Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KNJC 32

-ELIEZA JOY-

And after our first ever date, Namjoon just ignore me.


I have no idea for him to just ignore me like this, it's been a week but he never talked to me again nor call or text me. pinuntahan ko s'ya sa building nila, pero sa tuwing pupunta ako doon lagi nalang s'yang wala.

hindi narin s'ya gumigimik kasama naming pito, kahit yung anim ay walang ideya kung bakit n'ya sa'kin ginagawa ang mga bagay na ito. what did I do to deserve this kind of treatment?

hindi ko mapigilang mag-alala sakan'ya, gusto kong itanong kay Ana, ang kapatid ni Namjoon kung kamusta na s'ya, pero wala naman akong number n'ya. kahit yung anim hindi rin daw ma-contact si Namjoon.

tangina! ang sakit! I didn't want to think of such bad things yet I can't help myself

hindi na n'ya ako binabati sa tuwing umaga, hindi na n'ya ako tinatawagan bago matulog para makumpleto daw ang gabi n'ya, hindi na n'ya ako tinatawag na Love o baby, he just keeps ignoring me when I'm running for him.

I miss him so much, namimiss ko na yung I love you at I miss you n'ya, gusto ko na ulit s'ya mayakap at maramdaman ang init ng katawan n'ya, namimiss ko ng lumapat yung labi ko sakan'ya, namimiss ko na ang mga ngiti at tawa n'ya.

sobrang namimiss ko na s'ya, sobrang miss ko na si Namjoon, I keep chasing him but he keeps running away and ignore me. ano bang nagawa kong mali, ano bang dapat kong gawin para magawa kong mapatingin s'ya ulit sa'kin.

dahil sa tuwing naglalakad s'ya palayo sa akin, paulit-ulit na dinudurog yung puso ko, paulit-ulit akong nare-reject.

"tulala ka na naman" nabalik ako sa reyalidad nang dismayadong magsalita si Hoseok, nasa library kami, pinapaayos kasi kami ng prof namin ng mga libro.

"sorry, ang dami ko kasing iniisip eh" pilit akong ngumiti, kung kailan wala si Namjoon, palagi namang dumadating si hoseok at sinasalo ako, pinapangiti.

bumuntong hininga siya bago ibaba yung mga librong karga n'ya, pinagpag nito ang sarili n'ya bago.... bago ako sunggaban ng isang mahigpit na yakap.

my heart fall out and teared into pieces together with my tears started rolling down my cheeks. sa simpleng yakap lang ni Hoseok ay nakakramdam ako ng karamay, nakaramdam ako na may tao parin sa tabi ko na handa akong suportahan at mahalin.

narinig ko nalang ang paghikbi ko, kasabay ng kagustuhang mailabas ko yung lahat ng hinanakit na nandito sa puso ko. niyakap ko ng mahigpit si hoseok na hinahagod lang ang likuran ko.

iyak lang ako ng iyak, gusto kong matanggal ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon, ang hirap kasing huminga, sobrang bigat na ng dibdib ko, nanghihina ang mga tuhod ko kaya mas niyakap n'ya pa ako.

"Sorry Joy" rinig kong basag din ang boses ni Hoseok. "Sorry kung dapat mong maramdaman yung ganito at hindi kita matulungan" Hindi ako sumagot bagkus ay umiyak lang ako ng umiyak at inilibas lahat ng sama ng loob.

Guminhawa ang pakitamdam ko, pero hindi nawala ang sakit. 

Kagabi ko pa iniisip kung ano ba ang nagawa kong mali, pero wala naman. Dahil maayos naman n'ya akong nahatid pagkatapos ng date.

"Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit sa'kin 'to ginagawa ni Namjoon, ang sakit Hoseok, ang sakit na iniiwasan n'ya ako" my voice trailed off, pointing my chest who's breaking into mince.

"Alam ko na, ililibre kita ng mami d'yan sa may kanto mamaya, wag ka ng umiyak. Hindi ko kayang umiiyak ka dahil lang sa gagong 'yun" Ramdam ko ang galit sa huling salitang sinabi n'ya. Hinalikan nito ang sintido ko bago ito humiwalay ng yakap sa'kin.

"Tapusin na natin ito, tapos kain tayong mami" Masiglang sabi ni Hoseok at tumalon-talon pa, mapait akong ngumiti dito bilang sagot.

Mabuti pa s'ya nandito sa tabi ko kapag kailangan ko s'ya, mabuti pa si Hoseok palagi akong pinapangiti kapag hindi ko magawang tumawa.

Nasaan ka na ba Namjoon, ano bang problema mo? Bakit mo ba ako pilit na iniiwasan?

Miss na miss na kita....

Parang hangin na nga ako sa paningin nina mommy, tapos ngayon iniiwasan naman ako ng lalaking pinakamamahal ko.

Bakit ba ganito yung buhay ko, bakit lagi nalang akong iniiwasan, bakit pakiramdam ko wala akong karapatang sumaya sa buhay ko?

Bakit pakiramdam ko tini-take for granted lang ako?

Nang matapos na kami sa pag-aayos ng mga libro, lumabas narin kami ng library at ni-lock ito. Wala na ang karamihan ng mga estudyante.

Matipid akong ngumiti kay Dane nang makasalubong namin ito, may dala itong bulaklak.

"Jusko dai!" Tili ni Dane sabay flip ng buhok at patalon-talong lumapit sa'min ni Hoseok at mahigpit akong niyakap. Ito ang dahilan kung bakit ayokong makita ako ni Dane na malungkot, dahil ayokong masira yung masayang araw n'ya.

"Sinong patay, bakit may pabulaklak?" Humahalakhak ng malakas si Hoseok nang ihampas sakan'ya ni Dane yung bulaklak.

"Gaga! Galing 'to dun sa manliligaw ko, hmp inggit ka lang kasi ikaw di ka mahal" Pang-aasar naman ni Dane, tinignan s'ya ng masama ni Hoseok napailing nalang ako, para talaga silang mga bata.

"Pasmado talaga 'yang bunganga mo, kawawa yung manliligaw mo lahat nalang pasmado sa'yo, dapat mag lola remedios ka girl!" Pabiro kong pinalo si Hoseok sa braso n'ya, at mahina akong tumawa.

"At least ako lume-level up na ang love life, eh ikaw?"

"Gwapo parin" Pinagitnaan ko na ang dalawa baka magsabunutan pa sila. Sabay-sabay nalang kaming naglakad palabas ng university.

Maaga kaming pinauwi ngayon, may meeting daw ang mga teachers, which is really good and bad for me.

"Nagparamdam na ba si Namjoon sa'yo?" Naramdaman ko na naman ang pagsaksak sa puso ko nang ipaalala pa ni Dane.

Tumungo nalang ako habang naglalakad at dahan-dahang umiling sakanila. Pinatatag ang sarili para hindi na muling lumuha.

Pero masyadong traydor ang mga luha ko, mabilis itong tumakas mula sa'king mga mata pero mabilis ko din itong pinahid. ayokong makita nila akong hindi maayos.

"gaga ka ba, pinaalala mo na naman sakan'ya" bulong ni hoseok kay Dane, handa ng manabunot. pinagigitnaan kasi nila akong dalawa.

"eh curious ako eh, at concern!" sagot naman ni Dane, hindi ko maisip na mangyayari ang araw na ito, yung bigla nalang akong hindi papansinin ni namjoon at iiwan nalang ako bigla, ang sakit kung iisipin pero mas masikip sa dibdib ko dahil nangyayari na ito ngayon.

wala yung taong dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban.

"KALIGYAHAN KO!"Sabay pa kaming napalingon sa gwapoging alien na para bang ginagaya yung lakad ng unggoy habang palapit sa amin.

"Hi Dane!" Masiglang bati ni Taehyung na may kasama pang lipbite, umawra naman itong si Dane at pabebeng nilagay yung ilang buhok n'ya sa likod ng tenga n'ya.

"Hi kaligayahan ko" Nakakakilig talaga kapag si Taehyung yung bumabati eh, tipong manginginig ka nalang sa kilig, charot lang masyado akong exagerated.

niyakap n'ya ako kaya't ginantihan ko din ng yakap. "Kamusta ang klase? Pauwi na ba kayo?"

"hyung!" excited na bati nito kay hoseok at hinalik-halikan ni Hoseok yung dibdib ni Taehyung.

"Wala akong naintindihan sa pinagsasabi ng mga prof, baka umuwi ako ng mag-isa, wala pa ang service ko eh tsaka wala naman na akong gagawin dito sa school para tumambay pa" Mahabang eksplenasyon ko kay alien na ngayon ay nagda-dub na parang ewan.

Saya ka ghOUrL?

"Sige una na ako ah, marami pang aasikasuhin sa bahay eh" Malungkot akong ngumiti kay Dane bago ito yakapin ulit, yayakap sana ito kay Taehyung ngunit may isang kamay na pumigil dito.

"Excuse me, he's off limit" Malalim ngunit nakaka-akit na sabi ni Yoongi na ngayon ay mas nagniningning pa yung gilagid.

"Sakit sa mata" Natatawang sabi ko at nag-acting pa kami ni Dane na nasisila

"Bakit? Masakit sa mata na ang sweet namin 'no?" Gusto kong matawa sa sinabi ni Taehyung na kilig na kilig ngayon kay Yoongi, sinubo pa nito ang daliri n'ya at ngiting-ngiting tinignan si Yoongilagid.

"Hindi nakakasilaw kasi yung gilagid ni Yoongi" Nagkatingan kaming dalawa ni Dane dahil sabay pa kaming nagsalita at parehas pa.

Woahh. We're sharing the same brain.

"Tanginang-" Hindi na pinatapos ni Dane magsalita si Yoongi dahil mabilis na itong tumakbo habang malakas na tumatawa

"Joy!" Napalingon ako kina Jimin na kasama na ang iba maliban kay Namjoon. Niyakap agad ako ng mga ito, hindi ko tuloy mapigilang mapangiti dahil sa wakas nandito na sila.

Iyon nga lang, hindi mabuo yung saya dahil wala yung taong hinahanap-hanap ko.

"si Joonie, nakasama n'yo ba kanina?" halos magmakaawa na ako sakanila, nagkatinginan muna sila bago tumungo at umiling. naramdaman ko ang panghihina ng mga tuhod ko at ang pagpunit sa puso ko.

mas lalo lang akong nag-aalala sakan'ya, kahit isa sa'min walang nakakaalam kung naasaan s'ya o kung anong ginagawa n'ya. tangina hindi n'ya ba ako kayang pagkatiwalaan? hindi n'ya ba pwedeng ipaalam sa'kin kung anong nangyayari sakanya.

sinabi n'yang mahal n'ya ako pero bakit hindi n'ya magawang sabihin sa'kin ang lahat ng bumabagabag sa isip n'ya.

we're all clueless

"tinawagan namin kagabi yung mommy n'ya, ang sabi hindi daw umuwi sakanila si Namjoon simula nang mag-away sila nung dad n'ya, tinanong namin kung bakit nag-away pero hindi na nagsabi ng ibang detalye si tita"sumisikip ang dibdib ko dahil sa sinabi ni Jin, kung ganun wala din pala s'ya doon, matagal na pala s'yang may hindi sinasabi sa'kin pero sobrang tanga ko dahil kahit nararamdaman ko ng may problema s'ya ay hindi ko man lang s'ya pinilit magkwento.

tangina Joy!

"Wag ka ng malungkot Joy, malalagpasan din natin 'to ng sama-sama"Pagpapalakas ng loob ni Taehyung sa akin. mas lalo tuloy akong naiiyak dahil sa prensenya nilang anim at patuloy na pagpapalakas ng loob ko.

"Oo nga noona, diba nga teamwork tayo? Kaya natin ito"

"Mahal ka nun, Joy, baka hindi lang talaga s'ya handa para mag-kwento sa atin"

"Joy, cheer up! Kung gusto mo sumama ka sa amin sa Dorm, kumain tayo, at baka pwedeng makapag-usap kayo ni Namjoon" masigla ang boses ni Jimin, malaki parin ang ngiti sakan'yang labi.

Pinapagaan ang loob naming lahat.

"teka, nasa dorm n'yo si Namjoon?" hindi ako mapakali, gusto kong malaman ang lahat.

"oo, kagabi umuwi s'ya sa dorm na lasing na lasing" ani yoongi, napakuyom ako sa aking kamay. kailangan kong malaman kung anong problema n'ya o kung may problema ba kaming dalawa.

"Oo nga! Tutal maaga pa naman, sumama ka muna sa amin!" tutal maaga pa nga naman, wala pa ang service ko at isa pa, minsan lang kami makakapag-bonding ng mga ito.

"Sige! Tutal wala pa naman yung service ko eh" Humagikhik ako nang maghiyawan ang anim at magtatalon sina taehyung habang nagta-tatakbo naman sina yoongi.

kailangan kong makausap si Namjoon, kailangang maliwanagan ako.


--

"Nang ma-in love ako sa'yo akala ko pag-ibig mo ay tunay, pero hindi nagtagal lumabas din ang tunay na kulay" Nag-hi-headbang lang ako at kaway ng kamay habang nagra-rap si Jin.

Puro "yeah" nga lang kami at "rock n roll baby" lang kami dahil hindi kami makasingit sa GANDA ng Rap ni eomma.

Kung pwede lang makapatay yung titig ni Yoongi, baka hindi na nagmamaneho ngayon si eomma.

Para kaming mga baliw na nagiingay sa van, dahil sa presensya at ka-kwelahan nang mga ito ay nawala yung mga problemang iniisip ko kanina.

Para kaming mga baliw sa habang kumakanta ng stupid love, ang dami kong alaala sa kantang 'yan eh, dati kinanta ko 'yan sa videoke ng kapitbahay namin dahil nalaman kong hindi ako yung crush ng crush ko noong high school ako.

Oo na! Ako na ang dakilang assumera, eh paano ako hindi mag-a-assume? Eh binigyan ba naman ako ng bulaklak noong valentines day, tapos palagi pa akong dinadaanan ng GM sa text.

Tapos at the end, na-hopia ako mga daiz, na-hopia na nga tapos torta pa!

Tapos nang makita ko yung crush n'ya, jusko'!parang mas maganda pa nga yung kalyo ko sa paa kesa sa babaeng 'yun? Jusko! Para s'yang nana na tinubuan ng mukha.

"Stupid!" Nabalik ako sa reyalidad nang sumigaw si Jhope, ang sarap n'yang sakalin dahil talagang sa tenga ko pa sumigaw.

"Love~" Ako naman itong feel na feel yung kanta dahil kung dati sa crush ko inihahandog, ngayon sa sarili ko naman dahil pinaglaban ko si Namjoon sa magulang ko, pero ngayon hindi kami nagkakaunawaan dahil sa isang bagay na wala naman akong kaalam-alam.

We are facing an anonymous problem yet it feels we are fighting it separately.

"Pabo!" Kunot noo kong tinignan si Taehyung dahil sa sinigaw nito.

"jiminie pabo"Dagdag nito na ikinatawa naming lahat maliban kay Jiminie na sumigaw ng malakas.

Narinig ko na naman ang windshield na tawa ni Jin at ang mga palakpak ng mga gago. Walang kalapati dito!

"Inaano ba kita huh?!" Sigaw ni liit, lumalabas yung mga ugat niya, sus! labas mo lang yung ano mo- yung ano-yung pandesal mo witwiw!

"Isipin n'yo, ang liit na tao ni Jimin hyung pero ang laki ng ano-" Hindi na natuloy ni Jungkook yung sasabihin n'ya dahil tumawa na siya ng malakas. Parang walang bukas kung makatawa.

Hindi ko tuloy mapigilang matawa din, iba kasing malaki yung ano eh, yung naiisip ko. Tangina Joy, sobrang berde ng utak mo!

"Gagu!" Napunong muli ng halakhakan ang loob ng van, habang si taehyung ay tahimik lang at parang na-bad trip yata.

"Palakihan nalang ano?" Wow hoseok, ano ba kasing palakihan 'yung sinasabi n'yo? Pwede ding ishare diba?

Pero pwedeng tama din ako kung anong malaki ba ang iniisip ko huehuehuehue.

"Baka patangkaran kamo" Pang-aalaska ni yoongi kay liit, kaya akmang susuntukin na s'ya ni Jimin pero bigla itong nagsalita.

"Alam ko namang mahal mo ako kaya hindi mo ako masasaktan" Confident si Mr. Gilagid habang naka-smirk pa, tangina nitong dalawang 'to parang nanonood ako ng teleserye eh!

"Bro"

"Bro". Pinagdikit ng dalawa ang mga noo nila at nagtitigan.

"Tama na! Excuse me nabibitter na ako dito ah" Napahalakhak ako dahil sa sigaw ni Hoseok na ngayon ay sumisigaw habang nakatakip ang mga tenga.

Kailan ba sumimangot ang isang 'to.

"Palibhasa wala ka lang pag-asa sakan'ya" Tumawa naman ang mga ito dahil sa pang-aalaska ni jungkook, sinuntok ni hoseok si jungkook, kaya pabirong gumanti si Jungkook.

Natapos ang kanta, ngayon naman ay nagpi-play ang kantang "halik ng kamikazee".

Ewan ko pero bigla akong tinamaan sa lyrics ng kanta, maybe it's unintentional, pero biglang dumami ang tanong sa isip ko.

Kumupas na
Lambing sa 'yong mga mata
Nagtataka kung bakit yakap mo'y 'di na nadarama
May mali ba akong nagawa? Tila nag-iba ang mga kilos mo at salita

Nag sideline ang anim sa pagiging raksita nila habang kumakanta ng halik, habang ako ay nakatingin lang sakanila at iniisip ang mga posibilidad kung bakit umiiwas si Namjoon.

Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa dorm ng mga ito.

Sinalubong ako ng maaliwas nitong sala, binago na pala nila sa kulay pastel ang pader, mas bumagay ito.

Hinanap kaagad ng mga mata ko si Namjoon, pero walang sumalubong sa amin, tahimik ang lugar at malinis. Sigurado ba silang nandito si Namjoon?

"Sa wakas, nasa bahay nadin" sigaw ni Yoongi, para bang pagod na pagod at itinapon ang bag sa kung saan at dumiretso na kaagad sa kwarto n'ya pero maya-maya din ay lumabas at kumuha ng pagkain.

Si jin naman ay pumunta agad ng kusina para mag-ready ng pagkain. At ang iba ay dumiretso muna sa kani-kanilang kwarto para magpalit siguro.

Kinatok ni Hoseok ang kwarto ni Joonie. "Namjoon, lumabas ka na, andito si Joy" seryoso ang tono ng pananalita niya, nginitian n'ya muna ako bago pumasok sa sariling silid.

Napahawak nalang ako sa tyan ko ng marinig ko itong tumunog, I heard Yoongi's laugh as he walk towards me whilst stroking his hair and his other hand is holding a plate.

"Tignan mo, sa kakaisip mo kay Namjoon nakakalimutan mo ng kumain" kitang-kita yung gilagid ni Yoongi, itinaas niya bahagya ang pagkain bago isubo sa'kin 'yung isang sushi na kinakain n'ya.

"Kumain kana, wag puro arte" ma-awtoridad ang boses niya kaya't hindi na ako nag-atubiling kainin yung sushi na inalok niya.

Napatingin nalang kami nang may biglang bumukas na pinto, iniluwa nito ang bagong gising na si Namjoon na ngayon ay nakakunot ang noo ng nakatingin sa aming dalawa ni yoongi.

Tinignan ako nito ng masama, magsasalita palang sana ako pero mabilis niyang padabog na isinara ang pintuan n'ya.

Ano ba kasing ikinagagalit n'ya? Kung galit s'ya sabihin n'ya kung may nagawa akong mali sabihin n'ya para itama ko! Hindi yung ganito, alalang alala na ako, pakiramdam ko papatayin na ako ng ng utak ko sa kakaisip sa kan'ya.

Pero heto s'ya paulit-ulit akong pinagsasarahan ng pinto, at paulit ulit na nasasaktan dahil sa ginagawa n'ya.

mabilis akong naglagkad papunta sa silid ni Namjoon, pinihit ko yung door knob at hindi ito naka-lock kaya pumasok na ako. madilim sa loob, nangangapa ako sa dilim.

"Anong ginagawa mo dito-"

"ay kabayo!" bulyaw ko, napapikit ako nang biglang bumukas ang ilaw at malinaw kong nakita ang kunot noong si Namjoon, magang maga ang mata nito, maitim ang ibaba ng mata para bang hindi natulog ng ilang araw.

nilibot ko ang paningin sa buong lugar, makalat ito at ang daming boteng nakakalat sa lapag, napakagat labi ako habang ramdam ko ang pagpigil ko ng paghinga.

"anong ginagawa mo dito, anong karapatan mong pumasok sa loob ng kwarto ko? diba sinabi kong ayoko munang kausapin ka?" nahigit ko ang paghinga ko, at ang matatalim n'yang salita ang s'yang kusang tumusok ng paulit ulit sa puso ko.

killing me with those words, making me bleed.

"joonie ano bang nangyayari sa'yo, kung may problema ka pwede naman natin 'tong pagusapan, may karapatan ako joonie, may karapatan ako dahil girlfriend mo ako!" halos sumisigaw na ako, hindi ko kasi s'ya maintindihan. hindi ko maintindihan kung bakit n'ya ginagawa ito.

dahil dito sa ginagawa n'ya, nasasaktan ako.

hindi ito sumagot at hindi rin ako matignan ng diretso sa aking mga mata, para bang pinandidirihan n'ya ako.

"wala akong problema gusto ko lang mapag-isa" matigas na sabi ni Namjoon, kasing tigas ng puso n'ya ngayon. Hindi sita makatingin sa aking diretcho, pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa aking pisngi, sobrang sikip ng pakiramdam ko. sobrang sakit.

"hindi eh, may problema ka. may problema tayong dalawa! harapin mo ako, sabihin mo sa'kin kung ano bang problema mo!" hindi ko na mapigilang sumigaw, katulad ng mga luhang patuloy lang sa pag-agos sa aking pisngi at kasabay ng pagpatay sa puso ko.

"I just need time to rest" he coldly said as he walked out of his room, but I followed him and held his hand tightly.

just like what I promised, I will hold this, I will hold his hand tightly

"did you already forget what you said before?" kinagat ko ang ibabang labi ko upang maiwasan ang paghikbi ko, "you.... you said when you're with me, you are resting". memories are flashing back in my head, he's wrecking my heart. I can see pain in his eyes, I can see he's hurt too.

"a-and now, you are walking away because you need to rest? namjoon hindi kita maintindihan, bakit mo ba ginagawa 'to, bakit palagi ka nalang umiiwas sa'kin?" dahan dahang tumulo ang mga luha n'ya na mas lalong ikinadurog ng puso ko.

may karapatan ako diba? may karapatan akong malaman ang lahat dahil girlfriend n'ya ako, may karapatan ako dahil nangako kami sa isa't isang kakapit lang.

hindi magwo-work 'tong relasyon namin kung hindi namin ito pagtutulungang dalawa.

Natigilan ako nang marahas nitong tanggalin ang kamay n'ya, malamig ang mga titig n'ya. ang sakit na, hating-hati na ang puso ko tapos paulit-ulit pa itong dinudurog. pero hindi ko alam na mas ikadududrog ko pa pala ang sasabihin n'ya.

"dahil sa palagay ko kailangan muna nating magpahinga"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro