Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KNJC 18

-ELIEZA JOY-

Hindi ko maintindihan minsan yung mga lalaki, ang gugulo nila! Tapos kung magtampo natalo pa ang mga babae.

Tapos babae pa manunuyo?!

Tongino nomon!

"Huy Namjoon, sorry na nga eh. Aba kasalanan mo din naman ano, kung hindi mo ako tinawagan, edi hindi mai-snatch phone ko". He literally dropped his jaw, and his eyes narrowed as he scoffed a little.

Hanggang ngayon, sobrang linaw parin ng nangyari sa akin, pagkatapos akong tutukan ng baril, hindi ko na nga alam kung paano ako nakauwi.

Pero, kung ako tatanungin, kasalanan ko naman talaga ang lahat, kung mas naging maingat ako at pinakiramdaman ang paligid ko hindi dapat iyon mangyayari.

Pero may point din naman ako ah, dapat nga ako ang nagluluksa dito, dahil ako ang na- snatch tapos natutukan pa ako ng baril, tapos ngayon ako pa manunuyo sa lalaking 'to?

Eh kung sundutin ko 'yang dimples mo?

"Are you serious?". Hindi nagjo-joke ako namjoon, prank lang ito.

"Hindi, joke lang 'yon, halata naman sa mukha kong hindi ako seryoso diba?" Pamimilosopo ko dito, hinilot n'ya ang kan'yang sintido, magsasalita na sana s'yang muli pero mas pinili n'yang itikom ang bibig.

"Hindi ba't sinabi ko sa'yo na mag-iingat ka? Tapos hinabol mo pa yung snatcher? Ugh, Joy are you using your brain, paano kung pinatay ka nung snatcher, sana naman isipin mo muna yung kaligtasan mo!". Napa-pout ako dahil sa sinabi nito.

Ewan ko ba, nagagalak ang puso ko dahil sobrang nag-aalala s'ya ngayon pero at the same time, naiinis din ako dahil parang bata ako kung itrato n'ya.

The hell! I'm fine, really!

I sighed. "Kumalma ka nga joonie, ayos naman ako eh, maayos ako, hindi naman ako nagalusan kaya wag ka ng magalit sa akin, alam ko namang nagaalala ka lang pero promise hindi na-"

"Talagang hindi na, hindi na pwedeng maulit ang nangyari sa'yo, tapos imbes na ako ang tawagan mo, mas pinili mo pa sina Jin at Yoongi?" Tangina, isa pa yan eh. Nagagalit s'ya kung bakit hindi s'ya ang tinawagan ko at hindi sakan'ya pinaalam ang nangyari, nagagalit s'ya dahil pinili kong tawagan sina Jin kesa sakan'ya.

"Eh hindi ko naman kasi alam yung landline number mo-"

"Edi sana tinanong mo sakanila! Alam mo ba kung gaano mo ako pinag-alala? Huh? Damn. I almost die because of worrying about you!". Hindi ko tuloy mapigilang mapa-tingin sa ibaba at makonsensya, pero deep inside, natutuwa akong nag-aalala s'ya sa akin.

Is it bad?

He irritably comb his hair as he continued writing and reading book, andito kasi kami sa garden, kaming dalawa lang ang nandito dahil yung iba nasa clubs pa nila.

Pinilit ko s'yang kausapin muli, pero hindi n'ya ako pinansin, sa totoo lang, ang weird ng pakiramdam ko ngayong galit s'ya sa akin para bang sobrang bigat ng loob ko at hindi ko talaga makayanang hindi n'ya ako pansinin.

Padabog akong tumayo at umalis sa tabi n'ya, hindi ko matiis na nagaglit s'ya.

--
"HAHAHAHA, alam mo ang cute n'yong dalawang mag-ayaw". Napabusangot ako dahil sa sinabi ni Jin, tangina kasi napaka seryoso ko tapos tatawanan lang ako? Yung totoo?

Hinanap ko talaga si Jin sa music club dahil gusto kong manghingi ng payo ng sakan'ya, kung paano ako papansinin ni Namjoon.

Hindi ko na kasi talaga kayang tiisin, ewan ko ba, hindi ko kayang nakikitang nagagalit s'ya sa'kin.

"Ano nga kasi, tutulungan mo ba ako o hindi, kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko maatim na nagagalit s'ya sa akin". Mapait itong napangiti sa akin, tumahimik narin s'ya at para bang malallim ang iniisip.

"Sana marealize mo joy". Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito, marealize ang ano? Bumuntong hininga naman ito at napakamot sa ulo.

"Huh?"

"Hay nako, ang manhid. Lapit ka sa'kin". Mabilis naman akong lumapit sakan'ya at may ibinulong s'ya sa akin na talaga namang nag-pangiti sa akin ng todo.

--

masigla akong naglakad palapit kay namjoon na hanggang ngayon ay nagbabasa padin, napadako lang ito ng tingin sa akin nang iabot ko ang binili kong paborito n'yang kape, taas baba pa ang kilay ko at ngiting ngiti, hinihintay ang reaksyon n'ya.

sana naman tumalab na itong sinabi ni jin at pansinin na n'ya ako.

"pasilip naman.... ng dimple mo?" gusto kong matawa dahil sa sticky note na nakasulat doon, naisip ko kasing lagyan ng sticky note, anong akala n'ya s'ya lang ang maaaring bumanat?

"pasilip naman d'yan oh" mahina akong tumawa habang sinundot ang tagiliran n'ya.

pero nadismaya ako nang hindi man lang ito ngumiti, wala lang itong emosyon at itinabi lang ang kapeng dala ko. hindi ba n'ya nagustuhan yung binili kong kape para sakan'ya? o sadyang ayaw lang talaga n'ya akong pansinin. pati ako naguguluhan, hindi ko alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin para pansinin na n'ya ako.

nakuha ko naman iyon eh, nag-alala s'ya pero diba dapat matuwa s'ya dahil walang nangyaring masama sa akin? dahil maayos ang kalagayan ko?

--

"bwisit kang namjoon ka, hindi na kita maintidihan,pati puso ko gulong gulo na sa lahat ng ginagawa mo!". sigaw ko sa unan ko at pinagsususuntok ito, parang kumukulong tubig ang dugo ko dahil sa lalaking iyon, hindi pinansin yung efforts ko.

tangina, ugh!

hindi ako nakuntento at inihagis hagis pa ang unan ko sa kwarto, sa inis ko sa pag-dedma n'ya sa akin kanina ay mas nauna akong umuwi sa kan'ya, bahala s'ya sa buhay n'ya, yung anim nga ay tuwang tuwa dahil walang nangyari sa aking masama, kinagalitan nila ako katulad ni nanang pero niyakap nila ako at nagpasalamat na walang nangyaring masama sa akin.

muli kong pinahid ang luha ko, walang mangyayari sa akin kung magmumukmok ako. nag-ayos nalang ako ng sarili ko dahil ngayon din pala kami pupunta ni hoseok sa perya. kailangan ko ng masolusyunan ang charm na ito, bago mahuli ang lahat.

bago ako tuluyang mahulog kay namjoon.


-KIM NAMJOON-

"make sure na makikita mo ang snatcher na iyon, wala akong pake kung sino pa s'ya, gusto kong mahuli s'ya kaagad at pagbayaran ang ginawa kay Joy". nagigiting ang panga ko tuwing maalala ko ang nangyari kay Joy.

ibinaba ko narin ang phone ko at inihagis ito sa kama ko, gusto kong suntukin ang sarili ko dahil sa pagiging immature minsan, dahil sa galit ko ay hindi ko naihatid si Joy kanina, hindi ko man lang alam na nakauwi na pala s'ya. ugh.

the truth is I'm not mad at her, at myself yes! hell yes! hindi ko lang mapigilang mag-alala sakan'ya, pinangako kong iingatan ko s'ya pero wala man lang ako sa tabi n'ya noong kailangan n'ya ako, tangina!

habang mahimbing akong natutulog ay na-snatch na pala ang phone n'ya, pagkatapos ay tinutukan pa s'ya ng baril!

I need to talk to her as soon as possible.

I immediately took my phone when I heard it ringing.

"pizza delivery ba ito". I rolled my eyes hearing that voice and the laughs at the background.

"tigilan mo ako taehyung, masyadong malalim 'yang boses mo para di ko makilala". na-imagine kong naka-pout na ito ngayon, rinig ko ang tawanan nina jin, marahil ay nasa dorm ito magkakasama, hindi ako makapunta ngayon sa dorm lalo na't hindi pa masyadong magaling ang sprain ko at kailangan kong magreview para sa nalalapit na quiz bee.

"nangangamusta lang kami, miss ka na namin eh". aniya, miss ko narin naman sila, pero mas miss ko si Joy, lalo na ngayong hindi kami nakapag-usap ng maayos.

"hyung sa susunod bili ka na ng pizza okay?" tanginamo liit, puro ka pagkain wala ka ng inisip kundi puro pagkain.

Isipin mo minsan kung paano ka lalaki!

"namjoon, wag mong kalimutan yung pizza ah". ani Jin, napabuntong hininga nalang ako. may magagawa pa ba ako?

kumunot ang noo ko nang marinig kong pinaguusapan nina yoongi si Joy, tinanong ko agad kung anong meron kay Joy.

"merong kami" ani Jin hyung kasabay ng malakas na tawa at palakpak.

"walang kayo!" sigaw naming lahat kay Jin, shit, pinapakulo n'ya lalo ang dugo ko.

"aalis sila ni hoseok dahil.... d-dahil mamasyal daw sa perya". awtomatikong tumaas ang kilay ko at biglang uminit ang ulo ko dahil sa sinabi ni yoongi hyung.

Damn. Mukhan kumikilos na naman ang isang iyon.

-ELIEZA JOY-

hinihintay ko nalang ang pagdating ni hoseok, ang sabi n'ya ay may gagawin lang s'ya saglit, pero ready na ako, s'ya nalang ang wala. padabog kong sinagot yung telepeno nang mag-ring itong muli, sa totoo lang naiinip na ako kakaantay kay hoseok.

"hello?". kumunot agad ang noo ko nang si namjon pala ang tumatawag, wag n'yang subukang bumanat ngayond dahil naiinis parin ako sakan'ya.

kumunot ang noo ko nang marinig ko ang pag-aray nito, naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko at ang panlalamig ng mga kamay ko.

"a-anong nangyari sa'yo, ayos ka lang ba?" napalitan ng pag-aalala ang kaninang inis na nararamdaman ko. patuloy lang ito sa mabigat na paghinga at mahinang pag-aray.

"a-ano kasi eh nadulas ako sa banyo, mag-aahit sana ako ng balbas ko". umiling iling ako dahil pinairal na naman nito ang pagiging clumsy, tangina naman oh, bakit ba kasi hindi s'ya nag-iingat man lang.

"p-pwede bang tulungan mo ako?". bakit na-iimagine kong nagpapacute ito at bakit naiimagine ko ang mukha n'ya habang nagpa-puppy eyes ngayon!?

shet paano ito, may lakad pa naman kami ni hoseok at nakasabi na ako ng "oo".

Pano ito, ngayon pa naman sana namin hahanapin muli 'yung fortune teller! Ang bad timing mo Namjoon!

"nasaan ba yung mommy mo? o katulong? wala ka bang kasama d'yan?". nagaalangan tuloy akong sumama kay Hoseok dahil kay Namjoon, nakakapag-alala kasi ito at baka kung anong mangyari.

"day off nila ngayon, yung mommy at kapatid ko naman namalengke". mariin kong naipikit ang mga mata ko at napakagat labi nalang. paano na ito ngayon, shit, paano ko sasabihing may lakad din ako? pero paano naman s'ya?

aligaga akong tumingin sa paligid, litong lito kung ano ang dapat kong gawin. "e-eh ano kasi eh, m-may lakad kami ni hoseok". alanganing sabi ko dito, muling tumahimik ang kabilang linya.

bumuntong hininga muna ito bago magsalita. "ahh~ ganun ba? sige h-hayaan mo na, pipilitin ko nalang tumayo, medyo okay naman na ang paa ko". pangongonsensya nito at hindi ko naman mapigilang makonsensya, isa pa ako ang may dahilan kung bakit nai-sprain ang paa n'ya, paano kung lalong lumala ang sprain n'ya?

ugh! ang sakit sa ulong magisip!

"oo na sige na, papunta na ako d'yan okay? wag kang gagalaw, ibigay mo nalang ang direksyon papunta sa inyo". sabi ko, kahit naman naiinis ako sakan'ya, hindi ko parin mapigilang mag-alala, lalo na't mag-isa lang pala s'ya sa bahay nila.

"really!" bakas sa boses nito ang pagkasabik. "thankyou, ipapasundo agad kita sa butler ko". huh? butler? kung nandon naman pala ang butler n'ya, bakit hindi nalang s'ya doon magpatulong?

magpoprotesta pa sana ako, pero hindi ko na nagawa nang may narinig akong pumaradang sasakyan sa tapat ng gate namin. ang bilis naman nun!

tinawagan ko nalang ulit si hoseok at sinabing hindi ako makakasama dahil may importante akong dapat ayusin, okay lang naman daw sakan'ya dahil hindi pa naman daw s'ya nakaka-alis.
mabilis akong kumilos at sumakay sa kotse. nagbilin pa nga si nanang sa butler na alagaan daw ako at kung maari ay ihatid din ako pauwi.

halos paliparin na ni manong butler yung sasakyan, hindi ko kasi mapigilang kabahan at matakot dahil nag-aalala ako kay Namjoon, kanina ko pa kinakagat ang kuko ko dahil sa kabang nararadaman ko. mabilis din akong bumaba nang makarating na kami sa bahay nila, or should I say.... malaking bahay nila.

wala na akong panahon para pansinin ko pa ang bahay nila, mabilis na itinuro sa akin ang banyo.

"namjoon!". bulyaw ko sa nakahigang si namjoon, nakasandal ang kamay nito, nakita ko din yung sabon na sa tingin ko ang dahilan kung bakit s'ya nadulas.

dahan dahan ko itong pina-upo at inalalayan, "ayos ka lang ba walang masakit sa'yo?" ako lang ba o nakita kong nakangiti si namjoon?

"a-ayos lang, braso ko ang pinang-stand ko at iniwas ko ang paa ko, hindi naman masakit". malumanay na sabi nito habang titig na titig sa akin at labas na labas yung dimples n'ya, na kaninang umaga ko pa gustong makita.

"akala ko.... hindi ka pupunta, salamat". parang nahihiyang sabi nito sabay iwas ng tingin sa akin, pwede bang hindi ako pumunta? baka mamatay ako sa konsensya at sa pag-aalala sakan'ya. inalalayan ko itong tumayo at kinuha na nito yung pang-shave n'ya at shaving cream.

habang ako ay nakamasid lang habang nagsi-shave s'ya, napansin kong hindi lahat ay nalalagyan ng shaving cream tapos natutuluan na ang kan'yang damit na puti, napakamot ako sa ulo ko at inis na lumapit sakan'ya bitbit ang isang bimpo.

"a-ako na nga ang magsi-shave sa'yo!". inis kong sabi dito at dahan dahan pinunasan ang damit n'ya, tss. napaka-clumsy talaga kahit kailan.

alanganin itong tumingin sa akin at binigay yung shaver, tangina hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan at biglang nagwawala na naman ang puso ko.

nanginginig ang mga kamay ko habang dahan dahang hinawakan yung mukha ni namjoon, ang lambot nito, hindi ako nakalagpas sa mga malalagkit na titig nito na mas nakatulong para marinig ko ang patibok ng puso ko.

dahan dahan kong nilagyan ng shaving foam ang baba n'ya at sa ilalim ng ilong n'ya, tangina yung kamay ko ayaw magtigil sa panginginig, hindi rin ako makatingin sakan'ya ng diretso dahil sa mga titig n'ya at dahil alam kong kapag tumitig ako sakan'ya, hindi ko na maaalis ang mga mata ko.

"sorry!". bulalas ko nang mapadiin ang pag-shave ko, tangina kasi yung labi n'ya, agaw pansin, sarap!

I mean sarap takpan, hindi ko kasi alam kung saan ba ako titingin, sa sini-shave ko ba o sa labi n'yang mapula.

hmmm. kissable.

my body stiff when he put his hand on my waist, naptigil ako sa ginagawa ko. "sorry nangangalay na kasi yung paa ko eh, t-tanggalin ko din agad kumapit lang ako". explain nito sa akin.

"wag mong tanggalin-" tangina Joy! ano yung sinabi mo? naririnig mo ba yung sinabi mo? baka sabihin n'yan gusto mo yang paghawak n'ya!

Nagkakagulo na ang sistema sa katawan ko, hindi ako makapag-isip ng maayos at nakatingin lang sa lalaking ito na nakakunot ngayon ang noo. Joy magsalita ka!

"I-ah-I mean, okay lang na kumapit ka, b-baka madulas ka na naman". nahihiyang sagot ko, nakita kong sumilay ang ngiti ni namjoon, pinipigilan kong wag mapangiti at makiliti dahil sa pagkakahawak ni namjoon.

hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko, nagsusumigaw na ako sa loob loob ko dahil sa sobrang tuwang nararamdaman ko, halos maluha na ako sa pagpipigil ng tuwang nararamdaman ko. shet!

doon ko lang narealize na, para pala kaming mag-asawa sa ginagawa namin. hindi ko alam kung bakit pero mas lalo akong napangiti sa isiping iyon.

--

"HAHAHAHA pota anong klaseng mukha 'yan". pinalo palo ko ang malalaking braso nito habnag tinuturo yung video n'ya noong grade 12 s'ya at nag-aaral mag-twerk. HAHAHAHAHA, sobrang laughtrip nung mukha n'ya habang pinipilit mag-twerk.

"anong klaseng mukha? mukha ng daddy ng future anak natin". napatigil ako sa sinabi nito, akala ko ay nagbibiro lang ito at hinintay s'yang tumawa pero hindi iyon nangyari. mas lalo pang lumakas ang epekto n'ya sa akin nang kinindatan ako nito kasabay ng lip bite n'ya.

sus! ayaw mo lang mahalatang nahihiya ka sa kahihiyan mo eh.

anakngpitongputpitongputa!

nanonood kasi kami sa laptop n'ya ng movies, may pinindot lang s'yang mali ay kung ano ano na ang lumabas, kaya't nung ni-try kong ayusin at may pinindot ayun biglang may nag-play na video na iyon, naka-ilang beses na akong paulit ulit na nipi-play iyon, sarap kasi n'ya- er I mean nung sarap na sarap kasi s'ya sa pagsasayaw, naka-lip bite pa.

ano ba itong mga iniisip ko, pati utak ko nagugulo.

nang maayos na ang laptop n'ya ay nagpatuloy na kami sa panonod, action itong pinapanood namin, parehas pala kaming manood ng action movies. inilayo ko sa amin yung juice na kinuha n'ya, mahirap na baka masagi ng kamay n'ya at matapunan yung laptop.

alam kong marami s'yang pambili, pero mas mabuti narin ang maingat.

naramdaman ko ang awkwardness sa paligid nang biglang nagkaroon ng kissing scene sa action movie na pinapanood namin, tangines naman oh, tapos french kiss pa! hindi ko tuloy mapigilang mailang dahil una sa lahat kaming dalawa lang dito tapos ang awkward pa nung scene.

I heard Namjoon cleared his throat and touching his nape over and over again. damn. ano ba naman ito, pakiramdam ko ay biglang uminit lalo nang magkatinginan kami ni namjoon at awkward na tumawa, pucha naman kasi oh, nakakainis pa dahil ang tagal pang matapos ng kissing scene.

napasinghap nalang ako at lalong naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso nang mapunta sa bed scene yung pinapanood namin, pasimple kong kinamot ang buhok ko at hiniling na matapos na yung scene na iyon.

it's really awkward when you're watching movies together with your parents and then suddenly a bed scene occur, damn it. However, it's more awkward when you're watching it with a guy!

tengene nemen.

namjoon chuckled and scratch his head. "fast forward ko nalang". akward na sabi nito, kaya't awkward din akong tumawa. tengene, action movie na nga ang pinili ko, hindi ko alam na may bed scene pala shet!

"hehehehe m-mabuti pa nga, ang init eh". awkward na sabi ko.

siguro kung si namjoon lang ang mag-isang nanonood, okay lang sakan'yang ipagpatuloy yung bed scene, ayan pa, nanonood 'yan ng porn eh.

"woah woah!" hiyaw ni namjoon nang marahas na hubarin nung leading man yung damit ng leading lady, pakshet na pinakbet naman oh! ano ba namjoon, i-fast forward mo na jusko hindi ko kayang manood ng ganitong scene kapag kasama ka, nakakailang.

"may balak ka bang i-fast forward?". natatawang sabi ko kay namjoon na ngayon ay tuluyan kong naagaw ang atensyon n'ya, narinig ko ang paghagikhik n'ya.

"sorry, comedy genre nalang minsan ang panoorin natin". nahihiyang sabi n'ya na sabay naming ikinatawa, pero sa hindi malamang dahilan ay napatigil nalang kaming dalawa at seryong tumingin sa isa't isa.

alam kong paulit ulit yung katagang sinasabi ko pero, anong magagawa ko? kahit ilang beses kong pigilin ay lalo lang mas bumibilis ang tibok ng puso ko, para sakan'ya. hindi ko alam kung normal pa ba itong nararamdaman ko para sakan'ya, dahil alam kong hindi ako pwedeng mahulog sa patibong na ako mismo ang gumawa.

pero tangina, lalo lang bumibilis yung tibok ng puso ko sakan'ya.

napalunok ako ng sarili kong laway nang mapadako ang tingin n'ya sa labi ko, para bang nanuyo yung lalamunan ko, kasabay ng pagkataranta ng buong katawan ko.


"ehem ehem". awtomatiko at mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko nang marinig ko ang isang boses, nanlaki ang mata ko at mabilis na nag-bow.

"g-goodevening po". madiin kong naipikit ang mata ko kasabay ng pagkagat ko sa aking labi dahil sa hiyang nararamdaman ko.

"m-mom, Ana, a-andito na pala kayo". rinig kong sabi ni namjoon, tangines, nakita kami ng mommy n'ya sa ganoong sitwasyon. shit Joy!

kinuha ni namjoon yung mga dala dala ng mommy n'ya, kumunot ang noo ko dahil parang pamilyar ang mukha nang babaeng natatakpan ni Namjoon. nakuhang muli nila ang atensyon ko nang magsalita ang mommy nila.

"she must be Elieza Joy". her voice was filled with superiority and delicacy, tinaasan ako nito ng kilay at ineksamina ako mula ulo hanggang paa. hindi ko mapigilang mahiya, lalo na't nasa pamamahay ako ng isang milyonaryo, ang mga tindig palang n'ya ay sumisigaw na, na karespe-respeto ito.

"mom, s'ya po ang babaeng mahal ko, si Joy". masayang pagpapakilala ni Namjoon sa akin.

"m-magandang gabi po Ma'am, w-wag po kayong mag-alala, paalis narin po ak-"

"No, you'll stay". matigas na sabi nito, napakagat ako ng labi, habang ramdam na ramdam ang panlalamig ng kamay at mga paa ko dahil sa titig n'ya.


patay ka Joy, patay ka talagang bata ka.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro