KNJC 31.5
Kamusta na kayo aking sushikels?!
Keep safe this quarantine.
I wanna dedicate this chapter to wittyiu386 thankyou! Laham kita <3
--
-ELIEZA JOY-
yung maiwan nalang ng walang pasabi, at yung iwan ka at hindi mo alam kung bakit o saan ba sila nagpunta.
ito yung nararamdaman ko ngayon, wala ang anim, nawawala sila at hindi namin matagpuan.
"What in the world?" Namjoon took his phone and dialed their phones. "no one's answering" he's panicking, I can see it.
napa-nganga nalang ako napatingin sa paligid ko.
kinakain ako ng kaba dahil baka hinahanap narin pala nila kami, sana okay lang sila at sana mahanap din namin sila. tinanong din namin yung cashier ng store ngunit sinabi nitong pagkatapos nilang mamili ay umalis din.
damn. where are they?
I tried dialing their phones again however, no one's answering it.
"puntahan natin sa coffee shop, baka andun na sila" tumango ako kay Namjoon at sabay na lumabas sa shop, hindi ko mapigilang kabahan dahil kahit saan ako lumingon ay hindi ko sila makita, iniwan ba nila kami o naiwan namin sila?
parang nalaglag yung puso ko mula sa katawan nang makitang wala ang anim sa loob ng coffee shop, nangingilid na ang luha ko dahil kahit saan ako lumingon ay hindi ko sila makita, o hindi ko man lang marinig yung maiingay nilang bunganga.
tahimik lang ang coffee shop, rinig na rinig ang relaxing songs mula sa stereo at ang mahihinang tawanan at kwentuhan galing sa mga taong nandito din sa loob.
"ang iyakin mo talaga" narinig ko ang mahina at malalim na pagtawa ni Namjoon habang umiiling. anong nakakatawa doon? hindi na nga namin makita yung anim nagagawa pa n'yang tumawa.
paano kung hinahanap narin nila kami?
"eh kasi naman Namjoon nag-aalala ako sa mga 'yon" pagmamaktol ko sakan'ya at ang gago tinawanan lang akong muli, yung totoo ano bang nakakatawa sa sinasabi ko?
sige tawa pa Namjoon, hahalikan na talaga kita d'yan.
sabihin mo lang, hahalikan ko talaga yang gwapogi mong dimples.
"bili lang ako ng coffee what do you want?" tinatanong pa ba yan joonie my loves?
"kung merong kim namjoon sa menu iyon ang oorderin ko" pinilit kong magtonong seryoso tapos ay kinindatan s'ya. ngayon ko lang ginawa iyon pero sa tingin ko ay effective naman dahil parang mapupunit na yung labi ni namjoon sa kakangiti.
narinig ko pa ang pagbungisngis nito at pag-iling, shet! catch me I'm falling!
"di na kailangan ng menu, nandito na ako sa harap mo". mapang-akit na sabi n'ya na ikinapula naman ng pisngi ko, shet! teka puso kalma kalma kalma!
eto na naman si lover boy at ang mga banat n'yang tagos na tagos sa buto ko!
"hala, ang harot naman nung mag-jowang 'yun sakit sa mata!". malakas ang pandinig ko, rinig na rinig ko yung isang babaeng nakatingin sa amin ng masama habang mahaba na yung nguso at kunot na kunot ang noo.
ikaw naman ate, minsan na nga lang akong magka-jowa nabibitter ka pa?!
Wag ganern!
bumili nalang muna si Namjoon ng coffee namin, naghintay ako sa labas ng shop dahil puno na sa loob, isa pa maganda ang tanawin sa labas dahil kitang kita yung mga bundok mula sa kalayuan.
"hot chocolate for my baby". hindi ata ako masasanay sa endearment ni Namjoon, sa tuwing naririnig kong sinasabi n'ya iyon ay parang lalabas yung puso ko.
hindi parin ako makapaniwala, sa lahat ng nangyayari sa buhay ko at sa kung ano ang mangyayari sa hinaharap. sobrang bilis ng mga pangyayari, it was like a flash on a camera, and I am afraid to fall out of love.
I mean, I have no clue on what would happen tomorrow, no one knows but all I want to do and promise myself is never let go of his hand. ayokong mawala s'ya sa buhay ko, ayoko, alam kong hindi ko kakayanin.
natatakot akong baka paghiwalayin lalo kami kapag nalaman ni mommy ang lahat ng ito, alam kong mas magagalit s'ya.
"you're on a deep thinking, mind to share?" I was distract when he suddenly spoke, I gave him a force smile. ayokong malaman pa n'yang nagiisip ako ng hindi maganda, ayokong humina din ang kalooban n'ya at gusto kong makita n'yang hindi lang s'ya ang lumalaban para sa amin.
"pagkatapos ba nito hahanapin na natin yung anim?" pagiiba ko ng tanong, hanggang ngayon kasi ay hindi parin tumatawag ang kahit sino sakanila.
bumuntong hininga ito bago laruin ang kamay ko. "malalaki na ang mga iyon, kaya na nila ang sarili nila at isa pa, kung alam nilang nawawala tayo diba dapat tinawagan na nila tayo kanina pa?" napatigil at napaisip ako sa sinabi n'ya, may punto s'ya doon maaaring sinadya nalang umalis nung anim na walang paalam.
"besides, it's our date, between the two of us. sila lang naman 'tong biglang sumusulpot" nakabusangot na sabi nito sabay inom sa kan'yang kape.
"sus! selos ka naman sa anim? alam mo namang kahit kaibigan ko sila, ikaw parin ang love ko". paglalambing ko kay Mr. Dimple, hindi naman ako magaling maglambing, hinahayaan ko lang kung anong gustong sabihin ng puso ko.
"alam ko, baka gusto nilang masuntok kung aagawin ka nila". napahalakhak ako sa sinabi n'ya, galit na galit gustong manakit?
"bat ka galit?" natatawang sabi ko dito, kita ko kung paano sumilay bahagya yung ngiti n'ya pero pinipigilan lang n'ya.
"di ako galit.... gusto lang ng dimples ko ng kiss galing sa'yo". hindi ko alam kung bakit pero napahalakhak ako sa pinakahuling sinabi n'ya, nahihiya pa itong tinago ang mukha niya gamit ang kan'yang kamay at pinilit mag-aegyo pero nag-fail.
sabi na nga ba eh, sa ganda kong 'to, sa gandang walang kapantay? hindi makakapalag yung dimples n'ya. kiss lang pala sa dimples eh, bakit hindi pa sa lips!
"saan mo pala gustong pumunta pagkatapos ng kape?" ay bakit change topic agad, akala ko ba may kiss pa? bakit nag-skip agad?
ekis yun!
"kahit saan, ikaw bahala masaya naman ako kahit saan mo ako dalhin eh" dismayadong sabi ko sakan'ya, sinong hindi madidismaya? kiss na nga naging bato pa? sayang 'yon!
his playful smile showed while my eyebrows forrowed. what's in his mind? wow lakas maka facebook nun ah!
ah basta, nagtatampo ako dahil nawala nalang ng bula yung kiss ko sa dimples n'ya. pasabi sabi pa s'ya tapos hindi naman pala s'ya magpapakiss.
I was stopped when he drawn his face closer to mine, I swallowed the lump on my throat as his eyes memorize my face. my heart stopped when he almost kiss my ears.
"I know a place then". he said seductively, pakiramdam ko ay tumigil sa pagtibok ang puso ko at nabuhol na ang dila ko habang paulit-ulit kong naririnig ang boses n'ya sa utak ko.
"o-okay". ramdam ko ang nerbiyos sa aking boses, pati ang pawis na tumatagaktak ay malamig din. hindi ako makapag isip ng tama, tangina Joy!
nawalan na ako ng pake sa mga tao sa paligid na ramdam ko ang titig sa amin, lalo na kay Namjoon. naka-focus lang ang mga mata ko kay Namjoon, sakan'ya lan at wala ng iba pa.
"dadalhin kita sa lugar na iyon, pero sa isang kondisyon" kondisyon? ano naman iyon?
"ano naman 'yon?" nakita ko kung paano sumilay ang pilyong ngiti sa labi nito, tangina hindi na ata ito si namjoon na cute, eto na ata yung namjoon na hot at manly?
damn.
"give my Dimples a kiss, they deserve it anyway". napalunok ako ng sarili kong laway habang tinititigan yung dimples n'ya, mabilis ko itong ni-kiss sa kanang pisngi n'ya.
"hindi pa sapat yung isa, sa kabila". naka-pout na sabi ni Namjoon kaya hinalikan ko naman yung dimple n'ya sa kabila, pero sandali itong nag-isip.
"parang kulang padin,dito pa". ngayon naman ay tinuro n'ya yung labi n'ya na naka-pout ngayon. napailing ako pero mabilis akong tumingkayad at binigyan s'ya ng apat na mabibilis na halik.
sulit!
napakagat ako sa labi ibabang labi ko, nalalasahan ko pa yung kapeng ininom n'ya kanina. at ang masasabi ko lang, parehas silang masarap.
"energized ka na ba?" natatawang tanong ko dito, narinig kong muli ang malalim n'yang tawa bago s'ya tumango-tango. hinila na ako nito at sabay kaming tumakbo papunta sa kotse n'ya.
--
ilang beses na ba akong napalunok ng sarili kong laway?
at ilang beses ko na bang pinisil ang sarili kong pisngi at pinilit iwaglit ang lahat ng naiisip ko?
tangina naman kasi Namjoon? bakit ganito? hindi ko alam na dito mo ako dadalhin?
"N-Namjoon, a-anong ginagawa natin sa condo mo?" nanginginig ang boses ko habang nililibot ang paningin sa black and white painted small condominium n'ya. kaunti lang ang gamit sa paligid at maimis ang lugar.
kanina pa ako lihim na nagdadasal na sana mali yung iniisip ko, jusko naman kasi itong utak ko ayaw kumalma kung ano-anong pinagiisip, kalma lang tayo okay? nakikisabay pa sa puso kong kulang nalang lumabas sa katawan
kinakabahan ako dahil una sa pa sa first, ngayon lang ako nakapasok sa condominum ng lalaki, pangalawa sa second kaming dalawa lang ang nandito, pangatlo, sa dami daming pwedeng puntahan namin ni Namjoon BAKIT SA CONDO! at huli pa sa last, naaakit ako kay Namjoon!
napalunok muli ako ng laway nang tanggalin nito yung pang-itaas nitong damit, nakatalikod ito sa akin, pero pakiramdam ko nagkakasala ako habang nakatingin sa sexy n'yang likod na pinupunasan n'ya ngayon gamit yung t-shirt n'ya.
sobrang sexy ng likod n'ya, take note, likod palang iyon.
"hindi ka pa maghuhubad?" rinig kong tanong ni Namjoon na mas lalong ikinabilis ng tibok ng puso ko, nilinis ko muna yung tainga ko dahil baka mali lang ang naririnig ko.
"huh?"
"sabi ko, bakit di ka pa naghuhubad, ayaw mo ba umupo, hubadin mo na sapatos mo at magrelax ka sa sofa magpapalit lang ako" mahabang paliwanag n'ya, tumango ako.
"huh? huh-labyu baby and if it's quite alright". pagkanta ko, palusot sakan'ya, pero ang totoo nakahinga ako ng maluwag, umupo na ako sa sofa at tinignan yung mga litratong nakasabit. picture n'ya ito kasama ang family nila.
sa totoo lang, parang sobrang perfect family nila tignan, mukha silang masayang-masaya sa litratong iyon, tinignan ko pa yung iba, naka-school uniform silang pito habang may hawak-hawak na lamp shade si namjoon? tapos nakasimangot ito habang yung anim ay malapad ang ngiti sa labi.
oo nga pala, nakalimutan kong magkakaibigan sila simula highschool.
"ano ba kasing ginagawa natin dito?" curious kong tanong kay Namjoon, ngumiti lang ito ng pilyo sa'kin bago tumabi sa'kin sa sofa.
"gagawa tayo" taas baba pa ang kilay nito.
"gagawa ng?" namjoon sabihin mo nalang hindi yung pa-suspense ka pa d'yan.
"ng baby-" kinurot ko kaagad s'ya sa abs n'ya habang s'ya naman ay tumawa lang ng malakas. tangina kasi seryoso ako tapos magbibiro siya ng ganun?
"joke lang, gusto ko lang naman turuan mo ako" konti nalang talaga ang natitirang pasensya sa katawan ko dahil sa pambibitin ni namjoon. "kung paano magmahal". dagdag nito sabay tawa ulit ng malakas habang ako ay kunot noo lamang na tinignan s'ya lalo na ng tumayo ito at nagsimulang kumanta ng 'Paano ba ang magmahal'
"pero totoo" seryoso akong tinignan ni Namjoon, nanatili akong walang imik. "totoong tinamaan ako sa'yo". sabay pa kaming napahalakhak at tinakpan ang mukha gamit ang mga kamay namin, ramdam ko yung fireworks sa tyan ko at ang paginit ng paligid pati ng pisngi ko.
tangina Namjoon, you're really driving me crazy!
"knock knock". umayos ako ng upo at pinigilan yung tawa ko, kulang nalang kasi matanggal na yung labi ko sa sbrang laki ng ngiti ko.
"who's there?" mabilis n'yang sagot.
"HIP HOP"
he gently rub his chin before answering me. "HIP HOP who?"
"HIPHOP-atawad mo, minahal kita agad" kinanta ko pa ito at itinaas yung kamay habang s'ya ay nakatayo lang doon at walang kaekspre-ekspresyon, grabe wala man lang support?
kinamot lang nito ang ulo n'ya at umiling-iling. grabe talaga oh, nakakatawa kaya yung joke ko!
"dapat talaga hindi ka sama ng sama kay Jin hyung eh, ang corny na din ng jokes mo" seryosong pahayag nito sa'kin, napa-pout nalang ako dahil talagang hinanap ko pa 'yun sa google tapos ako lang tatawa sa sarili kong joke?
hustisya naman uy!
"tara na nga lang, gumawa nalang tayo". eto na naman tayo sa gagawa eh! ng ano ba? ng bahay, ng bahay-bahayan o ng baby! sabihin n'ya lang!
dahil maghahanap ako ng magpapagawa ng bahay, pero yung baby? hindi na kailangan, s'ya na ang baby ko bakit pa kelangan gumawa? yieeee~
ekew peren pele eng henep henep perepe~
"gagawa ba ng ano! liwanagin mo kaya 'no?" bulalas ko dito.
"gagawa tayo ng ulam, natatandaan mo ba yung pinakain mo sa bahay mo si Jin hyung?" dahan-dahan akong tumango, wag n'yang sabihing nagseselos parin s'ya doon eh ang tagal na nun, nai-dumi na ni jin yung pakbet.
okay lang 'yan Joonie kahit di ka nakakain ng pakbet ang mahalaga ikaw sa aki'y bet na bet!
rawr rawr rawr RAWR!
"tuturuan mo ako magluto, gusto ko matikman yun luto mo" nakangiting lang sa'kin si Namjoon bago ako hilahin sa munti n'yang kusina.
"tang- namjoon baka maputol daliri mo!" bulyaw ko kay Namjoon dahil mali naman yung paghawak n'ya sa kutsilyo. para akong nanay n'ya at tinuturuan s'ya ng tamang paghiwa ng kangkong.
magluluto kami ng sinigang, uuuuu~lalam, feat namjoon na katakamtakam.
"wag masyadong maliit ang hiwa mo, gayahin mo yung ginawa ko". tumango-tango naman ito habang focus na focus yung titig sa kangkong, akala mo nag-uusap sila, pinunasan ko yung tagaktak nitong pawis sa noo n'ya.
malambot na yung karne at huli ko ng ilalagay yung kangkong na minurder ni namjoon, paniguradong kung nandito si jin, kagagalitan s'ya nito habang tatawanan naman s'ya nung iba.
"uhm may problema tayo Love". kunot noo akong tumingin kay namjoon, pero nanlaki yung mata ko nang makitang sira na ang kutsilyo, nabali ang hawakan nito. mabilis akong lumapit sakan'ya at kinuha yung nasirang kutsilyo at tinignan kung nasugat ba ang kamay n'ya.
"bakit ba kasi hindi ka nagiingat, sana tinawag mo ako kung hindi mo kaya para ako na ang gumawa!". natigilan ako sa pagsigaw. hindi ko na pala napigilan ang pagsigaw sakan'ya na ikinagulat din n'ya.
kinuha ko na yung hiniwa n'yang kangkong at inilagay ito sa niluluto namin, hindi ko mapigilang ma-guilty dahil sa pagsigaw ko kay Namjoon, masyado akong nadala sa takot at pagod.
mali ako alam ko, maling sinigawan ko s'ya dahil alam kong gusto lang naman n'yang matutong magluto, pero kasi tangina naman, bakit hindi n'ya iniingatan yung sarili n'ya, oo OA na ako kung OA.
pero hindi parin maaalis sa akin yung mag-alala sakan'ya lalo na't may pagka-clumsy pa naman s'ya. pero kahit na ganoon ay alam kong mali ako, maling-mali na sinigawan ko s'ya.
biglang naglaho ang lahat ng iniisip ko nang maramdaman ko ang pagyakap ni Namjoon mula sa aking likuran, ibinaon nito ang mukha n'ya sa aking balikat at ramdam ko ang mainit n'yang paghinga.
"sorry" napahawak ako ng mahigpit sa sandok na hawak hawak ko. ako dapat ang nagsosorry sakan'ya, ako ang mali. "sorry kung nag-alala ka, ang tanga ko talaga hindi ko mapigilan yung pagiging clumsy ko, at imbis na makatulong ako sa'yo lalo lang akong nagpapadagdag sa gawain mo". malungkot ang tono ng pananalita n'ya, napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko dahil sa lalong lumalaking guilt na nararamdaman ko.
hinawakan ko yung kamay n'yang nakayakap sa bewang ko. "sorry, dapat hindi kita sinigawan, sorry nadala ako ng pagod at pag-aalala sa'yo, dapat hindi ako mabilis na nagagalit dahil alam kong gusto mo lang namang matuto" masinsin kong paghingi ng tawad sakan'ya, alam ko namang clumsy s'ya eh, pero hindi iyon nakabawas sa pagmamahal ko sakan'ya.
oo, aaminin kong dati inis na inis ako sa ka-clumsy-han n'ya at sa tuwing wala akong magawa kundi ayusin yung bagay na nasira n'ya, pero ngayon, mas narealize kong mas dapat ko pa s'yang alagaan.
naramdaman ko ang paghalik nito sa aking pisngi at mas paghigpit ng yakap nito, niyakap ko ang braso n'ya ng mahigpit na mahigpit. napa-pikit ako nang halikan nito ang ilong ko.
"sorry" sabay naming sabi, nagkatinginan kaming dalawa bago tumawa sa isa't isa. kung pwede lang manirahan sa bahay n'ya gagawin ko, kung pwede lang talagang dito nalang ako sa piling n'ya ay gagawin ko.
pero hindi eh, hindi, may mga sarili din kaming problema, may sariling buhay.
"always remember that I love you okay? and whenever you're alone or sad, just call me. mahal kita Joy, palagi akong nandito sa tabi mo" rinig kong bulong nito sa tenga ko, palagi kong tatandaan iyon, na nandito lang s'ya sa tabi ko at hinding hindi s'ya mawawala sa'kin.
"hold on for me" he whispered in my ears before kissing my temple.
I will Namjoon, I will hold your hands tightly, I will never let you go.
--
-HOSEOK-
"Cheers!" Sigaw naming anim bago tunggain yung sojou na binili namin kanina sa department store.
Sa lahat ng pag-iwang ginawa namin, eto na ata ang pinaka masaya at masakit para sakin. humiwalay na kasi kami kina Namjoon pagkatapos nilang pumasok sa isang shop
"Sarap pala mang-iwan 'no?" Natatawang tanong ni taehyung habang pinupunansan yung bibig n'ya.
"sige subukan mo akong iwan hahambalusin talaga kita d'yan ng tsinelas" muntik ko ng maibuga yung sojou kay Jimin, tangina kasi ni Jungkook eh.
Humugot ba naman?!
inakbayan naman kaagad ni taehyung si jungkook at inulan ng halik sa balikat paakyat sa leeg nito.
sila yung masarap batuhin ng tsinelas eh, ako 'tong nafriendzone na nga at nasasaktan tapos sila pa 'tong naglalandian sa tapat ko?
Hustisya naman erp!
"wag kang mag-alala, hindi kita iiwan mahal kita eh" halos mamatay sa kilig ang mga kasama ko habang hiyaw ng hiyaw maliban lang sa'king kulang nalang itapon ko sakanila yung iniinom ko.
pota respeto naman oh!
nilaklak ko nalang yung isang boteng sojou at tumingin sa kawalan, doon ko napansing naagaw ko na pala ang atensyon ng lahat, alam naman nila ang dahilan.
alam nilang mahal na mahal ko si Joy, pero katulad ko, alam din naman nilang hindi kami pwede dahil mayroon ng nauna.
so here I am, making myself drawn into alcohol, drawning myself to the truth that she'll never be mine, never and ever.
naramdaman kong inakbayan ako ni Yoongi at kinuha din yung isang bote ng sojou at nakipag-cheers sa'kin.
"tama na 'yan inuman na!" kumampay pa si Jin hyung bago ako halikan ang aking noo, ni-tap naman ng iba ang balikat ko, para bang pinapagaan ang loob ko.
hindi ako titigil, hindi ako titigil sa pagmamahal sakan'ya. kahit alam kong wala akong pag-asa, gusto ko paring nasa tabi n'ya, hinding hindi ko s'ya iiwan.
kahit masakit sa dibdib kong nakikita s'yang masaya sa iba.
--
-NAMJOON-
a feeling of cloud nine indeed, a heart that won't stop yelling her name and her mesmerizing beauty that was stocked and tattooed in my head.
I can't even explain what or how am I feeling, I'm still falling ,deeper and deeper and deeper. kanina ko pa s'ya hinatid sa bahay nila, kahit ayokong umalis s'ya alam ko namang hindi iyon posible.
umaasa parin akong matatapos na itong bagyo sa buhay namin, at makita ko naman ang bahaghari kung saan iyon lang ang daan patungo sakan'ya. one day isn't enough for me to be with her, I want her to stay by my side, I can't take to loose her.
hindi ko alam, pero ayun yung nararamdaman ko, gusto kong nasa tabi ko s'ya dahil mas nakakapag-desisyon ako ng maayos, dahil mahimbing ang tulog ko at lahat ng bagay ay maganda at masaya sa tuwing kapiling ko s'ya.
itinapon ko ang cellphone ko sa aking kama at padabog na inihiga ang sarili kong katawan sa kama ko.
hindi ko mapigilang mapangiti kapag naaalala ko si Joy, para s'yang drugs ang hirap itigil ang hirap iwasan. gusto ko lang malulong sakan'ya.
mabilis kong kinuha ang phone ko nang mag-simula itong mag-ring, gumapang ang kaba sa'kin nang makita ko ang caller.
it's my personal detective. gusto kong malaman ang katotohanan kaya mabilis ko s'yang tinawagan para mag-imbestiga, pero kabalikat noon ang kaba at takot.
don't think that way joonie, think positve!
"hello sir, I've got the information with the results based from the evidence". his deep voice was like deep as well. I sighed and ate the fear who's roaring inside me.
I nod continously as I consciously massage my chin. "what's the result?" it was a terrifying question that came out from my lips, however, the truth will set me free and it will help me to think more equally.
he didn't answered. "what's the result, bakit hindi ka makasagot?" muli kong pagtatanong sakan'ya, mas lalo akong kinain ng kabang kanina ko pa nararamdmaan at mas lalo pang nadadagdagan dahil sa pambibitin niya.
narinig ko ang pagbuntong hininga n'ya.
"Sir, positive, si Mrs. Veronica Araza ang nasa likod ng paninira ng kumpanya n'yo" doon ko naramdaman ang pagkulo ng dugo ko kasabay ng pagkuyom ng aking kamao.
pero hindi ko alam na ang susunod n'ya palang sasabihin ay ang wawasak sa mundong patuloy ko paring binubuo.
"ninety nine point nine percent din sir, anak nga n'ya si Ms. Elieza Joy Araza" hindi ko namalayan ang mga luhang nagpapaunahan na pala sa pag-agos sa aking pisngi, kasabay ng hikbi at ang paulit-ulit na paghiwa sa puso ko.
"sir, andyan pa po ba kayo sir?" rinig kong sabi ng kausap ko sa kabilang linya, sinuntok ko ang pader na kaharap ko ngayon kasabay ng paghagis ko sa phone ko.
parang paulit ulit na hinahati yung puso ko dahil sa narinig ko, paulit ulit ding nagpiplay sa utak ko ang mukha ni joy at ang mga ngiti n'ya na hindi nakatulong sa akin dahil pakiramdam ko, pakiramdam ko wasak na wasak na ako sa impomasyong nakuha ko at paulit ulit parin akong winawasak.
tama nga si Dad, tama nga s'ya.
bakit si Joy pa, bakit kailangan maging konektado pa silang dalawa, bakit habang gusto ko s'yang ipagalaban, palaging yung mga bagay na ang nagpapalayo sa'min.
nilalamon na ako ng galit, hawak hawak ko parin yung kaliwang dibdib ko dahil sa sobrang sikip ng paghinga ko, hindi ko kayang matanggap lahat ng narinig ko, isinigaw ko lang ng isinigaw ang lahat hanggang sa mapagod ako at tuluyang nilamon ng kadiliman at hiniling na tuluyan nalang akong lamunin nito at wag nang gisingin kinabukasan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro