KNJC 2
ELIZIA JOY
"How are you? Are you alright?" Mabilis akong tumango kay taehyung pagka pasok ko palang ng clinic.
Nanigas ang buong katawan ko nang bigla nitong hawakan ang magkabila kong pisngi, habang tinitignan ang parteng hinawakan ni Julius kanina.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang bigla s'yang ngumisi sa akin at tumingin. Tangina, bakit may kasama akong gwapo dito?
"Elieza Joy, alam kong gwapo ako". I heard his manly deep voice, nag-pout pa ito at nag-pacute sa akin.
"Bakit ba ikaw ang kasama kong mag-alaga sa clinic, hindi ba natatakot si Nurse na baka ma-rape kita?" Biro ko dito na ikinatawa lang n'ya, pinaka-masayang nangyayari sa araw ko?
Kapag naririnig kong tumatawa si taehyung. Yes! Magkaibigan din kami ng weirdong ito, kami ang nangangalaga at assistant ni Nurse millete.
"Siguradong kakalbuhin ka ng mga taga- hanga ko kapag narinig ka nila". I was the one who laugh this time, those bitches who's willing to die just to touch his feet.
Habang ako? Malaya s'yang nahahawakan at nakaka-biruan pa. Maybe that's why all the girls in this university hates me, because these handsome guys are talking to me including jimin.
May mga kumakaibigan din naman sa akin, but the only purpose is for them to talk to these guys, hell no! Hindi ko gagawin 'yon, ayokong gawin iyon kina jin para lang magkaroon ako ng babaeng kaibigan.
Mas okay na sila lang ang kaibigan ko, atleast totoo sila, hindi kailangan ng kapalit para makipag-kaibigan lang sa akin.
"Bigyan ko pa sila ng pang-shave". Mayabang kong sabi, his boxy smile showed then he bit his lips. Humiga ako sa isang kama at malayang pinagmasdan si taehyung na naka-nerd eye glass ngayon at nagbabasa.
Bakit kaya ang gwapo n'ya?
"Hindi kaba nasaktan kanina?" Nag-aalala ang boses nito habang inilapit yung upuan n'ya sa akin.
Kumunot ang noo ko nang makita ko ang librong binabasa n'ya.
"Tsk. Nagbabasa ka ba talaga? Bakit baliktad tong libro?".
"Nagbabasa ako, sinusubukan ko lang talagang magbasa ng pabaliktad". Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil sa ka-weirduhan n'ya.
Nung nakaraang araw sinubukan n'yang maglakad na parang palaka dahil daw naku-curious s'ya kung paano tumalon ang palaka, ngayon iba naman trip n'ya.
"Joy to the world!" I rolled my eyes when I heard Jimin's excited voice. Saan n'ya naman kaya ako dadalhin?
"Hi Jiminie pabo?" Bati dito ni Taehyung. Gagu talaga.
"Bawal dito walang sakit". Sambit ko.
"Sus, gusto mo lang masolo si Taehyung ko eh". Sabay sabay kaming napalingon sa pinto nang iniluwa nito ang pawis na pawis na sina Jungkook.
"Wow ano to? Hindi naman kayo masyadong nag-aalala sa akin no?" Umupo ako at isinandal ang likod ko sa pader.
"Hindi naman, gusto ka lang naming sabunutan". Ani jimin. Nagsalita ang unang umiyak kanina. Yung uhog n'ya lumalabas kanina, tapos sinisinghot n'ya pabalik.
"Mabuti nalang at may event ngayon at pwede tayong magpagala gala kahit saan". Dagdag pa nito.
"Kamusta kana?". Pilyong nakangiti sa akin si Jungkook habang titig na titig sa lips ko.
"Hoy! Sa pisngi hindi sa lips!" Hidi ko napigilang matawa dahil sa inasta ni taehyung.
Sa lips mo daw ako halikan jungkook huehuehuehue.
"Ayos naman ako, wag na kayong mag-alala". I assured. Hindi ko alam kung bakit ako palaging binu-bully ni Julius, palagi s'yang humihingi ng pagkain ko at tinatakot ako kapag hindi ako nagbibigay.
It's the first time that he hurt me physically, because I tried to fight him, pero hindi naging maganda dahil nasuntok pa si ang magandang mukha ni Jin.
At niligtas ako ni Fear. It was the first time, he laid his eyes on me. And I can't even forget it.
"Guys, bukas na yung perya d'yan sa malapit. Gusto kong bumili ng corndog!" Tangina nitong si liit, lagi nalang gutom.
Kaya hindi tumatangkad eh, sa abs n'ya napupunta.
"Ayaw!" Sabay sabay naming sigaw kay jimin, kaya ayun nagpacute, nag-pout ba naman at nag-puppy eyes sa amin.
Bakit ang cute n'ya? At bakit hindi ko mapigilang ma-cute-an sa liit na 'to?
I sighed. "Okay, fine sige sasamahan na kita". Tumalon naman dahil sa tuwa si liit.
Gusto ko naring lumabas dahil nakakabagot yung booth, last day na ngayon ng event namin kaya eenjoyin ko na din dahil balik na naman sa normal ang lahat.
"Sigurado naman akong hindi na kayo guguluhin nung Julius na 'yon eh". Si jungkook na ang humiga sa kama, habang may pilyong ngiti sa labi.
Hindi na namin ito pinansin at tuluyan ng lumabas ng clinic.
"Ay pusang gala!". Bulyaw naming dalawa ni jimin nang makasalubong namin bigla si gummy.
"What did you say?" Seryosong tanong nito at nanliit ang mga mata.
"Wala sabi ko ang ganda ko". Sabi ko dito, siniringan lang ako ni gummy, tsk. Akala mo palaging may buwanang dalaw eh!
"Saan na naman kayo pupunta?" Secret. Hulaan mo.
"Hyung, pupunta lang kami doon sa perya, masarap kasi corndog dun eh". Si jimin na ang nagpaliwanang tutal sila ang mas close.
Kahit maaga pa kasi may mga tindahan ng bukas sa perya, tapos yung iba inaayos na para mamayang gabi yung mga palaro nila.
Umawra naman ako at nag-heart sign nang lumingon ito sa akin, kaya lang wa-epek kasi kumunot lang noo n'ya.
"Sige samahan ko na kayo". Ma-awtoridad na sabi nito may binulong pa s'ya, pero hindi ko na iyon narinig.
Second year college kami noon nang maging close din kami ni Yoongi, hindi magaling magsabi yan ng nararamdaman pero ramdam mo naman kapag mahal ka n'ya.
Kasi grabe s'ya mag-alaga, kaya palagi ko rin s'yang pinapakain ng cat foods char!
Nag-hum si Jimin, alam na alam ko gang kantang iyon kaya sinabayan ko s'ya. "I knew you were trouble".
"Wag ka ng sumabay, pumapangit eh". Tinawanan ko nalang si Yoongi, tsk. Galing galing ko kayang kumanta, maka-basag ear drums.
Kung sa loob ng university ay tahimik dahil walang katao tao, sinalubong naman kami ng sigawan at hiyawan sa labas, yung iba kilig na kilig doon sa marriage booth.
Binilisan namin dahil baka ay makakita pa sakanila at hilahin sila ng fans nila papuntang marriage booth.
"Siguro yayayain ko mamaya si Jin sa marriage". Hindi ko mapigilang mapangiti sa naisip ko, sigurado naman akong papayag iyon lalo na kapag nilibre ko s'ya ng cotton candy na kulay pink.
"Anong nginingiti ngiti mo d'yan?" Umiling ako kay Jimin dahil siguradong mang-aasar na naman ito.
"Tss. Tinatanong pa ba yan? Syempre iniisip n'yang yayain si Jin sa marriage booth". Nanlaki ang mata ko, paano iyon nalaman ni Yoongi? Mind reader ba s'ya?
"P-paano mo nalaman?" Takang tanong ko sa lolo n'yong naka-smirk ngayon.
"Dahil niyaya din ako doon ni jimin" napa-ohh ako at pilyang tumingin kay jimin na pulang pula ang pisngi.
Kaya pala.
"Tumaggi ka? Ayaw mo bang pakasalan si jimin?" I giggled. He looked away.
"Tss. It's just a stupid booth". Bulyaw nito. "Sa totoong simbahan ko s'ya pakakasalan". Tumili agad ako nang marinig iyon, hindi pa ako nakuntento at pinagpapalo ko yung braso nilang dalawa.
maluha luha na ako dahil sa kilig na nararamdaman ko.
Tangina, lakas nilang bumanat! Sana all may love life!
"Tangina n'yong dalawa, sana ganyan din si Jin!". Pagpapantasya ko, tumigil lang kami nang nakarating na kami sa bilihan ng corndog.
"Bakit kasi ayaw mo nalang umamin kay Jin". Napa-pout nalang ako dahil sa tanong ni Yoongi.
Kung ganun lang sana kadali, edi sana simula palang umamin na ako sakan'ya.
Natatakot eh!
"Ayoko, wala pa akong lakas ng loob". Naramdaman kong nakatingin sa akin ang isang matanda, pero agad din itong umiwas ng tingin.
"Tanga ka! Tandaan mo, last chance mo na ito, gagraduate na kami ni Jin hyung ngayong taon, kaya dapat mo ng sabihin 'yang nararamdaman mo". Mas lalo lang akong napa-pout dahil sa sinabi ni Yoongi.
Last chance ko na nga ito, pero paano naman ako aamin? wala akong lakas ng loob at isa pa natatakot akong ma-reject n'ya.
"Sinama n'yo narin ba sa bilang si Namjoon?" Nagkatinginan ang dalawa at nakakalokong ngumiti sa akin.
"What? Kaibigan n'yo rin naman s'ya ah". Pagpapaliwanag ko dito pero parang tanga lang ang dalawang nakangiti sa akin.
"He'll surely kill you when he heard you saying his name". Yoongi chuckled.
I forgot that he hate to call by his name, specially when you're not his family or friend.
Kaibigan ko na silang lahat, maliban sakan'ya. Pero kung ako ang taanungin, ayokong maging kaibigan s'ya dahil nakakatakot s'ya at napaka-cold n'yang tao.
Nang makabili na kami ng corndog ay umalis narin kami doon, mas masarap kasi itong kainin kapag mainit pa.
"Ineng halika dito". Nagkatinginan kaming tatlo nang tinawag ako ng matandang nakatingin sa akin kanina.
"Oo ikaw nga". Panigurado nito nang tinuro ko ang sarili ko.
Nag-aalangan man ay lumapit narin kaming tatlo kahit wala kaming ideya kung ano ba ito.
Ako lang ba ang nakapansin pero Biglang nagdilim ang kalangitan, kahit maaga pa ay madilim na ang panahon.
Hinawakan ng matanda ang aking kamay, para bang binabasa n'ya ang palad ko.
"W-wala po akong pera-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita din ito.
"nagkakagusto ka sa isang lalaki, diba? pero hindi mo maamin sakan'ya". Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya. Muli n'yang hinaplos ang palad ko.
"Hindi kaya bibigyan n'ya ng gayuma para kay hyung?" Rinig kong bulong ni jimin kay yoongi.
"Cut that crap. That's a bullshit, that thing is not true". Rinig kong sagot ni yoongi dito.
Mas lalo akong naguluhan nang may isinuot s'ya sa aking kulay purple na bracelet. What is this for?
"Nay wala po akong pera-"
"Hindi ko kailangan ng pera mo!" Napatigil ako nang sumigaw ito. Nagaalab ang mga mata n'yang tumingin sa akin kasabay ng malakas na kulog sa kalangitan.
"Iyan ay isang makapangyarihang bracelet, dapat mong mahalikan ang lalaking napupusuan mo". Paliwanag nito, halik? As in kiss sa lips?
"Ang unang lalaking mahahalikan mo ay magkakagusto sa'yo sa loob ng isang araw, kung gusto mong mapasayo ang taong nagugustuhan mo, gamitin mo iyan". Hindi ako naniniwala sa mga hula o sa mga ganito.
Pero base sa pagkakasabi n'ya at ekspresyon n'ya parang nagsasabi s'ya ng totoo.
"What? Mas magandang umamin ka nalang kesa sa ganyan". Tutol ni Yoongi, pero nakatingin lang ako sa bracelet, namangha ako nang makita kong bigla itong kumislap.
"Makakatulong iyan sa iyo ija, gamitin mo iyan sa taong napupusuan mo. Tandaan mo, isang halik lang ang kailangan at tiyak na magkakagusto ang taong magahalikan mo'y magkakagusto sa'yo sa loob ng isang araw". Sabi pa ng matanda. Ni-tap pa nito ang aking kamay.
Iniharap ako nina yoongi sakanila.
"Sigurado ka bang tatanggapin mo iyan?". Tanong ni jimin, hindi ko alam kung gagamitin ko ito dahil baka pina-prank lang ako.
Pero paano kung totoo nga? Pero posible kaya iyon, parang wala namang ganoong bagay. Di bale na, magtatanong nalang ulit ako.
"Nay paano kung-" hindi ko na natuloy ang itatanong ko dahil bigla nalang naglaho ang matanda sa pwesto nito.
Inikot ko ang paningin ko kahit saan, pero wala na s'ya.
"Huh? Nasaan na s'ya?" Luminga linga kaming tatlo sa paligid, pero hindi na namin makita yung lola.
nasaan na nga ba s'ya?
~~
"Sarap ng corndog!". Sigaw ni taehyung habang tuwang tuwa sa kinakain n'ya.
Nasa open field na kami ngayon, pinapakinggan yung bandang tumutugtog.
Nasa pinaka-sulok kami katabi na halos ng mga puno.
Kanina pa namin hinahanap sina Fear at Jin, dahil malamig na yung corndog nila.
Magsasarado narin ang marriage booth, pero hindi ko parin makita ang dalawa. Isa pa sa gumugulo sa akin, itong bracelet na suot suot ko.
Totoo kaya ito?
Magugustuhan din ako ni Jin kahit isang araw lang?
Paano kung hindi naman pala totoo at pinaprank lang ako ng matanda? Paano kung nasa good time show lang pala ako?
"Elieza ayusin mo iyang sintas ng sapatos mo". Inayos ko naman ito kaagad tulad ng utos ni Jimin.
"Ayun sina hyung!" Napatigil ako sa ginagawa ko at tumayo kaagad nang ituro ni jungkook kung nasaan sila.
Parang may hinahanap din ang mga ito, siguro kami ang hinahanap ng mga ito. pero ang mga mata ko, kusang tumitig nalang kay Jin na ngayon ay nakangiti kay Fear habang sinusuklay ang buhok gamit ang kamay n'ya.
"Sina Jin! Yayain natin sila sa marriage booth!" Rinig kong sigaw ng ibang babae at sa isang kisap mata ay madami ng babaeng nakapalibot sakanila.
Muli akong napatingin sa bracelet nang bigla itong kumislap, all of a sudden a strength hold in me.
Napayukom ako ng kamao at mabilis na tumakbo at nakisiksik sa ibang babae. Narinig kong tinawag ako nina taehyung pero hindi na ako lumingon pa.
This is it, take it or leave it.
I need to grab my chance bago mag alas-dose ng gabi, bago ang legend stories na sinasabi nila.
Bago mahuli ang lahat.
Kumislap ang mata ko nang makita ko na s'ya. Mas lalo akong sumiksik para makalapit sakan'ya.
"JIN!"
Sigaw ko sa pangalan n'ya. Pero hindi ko inaasahang madadapa ako nang may kung sinong naka-apak ng sintas ng sapatos ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro