KNJC 39
-ELIEZA JOY-
A week had past since my seven friends, wrecked and hurt me. It was hell, it's hell knowing that the people you trusted the most will be the one who'll stab you at the back.
Who betrayed you.
pagkatapos ng mga pinagdaanan namin, lahat ng masasayang nangyari, pinagpustahan lang pala nila ako, niloko at pina-ikot sa mga kamay nila.
Kung sabagay, hindi ko nga rin alam noon kung bakit kinaibigan nila ang simpleng katulad ko, pero iyon pala ay kasama ako sa plano nila.
Mas ginawa nilang mahirap para sa akin ang magtiwala muli sa ibang tao.
Isang linggo, pero hindi parin magawang tumigil ng mga mata ko sa kakaiyak, hindi na muna ako nag-enroll para sa susunod na semester.
Hindi ko kaya, hindi ko kayang makasama o makita sila, masyado pang masakit yung dinulot nila sa'kin. Sigurado rin akong hindi rin naman ako makakapag-concentrate sa pag-aaral.
Totoo rin ba yung mga pangako n'ya, lahat ng sinabi n'ya. O parte rin iyong ng plano para mas kapani-paniwala.
Marahas kong pinahid ang luha sa aking pisngi, isang linggo na ang nakalipas pero pakiramdam ko, kahapon lang iyon nangyari.
Tumayo na lamang ako at napagdesisyuang bumaba sa sa kusina, sinalubong ako ni nanang na may malungkot na ngiti.
"Sa wakas napagdesisyunan mo ring bumaba, ilang araw ka ng nagkukulong sa kwarto mo at masyado mo na akong pinag-aalala" maluha-luha kong niyakap si nanang, alam na n'ya ang lahat, pero nagagawa n'ya paring ngumiti kapag kaharap ako.
"Masyado mo akong pinag-aalala" bulong nito, pinigilan ko ang sarili kong huwag umiyak. Nakakapagod din.
Ayoko na kasi silang maalala, ayoko ng maalala kung gaano kalaki yung damage na ibinigay nila sa pagkatao ko.
Yung pagkataong binuo nilang pito pero pagkatapos ay sila din palang wawasak nito.
"Tumawag na po ba si dad, pasabi sakan'yang gusto ko na ulit pumasok sa kumpanya nila, gusto ko pong tumulong" umiling naman si nanang, pinilit akong umupo.
"Hindi pa tumatawag, tsaka, hindi ba't may pasok ka na sa school n'yo, bakit hindi ka pumasok bakit hindi ka nagpaenroll. Iyon dapat ang knaatupag mo" ako naman ang umiling kay nanang, ayoko. Ayoko na sa school na iyon.
"Ayoko muna pong pumasok, hindi ko pa sila kayang harapin, ayoko munabg magkaroon ng kahit anong koneksyon sakanila" Naramdaman ko na namang tumulo ang luha ko, taksil.
"Kahapon----hindi araw-araw pumupunta dito sina Yoongi, gusto ka nilang makausap, kundi naman ay si Namjoon lang" hinawakan ni nanang ang kamay ko. bahagyang pinisil.
"Bakit ayaw mo silang kausapin, bakit ayaw mo muna silang pakinggan?"
"Para saan pa po nanang? Malinaw na po sa akin ang lahat, malinaw na pinagpustahan lang nila ako, kasama lang ako sa plano nila" padabog akong tumayo at marahas na pinahid yung luha ko. Parang pinupukpok ng martilyo ang puso ko hanggang sa mabasag ito ng tuluyan.
"Eh anong gagawin mo? Magmumukmok ka nalang dito, iiyak ng iiyak? Hindi naman masasagot ng iyak ang lahat ng problema mo, harapin mo ito, harapin mo sila" madaling sabihin nanang, pero sobrang hirap gawin.
Akala ko totoo ang charm, naniwala ako sa lahat ng sinabi ni Namjoon, nagtiwala ako sakan'ya pinaglaban ko s'ya at isinakripisyo ko ang mga bagay para sakan'ya.
Naniwala ako sa lahat, kaya ngayon ako itong nasasaktan at mag-isang nagdudusa.
Hindi ko nga alam kung totoo din bang mahal n'ya ako, hindi ko alam kung ano ba yung totoo.
Nabaling ang atensyon namin ni nanang sa bumukas na pintuan, iniluwa nito si dad na nakatingin din sa'min, nakakunot ang noo at tila ba'y naguguluhan.
"Kakagaling ko lang sa abogado, kinausap ko. Bakit nga pala nandito ka anak, diba dapat nasa school ka?" Naramdaman ko na naman ang mainit na likido sa gilid ng aking mga mata.
"May nangyari ba?" Umiling ako, nanginginig ang aking labi at muling tumulo ang luha. Ayokong makita ako ni dad na umiiyak kaya't tumakbo nalang ako palapit sakan'ya at magigpit s'yang niyakap.
There's no words escape my mouth, even him, he just tap my back and hug me. Hindi ko naman kailangan ng taong magsasabi ng comfort words eh, gusto ko lang ng taong nasa tabi ko at yayakapin ako habang naiyak.
"Kung ano man ang pinagdadaanan mo anak, kung ayaw mong sabihin hindi kita pipilitin okay?" Panimula ni dad. Tumango naman ako, patuloy padin sa pag-iyak.
--
I decided to take some walks on our village together with Dane. gusto kong makasinghap ng preskong hangin para makapag-isip ng maayos.
"Sigurado ka bang wlaa ka talagang alam sa mga plano ni Namjoon" paniniguradinko, you cannot blame me it's hard to trust again.
"Hindi. Nag-aalala kasi ako sa'yo, hindi ka nag-enroll, hindi ka rin sumasagot sa mga tawag ko, noong tinanong ko naman yung pito, bigla nalang silang malulungkot tapos matutulala nalang" totoo ngang walang alam si Dane.
"Ano ba kasing nangyari?" Masimsim kong tinitigan si Dane. Siguro kung para sa iba, iisipin nilang overreacting akong pagtitiwala ulit at sa pagkulong ko sa kwarto ng isang linggo.
Pero hindi naman nila nararamdaman yung nararamdman ko ngayon, hindi naman sila ang nasaktan, hindi sila ang pinag-trayduran ng mga taong malalapit sa puso ko.
Hindi naman sila ang nasaktan nang ibigay mo ang lahat para sa mga kaibigan itinuring kong panilya, I was so stupid to believe them.
Marahil ay tinatawanan na nila ako ngayon dahil sa naghanap ako sa sagot na sa umpisa palang ay hindi naman na pala nag-e-exist.
I've been in hell, and the incident made me feel more horrible and miserable.
"Narinig ko yung usapan nilang pito, nalaman kong pinagpustahan lang pala nila ako, pinaniwala nila ako Dane" taksil talaga ang mga luha ko kahit ilang beses ko ng sinabi sa sarili kong ayoko na.
Niyakap n'ya lang ako, at umiyak kasama ko. "Ano bang nagawa kong mali Dane, nagmahal lang naman ako, nagtiwala lang maman ako, pero bakit kailangan nila akong gaguhin Dane" pinahid naman ni Dane yung luha ko, although I feel more better talking to her and letting this out. Mas masarap umiyak kapag may yumayakap sa'yo.
Palagi nalang kasi akong imiiyak mag-isa.
"Joy" pakiramdam ko mabilis na dumaloy ang dugo ko papunta sa aking ulo, tinignan ko siya ng masama, namamaga parin ang mata nito.
"Anong ginagawa mo dito hoseok?" Humakbang ito papalapit sa akin, I remained.
"Will you let me explain my side?" He asked, I stood still. Would I, would I let another lies get in to me?
"Iwan ko muna kayong dalawa" hindi na ako nakapalag pa sa sinabi ni Dane dahil naglakad na ito papalayo sa'min.
Ang sunshine na nakilala ko, yung masayahin, makulit, maingay, palaging nakangiti. Matamlay ngayon, namamga ang ilong at mata.
"Hindi ko naman talaga alam iyon eh, wala akong kaalam-alam sa mga plano nila sa'yo noong nag-suggest akong tutulungan kita" panimula n'ya, kita ko sa peripheral view ko ang titig n'ya sa'kin.
"Nalaman ko lang noong umuwi ako sa dorm, narinig ko silang pinaguusapan iyon, narinig kong pinaguusapan iyon ng anim, gusto kong sabihin sa'yo 'yon noong gabing iyon pero pinilit nila akong pigilan sa plano ko" hahawakan sana n'ya ang kamay ko ngumit mabilis kong inialis ang kamay ko.
"Alam kong malaki yung nagawa kong kasalanan sa'yo, pero please, maniwala ka naman sa akin, hindi ko naman ginusto 'to eh, ayokong maglihim sa'yo"
"Pero kung ayaw mo, bakit hindi ko sa akin sinabi ng mas maaga, why did you choose to betray me and didn't tell anything?" I burst out, hindi n'ya pala ginusto ito, hindi n'ya pala gusto eh, bakit hindi n'ya sa akin sinabi? Bakit mas pinili n'yang maglihim at saktan ako.
"Because I did it on purpose!" Natigilan ako sa sinabi n'ya, gusto n'ya talagang saktan ako? Gusto n'yang masaktan ako? Pero bakit? Ano bang nagawa kong mali sakan'ya, sakanila?
"Matagal na kitang gusto Joy, higit pa sa inaakala mo. Gusto kita, gustong-gusto kaya kinuha ko yung opportunity na iyon para makasama ka, dahil alam kong hindi naman ako mananalo kay Namjoon, mas pinili kong ilihim, para magkaroon ako ng pagkakataong makasama sa paghahanap ng fortune teller" hindi ako nakapagsalita, walang nagsalita sa aming dalawa, masyado nang puno sa mga impormasyon ang utak ko.
Hindi ko na ata kayang tanggapin ang mga sinasabi n'ya. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sakan'ya.
Hindi ko alam, wala akong ideyang gusto n'ya ako, I thought he's making some jokes around on me. I never knew-
"Pero.... Pero alam mong hanggang kaibigan lang ang-" hindi ko na natuloy ang sasabihin n'ya nang binigyan n'ya ako ng malungkot na ngiti.
"Alam ko, matagal ko naman ng tanggap Joy" malungkot ang tono ng pananalita n'ya, at nasasaktan ako sa paraan ng pagtitig n'ya.
Even if saying that it's not my intention to hurt him, He's still hurting. I hurt him.
Parehas lang kaming nasasaktan, parehas kaming nagmahal at nasasaktan.
"I'm sorry Hoseok, hindi ko alam ang nararamdman mo noon, pero alam mong hanggang kaibigan lang talaga ang....turing ko sa'yo" ang pagiging pranka minsan ang pinaka ayaw ko sa lahat, pero mas masakit kung lolokohin namin ang isa't-isa.
Pero sana, sana si Hoseok nalang yung minahal ko, sana sakan'ya nalang ako nahulog dahil sigurado naman akong sasaluhin n'ya ako, sigurado ako sakan'ya.
Hindi katulad kay Namjoon. Sana si hoseok nalang, bakit hindi nalang s'ya.
My body stiff when he grab my wrist and pulled and embrace me tightly. Doon ko naramdaman yung basa sa aking damit, sigurado akong umiiyak s'ya.
Bibitaw sana ako pero mas hinigpitan lang n'ya yung pagkakayakap sa'kin.
"Jut let me hug you Joy, ayokong makita mo akong umiiyak ng ganito" pinisil ng piyok n'yang boses ang puso ko.
Kahit na galit ako sakan'ya dahil nilihim n'ya ang totoo, ayoko paring makita s'yang nasasaktan ng dahil sa akin.
Hinihiling ko na sana s'ya nalang talaga ang minahal ko, sana s'ya nalang yung pinili ng puso ko.
Mapula na ang kalangitan nang maglalad akong muli, naghiwalay nadin kami ng landas ni Hoseok, I just ask him, a time for myself.
Kahit galit ang nangingibabaw sa puso ko, at kahit ayokong aminin, alam kong mahal ko parin si Namjoon. Funny right?
Kahit anong pilit kong magalit sakan'ya, hindi ko magawang kalimutan s'ya ng ganoon, hindi ko magawang mawala yung nararamdman ko sakan'ya. Tanginang pusong 'to.
Sana makalimutan ko s'ya, sana pagka-gising ko wala na s'ya sa isip ko. Gusto ko naman maging mapayapa, gusto kong sumaya.
Walang kasinungalingan, walang lihim.
"Elieza" awtomatikong tumigil ang mga paa ko sa paglalakad, pinisil nito ang braso ko at iniharap sakan'ya.
"Love" that was the most precious word I'd love hearing him say. It was painful knowing that word was full of lies.
"Love can't live when it's full of lies" my teeth gritted, he has this swollen eyes looking at my soul. Pinilit kong tanggalin ang pagkakakapit n'ya sa akin at naglakad na muli.
"Ahh- Namjoon ano ba!" Sigaw ko nang bigla n'ya akong buhatin na para bang sako lang ng bigas. Pinaghahampas ko ang likod n'ya para ibaba ako pero masyado siyang matigas.
"Hindi kita ibaba hangga't hindi mo ako hinahayaang magpaliwanag sa'yo" matigas na sabi nito, hindi ako nakinig sakan'ya at pinaghahampas lang ang likod n'ya. Pinagtitinginan na kaming ibang tao dahil sa highway n'ya pa talaga ako dinala.
Gusto n'ya ba talaga akong ipahiya?
"Sa tingin mo ba papakinggan kita kung pipilitin mo ako?" Doon s'ya natigilan, ramdam kong bumuntong hininga muna ito bago ako dahan dahan ibaba.
Iniharap n'ya ako sakan'ya, para bang minememorya ang itsura ko. Mahal ko s'ya, pero tama na, masyado ng masakit.
"You're gonna listen to whatever I'll say? Right?" Nagsusumamo ang pananalita n'ya. Sinabi ko sa sarili kong mas magpapakatatag ako, hindi ako iiyak sa harap n'ya.
"Maniwala ka sa'kin, hindi ko ginustong saktan ka Joy" piyok ang tono ng pananalita n'ya.
"Pero nasaktan mo na ako, kahit hindi mo ginusto, nasaktan parin ako"
"Hindi ko na kayang paniwalaan ang ano mang sasabihin mo Namjoon, dahil sira na ang tiwala ko sa'yo" umiwas ako nang tingin nang makita kong tumulo ang luha sa mga mata n'ya, kaya mo 'to joy, wag ka ng umiyak. Lalo na sa harap n'ya.
"Gusto kong maniwala pa sa lahat, gusto kong pakinggan at paniwalaan ang lahat ng sasabihjn pero hindi ko kaya, hindi ko na magawa!"
Nagpatuloy ako
"Minahal kita ng kung sino ka. Tinaggap ko ang lahat sa'yo, nangako ako sa sarili kong magiging tapat sa'yo, pero iyon ang hindi mo ginawa namjoon! Ayun yung hindi mo nagawa".
Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay n'yang nakahawak sa'kin at tuluyan ng umalis sakan'ya kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Bahala na s'ya sa buhay n'yang umiyak sa kalsada, bahala na s'ya sa buhay n'ya. Tutal ginawa naman n'yang miserable ang buhay ko.
Tumigil ako sa paglalakad nang patawid na ako, hinihintay kong mag-go na para sa mga tao.
Nang biglang may tumawid na isang bata, kinuha ang bolang n'ya, napahinga ako ng maluwag nang walang sasakyang dumadaan, at may lalaki nang kumuha sakan'ya. Pero nanlaki ang mga mata ko at mabilsi na tumakbo nang may isang kumakaripas na ambulansya ang papadating.
Hindi ito narinig ng lalaki at patuloy lang sa paglalakad. "Sir!" Sigaw ko, iniunat ang kamay ko para maitulak ang dalawa.
Ngunit mali, masyado nang huli ang lahat at hindi konna naagapan at inakala ang malakas na impact na tumama sa aking katawan dahilan para magpagulong-gulong ako sa kalsada.
Nanghihina ang katawan ko, nahihirapang huminga, pakiramdam ko ay hindi na magtatagal pa. Ngunit bago pa man magsarado nang tuluyan ang mata ko.
Isang pamilyar na mukha ang nakita ko. Ang daddy ni Namjoon.
A/N: hola amigos! naiiyak ako kasi naawa ako kay Joy, she doesn't deserve to be hurt and treated that way. what do you think? naloloka ako kasi palapit na naman ang pagpapalit ko ng edad bruh AHAHAHAHAHA.
hope ya'll doing good, nagpapahinga muna ako sa mundo ng wattpad kaya hindi ko nasasagot yung message ninyo sa akin, kahit sa board ko so sorry. sobrang sarap sa feeling na umuulan, it feels so soul refreshing. my next update would prolly be on friday,see ya'll
love you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro