Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KNJC 43

a/n: ayown oh nakapag-UD narin, hahahaha. keep safe sushikels, study hard and well xD pag di ninyo alam sagot, wag ako tanungin n'yo ahahhaha jok . 

-ELIZA JOY-

"Joy tumalon sa bintana, bali-bale butoooooo~"

"Patawad!" Bulyaw ko sa pitong lalaking nangangaroling sa tapat ng bahay namin, tanghaling tapat.

"Noona!" Awtomatikong gumuhit sa ngiti ang aking labi nang bigla akong yakapin ni Jungkook, jusko! Ang bango naman nitong batang 'to.

Sarap pa

Joke

Rawr!

"Hi Love" inirapan ko nalang si Fear na seksi pang tinanggal yung shades n'ya para kindatan ako.

Tss.

"Don't call me Love, we are not lover" may halong inis sa boses ko pero nanatili parin akong kalmado. Paulit-ulit n'yang pinipilit na mayroong kami, at paulit-ulit ko ding itatanggi iyon.

Bahala s'ya....

Tumahimik muna ang lahat, parang nagkaroon ng dead air.

"So, saan tayo unang pupunta? Sa grocery ba o sa.... Puso ko yieeeee~ ekew peren pele eng henephenep perepe" kilig na kilig sa sarili n'ya si jimin pero isang katahimikan ang bumalit ng matapos s'yang parang tangang kumanta.

Pagkatapos ay malakas na halakhak ang bumalot sa aming walo. Tangina kasi ni jimin sariling sikap ang peg!

Friday ngayon, wala atang pasok ang pito, ako naman hindi muna pinapasok sa university ni dad dahil hindi pa daw ako maayos.

Kahapon si Dane ang bumisita sa akin, may dala-dalang mocha ice cream, sabi n'ya paborito ko daw iyon pero hindi ko alam kung nagsasabi ba s'ya ng totoo.

"Nanang aalis na po kami!" Pagpapaalam ko, nakataas pa ang dalawang kamay katulad ni nanang.

"Osige magiingat kayo!" Sigaw ni nanang pabalik, may malaking ngiti sa labi. Napatigil lang ako nang biglang hawakan ni Namjoon ang kamay ko at ilagay sa bulsa ng coat n'ya.

"H-hoy a-ano bang ginaawa mo? Tanggalin mo nga ang kamay ko!" Inis na inis kong utos sakan'ya habang pilit tinatanggal ang kamay ko sakan'ya pero mas lalo lang n'yang hinihigpitan, patuloy parin kami sa paglalakad at para bang walang pakielam yung anim sa aming dalawa.

Tangina naman, wala ba ditong call a friend?

"Tanggalin mo nga!" Malakas ang pagkakasigaw ko, pero para lang bingi si namjoon na walang naririnig ngunit may ismid sa kan'yang labi.

"No way, highway, two way, my way by frank sinatra" kumunot naman ang noo ko sa pinagsasabi n'ya, s'ya naman ngayon ang tumigil at tinitigan ako. Bakit ba ganito makatingin ang lalaking ito?

Para naman n'ya akong lulusawin sa paraan ng pagtitig n'ya.

"Remember that? Ikaw ang nagpauso noon" natigilan ako sa sinabi n'ya, lalo na nang marinig ko ang malalim n'yang pagtawa, labas na labas ang malalim n'yang dinple.

"W-whatever" iyon nalang ang nabigkas ko at nagpatuloy nalang sa paglalakad, hinayaan ko nalang na magkahawak kami ng kamay hanggang sa makasakay kami ng tuluyan sa van.

--

"Tangina bigyan n'yo ng balde si liit, parang babaha ng luha n'ya dito sa van!" Irita ang boses ni Yoongi dahil sa pagiyak ni jimin sa series na pinapanood namin, habang yung jba any tinatawanan lang si liit.

Lalo na kapag tumutulo na yung sipon n'ya tas ibabalik pa ulit.

"Ano ba! Nakakaiyak kaya!" Pagmamaktol ni jimin at muling humagulgol. Nalaman kasi ng bida sa pinapanood niyang series na niloko lang pala siya ng pamilya at kaibigan n'ya.

Nakakawa naman yung bida, kung ako sakan'ya baka umiyak lang ako ng umiyak dahil sa sakit ng panloloko ng taong nakapaligid sakan'ya.

"Grabe naman 'yan, kung ako ang bida sa series na 'yan hinding-hindi ko mapapatawad kung lolokohin ako ng mga taong pinagkatiwalaan ko, baka ipinagtabuyan ko pa sila" sabi ko, hindi ko mapigilang mainis sa pinapanood ni Jimin, pakiramdam ko ay nararamdman ko rin yung bida.

Ewan ko, ang weird nga eh, pero siguro magaling lang talagang umarte ang thai actress na ito kaya ganun.

Napatingin naman ako sa pito na ngayon ay biglang tumahimik, lalo na ang katabi ko na si Joonie na walang imik at yung iba ay tumitikhim pa at para bang namumutla. What? Did I said something stupid? Anong nangyari sakanila?

"Ayos... Lang ba kayo? Para kayong nakakita ng multo?" Doon natauhan ang mga ito, naiilang na tumawa si taehyung at hinalikhalikan lang si Jin.

"Wala lang, pa--para ka kasing hugot na hugot" hindi ko na lang pinansin ang pagiging biglang tahimik nila, nagpatuloy nalang kami ni liit sa panood hanggang sa makarating na kami sa supermarket.

Mabilis akong tumakbo palabas ng van para hindi makasabay si joonie, naka-akbay pa sa akin si Hoseok na panay ang tipa sa phone.

Nabaling ang atesyon ko nang maramdman kong may humawak na naman ng kamay ko... At tama si Namjoon na naman.

Magsasalita na sana ako pero bigla niya akong pinigil.
"Magnet ka ba?" Ako lang ba o sadyang nangaakit lang talaga ang mga titig at boses n'ya?

Isama na pati ang dimples n'ya.

"Kasi kahit anong layo ko sa'yo, hinihila mo parin ako pabalik sa'yo" mapang-akit niyang banat pagkatapos ay parang batang biglang nahiya at tumawa sa sarili n'ya.

Inilagay n'yang muli sa kan'yang bulsa ang kamay namin na ikina-kuko naman ng dugo ko.

"Ano ba! Sinabing wag mong hawakan ang kamay ko eh, bakit ba ang kulit-kulit mo? Wag mo akog idaan d'yan sa pagpapacute mo-" hindi ko natapaos ang sasabihin ko nang bigla nitang inilapit ang mukha niya sa akin

Konting-konti nalang ay masasakop na niya ang bibig ko.

"You mean, naku-cute-an ka sa'kin?" Natigilan ako sa sinabi n'ya, ano bang charisma ang meron s'ya? Excuse me hindi ka cute!

Hinding-hindi ako maku-cute-an sayo!

"Excuse me bitch, hawakan mo 'yang boyfriend mo kung ayaw mong lumabas na naman ang pagiging god of destroyer n'ya" literal na napa-huh? Ako sa maarteng pananalita ni Jin na nakashades din dala-dala ang ang mamahalin n'yang bag.

"Masyadong triggered 'yan sa paninira" natatawang paalala nina hoseok at jungkook bago yakapin ang isa't-isa. tss NAPAKA PDA!

Tinitigan ko muna si Fear, itinakip lang nya ang kaliwang kamay niya sakan'yang mukha at para bang hiyang-hiya sa aarili n'ya.

"Correction, hindi ko alam kung bakit napaka-clumsy ko at mahilig akong manira pero atleast gwapo ako" muli itong kumindat sa akin na may kasamang pa-lip bite bago ako tuluyang hilahin papasok sa supermarket.

tangina!

--

"Oh huwag kayong magulo, sa likudan ko lang kayo, yoongi at hoseok tulungan n'yo ako maghanap ng bibilhin" naka-ilang paalala na si Jin, pagkapasok palang namin sa grocery, para talagang nanay.

"Hyung tignan mo ang laki ng saging!" Tuwang-tuwa si Taehyung habang hawak yung mahaba at malaking saging.

Kunot noo kong tinignan ang katabi kong si jimin na bigla nalang tumawa ng malakas, pustahan iba nasa isip n'yan.

"Malaki na mahaba?" Parang mamamatay na sa kakatawa si jimin at pinalo yung saging sa ulo ni jungkook, habang si Taehyung naman ay parang binaril si jimin gamit yung saging.

"Kids, wag kayong magulo!" Pananaway ni Fear, medyo tinulak pa n'ya ang tatlo para magpatuloy na sa paglalakad.

"Wow ang ganda naman nito" nilapitan namin ni Namjoon yung magagandang design ng plato, hinigit ko bahagya ang kamay n'ya at pinisil ito.

"Fear, wag kang hahawak baka makabasag ka!" Halos pabulong kong paalala kay Namjoon na may pilyong ngiti sa labi n'ya.

"Yieee~ concern s'ya oh!" Literal na napa-irap ako dahil sa sinabi n'ya. paanong hindi ako concern eh nakakatakot yung banta nina Jin na god of destroyer s'ya!

Ang dami-dami pa namang plato at baso sa paligid!

Jusko!

Clumsiness ni Namjoon lubayan mo kami!

"Tara na, wag tayo sa section na 'to" paghila ko sakan'ya habang s'ya naman ay tumatawa lang sa akin.

"Tara doon tayo sa mga babies section dali!"

"What?" Hindi ako naka-angal ng hilahin na niya ako at tumakbo papunta sa babies section, tangina ano namang titignan namin dun!

"Alam mo ba, bumili tayo dati ng baby shoes, para sa future baby natin? I still keep it safe" hindi ako nakapag-salita, hindi ko lang maisip na ganoon pala kadami yung memories ko kasama s'ya.

Binitawan ni Namjoon ang kamay ko, parang batang tuwang-tuwa sa mga nakikita n'yang cute na damit para sa babies.

"Wag mong sabihing bibilhin mo 'yan?" I ask looking at him putting the baby dress at the cart.

"Why not?" Massaging my temple won't work, he's just making my headache worst.

"Bakit may baby ka ba?"

"Yes! You are my baby!" Sandali akong napatigil, my mouth left hangging out, no words can speak.

"So ipapasuot mo sa akin 'yang mga damit na 'yan?" Para kaming mag-asawang mahinang nagtatalo para hindi marinig ng iba, nakakainis lang dahil nagagawa pang tumawa at ngumiti ng Mr. Dimple na ito habang ako ay kulang nalang kainin s'ya ng buhay.

Bakit ba sa mag-asawa ko pa kami dinesecribe?

"Of course not! It's for our future baby!" I didn't say any words, my cheeks felt red as tomato right now, and a sudden butterflies in my stomach

Tangina naman Fear ano ba 'tong ginagawa mo sakin?!

"Hi ma'am sir, naghahanap po ba kayo ng magandang damit para kay baby?" Napasapo nalang ako sa aking noo ng bigla kaming lapitan ng sales lady na ngayon ay nakatingin sa flat kong chat

Why the hell should I be ashamed like this!

Pakiramdam ko tinapunan ako ng pulang pintura sa mukha dahil sa mga nangyayari ngayong araw na ito.

"Ang ganda mo namang magbuntis ma'am , feeling ko babae po ang magiging anak ninyo, tsaka maliit pa po ang tyan n'yo ilang months na po ba kayong buntis?" Narinig ko ang malalim at mahinang pagtawa ng katabi kong si Namjoon na nakatakip narin ang mukha, namumula.

"S-sorry miss, pero hindi ako buntis" mahinang sabi ko sa babae, alanganing tumango at nag-sorry, tangina mukha ba akong buntis para tanungin n'ya ng ganun?

"Hindi pa s'ya buntis kasi hindi pa naman kami gumagawa" sabat naman ni Namjoon na ikinatawa din ng sales lady. Habang ako na pulang-pula na ang mukha ay mas lalo pang nakaramdam ng pagkahiya na bumalot sa buong katawan ko at ang pag-init lalo ng aking pisngi at tenga.

What the hell Namjoon!

Mabilis kong pinalo ang malalaking braso dahil sa kahihiyang nararamdman ko, pero tumawa lang itong muli. Gusto n'ya ba talaga akong ipahiya?

"Ano ba talagang gusto mo!" Hindi ko mapigilang mainis sa lalaking ngayon ay nakakalokong nakangiti sa akin.

"Ikaw" mabilis n'yang sagot na ikinahiyaw naman ng sales lady, kilig na kilig.

Excuse me? Wala kang karapatang kiligin sakan'ya!

"Excuse me quarrel lovers-" gusto kong pasalamatan si Jin sa bigla n'yang pag-eksena sa kahihiyang nangyayari sa akin ngayon.

"It's lover's quarrel" sabay naming pagatama kay Jin, pagkatapos ay nagkatinginan naman kami ni Namjoon. tss gaya-gaya.

"Yieee~ mukhang nagkakaayos na kayo ah" panunukso pa ni Jin sa amin habang tinutusok-tusok yung tagiliran ko.

"Jusko mamaya na kayo maglambingan, iderecho n'yo na sa honeymoon. Tulungan n'yo akong hanapin yung iba nawawala sila!"

"Ano?" Sabay na naman kaming dalawa ni Namjoon.

"Sinabi ko kasing dumikit lang kayo sa akin bakit kung saan-saan kayo nagpupupunta?!" Hinila na kami ni Jin, hindi na kami binigyan ng pagkakataon magpaliwanag.

tinulungan namin siyang tignan kung saan-san nagsususuot yung lima.

"Osige shoot mo!" Pinuntahan kaagad namin kung saan nangagaling 'yung boses ni taehyung.

Napa-iling nalang ako nang makitang naglalaro sila ng basketball gamit yung mga naka-display na bola at ishinoshoot nila sa isang basket.

"Tangina. Yah! Diba sinabi kong walang maglilikot? Wala kang marvel figurine sa coco crunch!" Sigaw ni Jin, parang nanay na naka-pamaywang pa.

Parang gago lang na nagsitawa sina jimin, taehyung at jungkook na nagpaluan pa nga sa pwet.

Asan naman kaya sina yoongi at hoseok-

"Sir excuse me po, pero bawal po talagang tulugan ang mga kamang ito?" Sabay pa kaming napa-buntong hininga at napailing ni Namjoon nang marinig namin yung isang sales lady sa hindi kalayuan.

Mabilis kaming pumunta doon at nakitang mahimbing na natutulog si Yoongi, may nakasalpak na earphone sa tenga at parang modelong nakahiga sa kamang inaalok ng sales man.

Tangina talaga nitong mga 'to.

Binuhat naman nina taehyung at jungkook paalis si yoongi sa kama, habang rinig ko naman ang paghalakhak ng iba.

"The best ka talaga hyung!" Sigaw pa ng katabi kong si Fear, satisfied sa nakikita n'ya.

"C'mon everybody, sing with me! Otsukare sama deshita". Nagkatinginan kami saglit bago tignan yung mga taong palapit sa appliances section, mabilis na nagsitakbuhan ang lahat maliban sa amin ni Fear.

I was about to walk when Namjoon held my hand tightly, he geniunely smiled at me and wink.

"Just let them be, let's take this time together" he whispered in my ears with his seductive voice.

Palakad na sana kaming muli, but Jimin run toward us hurraying.
"Hyung tignan mo! Dapat mo 'tong makita!" Halos hingal pero natatawa parin si Jimin, buti nakakakita pa s'ya tuwing tumatawwa s'ya. Ang cute n'ya lalo kapag nawawala ang mga mata n'ya eh.

Ano naman kaya yung dapat n'yang makita? Sandaling nagkatitigan 'yung dalawa, para bang nagkaroon ng telepathy session.

"Wait, I'll be back" iyon nalang ang pinagpaalam ni Fear bago tumakbo hawak ang kamay ni Jimin na tawa ng tawa ngayon. WHAT IS THAT? duh? As if I care he'll come back or not.

Sandali akong naghintay, pero sadyang pinapatay ako ng kyuryosidad ko sa sinabi ni Jimin at isa pa, magkakasama silang pito ayokong maiwan 'no.

Pagkarating ko sa appliances section, nahagip kaagad ng mata ko ang anim na ngayon ay nagkakantahan, si Fear naman nakaupo lang, yung parang tatae, titig na titig sa telebisyon habang bumibirit si yoongi.

It was a snap of finger, when I felt those roller coaster feelings inside me. Nakapamaywang akong humarang sa tapat ni Fear na ngayon ay napatitig din sa akin. Narinig ko pa ang malakas na halakhak nina Jimin at jungkook nang makita din ako.

"Eto pala yung dapat n'yong makita" kumbinsido kong sabi sa hangin habang nakatingin sa seksing babae na paulit-ulit nagpplay sa karaoke, she's just wearing her underwear.

Parang batang ngumiti lang sa akin si Namjoon, halos di ko na nga makita ang mata n'ya. Ewan ko ba kung bakit bigla akong naiinis sa ginagawa n'ya.

Siguro kahit dati pa inis na inis na ako sakan'ya.

"Tara na, masyado ng mainit sa labas" I tried my best not to sound dissapointed and then walked out of the grocery.

Hinintay ko nalang sila sa labas ng super market, lumabas na rin kaagad si Namjoon, tumikhim muna ito bago umupo.

"Pwede ba akong umupo. Dito sa tabi mo?" Kunot noo ko s'yang tinignan, paano pa ako makakahindi eh nakaupo na nga s'ya sa tabi ko?

"Nakaupo ka na nga eh" sabi ko, pero may malawak s'yang ngiti sa labi n'ya. Natalo pa ang nanalo sa lotto.

"wag mong sabihing nagseselos ka doon sa seksing babaeng nasa television" panunukso ni Fear na ikina-irap ko naman, ugh! bakit ako magseselos? wala naman akong dapat ikaselos.

"wala naman akong sinabi" walang emosyon kong sabi, nakatingin parin sa malayo, kumunot naman ang noo ko nang marinig ko ang mahina n'yang pagtawa.

"you don't have to say it, because your actions do" inirapan ko nalang s'yang muli lalo na nang lumakas pa ang pagtawa n'ya, para bang tuwang-tuwa s'ya sa reaksyon ko. bakit naman ako magseselos kung sa una palang wala naman s'yang lugar sa buhay ko?

"you can't believe every actions people do, they can be false alarm" doon s'ya napatigil, totoo naman ang sinasabi ko, kadalasan umaasa tayo sa isang tao base sa actions na ginagawa nila, we are predicting things that easily base on their actions towards us, which leads on misunderstand and being hurt.

maya-maya'y maiingay na lumabas mula sa grocery ang anim, magkayakap pa sina Jimin at Hoseok. tumayo na rin ako, hahawakan sana ni Namjoon ang kamay ko, mabuti nalang at may tumawag sa phone n'ya.

"what? wag mong pakielaman 'yan, kay J-- akin 'yan!" kumunot ang noo ko dahil napalakas yung boses ni Namjoon, naka-suot s'ya ng hoodie n'ya dahil tanghaling tapat na at tinamad ang lahat magdala ng payong.

"huh? anong dapat kong malaman-- bloody hell! huwag mo ngang basahin 'yan!... okay okay I'll read the important thing you said, just don't you dare read it again" hindi ko alam, para bang seryoso yung mukha n'ya habang kausap niya ang kung sino.

ano kaya ang pinag-uusapan nila? sino ang kausap n'ya? ano yung sinasabi ni Namjoon. bakit ko ba tinatanong ang sarili ko?

sumunod ako sa anim papuntang parking lot, pero nabaling ang atensyon ko kay Namjoon nang hawakan nito ang kamay ko, nginitian n'ya lang ako bago hilahin paalis.

"huy gagu! saan mo ba ako dadalhin?" matamis na ngiti lamang ang sinagot niya, ngayon ko lang narealized na ang lalim pala talaga ng dimples niya. pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin pero mas lalo lang n'yang hinigpitan

hindi ko alam kung saang daan yung tinahak namin, pero tumigil lang kami sa pagtakbo nang makalayo na kami ng tuluyan. Tumingin ako sakan'ya nang bigla niyang halikan 'yung likod ng palad ko.

"gusto kong ipaalala sa'yo, dati, tinatakas din kita ng ganito sakanila at naglalakad sa daang walang kasiguraduhan" hindi ako nagsalita, napapagod narin kasi akong ipagtabuyan s'ya dahil kahit anong gawin ko, magpapatuloy parin siya sa pagsasalita.

mapait itong ngumiti sa'kin, kita ko ang sakit sa mga mata n'ya. "hinahatid kita noon palagi pauwi sa bahay mo, we both love walking.... you used to-- you used to keep looking at me while we are walking" his voice cracked but still managed to put a smile, he once again kissed the back of my hand.

"naalala mo ba, dati gumawa din tayo ng dalgona, tuwang-tuwa ka noong makita mo ang reaksyon ko noong hindi ko nagustuhan 'yung ginawa ko, we both love walking, but I love it more when I am walking with you" lumabas na naman ang malawak at matamis na ngiti niya sa kan'yang labi, para bang wala lang sakan'ya ang masasakit na salita at pagtataboy ko sakan'ya noong nakaraang araw.

"I used to love walking before" pag-uulit ko, tumango naman si Namjoon. "but it was before, I don't like it now, it's too tiring, I would like more to ride than walking" literal na napatigil kami sa paglalakad, tinignan ako nito, ngayon ay mas dumoble na ang lungkot sakan'yang mata.

Sabi nga nila, mas masakit ang katotohanan, masakit para sakan'ya, pero gusto ko lang din namang malaman n'ya ang sarili kong pahayag, dahil iyon ang nararamdman ko ngayon.

Lahat naman nagbabago, lahat magbabago.

Hindi ko alam kung bakit pero para bang kinurot din ang puso ko nang tumungo nalang ito habang paulit- ulit na tumango sa akin.

"Sa tingin ko kumain nalang muna tayo, pumunta tayo sa fast food chain na pinagkainan natin dati" ngumiti na naman siya sa akin, para bang hindi masakit ang sinabi ko, para bang wala lang sakan'ya at pilabas lang n'yasa kabilang tenga n'ya ang mga sinabi ko.

Seriously? Nakikinig ba talaga s'ya? Naiintindihan n'ya ba talaga ako?

Bakit ba hindi nalang s'ya tumigil? Bakit mas lalo n'ya akong pinapahirapan.

Hinila na naman ako nito papunta sa isang fast food chain, nang makuha na namin ang order ay doon kami pumwesto sa labas.

Gusto ko sana sa aloob, pero nagpumilit si Namjoon, kaya sa huli, sa labas kami pumwesto

Taka ko s'yang tinignan nang ibinigay n'ya sa akin yung large size ng fries, katapat ko s'ya ngayon ng upuan.

Ang inorder ko kasi ay isang burger lang at coke float.

"You love fries, kaya sa'yo nalang itong akin" pag-aalok n'ya pagkatapos ay inilagay na ng tuluyan sa akin yung fries, pero ibinalik ko sakan'ya kaya't taka n'ya akong tinignan.

"I'm not into fries, mas gusto ko ang burgers at float" tipid akong ngumiti sakan'ya pero titig na titig parin s'ya sa akin, para bang kinakabisa ang aking mukha, kung nagbibiro lang ba ako o totoo ang sinasabi ko.

Wala namang masama sa inorder ko, at hindi ko ring kasalanan na nagorder s'ya ng fries dahil una sa lahat hindi ko inutos na gawin n'ya iyon, at pangalawa hindi ko gusto ang fries.

"P-pero gustong-gusto mo ang fries, humihingi ka pa nga sa akin dati kapag nauubos na ang iyo. Bakit mo nasasabing hindi mo gusto ang fries?" Hindi ko mapigilang mainis sa mga sinasabi niya, para bang kumukulo yung dugo ko dahil sa pagiging mapilit ni Fear.

"Matagal na iyon Fear, marami ng nagbago, atsaka gusto kong kumain ng burger may magagawa ka ba?" Mataray kong sagot sakan'ya, bumuntong hininga lamang si namjoon. Bakit ba s'ya ganito, bakit kailangang n'yang ipagpilitan ang mga bagay-bagay sa akin.

Sunod na lang na nangyari ay lumipat ito ng upuan sa tabi ko hinawakan ang kamay ko. Pero ang mas lalong ikinabigla ko ay nang ilapit niya ang kan'yang mukha sa akin, hinawakan nito ang aking pisngi at ipinagdikit ang aming mga noo at ilong.

Napapikit ako nang maramdaman ko ang mainit n'yang hininga, hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing lumalapit s'ya ay biglang magiging abnormal ang puso ko, na sa tuwing Nandito s'ya sa tabi ko ay may kakaibang nangyayari sa tiyan ko.

"Bakit mo ba ako pinahihirapan Joy? Why do you keep running away?" His deep sincere voice echoed in my ears, hindi ko maintindihan, hindi naman ako tumatakbo papalayo sakan'ya, ayoko lang na nakikita s'ya, dahil estranghero lang naman kami sa isa't-isa.

Bakit kailangan n'yang lumapit sa akin palagi, at pabilisin ang tibok ng puso ko na para bang matagal ko na itong nararamdaman.

"Please. Hayaan mong makilala ako ng puso mo, kahit hindi ako maalala ng isipan mo, alam ng puso natin kung ano ang maramdaman dahil sabi nga nila, hindi makakalimot ang puso ng tao" mariin akong napapikit nang halikan nito ang aking noo, pagkatapos ang aking ilong.

Damn why do my heart keeps racing

"Uhm sorry po Ma'am,Sir ayokong mang-abala, pero kasi nakalimutan n'yo pong kunin ang sukli n'yo" nanlaki ang mga mata ko at kaagad tinulak si Namjoon palayo sa akin, habang napakamot nalang si Namjoon sa batok n'ya, namumula ang mukha na tumingin sa cashier na may nakakalokong ngiti sa labi.

"A-ah, no, please. Keep the change" matipid na sabi ni Fear at may naiilang na ngiti sa labi, pagkatapos magpasalamat nung staff ay umalis narin. naiwan kaming dalawa ni Namjoon na may awkwardness sa paligid.

"Pagkatapos nating kumain, may pupuntahan tayo" tumango nalang ako sa sinabi ni Namjoon, hindi pa kasi tumitigil sa mabilis na pagtibok ang puso ko, at sa tuwing naaalala ko yung nangyari kanina ay pakiramdam ko lalamunin ako ng lupa sa kahihiyan.

"Ang kalat mong kumain" narining ko na naman yung malalim na pagtawa ni Fear, kinuha niya yung tissue at pinunasan yung gilid ng labi ko, tapos na kasi s'yang kumain kanina pa, pagkatapos ay tinitigan nalang ako habang inuubos yung float.

Na-coconcious tuloy ako sa itsura ko dahil nakakatunaw yung paraan ng pagtitig n'ya sa akin, parang akala n'ya ako lang ata yung tao dito sa Fast food chain.

"Let's go?" He finally asked when we are ready to go, his wide sweet smile is still paste on hid lips, it feels like he's not going to be tired smiling all day.

"Bakit ba palagi kang nakangiti sa akin, ang pagkakatanda ko kasi dati, hindi naman tayo close, hindi mo rin ako kilala. kaibigan ko lang ang kaibigan mo, at higit sa lahat, masungit ka" wala naman sigurong masama kung tanungin ko s'ya ng mga bagay na ito, kwestiyonable kong tinignan si Fear nang tumawa lang ito ng malakas pagkatapos ay hinalikan ulit ang aking kamay.

"I'm smiling because of you" he said finally, not leaving his sight of me. "because you're all the reason" he addded.

hindi nalang ako sumagot, hapon narin, maya-maya'y lulubog na ang araw, hindi ko alam kung saan pa ako dadalhin ni Namjoon, tahimik lang kaming naglalakad, hawak-hawak parin n'ya ang aking kamay, para bang walang balak pakawalan ang kamay ko.

sineryoso talaga n'ya ang paglalakad namin, pero aaminin kong nakaka-kalma yung katahimikang mayroon saming dalawa. napatigil ako sa paglalakad nang ma-realized ko kung saan kami papunta.


sa perya

"we had memories here, a lot of memories, a memories I will treasure forever, where in our world finally met each other" he sounds bitter, yet he's still smiling while looking at the ferris wheel.

"w-what are we doing here?" hindi niya ako sinagot, humakbang ako paatras, palayo sa perya, pero hinawakan n'ya kaagad yung kamay ko.

"hey! andyan na pala kayong dalawa, bigla kayong nawala kanina eh, ano naka-score na hyung?" namjoon chortled as he punch jimin's shoulder. nabaling ang atensyon ko kay taehyung nang yakapin ako nito ng mahigpit.

"kanina ka pa namin hinihintay Joy, naisip naming pito na dalhin ka sa perya, nagbabakasakali kaming makatulong na maalala mo ang lahat" excited na sabi ni taehyung, nag-peace sign pa siya bago ako hilahin papasok sa loob.

"Joy!" rinig ko kaagad si Hoseok, ang gwapoging si hoseok kaagad ang bumungad sa akin at mahigpit akong niyakap, naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo, pagkatapos ay nakisali narin sa yakapan si jungkook.

mabilis kumalas ang dalawa sa akin nang umubo si Namjoon, tinitgnan niya ako ng masama, pero hindi ako nagpatinag.

"bakit walang ibang tao? mamaya pa ba sila magbubukas?" nagtinginan muna ang pito bago magdesisyong sagutin  ang tanong ko.

"inarkela namin" yoongi said shortly, I just satyed in silence. why would they do that?

nabaling ang atensyon ko sa isang pader, napasinghap ako nang makita ang mga litrato naming nakadikit doon, nilapitan ko kaagad ito at pinagmasdan.

unang umagaw ng atensyon ko ay ang picture namin ni Namjoon, nasa isang lake kami, magkayakap habang ako ay nakangiting nakatitig lamang sakanya. 'yung isa naman ay litrato namin ni Hoseok, sa palagay ko ay nasa mall kami nito dahil may mga tao sa background, naka-pout siya habang nakatitig sa akin.

mayroon din kaming litratong walo, nasa isang museum kami, kita ang magandang architecture ng museum sa likod namin, naka-fierce kaming lahat habang ang isang kamay ni Namjoon ay nasa aking hita, para bang tinatakpan yung hita ko.

napapikit ako nang bumungad sa akin ang litrato kong natutulog, katabi ko noon si namjoon na labas na labas yung dimple n'ya. alam kong kwarto ko ito, dahil kita sa background yung study table ko.

naramdaman ko ang kirot sa aking puso, ang pagdududa sa aking sarili kasabay ang pagtulo ng aking mga luha. hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, at bakit nararamdaman ko yung galit na namumuo dito sa puso ko.

"alam kong paborito mo yung mocha flavored ice cream kaya binilhan ki-" inis kong tinabig yung kamay ni Fear kaya nabitawan niya yung ice cream at nahulog ito sa sahig.

"why did you do tha-"

"tama na! tama na!" I shouted out of my lungs while my fresh tears keep rolling down my cheeks. lalapit pa sana ito ngunit tinulak ko s'ya palayo sa akin.

"tumigil kana Fear please!"

"what did I do? gusto ko lang namang ibigay yung favorite ice cream mo, dahil alam kong kahit marami ng nagbago, alam kong ito parin ang paborito mo!" hindi narin niya mapigilang sumigaw,pumagitna si Yoongi at hinawakan ako pero tinabig ko ang kamay niya at tinignan siya ng masama.

"tama na Fear, tama na! mas lalo kang nagiging pabigat sa akin!" nabigla ang lahat sa sinabi ko, kahit ako ay hindi inaasahang lalabas iyon sa'king bibig.

tumungo ako at kinuyom ang mga kamay. "please, will you stop doing these? wag mo akong ipagkumpara sa dating ako, kung ganoon mo ako nakilala dati, hindi ibig sabihin non ay ganoon parin ako ngayon!" pakiramdam ko sasabog ako dahil sa galit na nararamdaman ko, sumisikip ang dibdib ko, pakiramdam ko winawasak ang puso ko nang makita ko yung pictures kanina.

"pagod na ako sa pagpupumilit mo sa akin sa lahat ng bagay, pagod na ako Fear! hindi ko hiniling na gawin n'yo itong lahat para sa akin" tinuro-turo ko ang sarili ko, bakit sa tuwing nakikita ko syang umiiyak, bakit mas lalong sumisikip ang puso ko?

"don't act like you truly know me so well, because you fucking don't!" halos pumiyok ako nang isinigaw ko iyon sa kaniya,nakatungo na lamang s'ya at hindi sumasagot.

tinignan ko silang pito, lahat sila ay nakatungo nalang, walang nagbadyang magsalita o umimik man lang. muli kong tinitigan si Fear na pinupunasan yung mga pisngi niyang basang basa.

"you are just a complete stranger to me, you mean nothing to me" that was the last phrase I said straight at Fear's face before running away, leaving them crying, leaving him sitting at the floor, wasted.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro