Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KNJC 22

-ELIEZA JOY-

Okay~ what are they doing here? it's too early for them to bomb their weirdness here.

And why are they at my house again?

"kaligayan ko!" bulyaw ni Taehyung at sinunggaban ako ng yakap, grabe ang aga aga pero sobrang bango na ng batang ito, nahiya akong amoy pawis! at dahil may konting hiya naman ako ay ako na ang bumitaw sa yakap.

"amoy namjoon". seksing sabi ni Jimin sa aking tenga bago ko marinig ang seksi din nitong pagtawa. tangina, talas ng pang-amoy, akala ko pa naman si Jungkook ang matalas ang pangamoy dahil malaki ilong n'ya.

huehuehuehue.

niyakap nila ako isa isa, maliban kay yoongi, nagtunguan lang kami, ganyan 'yan headbang lang okay na chour!

nang yayakap din sana si Namjoon ay pinigilan ito nina Jungkook at Jin sabay sabing- "tangina mo, tama na nakaisa ka na kagabi!" mga gagu!

"Oh andito na pala kayong dalawa, kagabi pa kayo hinihintay nitong mga gwapong ito". literal na napanganga ako dahil sa sinabi ni Nanang, tangina, anong ginagawa nila dito para maghintay ng ganun?

"naka-isa na ba tayo boss?" rinig kong bulong ni Jungkook kay Namjoon, sila nga nakakailan na samantalang si Joonie ay nakaisa lang. gagu! baka gusto mong makaisa ng suntok ko?

Na may kasamang kiss?

"anong ginagawa n'yo, bakit naghintay kayo ng ganoon katagal?". in just a snap in my finger they all just look at me with their serious face, nakita ko pang kinindatan ako ni hoseok na nakasilip ngayon ang gwapo at makinis n'yang noo.

"hinhintay kang sagutin mo na si Namjoon hyung~ yieeee~". tinulak tulak ako nina jin papunta kay namjoon na s'ya namang hinawakan ako sa braso para hindi ako ma-out balance. kaya ang mga luko-luko lalo pang nang-asar sa amin.

At kumanta pa ng "ikaw parin pala ang hanap hanap parapa~"

enebe, keshe nemen, di nemen s'ye nenlelegew eh!

"de, guys. Joy, ang totoo n'yan makikibalita lang kami". nag-huh ako sa sinabi ni Yoongi na nakalip bite ngayon at may suot suot na kwintas.

"balita saan?" tanong ko sa mga ito na ngayon ay nagkatinginan lang, para bang mga naguusap, narinig kong tumawa si Namjoon,parang nakuha na n'ya agad ang sagot. ano ba kasi 'yon, alam namang slow ako ayaw pang sabihin eh.

"makikibalita kung kelan kami magiging ninong ng magiging anak n'yo". dagdag ni yoongi sabay sabing--

"swag". hinilot ko muna ang sintido ko, hindi ko makayanan ang kalokohan ng pitong gagong kasama ko, pero deep inside, gusto ko na silang hampasin sa braso dahil sa kilig at kaharutan ko.

Enebe kese~

pumalakpak si Namjoon,akala mo ay nagtatawag ng kalapati, labas na labas ang dimple, ang cute! papisil nga- hindi ng dimples ah, yung abs ang gusto ko chour! grr! rawr!

"tangina n'yo magseryoso nga kayo!". wow Jin, coming from you huh coming from you!

"paano yung seryoso?" sabay sabay naming sabi, nanahimik ito at napatingin sa aming lahat at-

"HAHAHAHA". halakhak nito, napa-iling nalang kaming lahat. wala na talagang pag-asa si Jin. pero at least may pag-asa parin ako kay joonie my love yieeee~

"harot mo Joy" sigaw ng isang parte sa isip ko.

naka-ngiti ang pito sa akin at nagkatinginan muna bago muling humarap sa akin.

"dahil wala ka naman ngayong pasok". panimula na hoseok na ngayon ay ngiting ngiti sa akin

"at may project ako na picturan ang best moment sa buhay ko". ngayon naman si jungkook na bahagya pang itinaas ang camera n'ya.

"napagdesisyunan namin na-"

"pumunta tayo ng beach!". hiyaw nilang pito habang si hoseok at Jin ay nagpapaluan ng pwet at weird na sumisigaw, sina jungkook naman ay pasimpleng hinahalikan yung leeg ni Taehyung. sus, chansing!

pilya akong napangiti nang pasimpleng akbayan ni yoongi si jimin na ngayon ay mamamatay na sa kakatawa, at sa kilig kay yoongi~ yieeee~ harot n'yo ah!

nakakainis kasi ako yung nagiging third wheel sa mga ito! asan na ba si Namjoon, jojowain ko na nga para may love life na din ako yieee~ tama na Joy! napaka-harot mo!

"ang ganda ng view". nabaling ang atensyon ko kay Namjoon na ngayon ay nakangiti habang nakatingin sa akin, atsaka tumingin sa anim na naghaharutan at yung iba naglalandian, mga bastos! sa harap ko pa talaga!

"oo nga eh, ang ganda". sobrang saya ko, siguradong magiging masaya itong araw na ito, dahil kumpleto na naman kami.

"I love view". mabilis akong napalingon sa kan'ya na ngayon ay nakangiti lang at nakatingin sa malayo. tama ba yung narinig ko?

napakagat labi ako at gusto ng maluha dahil sa pagpigil ng kilig, gusto kong tumili dahil hindi ko na talaga kaya yung kilig.

"I-I love view too". mahinang sagot ko, kung wala lang talaga sila dito ay baka naglumpasay na ako sa sahig, tangines naman kasi namjoon, ang sarap namang almusal nito!

"huh? anong sabi mo?". nalukot ang mukha ko at sinamaan s'ya ng tingin. nakakainis napakalaki mong bingi namjoon!

siniringan ko nalang s'ya at lumayo sakan'ya. "wala, sabi ko ang bingi mo!".

--

Totoo siguro 'yong kasabihan, mayroong taong magpapadama sa'yo ng tunay na kahulugan ng pamilya.

Dahil ngayon, ramdam na ramdam ko ito sa pito na ngayon ay busy sa pagbabike nila.

Pagkarating lang namin dito sa isang resort ay naging busy na ang pito sa pagba-bike, maaliwalas ang paligid, malakas ang hangin dahil narin sa dagat.

Madami din ditong mga tao, yung iba maaga palang nasa dagat na, marunong naman akong lumangoy pero mas gusto ko munang pagmasdan ang pito na ngayon ay busy sa pagba-bike.

nagpalit lang ako ng damit sa bahay kanina at mabilis na sumama kina namjoon, hindi ko na kailangan pang magpaalam dahil para ngang pinapaalis na ako ni nanang sa sarili kong bahay.

"Ayaw mo bang makisabay sa aming mag-bike". Mabilis akong napalingon kay Namjoon na kakababa lang sa bisikleta n'ya.

"A-ayoko eh, masaya na akong masdan nalang kayo". Napakamot nalang ako sa batok ko. Ang totoo n'yan ayoko talagang magbike, dahil hindi naman ako marunong.

"sus, ayaw mo lang o sadyang hindi ka lang talaga marunong mag-bike?". napatigil ako sa sinabi nito, mind reader ba talaga s'ya? hinawakan agad nito ang kamay ko.

"tara na, tuturuan kita, promise hindi kita hahayaang matumba". kumindat ito bago matawa at umiling na para bang nahihiya sa akin, hindi na ako makahindi dahil hindi na nito pinakawalan pa ang kamay ko.

"just balance you body okay? tapos ipadyak mo, diretso lang ang tingin sa kalsda". tumango tango ako sa sinabi nito, noong una ay inaalalayan ako nito para hindi ako matumba, pero mas hindi ko inaasahang bigla ako nitong bibitawan, kaya ang ending sumemplang lang naman ako.

"are you okay?"

"mukha ba akong okay?" balik tanong ko dito na ikinatawa lang n'ya, aba'y gagu ayaw akong seryosohin.

"sus! away na naman kayong love birds?" eh kung ikaw kaya awayin ko jimin, palibhasa nag-eenjoy silang dalawa ni yoongi sa pagba-bike eh. ayoko na, hindi na talaga ako magba-bike!

"tara subukan-" hindi ko na tinapos ang pagsasalita ni namjoon.

"ayoko na, bahala ka d'yan, ang sakit kayang sumemplang!"

"yung bike, parang buhay lang 'yan joy, kailangan mong magpatuloy sa pagmamaneho at pag-balance nito". ayan napagsabihan na naman tuloy ako ng lolo n'yong si yoongi. tumango nalang ako dahil baka masermonan na naman ako ni Yoongi.

"alam ko na! mag-swimming nalang tayo!". parang batang tuwang tuwa si Taehyung habang busy sa pambata n'yang bisekleta, hay ewan ko ba, nung nakaraan si Hoseok lang ang ginagawa nitong sasakyan ngayon pati yung pambatang bisekleta ginamit na din.

speaking of Hoseok, simula noong gabing ikinansela ko yung lakad namin, 'yung gabing pumunta ako sa bahay nina Namjoon, simula noon ay naging mailap na ito sa akin.

alam kong nagkakasama parin naman kami, tinutupad parin n'ya ang pangako n'yang tutulungan n'ya akong hanapin yung fortune teller pero, hindi na ito ganoon ka-clingy at kalapit sa akin katulad noon.

I wonder why? wala naman akong natatandaang nagawang masama sakan'ya o nasabing hindi maganda.

"hey, are you alright?" nabalik ako sa reyalidad nang mahina akong tapikin ni Namjoon sa braso, tumango agad ako dito at palihim na tumingin kay Hoseok na malungkot din palang nakatingin sa akin. bakit kaya?

"umangkas ka nalang sa'kin, para makaligo na agad tayo sa beach". labas na labas ang dimple nito,

"gusto mo bang umangkas?" ako lang ba, o sadyang inaakit lang talaga ako ng boses n'ya?

kinndatan ako nito bago ni-tap ang upuan sa likod, malaking ngiti ang isinukli ko dito bago tumango sa kan'ya. isinuot n'ya sa'kin iyong suot n'yang sumbrero. nanigas ang buong katawan ko nang inilapit nito ang mukha n'ya sa aking tenga.

"you're beautiful". my cheeks automatically heat up in his seductive voice and his words, it has a big effect on me that make me crazy on him. sumakay na ito sa bisekleta kaya't sumakay narin ako, hinawakan ko lang s'ya sa may bewang n'ya ngunit hinawakan nito ang mga kamay ko at iniyakap sa kan'yang tyan.

hindi ako nakapag-protesta kahit na may kung ano sa aking gustong gustong magprotesta, pero alam kong mas malaking parte sa aking gusto itong nakayakap ako sakan'ya.

one thing I am grateful why I don't know how to ride bicycle, is that, he can just give me a ride like this, treasuring every single moment.

hindi ko tuloy mapigilang mapangiti dahil sa sobrang sayang nararamdaman ko ngayon, alam kong pagsisisihan ko itong desisyon ko, ang magkagusto kay Namjoon at mahulog sa patibong.

pero please sana huwag munang matapos itong sayang ito.

huwag munang mawala ito, dahil itong nararamdaman ko, itong nararamdaman ko ngayon ay ang pinakamasayang naramdaman ko at pinaka gusto kong ipaglaban.

but heaven please, don't let him know about the charm, about my lies because I can't take it when he'll be gone and if I'll lose him. please not now, not until I'm fully ready,

--

bumuntong hininga muna ako bago makapagdesisyong lumabas ng kwarto ko, kinakabahan kasi ako sa two piece na suot ko ngayon, don't get me wrong, binigay kasi ito sa akin ni Jungkook kanina, sabi n'ya eto daw ang suotin ko.

ayoko sanang pumayag pero nagpout kasi ito at nag-puppy eyes pa, gusto n'ya daw kasing makita akong suot suot 'yong two piece na iyon, at dahil masunurin ako, suot suot ko na s'ya ngayon. pero parang ayoko ng lumabas ng kwarto.

naco-conscious ako sa suot ko eh!

"kaya mo 'to Joy, para kay Ilong!". pagkumbinsi ko sa sarili ko at mabilis na binuksan ang pintuan, napatigil ako nang makita ko ang pigura ng nakatalikod na si namjoon sa akin, ilang beses akong napalunok ng sarili kong laway dahil sa sobrang hot at cool nitong tignan sa suot n'yang trunks at simple at manipis na white tshirt na may koala design.

dahan dahan itong humarap sa akin at napatigil at nagumpisang ieksamina ang buong katawan ko, nakita kong itaas baba ang kanyang adams apple, tinanggal nito ang suot n'yang sunglass at matiim akong tinignan.

"do you know what you are wearing?". I swallowed the lump in my throat as his voice roamed, it seems he's really mad in what I am wearing right now.

"uhm t-two piece?". he scoffed while I just bite my lower lip. bakit, eh sinagot ko lang naman yung tanong n'ya ah! but I must admit it, he looks more gorgeous when he's mad. I swear, seeing him like this would made my day.

"damn it. sinong may sabing magsuot ka ng ganyang damit huh?" napakamot ako sa aking batok, hindi ko alam kung dapat kong sabihin dahil baka kung anong gawin n'ya kay Jungkook.

"s-sasabihin ko kung sino pero ipangako mo munang hindi ka magagalit". sandali itong nag-isip, bumuntong hininga ito at may bumulong na hindi ko naman na narinig.

"I promise". he smiled and I nod.

"si jungkook". nag-igting ang panga nito. "sabi n'ya kasi gusto daw n'ya akong makitang suot 'yon eh, kaya sususotin ko-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita din ito.

"you're not going to wear that stupid thing". napanganga ako sa sinabi nito. "sa tingin mo papayag akong isusuot mo iyan, no freaking way Elieza, isuot mo 'to". nakakatakot s'ya kung magalit, para s'yang manununtok nalang bigla, pero hindi ko parin mapigilang mapangiti dahil ang cute n'yang magalit.

isang white t-shirt na may design ding koala at naka heart sign ang design ng t-shirt ko, natigilan ako nang ma-realize kong ganito din yung t-shirt n'ya. wait- couple t-shirt kami?

nilagay ko sa likod ng tenga ko ang ilang piraso ng buhok ko habang ngiting ngiti sa isiping iyon. label nalang talaga ang kulang sa aming dalawa yiee~ ehem namjoon, ano pang hinihintay mo ehem.

ligaw ligaw din pag may time.




"noonaaaa!". hindi ako nakasagot dahil hinagisan ba naman ako ng buhangin ng ilong na ito. gagu! alam ko tubig dagat ang pinantatalamsik nila pero bakit bunhangin?

"gagu, nalunok ko ata!". imbis na tulungan nila ako ay tinawanan lang ako ng mga ito, mga gagu! tignan n'yo ilulublob ko talaga kayo sa buhangin.

kakadating lang namin ni joonie sa beach, at itong mga gagung mga nakahubad ngayon at talagang binabalandra ang mga naggagandahan nilang abs.

kakadating lang namin tapos pinakain agad ako ng buhangin.

nagulat nalang kami nang biglang sipain ni namjoon yung pwet ni jungkook, maya maya'y tumawa din si jungkook at sinipa nadin ang pwet ni namjoon, kaya ang ending nakisali nadin yung apat, maliban kay taehyung na inaamoy amoy yung pwet ng mga hyungs n'ya sabay kagat.

tangina talaga nitong isang 'to, bakit ko nga ba nakalimutang weirdo ito. si jungkook naman ay tinutusok yung pwet nung anim at magkukunwaring may tumusok din sakan'ya.

nakita ko nalang si hoseok na weird na kumakanta at sumasayaw kaya't sinabayan ko narin, namiss ko rin kasing makipag-kulitan sa isang ito.

"ambaho ng tsinelas mo".natatawang sabi ko dito nang itinaas nito yung tsinelas n'ya at ginawa naming mic. amoy paa si hoseok!

"grabe naman ang bango kaya". sambit nito na ikinatawa ko lang, nagkunwari akong nasusuka sa amoy ng tsinelas n'ya at umaatras palayo sa kan'ya, sa hindi inaasahan ay nakabunggo ako ng kung sino. agad ko itong nilingon para mag-sorry sana.

pero hindi ito kung sino lang.

"hi miss are you alone?" naka-smirk s'ya habang may suot na sunglasses, pasimple kong tinignan ang abs nito at ang tattoo n'ya sa tagiliran n'ya.

"no I am together". malakas itong napahalakhak dahil sa walang kwenta kong joke, napa-upo na nga ito sa buhangin sa kakatawa, natawa nalang din tuloy ako dahil sa ka-cute-an na taglay ni jimin.

"yah! nagpapagwapo nga ako dito eh tapos bigla kang magjo-joke?". lalo akong napahalakhak sa sinabi nito, hindi naman na n'ya kailangan magpa-gwapo pa dahil sobrang gwapo na n'ya sa paningin ko.

"kahit ano namang gawin mo ay gwapo ka parin kaya bakit pa?" I smirked at him, his face turned like a tomato as he covered his face and continuously hit my arm.

sige okay lang jimin ang saya mo na hampasin ako eh no?!

"alam ko namang matagal ka ng in love sa mukhang to eh". wow, ang taas ng confidence ni mr. park jimin! tumango ako, hindi ko naman iyon matatanggi eh.

"maliit nga lang". dagdag ko sabay tawa ng malakas, nakita ko ang pagseryoso ng mukha nito, sumigaw ito kaya't nagumpisa na akong tumakbo pero mabilis ito at malakas kaya't mabilis ako nitong hinigit palapit sakan'ya.

"maliit pala ah". impit akong napatili nang bigla ako nitong buhatin na para bang pang-bagong kasal, and before I knew it he throw me at the sea.

I heard him laugh wholeheartedly, mabilis akong bumangon at huminga tangina kasi nitong si liit masyadong triggered eh.

niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig na yumakap sa akin, doon ko napansing nakuha ko na ang atensyon nang mga lalaki na nasa beach din, naka-smirk lang ito sa akin, tinignan ko ang parteng tinitignan nung mga lalaki at doon ako naalerto at tinakpan agad ang dibdib ko.

nakalimutan kong kulay puti nga pala ang suot ko, medyo manipis ito kaya't bumakat ang kulay pula kong bra.

may narinig akong mga lalaking nagsisipol sa akin at para bang palapit na sa akin, naalerto naman si jimin at hinawakan agad ako sa braso at pinilit akong maipalayo. ngunit mabilis ding kumilos ang apat na lalaki, kinain ako ng kaba dahil sa paraan ng pagtitig nila, para bang hinuhubaran na nila ako.

"ang ganda mo naman miss"

"pwede ba naming makuha ang pangalan mo?"

"o kung pwede, ikaw nalang ang kuhain namin". kinilabutan ako sa mga sinabi nito, nangingnig ang mga paa ko dahil sa takot at kabang nararamdaman ko.

"stay away from her, you don't know what I am capable of". Giit ni Jimin na ikinatawa lang ng apat.

hahawakan palang sana ako ng isa nang biglang sumulpot si namjoon at sinuntok agad ito sa panga, katulad ng iba, napatili nalang ako dahil sa pagtumba nito sa dagat.

wala pa naman kami sa malalim na parte at naapakan ko parin ang buhangin. sunod nalang na nangyari ay galit na galit na sinuntok ni namjoon ang mga ito.

"namjoon!"sigaw ko nang biglang suntukin ng isang malaking lalaki si namjoon. tinignan naman ako ni namjoon dahilan para muli s'yang masuntok.

"Wag mo s'yang hawakan". Tumaas ang balahibo ko dahil sa lakas at galit na galit na hoses ni namjoon.

"just run Joy, run, ako na ang bahala dito!". sigaw nito sa akin, nakita ko namang lumapit narin ang lima para tulungan si namjoon at makipag-suntukan narin. gusto kong bumitaw sa hawak ni jimin lalo na nang makita kong naglabas ng kutsilyo ang dalawang lalaki.

tumakbo kami ni jimin, tumakbo ng tumakbo hanggang sa mapunta kami sa malalaking bato, katabi parin ng dagat.

"dito ka muna, tutulungan ko lang sila okay?" wala sa sariling napatango nalang din ako, pinagmasdan ko itong tumakbo at mawala sa aking paningin. doon ko namalayang umiiyak na pala ako.

nanginginig ang kalamnan ko dahil sa mga nangyari, umiyak nalang akong umiyak dahil iyon lang naman ang magagawa ko

humagulgol ako ng humagulgol habang iniisip ang mga posibleng mangyari sakanila, ganito ba? ganito ba ang magiging sagot at dulot ng pagmamahal ko kay namjoon? ang maari s'yang mapahamak dahil lang sa akin?

maaring malagay sila sa peligro dahil lang sa pagliligtas n'ya sa akin, kinakain ako ng kaba, natatakot ako dahil hindi naman ito ang ine-expect ko, natatakot akong dahil sa akin ay may mangyari sa kanilang masama.

gusto ko silang puntahan, pero kinakain ako ng kaba at takot, paano kung mapahamak sila? this should be a happy day! ganito ba talaga ang pagmamahal, puro pagsasakripisyo ng sarili mo, puno ng takot, ng kaba para sa taong gusto mo?

ganito ba?


dahil kung ganito lang din naman, kung mapapahamak si namjoon nang dahil lang sa akin, aayaw nalang ako, dahil mas gugustuhin kong magalit at mawala ang charm sakan'ya kesa sa mapahamak s'ya. oo, duwag nga ako, duwag akong ipaglaban s'ya, duwag akong ipaglaban itong nararamdamang ito, kung iyon ang makakabuti, magpapakaduwag ako.

mas gugustuhin kong sirain yung bracelet kesa sa makita s'yang nasasaktan dahil lang sa pagtatanggol sa akin. if Yoongi's theory is right, if I break this stupid bracelet and the Charm will fade as his feelings for me also.

I would gladly do that.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro