Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kislap

"10 minutes na lang daw at magsisimula na ang fireworks display." Saglit siyang sumulyap sa kaniyang orasan habang nakangiti.

"Pare-parehas lang naman ang fireworks display. Umuwi na lang tayo," tugon ko sa kaniya. "May trabaho pa ako bukas."

Tumango na lang siya at sumunod sa aking paghakbang. Kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mukha habang nakatingin sa mga taong nakakasalubong namin. Paniguradong sa fireworks display ang punta nila.

Six years na kami ni Mico at sanay na ako sa mga reaksyon niyang ganiyan. Alam niya na ang mga kahinaan ko, at alam ko na rin lahat ng kasiyahan niya.

"Oh sige na nga." Humarap ako sa kaniya. "Tara na doon." Hinawakan ko ang kaniyang kamay at sabay kaming nag-iba ng direksyon ng paglalakad. Ang kaniyang malungkot na mukha ay agad na napaltan ng saya.

Saktong pagdating namin sa MOA Eye ay nagsimula na nga ang fireworks display.

Nagsimula ng maglitawan ang iba't ibang kulay ng fireworks. Kasabay pa ng tugtog ang pagkawala ng mga ito sa kalangitan.

Napatingin naman ako kay Mico na labis na namamangha sa nakikita niya ngayon. Bahagyang naka-awang ang kaniyang bibig habang namumuo ang ngiti sa sulok ng mga ito.

Hindi ko ata kayang sirain ang kasiyahan niya ngayon. Hindi ko ata kakayaning makita siyang masakyan kahit na ayaw ko na.

Sa totoo lamang ay ngayon ko pinaplanong makipaghiwalay na sa kaniya.

Masyado na naming kilala ang isa't isa. Paulit-ulit na lamang ang nagyayari sa araw-araw naming pagsasama. Napakadali na lang hulaan ng mga susunod pang mangyayari sa amin. Ayaw ko na ng ganito, nakakasawa.

"Sabi ko sa'yo gan'yan lang 'yan e," singit ko habang nanonood pa rin siya ng sunod-sunod na pagkawala ng iba't ibang kulay sa kalangitan, "walang bago."

Lumingon siya sa'kin at nakita ko ang pagkislap ng kaniyang mga mata na tila ba nag-iiba ang kulay dahil sa repleksiyon ng mga kulay ng fireworks.

"Kaya ko nga ito gusto e," tugon niya, "hindi nagbabago." Ngumiti siya. "Well, may mga konti namang pagbabago siguro every year pero lalo ko naman itong nagugustuhan."

Huminga siya ng malalim at tumingin ulit sa kalangitan. "Ang kislap ng mga ilaw nito na kasabay ng musika ay sapat na para mapasaya ako." Ngumiti siya at tumingin ulit sa akin. "Sa tuwing nakikita ko ang mga fireworks na 'yan ay naaalala kita. Ang kislap ng iyong mga mata, at ang boses mo na nagsisilbing musika sa aking tenga, hindi nakakasawa."

Hindi ko malaman ang aking nararamdaman. Naiiyak ako sa tuwa at sa lungkot dahil hindi ko man lang nakita ang mga bagay ng katulad sa perspektibo niya.

Tama siya.

Siya pa rin talaga ang taong minahal ko noong una at ang taong minamahal ko pa rin ngayon. Bakit ko hinayaang mawala ang kislap sa akin kung ang sa kaniya ay nagbabaga pa?

Hinawakan ko ang kaniyang braso, at umunan sa kaniyang balikat. "Salamat sa pagpapanatili ng spark."

Umunan din siya sa aking ulo. "Thank you for being my fireworks. I love you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro