KNJC 37
a/n: eto na naman ang magandang si sushi xD AHAHAA pasensya na masyado talaga akong feelingera HAHAHAHA
sorry kung hindi ko ito napost kahapon, pero ang mahalaga may update na AHAHAAHA
PS: naghahanap daw ng maid si Yoongi? omg yoongi di mo kailangan ng maid, ang kailangan mo yung katuwang mo sa buhay, hays alam mo namang andito ako diba AHAHAHAHAHA
nakalimutan kong di mo pala alam na nag-eexist ako xD
bye ang ingay ko na HAHAHAHA
-NAMJOON-
"Fearless?" mabilis akong tumayo ng diretso at palihim na pinahid ang mga luha sa aking pisngi.
madaming tanong na nabuo sa'king isipan, paanong?
"good evening tito" magalang kong bati sa ama ni Joy.
"ay talaga ang dalawang ito, natulog na dito sa damuhan! mga pasaway" sabay pa kaming napalingon ni tito kay nanang na ngayon ay hirap na hirap sa kung paano bubuhatin si Joy.
naglakad ako papunta sa bahay nina Joy ngunit pinigilan ako ni tito. matalim ang bawat titig nito, hindi ko pa sila kayang harapin, hindi ako ganun kabilis magpatawad.
"let's have some drink" pag-aalok niya at binuksan ang pinto sa passenger seat ng kan'yang sasakyan.
--
katahimikan ang namayani sa'ming dalawa, tanging ang mga ingay lang mga tao at rock songs ang maririnig sa bar na pinuntahan namin. isn't it ironic, we both have our own wine company yet we choose to have some drink at the bar.
girls keep checking me out but I just didn't mind them, masyadong okupado ang isip ko para pansinin pa sila, at isa pa kahit ilang beauty queen pa ang dumikit sa'kin, wala paring makakapantay kay Joy.
"Kim Namjoon ang pangalan mo tama ba?" tumango ako ng isang beses, I have this mix emotion I can't even explain. "or what they call Fear" dagdag n'ya. hindi ako nagsalita, ang tanging gusto ko lang ay makauwi na sa bahay pero mas pinili kong manatili.
because of Joy right?' tanong ko sa sarili ko.
"and you're also Fearless" takha ko s'yang nilingon na ngayon ay may malungkot na ngiti sakan'yang mata at tinungga ang kanyang baso. paanong?
"ikaw si Fearless tama ba?" tumango akong muli, there's no point to hide it anyway alam kong alam na n'ya, marahil ay pinaimbestigahan n'ya.
"the one who helped our company, the one I owe a lot" oo pero ginago n'yo ako, ginago ako ng asawa mo, ako na tumulong para mapanatiling nakatayo ang kumpanya ng iba ay s'ya pang ahas na tutuklaw sa'min.
napatigil ako nang bigla itong tumungo sa'kin, "patawarin mo ako, humihingi ako ng dispensa sa nagawa ng asawa ko, at dahil sa'kin nahihirapan kayong dalawa ng anak ko. alam kong mahal mo s'ya ijo pero sana wag mong ibuhos lahat ng galit-"
"hiwalay na po kami tito" masakit sabihin, pero mas masakit maramdaman yung ganitong pakiramdam. masakit sa pakiramdam na iwan mo yung taong pinakamamahal mo, pero masakit din sa'kin na ang pamilya n'ya ang may kasalanan kung bakit muntik ng masira ang pamilya ko.
kaya ba kailangan ngayon, buhay naman naming dalawa ang masira, mahirapan at mawasak? ito ba ang kabayaran sa lahat ng nangyari?
tinungga kong muli yung iniinom kong alak, masyadong mapait sa panlasa ngunit hindi kasing pait ng nangyayari sa buhay ko ngayon.
"naiintindihan ko, marahil ay masyado akong nag-assume na hindi maaapektuhan kayong dalawa, pero alam ko ding mahal mo parin s'ya ijo" hindi ko inaasahang sa ganitong paraan pa kami masinsinang makakapag-usap ng daddy ni Joy.
kung kailan naging kumplikado na ang lahat.
"your eyes can tell. akala mo ba hindi ko alam na iginala mo s'ya nang hating gabi?" I was startled, how did he know that? galit ba s'ya dahil doon? akala ko-
he chortled as he tap my shoulder. "I maybe an oldman, and unbareable, binibisita ko sa kwarto n'ya si Joy tuwing gabi at nakita kong wala na s'ya sa silid n'ya nakabukas ang bintana. hanggang sa nakita ko kayong tumatakbo palayo" hindi ako nakaimik, nalunok ko na ata ang sariling dila ko habang nakangiti lang s'ya sa'kin.
"bakit.... h-hindi kayo nagalit?" narinig kong muli ang tawa n'ya kasabay ng pag-iling nito.
"bakit pa? alam ko namang nakita n'ya ang taong nagpapasaya sakan'ya" doon ako natigilan, sinabi ko sakan'ya noon na palagi lang akong nasa tabi n'ya, pero sinira ko ang pangako ko, pinaiyak ko s'ya at iniwang mag-isa.
"Namjoon, Fear, o fearless o ano man ang pangalan mo, gusto kong mag-sorry alam ko, alam kong hindi maibabalik ng sorry ang lahat ng nagawa ng asawa ko, at hindi sapat ang sorry sa sakit na naidulot nun sa kahit sino man sa'tin" he looked at my eyes, it feels we're really talking, man to man, a father to his son.
"pero sana huwag kang magpalamon sa galit, wag mo sanang isiping sinasabi ko ang lahat ng ito dahil kay Joy, but please-- let your heart be free ijo, don't let it control you"
tikom ang bibig ko, kahit malaki ang kasalanan nila, may respeto parin ako sakan'ya, pero hindi sapat ang sorry n'ya para sa lahat pagbabayaran nila iyon sa pamamagitan ng batas at sisiguraduhin kong hindi makakatakas ang asawa n'ya doon.
--
- ELIEZA JOY-
mabilis kong kinuha yung phone sa desk ko nang marinig ko ang pag-ring nito, malapad na ngiti ang sumilay sa'king labi nang makita yung caller.
"gagaaaa!" napailing ako nang muli kong narinig ang masiglang boses n'ya, mas lalo ko tuloy s'yang namiss.
"namiss mo ba ako?" hindi ko mapigilang bumungisngis dahil sa sobrang sayang umaapaw sa'king puso. damn I really missed him.
"hindi, masaya nga akong nahiwalay ako sa'yo eh" napa-pout ako nang marinig ko ang pagtawa ng kausap ko sa kabilang linya, ang windshield laugh n'ya. "gusto ko lang sabihin na magkasama kami ngayon ni Namjoon" dagdag pa nito, hindi ako nagsalita alam ko namang hindi iyon totoo.
dahil hindi ko naman alam kung nasaan na nga ba talaga ang taong iyon.
"joke lang, namiss lang kitang patawanin, balita ko kay Hoseok palagi daw kayong magkasama ah" ani jin. natigilan ako nang ipaalala n'ya si Hoseok damn that guy! pagkatapos akong nakawan ng halik ay sinabing hindi na n'ya maalala ang lahat ng nangyari nang maglasing kami.
pero sa totoo lang mas mabuti nang hindi na n'ya iyon maalala, dahil ayokong maging awkward pa kami sa isa't-isa, at alam ko namang dahilan lang iyon sa kalasingan n'ya.
"hoy gaga andyan ka pa ba?" nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses nito.
"oo, sorry masyadong maraming ginagawa sa office ni dad, tsaka kailan ka pala uuwi ng bansa, dalhan mo naman ako ng pasalubong galing ng south korea, please naman. kahit iuwi mo ako ng isang oppa" biro ko sakan'ya pagkatapos ay humagalpak ng tawa. namiss kong makipag kulitan kay Jin, namiss kong makipag kulitan sa kanilang pito.
sana nga makauwi na sila ng bansa, at dala na yung pasalubong ko.
"yah! napaka-traydor mo talaga, ako lang ang oppa mo huh? wag kang maghanap ng iba, hindi pa ba ako sapat para sa iyo?" pakiramdam ko ay biglang naginit ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Jin, sigurado akong mag-a-assume na naman akong crush n'ya rin ako kung crush ko parin s'ya hanggang ngayon.
pa-fall talaga.
"ang pa-fall mo" umiling iling pa ako.
"na-fall ka naman" kahit malayo s'ya sa'kin, alam kong nakangisi na naman ang worldwide handsome na ito.
"oo hindi mo nga ako sinalo eh" nakakatuwang balikan ang mga alaala ko kasama s'ya, sabay pa kaming bumungisngis dahil sa sinabi ko.
"basta, ang alam ko kasi, parehas ang araw ng balik naming lima d'yan. wag kang mag-alala palagi kong pinapaalala kay joonie kung gaano mo s'ya kamahal. sige na. gotta go" after that he ended the call. napabuntong hininga nalang ako, sobrang dami na nilang nagawa para sa'kin, pero ayoko namang pati sa'min ni Namjoon, sila parin ang gagawa ng paraan.
hahayaan ko si Namjoon, dahil pahinga ang hinihingi n'ya, pero hindi ako ganoon kadaling matinag para sukuan s'ya. aayusin ko muna ang sarili ko para sakan'ya, pero sana kung handa na akong ipaglaban s'yang muli, sana.... sana handa parin s'ya.
pero ngayon palang lalaban na ako, ipaglalaban ko kung ano ang tama.
nakailang buntong hininga na ba ako, nakailang beses ko na bang sinabi sa sarili kong kakayanin ko ito. pakiramdam ko mas gusto ko nalang tumakbo ngayon kesa sa makipag-usap sakanila. nakakataranta. nakakaduwag. nakakakaba.
masyado ka ng maraming napagdaanan Joy, alam kong kakayanin mo ito.
huminga muna ako ng malalim bago ako mag-door bell, napaatras ako nang bahagya nang magbukas ang malaking gate ng kanilang bahay, mula sa malayo ay may isang maid na nagbukas ng pinto. hinihintay na makapasok ako.
habang palapit ako ng palapit sa bahay nina Namjoon, lalong bumibilis ang tibok ng puso ko, umabot na ang pagtibok nito sa'king ulo.
ngayon ko lang napagmasdan na may maliit din pala silang garden dito, pagkapasok ko sa loob ko ay sinalubong ako ng isang mainit na yakap.... mula kay tita.
ganoon na nga siguro ako ka-emosyonal dahil nagsipauhan ang mga luha ko sa paglandas sa aking pisngi, hagulgol ko ang tanging naririnig sa buong lugar. sa kabila ng nagawa ng mommy ko sa pamilya ni tita, nagagawa n'ya parin akong yakapin na para bang tunay n'yang anak.
"I-I'm so sorry tita, hu-humihingi ako ng tawad sa lahat ng mga nagawa ng pamilya ko sakinyo, hindi ko alam, wala akong a-alam,I-I'm sorry". halos hindi na maintindihan ang pagsasalita ko dahil sa paghagulgol ko.
"alam kong inosente ka ija, at hindi kita sinisisi dahil sa magulang mo" pakiramdam ko nanlambot ang mga tuhod ko, ngayon mas naiintindihan ko na kung bakit mahal na mahal ni Namjoon ang mommy n'ya, dahil hindi lang s'ya basta isang ina, isa s;yang inang may malambot na puso para sa iba.
"I'm sorry po tita" paulit ulit kong sabi, rinig ko narin ang mga paghikbi n'ya.
"anong ginagawa ng babaeng iyan sa pamamahay ko!" halos mahulog ang puso ko sa umalingawngaw na sigaw ng ama ni Namjoon. buo ang kamao nito, handa ng manuntok at ang mga titig n'ya ay pwedeng nang makapatay.
"g-gusto ko pong humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ng pamilya, a-a-alam ko pong- hindi madali ang mapatawad n'yo kami-"
"alam mo pala! kung ganoon ano pang hinhintay mo, lumayas ka sa pamamahay ko, hindi ko gustong madungisan ng isang kriminal ang sahig ng bahay ko, at huwag kang umasang makikita mo pa si Namjoon, dahil hindi ko hahayaang anak ng kriminal lang ang makatuluyan n'ya" I scoffed while my cheeks was wet because of nonstop tears streaming down.
nahigit ko ang hininga ko at naiyukom ang kamao, hindi lang puso ko ang naapakan at nabasag kundi pati ang dignidad na meron ako. paulit-ulit n'ya itong niyurakan.
"honey tama na, wag mo s'yang idamay dahil wala s'yang kasalanan" pagtatanggol sa'kin ni tita, handa na ang kamao kong tumama sa mukha ninuman. napapagod na ako, palagi nalang akong pinagtatanggol sa tuwing naaapi ako, palagi nalang akong talunan at hindi masabi kung ano ang gusto kong iparating.
"you small rats, trying hard wanting to be successful but you all know is how to backstab. wag n'yong ipilit sa sarili n'yo dahil hindi kayo magtatagumapay, dahil ang kriminal ay isang kriminal, wag na kayong magsayang pa ng panahon dahil paulit ulit ko kayong ibabagsak sa lupa" marahas kong pinunasan ang mga luhang walang kapagurang umaagos sa'king pisngi.
"kung saan kayo nababagay" dagdag nito at lumapit sa'kin. "umalis kana sa pamamahay ko, at wag kana muling babalik pa!" utos nito sa'kin at tumalikod na.
"sino ba sa'tin ang mas masahol pa sa daga?" hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob para sabihin ang bagay na iyon, tumigil ito sa paglalakad, nilingon ako at sinalubong nang nagliliyab n'yang mata.
"alam kong hindi mo kami mapapatawad, at mahirap patawarin ang makasalanang katulad namin, pero hindi mo kailangang apakan ang dignidad ko! wala kang karapatang sabihing trying hard kami, oo! dahil kahit kailan hindi naging masamang mangarap ang dagang katulad namin-" umugong ang pandinig ko, naramdaman ko ang malakas na sampal n'ya na s'yang ikinatumba ko sa sahig.
"Joy!" sigaw ni tita at mabilis akong nilapitan. namanhid ang aking pisngi, parang bato ang kan'yang kamay, mabigat.
nabaling ang atensyon ko sa babaeng nasa likod ng ama ni Namjoon ngayon, nakita ko ang pagluha ni Ana, hindi ko gustong makita n'ya ako sa ganitong sitwasyon. mabilis itong tumakbo palayo sa'min.
tumayo akong muli, dinuro-duro n'ya ako. ang sikip ng dibdib ko, pakiramdam ko gusto kong sumabog dahil sa galit pero alam kong may dahilan ang galit ni tito sa'kin, sa'min. ngunit ayokong apakan n'ya ang dignidad ko.
I'm sorry Namjoon, if this thing should happen, if the worst happen.
"pasensya na po kayo Mister, pero pinalaki ako ng maayos ng nanang ko at hindi ako makakapayag na yurakan mo ng ganun-ganon nalang ang pagkatao ko. pero totoo na sincere ako sa paghingi ng sorry sainyo para sa nadulot ng pamilya ko, hindi ko hininhingi ang kapatawaran mo pero sana tanggapin n'yo ang paghingi ko ng tawad" matigas ngunit puno ng sinseridad kong sabi sa mga ito.
"hindi n'yo na ho ako kailangang ipagtulakan palabas, dahil kusa akong aalis" pinahid kong muli ang luha sa aking pisngi bago mag-bow sa dalawa. gusto ko nalang maupo sa isang gilid at maiiyak, pero kailangan kong magpakatatag para sa sarili ko.
who would have thought that this would be the second time that I stepped on Namjoon's house, and might be the last. nginitian ko si tita na lumuluha ngayon.
siguro nga hindi ganoon kadaling mapatawad ang nagawa ng mommy ko, o baka nga hindi na nila kami mapatawad pa. kahit anogn paliwanag din ang sabihin ko kay Namjoon, alam kong hindi na n'ya ako pakikinggan pa.
tuluyan na akong naglakad palayo sa bahay nila ngunit napatigil din ako nang makitang nakatigil din sa paglalakad si Namjoon, titig na titig sa aking pisngi kaya't agad ko iyong tinakpan ng aking kamay at mabilis na tumakbo paalis at nilagpasan s'ya.
hindi pa man ako nakakalayo ay sumuko na ang mga paa ko, napaupo nalang ako sa gilid ng kalsada, niyakap ko ang sarili kong tuhod at hinayaang pumatak ang mga luha ko.
ito lang naman ang kaya kong gawin, ang iiyak ang lahat.
gusto kong yakapin si Namjoon nang makita ko s'yang muli, tumaba ito ng kaunti pero maiitim ang ilalim ng mata. gusto ko s'yang yakapin, gusto kong magsumbong, gusto kong sabihing lumalaban parin ako para sakan'ya pero hindi ko nagawa.
at alam kong hindi ko magagawa,it was better to run away than to be pushed away by someone you love, and you trusted the most.
napatingin ako sa dalawang babaeng tumigil sa aking harap. para bang kinikilala ako.
"hindi ba s'ya yung anak ng nababalitang business woman? yung nagpasunog daw sa wine factory ng family Kim?" rinig kong tanong ng isang babae sa kasama n'ya, hindi ko nalang sila pinansin at niyakap nalang muli ang sariling tuhod.
"bakit naman s'ya umiiyak dito sa kalsada pa" natatawang tanong ng isa.
"baka nagpapaawa, o baka nanlilimos na pang-ransom sa nanay n'ya" para bang nanatili sa'king isip yung malalakas na tawa ng dalawang babae hanggang sa tuluyan na silang naka-alis. kumalma ka Joy, kumalma ka.
tumikhim ako at inayos ang sarili nang biglang tumunog ang phone ko. si Hoseok.
"Baby Bear, bakit ang tagal mong sagutin kanina pa ako tumatawag sa'yo?" tumikhim akong muli. nagaalala ang boses n'ya.
"ah-uhm. sorry, medyo busy kasi eh, may kailangan ka ba?"
"umiyak ka ba?" damn. bakit ba kilalang kilala ako ni Hoseok?
"h-hindi"
"kung magsisinungaling ka wag sa'kin. oo nga pala, si Lola kasi eh" napatayo agad ako nang banggitin nito si Nanang, nakailang buntong hininga si Hoseok, habang ako ay parang mamamatay na sa takot at kaba.
"anong nangyari?"
"si-si lola, inaapoy ng lagnat, umuwi ka na please" minasahe ko ang aking sintido at bumuntong hininga. sinabi ko na kasi kay Nanang na magpahinga pero nagpapasaway padin.
"osige, pupunta agad ako sa butika, bibili ako ng gamot okay?" mabilis akong nagpara ng taxi at sinabi ang destinasyon ko.
"teka, sabihin mo sa'kin yung lokasyon mo para masundo kita, okay?" nag-oo nalang ako kay Hoseok bago patayin ang tawag n'ya. alam ko namang hindi ako mananalo sa pagtatalo naming dalawa.
--
"Ouch" halos pabulong kong sabi, nanginginig na ang kamay ko dahil sa lamig ng yelong hawak ko, tinatapal sa'king pisngi.
Tangina. Hindi ko naisip na makikita ni hoseok yung pisngi ko, kapag nakita n'ya ito- aish! Tangina talaga.
Nasa labas na kasi ako ng convenient store, katabi lang ito ng pharmacy na pinagbilihan ko.
"Joy!" Napalingon ako kay Hoseok. Mabilis itong lumabas ng kotse at pumunta sa'kin.
Kunot noo s'yang tumingin sa pisngi ko.
"Tara na puntahan na natin si nanang" sambit ko, naglakadna ako ng mabilis papasok sa kotse n'ya. Nagbabakasakaling makalusot.
Madiin kong pinilit ang mata ko nang hawakan n'ya ang kamay ko.
"Anong nangyari sa pisngi mo, saan ka galing Joy? Sinampal ka ba?" Madiin ang hawak n'ya sa'king kamay, tumungo nalang ako dahil ayokong makitang namumugto rin ang mga mata ko.
"Wala 'yan-
"Anong wala? Joy sabihin mo sa'kin kung anong nangyari sa'yo, please naman, kaibigan mo ako dapat nagsasabi karin sa'kin" his voice was pleading, he slowly tilt my head upward until our eyes met.
"Who the hell did this!"
"Papa ni Joonie, naglasagutan lang pero okay na-"
"Okay? Anong okay? Tangina wala s'yang karapatang saktan ka, harrasement ang tawag dun-" nanlaki ang mga mata ko nang papasok na s'ya sa kotse n'ya.
Alam kong pupuntahan n'ya ang dad ni joonie, paniguradong susugod s'ya doon madadamay pa s'ya at maaring ang partnership ng kumpan'ya nila ay madamay nang dahil na naman sa akin.
Umiling ako sa mga naiisip ko, hinigit ko pabalik sa akin si Hoseok ngunit masyado s'yang malakas kaya't hinarangan ko nalang ang pinto ng kotse.
"Tangina Joy bakit hinahayaan mong gaguhin ka mg iba, wala silang karapatan! Wala silang karapatang saktan ang babaeng mahal ko!" Sabay pa kaming napatigil sa sinabi n'ya, kunot ang noo ko napahimalos naman s'ya sa mukha n'ya.
"Alam kong mahal mo ako, matagal ko ng alam 'yon" natigilan at napatitig nalang sa'kin si hoseok, para bang namumutla na at mahihimatay ano mang oras.
"M-matagal mo ng alam?" Tumango naman ako sa tanong n'ya. Akala n'ya siguro hindi ko napapansin iyon.
"Alam ko namang mahal mo ako matagal na" hinawakan ko ang kamay n'ya. "Mahal din naman kita eh, syempre magkaibigan tayo Hoseok. Kaya nga wag mo ng ituloy kung ano man ang ang iniisip mo, ayokong madamay ka pa puntahan nalang natin si nanang please" hindi ko alam pero napaupo nalang s'ya sa sahig, para bang naginhawaan, sinapo nito ang noo n'ya pero ang sunod nalang na nangyari ay hinila niya ako para magpantay kami, at bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
Hinalikan nito ang buhok ko ng ilang eses bago ngiting ngiting tumingin sa'kin.
"Umiiyak ka ba?" Takang tanong ko sakaniya kaya mabilis naman n'yang pinahid yung luha n'ya.
"Hindi 'no, tears of Joy lang 'to kasi nandito kana, halika na may pinapabili pa si Nanang na mami, gusto daw n'ya kasi mainitian" hinila na ako nito at pinapasok sa kotse.
"Wag mo na ulit gagawin 'yon okay, wag kang susugod na wala kang kasama, kung reresbak ka dapat may backup" hindi ko alam pero bigla akong natawa sa sinabi n'ya, gusto din kasing tumawa, gusto Kong tumawa nalang. Mabuti nalang kasama ko s'ya.
"Para kung sasampalin ka n'ya, ako naman sasampalin s'ya gamit yung tsinelas ko para lagapok yung mukha n'ya". Muli akong napahalakhak sa sinabi n'ya, tangina kasi ma-iimagine ko yung sinasabi n'yang sasampalin gamit yung tainelas n'ya.
"Magkabilaan gagawin ko para may blush on" sambit pa nito at umacting pang mangangarate, habang humahaba ang nguso at baba, ay mahaba na pala baba n'ya huehuehuehue.
"Hoy! Wag mo bitawan manibela baka maaksidente tayo"
"Mas ayaw kong bitawan ang kamay mo," banat naman n'ya, napatakip nalang ako sa aking mukha dahil pakiramdam ko biglang mamula yung mukha ko.
Tangina hoseok!
Nang makarating kami sa plaza, kung saan yung sinabi ni nanang na mamihan daw, hinanap na kaagad namin iyon ni hoseok. Hindi naman kami gaanong nahirapan.
Sa tingin ko masarap nga ang mamihan dito dahil pinipilihan talaga. Si Hoseok na ang pumila, tangina kasi kaya pala s'ya na ang pumila dahil babae ang nagtitinda.
Nagpacute s'ya sa babae at nakisuyong bibili s'ya kaya ayun gumana ang charm ni hoseok the charming. Nakangiti akong umiling nang patalon-talon pa itong lumapit sa'kin.
Tuwang-tuwa.
Basta kapag kasama ko s'ya plagi kong nakakalimutan lahat ngproblema ko.
Napalingon ako sa isang parte ng plaza, pero may isang tao doong nakuha ang atensyon ko, napaigtad ako. Nanliit ang maya tiniyak kung s'ya nga.
"Hoseok halika na, dalian mo!" Hinila-hila ko si hoseok para tumakbo.
"Ano halikan na?" Pagbibiro nito, umiling ako. Mamaya na ang biro, masyadong importante ang saaabihin ko.
"May pupuntahan tayo kaya nga halika na" iniemphasize ko talaga ang salitang halika na, kumunot naman ang noo n'ya pero sumunod na sa'kin sa paglalakad.
"Huh? Bakit saan ba tayo papunta?" tumigil ako sa paglalakad, hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwa.
"Hoseok pupunta tayo sakan'ya, nakita ko na s'ya, nandito siya! Nakita ko na ang fortune teller na hinahanap natin!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro