Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KNJC 13.5

And the sun shines again.... Pucha, mag-jo-jogging lang naman ako, pero bakit ako kinakabahan ng ganito?

Oo nga pala.... Dahil kasama ko lang namang mag-jogging ang nag-iisang Kim Namjoon. Pero bakit ganun?

Kailangan talagang kabahan gHoRL?

"Aish!" Sinabunutan ko ang sarili ko habang nakatingin sa salamin, mukhang okay naman na ang itsura ko eh. Aalis na ako dahil mag-a-alasais na ng umaga.

"Oh, tama na 'yan masyado ka ng maganda". Kilig na kilig si nanang ngayon habang hawak hawak yung sandok.

"Nanang, di mo na po kailangan sabihin 'yan dahil alam ko pong maganda ako HAHAHAHA- aray!" Lakas ng trip ni nanang, aga aga bigla ba naman akong pinalo ng sandok sa ulo? Yung tataa?!

Eh sumangayon lang naman ako sa sinabi n'ya eh! Nagsasabi lang ako ng totoo.

"Ikaw harot harot mong bata ka, dalian mo na. Masyado mong pinaghihintay yung manliligaw mo". Ay wow naman nanang, ilang beses ko bang sasabihing hindi ko nga manliligaw yung lalaking 'yon!

"Nang! Hindi ko nga manliligaw 'yon".protesta ko dito, pero parang bingi lang ito at nginitian lang ako ng nakakaloko.

"Aysus! D'yan naman naguumpisa iyan eh, sa m.u-m.u". Ay wow. M.u as in Magandang Umaga? O Malabong Usapan? O Masyadong Umaasa?

"Dalian mo na, patagal tagal, baka sa susunod n'yan ikaw na ang hahabol habol kay mr. dimple mo". What? Hahabol habol? Mr. dimple ko?

Jusko po! Kagabi pag-uwi ko'y kilig na kilig doon sa mga stuff toy na dala dala ko, sinabi pa nitong ipa-sale nalang namin 'yong stuff toy dahil sa dami.

Jusko si nanang, sinabi ko lang na gagawa kami ng dalgona at sabay magjo-jogging. m.u, manliligaw at mr. Dimple ko kaagad.

Hindi ba pwedeng friends? Or ka-close ko lang? Jusko, sobrang advance mag-isip!

Hindi na ako naka-angal pa dahil hinila na ako nito palabas ng bahay, ng sarili kong pamamahay.

"Dalian mo ah! Balitaan mo ko kung anong mangyayari sa date n'yo". Kilig na kilig na sabi ni nanang na may malawak na ngiti ngayon. Jusko po! Nag-upgrade na agad sa date.

Diba? Sobrang advance n'ya mag-isip?

Wala akong nagawa kundi magsimula ng tumakbo papuntang kanto ng street namin, doon kasi naghihintay si "mr. dimple-slash- joonie the crabs".

It's really weird because I'm nervous without even knowing the reason why, sanay naman akong mag-isang mag-jogging o pagtinginan ng iba, specially lalaki.

Pero ewan ko ba, ang weird, ang weird dahil kinakabahan ako at the same time nae-excite. I put my earphone and played the song "ride home by ben & ben", this song's relaxing and makes me calm.

Napatigil ako nang makarating na ako ng tuluyan sa kanto, pero tangina. Ang aga aga palang pero sobrang hot ng tignan ni Namjoon sa suot n'ya.

Jusko! Ganito ba talaga ang lalaking ito? Mahilig magpakita ng malalaki  n'yang braso? Tss. Pinagtitinginan tuloy s'ya ng mga babae, yung iba ay naghahagikhikan habang kilig na kilig kay namjoon na ngayon ay nakatingin lang sa malayo.

May suot suot itong salamin na mas lalong nakatulong para mas gumwapo pa s'ya sa paningin ko at mas mukhang naging matalino. Naka-pamulsa pa ito na tumulong lang din dahil sobrang hot, cool at gwapo na n'yang tignan ngayon.

Hindi s'ya yung cute at clumsy-ing tignan na joonie, s'ya ang namjoon na sobrang hot tignan sa simpleng damit lang.

Grabeng duality 'to!

Damn. Eto na naman yung weird kong t'yan, tangina! Parang may biglang kumikiliti sa loob ng t'yan ko habang taimtim s'yang pinagmamasdan sa malayo.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang mapadako sa akin ang tingin nito, tangina! Nakita n'ya akong titig na titig sakan'ya.

Kita ko sa peripheral view kong tinignan ako nito mula ulo hanggang paa, damn. Hindi ko tuloy mapigilang ma-conscious sa sarili ko at sa suot ko ngayon.

Kunot noo itong lumapit sa akin habang taas baba naman ang adams apple n'ya. Tangina.

"Why are you wearing like that?" His serious tone is ringing in my ear, I confusedly look at my outfit. What? Anong masama sa simple sports short at sports bra at jacket kong nakababa ang zipper?

"Why?" I heard him sighed while his forehead curve and his arms crossed in his chest.

"That" he pointed my sports bra. "What the hell are you thinking? Nasa public places ka, but you're dressing like that". Giit nito, halatang galit na galit at nagtitimpi lang. Jusko, eh eto naman talaga ang tipong sinusuot ko tuwing nagjo-jogging ako dahil dito ako komportable.

"Hindi ka dapat nagsusuot ng ganyan, lalo na kapag kasama ako. Tangina, tignan mo oh, lahat ng lalaki napapatingin sa'yo". Bahagya akong tumingin sa paligid ko, marami ngang lalaki ang nakatingin sa akin, lalo na sa suot ko. Pero wala naman akong nakikitang masama sa suot ko.

Nagulat ako nang pilitin n'yang i-zipper ang jacket ko para matakpan ang katawan ko, pero pinigilan ko ang kamay n'ya.

"Wala naman akong pake sa kanila eh, mag jogging nalang tayo". Nauna akong maglakad pero hinila ako nitong pabalik. Ang swerte ng kamay ko dahil lumanding ito sa dibdib ni Joonie.

Shet! Ang swerte ng kamay ko! In all fairness ang ganda ng dibdib nya ah.

"Tatakipan mo yan o tatakipan mo 'yan?". Biglang nagsitaasan ang balahibo ko nang marinig ko ang nakakatakot nitong boses, tangina naman oh. tsaka anong klaseng tanong 'yan, parehas lang naman ang pagpipilian.

Napalunok ako. Shet, susunod ba ako?

"Hays bakit ba ang tigas tigas ng ulo mo!". Bulyaw nito, hindi na ako nakakilos pa ng padabog nitong isinara ang zipper ng jacket ko.

"Don't you ever try wearing like this again, kung ayaw mong makipagsuntukan ako sa mga lalaking akala mong lulundag ang mata sa'yo". Gigil na dagdag nito, habang tinitignan din ng masama yung lalaking tumitingin sa akin sabay sabing- "you got problems with my girlfriend?"

Damn you kim namjoon!

"Eh, ano ba kasing masama dito. I have my own will to wear what I want". Inis ko ring sabi dito, bago pa s'ya dumating sa buhay ko nagagawa ko naman ang ganito, at wala s'yang karapatang pagbawalan ako sa mga gagawin ko.

Maliban nalang kung may mabigat s'yang dahilan.

He stroke his hands on his thick black hair. Making him more attractive. "Damn Elieza are you aware that you're so sexy looking like that?" That made me stop as my blood runs up to my cheeks.

Kasabay nun ang mabilis na pagtibok ng puso ko habang kitang kita ko ang pagpula ng tenga ni Joonie.

I heard him cursed. "Ugh. Let's go". He said as he started to run and leave me with my heart skipping a beat.

--
"I'm gonna do some Dalgona with love and with my love Elieza Joy". Paulit ulit na kanta nito habang nag-aayos kami ng ingredients ng dalgona.

Patalon talon pa nga ito at may pa-kembot pa ng pwet n'ya. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti sakan'ya, ang cute n'ya kasi tangina. Hindi ko mapigilan at matanggihan yung charm n'ya.

"Oh maghulusdili ka, baka mabasag mo 'yang favorite mug ko". Natatawang paalala ko dito na ngayon ay nagsasayaw.

Putangines ang cute mo joonie! Bakit ganito ka sa'kin?

"Yes my love!". He said then winked at me.

"Oh kanino itong sapatos na pang baby?". Takhang tanong ni nanang habang hawak hawak ang cute na baby shoes na may design na koala.

"Ay, sa akin po 'yan nanang. I mean sa future baby namin ni Joy". Naramdaman ko na naman ang pag-init ng buong paligid ko dahil sa sinabi nito, habang si joonie ay nakangiti lang ngayon.

Aish joonie, hindi ka talaga nabigong palaging papulahin ang pisngi ko! Tumalikod nalang ako sa dalawa dahil hindi ko maitago ang pamumula ng pisngi ko at ang lihim kong pag-ngiti. Tangines namjoon, ano bang ginagawa mo sa akin.

After we jogged, we headed at the mall, I told Namjoon that we can try looking at supermatket but he insist and pulled me inside the mall.

Shit! Akala ko sa sm market lang kami pupunta, mas nauna pa naming puntahan ang bookstore at department store! Jusko!

may binili itong limang libro sa book store bago kami dumiretso sa department store.

"Baby come here". Here we go again, he's calling me "baby" again! That thingy gives a weird tingly in my stomach.

At ilang beses ko bang sasabihing hindi n'ya ako baby. Ayoko ng ganung klaseng endearment!

"Wear this, it looks great on you". Nakangiting inabot nito sa akin ang isang red converse shoes, aayaw sana ako lalo na ng makita ko ang nakakalulang presyo nito. Pero hindi ako naka-hindi lalo na ng mag-sabi ito ng "please". With his puppy eyes and his dimple.

Damn wala akong nagawa, binilihan din ako nito ng bagong sports outfit, "para daw hindi ganitong klase ang isuot ko".

Tinanong ako nito kung saan ko gustong pumunta pa, at dahil naka-apat na s'yang tanong sinabi ko sakan'yang gusto kong bumili ng bagong case ng phone ko.

"Do you have anything you like to buy?" Nakangiting tanong nito sa akin pagkatapos bayaran ang Phone case na binili ko. I swear I tried to tell him that I'm the one who's going to pay for it, but he already gave his credit card to the cashier!

Jusko! Halagang 200 pesos lang naman, ayaw pang ipaubaya sa akin.

And then he told me this phrases-

"I told you, I'm going to give anything you want baby, just name it". Ugh! Nakakaines dahil pagkatapos n'yang sabihin iyan ay kinindatan pa n'ya ako, may bonus pang pa-bite lips at pasilip ng dimples n'ya.

kaya yung mga cashier at ibang babae doon ay ngiting ngiti tuloy  sa gagong ito. Excuse me? Hind n'yo ba nakitang ako ang kasama n'ya? Sarap n'yong sampalin ng malakas eh.

"Joonie, para kanino na naman iyang pang baby na sapatos? Hindi sa akin magkakasya 'yan!" Konti nalang talaga, masasapak ko na ang isang ito, hindi marunong magtipid!

Kung ano anong binibili, ganito ba talaga ang mga bilyonaryo? hindi pinag-iisipan yung mga bibilhin nila? O gastos lang ng gastos?

"Eh, hindi naman para sa'yo to eh". Eh? okay napahiya ako doon ah pero Kung ganoon para kanino?

"Na-cutan lang kasi ako sa design n'yang koala. I love koalas, A-atsaka narinig ko kasing sinabi mong ang cute nito kaya binili ko". Inosenteng sagot nito,  hinilot ko ang sintido ko dahil sumasakit ang ulo ko sa gastador na ito.

jusko Namjoon, konting tipid naman oh!

"Namjoon naman eh! Alam mo gusto na kitang kaltukan d'yan! jusko wala ka namang pag- gagamitan n'yan. Isipin mo muna na needs muna bago ang wants!". inis na  sabi ko dito, para kaming mag-asawang nagtatalo dahil kailangang budgetin ang pera.

Teka bakit sa mag-asawa ko pa ni-describe ?

Sandali itong nag-isip. Biglang sumilay ang pilyong ngiti nito. Ano na naman kayang naiisip n'ya ngayon? 

"Edi kung ganoon.... edi para sa future baby nalang natin ito". Para bang nabingi ako dahil sa sinabi n'ya dahil ang tanging malakas na pagkabog ng puso ko ang narinig ko at ang hagikhikan ng mga cashier ang naririnig ko.

Sabay sabing "ang cute naman ni sir gwapo". Eh kung lagyan ko ng tape yang mgabunganga n'yo? mga echosera!

Tangina eto na naman yung puso ko at ang pag-init ng pisngi ko, shet bakit ganito? It didn't sound creepy at all,

Ang totoo at hindi ko rin maintindihan, natuwa pa nga ako. Tangina. Ang weird! Kinikilig ba ako?


"Aysus! Plano kayo ng plano, tandaan n'yong hindi lahat ng plano ng mag-jowa natutuloy. Dapat kung magpaplano kayo, make sure na matutupad iyon". Eto na naman po tayo sa sinasabi ni nanang na magjowa. Hindi pa nga po kami mag-jowa okay? At ano pong  plano plano?, hindi ko nga ineexpect na bibili yan ng sapatos

Dahil gusto lang n'ya yung design!

"Nanang hindi ko pa nga po s'ya jowa!". Pagtatama ko kay Nanang at nagpapa-padyak sa ines dahil ilang beses ko na itong pinaulit ulit sakan'ya, pero paulit ulit din n'yang pinipilit.

Sige nanang magpaulit ulit tayo dito.

"Hindi "pa?" Sabay pang nagtanong ang dalawa na ikinatigil ko. Tanginang 'yan, bakit ba lagi kong nasasabi yung "pa".

Namjoon's eyes are sparkling. "So may pag-asa ako sa'yo?" Kilig na kilig na tanong nito bago takpan ang bibig na para bang nahihiya s'ya. Wow. Shy type?

Wala namjoon, wag ng umasa. Dahil una sa lahat kapag nasolusyunan ko na ang problema ko sa'yo at sa bracelet. alam kong mawawala din ang feelings mo para sa akin dahil hindi mo naman talaga ako mahal.

"Ikaw parin pala ang hanap hanap parapa". Napailing ako nang kumanta at nagduet pa nga ang dalawa na ngayon ay kinikiliti ang tagiliran ko.

"Sus, nag-break din naman yung kumanta n'yan eh". sabi ko sa mga ito, nagkatinginan ang dalawa sa hindi ko malamang dahilan pagkatapos noon ay muli na naman silang nang-asar.

"So ibig mong sabihin, ayaw mo nun kasi ayaw mong magbreak kayo ni Joonie the crabs mo? Yiee". What the? Wala naman akong sinabing ganun- wait a minute.... Paano nalaman ni nanang na "joonie the crabs" ang tawag ko kay joonie?

Hindi kaya.....

Hindi kaya binasa ni nanang yung journal ko? Jusko po! sinasabi ko na nga ba eh, dapat yung may lock nalang na notebook ang binili ko, para hindi n'ya mababasa.

Oo tama ang nabasa n'yo, wala namang masama sa pagjo-journal eh, its actually helping me to relax.

Doon ko nalalabas lahat ng sama ng loob ko, pati syempre yung tuwing kinikilig ako kay Jin. Harot ko tama na.

Tipid lang na ngumiti si joonie, pero kitang kita ko yung pag-ngiti, yung malaking ngiti sa mga mata n'ya. Paano ko nalaman? Eh nagii-spark eh.

"Hayaan mo, gagawan nalang kita ng tula". Namjoon shyly proclaimed and then rub his nape. I heard Nanang clap and shout loudly because of her happiness. I secretly smiled.

If that was true, he'll be the first guy, who'll ever wrote a poem for me.

And I can't wait for that.

"Woahh, ang ganda ng tunog oh". Ani namjoon, na nadistract sa tunog nung mug nung aksidente n'yang maiumpog. Tangina namjoon pag iyan talaga nabasag mo.

Manghang mangha ito sa mug ko at sa magandang tunog na nagawa nito nang iumpog n'ya sa isang kutsara. Para s'yang batang napaka-inosente, pag iyan talagang basong iyan nabasag jusko namjoon! Manipis lang-

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nakita ko nalang na nabasag ang favorite mug ko nang ihampas ba naman ito ng malakas sa kanto ng lamesa.

Tanginang-

Hinilot kong muli ang sintido ko habang hawak hawak parin at priceless ang reaksyon ni Namjoon sa basag na baso.

Sabi ko na nga ba eh hindi talaga maiiwasanag walang masisira dito si Namjoon.

Kamot ulo itong ngumiti sa akin. Pucha, bakit favorite mug ko pa?!

"sorry papalitan ko nalang ang mug mo" anito. dapat lang Namjoon, dapat lang!

ngumiti ito sa akin habang hinihimas ang batok n'ya. "pwede bang ako nalang ang kapalit?"

--

"Bye hoseok, by unnie!" Kumaway kaway si Dane sa amin kasama ang dabarkads n'ya palayo sa aming dalawa ni hoseok. 

Yes! Magkaklase kaming dalawa ni Hoseok, BS Psych din ang kinukuha n'ya.

And a big yes! Dahil kay hoseok, may bago narin ulit akong kaibigan. Si Dane.

Hindi ko alam, basta ang lakas ng kapit nitong kabayong ito. Parang s'ya ang clown ng buong klase. Nagkaroon ako ng panibagong kaibigan, pero syempre, ayoko namang ibigay ko yung buong tiwala ko kay Dane ng ganoon kabilis.

Pero habang tumatagal hindi ko namamalayang mas nagiging malapit na pala kami ni hoseok sa isa't-isa, kami halos ang magkasama dahil magka-group din kami sa thesis.

Napatingin ako kay hoseok nang pasimple n'yang ilagay ang kamay n'ya sa aking balikat. Sus! Chansing! Nanga-akbay na naman si hoseok.

"Saan mo gustong kumain?" Energetic na tanong nito habang ang mga mata n'ya ay nagni-ningning, at para s'yang batang excited.

Ang cute cute sarap ibulsa!

"Hmm". Sandali akong nag-isip pero ramdam ko ang nakakalusaw na titig nito sa akin habang naka-akbay parin.

"Kain tayong lomi d'yan sa may kanto!" Mas nag-ningning ang mga mata nito at mas lalong na-excite.

"Sige!" He exclaimed. Good thing that even this guy beside me is a Billionaire, he's still living in a very simple life. I'm so lucky to have him as my friend.

"Jung hoseok". Sabay kaming napatingin ni hobi kay Namjoon na ngayon ay kakarating lang, at masamang titig agad ang ibinigay sa akin nito kasabay ng padabog nitong tanggalin ang pagkaka- akbay ni hoseok sa akin.

"Alam mo ba yung batas na huwag makialam ng mga pagmamay-ari na ng iba?" Matatalim na mata ang sumalubong sa akin habang tinignan naman n'ya mula ulo hanggang paa si hoseok.

"Huh? Anong batas 'yon?" Cute na cute na nag-pout si hoseok habang kunyari ay nagi-isip. Gusto ko sanang matawa dahil sa ka-cute-an ni hobi, kaya lang isang kilos ko lang ay mukhang mamamatay agad ako sa titig ni Namjoon.

"Batas ko". Namjoon coldly said as he pull me towards him, aray naman joonie, dahan dahan lang, makahila wagas parang walang bukas.

Teka nga teka.... Sinasabi ba n'yang pagmamay-ati n'ya ako? Excuse me? Walang sino man ang nagma-may-ari sa akin.

"Popcorn bili kayo popcorn habang nanonood ng drama rama sa hapon". Nakuha nina taehyung ang atensyon ko na nakasilay ang pilyong ngiti. Andito na rin pala ang lima.

"Wow what a scene". Ani jungkook na kalong kalong si Jimin na tawa ng tawa ngayon.
Tawa ng tawa gusto na ata akong maging asawa nito eh?

Harot mo joy!

"Wag n'yong sabihing nag-aaway na naman kayong dalawa?". Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Jin. Nag-away ang dalawang ito? Kailan? Bakit?

"U-uhm. Tapos narin ang klase n'yo?" Pag-iiba ko ng tanong kay Namjoon na nakikipag staring contest parin kay hoseok.

"Ano sa tingin mo?" Ay wow. Ang sungit mo naman Mr. Dimple, para kay may buwanang dalaw.

"Sungit". Bulong ko, nakagat ko nalang ang sarili kong dila dahil sa tingin ko ay narinig ako ni Namjoon na masama na naman ang titig sa akin eh.

Ano ba kasing problema n'ya eh araw araw ko namang ine-explain na kaibigan ko naman si Hoseok. Hidi ko na nga alam kung bakit kailangan kong ipaliwanang ang sarili ko sakan'ya.

Pati sarili ko naguguluhan din.

"By the way one way lang sa highway. Hoseok my dear pinapatawag ka pala ni sir Estenor, about daw sa thesis n'yo". Ani Jin na busy sa pagkalikot ng pink n'yang bag.

"Sige, salamat hyung. Mahal na mahal talaga kita". Energetic na sabi ni hoseok at paulit ulit hinalikan ang leeg ngayon ni Jin.

Wow ang swerte ng leeg ni Jin.

Bumitaw na ako sa pagkakahawak ni Joonie sa aking kamay. "Teka sasama narin ako hoseok". I suggest.

"What!?" Ano ba joonie! Di mo kailangang sumigaw, lapit lapit lang natin eh.

Tapos 'yang noo mo, nakakunot na naman, lagi malang nakakunot. Asan na naman si joonie na cute at soft?

I heard everyone's laughing at namjoon while saying. "Kawawa iiwan din pala."

"E-eh kasi". Eto na naman ipapaliwanang ko na namn ang sarili ko. "Magka-group kami sa thesis, at ako ang leader, kaya Kailangan ko ding pumunta". Paliwanang ko dito na ikina-igting lang ng panga ni Namjoon.

Damn. Ang gwapo.

And he's doing his habit again. Where he bites the inside of his cheeks, looking at me really mad, and hot at the same time.

Damn.

"Tss. Ako na ang kakausap, sasabihin kong ipasa kayo". My eyes widened. Gago talaga 'to! Ayoko nga, ang unfair naman nun. Gusto ko pinaghihirapan ko yung isang bagay.

"Wow sana all, ako din hyung pasabi nga dun sa strict na prof ko". Natatawang sabi ni jimin. tawa to ng taaa, gusto na ba talaga n'yang magasawa? O gusto na nya akong mapangasawa?

Yiee nakakailan na ako ah.

"Manahimik ka liit ah, mag-aral ka ng mabuti!". Agad kong tinanggal ang ngiti ko nang tignan akong muli ni namjoon ng masama, nakakataa kasi yung sagot n'ya kay liit eh, masyadong triggered na triggered.

"Joonie kumalma ka nga". Natatawang sabi ko kay joonie, na ngumingiti ang mga mata. Sus! Hindi n'ya mapigilan tung ka-cute-an namin. Yieee ngingiti na 'yan.

"Sayo parin daw s'ya yiee". gago ka jungkook wala akong sinabing ganun.

"Gago wala akong sinabing ganun". Angal ko na ikinatawa lang ng anim habang si joonie ay pangiti ngiti lang,  Yun oh! ngumingiti na si joonie!

"Sige na, puntahan muna namin 'yon-". I was about to say goodbye but Namjoon held my hand and pulled me closer to him. Damn ang bango talaga n'ya. Nakaka akit yung pabango n'ya.

"Just make sure we'll going home together". He reminded. I don't even know why but I found myself smiling while nodding continuously on him. at namjoon who's smiling as well right now.

Nag-paalam na kami sa anim at sabay kaming naglakad ni Hobi papunta kay Sir Estenor, jusko sana hindi ito magtagal dahil gustong gusto ko ng umuwi at kumain.

"Kayo na ba talaga ni namjoon?" Gusto kong matawa sa tanong n'ya. Kung alam mo lang hoseok, kung alam mo lang ang tunay na nangyari.

"Hindi". Tipid kong sagot. "medyo kumplikado, basta ang hirap i-explain".

"Edi i-explain mo, makikinig ang sunshine na 'to". Kwelang sabi nito bago sumigaw ng weird at mag-sayaw ng kung ano ano. Tangina, sana all malambot ang katawan.

Nag-act normal lang ito nang may nakasalubong kaming ibang estudyante. Pero pagka-lagpas namin ay tsaka naman s'ya nag-sayaw ng "let's get loud". Syempre ako lang yung kumanta.

Para kaming mga tanga at baliw na nagsa-sasayaw sa empty corridor.

"Joy".

"Hmm".

I heard him laugh. "wala lang".

 Ewan ko sa'yo hobi, parang di ka nauubusan ng energy mangulit. Mabuti nga at tumigil na kami sa maayaw eh, nakakapagod din....Ay kumanta lang pala ako huehuehuehue.

"Joy". Kunot noo akong tumingin sakan'ya na ngayon ay nakatigil na sa paglalakad. Tangina naman hobi, may pa-bitin pang alam eh.

"Kung sasabihin mo lang na gwapo ka- alam ko-"



"I like you Elieza Joy".

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro