Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KNJC 8

ELIEZA JOY

Hindi parin ako makapaniwala, Ngayon alam ko na ang ibig sabihin ni Jin tungkol sa sinabi n'ya.

"Kung bibigyan mo lang s'ya ng pagkakataon, makikita mo rin iyon"

Hindi naman pala puro kayabangan ang nasa lalaking ito, mabait din pala s'ya, at may pag-intindi rin sa ibang tao. Ang buong akala ko ay palagi lang talaga s'yang nakasimangot o walang ginawa kundi manakot ng ibang tao.

He's not that kind of man at all.

He's actually sweet and soft inside. Like what Jin said.

He still a mystery after all....

Agad akong umiwas nang tingin sakan'ya nang bigla rin itong tumingin sa akin, I heard him giggle but I just ignored it.

"Wag mong sabihing crush mo na ako n'yan". Napairap ako dahil sa kahanginan n'ya, ilang beses ko bang sasabihing faithful ako kay Jin?

"Tch. Sorry pero faithful ako kay Jin". Tumango tango nalang ito bilang pag-sangayon dahil busy s'ya sa kinakain n'ya.

Binigay ko na kasi sakan'ya yung kape at tinapay ko, hindi ko kasi maatim na marinig yung pagkulo ng t'yan n'ya, at isa pa hindi pa naman ako nagugutom.

"Sabihan mo lang ako kung crush mo na ako ah, sasagutin agad kita". Ani Namjoon na ngayon ay ngiting ngiti.

Gagu! Hindi mangyayari 'yon no!

"Wow, biglang lumakas yung hangin dito oh". Sagot ko dito, at ang gago kinindatan lang ako at sinuklay pa ang blonde n'yang buhok gamit ang kamay n'ya.

Puta!

Tumigil lang kami sa paglalakad nang makarating na kami ng tuluyan sa bahay ko. Hindi ko alam sa lalaking ito pero hindi mawala yung matatamis n'yang ngiti sa labi n'ya.

"Anong ngini-ngiti ngiti mo d'yan?" Kunyari'y pagsusungit ko sakan'ya, umiling s'ya kaagad sa akin pero malapad padin ang ngiti. Tangina, nagpapa-cute ba s'ya?

"Wala naman, I just found you sweet". Ano daw? Sweet? Ako?

Hindi agad ako nakasagot dahil sa sinabi n'ya, umurong bigla yung dila ko at namalayan ko nalang na nakangiti na ako sakan'ya.

"Tch. Kinikilig ka na naman d'yan". Napa-awang ang bibig nito at tumawa ng malakas dahil sa sinabi ko. Damn. Bakit sobrang manly ng tawa n'ya? At bakit ang cute n'ya? Teka bakit ko ba sinasabi ang mga ito?

"Ako kinikilig?" Tinuro turo pa nito ang  sarili n'ya at umiling iling. "Hindi kaya, bakit naman ako kikiligin?" Pagtanggi nito, this time ako naman ang tumawa.

"Sus! Nag-deny pa nga, tignan mo nga yang ngiti mo, sobrang lapad oh, abot hanggang tenga mo, labas na labas 'yang dimple mo oh!". Pang-aasar ko dito, tinusok tusok ko pa ang tagiliran n'ya habang s'ya naman ay tawa lang ng tawa.

"Stop it!"

"Hey staph it!" Pang-gagaya ko sakan'ya, he suddenly stop and looked at me in his serious face. Wow, moody ang peg?

"By the way, about making dalgona. Just call me when we'll be doing it okay?" Pag-iiba nito ng topic. May number ako sakan'ya? Tsaka seryoso ba s'yang gagawa kaming dalawa ng dalgona?

"Teka may number ba ako sa'yo? At seryoso ka ba d'yang gagawa tayo ng dalgona?" Bigla akong na-excite nang sabihin n'ya yung tungkol sa dalgona, biglang nabuhay yung dugo ko.

Shet, kung magkakatotoo man ang plano naming iyon, 'yun ang first time kong gagawa ng dalgona!

He chuckled. "Well, if you still remember you left your phone in the table at cafe, so I took it and saved my number, same as yours". Mahabang paliwanang nito, tangina. Hindi ko nga matandaang naiwan ko pala doon yung phone ko tch.

"At yung tungkol sa dalgona, seryoso ako doon, hindi ko kayang biguin ang prinsesa ko". He said then wink at me, I felt this strange thing inside my belly. I don't even know what is that, baka nagugutom lang ako.

Prinsesa

"Tch. Ganun siguro ang technic mo para makuha yung number ng ibang babae". Pagbibiro ko dito.

He scoffed, he slightly pinch the tip of my nose and look straight in my eyes.
"I actually have another woman in my life". Kumunot ang moo ko sa sinabi nito, teka. Nagbibiro lang ako, seryoso ba s'ya?

"It's my mother". He added that made me stopped, he  then gave me that genuine smile before he continued. "And the second and last, is YOU, Only you Joy". His husky voice echoed in to my ears.

"Believe me, I may be a cold and serious man in the eyes of everyone, but I'll never cheat on you". He continued. Hindi ako nakapagsalita, hindi ko alam kung anong sasabihin ko, para bang totoo ang lahat.

He wave goodbye before leaving me alone and speechless. Damn you Namjoon, why are you giving me such a hard time?

Agad akong pumasok sa loob at sinalubong ako ni nanang na may mga nanliliit na mga mata.

Si nanang ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko, parang tumayong lola, nanay at tatay sa akin lalo na't wala ang magulang ko para gawin iyon para sa akin.

"Hindi ka nagku-kwento ah, may manliligaw ka na pala". Sumilay dito ang matamis na ngiti sabay hampas sa aking balikat. Si nanang talaga, ang advance mag-isip masyado!

Dumiretso agad ako sa kusina, kunyari uminom ng tubig pero ang totoo iniiwasan ko lang talaga ang nakakalokong titig at tanong ni nanang, jusko! chismosa talaga minsan si nanang. Kakaloka!

"Nang, kakilala ko lang po 'yon". Depensa ko, pero tumawa lang ito na parang ewan at parang kinikilig.

"Aysus! Nanggaling na ako sa stage na iyan ija, kung makikita mo lang. Pila pila ang manliligaw ko noon". Heto na naman po tayo, palagi sa aking kinukwento ni nanang na marami daw talaga s'yang manliligaw nung kabataan n'ya.

"Kelan mo sa akin ipapakilala", halos maibuga ko na ang iniinom kong tubig dahil sa biglaan nitong tanong.

"Nanang naman!". Nagpa-maywang ito. Ibinaba ko na ang basong ininuman ko sa lababo.

"Nako! Dapat ipakilala mo sa akin 'yang gwapong binatilyong iyan". Utos nito. Magsasalita na sana ako pero pinatigil ako nito.

"Ipapakilala mo s'ya sa akin o susumbong kita sa mommy mong nabasag mo yung paborito n'yang plato?". Napa-awang ang bibig ko dahil sa sinabi ni nanang, hinilot ko kaagad ang sintido ko.

Nakakatakot pa naman si mommy kapag nakakabasag ako ng plato o baso, mawala ko pa nga lang yung tupperware o yung payong eh galit na galit na, paano pa kaya kung isumbong ako ni nanang na nabasag ko ang mamahalin at paboritong plato ni mama? Bumuntong hininga ako, mukhang wala na talaga akong maagawa kundi ang makipag-deal kay nanang.

--
Kinabukasan, maagang natapos ang klase ko, alas-diyes palang ng umaga ay tapos na agad, kaya't napag-isipan kong  pumunta ulit sa perya, para hanapin yung fortune teller na nagbigay sa akin nung bracelet.

Pero wala na s'ya, wala na s'ya sa dating pwesto n'ya. Sinubukan kong itanong sa iba, pero ang sabi lang nila ay matagal ng umalis ang matanda sa pwestong iyon. Wala na daw silang balita tungkol sa matanda.

"Taehyung, Jungkook, anong ginagawa n'yo dito?" Napakamot ang dalawa na ngayon ay magka-akbay pa talaga. Ano na namang ginagawa nila dito sa perya? Wag nilang sabihing nag-cutting class sila?

"Eh ikaw noona, anong ginagawa mo dito". Nag-smirk pa si Jungkook sa akin, tss. Ako unang nagtanong tapos binalik lang sa akin.

"Bibili lang sana ako ng corndog, eh kayo?" Ayokong sabihin sakanila ang tunay kong pakay dito. Hindi ko alam kung bakit, pero ayoko lang talaga.

"Nag-date lang kami". Nahihiyang sagot ni taehyung na ngayon ay pulang pula ang pisngi, tangina nitong dalawang to! "Sasakay sana kami sa rides, kaya lang nakalimutan naming sa gabi lang pala binubuksan ang mga rides dito". Malungkot ang tono ni taehyung at sabay pa silang nag-pout ni jungkook.

Bakit ba ang cute at ang hot nila?

"Andito lang pala kayong mga bata kayo!". Sabay sabay kaming napalingon kay Jin na nayon ay nakapamayswang at namumula sa galit.

"Sorry na eomma, nag-gala lang naman kami-"

"Anong gala gala? Tangina n'yo sinabi kong magluluto ako sa bahay kung saan saan kayo pumupunta". Oh, chill lang jin, nguso mo humahaba, sarap halikan.

Nilingon ako nito, awtomatiko akong napangiti dahil nginitian din ako nito. Tangina, ang gwapo talaga ni Jin sa kahit anong anggulo. Samantalang ako sa side view lang maganda.

"Mabuti kasama ka nila, wala ka naman ng klase diba? Sumama ka narin sa amin, nagluto ako ng masasarap, gusto mo bang sumama?" Agad akong tumango, syempre magpapabebe pa ba ako? Makakasama ko na si Jin, makakalamon pa ako ng libre at masasarap na luto ni Jin mahlabs!

"Joy, ganun ba kaimportante sa'yo ang bracelet na 'yan, napapansin ko kasing lagi mong suot". Tinignan ko kaagad yung kulay purple na bracelet, ang ibinigay sa akin ng matandang fortune teller. hanggang ngayon kasi ay suot suot ko parin ito, mas pinili kong isuot ito hangga't hindi ko pa alam ang solusyon kung paano mawawala yung charm kay namjoon.

"hmm. h-hindi naman, n-nagagandahan lang talaga ako sa kulay n'ya". sagot ko dito, hindi na kaming muli nagusap dahil sumakay na  kami sa white porsche tycan nI Jin.

bongga, yayamanin ang kotse ni crush, ako nalang talaga ang kulang.

"jin, knock knock". panimula ko, bigla kasi akong may naisip na banat para kay jin. pinilit kong wag masyadong ngumiti kasi parang mapupunit na ang labi ko.

si jin nga pala ang nagmamaneho, ako ang nasa passenger seat habang ang taekook ay naglalaro sa likod ng dinasour figures.

bahagyang tumawa si jin. "natutulad ka na sa akin ah". wika nito pero sumagot din. "who's there". gusto kong upakan si jin dahil hindi pa nga ako naguumpisa ay tawa na s'ya ng tawa.

"tumawa ka nalang kaya hyung". oo nga may punto si taehyung, salamat.

"view"

"view who!". sigaw nilang tatlo ng sabay sabay.

"I lab view". mahinang sabi ko at hindi makatingin ng diretso kay Jin. tangina, ang lakas ng loob ko! nakita kong umiling iling ang taekook.

"ang corny mo!" sigaw ng dalawa kaya't tinignan ko sila ng masama.

ako 'tong parang mamamatay na sa kilig tapos sasabihi nila iyan?

"galing ah, i-pick up line ko nga 'yan kay Namjoon". tinignan ko si Jin ng masama, bwisit isa pa s'ya. halikan kaya kita d'yang gaga ka! pinaghirapan ko yang hanapin kay google tas gagamitin mo lang sa iba?

tumigil kami sa harap ng isang simple ngunit napaka eleganteng bahay. napatingin ako sa taas nang tinawag ako ni jimin mula sa terrace ng bahay, tangina ang ganda nung bahay nina jin.

"JOY! ang ganda mo ngayon". sigaw ni jimin mula sa taas, naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. saan ba namana ni jimin ang pagiging sweet n'ya.

"huwag kang maniwala d'yan, malabo na mata n'yan". tangina mo talaga yoongi, panira ka palagi.

"wow, bahay mo na ba talaga 'to?' tanong ko kay Jin na kakababa lang ng kotse n'ya.

"hindi garahe ko lang".

"wow laki naman ng garahe mo, may second floor". pamimilosopo ko rin kay jin. bigla naman nitong pinisil ang pisngi ko at halatang nagpipigil ng inis.

"bitch, sarcastic yun!" Bulyaw nito na ikinatawa lang ni jungkook at taehyung.

--

"welcome to mobile legends". inirapan ko si jimin nang salubungin kami nito sa may pinto. bahagya itong lumapit sa akin at inamoy amoy ako.

"you smell so nice". mapangakit na sabi nito bago ako yakapin nito, sus! mabango din naman s'ya, amoy nakaka-akit. Niyakap konsmya pabalik, syempre si jimin 'to eh, 'yung isa aa mga gwapogi ng grupong crackheads. Huehuehuehue.

"let go of her you sh*t". rinig namin ang isang malalim at nakakatakot na tinig. hinila nito si Jimin palayo sa akin at binigyan ako ng isang nakamamatay na tingin.

"patay ka noona, hilig mo kasing yumakap d'yan kay liit. kung ako sana ang niyakap mo edi may gwapogi kang taga-salo ng suntok". natatawang sabi ni jungkook na nasa likod ko.

"Glad you're finally here, kanina pa ako nae-excite". Walang emosyong sabi ni Joonie, I'm trying to focus my eyes in his eyes only, not on his nipple, not on his shirtless top, not on his broad chest.

Tangina focus sa mata joy, focus!

Excited ba saan? Mukha naman s'yang hindi excited eh.

"Excited saan? Excited kumain?". Inosente kong tanong dito, narinig ko ang pagtawa ng mga gago, natalo pa ang nanonood ng romcom movie.

Napakamot si Joonie sa buhok n'ya at halatang inis na inis, tangina ano na namang problema ng isang 'to.

"Shit, kung excited akong kumain edi sana kanina pa ako kumain". Mas lalo akong naguluhan sa sinabi nito, tangina eh kung ayusin n'ya kaya ang sinasabi n'ya.

"Huh excited ka ba kasi saan?" Curious kong tanong dito, napaawang ang bibig nito pagkatapos ay sinuklay ang buhok n'ya.

Sandali itong tumahimik at lahat kami ay naghihintay sa sasabihin n'ya.

"Aish. Bakit ba slow mo? Syempre excited akong makita ka!" Pag-amin nito na ikinahiyaw ng lahat ay tinulak tulak pa kami palapit sa isa't isa. Ramdam ko ang biglang pag-init ng paligid habang kitang kita ko ang pamumula ng tenga ni Joonie.

"Tangina mo Joy, napaka-slow mo, pasalamat ka mahal kita eh". Rinig kong bulyaw ni jimin.

pero hindi ako makapag-isip ng maayos habang nakatingin sa shirtless na si namjoon, yung mga makasalanan kong mata ay naka-focus lang sa broad chest n'yang ngayon ay pinagpapawisan at kasalukuyan n'yang pinupunasan ng t-shirt n'ya.

Shettt! Bakit nagi-slow- mo sa mga mata ko ang pagpupunas n'ya ng dibdib n'ya?!

Shet this is heaven!

napalunok ako ng ilang beses, minsan ko lang sasabihin 'to pero, ang sharap.

"enjoying the view?" nabalik ako sa reyalidad nang bumulong ito sa aking tenga at mas ikinabigla ko nang kagatin n'ya ito.

putangines namjoon!

"sabihin mo lang, pwede namang lahat ng suot ko ay huhubarin ko para sa'yo". he said with his seductive voice, I heard him giggling sexily and cute at the same time.

tangina bakit ganito, bakit ang ganda sa tenga nung tawa n'ya!

shet! Joy umayos ka nga! broad chest lang 'yon ni namjoon! yung dibdib n'yang tumatagaktak ang pawis! Dibdib na sexy n'yang pinupunasan!

"che! tigilan mo nga ako, feeling mo naman type kita". paalis na sana ako kaya lang bigla n'yang isinandal ang kamay n'ya sa pader, na-corner ako nito at wala akong ibang choice kundi tignan ang kumikinang n'yang mata.

Hindi ko alam kung saan ko ba ifofocus ang mga mata ko, sa mata ba n'ya o sa dibdib ba n'ya?

putangina! bakit ganun ko i-describe ang isang 'to?

"really?". his eyes narrowed, I just nod. "remember, you can tell a lie, but your eyes can't".

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro