, pa'no kung hindi ako bumalik?" pabiro nitong tanong. May pagkaseryoso ang tono pero lamang ang biro.
Itinaas niya ang phone nito sa ibabaw ng mesa. Nakasaksak pa roon ang puting earphones. "Nasa akin ang phone mo."
Tumayo ito at saka, ngumisi. "Kayang-kaya kong bumili ng bago."
"Ang yabang mo," umirap siya, "E, 'di kaya mong bumili ng bago. Anong gagawin ko?"
"Wala ka namang magagawa. Isumbong mo na lang ako kay Remi 'pag hindi ako bumalik. Okay na ba 'yon bilang assurance?" Nag-thumbs up ito sa kanya. Pati ang dalawang kilay nito ay nakataas.
"Anong assurance? Hindi ko kailangan ng assurance," lalong kumunot ang noo niya, "Ano ba? E, 'di umalis ka kung gusto mo."
Pumalatak ito. "Chill. Babalik ako, nagtatanong lang naman ako. Bibili lang ako ng gulaman, 'ha? Napaghahalataan ka masyado, e."
Pinaikot lang niya ang mga mata. Naiinip niya itong pinanood pumunta sa counter.
Wala pang limang minuto nang bumalik ito. Dala nito ang dalawang baso ng gulaman sa magkabilang kamay. "O," nilapag nito ang isang baso sa harap niya, "Ayan, 'ha? Bumalik ako. Baka umiyak ka, e."
Kinuha niya ang isang baso. "Yabang," kumento niya bago sumimsim mula roon.
Muli itong umupo sa tabi niya. "Ano bang gusto mong malaman?" tanong nito sa kanya. Diretso lang ang tingin nito habang sumisimsim ng gulaman.
"Tumingin ka nga sa'kin. Tatabi ka sa'kin tapos hindi mo naman ako kakausapi―"
"Kinakausap naman kita, a?" pilosopo nitong sabi.
Hinintay niyang matapos ito sa pag-inom. Nang ibaba nito ang hawak na baso, hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi.
"Luna . . ." Parang bigla itong nahirapang huminga.
"Hindi kita hahalikan. 'Wag kang assuming," natatawa niyang sabi. Inilapit niya ang mukha niya rito.
"Alam kong guwapo ako pero, L―"
"Gusto ko lang tingnan nang maigi 'yang mata mo."
Why did that sound so sappy?
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. "Don't mind me. Ano . . . may napansin lang kasi ako." Umayos siya ng upo. Ibinaling niya ang atensyon sa mga baso (ng gulaman na kaunti na lang ang laman) sa harap niya.
"Bakit ka nahiya bigla?" tanong nito.
Hindi siya humarap. Ayaw niyang makitang nakangisi ito at nakatitig sa kanya nang pang-asar. "Wala naman."
"Luna . . ."
Nanlaki ang mga mata nang bigla nitong hawakan ang magkabila niyang pisngi. Hindi siya sigurado kung alin ang mainit―ang mga palad nito sa pisngi niya, ang magkabila niyang pisngi, o ang tainga nitong pulang-pula.
Alanganin itong ngumiti. "Now, you know how that feels." Binitawan nito ang mukha niya.
Bahagya siyang lumayo mula rito. "Ayoko ng binibigla ako."
"Ako rin," sumandal ito sa balikat niya, "Gusto kita, Luna."
Panandalian siyang nahirapan sa paghinga. "Dahil ba 'yan sa champagne?"
"Hindi ako lasing. Seryoso ako." Umayos ito ng upo.
Humarap siya rito. "Bakit ang lungkot mo?"
Napamaang ito. "Madalas lang na hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kaya . . . mukha akong malungkot."
"Hindi mo sinagot 'yong tanong ko. Bakit ang lungkot mo, Orion Nox?" nakapalumbaba niyang sabi.
"You're really getting way too good at this." Halos wala na itong mata sa sobrang paniningkit.
Pinaningkitan niya rin ito ng mga mata. "I'm getting way too good at what?"
"Sa pagbabasa sa'kin," naiiling nitong sagot.
"Ang dami mong sinasabi. Sagutin mo na lang 'yong tanong ko." May kaunti nang inis at pagkainip.
"Demanding." Itinaas pa nito ang dalawang kamay, parang suko na sa pangungulit niya.
Napangiti siya. "Sagot na kasi."
"To be honest, hindi ko rin alam. It probably has something to do with my ex-girlfriend pero . . . hindi, e. Ganito na 'ko bago pa siya."
"Paanong gan'yan ka na? Malungkot?" Lalo lang siyang naging interesado.
"Oo yata," bumuntonghininga ito, "Lagi kong iniisip na baka hindi lang talaga ako capable na makaramdam."
Muntikan siyang mapatawa nang malakas sa sinabi nito. "Makaramdam ng feelings?"
"Yep," (parang) natutuwa pa nitong sagot.
"That's bullshit."
"Language mo," natawa ito nang mahina, "Hindi tayo puwede maging rated SPG. First date pa lang 'to, e."
Nasa pagitan siya ng inis at pagka-amuse sa lalaki. "E, bullshit naman talaga. At nanggaling pa sa'yo 'yan?"
"Ano mayro'n? Bawal ba kapag galing sa'kin?"
"Hypocrite. Kanina, ako 'tong sinesermunan mo. Mayro'n ka pang 'tao tayo, Luna, hindi tabooed topic ang feelings'." Ginaya niya pati ang boses nitong mababa at masarap sa tainga. Syempre, hindi gayang-gaya.
"Ewan ko sa'yo." Natawa na naman ito.
Hindi naman siya nagpapatawa. Hindi siya clown o entertainer. Natatawa ba ito o natutuwa? Hindi siya makapili kung maiinis siya o hindi.
Sumimangot siya. "Seryoso ako. Hindi ako nagbibiro."
Muli nitong isinuot sa kanang tainga ang kaliwang earphone. Inilipat nito ang kanta. "You watched the sunsets and danced under blankets."
Tumunghay ito sa kanya. "Anong gusto mong malaman?"
"Anong mayro'n do'n sa ex mo? Ilang taon? Bakit kayo naghiwal―"
"Ang dami naman," mahina nitong reklamo, "Halos five years kami."
"Sinong nakipaghiwalay?"
"Siya." Pumalatak na naman ito.
"You've got all the hype but you kept track of time."
"Bakit daw?" Para silang naglalaro ng fast talk.
Fast talk na may background music na sila lang ang nakaririnig. Romantic sana kaso relationships ang topic. "She said I was too boring."
That's bullshit.
Pinigilan niya ang sariling masabi iyon nang malakas . . . kahit bullshit naman talaga. "Ayon lang 'yon?"
"Don't give it all because you might fall down, down the line of a massive fallout."
"Sabi niya, masyado raw akong plain. Wala na raw spark." Natawa pa ito pagkatapos sambitin ang salitang "spark".
"Sparks don't last. Kaya nga spark kasi saglit lang. Kung spark ang gusto niya, e, 'di sana, 'yong poste na lang n―"
"Ng Meralco ang ginawa niyang boyfriend," naiiling nitong pagtatapos sa sasabihin niya (sana), "Pareho kayo ng sinabi ni Remi."
"E, totoo naman. If she's having the relationship for the long run, bakit spark ang hinahanap niya? Gaya ng sabi ko, sparks don't last."
"She's unsure of this adventure, 'gotta keep your own composure."
"Yeah . . . they don't last. Pero wala, 'yon ang gusto niya, e." Ngumiti ito sa kanya. Hindi niya mabasa kung peke o hindi.
Hindi niya rin alam kung paano magre-react. "Did she really mean that?"
"Sa tingin ko, oo. Ano kasi, Luna . . . I used to give her handwritten letters, mixed tapes, and all that crap." Tumitig ito sa kanya. Matagal, naghihintay ng reaksyon.
"Because I . . . want to break free but I don't know, where do we go?"
"Those aren't crap. Hindi lang siya marunong mag-appreciate," nailing siya, "Halos magmakaawa na nga ako dati kay Wes para bigyan niya ako ng handwritten letters tapos siya . . ." Pumalatak siya.
"Para akong gago no'n." Nailing ito. Mukha itong matatawa, parang may pinagsisisihan din.
"Okay lang 'yan. Ako rin naman. Lahat naman tayo gago, e." Hind na niya talaga alam kung anong sasabihin. Magpapakita ba siya ng concern?
Pero kasi, tapos na. Saka, mukhang hindi naman ito nalulungkot dahil do'n.
"Maling tao lang talaga." Ngumiti ito sa kanya. Magaan, nababasa na niya ulit.
"Ha? Ano?" Medyo na-distract kasi siya sa ngiti nito. Bigla siyang nawala sa eksena.
Tumawa ito. Masarap na ulit sa tainga. Iyong tipo ng boses na papasa nang DJ sa kahit anong radio station. "Lahat tayo gago. Ang dapat lang siguro, piliin natin kung kanino tayo magpapakagago."
"Deep shit, a," natatawa niyang kumento. Ayos. Magaan na ulit.
"Deep shit pero totoo, 'di ba?" Itinaas nito ang plastik na baso ng gulaman.
Kinuha niya ang baso niya at idinikit iyon sa nakataas na baso ni Nox. "Fine. You win this round."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro