KNJC 16
-ELIEZA JOY-
"Oh maganda ata ang araw mo?" I immediately bit my lower lips when nanang noticed that I was smiling like crazy. I just shrugged. "bati na kayo ano?" muntikan na akong mabilaukan dahil sa sinabi ni nanang.
lakas makaramdam!
ang lakas ng radar mo nanang!
naramdaman ko na naman yung kakaiba sa tyan ko nang maalala ko yung huling sinabi ni Namjoon kagabi. tangina naman kasi, para tuloy akong sabog na hindi ko maintindihan.
"h-hindi ko din po alam eh". totoo naman iyon, hindi ko naman talaga sigurado kung bati na ba kaming dalawa eh, baka mamaya great prankster din s'ya katulad ni Hoseok eh. pero sa tingin ko okay naman na kami.
"oh ayan tignan mo 'yan, tinitigyawat ka na naman sa ilong". agad kong hinaplos yung ilong ko dahil sa sinabi ni nanang, totoo nga masakit nga ito at parang may umbok.
what the- why am I always have a acne in the tip of my nose! ugh! ang sakit pa naman kapag nadadali ng panyo ko, pucha naman oh!
"in love ka ija". what? si nanang talaga, puro kalokohan. pimples lang in love agad, hindi ba pwedeng nakalimutan ko lang maghilamos kagabi dahil sa sobrang lutang?
"huh?"
"huh- halikan mo agad! sunggab agad". jusko, hindi ko alam kung bakit ganito si nanang kay Namjoon, dati naman nung sinabi kong crush ko si Jin ang sabi n'ya, wag daw puro love atupagin ko kundi pag-aaral. tapos kay Namjoon halikan agad?
ang wild! rawr!
"huh- handa na po tayo ng pagkain dahil aalis na ako". sambit ko dito. napailing ako kay nanang, grabe ang epekto ni Namjoon, makamandag!
"eh kasi naman ija, gusto ka naman kasi ni Namjoon, bakit ayaw mo pa. ang choosy mo huh!". natatawang sabi nito. eh kasi nga, hindi naman talaga n'ya ako gusto kung hindi dahil sa lintik na charm na iyon.
he'll never love me nor notice me if it's not because of charm of the bracelet and if it's not because of my stupidity and clumsiness.
kumunot ang noo ko nang may ilabas biglang maliit na notebok si nanang. lumapit ito sa akin at pinakita ito. "gwapo s'ya, check! gwapo na yummy pa check na check!... matalino... sexy...cute... sweet... plus may broad chest at magandang dimple malaking malaking check na check!". I massage my temple when she checked everything that's written in her notebook.
jusko! may listahan pa talaga si nanang.
"at huwag mong sabihing hindi s'ya mabait, dahil ramdam kong mabuti s'yang tao at may pusong mamon, diba sabi nga nila don't judge the book by its cover yieee~" hindi ko alam kung bakit kailangan akong kumbinsihin ng ganito ni nanang, alam kong big catch talaga s'ya, pero paano naman ako? paano naman yung feelings ko? hindi ko naman pwedeng pilitin yung sarili ko sa taong hindi ko naman gusto.
o hindi nga ba? napailing ako sa isiping iyon, syempre hindi!
"ang bias n'yo po, nung sinabi ko yung kay Jin-" hindi na ako nito pinatapos dahil binigay na nito yung baunan ko, ang sarap ng ulam ko, luncheon meat. kaya lang paniguradong makiki-kain na naman si pandak nito. hays.
"eh kasi doon kana sa siguradong mahal ka, diba mas maganda naman na ang sigurado sa'yo yung tao kesa sa hindi" napaisip ako sa sinabi ni nanang, may point naman s'ya doon, totoo naman ang sinabi ni nanang, dapat doon ako sa sigurado at yung hindi magdadalawang isip sa akin.
ughh! why am I thinking of it anyway?
"tandaan mo ang sinabi ko sa'yo ija, sa mundo nating may hindi kasiguraduhan, pumili ka ng isang taong, ikaw at ikaw parin ang pipiliin hanggang sa huli". paalala nito sa akin bago ako tuluyang umalis. a person that will choose me till the end?
--
"anong tawag sa maraming toge HAHAHAHA". Hindi ko alam kung saan ba ako dapat matawa, sa tanong ni Jin, o dahil sa tawa n'ya. eto na naman kasi yung windshield n'yang tawa, nangunguna pa kesa sa joke n'ya.
"tama na hyung, hindi ka ba napapagod?" wow, hugot na naman ba ito Jimin? may pinagdadaanan ba 'tong si liit?
nag-post kasi s'ya kagabi sa fb eh sabi n'ya. "akala ko tayo hanggang huli, gusto mo pala yung abs ng iba". jusko tangina nito, broken na broken sa post tapos itong anim puro haha react.
kawawang bata, kulang sa abs- este sa aruga.
kung tatanungin n'yo ako: syempre ni-liked zone ko yung post n'yaHAHAHAHA
"manahimik ka ah, maki-cooperate ka nalang". pananankot ni Jin dito kaya't nagsitawa naman kami, tapos na ang klase naming pito maliban kay jungkook. kinakausap pa daw ng isang prof n'ya, puro daw kasi coloring book ang inaatupag.
"ano!" sigaw namin.
"edi, TOGEther! HAHAHAHA". Hindi ko mapigilang matawa kahit ang cornik ng joke n'ya, tangina kasi nung tawa ni jimin at hoseok nakakahawa. habang si namjoon naman ay napapailing iling lang habang nakangiti.
"eto pa eto pa". we all sighed when Jin once again shout and raise his hand, being excited for his "dad jokes". "anong tawag sa malungkot na pari?" ano daw? malungkot na pari?
edi sad priest?
"I'm sad father?" we all laughed out loud when Hoseok innocently answered while scratching his head. si taehyung? ayun hinihipan yung empty bottled water, tapos pasimpleng pinapalo si jin.
"sad priest?" sagot ko at tinawanan lang ako ni Jin.
"siret na ba kayo?" tanong nito habang tuwang tuwa sa sarili n'yang dad jokes. "edi dipriest AHAHHAH shet I'm so great!" napailing ako sa joke nito, sabay pa nga kaming dalawa ni Namjoon eh. nyayyy~ gaya gaya si mr. dimple.
"manahimik ka nalang ang corny mo". napa-ohhhh nalang kami dahil meron na naman atang dalaw si yoongi, tangina natalo pa ang babaeng may buwanang dalaw sa kasungitan.
"ikaw manahimik d'yan ah, baka nakakalimutan mo kung sinong mas matanda sa ating dalawa". nangunguna na naman yung nguso ni eomma jin, at pulang pula habang nakapamaywang. walang nagawa si yoongi kundi ang manahimik nalang at sumandal sa balikat ni hoseok.
Mahirap na baka matanggaln s'ya ng gilagid ng wala sa oras.
habang sina hobi, jimin at jin ay parang mauubusan na ng hangin sa kakatawa nila, lihim akong napatingin kay Namjoon na ngiting ngiti lang na nakamasid sa lima na ngayon ay nagpapaluan ng plastic bottle. magkatabi lang naman kasi kami kaya kitang kita ko yung masasaya n'yang mata habang nakamasid lang sa dabarkads n'ya.
my lips automatically formed into a smile, and looked at five who's happily running, while hitting yoongi's butt. I don't know, it's just that.... it's more joyful to watch them, palagi kasi akong nakikisali sa mga habulan nila, pero iyong pagmasdan namin sila ni joonie ay mas masaya pa pala sa inaakala ko.
having a lot of friends is very unexpected, but experiencing a family with these seven handsome men is different.
it's wonderful.
inilapat ko sa damuhan yung kamay ko bilang sandalan pero mabilis ko din iyong inalis nang mahawakan ko ang kamay ni Namjoon, nagtama ang aming mata kasabay nun ang pagsali na naman sa karera ng puso ko lalo na nang ngumiti ito. tangina.
Ang gwapo.
"s-sorry". alanganin kong sabi dito, hindi ako makatingin ng diretso sakan'ya.
"hello guys, I'm hack". jungkook suddenly appeared in front of us showing his bunny smile yet a cute one. he gave Namjoon a forehead kiss, ang cute lang. para talaga s'yang tatay ni kookie.
"it's back not hack!". namjoon looked disgracefully at Jungkook who's touching his nape. I can't help but to giggle, they are so cute.
lumapit din sa akin si jungkook at akmang hahalikan sana ako sa noo nang biglang hilahin ni Joonie yung laylayan ng damit ni kookie.
sayang akala ko may kiss din ako eh huehuehuehue.
"try to kiss her, or you'll kiss this grass you asshole". nanlaki ang mata ko dahil sa pagbabanta ni joonie kay kookie na ngayon ay tawa lang ng tawa. hinampas ko ang malaking braso ni Namjoon. tama bang takutin yung bata?
"takbo takbo!" sabay pa kaming napa-huh ni Namjoon sa sigaw ni Jimin.
"taya sa Yoongi hyung, magtago na kayo dali!". mabilis naman kaming tumayo, pero napatingin kami kay yoongi nang mas nauna pa itong tumakbo sa amin, tuwang tuwa at labas na labas ang gilagid. ang cute!
"saan ka pupunta hyung?" natatawang tanong ni hoseok, habang si yoongi ay takang napakamot nalang din sa ulo si yoongi.
"syempre magtatago na". napa-face palm nalang kaming lahat dahil sa sagot ni yoongi maliban lang kina taehyung at kookie na nagpapaluan ngayon ng pwet. tangina mo gilagid takbo ka ng takbo di mo pala naiintindihan yung laro.
"bobo mo talaga hyung!" wow ang tapang na ni taehyung ah, masamang titig ang ipinukol sakan'ya ni yoongi, siguro kung kutsilyo yung mata ni gilagid, kanina pa nakahandusay si alien dito.
"anong magtatago, magtatago? tanga ikaw nga ang taya eh!" oh puso mo jin kalma ka lang.... baka mapunta sa akin yan yieee~ char lang. friendzone nga pala ako huehuehuehue.
parang nilayasan ng kaluluwa si Yoongi na napakamot nalang sa batok. "tanginang laro naman 'to. wag ng maghanap, hanap pa ng hanap eh andyan na nga sa tabi yung tamang tao". napa-ohhhh naman yung lima at ang gago sa akin tumingin, mga gagu anong ginawa ko sainyo?
ako na naman nakita n'yo.
"mamaya ka na humugot, magbilang kana magtatago na kami gidgila". sabi ko at mabilis ng tumakbo, bahala sila sa buhay nila basta ako magtatago na.
--
tumigil lang ako sa pagtakbo nang makaramdam na ako ng pagod, kawawang yoongi siguradong mapapagod s'ya sa kakahanap sa amin napaka-laki pa naman nitong university na ito.
napagdesisyunan kong dito muna magtago sa Library ng psych bldg. meron pa namang mga tao sa corridor pero bibilang nalang, siguro dahil meron ding magaganap na quiz bee at kailangan nila iyong paghandaan.
walang katao tao dito sa loob ng library, kahit yung librarian ay wala na din. pinagmasdan ko lang ang gabundok na libro na nasa bookshelves, I'm not a bookworm, reading is neither one of my hobby, but the smell of it is the best.
minsan gusto kong tumambay dito, dahil bukod sa mabango ang libro, nakaka-relax pa.
*boogsh*
mabilis akong tumakbo papunta sa isang book shelves nang may marinig akong kumalabog, akala ko pa naman ako lang ang nagiisang tao dito mukhang meron pa palang iba.
"Namjoon?" nakuha ko ang atensyon nito na ngayon ay naka-akyat sa hagdan habang hawak hawak yung mga libro sa kamay n'ya, meron ding mga nakakalat na libro sa sahog na sa tingin ko ay iyon ang lumagabog.
"ayos ka lang ba?" alalang tanong ko sakan'ya.
his cute smile showed immediately as his eyes sparkled. "ofcourse. kumuha lang ako ng libro, kaya lang nalaglag yung iba, ibabalik ko nalang ulit". sabi nito at dahan dahang bumaba sa hagdan.
"akala ko kung si-". hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla itong putulin ni namjoon.
"akala mo si hoseok o si Jin?" seryosong sabi nito na ikina-kunot ng noo ko. ano bang pinagsasabi n'ya, eh ang sasabihin ko lang naman ay "akala ko kung sino"
"huh? Hindi! teka nga, pag-aawayan na naman ba natin ito?". may kumurot sa puso ko nang sabihin ko ito, ayoko lang naman kasi na mag-away kami. nakakapagod ding magw-away lalo na kung wala namang kwenta ang pag-aawayan.
"hindi naman tayo mag-aaway, nasasaktan lang ako". tinabig nito ang kamay ko, sinundan ko lang s'ya ng tingin hanggang sa makaupo ito. "
"nasasaktan?"
he looked at me full of disbelief. "don't you get it, or you're just stupid enough to get what I'm saying". he blurted out that made my heart wrenched, his eyes change immediately, he was also shocked on what he said.
eh gagu pala s'ya eh, paano ko naman s'ya maiintindihan kung hindi n'ya sasabihin kung anong nararamdaman n'ya.
"oo tanga ako, at ikaw ang matalino sa ating dalawa, pero tangina. pwede bang minsan paki-linawan at sabihin mo nalang yung nararamdaman mo?..... tanga kasi ako, mahirap makaintindi". bulyaw ko din dito, hindi ko na napigil ang sarili ko, sana kung galit s'ya sabihin n'ya, o mas ipaliwanag n'ya sa akin.
"nasasaktan ako okay? ang sakit dahil ako na nga ang kasama mo hinahanap mo parin iba, hindi mo ba ako makita Joy. masyado ba akong maliit sa'yo huh? tangina sabihin mo nalang kung ayaw mo akong makasama ako na agad ang aalis". literal na napa-awang ang bibig ko dahil sa sinabi n'ya. here we go again, with his wrong suspicion at me.
"alam kong boring ako, hindi gwapo, hindi katulad nilang anim. pero wag mo naman sa aking ipakita na ayaw mo akong kasama, kasi ang sakit! hindi ako kaing bibo ni Hoseok at hindi ganoon kataas ang kumpyansa ko katulad ni Jin hyung. pero tao din ako, nasasaktan sa tuwing nakikita kitang masaya sakanila". natigilan ako sa sinabi nito, hindi ko alam na ang isang katulad n'ya ay ipinagkukumpara rin ang sarili sa iba. para bang paulit ulit na tinutusok ang dibdib ko dahil sa mga sinabi n'ya.
tangina akala ba n'ya hindi ako nasasaktan sa mga sinabi n'ya? hindi n'ya ab alam? hindi n'ya ba nakikita? bulag ba s'ya para hindi makitang masaya ako sakan'ya?
"aalis nalang ako dito, I know I'm not worthy for you Joy, I just can't stop feeling envious because they can make you smile unlike me". matamlay at putol putol n'yang sabi at naglakad na palabas ng library, napayukom ako at mabilis na kumuha ng libro at ibinato sakan'ya kaya't napatigil ito at tumingin sa akin.
bigla nalang nandilim ang paningin ko sakan'ya, hindi ko na maitago yung inis ko.
"ano? aalis ka ng hindi tayo nagkakaayos?" bulyaw ko dito na ikinatigil n'ya. nakita kong nangingilid na ang luha n'ya.
"aalis ka ng hindi kinukuha yung side ko? tangina sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan dahil ganyan ang tingin mo sa sarili mo? at sinabihan mo pa akong tanga! Akala ko pa naman nagiging okay na tayong dalawa". mabilis akong lumakad palapit sakan'ya, naramdaman ko nalang din yung maiinit na likido sa gilid ng mata ko.
"bakit ba ganyan ka magisip? huh? bakit mo ipinagkukumpara yung sarili mo kina hoseok?" hindi ko na napigilan ang sarili ko, sinigawan ko na s'ya. garabe na kasi yung bigat dito sa puso ko, ayoko yung ganitong pakiramdam.
at higit sa lahat ayokong pinagkukupara n'ya ang sarili n'ya. he's enough, he's worthy. he shouldn't bring hisself down.
"because you look more happier when you're with them, unlike me, I'm just a boring guy. mahal kita Joy, gusto kitang pasayahin, pero 'di ko magawa!". his tears that streaming down his cheeks made me stop and felt a million of needles keep pricking my heart by seeing him crying.
hindi pumasok sa isip ko kahit minsan na ipagkukumpara n'ya ang sarili n'ya sa iba, dahil para sa akin sapat na kung anong meron s'ya, dahil ang isang proud na katulad n'ya? Na nasa kan'ya na ang lahat?
umiling iling ako. "alam mo ikaw ang tanga sa ating dalawa eh". walang prenong sabi ko sakan'ya at dinutdot yung dibdib n'ya. "I don't get it why you have to compare yourself with them, damn Namjoon you have everything! everyone's different did you know that? Ano naman kung hindi ka kasing bibo ni Hoseok, o may kasing taas na kunpyansa katulad ni jin, o sobrang gwapong ilong ni taehyung, o kahit sino pa mang pwede kang ipagkumpara. DAHIL PARA SAKIN KOMPLETo kana, iba iba naman tayo eh, we are unique in our very own way".
"Bakit meron ba silang gwapong dimple katulad mo huh? Kasing laki ng utak mo? At pwede ba, wag mong ikumpara ang sarili mo dahil hindi mo alam kung gaano mo ako napapasaya!" bulyaw ko dito.
"hindi mo ba nakikita o bulag ka lang? damn Namjoon,lahat kami masayang kasama ka. oo masaya akong kasama kayong pito o si hoseok pero Namjoon masaya akong kasama ka, masayang masaya!" napatigil kaming dalawa sa nasabi ko, habol habol ang hininga. naramdaman ko nalang ang mabilis na pagtibok ng puso ko, mukhang yung tibok ng puso ko ang naririnig ko.
Shit. I think I've said a lot.
nakita ko ang pagliwanag ng mukha ni Namjoon,napaiwas agad ako ng tingin sakan'ya dahil pakiramdam ko ay pulang pula na ang pisngi ko.
"tss. b-bahala ka nga d'yan kung gusto mong umalis, k-kung aalis ka umalis ka na". kunyari'y galit kong sabi sakan'ya pero ang totoo hindi ko mapigilang mahiya sa pinagsasabi ko, pero hayaan na tangina kahit may kahihiyan na naman akong nagawa ang mahalag nai-paliwanag ko sakan'ya ang sarili ko.
mas lalo akong nakaramdam ng hiya nang marinig ko yung paghagikhik n'ya, tangina tama na Namjoon hiyang hiya na nga ako oh!
shet!
inabala ko nalang ang sarili ko at napagdesisyunang ibalik yung mga nalagalag na libro. hindi ko mapigilang mataranta dahil ramdam ko 'yung malalagkit na titig ni Namjoon sa akin. tangines!
"fvck paparating si yoongi, magtago tayo!" bigla tuloy akong nataranta dahil sa biglang sinabi ni Namjoon, nalaglag ulit tuloy yung mga librong ibinabalik ko, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang nadulas ang paa ko at huli na para kumapit sa hagdan shet! malalaglag ako!
marahan kong pinikit ang mata ko at hinintay nalang na lang na malaglag ako sa sahig, ngunit matigas na dibdib ni Namjoon ang nabagsakan ko, rinig ko pa ang malakas na tibok ng dibdib nito ngayon.
"are you alright?" he asked full of concern in his eyes. I nod immediately and smiled at him.
mabilis akong tumayo at tinulungan s'yang makaupo. "ouch" he groaned as he touched his ankle.
hindi n'ya ito magalaw at mukhang masakit talaga, hindi kaya na-sprain ang paa n'ya?
"wait, tanggalin natin yung sapatos mo ah". malumanay kong sabi dito at dahan dahang tinanggal yung sapatos n'ya, tummabad sa akin ang namamaga n'yang bukung-bukong.
"masakit ba?". puno ng pag-aalala kong tanong sakan'ya. tumango lang ito sa akin, nagluluha nadin ang mata n'ya siguro dahil sa sakit.
"shet! kailangan na natin iyang magamot agad". kinuha ko yung panyo ko sa bulsa ko. "medyo masakit ito ah, tiisin mo lang". tumango naman ito at inumpisahan ko ng balutan yung ankle n'ya. ramdam ko parin yung titig sa akin ni namjoon, pero mas nangingibabaw sa akin yung kaba at takot dahil ako ang may kasalanan kaya s'ya na-sprain.
"hule kayong dala- oh anong nangyari kay Namjoon?" napatingin kaming dalawa kay yoongi na umupo sa tapat namin at tinignan ang paa nito.
"kailangan malunasan agad yung sugat n'ya, dalhin natin s'ya sa clinic". utos ko dito, tinulungan n'ya akong akayin si namjoon, pero bago iyon ay tinawagan muna n'ya ang lima para sabihin ang nangyari.
shet Joy, dahil sa ka-clumsy-han mo, napahamak tuloy si Namjoon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro